Chapter 14

84.4K 851 102
                                    

Kath's POV


Maaga akon gumising ngayon kasi excited na ako sa sasabihin ni Dan saakin. Nagpulbo ako at todo suklay sa buhok ko. Malay niyo diba? Sasabihin na niya saakin an mahal na niya ako.


"Anak! Ano ba! Kanina ka pa diyan! Baka ma late ka lang sa school mo."


Bumaba na ako para mag almusal. Pinag sabihan p akao ni mama na tigilan ko na ang kaka babad sa internet at palagi nalang akong nagigising ng matagal.


Pumunta pa ako sa bahay nina Dan at sinabi ng mama niya na wala na daw siya doon. Pinag kibit balikat ko nalang yon. Baka nasa school na? Baka nag hahanda? 


Malaki ang ngiti nong nakarating na ako sa school. Napansin ko na parang normal lang ang mga tao. Wala atang surprise. Umiling nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad.


Ano kaya ang sasabihin ni Dan saakin? Isususrprise niya ba ako? Hindi na talaga ako mapakali.


"Pst madam. Tulaley ka ata?" Napalingon ako sagilid ko at nakita ko si Kats na nakataas ang kilay saakin.


"Kats! Please lang wag mong sirain ang araw ko." Tukso ko sakanya.


Hinawakan niya ang dibdib nya kung nasaan ang puso niya at naganggap na nasasaktan.


"Ouch naman! Nakita mo lang ang mukha ko nasira ko kaagad ang araw mo? Grabe ka naman Kath." Natawa ako sa sinabi niya at umiling nalang. Umakyat na kami sa hagdan papuntang room.


"Pero di nga. Bakit ang laki laki ng ngiti mo? Good mood ka ata?" 


Kinagat ko ang labi ko.


"Kasi feeling ko magiging maganda ang araw ko ngayon eh. May sasabihin daw si Dan saakin." Mas lalo akong ngumiti nong naalala ko ang pag uusap namin kagabi.


Nag I love you siya saakin at hindi niya dinugtungan ng bestfriend yon!


Parang nasamid si Kats at bigla nalang umubo.


"Oh? Okay ka lang?" Huminto muna kami sa may fountain at uminom siya doon.


"Okay ka na?" Nilingon niya ako at napabuntong hininga siya.


"OKay lang. Sinabi niya ba sayo kung good ba or bad news ang sasabihin niya?" 


Napaisip ako sa sinabi ni Kats. Oo nga nuh? Hindi niya sinabi saakin kung good ba or bad yon. Medyo naibasan ang saya ko kanina.


Pero hindi eh, nakangiti siya nong sinabi niya saakin na may sasabihin siya. Kaya imposibleng bad news yon.


"Hindi niya nasabi eh. Pero feeling ko talaga na good news yong." Sagot ko sa tanong niya.

Bestfriend Ko... (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now