Chapter 2

111K 1.2K 108
                                    

Kath's POV

Natapos na ako sa mga morning rituals ko at tapos na din akong kumain. Pagka labas ko ng bahay lumabas din si Dan.

"Dan!" Tawag ko sa kanya.

Lumingon siya na may malaking ngiti sa mukha niya. Hay nakakainlove talaga.

"Oh! Goodmorning KC! Sabay na tayo!" Nag smile nalang ako at nag nod.

Pagkadating namin sa school ay nag hiwalay muna kami ng landas ni Dan, kanya kanyang barkada muna. Pumunta muna ako ng school garden kasi nag text sa'kin si Ella na nandun daw sila.

"Oh ano na girl?" Tanong ni Ella.

"Anong ano? Tanong ko pabalik.

"Yung status ninyu ni DJ?" Sabi naman ni Julia.

I just shrugged. Tumango nalang sila.

Basta kasi ginawa ko yun. Ibig sabihin ay wala pa rin pinag bago. Bestfriends pa rin kami. BESTFRIENDS, tsk.

"Alam mo dapat kumilos ka na, kasi baka dadating ang araw na magbabago ang lahat. Na minsan mo na siya makakasama. If you know what I mean." Ella

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya.

"I mean, Baka dadating ang araw na makakahanap na si Daniel ng you know ahmm type niya ligawan or maging girlfriend baka mag bago pa ang pakikitungo niya sayo pag di kapa umamin." Sabi ni Ella

Napaisip ako sa sinabi ni Ella. Yan ang kinakatakot ko. CHANGES. Ayoko sa lahat ay yung mag bago ang pakikitungo ng isang tao sa'kin. Kaya tama si Ella.

"Sabagay" Yan nalang ang nasagot ko.

"Wag niyo madaliin si Kath kung para sakanya hindi pa ito ang tamang time para umamin siya, edi hindi siya aamins. Dadating rin yun. At wag niyo sana siyang pangunahan sa mga desisyon niya. Kung meron mang type si Daniel edi type niya. Learn to understand Kath. Just ready yourself, paghandaan mo lang yang puso mo para hindi ka lang masaktan. Napaisip kami sa sinabi ni Yen.

Magsasalita pa sana si Julia ng...

~KRIIIIIIIIIIIIING~

Nag bell na.

"Tara na guys!" sabi ko sa kanila.

Pero bago pa kami umalis may sinabi sa akin si Bes, na mukhang kanina pa niya gustong sabihin.

"Basta bes kung ano man ang desisyon mo, susuportahan ka namin. At tsaka wag mo kalimutan ang sinabi ni Yen sayo, Paghandaan mo yang puso para hindi ka masasaktan sa huli." natulala ako sa sinabi ni Bes.

Di ko namalayan nandito na kami sa room.

Pagkaupo ko ay  may nagsalita.

"Psssst Madam tulaley!?" 

Nilingon ko yung nag salita at si Katsumi lang pala.

"Oy Kats ikaw pala yan." Ako.

"Ay hindi Kath. Multo 'to! Kaya matakot ka!" Pamimilosopo niya sa'kin.

"Tsk, wag ka nga!" 

"Ay sungit mo Madam T, meron ka ngayon?" 

Tinig ko lang siya ng masama tapos tumawa siya.

Bestfriend Ko... (Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now