Hearts Unlocked

By BlueRigel

58.5K 775 163

KILIG days are on your way. But how will you handle a storm of lies? Will you let go of the most honest thing... More

Prologue
Book 1 ------- Lock and Key -------
1 - Crazy
2 - Welcome
3 - Changing
4 - Awkward
!!-------------- ANNOUNCEMENT --------------!!
5 - At Home
6 - Answer My Question
7 - Talks and LRT
8 - Hang Out, Hung Up
9 - I See You, Care
10 - Sleep Well
11 - Pick You Up
12 - Will Miss You
13 - Unexpected Greetings
14 - In-Complete
15 - Heaven
16 - College Week
17 - Is That Your Final Answer?
Book 2 ------- Unlocked -------
18 - My Side
19 - Dates
21 - Surprises
22 - Brother's Gift
23 - London's Bridge
24 - Hearts Break
25 - Fear
26 - Masquerade
27 - D.A.S.
Book 3 ------- Hearts -------
28 - Just Us
29 - The Father's Side
30 - Mutual Feelings
31 - Have You Back
32 - Twisted Truths
33 - Catching Pains
34 - Team Permanent
35 - Runaway
36 - Reunion
37 - Love is Patient, Love is Kind
38 - Light And Dark
39 - Hearts Unlocked
40 - New Beginning
Epilogue
BlueRigel's Message

20 - Plan

872 14 6
By BlueRigel

Chapter 20

Plan

Ako ‘yung taong hindi nagpapahalaga sa mga petsa ng taon. Holiday ba ngayon, may pasok ba bukas, at iba pa. Maski nga birthday ko, nakakalimutan ko na rin minsan.

Ngayon, kinailangan ko pang magpuno ng important dates sa calendar ng S4 ko para hindi na maulit ang nangyari sa 1st monthsary namin ni Caroline. Tsk. Mabuti na lang at may pang-sync ito sa google calendar. Inilagay ko na doon ang inexport kong birthday events from facebook.

Hay technology, you are such a great help! Imbis na magtagal ako ng sampung oras sa pag-save ng , minuto lang ang itinigal nito. Automatic na may reminder one week ahead bawat birthday. Tapos two weeks, at one week at 2 days before sa monthsary namin ni Caroline.

Maliligo na sana ako ng biglang tumunog ang phone ko.

Caroline Reyes Birthday – April 5

WHAT?! Anong date na ba ngayon?? March 29.

Sa sobrang pagkataranta ko, doon pa ako sa kalendaryo tumingin at hindi sa hawak-hawak kong phone. Hayst! Bakit ba sunod-sunod? Naubos na ‘yung ipon ko mula sa mga gig namin. When it comes to her, ayaw na ayaw kong manggagaling ang pera kay dad. Tsk. Paano na ‘to?

Incoming Call – Mike

“Hello?”

“Bro! I miss you na grabe! Dito ka na nga lang kasi. Ang init-init diyan. Woops!! May Cee ka nga pala—“

“Anong problema mo?” Akala mo babae kung tumalak sa telepono. Nakakairita.

“Chil bro! Mababawasan gwapo points mo niyan.” Loko ‘to ah!

End Call.

Wala akong balak makipagbiruan sa kanya, ang laki-laki ng problema ko dito. Tsk. Tsk.

Incoming Call – Mike

Hays! Ang kulit. “Bakit mo naman ako binabaan? Dinudurog mo puso ko niyan eh. Oh my gosh…you’ve unlocked my heart!”

End Call.

Tss! Napanood niya siguro sa internet. Sa ngayon may eleven thousand views na ‘yung ginawa kong proposal kay Caroline sa Who Wants to be a Millionaire. Ako ata nagpataas ng ratings nila.

Nag-ring pa uli tang phone ko pero iniwan ko na ‘yun sa kama. Mas masarap damhin ang tulo ng tubig sa shower kaysa pakinggan ang pang-aasar niya. Sigurado, wala lang magawa ‘yun dun or nakainom. Pasalamat siya malayo siya sa akin kundi baka nabatukan ko na siya.

Tamang-tama lang ang temperatura ng tubig ngayon. Ni hindi ko na kailangan pang buksan ang heater.

Tunog pa rin nang tnog ang phone ko. Hayst! Kainis.

Pinatay ko muna ang shower at nagpunas ng katawan tsaka ko itinapis ang towel sa aking bewang.

“Ano ba kasi kuya?” Isang maling salita at papatayin ko ang phone ko.Subukan niya lang.

“Ikaw naman, hindi ka mabiro! Bawas-bawasan mo nga ‘yang pagka-maseryoso mo. Madali kang tatanda niyan.” 5… 4… Kapag hindi pa niya sasabihin ang agenda niya, ibababa ko na. 3… “Nakalimutan ko kasi ibigay sa’yo ang gift ni mom. Sorry ha! Nawala ko kasi ‘yung note niya.”

“Regalo ni mom?” Mula sa buhok ko, nararamdaman kong binabaybay ng patak ng tubig ang spinal cord ko sa may likuran ko, ganun din sa may abs ko.

“Oo. Sabi niya, ibigay ko sa’yo kapag twenty-one ka na. Bente uno ka naman na ‘di ba?” Oo nga pala, pati edad ko…itinago ko sa kanila – kay Caroline. “1-4-3-8,nandun sa master’s  bedroom ‘yung safe ni mom.”

Napatakbo ako papuntang kwarto nila mom. Nakikita ko ang safe na ‘yun tuwing nahihiga ako sa kama ni mom kapag namimiss ko siya.

Callended.

Naiwan ko pala si kuya sa kabilang linya.

1 New Message from Mike

Epal ka ah! Masyado kang na-excite pati kuya mo nakalimutan mo na. Tsk. Call me when you successfully opened it. Kung pera, pahinging balato ah! I love you bro! xx

From: Mike         Received: 11:42pm

Yuck! Parang bakla ang loko. Nakainom nga siguro ‘yun. Mabuti na lang at dalawa lang kaming magkapatid. Tama na sa akin ang isang may sayad na kuya.

Isang A4 envelope namay nakasulat na I love you Dominick. Inikot-ikot ko ang tali upang mabuksan. May umaalog sa loob. Pagkabukas ko, dumausos ang isang susi. Kotse na naman ba?

Hinila ko palabas ang hindi bababa sa limang papel. Nasa pinakaibabaw ang kulay berdeng papel. Sulat-kamay ito ni mom.

Binasa ko ang sulat niya na humihingi ng tawad dahil hindi man lang niya ito maibibigay sa akin ng personal. Ikinalulungkot niyang hindi niya makikita ang mga ngiti ko pagkaabot niya sa akin ng susi.

Naalala ko bigla ang malambot na kamay niya. Ang niyang laging  nakapusod, at ang ngiti niyang nakakapagpawala ng pagod ko, lahat ‘yun…namimiss ko na kaya ganoon na lamang ang pagkalungkot ng mga mata kong nakuha ko sa kulay-tsokolate niyang mga mata.

I miss you mom.

Parang sobrang laki ng regalo niya sa akin. Baka naman kay kuya dapat ito? Tinignan ko muli ang titulo at ilang beses kong ikinura ang aking mga mata sa pangalan ko. Akin nga. Nakapangalan sa akin ang isang beach resort sa Batangas.

Bumalik ako sa banyo ko at ipinagpatuloy ang pagligo. Binilisan ko na lang at nagbihis agad.

“Manang, may pupuntahan lang po ako. Baka gabihin na po ako!” Isinigaw ko na lang at naroon kasi siya sa kusina, nagluluto ng tanghalian.

“Aba, Dominick! Katatapos ko lang magluto. Kumain ka muna!” Sumagot din siya ng pasigaw, sapat lang para maranig ko bago pa ako makalabas ng pinto.

Kinailangan kong puntahan siya para magpaalam ng personal dahil kung hindi, paluluhurin niya akosa monggo pag-uwi ko. Mas strikto pa nga siya kay mom.

Sa edad kong ito, taon-taon nakakaranas pa rin ako ng mga pambatang parusa dahil kay Manang Cely. Kami lang dalawa ang nakatira sa bahay na ‘to kaya itinuring ko na rin siyang lola.

Mula sa likod, hinagkan ko siya at binigyan ng mabilis na halik sa kaliwang pisngi. “Hay! Huwag mo nga akong paandaran Dominick!” Nalanghap ko tuloy ang baby powder ng singkwenta anyos kong lola.

“Manang naman eh, promise kakain akosa labas at hindi magpapalipas ng gutom.”

“Sinigang na baboy ang ulam, hindi ba’t paborito mo ito? Tatakbuhan mo na lang basta-basta?” Naamoy ko nga at nangangasim na ako sa kagutuman.

“Naku naman, ngayon pa!” Tumatakbo ang oras, kailangan ko ng makaalis dito. “Save some f or me, I’ll have it for dinner, promise! I love you Manang!” Binigyan ko siya ng flying kiss tsaka ako tumakbo bago pa niya sabihin ang sermon niya. Baka mapakain pa ako dahil kokonsensyahin niya ako for sure.

Nakalabas na ako ng subdivision ng ma-realize kong hindi ko alam paano pumuntang Batanggas. Tsk. Tanga lang dre?

Calling kuya Dan.

Sagutin mo naman kuya. Sana alam mo papunta dun. Ang pagkakatanda ko doon ang province ng mama niya.

“Nick?” May naririnig akong pito sa background. “Time out muna ako.”

“Kuya!”

“Siguraduhin mong importante ‘yan—“

“Nasaan ka?”

“Nasa school, niyaya ako maglaro—“

“Alam mo pumunta ng Batanggas?”

“Oo, pwede ng dumaan sa STAR tollway para mabilis.”

“Diyan ka lang. I’m on my way.”

End call.

Mas tahimik si kuya Dan kaysa kay Matt. Bahala na, huwag sana akong madulas kung anong pakay ko sa Batanggas.

Habang naka-red light pa, napatitig ako sa envelop na ipinatong ko sa passenger seat. Tsk. Anong palusot ang sasabihin ko kay kuya?

Mom, why entrust me with a business? You know I never wanted to be in that field since I was twelve.

“We’re going to Batangas.”

“Sa lahat ng joke, ‘yan ang gusto kong magkatotoo.”

“Kuya, I’m serious. Ano nga ulit sabi mo kanina STAR tollway?”

Siyempre nakipagtalo pa siya dahil sino ba namang tao ang magyayayang magpunta sa malayong lugar ng tanghaling tapat at ng wala man lang abiso.

“Kailangan ba talagang ngayon agad?” Ipinaliwanag ko kay kuya na may resort akong pupuntahan at may inutos sa akin ang kuya ko.

“Oo eh, bigla siyang nag-call kanina and he needs the rates ASAP. Para sa work niya ata.” Tsk. Halata atang nagsisinungalaing ako. Sana hindi na lang niya mapansin kung bakit ako nabubulol.

“I see.” Total, may pagkaslow rin siya tulad ni Matt.

__ hours din ang biyahe and we’re here.

“Private resort naman ata ito. Sure ka bang ito ‘yung address?” Mabubuko ako ng ‘di oras. Hindi nga public resort ito. Lalong dumami ang tanong sa isip ko.

“May Wendy’s ba dito?”

“Kaya mo na ‘yan!” Umalis na ako palayo sa direksyon niya.

Kumatok ako sa gate ng rest house. Isang two-story na makalumang bahay, kamukha nung mga bahay sa Vigan. “Tao po??”

May nakita akong batang babae na sumilip sa bintana sa may taas bago ko narinig ang boses ng isang lalaki na nasa kwarenta na siguro. “Sino ‘yan?”

“Magandang hapon po!”

“Iho, ikaw ba si Dominick? Kahapon pa narito—“ Bakit niya ako kilala? Lumapit siya at ipinagbukas ako ng gate.

“Kilala niyo po ako—“

“Bulaga!” May unggoy na yumakap mula sa likod ko. “Hindi mo naman ako tinext I love you bro! Mang Jo naman, muntik na kayong madulas. Sabi ko secret lang eh.”

“Kadiri ka,” pumiglas ako sa pagkakayakap niya. “Akala ko ba next year ka na babalik?”

“Makulit si Mang Jo. sabi niya mumultuhin daw ako ni mommy kapag hindi ako ang nag-ikot sa’yo dito.”Ginulo niya ang buhok ni Mang Jo na parang kaedaran niya lang. Napangiti na lang ako dahil namiss ko rin ang kakulitan ni kuya.

“Tigilan mo nga si Mang Jo! Tss.” Kung anong kulit ni kuya, ako naman ang seryoso. Dumeretso na ako sa loob ng bahay. Kahit luma, kitang-kita na inaalagaan ang bahay na ito.

“Dito lumaki ang mommy niyo.” Sabi ni Mang Jo na parang kilalang-kilala niya si mom.

“She wants you to take care of it. No wonder why she didn’t hand it down to me.” Tumatawa pa siya nung sinabi niya ‘yun. Sabagay, wala naman siyang ginawa kundi ang magliwaliw sa buhay.

Inikot pa nila ako sa bahay. Napag-alaman kong si Mang Jo pala ang care taker. apo niya ‘yung batang nakita ko kanina. all around siya dito noon, family driver at hardinero ng pamilya Alcantara.

I wonder why mom never bragged about her family’s riches.

Matapos ikutin ang bahay, niyaya ako ni kuya na maglakad sa tabing-dagat. Mula noon lumisan si mommy, hindi na raw muling binuksan sa publiko ang resort na ito. Kahit private rentals, ibinilin niyang huwag muna hanggang sa mapunta ito sa pangalan ko at hayaan akong mag-decide.

Masyadong mapino ang kulay puting buhangin para saktan ako nito kaya hindi ako nagdalawang-isip na maglakad dito ng nakayapak.

“So, what’s your plan Nick?” Nawala ang makulit na aura niya.

“Hindi ako magtatagal ngayon, may kasama akong pumunta dito. It’s not yet time to let them know.”

“There you go again, I don’t completely understand why you don’t want to tell them who you really are as a whole. What’s wrong if malaman nilang anak ka ni—“ Wala akong balak marinig kaya pinutol ko na siya.

“I want a normal life, nahanap ko ‘yun sa kanila and I’m happy.” Nakakangiti ako ng walang effort kumpara sa sapilitang pagbibigay ko ng plastic na ngiti sa harap ng media. I don’t need to compute six-digit numbers, I deal with algorithms and program codes. “I always feel at home even when I’m not at home.”

“Ang sa akin lang naman…they will leave you if they don’t want you. They will stay if they want to. Worst is they’ll stay but care all about the money you have.” I know and I’m scared to lose them – especially Caroline.

1 New Message from kuya Dan

Pabalik na ako. Buti may Wendy’s sa bayan.

From: Mike         Received: 11:42pm

Tsk. Wala pa rin akong maisip na palusot. Napansin ata ni kuya, “that face. Need help from the prince of lies?”

Hihingi sana ako ng tulong sa kanya nang maisip kong… “This is all mine, right?” Umikot at inextend ko ang aking mga kamay sabay ngiti sa three-hectares beach resort na nasa ilalim na ng pangalan ko ngayon. “And I can do anything I want with it, right?”

“Yap,anything you want. Preserve it this way or open it to the public again.” Tsaka ko na pag-iisipan ‘yun, iba ang naiisip ko ngayon kaya ganito na lang ang saya ko. Instant remedy to my problem early this morning.

Pabalik na kami sa bahay, natatanaw ko si Mang Jo sa bakuran. “Sakto lang ang balik niyo! Magmeryenda muna kayo mga iho.” Pasigaw na pag-aaya niya sa amin.

Kung hindi pa ako lumapit sa kanya para magpasalamat, hindi ko mapapansing pareho kami ng hugis ng mata. akala ko bakas lamang ng edad ang dumadaya sa kaunting singkit sa mga mata niya. “Mukhang may namana kayong kaunting singkit sa mga intsik?”

“Wala iho. Sa yumaong ama ko namana ang mapupungay kong mata.” Nagtawanan kaming tatlo.

“I also got mine from our dad.”

“Ganun talaga siguro kapag lahi ng magagandang lalaki. Tignan mo si Michael, mas singkit pa nga sa’yo.” Hindi pa rin humihinto sa sarili niyang joke si Mang Jo.

Binigyan ko siya ng maginoong yakap at kinamayan. “Nice to meet you po Mang Jo. Baka next week bumalik po ako. Saduang nagmamadali po akong umuwi ngayon.”

Nagpaalam na rin ako kay kuya at sinabi kong tatawagan ko na lang siya. Narinig ko na kasi ang makina ng kotse ko. Andyan na si kuya Dan. Hindi niya na kailangan pang makilala sila.

Bumaba pa si kuya Dan para ibigay sa akin ang pwesto sa driver seat at sumakay siya sa passenger seat. Dumungaw ako at sinabing siya na ang mag-drive at kakainin ko ‘yung pinabili niya. Gutom na gutom na talaga ako, nalipasan na ako ng gutom.

Lumabas ulit siya at pumwesto na para mag-drive.

Sa sobrang excitement, mabilis kong naubos ang hamburger at fries.

Calling Matt.

Ni-loud speaker ko para marinig na rin ni kuya at isang explanation na lang. “Matt, may naka-sched ba sa bar next week? Birthday ni Cee sa asingko, that’s a Friday. Let’s have a gig for her on Tuesday.”

Ipinaliwanag kong palalabasin naming hindi ako available sa mismong birthday niya kaya mag-cecelebrate kami before I go out of town. The real surprise is, susunduin ko siya the following day and then, “we’ll be spending Wednesday until Friday afternoon in a beach resort here in Batangas.”

Siyempre akin ang moment from Wednesday noon to sunset tsaka dadating ang PF to surprise her. I want to make sure her parents won’t worry about her being alone with me. And siyempre siya rin, I want her to always feel comfortable by my side.

The plan is already set. Napapayag ko na ang buong PF sa mangyayari. All I need now is her parent’s blessing para payagan ako sa perfect birthday surprise ko sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

3.2M 159K 54
[RFYL book 2] When the enemy is close behind, you need to run as fast as you can. RUN AS FAST AS YOU CAN Written by: SHINICHILAAAABS Genre: Science F...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
5.9M 273K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
7.9M 478K 46
[PUBLISHED UNDER LIB] #3. "If I won't have you then might as well kill me, attorney."