Hearts Unlocked

By BlueRigel

58.5K 775 163

KILIG days are on your way. But how will you handle a storm of lies? Will you let go of the most honest thing... More

Prologue
Book 1 ------- Lock and Key -------
1 - Crazy
2 - Welcome
3 - Changing
4 - Awkward
!!-------------- ANNOUNCEMENT --------------!!
5 - At Home
6 - Answer My Question
7 - Talks and LRT
8 - Hang Out, Hung Up
9 - I See You, Care
10 - Sleep Well
11 - Pick You Up
12 - Will Miss You
13 - Unexpected Greetings
14 - In-Complete
15 - Heaven
16 - College Week
17 - Is That Your Final Answer?
Book 2 ------- Unlocked -------
19 - Dates
20 - Plan
21 - Surprises
22 - Brother's Gift
23 - London's Bridge
24 - Hearts Break
25 - Fear
26 - Masquerade
27 - D.A.S.
Book 3 ------- Hearts -------
28 - Just Us
29 - The Father's Side
30 - Mutual Feelings
31 - Have You Back
32 - Twisted Truths
33 - Catching Pains
34 - Team Permanent
35 - Runaway
36 - Reunion
37 - Love is Patient, Love is Kind
38 - Light And Dark
39 - Hearts Unlocked
40 - New Beginning
Epilogue
BlueRigel's Message

18 - My Side

945 16 5
By BlueRigel

Chapter 18

My Side

Lakad ako nang lakad, hindi ako mapakali. Panay ang tulo ng pawis ko sa bandang noo ko. Kahit pa napakalaki ng kaba ko, naeexcite pa rin ako. Matagal ko ring hinintay ang pagkakataong ito.

“Hoy Nick! Para kang bulateng inasnan ah, hindi ka mapakali diyan. Sayang porma mo.” I’m wearing my greyish blue long sleeve roll tab shirt na may dalawang chest pockets. Sakto lang ang pagkaka-fit sa akin, nasa siko ko lang ang manggas since tiniklop ko para hindi naman sobrang pormal ang dating. And then dark navy straight leg fit na jeans. I am so into clothes but I’m definitely straight. Gusto ko lang laging neat ako tignan ng tao.

“Chill ka lang! Baka makalimutan mo ‘yung lyrics mamaya. Ikaw, bahala ka. Nakakahiya, on Philippine TV pa. Bakit ba kasi eto pa ang naisip mong pakulo? Taas ng confidence mo pre.” Gusto ko lang naman na malaman ng maraming tao kung gaano ko siya kamahal. Ang babaeng nagpahinto ng mundo ko sa isang iglap.

Sa mga mata ko, siya na ang pinakamaningning na bituin sa langit o isang mabango’t magandang bulaklak na hindi mo matatanggihang langhapin ang bawat kagandahan ng kanyang pagkatao. Mula sa ugali, talino, at ganda, wala ka ng hahanapin pang iba.

Perpekto siya sa mga mata ko kahit pa sabihin nilang walang taong perpekto. Para sa akin, isa siyang anghel na tinanggalan ng pakpak upang magkasalang mapaibig ko.

“Nick, ready ka na?” Bukod kay Matt, nakita ko na ring sumesenyas ang stage director malapit sa stage.

“Game,” nakangiting kinakabahan na sagot ko sa kanya. Lumapit ako dun sa babaeng nasa may gawing kaliwa nung bouncer. Iniabot niya sa akin ang mic, kinuha ko at nag-thank you rin ako. Hawak-hawak ng kanang kamay ko ang mic at inilagay ko sa aking kaliwang dibdib tsaka ako huminga ng malalim.

Pumwesto sa gilid si Matt, sinimulan niya ng istrum ang kulay maroon niyang acoustic guitar. Hindi muna ako mag-gigitara ngayon para hindi masyadong hassle mamaya pagkatapos kong kumanta. Unti-unti na akong naglalakad at sinimulan ko na rin ang pagkanta.

Hindi na ako nakapili ng perfect song dahil biglaan lang ito. Mga isang buwan ko na rin kasi itong ipinakiusap sa ninong ko na may koneksyon sa show na ito. Bigla na lang tumawag ang secretary niya sa akin nung Miyerkules kaya pati ang kanta ko ngayon halatang pinilit na imash-up. Wala na rin kasing oras para makapagpa-mix pa ako ng music. Mabuti nga at sobrang galing mag-gitara nitong si Matt kaya nagawan ng paraan sa transition ng bawat kanta.

Katatapos ko lang sa first stanza, “Little Things” which made me realize what kind of future I’ll have with her. “Fall” naman ang second stanza at susundan ko ng kaunting “Nasa iyo na ang lahat.” English, tapos Tagalog, medyo baduy. Sana hindi siya mabaduyan, alam ko namang western at KPOP ang music na hilig niya. Wala kasi akong alam na KPOP at ayoko namang bubulol-bulol ang kanta ko sa moment na ito.

Ang ganda niya talaga. Kung kaya ko lang huwag ng ikurap ang aking mga mata, hahayaan ko lang itong tumitig sa nag-iisang babaeng nagmamay-ari ng puso ko.   

Mabuti at napilit siyang pasuotin ni Kate ng dress. Kasama ko si Kate nung binili ko ang dress na ‘yun. Siya ang pinamili ko since wala akong alam sa fashion ng mga babae.

Nung una ayaw ko pa kasi masyadong maikli. Never pa naming nakitang nagsuot ng ganyan si Caroline. Sa pictures ng mga special occasion ko lang siya nakitang nag-dress. Mas maganda pala kapag sa personal. Well, si Caroline ‘yan, kahit ano pang suotin niya she’ll be perfect.

Ilang beses ko na rin nahawakan ang mabango at malambot niyang dark brown curvy hair. Inilugay niya iyon ngayon kaya tumatama sa namumula niyang pisngi. Kailangan kong pigilan kiligin,  baka tawagin na naman niya akong Mr. Pink Cheeks.

Ipinagpatuloy ko pa ang kanta, “Truly, Madly, Deeply” tsaka ko tatapusin ng “Fade Into Me.” Pinili ko lang iyong mga lyrics na talagang may kahulugan sa akin at sa kanya. Mukha namang nagustuhan niya dahil may ngiti sa maaliwalas at kinikilig niyang mukha.

Natapos rin ang kanta. Gagawin ko na iyong tatlumpung beses kong pinraktis sa harap ng salamin kanina at kahapon.

“Miss Caroline Reyes,” I’m down with my one knee. Sana hindi korni ang dating ko. Nakakahiya, pero para sa kanya, isinasantabi ko ang salitang iyon. Handa akong gawin lahat ng kahihiyan sa mundo mapasagot ko lang siya ng oo, twice – ngayon at sa kasal namin.

Dinukot ko sa back pocket ng jeans ko ang box ng kuwintas na nabili ko noong napadaan ako sa isang jewelry store sa London nung Christmas break. “You’ve unlocked my heart,” at sa tamang panahon, makikilala mo rin ako ng buong-buo. Hindi pa lang talaga ako handa ngayon, sorry.

“I’ll let it be yours until the last beat of my heart.” Totoo ‘yun, kahit pa kung sakaling hindi mo tanggapin ang tunay na ako, ikaw at ikaw lang ang mamahalin ko Caroline Reyes. Hindi na ako hahanap pa ng iba dahil wala babaeng maihahalintulad sa iyo.

Sana….sana….sana hayaan mo akong mahalin ka. “Miss Caroline Reyes, will you be my girlfriend?” Pangako, unti-unti kong ipapakilala sa iyo si Dominick Alcantara.

Sa pagtitig ko sa mga mata niya, kahit papaano, parang ayaw ko pang sagutin niya ako ngayon kahit gustong-gusto ko rin siyang mag-oo. Sa mga inosenteng mata niya, marami pa siyang hindi nalalaman.

Si Nick pa lang ang nakikilala niya, kalahati pa lang ni Dominick. Si Nick na ang bagong Dominick, si Dominick na iniwan ko sa London.

Ang kaharap mo ngayon ay ang tunay na ‘ako,’ nagmamahal at magmamahal sa’yo hanggang sa huling pagtibok ng puso ko. Isa nga lang talaga akong malaking duwag para hindi agad ikuwento sa’yo ang nakaraan ko.

“Yes,” hindi ako makapagsalita at makagalaw sa pagkakaluhod ko dahil deep inside nag-dadance revo na ang puso ko sa pagkakarinig ko sa matamis niyang oo.

“Is that your final answer?” Agad na itinanong ni bossing, medyo nasa script since Valentine episode nila ito.

Sumagot naman si Caroline kaya tumayo na ako. “Yes, final answer. YES.” Tinanggal ko sa lalagyan ang kuwintas at pumunta sa likod niya. Itinaas naman niya ang buhok niya na halos dumampi na sa ilong ko.

Ayan at naisuot ko na, “bagay sa’yo.” I mean….ang ganda sa’yo! Actually ‘yung pendant na lock and key talaga ang nakaagaw ng atensyon ko nang makita ko ‘yan. Tama nga, “mas maganda ang kuwintas kapag maganda rin ang nagsusuot.”

“Salamat Nick.”

“Mahal kita Caroline.”

Ngayon ko lang siya sinabihan nun. Dati puro “I love you” lang ako, pero ngayong girlfriend ko na siya….involve na kaming dalawa sa ‘kita.’

Simula ngayon, love story na naming dalawa ang mabubuo…

Matapos ang successful proposal ko, ipinagpatuloy namin ang panonood. Medyo awkward nga lang dahil tahimik lang kami imbis na makausap ko sana si Caroline. Tsk. Mga dalawampung minuto rin nagtagal ang dead air na pumaligid sa amin.

Hindi na namin hinanap ‘yung pekeng kakilala ni Matt at hindi naman nahalata ni Caroline. Tss. Gustong-gusto ko talaga siyang tawaging Cee. Kaya nga selos na selos ako nun kay Daryl. Kainis.

Maaga pa pero nagpaalam na ‘yung tatlo. Kinausap ko kasi sila kanina, binigyan ko na lang sila ng pangsine masolo ko lang siya ngayon. Ito namang mukha ni Caroline, akala mo naman iniwan siya ng magulang niya sa gitna ng mall. “Psst. Uy!” Haaaay ano ba naman, hindi ko alam kung anong sasabihin!

“Anong uy ka diyan?” Kahit ano pang ekspresyon ng mukha niya, parang lalo akong nahuhulog sa kanya sa bawat minutong pagtitig ko sa kanya. Kaya minsan lang ako tumingin nang matagal sa kanya eh. “Huy, kausap kita!”

“Saan mo gusto kumain?” Hindi ba masyadong lamunero ang dating nung tanong ko? Ano ba? Haaay, bakit ba ganito…mas nahihirapan akong magsalita sa harap niya kapag kami lang.

“Medyo gusto ko ng umu–“ masyado sigurong halata ang pagsimangot ko. Bakit naman kasi uuwi siya agad. Haaaay! “Kahit saan, treat mo naman ‘di ba?”

“Siyempre!” Papara na sana siya ng jeep ngunit ibinaba ko ang kamay niyang nakataas na. Huminto pa tuloy ‘yung jeep. Tsk. Umiling na lang ako sa driver, senyales na hindi kami sasakay.

“Bakit ba?” Pwede ko naman na siguro hawakan siya ngayon nang hindi nagpapaalam ‘di ba? Girlfriend ko naman na siya ‘di ba? ‘Di ba?

“Hindi mo pa nga alam kung saan tayo pupunta, papara ka kaagad ng jeep. Tsk.” Mula sa pagkakahawak ko sa braso niya, “malaman,” ibinaba ko ang kamay ko para abutin ang kanang kamay niya.

“Tssss! Anong malaman!” Bibitiwan na sana niya ang kamay ko pero hinigpitan ko kaya nanahimik siya at umiwas ng tingin.

Ang totoo, inaasar ko lang siya para may masabi ako. Hindi naman siya payat pero hindi naman siya sobrang taba. Chubby is the right word. Mas gusto ko nga ‘yun kesa naman matusok ako ng buto niya. Ganun siguro si Xian Lim kay Kim Chui?

“Joke lang.” Ngumiti ako at napangiti na rin siya. Nakakatunaw, haaaay. Hanggang ngayon, hindi ko akalaing girlfriend na kita Caroline.

Lumakad-lakad pa kami. Natatanaw ko na. “Magtataxi na naman ba tayo?” Taxi nga pala ang sinakyan namin nung first time naming kumain sa labas ng kaming dalawa lang.

“Nope,” tonight is very special para magtaxi lang tayo. Everything about you is special, I’ll treat you even more special.

May dinukot ako sa front pocket ko at pinindot ko na. Narinig kong tumunog at nakita kong umilaw na ang kotse. “Don’t tell me…” Yes, Caroline, diyan tayo sasakay.

“Sa kuya ko ‘yan.” Black Toyota Corolla Altis, laruan ni kuya kapag napapauwi na lang siya bigla dito sa Pilipinas. Kung sa presyo, tricycle lang iyan compared sa mga kotse niya sa London. Tsk. Kaya sigurado akong hindi na niya pinag-isipan pang iregalo sa akin ‘to.

“Wow. Ang yaman niyo pala.” Ang tono niya, parang malumay. Para siyang nadisappoint o nalungkot na hindi ko mabasa sa mukha niya kung ano talaga ang reaksyon niya. Ito ang ikinakatakot ko eh. Ayaw kong magbago ang tingin niya sa akin once malaman niya na ang totoo.

Bigla namang nagliwanag ang mukha niya, “marunong ka mag-drive? May lisensya ka na ba?” Actually, birthday gift na sa akin ni kuya ‘yan but I had to tell another lie na sa kanya pa rin ‘yan. I turned 18 last Valentine’s day so he left me with this car.

“Oo naman may lisensya na ako. Since I was 15 marunong na ako mag-drive, si kuya na rin ang nagturo sa akin.” I’ll never forget na tumagal kami ng one week sa atras-abante lang. Tsk.

“Eh 17 ka pa lang ah! Hindi ba 18 pa ang lisensya?” Pagtataka niya.

“May student permit naman pagtungtong ng 16. Then non-professional license ng 17. Then I got my professional license nung nag-eighteen ako last Thursday. Sorr–“ Bago pa man ako makahingi ng tawad, binigyan niya ako ng mabilis na…………….beso ba ‘yun o halik sa pisngi? Para naman akong naging bato sa pagkakatayo habang yakap-yakap niya ako. Ano ba Nick? Itaas mo na rin ang kamay mo, hug back! Parang mas gusto ko na lang siyang ipagbukas ng pinto ng kotse pero hindi ko maabot sa likuran niya kaya ibinaling ko na lang ang mga braso ko sa pagyakap din sa kanya.

“Happy birthday Nick! Sorry, hindi ko alam na birthday mo.” At umalis siya sa pagkakayakap niya. “Kaya pala hindi ka pumasok. I’m so sorrrrrry!” Tsk. Bakit ba siya nagsosorry? Ako nga itong dapat humingi ng sorry dahil hindi ko sinabi sa kanila na birthday ko nun. Nabatukan pa nga ako ni Matt nung inabot ko ‘yung pang-treat ko sa kanila ngayon. Tsk.

“Tss. Wag ka ngang mag-sorry! I spent my day with kuya kasi umalis na siya the day after.” Ugh, paano ko ba sisimulan ‘yung sasabihin ko…ayaw ko na siyang magsalita pa kaya bago pa niya ihanda ang unang salitang sasabihin niya, inilagay ko ang hintuturo ko sa mga labi niyang nababalutan ng lip balm. Kung alam lang niya kung gaano ko siya gustong halikan tuwing napapatingin ako sa mga labi niya. Tsk. “Sorry. Alam kong special ang Valentine’s day at wala man lang akong naihanda.”

Tinanggal niya ang daliri ko at siya naman ang naglagay ng daliri niya sa labi ko kaya nanlaki ang mga mata ko. Kagatin ko ‘to eh! “Ano ka ba? Para kang baliw.” Baliw naman talaga ako, baliw na baliw sa’yo. “Wala ‘yun, nakabawi ka na nga kanina eh. Ang ganda nitong kuwintas na binigay mo, lalo na ‘yung pendant.” Lalo na ‘yung nagsusuot.

Iniunat ko pa ang kanang braso ko at ipinatong sa kotse. Aalis na sana siya pero ihinarang ko naman ang kaliwang braso ko, cornered na siya. Tinitigan ko siya sa nag-gagandahang mata niya, “I love you Caroline.” Hayan at napalunok na naman siya. Ang cute niya talaga kapag kinikilig, lulunok o kaya manlalaki ang mga mata niya. Gusto man kitang halikan ngayon pero hindi ito ang perpektong oras para sa first kiss mo. Mga dalawang segundo rin dumampi ang aking mga labi sa kanyang noo. Naamoy ko na naman ang napakabangong buhok niya.

“Tara na nga, nilalanghap mo na ‘yung noo ko!” Gusto ko ng tumawa pero ngumiti na lang ako sabay ng pagtalikod niya at bubuksan na sana ang pinto.

“Let me.” Hindi ko hahayaang siya ang magbukas ng kotse lalo na’t kotse ko pa ‘to at unang sakay niya pa. Lumakad lang ako ng may onting bilis paikot sa may harap ng kotse.

Hinawakan ko na ang doorknob pero bago ko pa man buksan, tumingala ako sa langit, napangiti at sinabing “Thank You Lord, I got the girl!”

Nakaharap ang kotse sa kalsada kaya madali ko lang itong mailalabas mula sa parking lot na ito.

“Masyadong mahaba ‘yung Caroline.” Sabi niya habang nakatingin sa labas ng bintana.

“Ganun ba?” Binanggit niyang never ko pa siyang tinawag na ‘Cee.’ Pati pala siya napansin ‘yun. Ayaw ko naman kasing tawagin siya ng ganun na walang permission niya. May mga tao kasing ganun, ayaw magpapatawag sa nickname. Gusto nila, pamilya or best friend lang nila ang tatawag sa kanila ng ganun.

“Okay na ‘yung Cee.” Yeheees! Sa wakas!

“Okay Cee!”

Medyo dead air at nasa stop light pa kami. “I love your dress, bagay pala sa’yo ang mag-dress. Mas maganda sa paningin kapag sa personal kumpara sa pictures lang.”

“Tss. Pinilit nga lang ako ni Kate para raw maganda sa picture kapag nag-picture kami ni bossing.” Hindi ko na napigilang tumawa. “Bakit ka tumatawa?!”

Sabi ko na nga ba, pinilit lang siya ni Kate eh. “Bossing na pala tawag sa akin ngayon ni Kate?”

“Ha!? Ibig mong sabihin ikaw ang…” Mukhang na-gets naman niya agad na ako ang nagpasuot sa kanya nun. “Nakakainis ka!” Natahimik siya at kumunot ang noo. Green light for go.

“Si Kate ang namili kaya it looks perfect on you. Kung ako siguro ang namili baka nagmukha kang lola.” Nagawa ko pa siyang asarin eh naiinis na nga siya. Haha. Ang sarap tumawa kahit sa isip lang.

“Ikaw bumili nito?!!” Humarap na siya sa akin at parang imbestigador na. “Ang mahal kaya ng brand na ‘to! Sira ka talaga. Hindi mo naman kailangang–”

“Consider it as a gift. Ilang kwek-kwek din ang hindi ko nakain kakaipon diyan noh. Kaya magagalit ako kapag nagsalita ka pa ng kung anu-ano diyan.” Hindi na siya nagsalita pa pero nakita kong napangiti ko siya dun sa kwek-kwek. “We’re here.”

Ang maging palabiro ay isa sa mga kahinaan ko. Pero para sa kanya, lahat ng pinakamababaw na joke handa akong sabihin…mapangiti lang siya. I’ll make sure she’ll always feel happy and loved at my side.

Continue Reading

You'll Also Like

335K 23K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
83.7K 5.4K 15
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
625K 39.1K 58
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]