She Who Dares Wins

By deymkewlkiddo

453K 9.7K 986

Guns on their heads Each trigger waiting to be pulled Tears on their cheeks Drop them, if only they could ... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30

Chapter 23

13.8K 329 61
By deymkewlkiddo


Chapter 23: The Choices

"Bei, what is this? Anong meron?" I asked. Pumasok kami sa isang room kung saan meron nang naka-set up na table. May mga bulaklak pa nga eh. And may dalawa pang may hawak na violin. Idk...

"Breakfast! I'm sure di ka pa kumakain. At saka lately, di talaga tayo nagkakasama. Hindi tayo nagkikita masyado dahil busy tayo pareho sa foundation. Tapos nitong weekend, di man lang kita nakita around. Pambawi lang." Sagot naman ni Bea na may kasama pang ngiti.

"I mean, we could eat breakfast naman eh. But with violinists and flowers? Seriously?"

"Don't you like it? Gusto ko lang everything's special pagdating sa'yo. Mamaya mo na ako awayin. Kain na muna tayo. I'm freaking hungry!" Sabi niya at saka hinila ako papunta sa may table. Again, hindi na naman ako makatanggi.

Pinaghila niya ako ng upuan at saka pinaupo bago siya umupo sa harapan ko. Nagstart namang tumugtog yung mga nasa gilid namin. (Play the media. Thanks :))

"So, how are you? Bakit hindi ka man lang lumabas sa mga rest days natin? I want to check up on you kaso medyo naging busy din ako sa training for the frat war at the end of this week." Tanong ni Bea.

"Uhm ayoko lang," matipid namang sagot ni Den. Parang ang awkward naman daw kung sasabihin niya sa harap ni Bea na si Ly yung rason dahil akala niya pinaasa niya lang ito.

"Actually, susunduin sana kita sa dorm niyo pero nakasalubong ko yung roommates mo and ate Gretch. Sabi nila hindi ka daw papasok. Buti na lang nakasalubong din kita. Bakit ayaw mo pala pumasok? Kung nagkataon, okay lang din dahil free cut naman lahat ngayon." Bea said.

"Nakakatamad lang kasi." Sabi na lang ni Den at nagpatuloy na lang sa pagkain habang nagkukwento si Bea sa mga ginawa niya last week.

Nang matapos na silang kumain. Huminto na rin sa pagtugtog ng violin ang dalawa nilang kasama sa loob ng room. Lumabas na sila pagkatapos at si Bea at Den na lang ang natira sa loob. Tumayo si Bea at lumuhod sa garap ni Den. Napakunot noo naman si Den.

"Yeah, this is weird. This is really weird for me dahil unang beses ko pa lang gagawin 'to...Den, you were that strong girl na unang nagstand up against sa inaakala mong "bully group" namin nila ate Ly. From the start pa lang, I really like such courage. Kahit kay ate Ly takot ako. Hahaha. Ikaw yung kauna-unahang tao na nakita kong matapang na hinarap siya. Kaya umpisa nun, nagustuhan na talaga kita. Kaso mukhang hindi mo ata ako napansin nun. Uhmmm, may aaminin ako sa'yo. Sinundan kita, mga ilang beses na. And bawat pagsunod ko sa'yo---"

"Bei, stand up, please. You could talk to me naman without kneeling in front of me eh." Pagsingit ni Den sa mga sinasabi ni Bea. She needs to stop her dahil parang alam na ni Den kung saan 'to papunta.

"Wait lang. Di pa ako tapos." Bea said naman.

"Please? Just sit there or what. Wag ganito." Sabi naman ni Den.

"Just let me finish this, okay. Ooops, ako muna magsasalita." Sabi naman ni Bea.

"Where was I? Right! Yun nga...bawat pagsunod ko sa'yo, parang nakikilala kita. Buti na lang I got the chance to talk to you and the chance to court you! Thank you for those chances, Den. They mean so much to me. Pero syempre, I can't court you forever. This has to end, di ba? After awhile, nakilala mo na rin naman ako siguro no? I like you so much, Den. I'm looking forward to love you until the end. I will protect you. I will take care of you. Alam ko namang wala ka pang nagugustuhan eh. And ako lang naman yung nakakasama mo. So Den, will you give me the right to call you mine? Will you be my girlfriend, Ms. Dennise Lazaro?" Bea asked with a big smile on her face. Den looked at her uncomfortably. Parang she wants to tell Bea directly pero she can't just break her young heart. Si Ly ang gusto niya, pero ayaw naman niyang maging dahilan siya bng pagkakaroon ng lamat sa relasyon ng magkapatid. Pero she needs to make a choice.

And she chooses Ly. She already made up her mind. Lalo na, nalaman niyang Ly feels the same way.

Ganun naman eh. Pag nagmahal ka, it's either ikaw yung masasaktan o ikaw yung makakasakit. Sa case ni Den, siya ang makakasakit. She's not being selfish. Hindi naman niya sinabi kay Bea na may pag-isa ito sa kanya. Si Bea mismo ang nagpumilit na manliligaw siya kay Den. Hindi umoo si Den kaya walang maiisumbat si Bea sa kanya. Kung mahal niya talaga ito, magiging masaya na lang siya for her ate Ly and Den.

Hinila ni Den patayo si Bea at sumunod naman ito. Ngumit si Bea sa kanya. Tumayo na rin siya pero dahil mas matangkad si Bea, nakatingala siya dito.

"Okay. Woah. Una sa lahat, thanks for the efforts, Bei. This, the flowers, yung mag tumutugtog kanina, itong breakfast...and dun pa sa mga ginawa mo para sa akin dati. Hindi ko kailanman inexpect na may gagawa nun para sa akin. I'm so lucky na may gumawa nun para sa akin. Thank you for letting me experience those kinds of surprises. I really appreciate them."

Ngumit naman si Bea. Parang may pag-asa. Pero naglaho ang ngiti niya nang marinig ang mga sumunod na salita mula sa labi ni Dennise.

"Pero I don't need those things eh. I just need someone who can I be with kahit na simple lang. Kahit na maglakad lang kami dyan, kahit na hindi kami nag-iimikan basta alam ko lang na nandyan siya, parang masaya na ako. Ganun lang kasi simple ang gusto ko. And no, I am not asking you to change for me. Mas gusto ko yung ikaw...as a friend. Gusto ko yung kwentuhan natin. Gusto ko yung bonding natin, yung food trip natin dito sa loob ng school. Please, Bei, let's stick na lang sa relasyon kung saan tayo lalong mas tatagal. I'm sorry. I can't be your girlfriend. I...am really sorry. May iba pa naman dyan na mas deserving ng mga gantong bagay...sadly, that's not me. I'm sorry, Bei." Sabi ni Den. Hahawakan na niya sana ang pisngi ni Bea para punasan ang mga luhang tumutulo mula sa mata nito pero umatras bigla si Bea. Naihulog niya ang hawak niyang singsing na hindi naman napansin ni Den kanina.

"Your answer is no. Your answer is fucking no?!"

"Bei, please. Don't get mad at me." Bulong ni Den na rinig na rinig naman ni Bea

"Please, what? Please, leave me alone? And what were you asking? Don't get mad at you? Ayokong magalit pero di ko mapigilan, Den! I thought we're something else! We're something real! And now kung kailan tinatanong kita, no pala! Bakit? Tell me why." Madiing sabi ni Bea.

"From the start, Bea, hindi mo ako hinayaang magsalita sa panliligaw na 'to. Hidni talaga ako sang-ayon pero hindi mo ako hinayaang kontrahin ka man lang. Ikaw nagpumilit. Bei, I didn't confirm about something. Hanggang friends lang talaga."

"No, hindi lang yan ang rason, 'di ba? Di ba? May gusto kang iba. Yun yon. Please, Den. Don't lie to me just to make me feel better dahil hindi rin magiging effective yun. Just tell me the truth and let me get hurt by it."

"Bei, please. Just calm down first." Sabi ni Den dahil parang bumibilis na ang paghinga ni Bea. Parang gusto na nitong magalit at manakit. Hindi alam ni Den kung bakit pero natatakot siya sa kaharap niya ngayon. Parang hindi siya si Bea na masayahin na kakwentuhan niya. Hindi siya yung batang nahihiya sa kanya nung una siya nitong kausapin.

"Si Myco ba? Yung ex mo?"

"No! Bea, calm down, please." Sabi ni Den.

"Or si LA?" Patuloy na tanong ni Bea.

"That's ridiculous! Ano ba? Muntikan na akong saktan nun!" Sigaw naman ni Den sa palapit na palapit na si Bea sa kanya. Unti unti naman siyang umatras hanggang sa bumangga ang likod niya sa may pader. Wala na siyang takas.

"Eh sino? Hindi mo ako tatanggihan kung walang iba, Den! Sino?!" Sigaw ni Bea nang ma-corner ito. Pinilit ni Bea na iharap ang mukha ni Den sa kanya at tinitigan ito sa mata.

"I'm sorry, Bei. I'm really sorry."

"Si supremo...'di ba? ....Si ate Ly? Si ate Ly yun...all this time, si ate Ly yun. Siya yung gusto mo. Hahaha. Tama pala ang akala ko. Siya pala talaga. Akala ko wala lang kayo. Akala ko hindi ka niya talaga gusto..."

"Bei..." Pagbulong naman ni Den sa pangalan niya. She doesn't want to see Bei like this. Mahal niay na 'to as a friend. Isa siya sa mga lagi niyang nakakasama since pumasok siya sa ADLSH. Isa siya sa naging mabait sa kanya. Siya din ang nagtatanggol sa mga ka-frat nilang may galit sa kanya. Pero hanggang dun na lang yun. Hanggang kaibigan na lang.

"Tng ina naman, Den! Wag kang umiyak! Ako ang pinaka-nasasaktan dito! Ano?! Gusto ka rin niya, 'di ba? Gusto ka na rin niya. Ilang beses ko kayong tinanong. Ilang beses ko kayong tinanong kung may gusto kayo sa isa't isa pero ilang beses niyo ring itinanggi! I felt betrayed. Kapatid ko pa, Den. Ang sakit. Dun pa sa taong wala akong kalaban-laban. Sige, sana masaya kayo. Magsama kayo." Sabi ni Bea at saka sununtok ang pader bago umalis.

Napaupo na lang si Den dahil parang hindi niya kinaya ang dala ng araw na 'to. Parang kanina, nasasaktan siya tapos sumaya siya ulit tapos nasasaktan na naman siya.

Pagkatapos niyang umiyak, lumabas si Dennise sa kwartong iyon. Dumaan siya sa cr para ayusin ang sarili niya upang di na rin magtaka sila Ella at Fille. Ayaw na niyang ikwento yung nangyari, baka mas lalo lang mainis yung dalawa kay Bea.

Pagkadating niya sa may park kung nasaan ang dalawa, ngumiti na siya nang pilit.

"So, bumalik na ba si Alyssa?" She asked with a smile. Kailangan niyang makita si Alyssa para mainform niya na ito na alam na ni Bea yung tungkol sa pagkagusto nila sa isa't isa.

"Wow, lalabas ka rin pala ng dorm. Anyway, hindi pa nga eh. Ang tagal naman ata nilang magmeeting?" Sabi ni Ella na nakaupo sa may fountain ng school nila.

"Meeting? Bakit wala pa rin? Andyan na yung mga kausap niya oh. Ayun sila Kim at Ara. Kanina pa yan sila. Ikaw, Gretch? Bakit di ka kasama sa meeting?" Sabi naman ni Fille.

"Sa kanilang meeting lang yun. Sinabihan na rin naman ako ni Ara eh. May pinuntahan lang daw si Ly." Sagot naman ni Gretch.

"Kanina pa yun ah." Sabi naman ni Ella.

"Ah ganun? Sige, I will just ask Ara and Kim. May sasabihin lang talaga ako kay Ly. Sige, guys, balik ako later," sabi naman ni Dennise.

Lumapit na si Den sa dalawa na tahimik na nag-uusap sa may gilid ng park. Para silang nagtatalo na ayaw naman nilang iparinig sa lahat. Tahimik na huminto si Den sa harap ng dalawa. Agad naman napansin ng dalawa ang presensiya nito kaya agad din silang huminto sa pag-uusap.

"Oh, Den, anong ginagawa mo dito?" Kim asked na sobrang gulat. Si Ara naman ay tumingin lang kay Den. She knows na may gusto ito kay Ly at ganun din naman si Ly sa kanya. Tahimik lang siya dahil hindi pa naman sila magkaayos ni Ly.

"Nasaaan si Ly? Tapos na meeting niyo ah? Saan siya nagpunta?" Den asked. Nagkatinginan ang dalawa na para bang nag-uusap sila kung ano dapat ang sabihin kay Den. Si Ara na ang huminto  sa tingin at siya na rin mismo ang humarap kay Den.

"Den, mamaya mo na lang siya kausapin. She's kinda busy pa." Sabi ni Ara kay Den.

"Oh...anong oras siya babalik?"

"We don't know, Den. Pero siguro mga two hours lang naman yun. We'll inform you na lang pag nakabalik siya. At saka around school lang din naman." Sabi ni Kim.

Tumango at nagpasalamat si Den sa kanila at bumalik sa pwesto nila Ella.

Sabay sabay nilang tiningnan si Den.

"Oh nasaan daw si Ly?" Tanong ni Ella.

"May pinuntahan  pero around school lang din daw. Ewan ko ba. Nag-aalala ako eh. Nasaan kaya yun?" Den said.

"Nag-aalala? Den, si supremo yun! Kaya nun sarili niya kung nasaan man siya." Sabi ni Fille.

"Hindi eh. May nararamdaman akong mali eh. Kasi kanina, parang nagbubulungan si Ara at Kim tapos nung dumating ako, bigla silang huminto. Ang weird lang. Baka may pinasukang gulo si Ly. Baka nakilala na niya yung hinahanap niya tapos haharapin niya na. Di ako mapakali tapos, nangyari pa yung----I mean nag-aalala talaga ako!" Pagdepensa ni Den. Muntikan na siyang madulas sa nangyari kanina sa breakfast niya with Bea.

"Yung alin, Den?" Gretch asked.

"Ha? Anong alin?" Pa-inosente niyang tanong.

"Besh, please. Anong nangyari?" Tanong ni Ella.

"Wala, nasaan na ba si Ly?" Pag-iiba ni Den ng usapan.

"Isa."

"I really need to talk to her right now."

"Dalawa."

"Guys, I'm going to cr lang."

"Wag mo nang hintayin na umabot sa tatlo, Den. Spill it out." Seryoso na sinabi ni Ella. Napabuntong hinga na lang si Den dahil alam niyang wala siyang takas sa kaibigan.

"Fine! Bea asked me to be her girlfriend and I said no. Kanina lang before I went here." Den said.

"She what?!" Sabay-sabay na tanong ng tatlo.

"She asked me nga!" Pasigaw na bulong ni Den.

"Ha? Teka you said no, 'di ba? Anong reaksyon? Short-tempered yun eh. Nagalit ba? Paano niya tinanggap?" Tanong ni Fille.

"She asked if this is because of Ly. Kung bakit di ko siya sinagot. I didn't say yes, pero nakuha namn niya yung ibig sabihin ng silence ko. Nagalit siya tapos biglang umalis. Kaya ko hinahanap si Ly, I want her to know na alam na ni Bei. Baka kasi pag-awayan nila bigla."

"Pag-aawayan talaga nila yan." Pagsingit ni Gretch. "Bea always gets what she wants and si Ky nagbibigay nun. Parang inampon na rin ng mga Valdez si Bea dahil napalapit na ito sa kanila. Dahil nga lumaki si Bei sa tito niya na violent, inispoil siya ng pamilya ni Ly. Ayun, naging parang brat. Si Ly naman, laging sinasabi na madaming pinagdaanan si Bea kaya ganyan; hindi niya alam, sa ginagawa niya, nasasanay lang si Bea na makuha ang lahat ng gusto niya kahit parang hindi na tama."

"Yep. Hanapin mo na muna si Ly. Kailangan niya agad malaman yan para handa siya sa outburst ni Bei." Suhestyon ni Fille.

"Ah sige. See you, guys, later! I will just look for Ly muna." Sabi ni Den at saka tumakbo papunta sa school building nila. Baka sakaling nasa office na si Ly.

Naglakad na siya nang marating niya ang hallway. Nakakapagtaka lang talaga na lahat ng classes ngayon ay ginawang free cut. Anong meron?

Habang naglalakad si Den, napansin niyang may tumatakbong babaeng papalapit sa kanya. Hindi niya maaninag ang mukha nito mula sa malayo pero nang mapalapit ito ay namukhaan niya agad ito. Si Laura...parang may humahabol sa kanya. Kabadong-kabado siya.

Nang makalapit kay Den ay agad niya itong hinawakan sa dalawang balikat at tinitigan sa mata si Den.

"Den, I need your help. Please, help me." Laura said with urgency in her voice. She almost sounded begging na parang imposible sa pandinig ni Den. Simula nang engkwentro sa dorm nila Ly, hindi talaga sila magkaayos ni Lau.

"Ha? Bakit? Anong nangyari?" Tanong ni Den sa pawisan at hingal na hingal na si Laura.

"Si L-Ly...she..." Laura said and started crying. Binitawan niya si Den at nagtakip ng mukha.

Bigla namang kinabahan si Den nang banggitin ni Lau ang pangalan ni Ly. Natatakot siya na may nangyari na ditong masama. Bakit umiiyak si Lau? Anong nangyari?

"What happened to Ly??" Den asked. Humagulgol lang si Lau. Hindi siya makapagsalita. Patuloy lang siya pag-iyak.

"I found her u-unconscious. Her head won't stop bleeding...I don't know, Den...I don't know what happened..."

"Shit. Nasaan siya?! I need to see her!" Tanong ni Den. Nagpapanic na siya. Gusto niyanmakita si Ly agad.

"She's inside the student's council room---Wait, Den!! Let's look for help muna!!" Lau said. Hindi na pinakinggan pa ni Den si Lau at agad na siyang tumakbo papunta sa sc room.

"Den! Wait!" Lau said at humabol din kay Den.

Mabilis na tinahak ni Den ang daan papunta sa sc room. Marahas niyang binuksan ang pinto nito.

Pero...wala siyang nakita. Nilibot  niya ang tingin niya, pero wala talagang tao dun. Sa pagkalito, dahan dahan siyang humarap sa tao na nasa likod niya. Bigla na lang niya naramdaman ang matulis na bagay na tumusok sa may leeg niya.

Nasaan si Ly?

Unti-unting nahilo si Den at nawalan ng balanse. Nagblur din ang paningin niya. Naramdaman niya namang sinalo pa siya ni Lau bago siya matumba. Unti-unti nang oumipikit ang mata niya. Sinubukan niyang pigilin ito pero bumibigat na talaga ang talukap ng kanyang mga mata.

Bago tuluyang, mawalan ng malay, narinig niya pang magsalita si Lau.

"You'll see her, Den. Soon." She said and smirked.

And that's the last thing Den saw before her eyes were completely closed.

------------

Alyssa opened her eyes pero medyo nasaktan ang mga mata niya sa liwanag kaya pumikit muna siya ulit. Dama niya ang kakaibang sakit ng katawan niya. Hindi niya ito maigalaw dahil nakatali siya sa isang upuan at ang mga kamay niya ay nasa likod naman.

Sa muling pagmulat, nakita ni Alyssa kung nasaan siya. Nasa abandonadong room siya at puro kahoy ang nandun. May nag-iisang ilaw dun na nagbibigay liwanag sa maliit na bahagi lang ng silid.

Pinilit niyang igalaw ang kamay niya pero mahigpit itong nakatali. Dahil mahina pa siya, hindi na niya muna sinubukan muli.

"Ugh."

Gutom, pagod, uhaw...halo-halo. Dama niya pa ang bahagyang pagdudugo ng ulo niya.
Sinubukan niyang alalahanin ang mga nangyari kaya mas lalong sumakit ang ulo niya.

"Laura..." Sambit niya sa pangalan nito nang maalala ang kaganapan kanina.

"...Löwe...spy..."

"Löwe, Lion, De Leon.."

"Hahaha. That's right, 'supremo'. I am the head of the spies here and you're too dumb to figure it out. Shame on you." Sabi ng boses mula sa madilim na bahagi ng silid. Lumapit ito sa may ilaw at naaninag agad ni Ly kung sino ito.

"Bea..."

"Oo, ako nga." Sabi nito at natawa.

"Why..?" Hinang-hinang tanong ni Ly.

"I don't know. Alam mo? Di ko talaga gets kung bakit nila sinasabing matalino ka. We give all the clues tapos di mo pa rin kami nakilala."

"You...you're Löwe...de Leon.."

"Yes! Finally! Löwe in German, Lion in English, Leon in Spanish or Tagalog. Nag-gets mo din!" Sabi ni Bea at nagawa pa niyang pumalakpak.

"Why are  you doing this, Bei? We're a family." Sabi ni Ly. Unti-unti na ring bumabalik ang kakaunti niyang lakas.

"Family? Supremo, family? You took that away from us! You selfish people, lalo na ang daddy mo at mga kaibigan niya! You killed our moms!"

"I don't know what you're talking about...."

"Of course, you don't know! Ikaw yung galing Germany eh. Ikaw yung masayang tumira doon with your mom, kaya paano mo maiintindihan, 'di ba?"

"Pakawalan mo ako dito, Bea. Pag-usapan natin 'to." Ly said.

"No way. Hindi ako uto-uto." Sabi ni Bea.

"Let me go and I will deal with your sick ideas!" Sabi ni Ly at muling pinilit na makaalis sa mahigpit na pagkakatali sa upuan. Ngayon lang nagsisink in kung sino si Löwe. Siya ang nagpapatay kay Bang. Siya ang may gustong kumuha ng lahat ng meron siya. Siya ang threat sa buhay ni Dennise. Siya ang puno't dulo ng probleama niya. Walang iba kung hindi si Bea.

"Wag kang matapang ngayon. Wala kang kapangyarihan sa akin. Mahina ka na. Wala kang makakasama. Hindi na ikaw ang supremo sa ating dalawa kaya wag kang masyadong matapang. Hawak na kita."

"So ikaw lahat ng may pakana nito?! You pretended to be that good ass kid?!"

"Oh come on, big sis. I was just being me. Nagpaniwala lang talaga kita na mapagkakatiwalaan ako. Sayang, kailangan nang tapusin ang kalokohang ito. Nag-eenjoy pa naman akong maging baby sis niyo ni ate Gretch. Ang saya din nun ah."

"Makaalis lang talaga ako dito..."

"At anong gagawin mo? Itutulad mo ba ako kay Luigi na papatayin mo at itatago sa publiko? Hindi na ulit mangyayari yun!"

"I didn't kill Luigi! Ginanti ko lang si Bang!"

"Bang? Hahaha. Kaya siya wala sa tabi niyo ngayon dahil ikaw ang may kasalanan. Kung hindi ka lang niya pinrotektahan, sana kasama niyo pa siya ngayon. Pero wala eh, everyone cares for your safety. You're everyone's fucking diamond. Iniingat-ingatan...kahit hindi mo naman deserve!"

"Anong pinagsasabi mo? Nahihibang ka na ba?"

"Di ba? Tama ako. Kaya you only choose your friends simula nang mawala si Bang dahil ayaw mong madamay sila kagaya nang nangyari kay Bang. Kaya mo pilit na sinasabi na ayaw mo kay Den para protektahan siya. Pero...kaya ko din siyang protektahan. Di lang ikaw may kayang gumawa nun." Sabi ni Bea nang pahina nang pahina.

"Teka, bakit nadamay si Den dito? Bea!" Sigaw ni Ly.

"You're her diamond, too. Gusto ka rin niya. She chooses you over me. Ikaw pa rin. Kahit na ginawa ko na lahat. Kahit nagpakatanga na ako. Kahit pinilit kong baguhin sarili ko...ikaw pa rin. I almost forgot my mission, you know. Muntik ko nang itigil itong pinapagawa ng tatay ko kasi nakilala ko yung other side mo at nakilala ko si Den. Pero hindi, inagaw mo siya sa akin. Inagaw mo yung taong gustong-gusto ko. Lahat na kinuha mo sa akin. Wala ka nang tinira."

"Bea, wake up! Kinakain ka na ng galit mo! Your dad has brainwashed you and everyone! May pagkakamali siya at ang daddy ko pero that was all in the past! Hindi naman kailangan na umabot tayo dito! We could talk about this!"

Nilabas ni Bea ang baril niya at tinutok ito kay Ly pero agad na may tumulak kay Bea. It was Laura.

"Bei, please! Wag kang magdesisyon bigla!" Sigaw ni Lau kay Bea. Binawi niya dito ang baril at siya na ang nagbulsa nito.

"Lau..." Sambit ni Ly nang makita si Laura, ang ex niya.

"Ly..."

"How could you do this to me?" Ly asked.

" You chose to break my heart. I'll break yours, too." Sagot ni Lau.

"I'm sorry." Ly said.

"Too late." Sabi ni Laura at saka umalis doonsa kwartong iyon. Kanina pa siya nakikinig sa usapan ng dalawa. Feeling niya kasi sasaktan ni Bea si Ky at nangyari nga kaya ninais niyang magbantay muna. Pero dahil hindi na niya kayang makita si Ly na nakagapos nang dahil sa kanya, mas pinili na lang niyang umalis.

"Kaya ba ayaw mo rin makipagbalikan kay ate Lau? Dahil kay Den?"

"I never loved Lau, Bea. She was there where no one else was. Kaya pumayag ako sa gusto niyang relasyon. I tried pero hindi ko talagang pilitin na mahalin siya higit pa sa kaibigan."

"How pathetic. Wala ka talagang kwenta."

"Bea, please, pakawalan mo na ako at pag-usapan natin 'to."

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na gusto mo na si Den?" Pag-iiba ni Bea ng usapan.

"Bea..."

"Tang ina, pareho pa kayo. Wag niyo akong tawagin s apangalan ko! Sagutin mo na lang!"

"Dahil alam kong magagalit ka!"

"Tingin mo ba di ako galit ngayon!?"

"Hindi ko naman siya ginusto eh! Hindi ko naman ginustong magkaraoon ako ng feelings para sa taong mahal mo eh! Nilabanan ko 'to. Pero di talaga. Kumapit ako pero nahulog ako sa kanya."

"So gusto mo siya?" Tanong ni Bea.

"Mahal ko siya." Diretsong sagot ni Ly.

"Kung ganun, kung hindi rin mapapasaakin si Den, di rin siya mapapasa'yo." Bea said and smirked. She could switch quickly from helpless kid to that badass kid. Bigla din namang nagbago ang expression ni Alyssa.

"Itigil mo na 'to, Bea!"

"Hindi ako titigil! Hinding-hindi! Tatapusin ko 'tong inumpisahan niyong mag-ama. Ako ang tatapos sa gulo na 'to!"

"Ano ba ang gusto mo? Yung mga dyamante? Yung buong school? Ano ba? Para itigil mo na 'to!" Sigaw ni Alyssa.

"Gusto mo ba talaga si Den?" Mahinang tanong ni Bea.

"Ano ba? Paulit ulit na lang ba tayo dito?!"

"O gusto mo lang siya dahil wala si Bang?" Unti-unti siyang humarap sa nakaupong si Ly.

"Bea, what the hell are you talking about?!" Galit na pagsigaw ni Ly sa nakababatang kapatid.

"Mamili ka...si Bang..." Sabi ni Bea at itinuro ang kanang bahagi ng silid kung saan nakalagay ang isang cylindrical na malaking lalagyan kung saan may babaeng nakatayo na walang malay. Maraming tube ang nakakabit sa katawan niyang nababalot na puting tela. Sobrang payat niyo na di makikilala kung hindi tititigan mabuti.

Madaming computer ang nakapaligid sa kanilang dalawa na para bang pinageeksperimentuhan sila.

Biglang nanigas si Ly. Hindi siya makagalaw sa kinauupuan niya. Hindi niya magalaw ang kamay niya. Kahit pagpikit ay hindi niya magawa.

"Bang...?"

"O si Dennise...?" Bea said and grinned widely.

Tinuro niya rin ang isang babaeng walang malay na may parehong sitwasyon kagaya ni Bang. Bakas sa mukha nito ang pagod at paghihirap.

This time, nakagalaw na si Ly. Medyo lumuwag na ang pagkakatali sa kamay niya. Pilit niya pang ginalaw ito pero baka mahalata na ni Bea na unti unti na siyang nakakaalis sa taling iyon.

"Anong ginawa mo kay Dennise?! Bea, wag mo na siyang idamay dito! Tayo ang magtuos!" Sigaw muli ni Alyssa kay Bea pero di na ito kumibo sa kanya.

"I'm giving you choices, supremo. The past or the present. Tandaan mo, isa lang ang pwede mong iligtas. Not really, pero temporarily. Ikaw rin naman ang dahilan kung bakit sila nandyan kaya paghusayan mo ang pagpili.

"Si Bang o si Dennise?" Sabi ni Bea bago tuluyang umalis sa lugar na iyon.

---

Sorry for the typos and shiz. Gonna edit this pa bc medyo magulo hahahaha. Enjoy reading! Love lots.

P.s. Credits sa may-ari nung photo.  💕

-deym

Continue Reading

You'll Also Like

319K 6K 31
One plus one, two for life Over and over again...
74.6K 1.7K 26
Ang isang pag-ibig ay hindi lang basta biglang nararamdaman at bigla na lang ding maglalaho. Ang totoong pag-ibig ay nananatili sa puso at hindi magl...
56K 1.4K 48
Jia has a straight personality. But then, everything has changed when the BEAst came over to her life. In this story, Jia becomes a bi person. She st...
11.5M 336K 68
X10 Series: Arthur Evangelista He dumped me at our own wedding. I left. I met HIM. And there came the SECRET. Do you want you to know about it? Let's...