LACHLAN CHUA POV
Pagka-sundo kay Jake ay sumunod kami sakanya papuntang maynila. Kasama ko ang Kuya Jeff niya.
Kailangan naming makipag-cooperate sa mga kasamahan niya sa station para mapag-planuhan ng maigi ang gagawin naming pagsugod sa hide-out ni Daragon.
Mabuti nalang at nakakatulong ang pagiging madaldal ng pamangkin niya. Dahil sinabi din niya sa akin na minsan ay sinundan niya ang tito niya kung saan ito pumupunta. At nalaman namin sakanya ang address kung saan namin mahahanap ang kanilang hide-out. Lingid din sa kaalaman ni Anggie na ginagamit ko lang siya.
Pansin ko ding nahuhulog na talaga ang loob niya sa akin dahil sa mga efforts niya. Wala akong balak patulan ang kung ano mang nararamdaman niya para sa akin dahil ang puso ko ay nakalaan lamang para kay Jake.
"Kailangan na nating kumilos agad dahil baka kung anong mangyari kay erpat at sa utol ko." Si Kuya Jeff. On the way kasi kami ngayon sa station.
Nalaman din niya sa hepe nila na matagal na pala nilang hinahanap si Santi Daragon dahil sa mga transaction niya sa mga illegal na droga.
"Gagawa tayo ng paraan para mailigtas sila. Wag kang mag-alala. Pwede kong pakiusapan ang Tito ko upang kausapin ang Daddy ni Jake na maki-cooperate din sila." Sagot ko.
"Naitawag na din sa akin yan ni Jake na sasama daw sila sa paglusob natin sa hide-out nila Daragon. Pero tol, mukhang hindi ka papayagan ni hepe na sumama sa operasyon." Baling niya sa akin habang nagmamaneho.
"Sasama ako. Gusto kong makatulong. I can handle myself. In fact, kung hindi natin mapapasuko si Daragon ay pwede nating gamitin ang alas na hawak ko. Ang pamangkin niya." Saad ko. Dahil hindi sa gusto kong magpa-impress kay Jake kundi gusto ko din talagang makatulong.
"Tch! Muntik na kitang mapatay non. Akala ko talaga ay babae mo yon." Iiling-iling na saad niya.
"Tch! Pag-aari na ako ng kapatid mo."
Ng makarating kami sa station ay pumasok agad kami sa conference room.
Nandon na lahat ang mga opisyales.
"Men! General Terorra ordered as to cooperate for this operation dahil hawak nila ang matalik na kaibigan niyang si Retired SP04 Reymundo Socrates at ang isang anak nito. Kailangan na nating kumilos sa lalong madaling panahon dahil kulang na tayo sa oras." Panimula ng General na kasalukuyang tinatalakay ang planong gagawin para sa operasyon.
Purong mga seryoso ang mga nandito at nagpapalitan sila ng mga opinyon para sa planong ginagawa nila. Tahimik lang naman kaming nakikinig ni Kuya Jeffrey.
Ng matapos na ay kinausap nga ako ng hepe nila na hindi ako pwedeng sumama ngunit nakiusap ako. At sa huli ay pinayagan din ako basta wag lang daw akong hihiwalay sa mga kasamahan kong pulis pagdating sa hide-out.
Napagplanuhan nilang bukas daw ng gabi sila susugod. Kaya naman nagpahatid muna ako kay Kuya Jeffrey sa bahay para makatulog man lang kahit kaunti.
Pagkadating ko nga sa bahay ay binagsak ko kaagad ang katawan ko sa kama at mariing pumikit. Ramdam ko ang pagod sa katawan ko. Simula kasi pagkadating namin galing probinsya ay wala kaming tigil ni Kuya Jeffrey. Punta dito, punta doon ang ginagawa namin.
Hindi din naman namin napapabayaan ang communication namin ni Jake. Halos lahat ng pinupuntahan at ginagawa namin ay pinapaalam ko sakanya at ganon din naman ang ginagawa niya.
Pero may isa siyang favor sa akin at hindi ko alam kung mapagbibigyan ko siya dahil kakailanganin namin siya para mapasuko si Daragon.
Ang gusto niya ay layuan ko daw si Anggie. Tsssss. If I know nagseselos siya kaya naman natuwa ako dahil mas nalaman kong mahal pala niya talaga ako.
Though,hindi naman ako umo-o pero pucha! Ang hirap lang. Abnormal kasi girlfriend ko e. Kakaiba siya masaktan at magalit.
Tatawagan ko na sana si Jake ng...
Bzzzzt.bzzzzzt.bzzzzzzt
And speaking of Anggie, she texted me.
From:Anggie
Honey,can we meet pls? I badly needed you :-(
Tch! Kung hindi ko lang siya magagamit,hindi ko na sana kailangan pang gawin ito.
Narrator^_^
Sa paglabas ni Chua ay hindi niya alam na nasa tapat pala ng bahay nila si Janjie na nagtatago sa kung saan para wag siyang makita dahil pupuntahan niya sana ito kanina ng nagmamadaling lumabas si Chua. Iba ang kutob niya kaya naman ng paalis na ang sasakyan niya ay pinasundan niya sa driver niya si Chua.
"Saan naman siya pupunta ng ganitong oras at hindi man lang siya nagpaalam? At hindi pa siya tumatawag sakin ah?" Sa isip ni Janjie habang nakatutok lang ang mga mata niya sa sasakyan na sinusundan nila.
Hanggang sa nakarating sila sa tabing-dagat. Oo tabing dagat at hindi niya alam ang lugar na ito.
Nag-park ang driver niya sa di-kalayuan sa sasakyan ni Chua.
Ng bumaba si Chua sa sasakyan niya ay bumaba pa siya para maka-punta sa dalampasigan. Ganon din ang ginawa ni Janjie. Pero dahil medyo may kalayuan sila ay it takes time for her to walk para tuluyang makalapit sa dalampasigan.
Noon lang niya napansin ng medyo mas malapitan na siya sa sasakyan ni Chua na may nakaparada ding isang sasakyan sa harap nito.
Agad bumilis ang tibok ng puso niya habang palapit sa dalampasigan.
Ng sa wakas ay may makita siyang dalawang tao at biglang nanlamig ang buong katawan niya sa nakita.
Hindi niya magawang gumalaw dahil hindi na niya alam kung nananaginip ba siya o ano sa nakikita.
Pumikit siya ng mariin tapos dumilat ulit pero lalo lang siyang nasaktan at bigla nalang tumulo ang luha niya sa nakita pagmulat niya.
JANJIE KANE SOCRATES POV
May kaharap na ibang babae at nakahawak si Chua sa waist ng babae habang ang babae naman ay nakahawak sa batok ni Chua. And guess what the fvck?! They are kissing!
I'm sure na nakapikit si Chua at ineenjoy ang halik na yon dahil hindi parin niya ako nakikita na di naman kalayuan sakanila.
Ikinuyom ko ang mga kamao ko habang umiiyak ng tahimik.
Ginagamit pala huh!? Kapag ginagamit, kailangan ng kiss? Fvck them both to death! People like them must suffer and go to hell!
Hindi ko alam kung ano pang ginagawa ko dito dahil ayaw paring gumalaw ng katawan ko. At wala ding tigil sa pagtulo mga luha ko.
And finally, tumingin na siya sa kinatatayuan ko at para siyang nakakita ng multo at bahagya pang naitulak ang babaeng kahalikan niya.
"Ja-Jake....le-let me explain. Please.." may pagmamakaawa sa tinig niya pero lalo lang akong nasaktan.
Naguluhan din yata ang babae kaya napatingin siya sa gawi ko.
"Who are you?" Tanong pa niya sa kakapalan ng mukha niya.
But instead of saying anything ay tumalikod na ako sakanila. Kailangan lang pala nila akong makita para gumakaw ako. Ampota! Pati sarili ko, tinatraydor na ako.
And great! Nasaan na ang babe? Bakit Jake na? Dahil baka masasaktan ang babae niya. Psh!
And the worst thing and painful was, All I thought, he will follow me and try to explain everything but...I was wrong because he didn't. T____T. What was that? Mas pinili niyang mag-explain sa babaeng yon kesa sakin? Shet!
"Kuya balik na tayo sa bahay. Dali!" Utos ko sa driver na pinasama sakin ni Daddy at agad naman niya akong sinunod.
Habang pauwi ay hindi parin maintindihan ng utak ko kung bakit niya nagawa yon.
Maybe, nagka-developan na sila. Maybe gusto na niya ang babaeng ginagamit niya. And maybe, ito na siguro ang huling gaganituhin niya ako. May pasabi-sabi pa siyang ginagamit lang niya si girl then boom panes! Naghahalikan na sila sa ganitong lugar? How romantic huh! Feykshet really!
Habang lumuluha parin ako ay hindi man lang nababawasan ang galit sa dibdib ko. Ganun na ba siya kauhaw sa halik? At pati sa iba ay ginagawa niya yon? Okay na kami diba? Bakit hindi nalang sakin? King inang yan! Nakakakulo ng dugo at nakakawala ng tiwala.
Hindi pa man kami nakakalayo ay may humarang na sasakyan sa sasakyan namin. At akala ko naman kung sino pero si Chua pala. Kaya naman bumaba ako ng nakita ko siyang bumaba siya ng sasakyan niya.
"Plea-,,," magsasalita pa sana but...
Boooooogsh!
Boooogsh!
Pak! Pak!
I gave him a hard punch in his stomach and slapped him left and right.
"Hey! Why did you do that to him!?" Isang tinig ng babae sa likuran ko ang nagsalita kaya naman pagharap ko sakanya ay tinadyakan ko din ng malakas ang sikmura niya na dahilan ng pagka-tumba niya.
"You don't need to say or explain anything cause I saw it already! And you bitch! Shut the fvck up your mouth baka mabasag ko pa pagmumukha mo!" Nanggigil ako na sinigawan at tinuro-turo silang dalawa.
"Shit!" Dinig ko pang napamura si Chua.
Kaya naman lumingon ulit ako at nakahawak parin siya sa tiyan niya.
"One more thing, wala ka ng babalikan. Thanks for everything. And please from now on, stay away from me and my family! Shit you!" Matalim ang matang ipinukol ko sakanya bago ako tuluyang pumasok sa sasakyan at inutusan ulit ang driver kong umalis na sa lugar na to.
Pagkadating namin sa bahay ay nadatnan ko sila Mommy at Daddy na nag-aalalang naghihintay sa akin sa living room.
Huli na ng punasan ko ang mga luha ko dahil nakita na nila. Akala ko naman kasi ay tulog na sila dahil hindi naman ako sanay na may naghihintay sa akin.
Agad na tumayo si Mommy at lumapit sa akin.
"A-anak?? What happened to you!? Why are you crying? Who hurt you!?" Hindi din halatang nag-aalala siya dahil ang dami niyang tanong. Tch!
"Wa-wala po. Pwede po bang umakyat na ako sa kwarto ko? Gusto ko na po sanang magpahinga." Nakikiusap ang tinig ko sakanya. Dahil hindi ako yung tipo ng tao na pala-kwento kapag nasasaktan.
Pinayagan naman ako. At pagkapasok na pagkapasok ko sa kwarto ko ay nag-unahang lumabas ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan sa harap ni Mommy.
Dumapa ako sa kama at umiyak ng umiyak. Feeling ko din ay mugtong-mugto na ang mga mata ko at wala akong pakialam dahil sobrang sama ng loob ko sa nasaksihan ko.
Miss na miss ko na din ang dating pamilya ko.
Siguro focus nalang muna sa pagbawi kina Papa at Kuya Oliver.
Bukas na ng gabi iyon ay pinaghanda na lahat ni Daddy ang mga tauhan niya.