Hearts Unlocked

By BlueRigel

58.5K 775 163

KILIG days are on your way. But how will you handle a storm of lies? Will you let go of the most honest thing... More

Prologue
Book 1 ------- Lock and Key -------
1 - Crazy
2 - Welcome
3 - Changing
4 - Awkward
!!-------------- ANNOUNCEMENT --------------!!
5 - At Home
6 - Answer My Question
7 - Talks and LRT
8 - Hang Out, Hung Up
9 - I See You, Care
10 - Sleep Well
11 - Pick You Up
12 - Will Miss You
13 - Unexpected Greetings
15 - Heaven
16 - College Week
17 - Is That Your Final Answer?
Book 2 ------- Unlocked -------
18 - My Side
19 - Dates
20 - Plan
21 - Surprises
22 - Brother's Gift
23 - London's Bridge
24 - Hearts Break
25 - Fear
26 - Masquerade
27 - D.A.S.
Book 3 ------- Hearts -------
28 - Just Us
29 - The Father's Side
30 - Mutual Feelings
31 - Have You Back
32 - Twisted Truths
33 - Catching Pains
34 - Team Permanent
35 - Runaway
36 - Reunion
37 - Love is Patient, Love is Kind
38 - Light And Dark
39 - Hearts Unlocked
40 - New Beginning
Epilogue
BlueRigel's Message

14 - In-Complete

1K 14 2
By BlueRigel

Chapter 14

In-Complete

Pinalipas ko ang mga natitirang araw na bad vibes ang nasa paligid. Apektado tuloy ang PF dahil tahimik ako for the last five days.

Sinasabi ko na lang sa kanila na masakit ang ulo ko. Ang totoo, puso talaga ang masakit.

Sabado na naman bukas, last day of school for the year 2012. Mali itong ginagawa ko eh. Hindi ko dapat hayaang pati sila maapektuhan ng kababawan ko. I need to make bawi.

"Guys! Sa bahay kayo mag-New Year!" Entrada ko sa kanila na may kasamang ngiti. Kitang-kita ko naman na napangiti rin sila. Namiss siguro nila ‘tong ngiti ko?

"Malamang, alangan namang sa outerspace kami mag-New Year 'di ba, ano 'yun kuya Dan?" Biro ni Kate, wala namang tumawa kasi seryoso niya binitawan.

"Pili ka dali!!" Excited na sinabi ni kuya, tapos pinili ni Kate ang index finger ni kuya. Ginamit ni kuya ang index finger niya para kilitiin ang sarili niya. “Ay natawa ako,” asar niya kay Kate.

“Ano’ng nakain mo ‘te at good vibes ka ngayon?” Maka-te naman ‘tong si Matt magka-edad lang naman kami.

“Wala lang, siyempre…last day na nga eh, alangan namang bad vibes pa rin ang iarte ko sa inyo?” Sila ‘yung mga kaibigang nirerespeto ang mood ng isa’t isa. Kapag may badtrip samin, alam na agad. Step one, give space, hayaang makapag-isip si friend. Step two, magpatawa, way para masukat ‘yung kabadtripan niya. Sa tagal na naming magkakaibigan, alam na namin kung fake ang ngiti o hindi. Step three, hintayin mag-open up si friend, hindi kami atat sa pagkuha ng juicy info about sa pagkabadtrip niya. Sapat na ‘yung nandito kami para sa isa’t isa as a shoulder to cry on, as a clown to turn your frown into a smile.

“That’s good. I’m in.” Napa-English na naman si half-kano. Hinihintay ko pa ‘yung sagot nung dalawa. Bakit nga ba hindi pa nag-rereact si Kate?

“Eh kung in si Matthew, ako na rin. What time ba?” ‘Yan si kuya Dan, go ang isa, go na rin siya. Wait, bakit ba kasi hindi nagsasalita si bes?

“Bes? Any response if you don’t mind?” Something’s wrong. I can feel it.

“Ha?” Parang wala siya sa sarili. Sa ibang direksyon siya nakatingin, sa malayo. Pero wala namang gwapo dun para i-sight niya. What’s up K?

“Si Zac Efron!!!” Sumigaw bigla si Matt. As expected, magwawala si Kate, “ASAN?!?!?!!”

Tinuro ni Matt ang sarili niya, “eto oh…”

“Tsk.” Sabay hampas kay Matt pero napangiti siya dun in fairness. “Ano na nga ulit ‘yun Cee?”

“New Year. Sa amin. Sama ka?”

“Eh sila?” So, hindi talaga siya nakikinig kanina.

“Kanina pa kami um-oo, at kanina ka pa nasa ibang dimensyon diyan,” sagot sa kanya ni kuya.

“Sorry naman. Sure, why not?” Kitang-kita sa itsura ni bes na guilty siya.

“Good. December 31, 3pm, my house. Yay! Ka-excite, I love it.” Ngiting wagi na naman ako. At least, I don’t have to be alone on New Year’s Eve. Not literally pero emotionally, baka loner maging peg ko.

Mula sa kinatatayuan ko, hawak-hawak ko ang tray na may pitsel ng juice at mga baso. Mula rito, I feel so safe, malayo sa marupok na puso ni Ms. Caroline Reyes. And happy, ang sarap nilang tignan. Kwentuhan to the max habang chumichibog ng crackers. Magandang desisyon ang ginawa ko. Eh ‘di hindi ako emo ngayong new year’s eve.

Thank You, Lord. You never failed on guiding me to the right path. I love You!

“Tito, anu-ano po ba papuputukin natin mamaya?”

“Naku Dan, hindi uso paputok dito sa bahay.” Feel at home na nga, feeling close din sila sa parents ko, and that’s what I love about them. Ramdam mong kapamilya/kapuso/kapatid/kabarkada mo talaga sila.

“Tito naman, siyempre sa labas tayo ng bahay magpapaputok.” Nagtawanan sila in fairness.

“Pilosopo ka talaga Matt!” Asar ko sa kanya habang kinakargahan ko ng juice ang mga baso nila. Strawberry, PF’s favorite.

“May batas po ba na bawal magpaputok dito sa subdivision niyo?”

“Wala naman anak,” yeah, parang anak na rin turing nila kay bes Kate ko. “Alam mo naman, ‘strict ang parents ko’,” malaki at mababang boses na asar ni papa pertaining to mama.

“Narinig ko ‘yun!” Ha-ha, lagot ka pa.

Aba’t to the rescue pa ‘tong si kuya Dan. “Ahhh, tita, baka naman po pwedeng magpaputok kaming ‘big boys’.”

“Hay naku, mamaya wala pang alas-dose kulang-kulang na mga daliri niyo.” Si mama-rawr, mama terror. Haha. When it comes to us, from head to toe ang care sa amin niyan ni papa. Kaya hanggang ngayon feeling ko baby girl pa rin nila ako, na-eenjoy ko naman pero minsan OA na rin. Still, I understand her. I’ll become a mother someday.

“I’ve been doing it since I was 10. Uso po sa amin ang paputok. Mga simple at safe na paputok lang naman po if ever payagan niyo po kami…please?” Sa puppy eyes ba naman ni Matt…medyo weakness ni mama ang mga foreigner. Naku, nagkakandarapa nga ‘yan kay Zac, aagawan pa ata si Kate.

Hmmm, ang itsura  ni mama, navavibes kong positive ang sagot kahit bitter ang face. “Ok, ok, ok, bahala kayo.” Yey!

“Talaga???” Asus, wagas maka-sparkle ang mga mata ni papa. Nilapitan niya si mama sabay hug. “Thank you,” kiss sa left cheek. “Thank you,” kiss sa right cheek. “Thank you,” kiss sa noo.

“Okay! Tama na ma-pa, nakakaumay!” On the other side, ang sarap nilang tignan na ganyan sila. Kahit may teenager na sila, PBB teens pa rin ang peg. Ang sweet.

How about you, Nick?

Oyeah, siya na naman ang naiisip ko. Eh paanong hindi? 2 weeks straight na kong walang contact sa kanya and that includes Christmas. Hindi man lang siya nag-text, or tumawag, or maski FB message man lang. Ni hindi nga siya nagbubukas ng FB ngayon. Minsan iniisip ko na lang nasa Mt. Apo siya, malayo sa kabihasnan. Tss.

Halos hindi ko na naramdaman ang oras. Busing-busy si papa sa pag-iihaw. Si mama naman todo halo sa tsokolate na pinakaabangan ng dalawang kapitbahay namin, yearly tradition na ‘yun. Todo paputok sina Matt at kuya Dan ng kwitis habang unli-lusis kami ni Kate.

“10…9…8…7…” Lahat kami sumisigaw, ngayon lang nag-ingay ng ganito ang bahay namin.

“6…5…4…” Yep, it’s almost twenty-thirteen.

“3…” WAAAAAAAAAAAA!!! My heart skipped a beat. And I was like… o_O Pero in fairness, kinilig ako, hinawakan niya ‘yung kamay niya. Ni Matt…ni Kate.

Sh!t. Too early Matt! I need to do something. Tumabi ako kay kuya. Sabay kuha sa kamay niya at itinaas ko.

“2...1! HAPPY NEW YEAR!” Tinignan ko ‘yung dalawa, itinaas din nila ‘yung kamay nila at kinuha ni kuya Dan ‘yung kamay ni Matt. Whew. Safe.

Ang saya lang talaga namin. I don’t regret my decision na dito sila mag-bagong taon. Siyempre, kain-kain din. Bidang-bida sa sarap ang tsokolate ni mama.

Usapan namin walang tulugan pero ang bigat na raw ng mata nila. Natimbang talaga nila? “Sorry, mukhang hindi ko na ata kayang magpuyat guys.” Nauna pa talaga si kuya Dan magsabi niyan, eh siya nga ‘tong best in zombie look sa lalim ng eyebags niya.

“Ako rin.” Sabi ni Kate.

“Eh? Bakit…nagsisimula pa lang ang saya.” Nalungkot ako bigla. Ang KJ naman, nasa mood pa akong magparty-party dito eh.

“Same here.” Hala, pati si Matt.

“Ano ba ‘yang antok  niyo? Domino effect? Ang daya niyo naman.” Grrrrr…

Seryoso lahat ng mukha nila. Eeehhh, ganyan ba sila sa mga bahay nila kapag inaantok na? Eh kapag nakikipagpuyatan sa text parang hindi naman. “Sensya na Caroline, bukas na lang natin ipagpatuloy. Gala na lang tayo bukas.” Tsk. Ang baba ng boses ni kuya.

Sabagay, alas dos naman na. Pero sayang talaga eh… Eeehhhh. Huwag nga ugaling bata Cee! Hayaan mo na. May next timepa. “Promise?” With my forever cute paawa eyes with pouty lips.

“Promise.” Si Kate ang nagsabi kaya maniniwala ako.

Matapos naming mag-good night isa’t isa, tumungo na kami ni bes sa kwarto ko. Sa salas matutulog sina kuya Dan at Matt. I’m sure I’ll have a wonderful morning bukas. Sa pagmulat ng mga mata ko, diyosa ba naman ang bubungad sa tabi ko. Sinong hindi mapapangiti?

zZzzz

Black, nothing but black. Ugh, bakit ba wala akong panaginip ngayon? Inistretch ko ang braso ko at kinapa ang mesa para kunin ang cellphone ko. Unti-unti kong minulat ng bahagya ang mga mata ko, 7:18. Maaga pa naman pala, pwede pa maiglip ng onti baka sakaling may mapanaginipan na ako.

Muli kong ipinikit ang mga mata ko sabay umikot sa kama upang diyosa ang unang-unang nilalang na makikita ko ngayong umaga. “Bes?”

Imbis na mangiti ako, nanlaki pa ‘yung mga mata ko nang makita kong mga unan lang ang katabi ko ngayon. Usually, ako ang unang nagigising, nakapaghilamos na  ako’t lahat hindi ko pa rin siya ginigising.

Pumikit na lang ako at tumihaya, ayaw ko pa talagang bumangon.  Umusog ako ng onti at sinakop ang gitna ng kama ko. Parang hindi na rin naman ako makatulog,  napapadilat tuloy ako. Huh? Kailan pa ako naglagay ng poster sa kisame?

Nang hindi gumagalaw sa pwesto ko ngayon, kinapa ko ulit ang mesa. This time, salamin ko naman ang kukunin ko. Blurred kasi ang tingin ko pero sure akong may nakikita akong nakapaskil dun sa kisame. Gotcha! Agad ko sinuot ang black wide temple eyeglasses ko.

GOOD MORNING CEE

I miss you so bad

-Nick

Red na papel ang ginamit sa letters, then black cartolina ‘yung likod kaya akala ko poster. Parang kagabi lang incomplete ako ah, eh bakit parang kumpleto na ulit ang diwa ko ngayon? *evil grin*

Hindi lang pala ‘yung ang dapat kong mapansin.

Iba’t ibang kulay ng – balloons. Sa dulo ng tali ng bawat balloon, may nakasabit na white cards. Hindi ko na namalayan, nakaupo na pala ako ngayon sa kama ko. Mahahaba naman ang mga tali kaya keri kong abutin ‘yung cards, mukhang may nakasulat eh. Ay wait, sa lahat ng white cards, may nag-iisang red. Hindi naman ako slow para hindi unahin ‘yun. Shemayy! Kinikilig ako. Yiiiiiiiieeee.

Of all the letters in the alphabet, my favorite is C. Where next to her will always be D.

C comes after D, but Dominick will always look after Caroline.

__________________________________________________

I’m almost B-A-C-K, but for N-O-W, ito na lang muna…

Tagalog na, baka maubusan ka ng dugo eh. Nawawala ‘yung pangatlong line, pakihanap na lang ha. May numbers naman ‘yung mga card, siyempre in order mo basahin para may thrill at para maintindihan mo ‘yung message. Of course, pa-gwapo points ko lang ‘yung walang numbers. Good luck! See you soon.

I LOVE YOU, ALWAYS.

-Nick

Loko ‘to ah! Kilalang-kilala niya na talaga ako. Iiiiiiiiiiihhh, nag-iinit ang mga pisngi ko, namumula na siguro sa kilig. Bakit ba kasi ganito ka ka-sweet Nick? Ayiiieeee, Lord naman eeee… Thank You Po!

Umpisahan ko na nga, number one – “He will,” tapos may picture niya. Number two “ALWAYS,” sa baba may ALL + WAYS. Number three “take good,” drawing naman ng chibi niya na may halo, kyuuut. “CARE,” my other nickname. “Of Caroline” na may picture ko.

Sa ibang cards, may nakalagay na “I’m happy with you,” “incomplete without U,” “extremely in love with C,” “Thank God I found U,” at siyempre “I love you.”

“With ALL his,” no drawing nor picture and last “HEART,” naka-heart sign ang dalawang kamay niya na nasa harapan ng right chest niya. Why so creative  Nick?

(1)He will

(2)ALWAYS

(3)take good

(4)CARE

(5)of Caroline

(6)with ALL his

(7)HEART.

And I guess, you just completed the first day of my 2013.

Napapadalas ata ang mga pagkakataong may nararamdaman akong hindi ko maipaliwanag. There’s something inside me saying na masaya at kuntento ako sa kung anong meron ako ngayon. May part naman na may nagkukulang kapag wala siya. Hindi kaya sa kanya na umiikot ang mundo ko lately?

Ngayon, hindi ko maibaba ang aking mga labi. Gusto ko lang ngumiti, pati mga mata ko napapangiti. Finally, may taong dumating sa buhay ko na napapangiti ako ng ganito. At ni hindi ko man lang maipaliwanag sa sarili ko kung ano bang meron siya at pakiramdam ko – kumpleto na ako.

“Happy 2013!” Naunang pumasok si Matt na nagpaputok pa ng confetti. May torotot pa sina Kate at kuya Dan, tapos lahat sila naka-party hat. Ang cute nilang tignan.

“Mukhang ang saya ng bes ko ah?” Hindi ko alam kung paano ko sasagutin ang tanong niya, I’m more than happy. Itinaas ko ang dalawang braso ko at ineemphasize ang kwarto kong nilagyan ng mahika ni Nick. “Speechless ah?”

“Medyo, hindi ko alam ang sasabihin ko…asan ba siya?” Nasaan nga ba si Nick?

Ang mga mukha nila, bakit parang blanko. “Sinong siya? Kami lang ang andito.”

“Oh. Wala. Akala ko dumating na siya.” Kinuha ko ulit ‘yung pulang letter, parang may nabasa ako kanina eh. “I’m almost B-A-C-K, but for N-O-W, ito na lang muna…” Haaaaysss, oo nga pala…

“Ano ba sabi niya sa sandamukal na letter niya?” Intrigero ka Matt ha. Lahat sila nakatingin sa akin, nasa hot seat ako?

“Spill it out bes!” Siya na naman ‘yung pinakakinikilig ngayon. As usual, ang cute talaga ng bes ko.

“Fine. He said, ito na lang daw muna, tapos he’ll be back soon.” Siyempre hindi ko ifufully detailed ‘yung nakalagay sa bawat letter, private property ko na ‘yun! Yiiieee, kinikililg pa rin ako.

Pinatunog ni kuya ‘yung hawak niyang torotot. “Naku Cee, masyadong pa-excite si Nick. Daming pauso, effective ba? Nag-hi-lom na ba ang puso mong nangungulila?” Forever pang-asar talaga si kuya kaya binato ko siya ng unan, dahil sporty siya, siyempre sinalo niya. Tss.

Hindi naman ako KJ para hindi sakyan ang biro ni kuya, “pwede na.”

“AYIIIEEEE!” Sigawan sila.

“Tara na nga sa labas at kumain na, nakapaghain na si tita ng almusal.” Sa kainan, hindi papahuli sa luto ni mama ‘yang si kuya Dan. “Gutom na ako.”

“AS USUAL,” chorus naming tatlo sinabi sabay nagtawanan kaming lahat.

Ang sarap lang talaga ng may mga kaibigan kang katulad nila. Kaibigang kasalo mo sa saya, kaibigang mas kinikilig pa sa’yo kapag pinapakilig ka ni crush, kaibigang takbuhan mo kapag may problema, mga taong masasandalan mo sa bawat emosyon at yugto ng buhay mo. Hindi ka iiwan anuman ang mangyari.

Nagpatuloy ang chikkahan sa hapagkainan, ang sarap ngumiti – ngiting hindi peke, ngiting pati puso ko apektado sa sayang idinudulot ng mga kaibigan ko. Kahit pa may namimiss akong isa, ilang araw na lang magkikita na ulit kami – ng taong taga-kumpleto ng puso ko.

Continue Reading

You'll Also Like

169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
625K 39.2K 58
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...