Thanks For The Memories (Comp...

By MsLonelyGurL

54K 1.5K 483

Ano gagawin mo kapag naging tatlo ang taong mahal mo? Masasabi mo ba na LOVE talaga ang nararamdaman mo o gag... More

Thanks For The Memories - Prologue (REVISED)
Chapter 1 - Special Day - UPDATED (6/29/14)
Chapter 2 - After Graduation - UPDATED (6/29/14)
Chapter 3 - Pretending to be okay - UPDATED (6/29/14)
Chapter 4 - Love at First Sight??? (UPDATED - 7/23/14)
Chapter 5 - Kaasar tong araw na to!!!!! (UPDATED - 08/11/14)
Chapter 6 - Its nice to be back - UPDATED (09/11/14)
Chapter 7 - Confession
Chapter 8 - Confession Part 2 / Confession of a Teenstar
Chapter 9 - First Day Of Classes
Chapter 10 - I'll be there
Chapter 11 - Bonding with the Teen Star (Part 1)
Chapter 12 - Bonding with the Teen Star (Part 2)
Chapter 13 - Is it real or just another CRUSH?ll
Chapter 14 - Concern ( Part 1 )
Chapter 15 - Concern ( Part 2 )
Chapter 16 - Let the Pain Remain
Chapter 17 - Kung Ako Na Lang Sana
Chapter 18 - Argument
Chapter 19 - Namimiss Kita
Chapter 20 - Unexpected Call
Chapter 21 - Coming Home
Chapter 22 - Letter
Chapter 23 - Call Of Attention
Chapter 24 - After heartbreak
Chapter 25 - Stay Calm!
Chapter 26 - Books
Chapter 27 - Review Session 101
Chapter 28 - Prepared
Chapter 29 - Pass or Fail
Chapter 30 - Secret Conversation Part 1
Chapter 30 - Secret Conversation Part 2
Chapter 31 - Important Announcement
Chapter 32 - His Secret Identity Part 1
Chapter 32 - His Secret Identity Part 2
Chapter 33 - Don't Go, Please?
Chapter 34 - Decision
Chapter 35 - Surprise
Chapter 36 - Jealousy!
Chapter 37 - Everywhere
Chapter 38 - Plan
Chapter 39 - Moment of Truth Part 1
Chapter 39 - Moment of Truth Part 2
Chapter 40 - What the f*ck!
Chapter 41 - Hugs & Kisses
Chapter 42 [Special Chapter 1] - Hidden Feelings
Chapter 43 [Special Chapter 2] - Sweet Revenge
Chapter 44 [Special Chapter 3] - Farewell
Chapter 45 - Two Boys
Chapter 46 - Transferees
Chapter 47 - Trust
Chapter 48 - First Move
Chapter 50 - Talk of Responsibilities
Chapter 51 - Unexpected Incident
Chapter 52 - Untitled
Chapter 53 - Untitled.1
Chapter 54 - Untitled.2
Chapter 55 - Who's the Secret Agent?
Chapter 56 - Final Chapter of Book 1
Thanks For The Memories - Epilogue
Final AUTHOR'S NOTE - EDITED!!!
Announcement!!
TFTM: Special Chapter

Chapter 49 - Scene

478 17 1
By MsLonelyGurL

Enjoy reading guys ^__^

********

" Scene "

- Shayne's POV -

" Bitawan mo nga si Shayne! Bigla bigla mo na lang kukunin! Kung sa huling beses na pagkikita natin ay hinayaan kitang makasama siya, pwes hindi na ngayon! " Hinatak ako ni Nicko. Napalakas ang paghatak niya kaya nakaramdam ako ng pananakit ng balikat.

" Kung makakaya mong bawiin si Shayne sa akin! Sa pagkakatanda ko, walang kasintahan si Shayne, so wala kang karapatan na pagbawalan siya na makasama ako!! " Napatingin ako sa mga mata niya. Kitang kita ko ang eagerness at anger dito.

Syempre ano pa nga b ineexpect ko na gawin ni Daniel? Naghatakan lang naman sila at nagpapalitan ng matatalim na titig. Naulit na naman ang nangyari sa park pero mas dumoble pa! Ramdam na ramdam ko na talaga ang tensyon sa pagitan nila! Isama mo na ang mga schoolmates kong kanina pang nagbubulungan!

" Sa akin sasama si Shayne dahil may pag-uusapan kami! MAHALAGA iyon at kaming dalawa lang! "

" Talaga? Mahalaga? Hahaha! Nakakatawa ka naman, Daniel!! Sayo sasama yan? Haha! Tignan mo nga! Nahatak ko na si Shayne haha! " Nakangising sabi niya kay Daniel na sobrang ikinainis nito.

Oo! Tama ang sinabi ni Nicko. Isang malakas na hatak ang ginawa niya kaya sa kanya ako napunta. Sinusubukang hawakan ni Daniel ang kamay ko pero kusang inilayo ni Nicko sa kanya. Maski ako, ayaw kong makausap siya ngayon dahil naaalala ko lang ang eksenang nangyari kanina at any moment, hahagulgol na naman ako ng iyak. Tumingin na lang ako sa malayo para hindi mapansin ni Daniel ang aking mga mata.

" Sige! Sayo muna sasama si Shayne, pero sisiguraduhin kong sa akin pa rin ang bagsak niya! " Pagsuko ni Daniel sabay labas ng canteen at ang huling nakita ko bago siya nawala sa paningin ko ay ang pagkuyom niya sa palad niya.

" Ayos ka lang ba? May masakit ba sayo? " Pag-aalala nito at talagang tinignan ang buong katawan ko kung may masakit sa akin. Umiling na lang ako bilang tugon. Hindi naman pisikal ang masakit sa akin. Kundi ang puso ko.

Niyaya na ako ni Nicko sa table namin. Syempre! Hindi pa din nawawala ang pag-alala sa kanya at inalalayan pa ako para makaupo ng maayos at umupo na din siya sa tapat ko.

" Kumain muna tayong dalawa at baka nakakalimutan mo, may ikukwento ka pa sa akin. " Sabay kindat at ngiti ng malapad. Gumanti na lang ako ng ngiti sa kanya. Kahit na fake smile lang ang binigay ko, hindi pa din kayang burahin nito ang sakit na nararamdaman ko.

Ibinigay naman niya sa akin ang inorder niya at nagsimula na kaming kumain. Isang combo meal ang inorder niya sa akin at halata talagang gusto niya na mabura kahit pansamalata ang hinanakit sa puso ko.

" Ice cream? Alam kong kailangan mo yan ngayon kaya hindi na ako nagdalawang isip na bilhan ka niyan. Kain ka lang dyan ha? " At nagsimula na kaming kumain. Una, tahimik lang kami kumakain na para bang may malalim na iniisip batay na rin sa nakikita ko sa expression ng mukha ni Nicko. Siguro, showbiz commitments na naman ang pinoproblema niyan o kaya ang family business nila. Basta! Hindi ko alam! Halata naman pati sa kanya na marami din siyang pinoproblema pero nagagawa pa din niyang mabigyan ako ng time. Pero kung ikukumpara ko siya kay Daniel, ang layo nang pagkakaiba!

Oo! Nililigawan ako ni Daniel pero nawawalan siya ng time sa akin. Laging si Nicole Anne ang kasama niya! Ang masakit pa nito, kahit na sinabihan na niya ako na sa kanya lang magtiwala, yung mga kinikilos nilang dalawa, talagang nakakapanghinala!

Anong lovelife ba itong pinasok ko! Mas COMPLICATED pa pala ito! Hindi ko namalayan na natapos ko na pala ang lunch ko. Kinuha ko ang ice cream nasa harapan ko. Ice cream na nasa cup ang binili niya. Kanina pa ito nasa harapan ko pero ngayon ko lang napansin dala na rin ng madaming iniisip kanina. Binuksan ko na ang ice cream at saka nagscoop ng maliit.

" Sabi ko na kailangan mo niyan eh! So ayos ka na ba? " Nakangiti na naman siya sa akin. Tumango lang ako at ipinagpatuloy ang pagkain. Ang sarap ng ice cream eh! Nakaramdam ako ng relief kahit papano.

" Ang cute mo talaga kapag kumakain ng ice cream! Hahaha! " Ewan ko ba kung bakit tawa ng tawa tong lalaki to! Ibinaba ko ang pagkain ng ice cream at gamit ang panyo ko at pinahid sa lips ko. Hmp! Kaya pala ako tinatawanan dahil may naiwang ice cream sa gilid ng lips ko. Tinignan ko ng masama si Nicko at ipinagpatuloy na lang ang pagkain habang siya, wala pa ding tigil sa pagtawa.

" Galit ka na niyan? Pinapatawa lang kita! Hindi ka mabiro! Huwag kasi masyado seryosohin ang pagkain ng ice cream. Napaghahalataang marami kang iniisip. " Pagpapaliwanag niya. Artista nga pala itong kasama ko! Bakit ko nga ba nakalimutan ang bagay na yun!

" Hindi naman malalim ang iniisip ko. " Pagdadahilan ko pero hindi siya nakuntento. Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ng marahan. Tumingin siya diretso sa mga mata ko.

" Huwag ka na magdeny pa. Kitang kita naman ang ebidensya. Now, speak, Shayne! Tell me what happened. " May halong sinseridad ang pagkakasabi niyang iyon. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita at saka siya tinignan sa kanyang mga mata.

" Pagkaalis mo kanina sa classrooom, naiwan kaming tatlo nina Nicole Anne. Dinedma ko lang sila kasi nga nag-aayos ako ng gamit ko para makapunta na agad dito. Nung una, hindi ko pinapansin ang mga parinig ni Nicole Anne pati na rin sa pinag-uusapan nila. Hanggang sa hindi na ako nakatiis at tinignan sila. Eksakto namang nagyayakapan sila pero ang sumunod na nangyari ang hindi ko kinaya. " Sabi ko sa kanya at saka yumuko. Napahigpit ang hawak ko sa skirt ko at nag-uunahan na silang pumatak na naman. Naramdaman ko na may tumabi sa akin at hinahagod ang likod ko. Dito, nilabas ko ang lahat ng sama ng loob ko. Hinayaan naman ako ni Nicko sa ganoong posisyon hanggang sa kumalma na ako.

" Maraming salamat ha? Buti na lang andyan ka. " Sabi ko sa kanya habang pinupunasan ko ang mga mata ko gamit ang panyo.

" Wala yun! Shayne, may itatanong ako sayo! Huwag kang magagalit ha? " Na-curious naman ako sa narinig kaya napatingin ako sa kanya.

" A-ano yun? "

" Do you love him? " Tinitigan niya ako straight sa aking mga mata.

Do you love him? Pinapatungkol niya ba ito kay Daniel? Iyan din ang tanong na matagal nang bumabagabag sa isipan ko. Mahal ko na nga ba siya? Kaya ba ako nasasaktan ngayon dahil mahal ko na siya? Paano naman si Nicko? Argh! Ang gulo!

" I-i don't know! Naguguluhan din ako ngayon sa nararamdaman ko. " Oo, tama! Naguguluhan ako! Hindi ko alam kung sino sa kanila ang mas matimbang sa puso dahil pareho silang mahalaga sa akin.

Ngumiti na lang ako sa kanya. Naconvince ko naman siya. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko. Hindi pa din niya inaalis ang pagkakatitig niya sa akin.

" May pag-asa pa ako para manalo dyan sa puso mo! Tara pumasok na tayo sa next class natin. " Magiliw niyang pag-anyaya sa akin. Shock man ako sa narinig, tumayo na lang ako at sumunod sa kanya kahit na pinagtitinginan na naman kami ng mga tao.

*********

Wala naman kaming ginawa maghapon! Puro lecture lang naman ang itinuro ng mga prof namin. Syempre! Iniiwasan ko na magkatinginan kami ni Daniel. Ayaw kong isipin niya na dahil sa kanya kaya ako umiyak kanina. Ayaw kong kaawaan niya ako. At kapag nakikita ko lang siya, lalo ako nasasaktan lalo na't ngayon naguguluhan ako sa nararamdaman ko.

Dumating ang uwian. Syempre! Nagmamadali akong umalis sa classroom. Tama! Iiwasan ko muna siya para malaman ko kung ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa kanya. As usual, hinatid ako ni Nicko dito sa bahay. Nagmamadali pa ngang umalis dahil may guestings pa daw siya. Pagkapasok ko sa bahay ay agad akong umakyat sa kwarto. Bubuksan ko pa lamang ang pinto nang makarinig ako ng tunog mula sa gate. Binalewala ko ito at sa halip ay pumasok na lang sa loob. Baka si Papa lang ang dumating galing JBC.

Agad akong nagpalit ng damit at nahiga. Ang daming nangayari sa araw na ito. Dapat maging handa pa ako sa mga posibleng mangyari sa ibang araw.

" Be strong, Shayne! Umpisa pa lang ito. Fighting! " Sabi ko sa sarili ko. Fighting lang talaga. Lalakasan ko lang ang loob ko dahil alam ko, may binabalak na hindi maganda itong si Nicole Anne.

*tok.tok.tok*

" Iha, nandito si Daniel sa sala. Hinahanap ka. May pag-uusapan daw kayo. " Agad akong bumangon sa kama at pinagbuksan si Mama ng pinto.

" Sige po! Sunod na ako sa sala. " Agad kong isinara ang pinto at nagtungo sa sala.

Sabi ko, iiwasan ko siya di ba? Pero bakit heto at mukhang kinakain ko lang ang sinasabi ko? At ano naman ang pag-uusapan namin? Tungkol ba kay Nicole Anne? Hmp! Bahala na mamaya! Basta kalma lang, Shayne!

*******

- Nicole Anne's POV -

Kabadtrip! Napilitan akong magpahatid tuloy sa driver ko papunta lang dito sa starbucks imbes na si Daniel ang gagawa. Ewan ko ba bakit nagmamadaling umalis siya kanina. Alam ko naman kung saan pupunta yun! Kanino pa ba? Hindi pa nadala sa ginagawa sa kanya. Halata nang umiiwas na yung tao sa kanya. Tsk! Masyadong tinamaan kay Shayne! Ang cheap niya and iww!! Para siyang nagpapaimpress sa tao lalo na kay Nicko!

Tama kayo nang pagkakabasa! I like them both! Pero mas gusto ko si Daniel because he's richer than Nicko! Syempre, siya lang naman ang heir ng JBC but mukhang ang tadhana ang gumagawa ng way para mapalapit ako sa kanya. Akala ko, ako lang ang antagonist sa kwentong ito. Meron pa pala at mas malala ang tama ng isang to! Speaking of antagonist, nakikita ko na siyang papalapit sa table.

Ano pa nga ang usual na ginagawa ng mga artista kapag nasa public? Pero, kahit ganon ang itsura niya, gwapo pa din siya. Young and fresh!

Ningitian ko agad siya nang maupo siya sa harap ko.

" Pinaghintay ba kita ng matagal? " Maamo niyang pagkakasabi sa akin. Nakangiti pa ang loko. Madadala ako ng charms niya!

I shook my head as my reply. Nanatili pa din akong nakangiti sa kanya kahit na alam ko, plastic lang ito. Isnt it obvious? Cmon readers! Hahaha. .

" Bumaba ang sales ng JBC by 3%. Arent you aware from this? Ms.Fontanilla, the heiress of Level-up Games, Philippines Incorporated! " Nakangisi niyang sinabi sa akin. Kaya nagsmirk na din ako. I wont let him na maoverpower niya ako! Never!

" I am not stupid, Nicko para hindi ko malaman ang lahat ng iyan. I have my own source so dont blame me! " Mataas ang tono yet kontrolado ko pa din ang boses. Nanatili pa din siyang nakasmirk.

" So, bakit mo pa ako pinapunta dito? " Straight to the point na pagkakasabi niya sa akin.

Bakit ko nga ba siya pinapunta dito? Para isakatuparan ang mga plano ko.

" Simple lang! Ipagpatuloy mo lang ang panunuyo kay Shayne and I will do my part to Daniel. Huwag na huwag mong hahayaan na magkakasama ng matagal ang dalawang iyan! Dahil anytime. . Pwede tayong mabulilyaso! " 

Straight to the eye kong sinabi sa kanya at saka ako nagsmirk. He nodded.

" May isa pang tao na ayaw na magkatuluyan ang dalawang yun. " It made me confuse so I raised my eyebrow to him. He get my point.

" Renz Goldwin Basmayor. Shayne's one of her colleagues. Ayaw na ayaw niya kay Daniel for Shayne so may makakatulong sa atin. "

I knew that already! Im a wide observant! Unang pasok ko pa lang sa classroom nila, iba na ang aura nila especially the guy who giving deadly glares to Daniel and I guess that was Renz.

" Ah ok! Thanks for sharing! Should I go now? Its already late! " Pagrereklamo ko. Syempre nagmaktol na din ako sa harap niya. I will use my charms to him. Tignan ko lang kung hindi ito tumalab sa kanya. Haha!

" Sige! Late na pati. May kotse ka bang dala pagpunta dito? " Umiling ako.

" I have no choice but to drive you home. " He gave me a wide smile. That smile makes me blush more often. Lalo ako ginanahan na gamitin ang charms ko sa kanya.

Hindi ko namalayan na wala na pala siya sa harapan ko kaya nagmamadali akong lumabas ng coffee shop at nagtungo agad sa parking lot. And viola! I saw him standing besides his car while leaning on it.

Oh, Nicko! Dont make me blush more! I resist myself that Im attracted to him. Physically attracted to him.

Lumapit ako sa kanya at ningitian. Ginantihan niya ako ng ngiti. Syempre, agad ko siyang niyakap. Iginala ko ang mga mata ko kung may ibang tao sa paligid at nakahinga ako ng maluwag ng wala ako naaninag na ni isang tao. Naramdaman ko na lang na ginantihan niya ako ng yakap.

Ganyan nga, Nicko! Yakapin mo lang ako! Wahahaha! Tumatalab na ang charms ko. Konti na lang.

Inilayo niya ako ng kaunti sa kanya at tinitigan ako sa mata niya. Nakikita ko ang lust at sadness sa kanyang mga mata na lalo kong ikinatuwa.

" May problema ka ba? Ihatid na kita sa inyo na lang natin pag-usapan yan at mukhang serious matter yan. Aalis na sana siya para pagbuksan ako ng pinto pero agad kong nahawakan ang kamay niya at hinigit papunta sa akin. I started kissing him torridly at nararamdaman ko na gumaganti siya sa mga halik ko. Matagal kaming naghahalikan at nagsisimula na siyang yakapin ako ng mahigpit.

We parted our lips as we catch our breath rapidly. Nakangiti lang ako at pumasok na sa loob ng kotse.

" Your so naughty, Nicole Anne. " Sabi niya pagkapasok sa loob ng kotse at ginulo pa ang buhok ko. Nagsimula na siyang paandarin ang sasakyan.

Isang ngiti ang gumuhit sa aking labi. Malaki ang magiging pakinabang ni Nicko sa akin at nagsisimula pa lang ito NGAYON. Kitang kita niyo naman na kumakagat siya sa charms ko meaning mas malakas ang charisma ko kesa kay Shayne. Sad to say but magiging talunan si Shayne sa bandang huli.

Continue Reading

You'll Also Like

55.1M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...
6.5M 179K 55
⭐️ ᴛʜᴇ ᴍᴏꜱᴛ ʀᴇᴀᴅ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ ꜰᴀɴꜰɪᴄᴛɪᴏɴ ᴏɴ ᴡᴀᴛᴛᴘᴀᴅ ⭐️ ʜɪɢʜᴇꜱᴛ ʀᴀɴᴋɪɴɢꜱ ꜱᴏ ꜰᴀʀ: #1 ɪɴ ꜱᴛᴀʀ ᴡᴀʀꜱ (2017) #1 ɪɴ ᴋʏʟᴏ (2021) #1 IN KYLOREN (2015-2022) #13...
2.4M 141K 46
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...
28.9M 916K 49
[BOOK ONE] [Completed] [Voted #1 Best Action Story in the 2019 Fiction Awards] Liam Luciano is one of the most feared men in all the world. At the yo...