Chapter 13
Unexpected Greetings
"What the-," buti napigilan ko, may bata sa harapan ko.
"Anong problema?" Pinabasa ko kay Kate 'yung text ni Nick.
"And so?" 'Yan lang reaksyon mo Kate?
"Anong 'and so?' Bes, last week na kaya ngayon tapos bakasyon na tayo. Eeehh. Kainis naman. Tsk." Umuusok na ata ang ilong ko.
"Chill! Magtetext ulit 'yan. Abangan mo na lang paliwanag niya." Hindi pa riiiiin ee. Kahit pa may paliwanag siya, ang totoo, ilang araw na kaming hindi nagkikita at yes...namimiss ko na siyaaaaa. "Kate naman eeee!! Isang buwan siyang magbabakasyon?! Ang dayaaaaaa!!"
"Iyon ba talaga ang tunay na dahilan?" Tsk. Mind reader ata 'tong si Kate.
"Siyempre..." Kahit hindi.
Hindi ko maipaliwanag kung anong pakiramdam ang bumabalot ngayon sa katawan ko. Damang-dama ko na may mali, hindi ko masabi kung ano.
"Siyempre hindi, tama?" Hindi ko siya masagot. Bakit nga ba? Hindi ko matanggap sa sarili ko na ngayon pa lang namimiss ko na – siya.
Pasakay na kami ng trike nang may biglang bumulaga sa amin. "Late na kayo ah!"
"Matt?!" Napasigaw tuloy si bes. "Akala ko ba nasa school ka na?"
"Mahirap na baka shoshonga-shonga kayo't madapa." Hay naku Matt, napakawalang kwentang dahilan. Siyempre gusto mo lang ihatid si Kate.
"Wow ha. O sige, back ride na ako, 'di maganda umaga ko ngayon." Kumindat ako kay Matt. I just gave them a five minute conversation.
Kahit anong lakas pa nitong motor ni kuya, naririnig ko 'yung halakhak ni Kate. Good.
Pero ako?! Hindi ako goooood. Lintek ka Nick. Pa-cliffhanger sa panliligaw? Tsk. Minus 20 gwapo points.
“Arriving at PUP Main,” shet, nosebleed, LRT ang peg ni kuya. Bumaba na kami, bayad-bayad din, siyete.
Nakangiti naman ang bes ko. Tsk. Sana kasing strong niya ako. Napunta ata lahat sa akin lahat ng bad vibes niya kagabi. Siguro may ginawang orasyon ‘to kagabi habang natutulog ako.
Malapit na kami sa court, akala mo naman may balikbayan kung sumalubong itong si kuya Dan. "WALANG PE! Kain tayo!"
Wala ako sa mood para barahin siya or i-physical abuse siya in any way pero si Kate, "libre mo?"
"Game." Wow, kelan pa?
"Joke 'yan kuya?" Once in a bluemoon lang 'yan manlibre e.
"Hindi ah. I'm serious." Still, I’m not grabbing the opportunity. Ang aga-aga, nanlumo ako sa news ni Nick. Tsk. Subukan niya lang hindi mag-reply.
"Naks English. I'm-serious," binilang ni Matt sa daliri niya 'yung words na sinabi ni kuya. Pang-asar ba.
"Pass muna ako," sabi ko. Feel kong mag-emote ngayon.
"Good," nakangiti pa siya na hindi ako sasama.
"Huh?"
"Eh siyempre mas kokonti 'yung gastos ko. Wa-ha-ha-ha!" Evil laugh ni kuya pasadong-pasado sa impyerno. Joke.
"K. Go."
Umalis na sila. Naiwan ako dito sa tapat ng court. Nakaupo sa mismong kinauupuan namin ni Nick nung nagtapat siya sa akin.
Dominick Alcantara, asan ka ba?
*ding*
1 New Message from
…
…
…
…
…
…Bes Kate
Bes, asan ka? Dito kami sa hagdan, sa may intramuros. LabHigh side.
From: Bes Kate Received: 8:15am
Akala ko naman si Nick na ‘yung nag-text.
Hays… Mahirap umasa sa bawat “ding” ng cellphone, the more you asa, the more you nga-nga kapag ibang pangalan ang lumabas sa screen.
Bakit ba kasi hindi na lang sila ang tumungo dito, dun pa nila gustong tumambay. Makapaglakad na nga.
Kapapasok ko lang sa mala-intramuros na entrance ng lagoon ng aming sintang paaralan.
Sa gilid ng nilalakaran ko ngayon ay malaking pader na pumapaligid sa spot na ‘to. Sa laki ng pader, minsan “great wall” ang tawag nila dito.
Bukod sa laki, katulad ng Great Wall of China, pwede ka rin maglakad sa taas nito, kaya itong nilalakaran ko ngayon eh malilim. Kung nandun ka sa taas, Temple Run ang view promise.
Siyempre, may hagdanan paakyat papunta sa taas nito. Sa hagdan kung nasaan daw ‘yung tatlo. Eto at malapit na ako.
"Bulaga!"
"Ay kabayo!!" Takte. Si kuya Dan ba naman manggulat sa'yo...
"Kabayo agad? Di ba pwedeng gwapo muna?" Hihirit ka pa.
"U1ul." Pinout ko pa ang lips ko para dama bawat pantig.
"Hindi ka na mabiro. Anyway, may pinadala si Nick."
"Para sa akin?" Wala naman akong nakikitang flowers or anything sa paligid. Si Matt at si Kate lang na nakaupong nagkikilitian sa hagdan. P-B-B-TEENS.
"Malamang. Alangan naman sa'kin, ako nililigawan? 'Di kami talo!" Pilosopo.
"Eh sorry naman. Ano ba 'yun?"
"Una na kami ah,” sabi ni Matt at huminto sa kilitian ‘yung dalawa. “Sunod ka na lang kuya," si kuya lang?
"Wait. Saan kayo pupunta?? Gagala kayo ng hindi nagyaya?!" Bigla atang naging nasa mood ako.
"Wow bes. Kanina nga ayaw mo sumama sa libre ni kuya eh."
"May gig kami ni kuya, sama ka?" Taray. Napapadalas ata ang gig nitong sila Matt.
"In demand ata kayo?" Tukso ko.
"Eh siyempre, natutulala lahat ng babae kapag si Matt na 'yung nag-gigitara." Sagot ni kuya habang inaayos niya 'yung laptop.
"At kailangan kong makita dahil hindi ako naniniwala." Wusuuus Kate, gusto mo lang libreng chibog.
"Oh eto na, okay na. Upo ka na dito Caroline." Umupo naman ako dito sa may hagdan na kinauupuan nila kanina. Kami lang may lakas ng loob tumambay dito kahit pa daanan 'to. *evil grin*
"Play mo na lang, okay na 'yan. Bibili lang ako ng pagkain." At gutom ka pa ulit kuya?
"At iiwan niyo talaga ako dito mag-isa?"
"Moment mo 'yan bes, pampawala siguro ng BV 'yang pinadala ni Nick." Sana nga.
"Bye," duet ni Kate at Matt. Tinitigan ko sila, bagay naman pala sila. Nakaakbay pa 'tong si Matt. Pasimple ang loko.
"BRB," paalam ni kuya habang nakaalis na 'yung dalawa. Tinanggal ni Kate 'yung akbay ni Matt. How cute. Hahaha.
"Bilisan mo kuya!" Nag-pout naman ako, pa-cute ba.
"Oo, play mo na dali!"
PLAY.
"Oink. Oink." Bungad ni Nick sa video. Amf.
"Sensya na ha, video na lang napadala ko. Dapat kasi talaga may banda pang magpeperform diyan eh!" Hala.
Anyway, bawing-bawi naman sa blue na checkered polo niyang long sleeves na itiniklop para maging three fourths. Ayyy, ang gwapoooo. I diiiieeed.
"Oink. Magsisi ka na. Tignan mo oh..." Tinapat niya ‘yung video cam sa…
...O...
..........
...M...
.........
...G...
.........
Pause. Wait lang, shock pa ako.
.........
.........
.........
Gabi, so, kagabi 'to? Tas garden ang setting. Nakalaglag 'yung malabuhok na stems nung puno.. Then may christmas lights.
Speechless.
Ito ba sana 'yung kagabi?
........
........
...Play.
“Tignan mo, natunaw na 'yung kandila. Halloween na tuloy ang peg.” Nangalahati na ‘yung kandila sa ibabaw ng lamesa. Dinner date sana, Ceeeee!!
“Beef steak with mushroom, plus mashed potatoes on the side.” Eh?? Yummmineessss. Naglalaway na ata ako.
"Red wine. Joke. Siyempre strawberry juice lang 'yan, wala kong balak lasingin ka. So ayan, pinaglaway lang kita. Punasan mo, mahirap na...lakas pa man din ng rabies mo." Puny%#@ ka Nick!! Itinaas ko ang kamay ko, muntik ko ng hampasin 'yung laptop. Pero in fairness, napangiti ako dun.
"Joke lang. Lalalove you." Ih...baka namamula ako ditoooooo. Nick naman eeeeeeh. Buti na lang malapader ang hawakan ng hagdan na ‘to, so hindi ako nakikita from the lagoon. Libreng-libre kiligin. Wiiieee.
"May pinrepare akong konting performance for you. Para sure akong mamimiss mo ako." Nag-wink pa siya. Shemaaaay naman eehh. Para na akong nalantang gulay dito.
Sinimulan niya sa pagpitik ng kamay, tas kinuha niya ‘yung yukelele sa gilid.
Nasa 'yo na ang lahat
Minamahal kita 'pagkat
Nasa 'yo na ang lahat
Pati ang puso ko...
He just winked... I diiieeeed...
Nasa 'yo na ang lahat
Minamahal kitang tapat
Nasa 'yo na ang lahat
Pati ang puso ko...
May nilabas pa siyang cartolina na heart shaped tapos naka-label "puso ko."
Oh Oh Oh Ohh Ohhh
Na-nasa 'yo na ang lahat
Oh Oh Oh Ohh Ohhh
Na-nasa 'yo na ang lahat
Lahat na mismo nasa 'yo
Ang ganda, ang bait, ang talino
Nag-flash mga pics ko..may gaaawwd, ganda koooo.. choosss.
Inggit lahat sila sa'yo
Kahit pa itapat man kanino
Kaya nung lumapit ka sa'kin
Ay, bigla akong nahilo
Wow, best actor, ang cute mahilo aah.
Di akalaing sabihin mong ako na 'yon
Ang hinahanap mo...
Uy wala akong sinabi aaah! Pero oo, ikaw na talaga!
Nasa 'yo na ang lahat
Minamahal kita 'pagkat
Nasa 'yo na ang lahat
Pati ang puso ko...
Nasa 'yo na ang lahat
Minamahal kitang tapat
Nasa 'yo na ang lahat
Pati ang puso ko...
Todo pikit naman, aysuus, galing-galing kumanta. F na F.
Oh Oh Oh Ohh Ohhh
Na-nasa 'yo na ang lahat
Oh Oh Oh Ohh Ohhh
Na-nasa 'yo na ang lahat
Kinikilig pa rin ako
Ang sarap magmahal 'pag panalo
WAHAHAHA, belt ba ni Pacman 'yun?
Nag-iisa sa puso ko
Nag-number one siya sa right hand niya tapos tinuro niya 'yung puso niyang cartolina. HAHAHA.
Ito'y kaya 'di na ba magbabago
Ako ang pinili sa dami
Ng ibang nirereto
Hindi akalaing
Sabihin mong ako na lang
Ang kulang sa iyo... Ohh
Nasa 'yo na ang lahat
Minamahal kita 'pagkat
Nasa 'yo na ang lahat
Pati ang puso kohhh
1 million gwapo points for cuteness, gwaponess and sweetness.
Nasa 'yo na ang lahat
Minamahal kitang tapat
Nasa 'yo na ang lahat
Pati ang puso kohhh
I diiiieeedddd agaaaiiin...
Nasa 'yo na ang lahat
Minamahal kita 'pagkat
Nasa 'yo na ang lahat
Pati ang puso kohhh
Nasa 'yo na ang lahat
Minamahal kitang tapat
Nasa 'yo na ang lahat
Pati ang puso kohhh
Oh Oh Oh Ohh Ohhh
Na-nasa 'yo na ang lahat
Oh Oh Oh Ohh Ohhh
Na-nasa 'yo na ang lahat
Nasa 'yo na ang lahat...
"Sana nagustuhan mo. I love you Caroline. Merry Christmas and a happy new year!" Nag-pouty lips siya tas nag-flying kiss. Sheeeep.
Teka!
...
...REWIND.
...
"...merry Christmas and a happy new year." WAAAAAAAAAA!!!!
"Hoy Nick!!! Bakit mo ko binabati agad?! Parang di ka na babalik ah! Tengggge#% namaaan! Ano bang meron??!" Ako na mukhang tanga na kumakausap sa laptop na hindi naman naka-skype.
Hindi nagtagal, may naririnig akong nag-gigitara malapit dito.
*Nasa'yo na ang lahat...*
Napatayo ako. Si Nick ba 'yun? Boses niya eh. Napatayo ako at sumilip.
Boom...
Bakit pumayat si Nick?! Ay wait... Maskara ba 'yun?
May napakahabang manila paper na nakalagay sa sahig... May lettering...
I LOVE YOU CAROLINE
Oo, dito sa semento malapit sa lagoon. Sheeeep!! At meron pang petals of roses sa baba nun..
B-R-B
Eh ako...W-T-F?!
"Punta ka na dun bes." Kate?!! Akala ko ba...akala ko ba...
"Akala ko ba umalis ka na?"
"Shhh...quiet. Dali na, punta ka na dun!" Hawak-hawak niya ang balikat ko tapos tinutulak niya ako pababa ng hagdan.
Bakit feeling ko prinsesa akong bumaba sa hagdan. Iiiiihhh...
Nakababa na ako at naglalakad papalapit dun sa taong nakamaskarang Nick na may hawak ng gitara.
Hala siya, may isa pang Nick, este nakamaskara rin. May dalang bouquet of flowers.
Habang kumakanta at nag-gigitara si Nick #1, inabot sa akin ni Nick #2 ‘yung bulaklak at may kasama palang chocolates. Wait, may envelope sa bulaklak.
Caroline
Cursive ang pagkakasulat ng pangalan ko.
“Wala raw stats. May seminar si prof,” sabi ni Nick #1.
“Matt?” Kaboses niya eh.
“Yap,” sabay tinanggal niya ‘yung maskara.
“Daming alam ni Nick noh?” Tinanggal na rin ni Nick #2, si kuya Dan pala.
Hala, lahat ng nakaupo sa gilid ng lagoon, nakatingin sa akin.
“Basahin mo raw ‘yung sulat kapag nakauwi ka na.” Tulala pa rin ako, hindi ko na alam kung sino ang nagsasalita. Tapos pinagpapawisan na ako dahil lahat sila nakatingin sa akin. Tapos may nag-picture pa. WAAG POOO. Ayoko ma-PUP Stolen Shots.
“Ok.” Tumakbo ako pabalik sa may hagdan. “Grabe, nakakahiya.”
Sa kanilang tatlo, si bes lang ‘yung may sense ang comment. "Astig talaga ni Nick, hindi ko inaasahan ito. How sweet. Kinikilig ako… You’re so lucky Caroline. Somebody’s madly deeply in love with you. Haba ng hair.”
“Grabe, nakakahiya kaya.” *tugs* Ako pa talaga ang nabatukan?
“Gaga! Kung ako ito baka nahimatay na ako. Kunin mo na nga 'yung bag mo. Tara na." Sabi niya habang inaasikaso nung dalawang boys 'yung props ni Nick.
Nauna na kaming dalawa. “Bes, siguro naman good mood ka na di-va?”
“Oo naman. Hindi ba halata?” Nag-smile ako sa kanya, all teeth out. Charrot.
“Halata nga, nag-spark pa ‘yung ipin mo. Haha.” Tawa kaming dalawa.
“So, sama ka sa amin mamaya. Nood tayong gig nila.”
“Sure! Bes, pahawak nga muna," inabot ko sa kanya 'yung bulaklak.
Mabasa nga muna itong sulat.
Love of my life,
I may not be there by your side,
You’ll always be on my mind
I’ll be back in three,
Keep smiling for me, please.
Distance is just a number, that’s true
For my presence will always be beside you,
My heart will keep beating for you.
I love you, I do…
Perfectly for you,
Nick
PS
BRB. See you next year. *.*
“WHAT-THE-?!!” Hindi na ako nakapili ng mga salitang dapat kong sambitin sa mga oras na ito. Heto’t nararamdaman ko na naman ang naramdaman ko kaninang umaga. But this time, in a different level…ni hindi ko masabi kung higher dahil mas masakit ngayon o lower dahil lalo akong nanghina sa huling pangungusap na nabasa ko sa sulat na ‘yun.
Kasabay ng pagbitaw ko sa mga salitang ‘yun, nabitawan ko rin ‘yung papel.
“I’ve told you pag-uwi mo raw basahin eh! Tsk!” Sumigaw si kuya. “Kate, bakit mo hinayaang basahin niya?!” At sinisigawan niya na ngayon si Kate?
“Sorry naman kuya! Hindi ko napansing ‘yun na pala ang binuksan niya. Pinahawak niya sa akin itong bulaklak, natakpan, ‘di ko na naki—“ hindi na nakapagsalita si Kate.
Tulala na ako.
Bakit ba sila nag-aaway?
Ganun ba ka-big deal kung nabasa ko?
Aalis lang naman siya.
Hindi sinabi kung saan.
Three.
As in three weeks?
So next year na ‘yun, tama ba Cee?
Christmas.
New Year.
No Nick, no kilig.
“Ayy palakang Dan!!!” Akala ko susuntukin na ako ni kuya sa mukha, nagulat ako dun ah.
Nasa likod niya si Kate at sinesenyasan niya ako. ‘Yung mata ko raw, ano ba meron sa mata ko?
“Tulala ka Caroline.” Weh? Paghawak ko sa kanang mata ko, basa.
“Hindi ah! Napuwing lang.” Pinunasan ko.
“Mata mo! Iiyak ka na niyan?” Tinititigan na ako ni bes.
“Hindi ah!” Sheeep, hirap patuyuin ng mata ah. Fall back, tears! “Para kayong ewan. Tara, uwi na tayo!”
“Akala ko—“ Hindi na tinuloy ni bes, sorry Kate…I can’t come sa gig. “Sorry Kate.”
Mula school hanggang ngayon dito LRT, naka-mute ako.
Akala ko kakaiba ang pasko ko ngayon.
Akala ko may kasama na akong mag-celebrate ng bagong taon, bukod sa mga magulang ko.
Bye bye merry-lovely Christmas.
Hello again not so new year’s eve.
Ang hirap talaga full of expectations, kailangan ko ng tigil-tigilan ang pag-eexpect. Hindi ko dapat pangunahan ang mga pangyayari sa buhay ko. Go on with the flow, Cee – strictly without expectations.
May sweet surprise, flowers, chocolates and letter nga, ni anino naman niya hindi ko makikita for three weeks.
Emoterang palaka na naman ako. Hindi tuloy ako makausap nung tatlo. Ganyan naman sila, hindi nila ako makausap kapag alam nilang badtrip ako.
Like this lang, ang tahimik nila. Ganun siguro ako ka-scary kapag badtrip.
Facing the front ako, facing the door naman sila.
Dahil wide temple ang salamin ko, hndi nila makikita kung nakailang pagkurap na ang mga mata ko.
Ang bigat, gusto ko ng patuluin 'yung mga luha ko pero sa sobrang galing ko sa pagkurap, napapabalik ko sila.
Cubao na.
"Ingat," mahina kong sabi.
"Ingat ka rin, ihihiyaw ka na lang namin.” Pabirong sabi ni bes pero biglang nawala 'yung ngiti niya nung makita niya sigurong magkasalubong na naman ang kilay ko.
“Pero next time ‘wag mo ng ipagpapalit ang bes mo sa iba ha!” Ouch. Napalingon ang mga katabi namin dito.
"Ge," sabi ko. Kahit pa first time ko sanang makakanood ng gig ni Matt at kuya, mas pinili kong umuwi na lang.
May natatanaw akong bakanteng upuan sa may kaliwa...ibinalandra ko ulit ang ulo ko sa may pinto. Mas gusto kong titigan ang view sa baba kaysa 'yung mga katapat ko ang makapansing wala ako sa sarili.
Yes, wala sa sarili...hindi ba obvious at kanina pa ako nag-momoment dito sa utak ko.
Nakakabwisit ka Nick. Sabi mo last week you'll spend time with me this week, tapos letter mo lang marereceive kong paalam ni hindi ka man lang tumawag! Ajujujuju.
Kahit pa nakabawi ka sa video, iba pa rin kung personal kang nagpaalam at kung sinabi mo man lang sana ang dahilan.
Itong flowers and chocolates mo, ang sarap itapon dito sa may pinto. Habang umaandar sana 'yung train para may epek.
Anonas station.
May umalis na dalawa, pero umupo na 'yung dalawang taga-UE na nakaupo kanina sa sahig kaya gustuhin ko man, naunahan na ako. Ayaw ko rin naman, walang sisira sa moment ko.
Naramdaman kong na-disappoint si Kate sa akin. Shonga ko lang, pinaasa ko siyang sasama ako sa gig pero hindi ako sumama.
Kahit pa alam kong naiintindihan niya ako since nabago nga ang aura ko dahil kay Nick, iba 'yung dating ng biro niya sa akin kanina. Sa harap ba naman ng iba, buti kung PF lang. Barang-bara ako at wala man lang akong maisagot kasi guilty ako.
Tenge%#@# 'yan. I wanna die.
Joke lang Lord... I'm not going to do that. You know naman, 'di ba Po?
Paparating na sa Katipunan station.
Nakaharap na ako sa gitna ng pinto. Reding-ready na ako sa takbuhan palabas ng underground station.
Ayan, lahat sila sa escalator dumaan. Eh ang lola niyo, sinisipag maghagdan.
Isip-isip pa. Ang hirap ng gantong paranoid. Wala pa ako sa exit, andiyan na ang next batch ng mga katipunero...este mga sakay ni pareng LRT.
Paglabas ko ng station, medyo madilim na rin. Tinignan ko muna ang cellphone ko. Aminin, umaasang baka nag-text na si Nick or maski si Kate man lang.
Wala.
Mapalitan na nga itong lock screen background ko. Nakangiti kami dito ni Nick, ano pang ingingiti ko kung wala naman siya for the next three weeks?
Hindi ko inaasahang matapos akong mapangiti ng early greetings mo, bigla naman akong pinalungkot ng isang papel na naglalaman ng matatamis mong salita na may konklusyong tatlong linggo kang mawawala.