She Who Dares Wins

By deymkewlkiddo

453K 9.7K 986

Guns on their heads Each trigger waiting to be pulled Tears on their cheeks Drop them, if only they could ... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30

Chapter 6

14.4K 392 22
By deymkewlkiddo

"Ah sige, mauuna na ako. Basta bilisan mo. Late ka na naman sa klase mo. Sige, bye! Let's play with the gang some other time." Rinig kong sigaw ni Gretchen sa labas ng cubicle na 'to.

Ly continued on kissing me. I can't move. I don't even have the strength to push her. She just kept on doing magical things with my lips habang ang kamay niya ay kinukulong pa rin ako sa ilalim ng shower. Basang-basa na ako pero hindi ko karamdaman ang lamig ng tubig dahil nangiinit ang buo kong katawan. My knees were getting weak kaya napahawak ako sa balikat niya. I swear she just smirked. She bit my lips like she's asking for an entrance.

"Ouch." Mahinang daing ko pero ginamit na naman niya ang pagkakataon na yun para ma-invade niya ang bibig ko.

Nang maisara ni Gretchen nang pagkalakas-lakas ang pinto ng shower room ay doon lang ako natauhan sa mga nangyayari. I gained my strength kaya naitulak ko siya. Hindi naman iyon ganun kalakas pero enough na iyon para mapaatras siya.

"What do you think you are doing?!" Singhal ko sa kanya.

"What?! I kissed you!" Sigaw niya sa akin na parang napaka-obvious na bagay nun.

"Ang ibig kong sabihin ay bakit mo ginawa yun?!" Muli kong sigaw sa kanya.

"In case you forgot, Miss Lazaro, ikaw ang pumasok dito sa cubicle ko. Ikaw ang unang humalik. Ikaw ang nag-initiate. Ikaw ang nauna. I was just so kind na hindi ka gantihan. Kinuha ko lang pabalik yung halik na ninakaw mo sa akin." Sabi niya sa akin.

"Kasi nilalaglag mo ako kay LA! I kissed you to make you shut up!" Sigaw ko sa kanya.

"Really?! So pwede kitang halikan ngayon dahil you're being loud?" She asked. I shut up. No way! Hindi na kakayanin ng katawan ko na makatanggap pa ng halik sa kanya.

"What?! No!" Sigaw ko sa kanya.

"See?! Your reason doesn't make sense at all!" Sigaw niya.

"Okay, fine! Mali na ako! Sorry, okay?!" Sigaw ko sa kanya.

"You don't sound sorry at all." Sabi niya.

"Because you took advantage!" Sigaw kong pabalik sa kanya. Pwede naman siyang tumahimik na lang pero hinalikan niya pa ako talaga. She even had those guts na halikan ako using her playful tongue!

"I was just trying to make you forget LA's kisses lalo na dyan sa leeg mo because I know that guy! Pero mukhang hindi mo naman kailangan dahil mukhang hindi ka naman natrauma sa kamanyakan ng lalaking yun. Sorry ha? Sorry kung naging concern lang ako sa emotional side mo." Sabi niya.

"You don't have to!" Sigaw ko sa kanya at pinatabi siya para lumabas agad kong binuksan ang pinto at lumabas pero pinigilan niya ako.

"Basang-basa ka! Ano? Lalabas ka na lang ng ganyan?" Tanong niya.

"Ano bang pake mo?" Tanong ko sa kanya.

"I was the one who sent you there kaya ako ang may responsibilidad sa nangyari sa'yo. Now, don't be stubborn, just take a shower. May extra undies at clothes ako dyan." Sabi niya. Ah okay. Yun naman pala. Ano ba, Den? Were you really expecting something? May iba ka bang gustong marinig? Kakakilala mo lang dyan.

"Fine!" Sabi ko at saka pumasok ulit sa cubicle. Iniwan ko siya sa labas. I heard her chuckle. I faced her with confusion. Bakit tumatawa 'to?

"Why are you laughing?" I asked with a straight face.

"You want to take a shower with me? Di mo naman agad sinabi." Sabi niya at saka isinara yung pinto. Just then I realized na hindi pa nga pala siya tapos maligo.

"Teka, lalabas ako!" Sabi ko sa kanya. Tumabi naman siya at binigyan ako ng daan para makalabas. Ako na ang nagsara ng pinto. Pumasok ako sa katabing cubicle niya at saka hinayaang bumuhos ang tubig sa aking katawan. Tinanggal ko na lahat ng saplot sa aking katawan. Kating-kati na kasi ako sa paglilinis ng buong gym.

"I'm done. Here, toiletries at saka mga damit. I'll wait for you here." Sabi niya habang inaabot sa akin mula sa taas ng cubicle. Kinuha ko naman iyon at saka bumabad muli sa shower. Kinuha ko yun sabon. I was half thinking kung kukuskusin ko ba yung leeg ko or not. Siguro kanina, before the kiss happened under the shower, oo. Remembering na si LA ang humalik sa akin sa parteng iyon. Pero remembering din na si Ly mismo at ang kanyang labi ang nagtanggal ng marka ng mga halik ni LA, ayaw ko nang mabura pa iyon.

Man, that was my first kiss! Napahawak na lang ako sa labi ko habang inaalala ang nangyari kanina. I find myself smiling kaya bigla akong napailing. No. No way! I shouldn't feel this way! Ni hindi ko nga kilala yan!

"Gosh! Den! What are you saying?!" Bulong ko sa sarili ko.

"Hey, you okay?" She asked.

"I'm f-fine! Don't worry about me." Sigaw ko. Naalala ko naman ang paghahalikan nila ng ex niya kanina! Shit! Her lips kissed Laura's lips! Agad kong binura ang markang na iniwan niya. Now, I'm really clean. Binilisan ko ang paghahanlaw at saka nagbihis na rin. Medyo maluwag yung shirt dahil mas malaki ang katawan niya sa akin. I checked the shirt's design. It was an intrams shirt. Sa bandang likod ay may number 2 at Valdez sa itaas nito.

I was wearing her Nike pro din. Dahil malaki yung shirt, parang wala tuloy akong suot na short. Okay lang, hindi na rin naman ako papasok sa klase eh. Sabi naman niya excused ako. Grabe, 2nd day ko pa lang, dalawang klase pa lang lahat-lahat ang napapasukan ko at worse, iisang subject lang yung dalawang iyon.

Lumabas ako ng cubicle at naabutan siyang nakaupo sa parang upuan doon. Nang marinig niya siguro ang pinto ng cubicle, dun siya napaangat ng tingin. And to tell you the truth, nagslow motion siya. ARGH! Den! Utak! Umiling na lang ako at saka inangat yung sapatos na hawak ko.

"My shoes are wet too." Sabi ko sa kanya habang pinapakita sa kanya ang basa kong sneakers.

"I have slippers here pero Nike's. Okay lang ba?" She asked. I nodded. Kaysa naman maglakad ako ng nakapaa, di ba?

Inabot niya sa akin ang itim na pares ng tsinelas. Sinuot ko agad iyon at medyo mas malaki lang iyon ng kakaunti.

"Let's go." Sabi niya.

"Paano yung damit ko?" I asked.

"Just leave it there. Ako na ang magpapakuha niyan." Sabi niya kaya iniwan ko don sa cubicle niya ang mga damit ko pati na rin ang sapatos ko. Nakaangat yung left hand niya kaya nagtataka ako. Yung right hand niya naman ay nakahawak sa bag niya.

"What?" I asked nang mapansing nakatitig lang siya sa akin habang ako ay naweweirduhang tinitingnan ang nakaangat niyang kamay.

"Your hand?" She said.

"Ano?" Tanong ko naman.

"Give me your hand." Sabi niya. Ang bossy masyado!

"What? Why?" I asked.

"Aish! Ang dami mong tanong!" Sabi niya at saka lumapit sa akin at saka hinawakan ako sa kamay.

Asdfghjkl! Why oh why? Hoy, Den! Pumalag ka! Bawian mo yung kamay! Nasaan na yung tapang mo kanina sa harap niya?!

Nagpadala na lang ako sa paghila niya. Mabuti na lang at wala pang tao sa dorm nila dahil nasa klase pa ang lahat.

Hinila niya lang ako hanggang sa makarating kami sa parking lot nila. She looked at the cars lined up at tumingin sa akin ng umiiling.

"Kung hindi mo kasi binutas lahat ng gulong ng mga sasakyan na yan, hindi ka aabot sa ganito. Hindi ka kasi nakikinig." Sabi niya sa akin.

"Oo na. Ako na mali. At saka isang gulong per car lang naman ang binutas ko." Sabi ko naman sa kanya. Binitiwan niya ang kamay ko at saka tumingin sa relo niya.

"11:30 pa lang. May 30 minutes pa tayo bago maglunch." Sabi niya.

"Oh anong gagawin ko? Ihatid mo na lang ako sa dorm. Matutulog na lang ako." Sabi ko sa kanya.

"Ano ako? Driver mo? Itotour na lang kita para kahit papaano alam mo na kung saan ang mga buildings dito." Sabi niya.

"Ayoko nga! Sa dorm na lang ako!" Sabi ko sa kanya. Hindi ko na kakayaning makasama pa siya. Shit kasi! Bakit ko ba talaga hinalikan? Pwede ko namang takpan yung bibig niya! Gaga ka talaga, Den. Hindi ka muna nag-iisip!

"Sige, magdorm ka ah. Iiwan kita dito at saka ako magtotour mag-isa. Pero kapag bumalik si LA, wag ka nang papasok sa dorm namin ah. In case you didn't know, bawal pumunta sa dorm ng may dorm anytime. Sa Archers lang pwede dahil nandun yung bar kaya another violation yun sa'yo, Miss Lazaro. Kung sasama ka sa akin, baka makalimutan ko yung violation mo." Sabi niya habang naglalakad papunta sa driver seat. Nakabukas na yung pinto niya pero nakatayo pa rin siya na parang naghihintay ng reaksyon ko.

Mahilig siya sa bargain! Mahulig siyang mangblack mail! And I got no choice para sundin siya dahil hindi naman niya ako binibigyan ng choice in the first place.

Binuksan ko ang pinto ng passenger seat and I swear I can imagine her smiling from ear to ear. Sinara ko na yung pinto tapos saka siya pumasok. At totoo nga, she was grinning.

"Sasama din pala." Sabi niya at saka inistart yung engine ng sasakyan. I just rolled my eyes. One second, she's this sweet tapos another second, she's this annoying, jerk, manipulative asshole. At syempre, napapaikot naman niya ako. Feeling ko tuloy puppet ako.

"Hey, sorry for the kiss. I crossed the line. Hindi ko na dapat ginawa iyon." Sabi niya. Tiningnan niya ako pero binalik niya rin agad ang tingin sa daan. Di ba? I told you! Ang bilis niya magpalit ng ugali!

"I was the one who initiated. Ako dapat ang magsorry." Sabi ko naman sa kanya.

"Yeah, you initiated. Hindi naman pala marunong." Sabi niya at saka tumawa. This girl is nuts! Pinaghahampas-hampas ko siya pero dahil gumewang-gewang na yung sasakyan niya ay itinigil ko na ang paghampas sa kanya. What a dumb way to die.

"YOUR GUTS TO HIT ME! Physical harm yan ah! Gusto mo pa ng violation?" Tanong niya sa akin habang inaayos ang takbo ng sasakyan.

"Violation?! Baka pati paghinga ko, sa'yo, violation na rin?!" Sigaw ko naman sa kanya.

"Kung ikaw lang din naman pala ang dahilan ng pagkamatay ko, ibabangga ko na lang kotse ko!" Sigaw niya.

"Inaano ba kita?! Ikaw naman may kasalanan kung bakit kita hinampas!" Sigaw kong pabalik sa kanya. Bigla niyang hininto yung sasakyan kaya napauntog ako sa windshield nito.

"NANANADYA KA---"

Inalis niya ang seatbelt niya at ska lumapit sa akin at saka ako hinalikan. I froze right here on my seat. Agad naman siyang humiwalay bago ko pa manamnam ang halik na iyon.

"Geez! Salamat at nanahimik ka na din!" Sigaw niya. Mas lumapit siya sa akin. As in yung katawan niya na yung nilapit niya sa akin. Huminga ako nang malalim.

"Relax. Isusuot ko lang yung seatbelt mo." Bulong niya sa akin.

Nang makalayo siya ay doon lang ako nakahinga ng maluwag. Anong nangyayari sa akin? Bakit ganun na lang ang epekto niya bigla-bigla?

Muli niyang pinaandar ang sasakyan. Binuksan niya rin ang mga bintana kaya mas natanaw ko ang dinadaanan namin. Napabuntong hinga na lang ulit ako. Bakit hindi ko ba siya sinampal? Nakakarami na siya ah!

"Abandoned gym. Dyan nagaganap ang frat war. Hindi naman siya kagaya ng frat war ng ibang school. Frat war lang ang tawag namin dahil dito nagpapasiklaban ang mga Eagles at Archers every Friday night. Hindi lang takaga maiiwasang magkasakitan dahil freedom hours nangyayari iyon." Sabi niya habang dinadaanan namin yung abandoned gym na mukha namang hindi abandoned.

"Teka nga, paano mo nalamang si LA yung pumasok kanina sa shower room niyo?" Tanong ko sa kanya.

"That guy, lagi siyang nakatambay sa abandoned gym. I got worried kaya sinundan kita dito. Naabutan ko namang tinutulungan ka niya kaya hinayaan ko na lang kayong dalawa. Hindi ko naman alam na gagawin niya yun sa'yo yun." Sabi niya.

"Bakit di ka nagpakita?" Tanong ko naman.

"Anong gagawin ko dun? Panoorin ka?" Pilosopong tanong niya sa tanong ko.

Inirapan ko na lang siya ulit.

"Wait. May mall dito?" I asked nang makakita ng isang building na may mga fastfood chains. Maliit kang naman ito pero galante pa rin ang design. Ano pa bang kulang sa campus na 'to? Lahat na lang ata meron dito.

"Yep, tapos yung katabi niyan, hospital. Nasa pinakadulong bahagi kasi every weekends lang naman yan binubuksan. May mga shop sa loob para sa mga gustong magshop ng damit at iba pang gamit. Yung hospital, 24/7 yan dahil lagi namang may injured or sugatan dito sa school na 'to na hindi na kayang ihandle ng maliit na school lamang." Sabi niya. Nilampasan namin yung mall at hospital.

"Men's dorm yang black and blue building ng mga Eagles. Medyo mas malaki yan sa women kasi madami naman talagang lalaki dito. Boys' school naman kasi talaga 'to. Kami yung second batch ng babae na nag-aral dito. Sila Gretchen kasi yung nauna."

"May malaking space dyan dahil hindi pwedeng magkadikit ang isang Archer at ang isang Eagle maliban na lang sa amin ni Ara. Gulo kasi ang magiging resulta oag nagkataon. Parehong mainit ang dugo nila sa isa't isa. Nagkataon lang na kailangan naming magtulungan para sa mas ikakatahimik ng buong school." Dagdag niya pa. Ikatatahimik?! Unang araw ko pa lang dito nabugbog na ako! Muntikan pa akong mapagsamantalahan. Alin dun ang tahimik part?!

"And lastly, dorm ng mga lalaki ng Archer. Umiwas ka dyan sa mga yan. Kung hindi playboy, pervert ang mga lalaki dyan. May mga matitino pero madadamay talaga sa image ng mga kasama nila."

"Paano ba nagkaroon ng frat dito?" I asked. Paano ba nagsimula? Bakit kailangan magkasakitan? Bakit kailangang mag-away?

"Wag mo na lang tanungin. One day, malalaman mo rin naman ang tunay na dahilan. Teka, anong oras na ba?"

I looked at my watch at sinasabing 11:58 na doon.

"Almost 12. Tara sa cafeteria. May iaannounce lang ako." Sabi niya at saka nagdrive papunta sa school building. May nakaassign ng space sa kanya dun kaya hindi na siya nahirapan pang magpark.

Sabay na kaming lumabas dalawa dahil sa tingin ko naman ay siya yung tipong hindi ka pagbubuksan ng pinto.

Lahat ng nadadaanan namin sa hallway ay napapatingin sa amin. Paano ba naman kasi? Pareho kaming absent sa klase namin. Isama na yung nangyari sa cafeteria kanina. Isama na rin na new student ako at ako kang naman ang may kayang sigaw-sigawan itong katabi ko. For sure kumalat na na napatawag ako sa office niya at may parusa ako.

Sabay kaming pumasok sa maingay na cafeteria na bigla na lang tumahimik nang makita kami or si Alyssa. Napatingin ako sa mga mapanuyang tingin nila sa akin. Tiningnan ko naman sila pabalik. Akala niyo natatakot ako sa inyo?

Papunta ako sa usual table namin nila ate Fille at Ella nang tawagin ako ni Alyssa.

"Den, you sit with me." Utos niya sa akin. UTOS. Hindi man lang ako tinanong. Hindi man lang nagrequest! Bahala ka dyan.

Inirapan ko lang siya at saka dumiretso sa table namin nila ate Fille. Diretso akong umupo sa harap nilang dalawa na parehong gulat.

"What?" I asked them dahil nakatitig silang dalawa sa akin.

"Why are you with Ly? Tanong sa akin ni ate Fille.

"Why are you wearing her shirt?" Tanong naman ni Ella.

"Bakit basa ang buhok mo?" Dagdag ni ate Fille.

"And gosh! Are those hickeys?" Sabi ni Ella at saka itinuro yung leeg ko. Agad naman akong napatingin dito. Shit! Meron nga!

Agad kong tinakpan ang bibig ni Ella at saka pinaupo ito. Gosh, hickeys! Yun ba yung markang tinutukoy ni Alyssa kanina? May narinig kaming tunog mula sa gitnang mesa kung saan ang table nila Ly.

Tumalon pala siya mismo sa upuan papunta sa mesa. Ngayon ay nakatungtong ito sa mesa nila na para bang stage niya yun.

"Eagles, Archers, and commoners, listen! Tonight, we will be having our frat war for the week." Sigaw niya. Sumigaw ang mga lalaking frat member at yung iba naman ay nagbubulungan. Kahit ang dalawa sa harap ko ay biglang nagbulungan.

Tumayo si Ara at saka hinarap si Ly. Nasquat si Ly at may binulong si Ara sa kanya. parang galit ito na ewan. Bumulong naman pabalik si Ly at saka tumayo. Naging blanko naman ang ekspresyon ni Ara.

"Teka, sino sa main event natin? Wala pang nagvovolunteer." Sabi nung matangkad na babae na kasama lagi ni Ly at Gretchen na hanggang ngayon ay di ko pa rin kilala.

"Ako. Ako mismo ang maglalaro, Bei." Sagot niya sa babaeng matangkad. Mas lalong lumakas ang bulungan.

"Ha? Bakit? Anong meron?" Bulong na tanong ni Ella kay ate Fille.

"Eh ano naman kung maglalaro siya?" Tanong ko sa kanya.

"Den, hindi nakikipagparticipate si Ly sa mga frat war simula nung first year pa lang kami. Bakit ata biglaan? At saka first time din na Wednesday magaganap ang frat war. Parang di din alam ni Ara ang mga mangyayari. Anong meron?" Tanong niya. Oo nga pala. Nabanggit iyon ni LA kanina.

"Sino sa Archers ang mangangahas na lumaban sa akin?" Tanong ni Ly sa lahat. Nilinot niya ang tingin niya kaya napalibot na rin ako ng tingin sa iba. Sa kabilang dulo ay may nagtaas ng kamay. Tumayo ito at agad ko siyang nakilala. Si LA! Ngiting-ngiti siyang nakatayo habang nakataas ang kamay niya. Malalim nga pala ang galit niya kay Ly. Matagal na niyang gustong saktan ang mayabang na supremo na yun.

"Ako!" Proud pang sigaw nito kay Ly. Lahat ng ulo ay napalingon sa kanya pero ako kay Ly napatingin. Nang makilala niya kung sino ang nagtaas ay napasmirk siya. Lumingon siya sa akin at mas lalong ngumiti. I made face at her. Buti na lang kay LA ang atensyon nila!

"Supremo! Sigurado ba kayo?" Tanong ng isang babae kay Ly. Hindi naman ito pinansin ni Ly.

"See you all at 7pm. Same place." Sabi niya at saka bumaba sa mesa at umupo.

Bumalik sa ingay ang buong cafeteria. Yung iba excited sa mga mangyayari.

"So?" Ate Fille asked.

"So what?" Tanong ko naman.

"The shirt? The FFTB look? Bakit sabay pa kayong pumasok? At bakit ka may hickeys?!" Tanong ni Ella na pabulong.

"Ssssssh. Okay, ikukuwento ko." Sabi ko na nagpakalma kay Ella. Hickeys? Si LA ba may gawa nito? Akala ko nagbibiro lang si Ly na aalisin niya yung marka? Gago ba siya? Paano niya maalis 'to kung hinalikan niya rin naman? Damn, I'm feeling so hot again! Dapat hindi na lang ako pumasok sa cubicle niya eh!

"Hoy! Bakit ka namumula? Magkwento ka na!" Sigaw na tanong ni Ella na nagpabalik sa akin sa realidad.

"Di ba naparusahan nga ako?"

"Bakit ka ba naparusahan? Maliban dun sa gulong issue, sinigaw-sigawan mo si Ly kanina dito rin sa cafeteria. Sinabihan mo pang ex ng lahat. Ano ba ang nagpush sa'yong sabihin yun sa kanya? Si Ara naman yung tinutukoy ko nun." Sabi ni Ate Fille. Shit, naaalala ko na naman yung nakakahiyang ginawa ko kanina. Sarap lumubog sa lupa.

"Okay okay. Di ba nagcr ako kanina bago tayo kumain? Dun ako sa dulo sa may labas nagcr. Pabalik na sana ako dito pero may narinig akong ingay sa may bodega. Pumasok naman ako kasi nacurious ako. Nakita ko si Ly at saka yung Laura na naghahalikan sa loob." Shit naaalala ko na naman. "Then, I overheard na nakipagbreak na pala si Ly dahil di na niya daw mahal si Lau."

"They broke up?!" Pabulong na sigaw nilang dalawa. I nodded. Bakit ganun ang reaksyon nila?

"Why?"

"Den, they're like the relationship goals of this school!" Ella said with feelings.

"They're so perfect!" Dagdag naman ni ate Fille.

"Super sweet nila as in!"

"Yung tipong magiging bitter ka sa umpisa pero pag nakita mo kung gaano sila ka-sweet pag magkasama sila, mapapasabi ka na lang na may forever talaga." Dagdag uli ni ate Fille.

"What would be the reason of their break up?" I asked.

"I don't know. Kung ano man yun, super bigat siguro ng dahilan. Gosh! Sayang sila!" Ella said. I looked back at Ly dahil nakatalikod ako sa kanila. She was serious kanina nang kausap niya yung ex niya. Ano kaya ang dahilan?

"Anyway, nilayo mo yung topic." Sabi ni ate Fille.

"Yun nga! She was an asshole towards the girl. Umiiyak niyang iniwan yung ex niya. Basta diretso niyang sinabi na hindi niya na mahal yung Lau. Yun yung naging basis ko kung bakit ko siya sinigaw-sigawan na ex siya ng lahat dahil akala ko niloko niya lang si Laura." Sabi ko.

"I can't imagine Ly saying na hindi niya mahal si Lau. Lau was treated like a real princess dito sa campus. As in!" Ella said.

"Yep, anyway, explain the hickey part." Sabi ni Ate Fille habang tinuturo yung leeg kung namumula.

"Teka, paano ko ba sasabihin 'to?" Sabi ko at saka huminga nang malalim.

"Yung punishment ko was to clean the whole gym. I went there with Ara pero umalis din siya agad dahil sa klase niya. Tapos there was this guy named LA na tinulungan ako. Nung matapos kami, pumunta kami sa may dug out para ibalik yung mga walis na ginamit namin. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong halikan sa leeg. I tried pushing him pero malakas siya kaya tinuhod ko na lang. I ran away pero hinabol niya pa rin ako kaya nagdecide akong pumasok sa dorm ng Eagles para humingi ng tulong. Basta ano...ahm naabutan niya ako sa shower room. Nagtago ako sa cubicle eh bukas pala yung shower dun kaya ano...ano..nabasa ako. Basta lumabas si Gretch nang marinig niya yung boses ni LA kasi pumasok siya sa shower room eh. Basta ganun. Tapos nakita ni Ly na basang-basa ako kaya pinahiram niya muna ako ng damit." Sabi ko. Half truth naman iyon. No way in hell na ikukwento ko yung paghalik niya sa akin dahil sobrang nakakahiya ng ginawa ko at hindi tin na,an ako yung tipong kiss and tell na tao.

"Teka, si LA yung nagtaas kanina, di ba?" Tanong ni Ella. Tumango naman kami ni ate Fille.

"Alam ni Ly na hinarass ka ni LA?" Tanong ni ate Fille. Tumango naman ako.

"He is so dead." Sabay nilang sabing dalawa.

-

It was already 15 minutes before 7pm nang nagsipuntahan lahat sa gym. Kahit commoners na gaya namin ay excited manood. Medyo kinakabahan naman ako dahil sa mga nakita ko kanina. Blood splattered on the floor, saan nanggagaling iyon.

Malaki ang gym na kaya nitong maaccomodate ng 2,000 tao. Almost puno na ang gym at ang hinihintay na lang namin ay ang dalawang frat. From Grade 7 to Grade 12 nandito.

Naghiyawan ang lahat nang pumasok nang sabay ang dalawang grupo. Pinangungunahan ang dalawang frat ng tatlong mga tao. Si Ly, Bea, at Gretchen sa blue side at si Ara at dalawang tao na hindi ko pa nakikilala naman sa green side.

Kinuha ni Ly ang mic at saka nagsalita.

"Changes again. Mauuna ang main event sa party. So better hold your asses first." Sabi niya at saka binalik ang mic sa emcee.

"Okay! Let's start the main event!"

"Ells, ano ba yung main event?" Tanong ko kay Ella.

"They will fight until someone gives up." Sabi niya. Nasa harapan kami at kitang-kita namin ang gitna ng court. Kitang-kita namin ang mukha ng dalawang maglalaban. Ly was only wearing her sports bra at tight na shorts. May benda siyang itim sa kamay at may malalim na titig sa kalaban niya. Gosh, she is so freaking hot!

"From the blue side, a Grade 11-A student, our very own president and the supreme leader of the Eagles, Alyssa Valdez!" Sabi nung emcee at saka tinuro si Alyssa. Everyone cheered kahit yung mga nasa green side. Mukhang wala namang pake yung isa dahil nakapikit na lang siya sa kinatatayuan niya ngayon.

"Sa green side naman, a Grade 11-E student, a frat member from the Archers, part of the varsity team, Luis Alfonso Revilla!"

Silence.

Pero itong si LA, he opened his arms wide at naglakad-lakad pa with a smirk on his face. Nagbulung-bulungan naman yung mga nasa likod namin.

"Unfair. Babae yung kalaban niya." Yun ang sinasabi nila.

Luh, sa kayabangan ni Valdez kanina sa akin, tingin ko di magiging unfair ang laban.

We hear a 'ting' indicating na umpisa na ang laban. Nakatayo lang si Ly sa gitna tapos si LA parang nagsside step pang lumalapit kay Ly. Finake punch ni LA si Ly pero hindi naman ito umpekto kay Ly. Diretso niya lang tiningnan si LA. Just then, LA gave her a quick punch.

"Oh my gosh!" Mabilis kong sigaw dahil masyadong mabilis ang pangyayari. I even covered my eyes para hindi makita yung pagbagsak ng kamao ni LA sa mukha ni Ly. Nang nagsigawan ang mga tao ay napasilip ulit ako.

Ly was holding LA's fist. Pinilipit niya ito at tanging narinig na lang namin ay ang impit na sigaw ni LA. Agad namang binitawan ni Ly ang kamay ni LA.

"Are you trying to tickle me?" Mayabang na tanong ni Alyssa. Nagyabang ka pa! Hahanga na sana ako sa'yo eh.

"Mayabang ka ah." Mayabang ding sabi ni LA sa kanya. He tried tackling Ly lero umiwas ito kaya muntikan nang mapasubsob si LA pero sinipa siya ni Ly sa pwet kaya natuluyan siyang sumubsob sa ground. Naghiyawan ulit ang mga tao. Agad namang tumayo si LA at hinarap si Ly.

"You're so boring." Sabi ni Alyssa kaya sinugod siyang muli ni LA. Sunud-sunod siya nitong binigyan ng mga suntok pero si Ly ay todo ilag lang.

"Mayabang ka kasi nandyan ang frat mo pero pag mag-isa ka lang, wala kang kwenta." Madiing sabi sa kanya ni LA habang patuloy pa rin siya nitong sinusuntok. Tumigil si LA at medyo lumayo muna kay Ly.

"Ha! Your girlfriend tried hitting me in case you didn't know. Wala ka kasing kwenta when it comes in making love." Sigaw naman ni LA. Ly didn't budge pero she closed her fists tight.

"Wala ka namang kwenta when it comes to everything." Ly said and smirked.

"Gago ka ah." Sabi ni LA at muling sinugod si Ly.

"Mas gago ka!" Sigaw namang pabalik ni Ly at tumakbo rin papunta sa pwesto ni LA.

LA threw a punch to her face pero mabilis na yumuko si Ly at binigyan si LA ng malakas na suntok sa tyan. Napahawak ito sa kanyang tyan dahil siguro sa sakit na idinulot ng suntok na iyon. Ly didn't stop at inangat pa nito ang ulo ni LA. Pain was visible on his face.

"Don't ever try to kiss someone again." Madiing sabi ni Ly at saka binigyan niya ng malakas na suntok sa mukha si LA. Napaatras si LA at napatumba. Muling inagat ni Ly si LA.

"Wag ka na ring papasok sa dorm namin." Sabi niya at muli itong sinapak. May lumabas ng dugo sa bibig ni LA kaya napahiyaw naman ang mga tao.

Hindi pa rin siya tumigil at inangat pa nito si LA sa pamamagitan ng kwelyo nito.

"Sinong duwag ngayon?" Tanong niya at muling sinapak si LA sa mukha. This time sunud-sunod, hindi na niya pinatayo ang lalaki at sinuntok lang ito ng sinuntok. Tumalikod na siya at saka pumunta sa bench ng frat nila habang tinatanggal ang punung-punong bendang nakabalot sa kamay niya. Si LA ay nakahiga na doon sa gitna ng court. Madaming dugong lumabas mula sa kanyang bibig. No one dared to cheer.

Silence again.

We just looked at LA. He was raising his right hand like asking for help pero bigla na lang itong bumagsak. Agad naman tumakbo ang mga kafrat niya at dinala siya sa labas. Indeed, the fight was unfair. Ly was much powerful than LA.

"Gosh." Sabay naming sabing tatlong magkakatabi.

"Buti na lang nandyan lang ang ADLH Hospital." Dagdag ni ate Fille.

"Let the party begin!" Sigaw ng emcee kaya naghiyawan ang lahat. Nagsibabaan lahat ng nasa taas habang sumisigaw sila na parang walang karumaldumal na sapakan ang nangyari kanina. Mercy is not a word for them gaya ng sabi ni Ella. Now, I see another side of Ly again. She was like a monster. Natakot ako kanina.

The lights went off kaya mas naghiyawan ang mga tao.

"Ate Fille! Ells! Saan na kayo?" Sigaw ko. Pero sa tingin ko ay hindi na nila ako maririnig dahil masyadong maingay na ang mga tao at malakas na ang tugtog. Nagulat na lang ako nang may biglang humila sa akin palabas. Walang kahit anong ilaw sa labas kundi ang moonlight lang. Nang naaninag ko ang mukha niya ay agad ko siyang narecognize.

"Ly! Balit mo ako hinihila? Saan mo ako dadalhin?" Tanong ko sa kanya.

"For your second punishment." Sabi niya. Nagpabigat ako para mahinto siya sa paghila sa akin. Napahinto naman siya.

"Punishment?" I asked pero parang hindi naman niya narinig. Binuhat niya ako kaya napasigaw ako bigla.

"Valdez! Put me down! You freaking human being, put me down!" Sigaw ko sa kanya habang pumipiglas pero mas malakas siya sa akin kaya nakaya niya ako. Binaba niya ako at pinasandal sa pintuan ng sasakyan niya.

"Hoy, anong punishment na naman? At sa anong violation?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi mo ako sinunod kanina." Sabi niya sa akin.

"Sinunod?!" Sigaw ko sa kanya.

"I told you to sit with me and you didn't. Your violation was not following the orders of your current ssc president." Sabi niya na nagpainit ng dugo ko.

"YOU ARE ABUSING YOUR POWER. AT SAKA, ANO MO AKO? PUPPET MO? Na kahit anong sabihin mo ay susundin ko? Ano ka, sinuswerte?! Akala mo mapapasunid mo ako nang basta-basta lang?! Well, to tell you----"

Ly pushed me kaya napasandal ako sa kotse niya. Agad niyang hinarang yung dalawa niyang kamay at saka muli akong hinalikan. Agad din naman siyang humiwalay pero ako, dumbfounded pa rin. She fucking kissed me again!

"You are so fucking loud." She said.

-

Longest chapter na tinype ko pero bitin pa din hahahaha. I love you all!

-deym

Continue Reading

You'll Also Like

232K 6.5K 63
And take, take her to the moon for me Take her like you promised me Say you love her every time like how you told me the last time Someday I know we'...
153K 3.4K 45
We Just meet, Talk and Hangout yesterday and now she didn't know me? what the hell is happening. Love will prove that brain can forget but heart wil...
1.3M 20.4K 66
"1st rule: bawal mainlove sa subject nyo" <----- patay! bagsak na agad,. Anong gagawin mo kung mahulog ka sa subject mo habang nasa kalagitnaan ka...
335K 5.7K 55
A JhoBea story.. Pero it's kind of different sa volleyball. Ang lahat ng ito ay kathang isip lamang. Also, be surprised! Dahil ako din nasosorpresa...