Escape to Death

By jawiica

25.9K 1.4K 467

COMPLETED: horror, survival, death. More

Work of Fiction
Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 43
Wakas
FAQ
AFTERWORDS

Kabanata 42

566 33 3
By jawiica

 ✎

CURSE's POV

Drops of rain...

Growls...

And, unventilated silence.

Those were the sounds I heard while peeping on the glass wall that was blocked by several papers, para hindi kami makita dito sa loob. Nakahalukipkip ako habang blanko ang ekspresyon na nakapaskil sa mukha. Nakatingin ako sa madilim na labas na animo'y iniisip ang mga halimaw, ngunit ang totoo, lumilipad talaga ang aking isip.

I sighed.

The stale air of the ransacked convenience store hung heavy and the rain lashed against the windows. As I've seen outside, the world had become a nightmare of groaning and shuffling things. It actually felt unreal seeing these zombies wandering around and instead of panic, a strange calm settled over me. Parang hindi ako natatakot sa mga halimaw na 'to at sa totoo lang, meron sa loob ko na nagsasabing may mas nakakatakot pa kaysa rito.

Well, It's not that I'm super calm over this outbreak. It wasn't peaceful at all, not exactly. Pero, dahil sa mga impormasyong tumatakbo sa isip ko, mas pinili ko nalang na manahimik at maging kalmado. The things that are constantly running on my mind give me chills. It felt heavy and reassuring. At, habang iniisip ko ang mga bagay na 'yon, parang mas bumibigat lang ang aking dibdib at parang mas nahihirapan ako. So, as of now, silence is my only weapon. This is better for me and I guess, this is my only option to handle these thoughts that eating me inside. Pakiramdam ko, ito lang ang magpapakalma sa akin at magpapabuti sa aking isip. Sa paraan na 'to, nababawasan ang aking pangamba at pag-aalala para sa isang espesipikong tao.

"So, he's not the one who did it but... that psychotic Charles?" Brother Vile asked, after kong makwento ang lahat ng aking naalala.

Matapos kasi naming mag-usap ni Radge sa loob ng storage room at matapos ko siyang pakalmahin, dinaluhan ko si kuya rito sa mismong front convenience store na punong-puno ng kung anong pagkain sa mga shelf. Nasa kabilang banda sila Quill and the others while kaming tatlo nila kuya and Zeor ay nandito sa kabilang panig. Mula rito, hindi nila kami maririnig at may privacy kami.

"So, all this time, hindi pala talaga si Radge?" Paglilinaw rin ni Zeor habang nakahalukipkip at nakasandal sa isang shelf ng mga junkfoods.

Tumango ako at bumuntong-hininga. "That's what I've seen. Naalala ko na lahat kaya sana maging malinaw na ito sa atin." I utter, coldy.

While leaning on the wall, brother Vile smokes his cigarette. "Tindi talaga ng saltik nung Charles na 'yon..." Binuga niya ang usok, malayo sa akin. "I knew on the very first sight that he's hiding something on his sleeves." He smirks. "When we interrogate him, magaling 'yon gumawa ng kwento at umacting. Malas niya lang dahil mashado siyang madaldal nung mga oras na 'yon. Kayang-kaya niyang e-elaborate ang lahat ng nangyari sa pagsunog kaya naisip naming siya ang may pakana. Kahit sila Detective, natunugan 'yon e. Hindi lang talaga mahuli dahil walang matibay na ebidensya."

I rolled my eyes. "Kung ganoon, bakit si Radge ang dinidiin niyo?"

Nilingon ako ni Kuya. "Dinidiin ko ba?"

"Hindi ba?"

"Hindi naman talaga." Akma niyang hahaplusin ang aking balikat pero agad akong pumiksi kaya natatawa siyang humithit nalang ulit sa kanyang sigarilyo. "Cursia, hindi ko siya dinidiin...but I admit that he's really getting on my nerves. I extremely hate his kind. You can't make me to change myself. Nagkaroon na tayo ng issue sa pamilya nila kaya hindi mo na mababago ang tingin ko sa kanila."

"Tss..." Singhal ko nalang.

"Still, hindi ko naman siya dinidiin. I do have a bet that it might be Charles who did it, yet I also predict that it might be Radgeon. Wala naman kasing nakakaalam dahil nga walang kahit anong ebidensya. Malay ko rin bang pinaglalaruan lang nila kami?" He chuckled a little, inaasar ako. "Malay mo, diba?"

"Tss, basta ngayon— malinaw na." I hissed.

Brother Vile wince. "Whatever, we'll see about that."

"Bakit pala ginawa 'yon nila Charles, Kuya Vile?" Paniningit ni Zeor kaya napalingon rin ulit  ako kay kuya para alamin ang sagot.

Bumuga ito ng usok. "Trip."

"Trip?" Tumaas ang aking kilay, nagtataka.

"Inang 'yan, trip lang?" Tanong rin ni Zeor.

Tumango naman si Kuya. "Ayon ang sabi nung Charles dati." Tinapik niya nang kaunti ang kanyang sigarilyo. "Ang sabi niya, sinunog daw ni Radgeon ang appliances para lang itry kung anong mga napapanood nila sa social media. They did that just to try new things and see things if it really worked." He chuckled. "See? Basically, it's just a useless curious joke. Walang kwenta... sobra."

"Gàgo pala talaga 'yang si Charles..." Napailing-iling si Zeor, dismayado.

Ngumisi si Kuya. "Nakakairita. Hindi ko talaga 'yan sila maintindihan. Nung interrogation, magugulo 'yan sila. Ang gulo ng mga pamilya nila. Nag-aaway, nagsisigawan at kung ano-ano pa. They are all annoying. Hindi sila magkasundo at hindi sila makausap ng maayos dahil naninigaw agad. They're not calm." Umiling-iling si Kuya. "That's why we are calling them low-class minded and a crazy family." Pasiring na umikot ang mata ni Kuya, naiirita.

"Enough." I declared calmly, pinipigilan na silang abusuhin pa ang pamilya ni Radge.

Natahimik naman sila.

Nilingon ako ni Kuya at tinitigan ng madiin. Nakangisi pa siya habang ginagawa sa akin 'yon, at maya-maya pa, nagsalita siya. "You really like him, do you?" Tanong niya. Hindi naman ako nakasagot at napaiwas lang nang tingin. Bahagyang natawa si Kuya. "Do you have any plan to tell him about your condition?"

Mas natikom ako.

"Oo nga, Curse?" Gatong ni Zeor. "May plano ka?" Umiling-iling siya at napabuntong-hininga. "Mukha pa namang baliw na baliw na sayo si Radge. Naiintindihan ko kung mahihirapan ka talagang sabihin..."

Brother Vile smirks. "I agree on that. Parang kapag inutusan mong tumalon sa building 'yon, tatalon talaga siya." Humagalpak siya ng tawa kaya sinamaan ko siya ng tingin. Agad naman siyang tumigil at mapupungay ang matang nginitian nalang ako. "You should say it to him." He softly said and dropped his cigarette. Inapakan niya 'yon bago ako lapitan at yakapin. He whispered. "Kapag mas pinatatagal, mas humihirap."

I stunned.

Suddenly, parang may kung anong sumuntok sa dibdib ko na nag-dahilan para magising ulit ang aking puso at kumabog nang malakas. Mabilis akong inakyatan ng pangamba, takot, at malalang pag-aalala. Mabilis na nanlamig ang aking palad at napalunok. Napakurap-kurap pa ako bago mariin na pumikit at kinagat ang ibabang labi. Binalutan ako ng kilabot na parang ipinamukha sa aking may ginawa akong mali.

I held my breath.

Humiwalay si Kuya sa yakap pero nanatili pa rin siya sa aking harapan. Alam kong diretsyo ang kanyang tingin sa akin pero taliwas non ang aking paningin, nasa dibdib niya lang ito. Marahas ang kabog ng aking dibdib. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at naestatwa. Mas nabuhay ang aking pangamba dahil lang sa simple niyang linya.

Tinapik niya ang aking balikat. "Fine. I'll not intrude with the two of you. However, I would like to propound that you should say it, habang maaga pa." Hinalikan niya ang aking noo bago ako lagpasan.

Naiwan naman akong nakatulala lang.

Kalauna'y lumapit na rin si Zeor. "Nag-aalala rin ako para kay Radge, Curse. Kahit ano pang maging kahinatnat niyan, still, you should say it to him." Tinapik niya ang aking balikat bago rin umalis. "You guys are already in a relationship...so, he should be aware of it."

Naiwan akong mag-isa roon.

I clenched my fist because of mixed emotions that I currently feel right now. Dahil sa mga pinagsasabi nila, mas nadadagdagan lang ang pangamba ko. Parang mas lalo akong dinidiin at parang mas lalo akong naiipit sa sitwasyon. Naiipit ako sa tanong na, sasabihin ko ba sa kanya o hindi nalang?

It's so dámn hard!

Napakahirap ng sitwasyon. Parang mas bumibigat lang ang lahat. Ang hirap-hirap. Kapag sinabi ko kasi, hindi ko alam kung kakayanin ko ang kanyang reaksyon. Hindi ko alam kung makakaya niyang damdamin ang lahat. Hindi ko alam kung paano ko pa ma-eexplain nang maayos sa kanya dahil eventually, alam kong pareho kaming walang magagawa. Walang magiging sulosyon at maiiwan siyang nasasaktan lang. Conversely, kapag hindi ko naman sinabi, hindi niya nga malalaman pero pagdating ng panahon, kusa niya itong matutuklasan at masasaktan lang rin.

Kainis!

Sa kahit anong paraan, masasaktan siya. Masasaktan siya at mahihirapan ako. Pareho kaming magdudusa. At, ang pinakamasakit non, ayaw ko makita siyang mawala sa sarili. Ayokong makitang magkatotoo ang lahat ng sinasabi niya kapag hindi niya ako nakasama. I can't bear it. Ayokong makita 'yon. Ayokong indahin 'yon.

"Ha? Aalis na kayo ngayon?!"

Nabalik ako sa wisyo.

Dahil sa pag-iisip, hindi ko na napansin ang pag-ikot ng oras at pangyayari. Basta ang alam ko nalang, nasa front store na ang lahat at nag-uusap para sa pagtakas. Well, except kay kuya dahil may kausap siya sa telepono.

"Zeor, totoo ba? Pero, madilim at umuulan sa labas, Pre!" Usal ni Gray nung malamang aalis na kami.

Napakamot ng batok si Zeor. "Oo e. Gusto niyo ba sumabay?" Mahinang tanong nito at napasulyap pa sa direksyon kung nasaan si Kuya Vile.

"Ako, sasama ako. Radge is already here. Huwag na tayo magtiwalag pa." Quill said.

"Kung ganoon, ako rin!" Sang-ayon rin ni Port.

"I'm going to. We need to move forward or else, hindi tayo matatapos rito." Rory seriously agree too.

Hindi naman ako umimik.

Nanatili akong tahimik at blanko ang eskpresyon na pinapanood sila. Nag-usap pa sila sa kung paano ang mga gagawin at tutunguhin pero hindi na ako sumali. Ewan ko ba. Parang nawala ako sa mood tumulong. May iba kasing gumagambala sa isip ko kaya nawawala ang interest kong tumulong o maki-isyuso sa kanila.

"You're silent. Is everything okay?" Naramdaman ko ang palad ni Radge na humaplos sa aking siko, nasa likod ko kasi siya. "Are you mad at me... and to my family?" Tunog nalulungkot pang aniya.

Pagod akong bumuntong-hininga at hilaw ang ngiting nilingon siya. "I'm not..."

"Then, what's on your mind?" Tuluyan siyang yumakap sa akin, sa aking likuran.

Hinaplos ko ang kanyang braso na nasa bandang tiyan ko. "N-Nothing." Peke ko siyang nginitian nang malawak. "I'm fine. Nag-iisip lang ako para...uh..." Napalunok ako, nag-iisip ng rason. "Para sa pagtakas natin..." I've said.

Hindi naman siya sumagot.

Nanatili siyang sinisilip ang aking mukha at sinusuri. Ilang sandali niyang ginawa 'yon bago bumuntong-hininga. "Is your brother wants me away?" Panghuhuli niya.

Agad naman akong umiling. "Hindi, Radge."

"Then, you wants me away?"

"No..." Pagpapakalma ko sa kanya. "Nalinaw ko na sa kanya na hindi ikaw ang may kasalanan sa ate ko kaya hindi na yan siya galit or mangingialam pa." I lied. Nginitian ko ulit siya. "As long as I'm here, hindi niya tayo mapaghihiwalay."

Ngumuso siya at isinubsob ang mukha sa aking balikat. Mukhang hindi pa rin siya kumbinsido. "Are you thinking about leaving me?"

Pagod ulit akong umiling. "Radge, hindi..."

Humigpit ang yakap niya at mas isinubsob ang mukha sa aking balikat. "Please, don't." Narinig ko ang pagbasag ng kanyang tinig. "Don't leave me behind, Doll face."

"We made a promise and sealed it, right?" Sinilip ko siya. "Do you not trust me?"

Marahang umangat ang kanyang ulo kaya nakita ko na ang kanyang mukha. Ngumuso siya. "I trust you."

"Then, stop thinking about that." Inabot ko ang kanyang panga at dinampian nang halik ang kanyang pisngi. "We'll stick together."

"Ehem!"

Sabay kaming napalingon sa harapan.

Natigilan ako nung makitang nakatingin na pala sa amin ang lahat. Bahagyang uminit ang aking pisngi dahil sa kahihiyan and as usual, si Radge, wala namang pake. I know naman na hindi niya ako tinatago or nilo-lowkey manlang. I'm sure na mas nagsasaya pa ang loob niya kapag nakikita kami ng iba na may namamagitan na.

Napaiwas ako ng tingin.

Nakita ko kasi ang ekspresyon nilang lahat. Si Quill, masama ang tingin sa akin. Si Rory, nangungusap ang mata at bahagya pang nagtataka. Si Port naman, seryoso lang. Si Gray, bahagyang nangingiti at si Waco, wala namang pake. Same as Zeor, hindi na siya nagulat dahil alam kong alam naman na niya ang relasyon namin ni Radge.

"Cursia, we need to go. Sin is almost there." Brother Vile said and glance on his watch. "We need to go somewhere. I told Sin to wait for us there."

"Why?" I asked in monotone.

"Because, he have a car."

"Why? You don't have?"

"I don't. Naibunggo ko nung iligtas ko ang mga kasama ni Zeor." Pasiring niyang pinasadahan ng tingin ang lahat before looking at me again. "Fix yourself. Let's go already."

"Uh, wait..." Usal ni Waco. Napatingin tuloy sa kanya ang lahat. "Hindi na ako makakasama sa inyo." Aniya.

Tumaas ang kilay ni Kuya. "Tinanong ko ba?" Supladong tanong nito kaya sinamaan ko siya ng tingin. Hindi naman nakasagot ang iba. "Don't tell me— you guys are expecting me to bring all of you?"

Bumuntong-hininga ako at pagod ang ekspresyon na dumampot ng kung anong junkfood malapit sa akin at binato kay Kuya 'yon. "Stop it."

Tumalim at nagtaka ang ekspresyon niya. "Why?" Aniya. Hindi ko naman na siya pinansin at hinarap nalang si Waco. Sinenyasan ko siyang magproceed sa kanyang sinasabi kaya sumunod naman siya.

Napatingin pa muna ito sa Kuya ko bago tumango sa akin at tumikhim. "Hindi na ako makakasama sa inyo kasi dadaanan ko pa ang bahay namin. Malapit lang naman 'yon rito kaya huwag na kayong mag-alala..." Paalam niya.

"Totoo ba, Pre?" Tanong agad ni Zeor.

"Sure ka?" Tanong rin ni Gray dito at tumango-tango. "Tapang, ah. Sige, sige. Ingat nalang. Balitaan nalang..."

Agad naman siyang nilingon ni Waco na nagtataka. Ngumiwi pa ito ng ilang sandali bago ulit kami harapin. "Hindi ko pala nasabi..." Anito. "Kasama ko si Gray, dalawa kami."

"What?!" Agad na hindi maipinta ang mukha ni Gray. "Anong trip mo?! Hindi! Ayoko!" Agad itong umiling-iling at umatras pa ngunit agad siyang inakbayan ni Waco para pigilan.

"He's coming with me." Pinal na sabi niya sa amin. "Ingat kayo, Pre..." Tinanguan ni Waco sila Zeor, Port, Rory at Radge. "Ingat, ah?"

"Sure ka ba, Pre?" Tanong pa ni Port, kinaklaro.

Gumatong naman si Zeor. "Oo nga, okay lang ba kayo rito? Kaya niyo ba?"

Humagalpak naman ng tawa si Waco, animo'y joke ang tinanong ng pinsan ko. "Nasa labas na tayo ng school. Easy nalang sakin 'to, Pre." Humigpit ang akbay niya kay Gray. "Ako na bahala kay Gray."

"Ayoko!" Bumusangot si Gray at pumiksi pa pero hindi siya pinayagan ng kaibigan. Mas matangkad si Waco sa kanya kaya bumaba ito ng kaunti para bulungan siya. Matapos non, natahimik si Gray at mas lalong nabadtrip ang mukha. Natigil siya sa pagpiksi na animo'y natigalgal dahil sa binulong ni Waco. "Pútangina naman..." Iritang bulong nito, mukhang walang ibang magawa.

"You guys sure?" Seryosong tanong pa ni Rory sa kanila.

Si Waco lang ang sumagot. "Oo naman. Kaya na namin ang sarili namin." Lumawak ang kanyang ngiti. "Maraming salamat sa mga naitulong niyo ngayon, pero magkikita pa rin naman tayo kaya huwag na kayo mashadong madrama." He giggled. "Seryoso, ayos lang kami. Ako bahala kay Gray. Hindi ko pababayaan ang isa sa mga member niyo sa SSG." He genuinely smiled at us kaya wala ng nagawa ang lahat kundi magtiwala rito at suportahan ang kagustuhan.

Lumapit ang mga kasamahan ko kay Waco at namaalam. Nakipag-apir ang iba, kaunting biruan, yumakap at nagbigay ng mga kanya-kanyang babala at pag-iingat para sa mga kaligtasan ng bawat isa. Kalauna'y natapos rin naman 'yon nung biglang magsalita ang kapatid ko.

"If you're done..." Sumingit si Kuya at tinitigan nang masinsinan si Waco. "If you're done searching your home, head north. Nandoon karamihan ng rescuer at mga tao na nag-evacuate or nakaligtas" He sighed. "Dadalhin nila kayo sa kabilang city which is safe. Ito kasing city rito, ilo-lockdown na para maiwasan ang pagdami ng virus." Seryoso kaming tinalikuran ni Kuya. "Might that help. Wala na akong pake kung susundin niyo 'yon o hindi." Sabi niya pa at naglakad papaalis sa circle namin.

Lumawak ang ngisi ni Waco habang hinahabol ng tingin si Kuya. "Salamat sa impormasyon, 'Ya! Malaking tulong 'yon!" Aniya pa, bakas ang kaginhawaan sa mukha. Mabilis rin namang bumalik ang tingin niya sa nga kasamahan at namaalam ulit.

Habang nag-uusap ang lahat, sumunod naman ako Kuya.

Naabutan ko siyang sumisilip sa glass wall malapit sa pintuan ng store. Tumikhim ako. "Bakit hindi dumiretsyo rito si Kuya Sin?" Napalingon sa akin si Kuya. Napasulyap rin siya saglit sa likuran ko kaya nilingon ko kung ano ang tinitignan niya. Nung makita ko...si Radge pala, mukhang sumunod rin sa akin.

Bumuntong-hininga ang kapatid ko. "Sinabi kong huwag na siyang dumiretsyo rito dahil alanganin nang sobra. Marami nang halimaw kaya mahihirapan tayo..."

"I see, tayo ang aabante." I whispered.

"Tss, do I really need to bring all of your friends?" Brother Vile changed the topic.

I sighed. "Let's just bring them all the way. They need to survive too." I winced. "Don't you want that? You will save several people on this outbreak."

"Tss, as if I care." Bulong niya pa bago ulit sumilip sa labas.

Timeflies.

On this middle of the rainfall and night, we started to move. After the farewell, we started to be careful. Swerte pa nga namin dahil wala mashadong zombie nung makalabas kami. In short, walang naging problema so far. Tahimik ang naging paglalakbay namin sa tinatahak. There's a lot of streetlights too kaya hindi kami nahirapan pagdating sa vision. May ilan kaming natatanaw na mga zombie but still, tahimik lang kaming kumilos at naging maingat.

The night pressed in thick and heavy, as if the darkness is like a thick blanket muffling every sound. Rain also lashed against us and the wind is howling like a banshee. It's cold but we need to stand it for this survival. We just need to be careful. Carefulness probably helps to keep us alive, careful sounds, careful movements and careful planning, yet that's what I just thought. Why? Dahil ilang sandali, habang tahimik ang lahat, even though we're having this carefulness, lagi talagang may sumasabutahe. Laging may hadlang, laging may naninira.

*BOMMMB!!*

"Fúck!"

Sabay-sabay kaming napayuko at napadapa nung biglang may sumabog na isang store sa kabilang panig namin.

"What was that?!" Rinig kong komento ni Radge habang yakap-yakap ako, pinoprotektahan sa nga bagay na maaring tumalsik sa banda namin.

"May nagpasabog!" Sagot ni Zeor.

"Everyone, calm down and just move!" Iritang sabi pa ni Kuya na nagle-lead ng way kaya sumunod naman kami.

Kumilos kami habang naririnig ang palakas na palakas na boses ng mga zombie. Mukhang dahil sa pagsabog, mas nabigyan sila ng chance para makakita ng malinaw at maghanap ng makakain. They're already turning again with being aggressive. Mabuti nalang, umuulan kaya unti-unti rin nitong pinapatahimik ang apoy mula sa pagsabog.

"RADGEON! CURSE! IF YOU'RE THERE, LUMABAS NA KAYO! MAGTUTUOS PA TAYO!"

Natigilan kaming lahat.

Since sa mga likuran ng stores and houses lang kami naglalakad, napahinto kami at napatingin sa gitnang part kung nasaan ang drive way. Doon kasi namin narinig ang nagsalita na mukhang gumamit ng megaphone or something para marinig kahit sa malayuan.

"TÀNGINA NIYO! MARAMING NALAGAS SA MGA KASAMA KO DAHIL SA PAGSABOG NA 'YON, RADGE! ANAK KA TALAGA NG DYÀBLO!"

Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi nito. Bumilis rin ang tibok ng aking puso dahil sa pangamba. Parang hindi na ito nawala sa sistema ko. Kung hindi mababa na pangamba, mas lumalala ito sa bawat pangyayari na dumadagdag kada minuto.

"Oh no, what was that? Bakit nila kayo kilala? Who's that?" Kinakabahang tanong ni Quill sa gitna ng malakas na ulan.

"Pre, ano 'yon? Anong tinutukoy nila?" Kuryuso ring tanong ni Port kay Radge.

"Radge..." Nilingon ko naman ito na nasa tabi ko. Nanatiling masama ang tingin ni Radge doon sa pinanggalingan ng boses. "Is that..." Napalunok ako. "...Charles?"

"Charles?" Si Kuya nakisingit. "He's that?" Gigil nitong tanong pero walang sumagot sa kanya. "Lala talaga topak ng pamilya niyo, Marucci. Sobrang nakaka-pûtangina!" Iritang pagalit nito. "Let's go! Zeor! Cursia!"

Tinapik ko si Radge para magsimula na ulit kumilos. "Let's go..." Hinila ko si Radge. Nagmamadali na sila Kuya at Zeor na nasa unahan namin kaya mas marahas ang paghila ko kay Radge at pagmamadali.

"How did he survive that?" Wala sa wisyong tanong ni Radge, patungkol ito sa ginawa niyang pagpapasabog sa lungga nila Charles nung hawak pa nila ako.

Sumagot naman ako. "That's not important right now! Hayaan mo siyang maghanap sa atin! Let's just move—!"

*EXPLODESSS!!!*

"Kyah!"

"Tàngina!"

"Fúck!"

Kanya-kanya kaming yuko nung biglang sumabog ang bahay na nasa harapan namin. Saktong dito kami dumaan sa likuran nito kaya nakakabinging pagsabog ang sinalo ng aming mga pandinig.

"Hey, watch out!" Sigaw ni Radge sa akin at tinulak ako para maiwasan ang poste na tutumba sana sa akin.

"Radge!" Kabadong sigaw ko dahil sa ginawa niya. Mabuti nalang, hindi siya napano. Mas tumindi tuloy ang kaba sa dibdib ko at mas lumala ang takot ko para sa lahat. Sinisimulan na rin akong akyatan nang inis para kay Charles na 'yon.

"Cursia!" Sigaw ni Kuya, tinulungan kaming tumayo.

After that, I roamed my eyes around. And, as I've seen the scene, bumigat ang aking hininga. Dahil sa tindi ng pagsabog, lumiyab ng husto ang apoy sa malaking bahay at tumumba ang pader nito sa poste na nasa harapan lang rin namin. Dahil sa pagkagulat at pagpa-process ng pangyayari kanina, muntikan na akong matamaan nung malapad na poste sa mismong banda ko. Mabuti nalang talaga, naitulak ako ni Radge para makaiwas kaming dalawa.

*GROWLS!*

"Curse, are you fine?! Radge?!" Nag-aalala at kinakabahang tanong ni Zeor.

"Hey, are you fine?!" Tanong ko kay Radge na mabigat ang paghinga.

"I'm fine!" Tumango-tango siya at hinaplos ang pisngi ko. "Are you okay?" Nilingon niya ang bahay na sumabog at sinamaan ito ng tingin. "Fúck that scûmbag! Charles will gonna pay for this!" Iritang sigaw niya pa.

"Enough..." Ani Kuya at pinunasan ang sariling mukha dahil sa matinding ulan. "I already heard the undeads. Siguradong ano mang oras, makikita na nila tayo. We gotta move!" Utos niya pa.

Namilog ang mata ko nung may mapansin. "Where are the others?" Tanong ko. Napalingon kaming apat sa paligid, naghahanap. Nilingon rin namin ang kaninang daanan na pareho naming tinatahak pero hindi na namin 'yon makita dahil nakaharang na ang malapad na poste.

"Radge!"

Sigaw ng kung sino sa kabilang banda nung poste.

It's Quill!

"Quill?! How's everyone?! Halina kayo!" Sigaw ko sa kabila, mukhang nahati kami sa dalawang grupo. Napahiwalay kami sa kanila dahil sa poste na 'to!

"We're fine pero naririnig ko na ang mga zombie na mukhang papalapit na sa direksyon natin!" Rinig kong sagot naman ni Port sa kabila. "Malas!"

"Pre, akyat na kayo sa poste para makatawid na kayo! Bilis na!" Alarmang sigaw rin ni Zeor.

"Pre, hindi yata kaya!" Sagot ni Port sa kabila. "Mataas yung poste at malapad! May mga electrical wire rin sa banda namin na nagkikislapan! Baka mapaano kami, Pre!" Tumahimik siya saglit bago ulit bumulyaw. "Pûtangina, may zombie na pre! Nakita na kami!"

"Cursia! Zeor! We need to go!" Rinig ko pang singit ni Kuya pero hindi namin siya pinansin.

"There might be another way, Port! Don't turn yourself undead!" Pagalit na sigaw ni Radge sa kaibigan.

"Radge, help us!" Rinig ko ring umiiyak na si Quill.

"Hey! We need to move!" Rinig kong pananali na ni Rory sa kabila. "The zombie is almost here! We should not waste time! Hahanap kami ng ibang paraan! We will head north tulad ng sinabi ng kapatid ni Curse!" Sigaw ni Rory sa gitna ng ulan, halatang na-aalarma na rin. "Curse, go move now! Kami na bahala sa mga sarili namin!" Sabi niya pa. "Be safe!"

"Tara na, Quill!" Sigaw ni Port sa kabilang panig.

"Cursia! Zeor!" Suway ulit ni Kuya Vile.

"Mag-iingat kayo, Pre! Aalis na rin kami! Magkita-kita nalang tayo sa kabilang City! Pûtàngina, ayusin niyo!" Sigaw pa ni Zeor, naghe-hestirikal na.

Naiiyak akong sumigaw rin sa kabila. "For pete's sake, mag-ingat kayo!" Paalala ko pa pero wala na akong narinig na sagot.

"Cursia! Zeor! Dàmn it!" Sigaw pa ni Kuya kaya nilingon na namin ang direksyon niya sa likuran. Namilog ang mata ko nung lumipad ang aking tingin sa mga zombie sa 'di kalayuan na tumatakbo na papalapit sa amin.

"Move! Move!" Hinila ako ni Radge kaya nagsimula na kaming tumakbo. Naiiyak kong kinagat ang aking ibabang labi para pigilan ang pagiging emosyonal sa ganitong delikadong sitwasyon. Pinawi ko rin ang malakas na ulang sumasampal sa aking mukha at nakipag-sabayan nalang sa kanilang pagtakbo.

*GROWLS!*

"GRAWWWRL!" Namilog ang mata ko nung mula sa gilid, may sumunggab kay Zeor.

"Zeor!" Sigaw ni Radge, nagulat.

"You bítch!" Bulyaw naman ni Kuya sa babaeng zombie at tinadyakan ito. Mabilis naming tinulungan si Zeor tumayo at nagsimula ulit na tumakbo.

"Muntikan na ako dun! Kadiri!" Aniya ng pinsan ko.

"Are you fine?!" Naiiyak kong tanong.

"Oo!" He replied.

"We're almost there! Bilis!" Utos pa ni Kuya, leading the way.

*GROWLS!!*

Pinawi ko ang luhang lumabas sa aking mata. Hindi ko alam kung bakit ngayon pa sumasabay ang pag-iyak ko pero, anong magagawa ko? I can't help it. Sa isang maikling oras, nalagas kami bigla. Napahiwalay kami kila Quill and I'm going to lose my mind sa pag-iisip kung kamusta na sila or okay lang ba sila na sila lang. Hindi sa minamaliit ko ang kakayahan nila ngunit mas gusto ko talagang magkakasama kami. Why? Kasi sa paraan na 'yon, makikita at masusubaybayan namin na ayos lang talaga sila at ligtas.

"GRAWWWL!"

Napatili ako.

"Fúck!"

"Cursia!"

"Radge!"

Dahil sa zombie na biglang dumampa sa amin, napahiga kami ni Radge. Nasa likuran niya ako kaya ang zombie ay nasa kanya. Bigla itong humagis sa amin ngunit mabuti nilang, hindi agad nasunggaban si Radge. Nasa gilid niya rin ang ulo nung zombie na mukhang natuliro sa ayos kaya nagawa niya pa itong iangat at itulak pataas. Hindi naman na rin kami nahirapan dahil mabilis rumesponde sila Kuya at Zeor para hatakin ang halimaw at sipain sa pababang part ng daan.

"Are you okay?! Curse?! Radgeon?!" Tanong ni Kuya nung tulungan niyang tumayo si Radge.

"Tara na! Tara na! Bilis!" Nagpa-panic na sigaw rin ni Zeor.

"Up! Up! Up!" Nag-aalalang tinulungan ako ni Radge sa pagtayo. "I'm so sorry. Are you okay?!" Pilit na kalmadong tanong niya. Nung makatayo ako, sabay-sabay na ulit kaming nagsi-takbo.

"I'm fine. You covered me from that undead..." Hilaw akong ngumiti. "Thanks for saving me again..."

"I will never get tired of saving you..." Inangat niya ang aking palad na hawak-hawak niya at dinampian 'yon ng halik. Mapungay ngunit nangangamba ang matang nginitian ko naman siya. Nung ibinalik niya ang tingin sa daan, napalunok ako. Iyon ang pinili kong pagkakataon para silipin ang isa pang kamay ko.

Kinagat ko ang aking ibabang labi at pagod na bumuntong-hininga.

I got bitten...

"Hey, lunatic! Open the door!" Naibalik ko ang aking tingin sa harapan nung marinig ko ang sigaw ni Kuya habang patuloy kami sa pagtakbo. Nakahinga ako nang maluwag nung matanaw ko ang kotse ni Kuya Sin sa unahan.

"It's already open, you scúmbag!" Sigaw pang sagot ni Kuya bago kami tuluyang nakaabot sa kanya. We sighed in relief when we all entered the car. Matapos isarado at bago pa kami maabot ng mga zombie, napaharurot na ni Kuya Sin ang kotse paalis.

Lahat kami ay naghabol ng hininga.

Si Kuya Sin and Kuya Vile ang nasa unahan habang kaming tatlo nila Zeor and Radge ang nasa likuran. Pasikreto kong itinago ang aking palapulsuhan sa aking tiyan at umaktong umayos lang ng upo.

Suddenly, I felt my brain glitch in pain... pero agad rin itong nawala.

Shít...

"Who's that?" Napalingon kami kay Kuya Sin nung magtanong nito habang nagda-drive. "Who's that boy?" He asked while staring at the upper mirror of the car.

"It's Radgeon Marucci..." Brother Vile answered. Pinagpagan niya ang kanyang sarili. "Cursia's boyfriend."

"Boyfriend?" Nakita kong tumaas ang kilay niya sa rear mirror, sumusulyap kay Radge. "No, he won't be. Cursia would not going to enter in any kind of relationship. He's going to spend time with the family and that's final."

"Tss, I already told it to her." Brother Vile responded. "Pero, matigas na ang ulo niya. Hindi mo na 'yan mapipigilan."

"I'm sorry for interrupting but..." Malumanay na paniningit ni Radge. "Even we are in a relationship, she can still spend time with you— with your family. Hindi naman ako magiging sagabal—"

"No..." Brother Sin chuckled. "You don't understand. We wanted her full attention on us..." He clarified it with a sarcastic tone.

Napalunok ako.

I could feel the panic that's already getting on my nerves. Parang may natutunugan akong hindi maganda. "Kuya..." Panunuway ko.

"What do you mean?" Malumanay ulit na tanong ni Radge, mahihimigan ang pagtataka.

"Why? Don't tell me— you don't know?" Brother Sin titter again.

"Sin..."  /  "Kuya Sin..." Sabay na panunuway ni Kuya Vile at Zeor pero hindi pa rin nila ito nagawang pahintuin sa pagsasalita. Halatang walang alam at unbothered si Kuya Sin sa mga nangyayari. Wala rin naman akong magagawa. He's like that. He usually doesn't know how to read the atmosphere.

"I'm sorry, I'm confused. What is it?" Kuryuso pang tanong ni Radge. Nilingon ko siya at hinaplos ang palad para pigilan pero hindi niya manlang ako sinulyapan, parang nahook na ni Kuya Sin ang atensyon niya.

Brother Sin glanced again on the rear mirror. "We wanted Cursia's full attention because her time is limited."

Natahimik si Radge. Hinaplos ko ulit ang palad nito para pigilan sa pagtatanong pero hindi niya talaga ako pinapansin. Umigting ang panga niya at nagsalubong ang kilay. "What do you mean by that?"

Sumagot si Kuya Sin. "You really didn't know about it? In a relationship na kayo, 'diba?" Narinig ko ang pagsinghal niya at mas pinabilisan ang pagmamaneho. "You should know this important thing."

"What is it?"

"That our Cursia has only one year to live."

✎.

Continue Reading

You'll Also Like

246K 9.8K 32
""SIT THERE AND TAKE IT LIKE A GOOD GIRL"" YOU,DIRTY,DIRTY GIRL ,I WAS TALKING ABOUT THE BOOK🌝🌚
162K 3.1K 11
"We need somebody who can communicate with the dead..." Tony says trailing off looking around at everyone. The entire team looks around and sighs "Ok...
31.4K 604 26
"Well I mean, Opposites Attract, right?"
305 84 12
Chandrea get inside the abandoned house as a dare from her friends. She grab the flashlight and started walking around the house when she heard somet...