Hinila ako ni Ella hanggang cafeteria or should I say, restau? Kung para sa mayayaman na ang school ko noon, ano pa kaya itong bagong school ko? They were classy. They,re like walking gold or branded things dahil lahat sila mayayaman. Pero kung nandito sila, ibig sabihin lang nun puro pasaway sila just like me. Pero bakit parang ang dami namang nerds or what?
Umupo kami sa dulo ng cafeteria. Masyadong madaming tao dito. Masyadong maingay din. Pero yung ingay na yun ay nawala nang pumasok ang mga nakaitim kanina. Pero tatlo na kang sila ngayon. Sila yung tatlong nauuna maglakad kanina. Ngumingiti yung nasa bandang kanan tapos tumatango naman yung nasa kaliwa. Yung nasa gitna, straight face lang siya. Saka lang nag-ingay ulit nanag makaupo na yung tatlo sa pinakagitnang mesa. Actually, dalawa iyon, yung isa blue tapos yung isa green. Sa blue nakaupo yung tatlo.
"Dangerous? Are they a gang or what?" Tanong ko kay Ella habang nakatitig sa tatlo. This is ridiculous.
"Fraternity. Yung tatlong yan yung hea pero yung nasa gitna, yung pinakatahimik, yun yung pinakaleader nila. Basta, don't mess up with them. Mercy is not a word for them." Sabi ni Ella.
"Bullies?" I asked. Sila ba yung tipong bubugbugin ka tapos papabayaan ka lang. Yung mga nang-aagaw ng baon, yung mga humihingi ng copy ng assignments, yung mga mang-uutos?
"Not exactly. Basta kung sino yung humarang sa kanila, uuwi ng walang mukha sa dorm kinagabihan." Sabi ni Ella. What?! Nakaharang ako kanina!
"Humarang ako! May gagawin ba sila sa akin?" I nervously asked. Ayoko nang lumipat ng school dahil sa magandang facilities nito. Please, ayoko mawala ang mukha ko. Pero kung mayroon man silang gagawin sa akin, hindi ko sila uurungan. Palaban ako. Palaban na palaban.
"Wala. Hahaha. Basta pag nasira mo yung mga plano nila. O kaya may sinaktan kang ka-frat nila." Sabi ni Ella. Tumango na lang ako at saka tumayo. Oorder na lang ako ng pagkain.
Wala namang pila kaya agad akong nakaorder. Pizza lang at saka red iced tea. Hindi naman kasi ako ganun kagutom.
Pagharap ko ay napatapon lahat ng pagkain ko dahil may nakapila pala sa likod ko. Ugh, pagkain ko! Tinitigan ko lang bumagsak yung pizza ko muka sa pagkakadikit noon sa puting damit ng nakapila. Pula na rin yun ibaba ng t-shirt niya dahil natapon din sa kanya yung red iced tea ko. Ugh! Sayang pera! Ni-limit pa naman ni dad yung allowance ko!
Mula sa pagkakatitig ko sa may abdomen niya na bumabakat sa t-shirt niya, inangat ko ang tingin ko sa mukha niya. Siya yung babaeng nasa gitna. Siya yung nakashades pero tagos pa rin sa kaluluwa yung titig niya. Natulala ako sa kanya kaya siguro nabagsak ko yung tray ko at tumama iyon sa paa niya. Rinig na rinig iyon sa buong cafeteria dahil tumahimik pala sila nang bumangga ako sa babaeng ito. Dahil siguro sumakto sa paa niya yung tray, napasigaw siya.
"SHIT! ARGH!" Sigaw nung babae.
"Shit! I'm sorry! Hindi ko sinasadya!" Ang tanging nasabi ko. Kinuha ko yung panyo ko at saka pinunasan yung t-shirt niya. I kept on saying sorry pero mukhang di niya naririnig dahil patuloy pa rin siya sa pagmumura nang pabulong.
Inagaw niya yung panyo ko at siya na mismo ang nagpunas sa t-shirt niya.
"This is fucking useless. Aanhin ko ang sorry mo kung nasaktan mo na ako? Maalis ba nyan ang sakit naramdaman ko dahil sa ginawa mo? Pati na rin 'tomg duming iniwan mo sa akin, malilinks ba yan ng sorry mo? Tss." Sabi niya at saka umalis habang patuloy na pinupunasan yung panyo niya.
"Ly!" Sigaw nung dalawa niyang kasama habang hinahabol yung leader nila palabas.
I looked around at nakatitig sila sa akin. Yung iba, parang naawa at yung iba naman ay parang galit. Shit! Anong ginawa ko?!
Again, hinatak na naman ako ni Ella palabas sa lugar na iyon. Dinala niya ako sa dorm namin at hinila hanggang sa room namin. Pinaupo niya ako sa tingin ko ay kama niya. Hawak-hawak niya ang ulo niya habang naglalakad pabalik-balik.
"Shit shit shit." Bulong niya na rinig ko na naman.
"Hey! Bakit? Anong meron? May ginawa ba ako?" I asked. Tumigil siya sa paglalakad at tiningnan ako. Parang nag-aalala siya. Teka, sasaktan ba ako nung frat na yun dahil nadumihan ko yung damit niya? Sobra naman ata yun!
"Basta, wag kang lalabas mamayang gabi. Dito ka lang sa dorm. O kaya mas mabuti, wag ka munang pumasok sa mga classes mo ngayon. Bukas ka na lang magstart." Sabi niya.
"What? Bakit ba?" I asked.
"Basta! Free wi-fi naman dito sa dorm eh. May gadgets ka naman siguro no? Gamitin mo yun para di ka mabored. Basta wag kang lalabas. Para din naman ito sa kaligtasan mo ito eh." Sabi niya at saka binuksan yung pinto.
"Den, please, wag ka munang lumabas. I'll explain later pag kasama na natin si ate Fille. Sige, may pagkain sa ref kung magugutom ka naman. Kahit sa receiving area, wag kang magstay, dito ka lang muna hanggang makabalik ako. Sige, Den." Sabi niya at saka isinara ang pinto.
Naglakad ako papunta sa kama ko at saka doon nahiga. Tinitigan ko lang yung kisame. Kung kailan naman umiiwas ako sa gulo, saka naman lumalapit sa akin. Dati kasi ako mismo yung naghahanap. Kaya siguro ako nilipat dito para magtino.
Pilit kong iniisip kung ano yung maari nilang gawin sa akin. Susugatan ba nila ako tapos bubuhusan ng alcohol? Sasapakin pa nila ako hangaang sa mamaga ang buong mukha ko? Papahalikan ba nila sa akin ang mga sapatos nila? Shiz, overthinking!
Bumangon na lang ako at saka isa-isang inayos ang mga gamit ko. Nang matapos ako ay humiga ulit ako sa kama ko. Wala pa ngang dalawang oras ang stay ko dito pero gulo agad ang nakuha ko.
Siguro dahil na rin sa sobrang pag-iisip, nakatulog ako.
-
I heard a knocking on the door kaya nagising ako. Agad kong pinunasan ang mata ko. Inayos ko na rin ang buhok ko pati na rin ang damit ko. I looked at the clock. It's already 2pm. Man, I have slept for 5 hours. Tumayo ako at saka binuksan yung pinto. It was Ella with someone.
"Glad na sinunod mo yung sinabi ko!" Sabi ni Ella at saka pumasok.
"I'm Fille." Sabi nung kasama ni Ella at saka inilahad ang kamay niya.
"Dennise. I'm Dennise Lazaro pero you can call me Denden or Den." Sabi ko at saka tinanggap yung offer niya. We shook hands at ako na rin ang bumitaw.
Pumasok si ate Fille sa loob kaya sinara ko na yung pinto. Bumalik ako sa pagkakaupo ko sa kama ko.
"So ikaw yung talk of the campus?" Ate Fille asked. Tinitigan ko lang siya dahil di ko alam kung anong isasagot ko.
"Siya yun, ate Fille. Siya lang naman ang alam kong nagpasigaw kay Ly." Sabi ni Ella at saka mahinang tumawa.
"Nagpasigaw?" I asked. Anong sinasabi nila?
"Ly doesn't talk much at yung sigaw niya kanina, yun na yung pinakamalakas na narinig namin mula sa kanya." Ella said. I nodded. Hindi ko alam kung dapat akong matuwa na ako ang dahilan ng pagsigaw niya o hindi dahil ibig sabihin nun ay sobrang inis na siya sa akin.
"Good thing, hindi ka lumabas." Sabi ni ate Fille sa akin.
"Bakit ba? Ano bang mangyayari pag lumabas ako? Sasaktan ba ako nung Ly na yun?" I asked.
"Hindi naman siguro. Yung mga kagrupo niya lang, dun dapat kang mag-ingat." Sabi ni ate Fille sa akin.
"Wala bang rules dito? Based on what I've heard, puro violence itong school na ito. Wala bang ginagawang action yung admin?" I asked. Napakaganda nga pero magulo naman. Anong sense?
"Meron, Den. Pero class hours lang iyon meron. From 5:00 pm hanggang umaga, may sarili ng mundo ang mga estudyante. Philippine Law na lang ang sinusunod nila at hindi na ang school rules so pwede silang magsapakan dyan hangga't walang nakakahuling pulis. Dahil wala namang pulis sa loob ng campus, walang nahuhuli." She answered.
"We got some messed up school system." Sabi ko.
"Yes. Pero somehow, dun natututo ang mga estudyante. Dahil mismong may-ari na ang nagpapatino sa kanila."
"May-ari? Paano?"
"Sila Ly, yung natapunan mo kanina, yung may-ari ng school. Pero after graduation pa siya talagang maghahawak ng school. Yung mga kasama niya, stockholders yung parents nun. Basically, sila yung nagpapatakbo ng campus ngayon. Pag nagkakagulo, sila na mismo ang tumatapos noon. It's either by talking to them or by hitting them." Ella asked.
"Hitting?!" I shouted. That was too much! Sa yaman ng mga estudyante dito, for sure, hindi pa sila nakakatikim ng palo. How can they do that?
"Hitting pag hindi napapakiusapan. Minsan kasi may mga estudyanteng nasosobrahan sa angas kaya sila Ly na mismo ang magpapatino sa kanila." Ella said.
"They got no choice naman din. Kung magsusumbong sila sa admin, malalaman ito ng oarents nila. Kapag nalaman iyon ng mga magulang nila, ipapatapon na sila sa ibang lugar. Everyone here doesn't want that." Ate Fille added. So all of us were in the same situation?
Hindi na ako sumagot. This school is one messed up school. Kailangan ko lang bumait kahit mahirap para malampasan ko na 'to at makaalis.
"Pero hindi lang sila Ly ang frat dito. Dalawa ang frat dito. Yung Eagles at yung Archers. Sa Archers, si Ara ang leader. Pag may frat war, grupo nila ang nagkakagulo. Isa na rin sa iwasan mo ang grupong iyon. Mas malala sila." Ella said.
"As in. Girls, bars, beers, bets, lahat na ng illegal dito sa campus, sila nagpasimuno. Palibhasa major stockholder si Ara." Sabi naman ni Ate Fille.
"Illegal?"
"Nagpagawa si Ara ng bar sa taas ng dorm ng Archers. Dun iyon sa kabilang dulo. Sila at ang Eagles lang ang nakahiwalay sa linya ng mga dorms dito. Sila yung may pinakamagandang gamit. Anyway, may bar nga sa taas tapos dun nagpaparty everynight ang mga estudyante. Even, the fresh,en, nakakasama doon. Kahit na may away sa pagitan ng dalawang grupo, doon tumatambay sila Ly. Nag-aaway lang naman sila pag may nagkasakitan na myembro ng group nila." Dagdag ni Ella.
"Are we allowed to go there?" I asked. Booze and party!
"Yep, pwede naman mamaya. For sure, di ka naman makikilala doon dahil madilim naman na pag nagbubukas yun." Ella said.
"Whoooooo!" I shouted.
"Didn't know you're a party girl." Ella said and laughed.
"Hahaha. I am. Kayo? Bakit kayo nandito? Di ba dito tinatapon yung mga anal na sinukuan na ng mga magulang? Bakit kayo nandito kung ganun?" I asked.
"We chose this school kasi may certain thing dito na hanggang ngayon ay hindi pa rin namin alam na naghihila sa amin papunta dito. Soon, mararamdaman mo rin yun." Ate Fille said. I just nodded again at saka oumunta sa kakayos ko lang na closet. I checked for something to wear. Nang matapos na akong maghanda, kinausap ko silang dalawa. Nagkwentuhan lang kami. Kinuwento ko yung mga kalokohan ko sa dati kong mga school. Such a bad ass.
Hindi namin napansin na dumidilim na pala. We took a bath at saka bumaba. Mukhang every night atang pumupunta ang mga estudyante doon dahil marami-marami na ang nakabihis.
Ella told us to ride at the back of her car at saka pumunta sa black and green na building na masyadong iniilawan ng puting ilaw na malikot. It was 6 pm pero masyado nang madilim. Sumakay kaming tatlo sa elevator at dinala kami nito sa pinakataas na floor. Dinala kami nito sa isang open bar. Akala ko walang bubong nung una pero hindi pala. Glass ang cover nito kaya kitang-kita ang mga stars. Wala pa sigurong mga part ng frat dahil mukhang mga inosente naman ang mga nagpaparty doon. Umupo kami sa isang couch at doon nagstart uminom. Nagpatuloy lang kami sa kwentuhan nila ate Fille at Ella.
I discovered na sobrang laki pala talaga ng Ateneo De La Salle High dahil may racing track ito. Sabi nila, baka 1/4 pa lang ang nakikita ko. Nalaman ko rin na Christmas break lang kami maaring makalabas ng dorm kaya ito ang inaabangan ng mga estudyante. Lahat naman pala ng entertainment na pwede naming gawin dito ay pwede. Yun nga lang limited lang ang mga makakasama mo. School mates mo lang kaya siguro awkward.
Nagpaalam ako sa dalawa dahil busy naman silang magkwentuhan. Hindi naman ako makarelate kaya naispan komg lumabas. Bumaba at lumabas ako ng Archers' building. Sumandal ako sa hood ng kotse ni Ella. Tanaw ko yung dorm namin pero maliit na ito sa paningin ko.
Nagulat na lamg ako nang may nanghila na naman sa akin. Hindi ko makita ang mukha nila. Mga limang babaeng nakabihis ang humihila sa akin. Dinala nila ako sa likod ng dorm ng mga Archers.
"Stop dragging me!" I shouted.
"First, humarang ka sa kanila. Second, tinapunan mo pa ng pagkain si Supremo." Sabi nung babaeng humila sa akin. Tinulak niya ako kaya napaupo ako. Buti na lang nandun yung upuan para saluhin ako. Agad akong itinali nung babae sa likod kaya hindi na ako nakapalag. Sinikmuraan ako ng humila sa akin at saka hinila yung buhok ko. Argh! Ang sakit!
"At may gana ka pa talagang pumunta sa bar." Bulong niya sa akin at saka marahas na binitawan ang ulo ko. Sinampal niya ako nang pagkalakas-lakas na dumugi agad ang gilid ng aking labi.
"Ugh...di ko sinasadya." Bulong ko. Nang mapansin kong palapit siya akin ay hinead butt ko na siya. Napahawak siya siya sa ulo niya. Hangga't di pa nagrereact ang apat niyang kasama, pinataka ko na yung upuan sa may pader. Agad itong nasira. Tinanggal ko ang pagkabuhol nito at saka tumakbo pero nahawakan ako nung isa. Pinaharap niya ako at saka sinapak sa pisngi.
"Argh! Inaano ko ba kayo?!" Sigaw ko. Agad akong hinawakan ng dalawa pa niyang kasama. Hinarap ako nung hinead butt ko at saka sinampal. Hinila niya ako paalis sa likod ng dorm at dinala ako sa may bandang mga puno. ramdam kong sumunod yung apat sa kanya. Pinaupo niya ako at napalakas ang pagsandal ko sa puno kaya sumakit ang katawan ko.
"THERESE, MADDIE, MICHELLE, FELICIA, PAULINE!!! ANONG GINAGAWA NIYO?!" Sigaw ng isang singkit na babae.
"Ate Gretch. Ah eh a-ano...t-tinuturuan l-lang namin ng leksyon." Sabi nung may hawak sa akin.
"Help, please." Bulong ko. Masakit na ang katawan ko. Hindi ko alam kung makakalakad pa ako or what dahil sampal pa lang nila, tanggal na kalamnan ko.
"What is happening here?" Tanong ni Ly. Yung babaeng natapunan ko.
"Supremo!" Sigaw nung lima.
"Miss! Okay ka lang?" Sigaw nung babae sa akin. Hindi ko siya kilala. Lumuhod siya sa harap ko niya ang mukha ko
"Alyssa! Ano 'to?!" Sigaw niya kay Ly. So Alyssa pala pangalan niya.
"Ara, wala akong kinalaman dyan. Since andito ka na, ikaw na lang maggamot sa kanya. Ako na bahala sa limang 'to. Miss Lazaro, pasensya na. Ako na mismo ang magpaparusa sa lima." Sabi niya at saka tumalikod.
"Kayong lima! Sa building, ngayon na!" Sigaw niya at saka sumakay sa sasakyan niya.
"Miss, miss, okay ka lang ba?" Tanong sa akin ni Ara. Shit talaga! Dalawang frat leaders agad ang nakaencounter ko ngayon!
I nodded.
"Dadalhin kita sa dorm niyo, okay lang ba?" She asked at tumango na lang ulit ako. Dahan-dahan niya akong binuhat at sinakay sa sasakyan niya.
Nang makarating kami sa tapat ng dorm ay bumaba siya. Pinagbukas niya ako ng pinto at binuhat kahit sinabi kong kaya ko naman na. Pinapupo niya ako sa receiving area at saka siya pumunta sa reception at humingi ng first aid kit. Dumalo agad siya sa akin. Kumuha siya ng bulak at saka nilagyan ito ng agua oxigenada. Dahan-dahan niyang idinampi ito sa sugat ko sa may pisngi at sa may gilid ng labi.
Naiilang ako pero mukhang hindi naman siya naiilang. Nang matapos niyang linisan at lagyan ng band-aid ang sugat ko ay nilayo niya rin sa wakas ang mukha niya sa mukha ko.
"Den, okay na siguro." Sambit niya,
"How did you know my name?" I asked.
"Ly and I review everybody's profile here. Ayos ka na ba talaga?" Ara asked. I nodded kahit masakit pa rin ang likod ko.
"Sorry. I'm Ara." Sabi niya. I shook hands with her at saka tumayo.
"Uhh thanks, Ara." Sabi ko. Akala ko ba worse ang Archers? Bakit parang mas mabait naman sila kumpara sa trato ng Eagles sa akin kanina?
"Don't worry. It's okay pero sorry, Den. Mukhang mapapadalas ang gulo ngayon sa'yo. Those girls won't stop. Be careful. Sige. Alis na ako." Sabi niya at saka lumabas lampas sa glass door. Napaupo ulit ako sa sofa. Motherfucking first day. It already felt like a month.
Ano ba talagang meron sa school na 'to? Bakit parang laging nakahithit ang mga estudyante? Masyado silang pisikal. I leaned my head on the sofa. Naalala ko ang malakutsilyong tingin sa akin ni Ly. Parang ang laki ng kasalanan ko sa kanya kahit bago pa yung pagtapon ko ng pagkain sa kanya.
It's either she's mad or ganun talaga siya tumingin.
Napahawak na lang ako sa ulo ko. Man, I have to deal with them for the next months. I got to prepare and be ready. Hindi ko uurungan yung limang iyon. I'll have my revenge soon.
-
HAPPY BIRTHDAY, PHENOM ALYSSA VALDEZ!!!!
Crappy update tho hahaha. Bukas na yung wlu! Peace out!
-deym