Escape to Death

By jawiica

25.8K 1.3K 465

COMPLETED: horror, survival, death. More

Work of Fiction
Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Wakas
FAQ
AFTERWORDS

Kabanata 33

471 26 6
By jawiica

CURSE's POV

"Kilala ko sila dahil ang pamilya nila ay nagtatrabaho sa ilalim ng pamilya ko at kayo, trabahador lang ng mga Montenegro." Pang-aasar ko.

Sa inis, dinakma niya ang palapulsuhan ko. "And, so what, huh?!" Gigil niyang diniinan ito. "Wala ka naman ng magagawa! Mamamatay at mabubulok ka na rito, bago ka pa makapagsumbong sa kahit kanino at kahit sa pamilya mo!" Pahagis niya akong binitawan kaya napasalampak ako sa sahig. Mabilis siyang naglakad papalabas at sinaraduhan ako kaya nagmamadali akong tumayo. Lumapit ako sa pintuan ngunit napamura ako nung mapansing inilock niya ito.

"Bwisit!" Singhal ko at sinuklayan ang sariling buhok gamit ang palad. Think, Curse! Think! Think! Think!

I exhale heavily.

I approached the tv-cam in front at hinanap sa lahat ng linya ng CCTV kung nasaan si Khalil. Nakita ko siyang pababa sa tanggapan, kung nasaan ang ibang tao. Nandoon rin ang kapatid niya kasama ang taong nagpapanggap na si Mrs. Miranda at Mr. Erik. Sa kabilang banda, yung mga silid naman ng mga bisitang naiwan sa kani-kanilang mga kwarto ay biglang pinalibutan ng usok. Hindi ko alam kung saan nanggaling pero mukhang inilabas 'yon ng mismong kwarto. Hindi ko alam kung anong uri ng usok 'yon but I know that it doesn't look good. Ang ilang gising kasi ay biglang nahimatay dahil sa pangyayaring 'yon.

Iginala ko pa ang aking mata hanggang sa mahagip ng atensyon ko ang kakaibang bagay. It's something that shows the area of the ice factory. Pinagmasdan ko 'yon at sinuri. Matapos ang ilang segundo, namilog ang mata ko. Naisip ko agad ang kawalang-hiyaan ng pamilya nila Diana kaya napamura ako sa inis. I unconciously kicked the swivel chair na kaninang inuupuan ni Khalil at frustrated na hinilamos ang palad sa mukha. Nanginginig ako sa galit.

I bit my lowerlip and exhaled aggressively.

"Si Radge..." Biglang naisip ko. Bumalik ako sa tv ng mga CCTV at hinanap kung saan ni Diana hinatid si Radge. Bahagya akong napangiwi nung makitang nakikipagsuntukan ito sa apat na lalaki. Bagsak na ang dalawa kaya dalawa nalang ang kaharap niya. "Yeah, that's right. Help me." Aniya ko. Mula sa mga CCTV, inaral ko ang ilang parte ng bahay para matulungan kami kung saan dadaan sa oras na mapagpasyahan na naming umalis. Pinanood ko rin ang ilang mga taong alam kong hindi bisita na kinakailangan naming iwasan. Matapos 'yon, ibinalik ko ang tingin kay Radge. Nakahinga ako ng naluwag nung makitang tumatakbo na ito papunta sa silid kung nasaan ako.

I pursed my lips.

Tinignan ko ang buong control room at napagpasyahan na lagyan ng error ang mga CCTV. Matapos non, naghanap ako ng matigas na bagay. I found an extinguisher so 'yon nalang ang ginamit ko para ipukpok sa mga controls. Sinira ko itong lahat at pinaghahampas, sakto namang bumukas ang pintuan at bumungad si Radge.

"Fùck, what are you doing?! Let's go!" Lumapit siya sa akin at nagmamadaling hinila ako. "I badly need an explanation!" Hinatak niya ako paalis sa control room kaya hindi na ako nagpapigil pa. "Nasaan ang gagøng 'yon?" Tukoy niya kay Khalil.

"Nasa baba. Kailangan na nating umalis. Babalik 'yon sila dito matapos nilang gawin ang binabalak nila sa mga bisita nila." Iritang sagot ko. Sinulyapan ko siya at mas lalong nagsalubong ang kilay ko nung makitang namumula ang kabilang pisngi niya. "What happened to your face?"

"It's fine. Nabigyan ako nung apat..."

"Tss, hoodlum." Bulong ko pero mukhang hindi niya naman narinig. "Hindi magandang sa main door tayo dumaan. It's not a wise choice. On the other hand, May nakita akong apat na pintuan para makalabas, alternative."

"How did you know?" Taka niya akong tinignan kaya sinimangutan ko siya.

"I'm in control room, dummy." Ngumuso ako at suminghal. "That's a wrong move for Khalil."

"What the fùck is happening?! This is so confusing!" Reklamo niya habang kinakaladkad pa rin ako sa pasilyo. "Simula nung nawala ka, nagkagulo na. What did you do?"

"Wala akong ginawa, ah-!" May narinig kaming mga yapak kaya agad kong hinila si Radge sa isa sa mga kwartong malapit sa amin. Pumasok kami doon at mabilis na chineck ang kwarto kung may tao ba. Nakahinga ako ng maluwag nung makitang wala. "It's them. They do something wrong, not me." Depensa ko.

Salubong ang kilay niyang nagpamewang. "Explain."

"Huwag na ngayon!"

He groaned. Iginala niya ang tingin sa kwarto na animo'y naghahanap ng pwede naming daanan para tumakas. "Doll face, I need to know what's happening. Why they are chasing us?"

"They are not. They're after on everyone." Pagtatama ko pa at humalukipkip.

"And, why?" Lumapit siya sa bintana pero bigo siyang napamura nung makitang may mga fence ang window. "Fùck this house!"

"They will probably gonna ice us." I mumbled.

Iritang napalingon sa akin si Radge. "What?!"

"Yes!" I sighed. "The owner of this mansion is not them." Nagsalubong ang kilay niya. Nagpatuloy naman ako. "The real owner of it- is the people we saw dead in the other room."

"What?! The fùck!" Lumapit siya sa akin. "How did you know that?!" Hindi ako umimik. Tumaas naman ang kilay niya at umigting ang panga dahil sa kaasaran. "You did an investigation, aren't you?! Alone?!" Aniya. Hindi naman ako nakasagot kaya natunugan niya na. "That's dangerous!"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Ginagawa ko naman lagi 'yon kapag may mga namamatay, ah?!"

"Still!" Bumuga siya ng hangin sa pagkapikon. Nagpamewang ulit siya habang nakaharap sa akin. Salubong na salubong ang kilay niya at mukhang stress talaga dahil lang sa nag-iisang rason- dahil lang tinakasan ko ang silid kung saan dapat kaming dalawa.

Radge is really unbelievable.

I rolled my eyes. "Look, I'm feeding my own curiousity dahil una palang may iba na akong nararamdaman sa bahay na 'to." Suminghal ako. "Kanina pa. Magmula nung pumasok tayo."

"What do you mean?" Tumagilid ng kaunti ang ulo niya, nagtataka. "You feel uneasy?"

"Yes-"

"Great, you don't have any plan to even say that to me, aren't you?"

"I did! May balak sana akong sabihin sayo!" I sighed. Sinilip ko pa muna ang pintuan bago ulit siya hinarap. "Listen..." Kumalma ako at hininaan ang boses, yung tipong alam kong siya lang ang makakarinig. "After you kissed that Diana-"

"I didn't kiss her."

I rolled my eyes. "Fine. After Diana kissed you, I intend to knock on this house just to ask for help. Ang una kong naisip sana ay magtanong kung may iba pa bang daan para makalabas tayo sa factory or makihingi ng kaunting oras para lang makituloy. Why? Dahil active pa ang mga undead matapos tayong tumakbo." Paninimula ko. Nanatili naman siyang salubong ang kilay na nakinig sa akin, aburido. "But, by the time that I saw the parents of Diana, bahagya akong nagtaka."

"Why?"

"Hindi ko nasabi sayo but this factory is supplier ng pamilya ko."

"Supplier?"

"Yes." Tumango ako. "Sa lolo ko ito noon, but eventually, binigay niya rin sa kababata niya, na mukhang pinamana kay Mr. Montenegro." Paliwanag ko. "Ngayon, source ng Lolo ko ang factory na 'to sa mga kinakailangan niyang yelo. I'm not that sure but I'm aware that my Lolo is using the ice for his needs. He's using it for his work."

"What's his work?"

Agad akong natahimik, nag-alangan bigla. Nanatili ang aburido niyang tingin kaya sumagot na ako. "He's a doctor... and a scientist." Tumaas ang kilay ni Radge. Magtatanong pa sana siya pero hindi ko na pinayagan. Nagsalita agad ako. "Because of the past pact, Montenegro's still filling what my Lolo needs." I sighed. "In short, kilala ko ang mga tao dito, may ideya ako." Pagkaklaro ko. "So, ayon nga. For continuation, when we met Diana's parents, nagtaka ako dahil hindi ako naging pamilyar sa kanila. Hindi ko mamukhaan." Umiling ako. "Pero, hinayaan ko lang. Matagal na panahon ko na rin kasi silang hindi nakikita kaya hindi sakin bigdeal. I let it pass, dahil baka kako nagmatured lang ang kanilang mukha."

"Then?"

"Pinalagpas ko ang mga magulang niya, pero something caught my attention again."

"What?"

"Hindi naklaro ni Diana kung paano talaga siya napunta sa labas. Sinabi niya lang na may daanan sila sa likuran ng bahay at hinabol daw siya agad ng halimaw. Isn't that suspicious? Bakit ka lalabas kung alam mong delikado? Sige, sabihin na nating lalabas ka dahil may reason ka. Pero, since delikado, diba dapat may kasama ka? Or, dapat alam manlang ng pamilya mo ang tungkol dito." Hindi nakasagot si Radge pero alam kong nagkakaroon na siya ng ideya. "Hinayaan ko rin 'yon. I let it pass, again." Sabi ko. "Nung makapasok tayo sa bahay nila, mas lalo akong nagtaka. Why? Because, they do not look worried at all sa pagkawala ni Diana. Khalil was very calm when he approached us. Her parents are always addressing their appreciation pero yung totoo, halata rin naman sa mukha nilang hindi sila worried." Umiling ako. "They all look fine. Hindi ba't nakakapagtaka 'yon?"

Bahagyang napayuko si Radge, parang napapaisip at inaalala ang mga ginawa nga kanina ng pamilya ni Diana.

Nagpatuloy ako. "Mukha silang kalmado. Kung nawala ang anak nila, dapat nagkakagulo na sila, dapat nasa labas at naghahanap na sila kay Diana, diba?" Bumusangot ako. "Nung makita nila si Diana sa mismong tapat ng pintuan, doon lang sila umakto na parang nag-aalala. Ang malala pa, parang inaasahan na nila tayo sa harapan ng bahay."

"What if they're afraid to go outside because of those undead? Natakot lang silang maghanap?"

"Come on, kabisado nila ang bahay, Radge. Hindi naman lalabas sa bakuran si Diana kung alam niyang may zombie. Ano 'yon, trip?" Sarkastiko akong tumawa. "Radge, ang lawak ng bakuran nila. Kung alam mong delikado sa labas, malamang kailangan mong isecure ang bahay mo." Biglang may nag-pop sa isip ko kaya idinugtong ko 'yon. "At isa pa, ang sabi nila, marami na silang natulungang iba, marami na silang natulungang tao- pinatuloy pa nga nila rito." My brow rose up. "Ibig sabihin, naka-ilang beses na silang labas-pasok sa bakuran."

Tumango si Radge. "You're right. Kapag labas-pasok ka na, of course, you need to secure your house. You need to lock it. Kapag labas-pasok ka, you're aware that the yard is safe."

"Yes." Tumango ako. "Pero, nung iniligtas natin si Diana, nung pumasok tayo, hindi 'yon nakalock."

Natikom si Radge. Ilang sandali pa muna siyang tahimik bago ako nilingon. "Kung ganoon, planado 'to?"

Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko alam, pero baka ganon nga?" Tumawa ako. "They probably noticed us outside beforehand. Tutal, may mga CCTV sila sa kahit anong parte ng bahay."

"Fùck, you're right!" Suminghal siya. "They're planning to lure us here in the first place. Why?!"

"Ewan ko. Baliw kasi sila." Umiling ako. "They're talking about collection. Malamang iye-yelo nila tayo, and worst baka ibenta sa black market." Irita akong natawa. "Yon ang nakita ko sa CCTV kanina, nakita ko ang part ng factory. Nakatutok doon ang camera, kitang-kita ko ang mga naging biktima nila na nasa loob ng yelo."

"What?!" He hissed. "They're out of their mind!" Sinapo niya ang kanyang noo na parang nas-stress na. "Dapat pala umalis na talaga tayo. You're right. Hindi na dapat tayo nagpapigil."

Ngumuso ako. "It's my fault." Nilingon ako ni Radge, nagtataka. "I lure you on this."

"It's not."

"I am."

He heavily sighed. Lumapit siya sa akin at niyakap ang bewang ko."Baby, it's not. It's planned."

Bumuntong-hininga ako. "Still." I frowned again. "Nung nakita ko kasi si Colleen, napasang-ayon na ako. At isa pa, inaalala ko nga ang labas dahil wild pa ang mga halimaw. Pero, bago pa talaga ang lahat, uneasy na ako sa bahay."

"I'm sorry..."

Umiling ako. "Wala kang kasalanan. I'm the one to blame. Nagdesisyon akong magstay."

"It's not." Depensa niya ulit para sa akin. "Anyway, how did you know all of this? Paano mo nalaman na hindi sila ang may-ari ng bahay? At what point?"

Sumeryoso ulit ako. "I did an investigation." Tumikhim ako. "As i've said, hinayaan ko lahat ng mga napansin ko kila Diana pero nasa loob ko pa rin talaga ang kutob at pangamba. Kaya nung time na umalis ka para kumuha ng pagkain, umalis rin ako sa kwarto dahil hindi talaga ako mapakali. Since, may nangyari ng krimen, mas lumala lang ang weird na nararamdaman ko sa bahay na 'to. I sneek out to know how those people died..."

"It's suicide, right? The guy is hanging on the ceiling."

Umiling ako. "Lumapit ba kayo sa loob?"

"No."

"Pinayagan kayo?"

"No."

"Kahit sino ba sa inyo ay may pinayagang lumapit?"

"None.."

I chuckled, sarcastically. "Malamang, hindi. Dahil alam nilang baka may makaalam ng mga pinag-gagagawa nila." Umiling-iling ako. "Yun nga lang, mali nila dahil nagkagulo pa rin ang mga bisita. Mabilis na nanjudge ang mga tao kung may pumatay ba or wala. Pero shempre, kalmado pa rin ang pamilya ni Diana. Why? E, hindi rin naman sila masisi ng mga tao dahil lahat tayo nasa baba, hindi sila maaaring masali sa suspect if ever."

"I see."

"Malas lang nila dahil lumapit ako sa crimescene." I hissed. "Nung masuri ko, walang suicide na nangyari." Umiling-iling ako. "May tatlong tao ang minurder don."

"Tatlo?"

"Yes. They're the Montenegro's, they are the real owner of this property. Sila ang totoong Mr. Erik, Mrs. Miranda at 'yong nag-iisang anak nila na si Khalil."

"Hindi ba't dalawa lang-"

"Tatlo." Suminghal ako. "Sa closet, nandoon ang anak nila Mr. Montenegro. Kalunos-lunos nga ang nangyari e. It's so brutal. Mukhang pinaulanan siya ng baril. Si Mrs. Montenegro naman na nakahiga sa kama, mukhang sinibat sa likod. Iyon ang dahilan kung bakit siya namatay."

"The guy hanging on the ceiling? Hindi ba't mukhang suicide 'yon?" Tanong ni Radge, hindi naman ako nakasagot.

Natikom ako at napaisip pa muna. Ilang sandali akong tahimik bago nagsalita. "I'm not really sure pero may isa akong naiisip."

"Ano?"

"Malakas ang pakiramdam ko na hindi suicide 'yon." Tumikhim ako. "Marahil ay inutos sa kanyang gawin 'yon."

"To hang himself?"

"Yes." Tumango ako. "All of their skin is cold. Halatang matagal na silang patay. At isa pa, magkakasama silang magkapamilya roon. Malamang, ginawa na silang preso. Hindi na sila hinayaang lumabas." Ngumiwi ako. "Kung suicide ang nangyari sa kanya, wala siyang kalayaan lumabas para kumuha ng malaking block of ice para lang magpakamatay."

"Wha-what? What do you mean?" Nagtatakang tanong ni Radge. "What do you mean by a block of ice?"

Umiling ako. "Walang silya sa kwarto nila, but I found a big square basin sa tapat mismo ng ilalim ni Mr. Montenegro."

"Basin?" Napaisip si Radge. "Iyon ba yung parang planggana na nakita natin sa lapag?"

Tumango ako. "May tubig doon. I think, iyon ang pinagamit sa kanyang sampahan when he hang himself. At, since matagal na silang patay, malamang natunaw na ang malaking block of ice kaya naging tubig ito." Umiling-iling ako. "So, in short, pinaglaruan silang tatlo. Pinagbabaril, sinibat, at pinagbigti..."

"Fùck..." Nabulong nalang ni Radge.

Tumikhim ako. "Sinubukan ko lang talagang isolve ang nangyari roon. Gumawa ako ng mga theory kahit na wala akong ebidensya. Napatunayan ko lang na ang kampo nila Diana ang pumatay sa kanila nung matyanta kong ilang araw ng walang buhay ang mga biktima at mas nagkaroon ako ng mabigat na ebidensya laban sa kanila nung makita ko ang isang litrato na nakalagay sa frame..."

"What do you mean?"

"Sa litratong 'yon, nagtrigger ang kaliwanagan sa akin. It helps me to clear all of it." Bumuga ako ng hangin. "Sa litratong 'yon, nandoon si Lolo, ang pamilyang Montenegro at yung lalaking nagpapanggap na si Mr. Erik, yung tatay ni Diana." Hinaplos ko ang aking noo. "Natrigger ang memorya ko. Naalala ko ng husto ang mga itsura ng tunay na may-ari ng bahay na 'to at sa litratong 'yon mukhang trabahador ni Mr. Montenegro ang tatay ni Diana, well maybe, right hand of the factory."

"That explains all?"

"Yes. Kahit sinong bisita dito, hindi maaaring maging suspect dahil hindi naman nila kilala ang mga Montenegro. Kung may alam sila, malamang hindi sila maniniwala sa mga pakulo nila Diana na sila ang may-ari nitong mansyon." Umiling-iling ako. "Ang maaaring suspect lang ay pamilya ni Diana. Sila lang ang may motibo dahil aside sa akin, sila lang ang nakakakilala sa mga Montenegro. Sila ang pumatay."

"What might be the reason kung bakit nila ginawa 'yon, Doll face?"

Umiling ako. "Wala akong alam pero I'm sure, dahil lang sa kayamanan at insecure." Tumalim ang tingin ko. "Nakakainis lang dahil ginagawa nila ang kalokohang 'to sa gitna ng outbreak. Nakakatanga! Ang sakit sa ulo! Hindi ko maintindihan ang punto ng mga ginagawa nila!"

"Curse..."

"They're filled with madness! Nasisiraan na sila!"

"Hey, calm down.." Hinaplos ni Radge ang pisngi ko para pakalmahin. "Shh, wala na tayong magagawa. Nangyari na ang nangyari at hindi na natin makokontrol pa ang mga isip nila. It's fine, Doll face. We just need to get out of here, that's all." Niyakap niya ako. "Everythings going to be alright, okay?" Tumango ako. "Let's get out of here, safely. Naghihintay pa ang pinsan mo..."

Tumango ako.

*BANGG! BANGG!*

Agad kaming napayuko ni Radge nung makarinig kami ng putok ng baril sa labas. Nakarinig rin kami ng maraming yapak na mukhang tumatakbo sa hallway at ilang mumbled sound na mukhang hinahanap kami.

Fùck that Khalil! He's a psycho!

Hinila ako ni Radge at lumapit sa gilid ng pintuan. Saktong may bumukas nito at saglit lang na sinilip ang loob, as in saglit lang, matapos ay umalis rin agad. Nakahinga kami ng maluwag dahil natakpan kami ng pinto. Mabuti nalang rin, tanga ang mga tauhan ni Khalil. Hindi manlang pumasok or siniyasat ng mabuti ang kwarto.

"Do you know where's the four exit that you're talking about?" Bulong ni Radge.

Tumango ako. "It's on the first floor."

Hindi na siya sumagot. Nung maramdaman naming wala na ang mga tauhan ni Khalil, saka ako hinila ni Radge papalabas. Naging maingat kami sa pasilyo pero nagmamadali. Swerte pa namin dahil nakatawid kami ng dalawa pang pasilyo, pero nung malapit na sana kami sa hagdan, biglang bumungad sa amin si Diana.

"Kyaa!" Agad siyang napatili, nagulat rin. "Kuya! Nandito sila!" Sigaw nito kaya wala sa wisyong nasampal ko siya. Si Radge naman, tinadyakan siya sa puson kaya agad itong napasalampak sa sahig.

"Let's go!" Usal ni Radge at hinila ako papalapit sa hagdan. Pababa na sana kami nung makasalubong namin ang fake na Mr. Erik at Mrs. Miranda. Paakyat sila kaya napaatras kami. Hinawakan ako nung Erik at akmang may itatarak sana sa aking kung ano, mabuti nalang, tinadyakan siya sa mukha ni Radge kaya tumilapon ito at gumulong sa hagdan.

"Honey!" Sigaw ni Miranda at nilingon kami. "Anong ginawa niyo?!"

"PAPA!" Sigaw ni Diana.

May lumabas na apat pang lalaki sa ibaba na mukhang aakyatin rin kami kaya hinila ako ni Radge paakyat ulit. Narinig ko ang malutong niyang pagmumura nung nasa harapan na rin namin si Diana kaya wala siyang nagawa kundi itulak ito sa gilid, agad siyang nauntog sa pader. Wala kaming sinayang na oras. Hinila ako ni Radge at tumakbo na naman sa hallway.

"Kuya!!!" Rinig naming sigaw pa ulit ni Diana, humihingi ng tulong sa kapatid na alam naming nasa second floor rin.

"Ayun! Ayun! Ayun!" Nagulat kami nung bumungad sa amin ang iilang lalaki ulit. Gumilid kasi kami, dadaan sana sa panibagong hallway. Wrong move naman pala.

"Habulin!!" Sigaw ng kung sino kasunod ng mga yapak.

Tumakbo kami ni Radge sa hallway. Para kaming nasa maze dahil kung san-san kami napapadpad. Nakikipaghabulan kami at parang paikot-ikot lang sa pasilyo.

"Nakakairita! Bakit ba ang daming hallway at kwarto rito?!" Sigaw ko.

"Maybe, it's for the worker?" Sagot ni Radge.

Napangiwi naman ako. "Make sense-"

*BANG! BANG!*

"Woah!" Sabay kaming napayuko ni Radge nung biglang may lumabas sa pasilyo sa harapan namin. May hawak silang mga baril kaya nagpaputok sila, mabuti nalang, nakayuko kami agad. Ang natamaan? yung mga kasamahan nilang humahabol sa amin sa likod.

"Tatanga niyo! Bilis! Bilis!" Rinig kong sigaw ni Khalil.

*BANG! BANG!*

Napayuko kami ni Radge habang tumatakbo. Bago sila magpaulan ng mga bala, nagawa na naming gumilid para tumakbo na naman sa ibang pasilyo.

"Bwisit!" Sigaw ko.

"Tumigil kayo!" Sigaw ni Khalil. Nung lingunin ko, nasa likod na namin siya, humahabol.

"TUMIGIL KAYO!" Sigaw pa ni Diana nung bumungad ito sa harapan namin. Napatili ako dahil sa gulat kaya nadulas ako. Nahila ko si Radge kaya tumumba kaming dalawa.

*BANG!*

SOBRANG BILIS NG PANGYAYARI!

Namilog ang mata ko nung biglang napaluhod sa sahig si Diana. Nagpaputok kasi si Khalil sa likuran na sana'y para sa amin, pero dahil humarang sa harapan namin si Diana at nadapa kami, siya ang natamaan. Ang malala, sa mismong noo pa.

"NOOOO!!!" Bulyaw ni Khalil.

Mabilis kaming tumayo ni Radge para sana tumakbo na naman pero agad kaming napayuko nung magpaputok na naman ang baliw na si Khalil. Tumama ito sa gitna namin kaya napahiwalay ako kay Radge. Hindi pa nakuntento si Khalil, tinadtad niya ng putok ang banda ko kaya wala akong nagawa kundi dumaan sa kaliwa, si Radge, sa kanan.

"Doll face!!" Bulyaw ni Radge.

"Magkita nalang tayo sa baba!" Sigaw ko at nagpatuloy lang sa pagtakbo.

"HABULIN NIYO! AKO NA BAHALA RITO!" Rinig ko pang sigaw ni Khalil. Paglingon ko, mag-isa siyang humahabol sa akin.

Bwisit! Bwisit! Bwisit!

Napamura ako ng ilang beses sa utak ko. Kung saan-saan na ako tumakbo para maligaw siya sa pasilyo pero wala pa rin talaga. Matibay ang isang 'to. Hindi siya mapigil. Ang malala pa, nabaril niya ang kanyang kapatid kaya sure akong mas galit siya. Nagpaputok siya ulit kaya napayuko ako. Maya-maya, narinig ko ang mura niya at paghagis ng baril sa kung saan, wala na atang bala. Dahil don, nag-isip ako ng ibang paraan para makakuha ng panglaban kahit papaano, pero...

"Tángina ka!" Sigaw niya sa akin nung maabot niya ang buhok ko. Sumalampak ako sa sahig kaya napamura ako. "Kasalanan niyo 'to! Mga malas!" Hinaklot niya ang kwelyo ko at walang hirap na itinaas ako.

"Let me go!" Hinampas at tinadyakan ko siya pero hindi siya natinig. Isinalampak niya ang likuran ko sa pader kaya napadaing ako sa sakit. Hindi pa siya natapos, sinampal niya ako at sinikmurahan. "Aah!" Sobrang sakit. Pakiramdam ko, babaliktad ang sikmura ko dahil sa kabigatan ng kamao niya.

"You ruined everything! Lahat ng plano namin, sinira mo!" Marahas niya akong hinila at hinagis sa divider na nasa gilid. Sa sobrang lakas ng impact, rinig ko ang pagbasag ng mga kung anong vase at salamin na nakapatong doon.

"Ah!" Daing ko dahil sa sakit. Bumagsak ako sa lapag kasabay ng mga babasaging gamit. Maliksi pa akong umiling dahil pakiramdam ko, niyanig ang ulo ko. Yung paningin ko, nanlabo rin. Nalasahan ko ang dugo sa gilid ng labi ko at automatiko ring umangat ang kamay ko para kapain ang gilid ng ulo ko. Nung mahaplos ito, naramdaman ko ang basa, nung tignan ko, dugo pala.

"Pabida ka! Ang pamilya niyo ay pabida!" Hinila niya ulit ang kwelyo ko at hinagis sa kabilang sahig. "Tamang-tama sayo ang pangalan mo! Sumpa! Nagdadala ka ng sumpa! Malas! Ang dapat sayo, pinupugutan ng ulo at sinusunog!"

Pinilit kong bumangon at dumura sa gilid. Kahit nanlalabo ang aking tingin, inangat ko ang mata sa kanya. "Kayo dapat ang sinusunog dahil walang laman ang utak niyo! Mamamatay tao! Naninira ng pamilya!"

"Wala kang alam gagò!" Tinadyakan niya ako kaya napahiga ako ulit at napaubo. "Hindi mo alam kung gaano kahigpit ang mga Montenegro! Tama lang sa kanila ang mamatay! Maarte na Miranda, Mayabang na Erik at spoiled na Khalil!" Dumura siya sa kung saan. "Napakahigpit nila sa mga empleyado na kahit magkasakit na ang tatay ko at magkanda-kuba-kuba na ako, kailangan pa ring magtrabaho!" Hinaklot niya ulit ang kwelyo ko at sinikmurahan. Napaubo ako ng matindi. Pakiramdam ko, umaangat na ang mga laman-loob ko. "Hindi mo alam kung gaano kahirap dahil hindi naman ikaw ang nagtatrabaho! Kayong mga mayayaman, nagpapakasasa sa pera! Walang alam sa hirap naming mga hindi kaatasan sa buhay! Makakapal ang mukha niyong mang-utos dahil lang nakakababa sa inyo!"

"Bago ka makakuha ng pera, maghihirap ka muna..." Pilit kong pagsasalita. Lasang-lasa ko ang dugo sa buong bibig ko. "Anong akala mo? Dapat chill lang?" Nginisian ko siya, nang-aasar. Napikon ang mukha niya kaya tinadyakan na naman niya ako.

"Nakakaintindi ka ba?!"

Tumawa ako habang pinipilit na bumangon. "Lahat ng mayayaman, nagsisimula sa mababa. Naghihirap, nag-eeffort, nagsa-sacrifice para maging successful sa buhay." Pinunasan ko ang bibig ko. "Kung gusto mong yumaman, simulan mo munang huwag magreklamo." Inangat ko ang tingin sa kanya, matalim. "Kung hindi ka bobò, dapat alam mong walang madaling trabaho."

Sinampal niya ako. "Nakakaintindi ka ba?! May sakit yung tatay ko, pinagtatrabaho pa rin! Tama ba?! Tama?! Nagkanda-kuba na ako sa trabaho, tama pa rin ba 'yon?!" Sinampal niya ako ulit. "Huwag kang makuda dahil wala ka namang alam! Hindi mo alam kung gaano kahirap magtrabaho!"

Tumawa ako. "Ilan taon ka na?" Tanong ko, hindi naman siya nakasagot. "Ang tyanta ko, ang mga tulad mo, dapat nag-aaral, ah?" Nginisian ko siya. "Sanay ka ba sa trabaho o baguhan?" Hindi siya nakasagot, pero napakatalim ng tingin niya sa akin. "Mahirap ba talaga? O nag-iinarte ka lang?"

"Tumahimik ka!"

"Magmatured ka muna para makaintindi ka naman." Pinilit kong tumayo para matapatan siya. Ngumisi ako. "Bago ka magtanim ng galit sa iba, tanungin mo muna ang tatay mo kung choice niya ba magtrabaho kahit na may sakit siya." Hindi ulit siya nakasagot. "Balita ko sa lolo ko, mababait ang Montenegro lalo na sa mga trabahador, ah? Iba na ba ang kwento?"

"Sinungaling-"

"Huwag kang gumawa ng kwento dahil nanggaling na rin ako noon dito." I smirked. "Hindi ibibigay ni Lolo ang factory na 'to sa mga taong hindi deserving. Sino ngayon ang sinungaling?" Dumura ako sa gilid niya. "Gagawin mo pang masama at sinungaling ang lolo ko? Tarantado!"

Dinaklot niya na naman ang kwelyo ko at hinampas ako sa pader. "Pùta ka!"

"Aminin mong immature ka. Nakakatawa ka. Matured ang katawan mo pero yung utak mo? Hindi..."

Sinampal niya ako. "Wala kang alam!"

"Kayong mga praning, pumapatay kayo ng tao dahil lang sa mababaw na dahilan? Siraulo ka ba?"

"Manahimik ka!"

"Inggetero!"

"Paano ako maiinggit sa mga mayayamang tulad niyo e mga hambog kayo!"

"Oh, anong sense pala ng pagnanakaw niyo ng kayamanan ng iba?" Tumawa ako. "Ano 'to trip?"

"Bagay lang sa kanila ang mamatay! Hindi bagay sa kanila ang maging mayaman! Pinapahirapan nila ang mga trabahador!" Hinagis niya ulit ako sa lapag kaya napadaing ako. "Hindi mo naiintindihan 'yon dahil wala ka naman dito!"

"Hindi ko talaga maiintindihan ang lowclass mindset na tulad mo! Bata ka pa at mahina ang utak! Hindi ka makaintindi at wala kang alam!" Pinawi ko ang tumulong dugo mula sa noo ko. "Isa kang kriminal. Walang katuturan lahat ng pinagsasabe mo. It's pointless at pambatang issue!" Bulyaw ko. "Bata ka palang, dyablo ka na..."

"Ikaw ang dyablo!" Sinampal niya ako. Hinila niya ang buhok ko at sinampal ulit. "Akala mo ba wala akong alam tungkol sa pamilya niyo?!" Ngumisi siya. "Mas dyablo ang Lolo mo!" Hinila niya ang kwelyo ko, hindi na siya nagsawa. Hindi naman ako makapanlaban dahil nanghihina ako at nahihilo. Nung mahila niya ako, hinagis na naman niya ako sa divider. "Baliw ang Lolo mo at may sakit sa utak!" Humalakhak siya.

Pinunasan ko naman ang bibig ko at pinilit na naman bumangon.

Dinaklot niya ang panga ko at pinaharap sa kanya. "Curse La Rune..." Pagbabanggit niya sa pangalan ko. "Pero, nagtatago sa pangalang Curse Corpuz sa publiko." Sumama ang tingin ko sa kanya, ngumisi siya lalo. "Balita ko kay Sir Erik Montenegro, may inaalagaan daw ang mga La Rune na hindi tao, ah?"

Binawi ko ang panga ko sa pagkakahawak niya. Blanko rin ang tinging itinapon ko."Shut up..."

Tumawa siya at nagpatuloy. "Sabi sa kwento, may isang babae na gawa sa eksperimento."

✎.

Continue Reading

You'll Also Like

162K 3.1K 11
"We need somebody who can communicate with the dead..." Tony says trailing off looking around at everyone. The entire team looks around and sighs "Ok...
9.5K 92 17
Lincoln meet a emo named Neko their they hang out then became friends but will sparks fly or will a certain jealous emo stop them
1.6M 108K 25
#Book-2 in Lost Royalty series ( CAN BE READ STANDALONE ) Ekaksh Singh Ranawat The callous heartless , sole heir of Ranawat empire, which is spread...
257K 12.7K 60
My name is Alex Cruz, I'm a omega, so I'm just a punching bag to my pack. But Emma, Queen of werewolves Sam, queen of dragons Winter, queen of vampi...