Escape to Death

By jawiica

25.9K 1.4K 467

COMPLETED: horror, survival, death. More

Work of Fiction
Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Wakas
FAQ
AFTERWORDS

Kabanata 32

415 25 2
By jawiica

CURSE'S POV

The clock on the wall mocks me with its sounds – 2:37 am. Outside, the world is wrapped in inky blackness, the usual nighttime symphony of crickets replaced by an unsettling silence. Nanatili akong nakaupo sa kama kung saan inilaan para sa amin ni Radge at kahit mukhang napaka-ganda ng kwarto, hindi manlang ako makaramdam ng antok. I was biting my thumb sa nagdaang oras while thinking deeply. My mind is a tangled mess. The silence in the room feels heavy, it's pressing down on my chest.

I sighed.

After nung nakita naming pangyayari sa kabilang kwarto, after nung makita namin ang kalunos-lunos na krimeng 'yon, hindi na ito nawala sa isipan ko. The feeling alarmed that I could feel - gets worse. Gusto ko nga sanang imbestigahan ang nangyari pero hindi ako pinayagan ng pamilya nila Diana. Lahat ng mga taong umakyat at nakitingin sa nangyari ay pinabalik muna sa kani-kanilang kwarto para makapagpahinga muna. Ayaw daw ng pamilya ni Diana na madamay at maalarma pa kami sa ganitong pangyayari kaya pinalayo nila kami. Sila nalang daw ang bahalang umaksyon dito.

Shempre, may ilang humindi. May iilang tumutol dahil seryosong senaryo ang nangyari. Hindi nila alam kung ligtas ba raw sila dito o hindi, kaya gusto nilang malaman kung sino ang may kagagawan. Gusto nilang makibalita. Pero sa kabilang banda, may iilan na pumasok nalang sa kani-kanilang kwarto dahil ayaw nilang madamay. Natatakot ang ilan sa nangyari at ayaw na makisalamuha sa iba dahil baka madamay pa, o baka isunod daw sila.

I rolled my eyes because of that.

Hindi ba dapat nga na mas magandang umalis nalang sila dito para sure? Anong magagawa ng pagtatago sa kwarto kung nasa iisang bubong pa rin naman kayo ng maaring salarin sa nangyaring engkwentro?

Napasinghal ako at kinagat ang ibabang labi.

May something talaga sa bahay na 'to na hindi ako mapirmi. Iba ang nararamdaman ko sa lugar na 'to. Hindi ko alam kung paranoid o nasisiraan na ba ako ng ulo pero iba talaga ang pakiramdam ko, uncomfy. I know na may mga ganong klase talagang tao. Kahit naman sino, mararamdaman ang ganitong pakiramdam sa certain place. Hindi lang naman ako. Nararamdaman ko e. Basta kakaiba. There's something deep and strange I could feel on this house. Hindi naman ako mahihibang ng ganito kung wala akong napapansin.

Kainis!

Kanina pa. Kanina pa ako hindi mapakali. Hindi ako mapalagay. Parang maraming mata ang nanonood sa akin sa bahay na 'to. Parang may mali. Lalo na sa pamilya ni Diana, there's something wrong. I could feel it - no. Hindi ko lang pala nafe-feel, dahil alam ko sa sarili kong may something nga. Paano ko nasabi? Dahil una palang, hindi pa man kami nakakapasok sa lugar na 'to, may nakaimbak na impormasyon na akong baon patungkol sa factory ng Ice na 'to.

I already knew something... una palang.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko at tumayo na sa kama. Bahagyang salubong ang kilay ko nung marahan at malumanay na tumungo sa pintuan ng kwarto. Binuksan ko 'to at maingat na lumabas. Sa hallway palang, wala akong nakitang katao-tao, pero sa distant, nakakarinig ako ng kaunting ingay na mukhang nanggaling sa mga tao na pinag-uusapan ang natunghayan.

Radge is not here. Nung hinatid kami ni Diana rito sa kwarto, nagpaalam si Radge na kukuhanan ako ng pagkain. Hindi ko naman siya pinigilan dahil malalim talaga ang nasa isip ko. Hindi ako matigil sa pag-iisip kaya hinayaan ko siya sa gusto niyang gawin.

Bumuntong-hininga ako bago tuluyang lumabas ng kwarto. Pansin ko, kumpara sa tanggapan doon sa ibaba, nakulangan ng liwanag dito. Kung gaano kaliwanag sa ibaba, ganoon naman kaunti ang ilaw dito. But, it's doesn't bother me, anyway. Nangangati ang mata kong mangalikot dito sa bahay. Pero, bago 'yon, gusto kong makita ulit ang kwarto kung nasaan ang mga taong nawalan ng buhay. Natatandaan ko pa naman ang daan kaya mabilis ngunit maingat ang aking lakad na nagtungo ron. Nung makarating ako sa mismong hallway, sinilip ko muna kung may mga tao bang makakakita sa akin, delikado e. Lalo na kung pamilya ni Diana ang makakasalubong ko.

Tss...

Wala akong nakita kaya dumiretsyo ako sa tahimik na hallway papunta sa room kung saan naganap ang engkwentro. Wala namang bantay pero may taling harang na animo'y pinagbabawalan kaming pumasok. Hindi ako natinag. Dire-diretsyo ang lakad ko ngunit nanatili paring maingat para hindi makagawa ng ingay, pero bago pa man ako makapasok sa mismong kwarto, napaatras ako nung matanaw ko ang lalaking nakatalikod sa loob. May kausap ito sa telepono kaya agad akong napaatras at pumasok sa katabing kwarto na nakaawang ang pintuan.

"What? Nasaan na naman ba 'yon? Paakyatin mo na rito para matulungan akong alisin ang mga katawan. Ayokong maalarma at mabahala pa ang mga bisita..." Sabi ng pamilyar na boses, nung silipin ko, nakita ko si Khalil na naglalakad paalis na sa area. "Bilisan niyo! Kanina pa ako nagbabantay dito!" Iritadong sabi pa nito sa telepono bago tuluyang nakaalis sa hallway.

I gulped.

Chineck ko pa muna ulit ang pasilyo bago ako lumabas ng kwarto at nagmamadaling pumasok sa silid na pinapakay ko. Nung makapasok, agad akong napangiwi dahil sa amoy, masangsang at malansa. Hindi ko agad gusto. Mas lalo tuloy nagsalubong ang kilay ko. Tahimik rin akong napasinghal at napamura. Dim ang ilaw sa labas pero pagdating dito sa kwarto, madilim. Walang ilaw dahil basag ang bumbilya pero magkakaroon ka pa rin ng vision dahil sa tulong ng kaunting liwanag na nang-gagaling sa labas.

Natikom ako.

Pag-angat ko ng aking paningin, unang bumungad sa akin ang naka-bigting lalaki na nasa harapan. Kung bubuksan mo kasi ang pintuan, siya talaga ang una mong mapapansin dahil nakaharang siya. Ang nakakapagtaka pa, sa ilalim niya, sa tapat ng nakalambitin niyang katawan, may malaking square na hindi ko matukoy kung planggana ba or what. May tubig kasi dito, hindi ko alam kung para saan.

"The heck is this?" Wala sa wisyong bulong ko habang sinisiyasat ang planggana. Inangat ko ulit ang tingin sa lalaki at sinuri ang mukha niya. Napalunok pa ako nung biglang may nag-pop sa isip ko. Napakurap-kurap ako at napa-isip lalo. Matapos ang ilang segundo, napamura ako nung may maasinta sa isipan. My heart pumps nervously because of what I have in mind.

I swallowed heavily.

Pinanatili kong kalmado ang aking sarili kahit unti-unti ng bumibilis ang tibok ng puso ko dahil sa pangamba, alarma at nerbyos. Habang tumatagal ang tingin ko sa lalaki, mas lalong nagkakaroon ng ideya ang utak ko. Ilang segundo lang rin naman at natigil ako sa paninitig. Inilapit ko ang likuran ng aking palad at idinikit sa paa ng lalaki para tiyantahin kung ilang oras na siyang wala. Matapos ang pagkakalkula ko, mas natikom ako at nilagpasan siya.

Sinunod ko ang babeng nasa higaan na matatanaw mo rin mula sa labas, nakahilata ito sa kama at dilat ang mata. Mula sa likod, kitang-kita ko ang malalim na butas patagos sa mismong puso nito. Para siyang sinibat mula sa likod. Ang bedsheet rin ng kama ay napaliguan na niya ng kanyang dugo. Tuyo na ang bedsheet, at ultimo ang kanyang bangkay ay napaka-lamig na. Pinagmasdan ko lang rin saglit ang mukha nito at masasabi kong pareho silang dalawa ng lalaki na mukhang may mga edad na, para silang kasingtanda ng Mama at Papa ko. Isa pa, masasabi ko ring mula sa kanilang suot at uri ng katawan, may isinisigaw ang kanilang pamilya, wealthy.

Hindi ako doon natapos sa pagsusuri.

Mas may naamoy akong masangsang na amoy. Sobrang lansa at talagang nakakasuka. Hindi 'yon nangagaling sa lalaking nakabigti at babaeng nakahilata, kundi nanggagaling 'yon sa isang... closet.

Napalunok ako.

Ang katahimikan, kalamigan at kadiliman sa buong kwarto ay nagbibigay sa akin pangamba. The nervousness is already filling my body and the chills are sending shivers down my spine. Habang papalapit ng papalapit ako sa closet, mas nanlalamig ang paa ko at parang tumataas ang mga balahibo sa batok ko. Ramdam ko rin ang panlalamig ng aking palad at talagang palakas ng palakas ang kabog ng aking dibdib.

Napalunok na naman ako ng matindi.

Tikom ang bibig ko at bahagyang salubong ang aking kilay, mukhang normal at kalmado ang aking mukha pero yung sistema ko, halos nagwawala na. Kumakabog ang aking dibdib at hindi matigil sa pamamawis ang aking palad. Ang gilid ng pisngi ko, tinutuluan na rin ng pawis kahit na alam ko sa sarili kong nanlalamig ako.

Napamura ako sa aking isipan.

Okay pa ako kanina e. Pero, nung matitigan ko ang lalaking nakalambitin sa kisame, natunugan ko na ang nangyayari. Unti-unti akong naliliwanagan pero hindi pa 'yon sapat para tumigil ako. Wala pa akong ebidensya at kailangan ko pa ng impormasyon or detalye para tuluyan akong tumumpak sa naiisip ko.

Napalunok ako.

Nung mahawakan ko ang segura ng closet, marahan ko itong binuksan. Humampas ang malamig na hangin sa akin na nanggagaling sa loob kaya mas nadagdagan ang kalamigan sa sistema ko. Nung tuluyan kong mabuksan at masilip ang closet... para akong binuhusan ng malamig na tubig.

Nanigas sa ere ang kamay kong pinangbukas ko. Ultimo ang aking paghinga, nahigit ko. Napirmi ang aking atensyon sa loob na para bang tumigil ang mundo ko.

Meron...

Yung lalamunan ko, parang natuyo. Gusto kong lumunok at humakbang paatras pero parang nanigas na talaga ang buong katawan ko.

Merong tao sa closet... may bata.

Nakatitig ito sa akin. Saktong-sakto ang pagtama nito sa paningin ko. Punong-puno ng dugo ang kasuotan nito at butas-butas na animo'y pinaulanan ng bala. Kahit ang noo niya ay butas rin. May ilang insekto na rin na lumilipad malapit sa kanya. Dilat na dilat ang kanyang mata habang bahagyang nakangisi. Mukhang namatay at nanigas na siya sa ganong estilo.

"Dalhin niyo sa kabila, maliwanag? Bilisan niyo!"

Parang sinuntok ang puso ko sa gulat, dahilan para mas dumagundong ang pagtibok nito sa nerbyos. Nabalik ako sa ulirat nung makarinig ng boses na nagmumula sa labas at ilang mga yapak. Mabilis akong naalarma at natingin-tingin sa loob ng kwarto kung saan pwede magtago, wala akong ibang nakitang pwedeng taguan kundi ang ilalim ng kama kaya agad akong sumiksik doon at pumirmi.

Narinig ko ang nagmamadaling yapak ng paa na pumasok dito sa loob. Nakadapa ako kaya kitang-kita ko ang mga sapatos nila. Base sa mga pares ng paa na nakikita ko, tatlo silang lalaki, pang-apat ay yung kay Khalil na malapit sa pintuan.

"Ayusin niyo sa kabila 'yan. Sa likod na kayo dumaan." Utos ni Khalil. Hindi naman nagsi-sagot ang mga kasamahan niya. Seryoso ang mga ito sa trabaho. Hindi ko alam kung paano nila dinala ang lalaki at babae, pero yung batang nakita ko sa closet, nakita ko na nilagay nila ang katawan nito sa sako.

"Nako! Nakakalunos ang sinapit naman nila!" Sabi ng kung sino, mukhang napadaan sa kwarto.

"Opo, pasensya na po. Ililipat na nga po namin ang kanilang mga bangkay para po hindi na kayo mabahala." Magalang na tono ni Khalil. "Anong oras na po, hindi pa po ba kayo matutulog?"

"Naku! Paano kami makakatulog e, may kriminal dito sa loob ng bahay nyo?"

"Aaksyunan po namin ito. Bukas na bukas, gagawa po kami ng imbestigasyon..."

"E, hindi ba't kaarawan nga nung kapatid mo?"

"Ha?"

"Hindi ba't birthday non?"

"Ah... opo." Natihimik sila saglit bago tumikhim si Khalil. "Sige na po, tara na. Ihahatid ko nalang kayo sa kwarto niyo." Sabi niya at lumabas. Ilang segundo lang rin at agad siyang bumalik para sabihan ang mga kasamahan niya. "Pagtapos niyo diyan, kumilos na kayo. Bilis."

"Hahaha! Sige sa utos!" Sagot ng isang kasamahan niya. Narinig ko ang singhal ni Khalil at aalis na sana ngunit nagsalita ulit ang lalaki. "Balita ko may La Rune dito, ah?"

Natahimik si Khalil ng ilang segundo. Ako naman, bahagyang nagsalubong ang kilay dahil sa pagtataka. Sumagot si Khalil. "Oo..."

Humalakhak ang lalaki. "Edi, delikado tayo?"

"Madali lang matahan 'yon! Bilisan niyo na!" Irita pang utos ni Khalil bago siya tuluyang umalis. Ilang tawanan pa muna ang narinig ko dito bago nila napagpasyahan na umalis na.

I hissed irritatedly.

What the fùck do they mean? What the heck is going on? Ano bang plano ng mga weirdong 'to?

I rolled my eyes in frustration.

Akma na sana akong aalis sa ilalim nung biglang may matamaan ang tuhod ko. Napangiwi ako dahil medyo natusok ako. Kinapa ko 'yon at kinuha. Nung maabot ko, agad ko itong tinignan. Isang maliit na picture frame. Nasa ilalim ako ng kama kaya hindi ko siya mashado makita ng malinaw. Napakadilim kasi. Kaya umalis ako sa ilalim, dala-dala ang picture na 'yon. Tumayo ako at nagpagpag. Nung pagmasdan ko ulit ang picture, natigilan na naman ako.

Hindi ko 'yon inaasahan.

Nanuyo ang lalamunan ko at parang may elektrisidad na gumapang mula sa paanan ko hanggang sa aking ulo. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi matanggal ang mata ko sa picture frame. Hindi ko talaga 'to ini-expect! My breath caught in my throat. Parang may nag-pop sa utak ko at sumapol sa mismong teorya ko na kanina ko pa binubuo. Naliwanagan ako sa lahat. Parang ito ang pinaka-importanteng piece na kanina ko pa kinakapa para masagot ang mga tanong na nasa isip ko. My heart hammered a frantic rhythm against my ribs. A shiver ran down my spine. The air suddenly smells danger. A mystery hidden in plain sight. My mind raced with alarm.

"Curse! Doll face!"

Nabalik ako sa ulirat nung marinig ko ang boses ni Radge sa labas. Nagmamadali akong humayo sa kwarto at tinakbo ang pasilyo. Agad niya naman akong namataan at nilapitan.

"Fùck, where have you been?!" Galit na tanong niya pero hindi ko 'yon sinagot.

"We need to go." Pinal na sabi ko. Ang mukha ko ay siguradong hindi na maipinta dahil sa sobrang salubong ng aking kilay. Hinila ko ang shirt niya para sana pasunurin pero nagmatigas siya.

"What— wait! What's wrong? Saan ka ba nanggaling?!"

"Basta! Mamaya na ako magpapaliwanag! Tara na!"

"Hindi ka pa kumakain!"

"I don't care! We need to go!"

"Doll face!"

"Radge!" Sinuway ko rin siya. Sinamaan ko siya ng tingin, as in sobrang sama. Ipinakita ko sa kanya na hinding-hindi ako natutuwa ngayon sa pagiging matigas ng ulo niya. Sinuklayan ko ang aking buhok gamit ang aking palad bago siya lagpasan.

"Doll face! Bakit ba? I don't understand you, really! Saan ka ba nanggaling!?" Sumunod siya sa aking paglalakad. Hindi ko naman siya sinagot. "You don't know how shīt I felt when I didn't saw you in that room— hmp!"

Agad na natigilan si Radge nung takpan ko ang kanyang bibig. Hinila ko siya sa isang pintuang malapit sa amin at pinapasok doon nung makarinig ako ng usapang papalapit sa hallway na dadaanan sana namin.

"Naligpit ko na 'yung isa. Anong sunod?" Dinig ko ang boses ng isang lalaki.

"Huwag na paabutin bukas. Pausukan niyo." Naningkit ang mata ko nung marinig ang boses ni Diana.

"Paano yung dalawang baguhan?"

"Si Khalil daw ang bahala ron. Kakausapin niya pa si Papa dahil mukhang kilala niya yung isa."

Natigilan ako.

Mukhang kami ang tinutukoy niya sa huli...

"Sabi na, nakatunog na."

Namilog ang mata ko.

Mabilis kaming napalingon ni Radge sa likuran nung may magsalita. Hindi namin nacheck ang silid na pinasukan namin dahil nabusy kami sa pakikinig sa usapan nila Diana at sa kung sinong kasama nito na nasa labas, kaya ngayon,  mukhang nawrong-move kami. Dagdag problema, kairita!

"Pûta, mali pala na minaliit kita." Sabi ni Khalil. Nakaupo siya sa swivel chair habang may dalawang lalaki sa magkabilang gilid niya. Hindi lang 'yon, mas sumama ang timpla ng mukha ko nung makita ang sandamakmak na tv-cam ang nasa loob ng silid na napasukan namin. Lahat 'yon, nakabukas. At, makikita roon sa tvcam ang iba't ibang sulok ng bahay, iba't ibang ginagawa ng mga bisita nila sa mansyon, at ultimo mga natutulog sa mga espisipikong kwarto na inilaan nila para sa lahat.

"Bástard..." Bulong ko habang nakatingin sa kanya, kay Khalil.

"What the fùck is happening?" Bulong rin ni Radge sa tabi ko, halatang naguguluhan sa nangyayari.

"Tignan mo nga naman..." Natatawang sabi pa ni Khalil. "Hindi ka pa nakakatagal dito pero mukhang ang dami mo ng natuklasan. Gaano ka kaya katalino?" Humalakhak siya. "Anong klaseng pakiramdam ang meron ka? Lupet."

"What are you planning, you fùcking psycho..." Pikon na tanong ko sa kanya. Hindi naman siya nakasagot at tinawanan lang ako.

Biglang bumukas ang pintuan sa likuran namin, alam ko na agad kung sino ang pumasok, si Diana. "Ow, fùck, may alam na ang dalawang 'to?" Bungad niya sa amin. "Bilis, ah?"

Tumawa si Khalil. "Halata ka kasi sa pag-arte. Hindi ka marunong."

Diana rolled her eyes. "Tss, ubos na nga ang luha ko kakaiyak kanina..."

"Kamusta si Colleen?"

"Nasa factory. More collection!" Humagalpak ng tawa si Diana at nilingon ako. "Ito mas magandang collection. Tunay na mukhang manika, hahaha!"

Nginisian ko sila dahil sa kairitahan. "You are all crazy."

"Hindi pa ako tapos sa kanya. Bumaba ka na ron, Diana. Sabihan mo sila Mama na kumilos na ngayon." Utos ni Khalil at nilingon ako. "Sabihin mo na may dalawang sumabutahe ng plano."

"Fine! Akin na 'tong isa!" Tinuro ni Diana si Radge at sinenyasan ang dalawang lalaki na kasamahan niya. "Dalhin niyo si Radge sa kwarto ko. Ikulong niyo ng maayos."

"What the fùck?!" Singhal agad ni Radge. Hinawakan siya ng dalawang lalaki kaya agad na itong nanlaban. "You guys are nuts!" Pinagsusuntok niya ang dalawang lalaki kaya naalarma si Diana at Khalil. Hindi nila inaasahan na kinakaya lang ni Radge ang dalawa. Sinenyasan ni Khalil ang dalawa pang katabi niyang lalaki kaya tumango ito. Humarang ako para sana pigilan sila pero agad akong tinabig ng isa kaya napadapa ako sa sahig. "What the— Doll face—! Argh!"

"Radge!" Bulyaw ko nung sikmuraan siya ng isa. Napunta kasi sa akin ang tingin niya kaya nabigyan siya ng katapat. Tinadyakan siya ng isa pa kaya tuluyan siyang napadapa.

"Go! Dalhin niyo na! Baka may makarinig pa sa atin dito or makapansin! Bilis!" Iritang utos pa ni Diana kaya sinamaan ko siya ng tingin. Tumayo ako at akma sana silang pipigilan nung biglang hulihin ni Khalil ang palapulsuhan ko.

"Hindi pa tayo tapos!" Aniya sa akin.

"Let me go!" Bulyaw ko.

"Doll face— argh! Fùck you!" Pikon na mura ni Radge sa dalawang lalaki na sinikmurahan ulit siya. Ramdam ko ang kabigatan ng mga kamay nito kaya talagang napaluhod si Radge. Yung dalawa rin ay tinadyakan pa siya sa tagiliran kaya mas hindi niya nagawang lumapit sa akin.

"Radge!" Nag-aalalang sigaw ko pero hindi pa rin talaga ako binitawan ni Khalil. Binitbit ng apat na lalaki si Radge palabas kasunod si Diana kaya naiwan kaming dalawa ni Khalil sa loob. Masama at salubong na salubong ang kilay ko na nilingon siya. Pikon na pikon ang nararamdaman ko sa harapan niya. "You are a criminal!"

Ngumisi siya. "On this outbreak? Come on..."

"You're fùcking pyscho! Mamámatay tao!"

"Ako?" Kunwaring maangan niya. "Paano ka nakakasiguro?"

"Mabubulok ka sa impyerno!" Irita kong hinila ang kamay ko sa kanya. Sinamaan ko siya ng tingin, as in sobrang sama. "Nakakadiri kayo! You are all pathetic! You are all servants of insecurities!" Sumama ang tingin niya sa akin. Nagsalubong na rin ang kanyang kilay, kaya nagpatuloy ako. "You're taking advantage of this fùcking outbreak! You're killing people for the sake of dámn wealthyness. Nahihibang na kayo! Mga nasisiraan na ng ulo!"

"Accusing someone, huh?" Sinamaan niya ako ng tingin. "Ako ba ang pumatay?" Tukoy niya sa mga taong namatay doon sa kwarto na pinasukan ko kanina. Pikon niyang dinaklot ang panga ko. "Tigil-tigilan mo ang pagbubuka mo ng bibig dahil wala kang alam."

Nginisian ko siya. "You guys are all insecure."

Mas naningkit ang mata niya at mas dumiin ang hawak sa panga ko. "Shut up!"

"Pinatay niyo ang tunay na may-ari ng factory na 'to para sa sarili niyo. Para maangkin niyo ang kayamanan nila." Tumawa ako kunwari. "Sabihin mong mali?"

"Shut up!"

Binawi ko ang aking panga sa pagkakahawak niya at kunwaring natawa ulit kahit na napipikon na talaga. "Nung narinig mo ang pangalan ko, naalarma ka..." Hindi siya sumagot, bagkus ay mas dumilim ang mata niya sa galit. "Nung una nagtataka pa ako e..." I giggled. "Pero, bigla kong naalala kalaunan."

"Shut up..."

"Si Mr. Erik Montenegro, si Mrs. Miranda Montenegro at nag-iisang anak nila na si Khalil Montenegro..." Tumawa ako. "Kilala ko, diba? Kilala ko ang mga ginamit niyong pangalan galing sa pamilyang pinatay niyo."

"Fùcking shut up! Wala akong alam sa sinasabi mo!"

"Ano ka, tanga?" I giggled. "Don't play with me. Alam mo 'to. Alam na alam mo." Tumawa ulit ako. "You feel alarmed when you hear about my name. Alam mo sa sarili mo kung bakit ka kinabahan nung oras na makilala mo ako... at alam na alam mo kung bakit ko kilala ang mga Montenegro..."

"Tumahimik ka..."

"Kilala ko sila..." Humalukipkip ako at dinungaw siya. I smirk at him. "Dahil, ang pamilya nila ay nagtatrabaho sa ilalim ng pamilya ko. At kayo..." Bahagya akong napahalakhak. "Trabahador lang ng mga Montenegro."

✎.

Continue Reading

You'll Also Like

128K 3.6K 25
Warning: 18+ ABO worldကို အခြေခံရေးသားထားပါသည်။ စိတ်ကူးယဉ် ficလေးမို့ အပြင်လောကနှင့် များစွာ ကွာခြားနိုင်ပါသည်။
2M 99.9K 37
Presenting the story of ISHIKA MEHRA Whose innocence made the king bow down to her AND ABHIRAJ SINGH RATHORE Whose presence is enough to make the per...
302 84 12
Chandrea get inside the abandoned house as a dare from her friends. She grab the flashlight and started walking around the house when she heard somet...
31.4K 604 26
"Well I mean, Opposites Attract, right?"