Let Me

By ObserBEAR

46.4K 994 247

jholet in a parallel universe More

Let Me
Prologue
1- Flashback
2- Encounter
3- Confuse
4- Doctors
5- Getting to know
6- Friends
7- Continue
8- Play
9- Bucket List
10- Talk
11- Bake
12 - Flowers and Gifts
13- Movies
14- Feelings
15- New
16- Parents
17- finally
18- Excited
19- Enjoy
20- Overnight
21- Batangas
22- Day with You
23- Smile
24- You and I
25- Girlfriend?
26- Deal
27- Mornings
28- First Date
29- Bonus Chap.
30- Sweet
31- First
32- Worries
33- The Day before Christmas
34- Exchange
36- Not Funny
37- Caught
38- Pain
39- Find
40 - Take a Risk
Author's Note

35- Bike

809 16 7
By ObserBEAR

CK'S POV

Tapos na ang pasko at malapit na ang bagong taon. Pero may dalawang bagay pa ang hindi kami nagagawa mula sa wishlist nya.

Yun ay ang maturuan syang magbike at magpunta ng hongkong para sa pangarap nyang makapunta ng Disney land.

Nakapag pa book na ko ng ticket, nasa akin na rin naman ang passport nya dahil pinadala ko na ito kina tita ng magpunta sila dito.

It was all planned. Kinausap ko ang parents nya pagdating nila dito sa Beach. Personal na rin akong nagpaalam sa daddy nya about sa mga balak ko.

Hindi naman sila tumutol, nagpaalala lang sila ng mga bagay na pwedeng mangyari. Ito na yun ehh. May basbas na ko. At sana lang may patutunguhan lahat ng ginagawa ko.

Sana mabago ko pa yung isip nya kahit sobrang hirap. Ayokong mawalan ng pag asa dahil worth it lahat ng resulta. Napalapit na ko ng sobra sa kanya. Nahalikan ko na din sya na lalong nagpahina sa akin.

"Sweetie Pie, wake up" tawag ko sa kanya

"It's too early CK"

"No it's not. You need to take your meds pa. And may pupuntahan tayo"

Pagmulat nya ng mata ay agad ko syang hinalikan sa kanyang labi. Smack lang yun. Kahit na kinakabahan ay nagawa ko pa rin. Bihira lang ako makahanap ng tyempo  para magawa yun.

"Heyy, hindi pa ko naghihilamos" reklamo pa nya

"Good morning"

"Anong good sa morning, kung bigla bigla ka nalang nanghahalik dyan"

"Gusto mo rin naman, hindi ka nga nagrereklamo na hinalikan kita ehh. Nagreklamo ka lang kase hindi ka pa naghihilamos" turan ko habang naka ngisi

"Magdahilan ka pa"

Bumalik ako sa pagkakahiga at yumakap ako sa kanya. Ngayon lang ako naging ganito sa isang tao.

Hindi ko branding ang ganitong bagay. Pero pagdating sa kanya lumalabas ang pagiging childish ko.  Nagiging clingy na din ako.

Gusto ko lagi syang malapit sa akin. Laging kong nahahawakan ang mga kamay nya. Lagi kong nararamdaman ang presensya nya kung saan

"Lalabas ba tayo or cuddle all day nalang? Nagbago na ata isip ko. Dito nalang tayo sa kwarto maghapon"

"Ayaw ko. Doon ka na tatayo na ko"

"Hindi mo pa nga ko binabati ng good morning ehh"

"I did kaya"

"No you don't. You asked lang if ano maganda sa morning"

"Ano nga ba?"

"Ikaw, maganda ka sa umaga"

"Yan tayo ehh. Dyan ka talaga magaling Doc. Ehh. I wonder na talaga kung paano ka naging doctor?"

"Bakit naman?"

"Kase ang lakas mo mambola ehh, dapat sayo seawoman, or di kaya pulis."

"Anong connect?"

"Mga manloloko"

"Huyy hindi ako ganun ahhh. Hindi naman kita niloloko ehh. Totoo lahag ng sinasabi ko. Ikaw lang ang ayaw maniwala"

"Sige nga paano ako maniniwala aber?"

"Simple lang."

"Ano?"

"Sasabayan ko ng kiss every time na may sasabihin ako sayo"

"Sus, tyansing ka lang ehh"

"Ayaw talaga maniwala"

Walang sabi sabing hinalikan mo sya sa kanyang mga labi. That was the third time na ginawa ko yun. At pangalawang beses na nagtagal ang labi ko sa mga labi nya.

Napaka lambot talaga nito, at hindi nakakasawa na halik halikan. Ewan na aadik na ata talaga ako sa kanya.

Ginantihan naman nya ang halik na yon na hindi ko inaasahan. Kahit walang hilamos jusko. I also hold her nape to deepen the kiss. Until I realized her situation. Baka maubusan sya ng hangin.

Nang maghiwalay ang aming mga labi ay masuyo ko naman syang hinalikan sa kanyang noo.

"I love you" hindi mapigilang anas ko.

Sa isip ko lamang dapat yun sasabihin, pero wala nasabi ko na. Tumingin muna sya sa kin ng matagal bago sya sumagot na tila nauutal pa

"I-i love y-you too" akala pa rin siguro nya ay part lang yung ng fake relationship na meron kami kaya hindi nya inaasahan ang mga sinabi ko.

"Bakit nauutal?" Biro ko pa

"F-first time mong sabihin kase yan kaya hindi ako makapaniwala"

"Haha, ngayon lang sumagi sa isip ko ehh" pagdadahilan ko nalang.

Napapitlag naman ako ng bigla nya kong hampasin sa aking balikat

"Ouchh, anong ginawa ko?" Turan ko habang hinihimas ang nasaktan kong balikat

"Sabi nga Hindi pa ko naghihilamos ehh. Bakit ka ba halik ng halik?"

"Haha, gumanti ka naman sweetie pie. I know you want it too kaya wag ka ng magpakipot pa dyan. Kung tumayo ka na kaya dyan para makapag freshen up ka na? Para hindi ka bigla biglang nanghahampas?"

"Ito na tatayo na"

"Good"

Akmang tatayo na sana sya nang bigla ko ulit syang hinila at hinalikan ng mabilisan

"Argggh, nakakagigil ka" wika nya lang at pumasok na ng banyo

Naiwan akong nakangisi habang pinapanood syang padabog na pumasok ng banyo.

Ang Cute nya piskit.

Pagtapos nya ay sabay na kaming bumaba at nag almusal. Ramdam ko ang lungkot nya dahil wala na kaming kasama dito sa beach house. Naka uwi na rin kase kahapon sina Papa dahil may Emergency meeting dapat ngayong gabi palang sila dapat babalik ng Manila.

Sumabay na rin sa kanila sina Mauie kaya heto kami at naiwang kaming dalawa nanaman.

After breakfast ay niyaya ko na sya agad papunta sa park kung saan kami noon. Naka ready na doon ang isang bike na binili ko sa malapit na bilihan dito. Marinoni type ang bike kaya pwede din syang pang angkas.

Ang importante naman ay maturuan ko sya.

"Anong gagawin natin sa park ng ganito ka aga?"

"May mga hindi pa tayo nagagawa na nasa wishlist mo"

Napa isip naman sya tungkol doon

"Ano?"

"Learn how to drive a bike"

"Woahh? Tuturuan mo ko?"

"Of course"

"Nasaan yung bike?"

"That one" turo ko sa bike Di kalayuan sa likod ng isang mini truck.

Nilapitan namin agad yun sinipat ng maayos. Lumabas naman mula sa driver seat ng mini Truck ang isang lalaki. Inabot ko naman sa kanya ang bayad ng bike at ibinigay din sa akin ang ilan pang kagamitan ng bike.

"Before that, wear this things para hindi ka masugatan, if ever man na madapa ka"

"Sus, kahit wala naman na yan"

"Huwag makulit. Ayokong magkasugat ka kaya isuot mo to" sermon ko pa.

Ako na rin ang naglagay ng mga protective gear sa kanya at huli kong nilagay ay ang helmet.

Nakatingin lang sya sa akin sa buong oras ng pag aayos ko. Hindi ko pa mahigpitan ng maayos ang helmet kaya kinailangan ko pang yumuko ng bahagya.

After mailagay ay hinalikan ko ulit sya sa kanyang mga labi.

Grab the opportunity ika nga haha.

"Ikaw nakakarami ka na ahh. Kanina ka pa halik ng halik"

"Gusto mo naman. Kung hindi diba kanina mo pa ko pinipigilan. Pero hindi tinutugunan mo pa"

"Ewan ko sayo. Turuan mo na ko mag bike. Paano ba?"

"Dapat marunong ka munang mag balance. First you do is to Tuck your feet upwards and onto the pedals. While in motion, maintain the bike's balance as long as you can. Once you feel the bike beginning to tip, catch it by putting one foot to the ground, then push off again. Keep your eyes straight ahead. Gets?"

"Try"

"Sige gawin mo, aalalayan kita dito sa likod. But don't pressure yourself huh? Take a consider to yourself"

"Yes coach"

"Buang haha. Game na. Nasa likod lang ako"

Hawak ko ang upuan sa likod para mabalance ko sya kahit papaano. Ilang ulit nyang sinusubukan pero ramdam kong natatakot syang matumba

"Huwag kang matakot na matumba. Basta kapag nabalance mo na mag pedal ka lang ng dahan dahan para hindi bumilis. Antabay lang" turan ko pa.

Ginagawa naman nya lahat ng sinasabi ko kaya medyo nagagawa naman nga.

"Malapit na kaya ko to" aniya pa sa kanyang sarili.

"Good, you did great. Onti pa, alalay lang sa preno pero wag mong biglain kase sesemplang ka"

Ilang trial and error din ang ginawa nya bago ko sya try na bitawan

"Try natin ng wala ako sa likod ahh. Pero wag pa pressure. Kase kakabahan ka at hindi makakapag isip ng maayos. Dahan dahan lang"

Huminga muna sya ng malalim bago sinubukang gawin ulit.

Finally nagawa nya rin ng walang suporta sa likod. Masaya ako dahil isang achievement nanaman para sa kanya ang bagay na to.

Pabalik na sana sya ng biglang gumewang gewang ang sinasakyan nyang bike, kita sa mukha nya ang takot.

"JHAIRENE!!" sigaw ko ng bigla syang tumumba

Tumakbo ako agad sa kinaroroonan nya. Nakahandusay na sya sa kanyang pwesto at walang malay.

"Jhai, Jhairene? Sweetie wake up" tawag ko habang tinatapik tapik ng mahina ang pisngi nya.

"Jhai? Please wake up. Sabi na ehh hindi magandang idea na turuan kang magbike at pabayaan ka.. Jhai gising. Help!!" Natataranta na ko sa mga iras na to dahil hindi nya nagigising.

Pinakiramdaman ko pa ang paghinga nya para lang masiguro na ayos sya.

"Jhai? Jhai wake up. Tulongg!!"

___________________________________

Tulonggggg huhuhu

Is this the end na nga ba? Or what?

Continue Reading

You'll Also Like

20.2K 376 25
They only know me as a nerd in black.
26K 725 26
After 10 long years, Colet decided to go back to the Philippines to manage her dad's business. Surprisingly, someone sent her a wedding invitation. W...
178K 9.4K 29
Tae and kook know each other from their birth because their parents are friends.... living together made them love each other....and they decided to...
223K 6.1K 54
What will happen if you're stuck with the person you hate the most? "Don't go near me, I hate you." "Just listen to my explanation. I won't bother y...