Chapter 14:She was saved by a ghost
<Cyril’s POV>
G-gangster si ate mika??
Hindi!! Baka guni guni ku lang yun..
AISHH!!! Pero siya na nagsabe.. na isekreto ko ito ehh..
DARN IT!!
Napatayo ako sa pagkakahiga ko sa aking kama..
Tinignan ko kung anong oras na..
3:47 A.M
Nag sigh ako..
Parang hindi ako makapaniwala..
Si ate?? Gangster..?
Kayo?? Maniniwala ba kayo kung yung ate mo gangster??
AISHHH! Ginulo ko ang buhok ko at tumayo para pumuntang kusina..
Daretso akong ref at kumuha ng maiinom..
Habang iniinom ko yung malamig na tubig na nasa isang baso ay may naaninag akong anino papuntang sa labas ng bahay namin..
OHH SHESSHHH!!!
Bigla akong kinabahan.. multo ba yun ?
Sinundan ko yung shadow.. at lumabas siya ng bahay..
Feeling ko hindi multo yun..
May multo bang hahawakan ang gate tapos bubuksan para makalabas lang??
Parang si ate mika yun ha??
Para maconfirm ko… sinundan ko yung malamultong shadow..
Tumitingin ako sa paligid.. sa kanto na namin to ha??
Saan kaya pupunta to??
Nakita kong nagstop siya sa isang abandoned house..
Naalala ko itong bahay nato.. dito kami nag ghost hunting nun nung mga bata pa kami nila ate mika at Ralph..
Pumasok yung malashadow.. at ako??
Andun ako sa labas…
Nanginginig na kaya ako sa takot dito noh??
Kayo kayang lumabas ng alastres ng madaling araw at pumunta sa isang abandoned house..?
Sinong hindi matatakot nun..
Pero para masigurado.. pumasok ako hanggang dun lang sa may tabi ng mismong bahay hindi mismo sa loob..
Nandoon sa may garden yung shadow at nang dahil sa liwanag ng buwan ay naaninag ko na tao nga yung shadow..
At confirmed.. si ate mika nga un.
Galing ko talaga..
Nag sigh ako.. at lalapitan ko na sana siya ng may lumapit sa kanyang mga kalalakihan at kababaihan..
3 babae at 6 na lalaki..
Yung isa pamilyar..
AHHHH!! Siya yung nanuntok sa akin kahapon! Humanda ka sa akin!
Medyo lumapit ako ng konti para marinig ko ang pinaguusapan nila..
“so?? Andito kanarin humanda kana black girl?”-girl 1 ..siya yung girl na kulot..
“>_>”-ate *yung hindi gumagalaw ang ulo.. mata lang ang gumagalaw*
“tapusin na natin to..”-girl 2 eto naman blonde ang hair..
Feeling ko mga gangster din itong mga babaeng ito..
Nagayos ng buhok si ate mika at sa isang suntok lang natumba yung nakablonde yung hair..
WOAHHHH!!!! Ang cool ni ate!!
Susugod na sana yung mga lalaki kaya lang pinigilan sila nung girl na naka ponytail..
“we can manage..”-sabi pa niya..
Nag backsteps yung mga kalalakihan..
At yung nakaponytail at kulot yung nasa tapat ni ate mika..
Yung blonde nakayanan pang tumayo..
Medyo nagsmirk si ate mika..
“anong tinatawa tawa mo jan?”-blonde girl..
“multo.”-ate mika
Medyo nag alinlangan yung tingin nung 3 babae..
“m-multo?”-yung kulot na hair..
Nag nod lang si ate.. at itinuro yung bahay.. yung sa may bintana..
Napatingin naman sila at...
Nanlaki ang mga mata ko..
“WAAAHHHH!!”-silang tatlo..
At nagtakbuhan silang lahat..
Well, actually multo nga yun..
Babae siyang nakaputi tapos wala siyang mata.. duguan..
Medyo nag smile ako dun sa multo..
“thanks”-bulong ko..
Kinausap ba ang multo.. XD
Pagkaalis ng mga yun ay tumingin si ate sa relo niya..
At ako naman tong napatingin din sa relo ko..
4:54 A.M
Tagal din namin palang nandito..
Paalis na sana si ate sa garden ng biglang napatingin siya sa lugar ko..
Nakatago kasi ako sa isang bush ehh..
SHEESSHHH!!
Papalapit siya sa akin!!!
Yung mukha pa naman niya super seryoso..
Napalunok ako…
Hindi niya ako pwedeng Makita..
Nagstop siya dun sa tapat ng bush..
Tapos medyo tinaas niya yung kilay niya..
a-anong gagawin ko??
*meow meow*
Napatingin ako sa tabi ko..
SHOCKKSS!! May pusa!
Tapos biglang sumugod si ate dun sa bush..
Patay!!!
Ginawa ko lumayo ako dun sa pusa..
Nang Makita na ni ate yung pusa..
Medyo namangha yung tingin niya..
Ako naman itong kinakabahan..
Sana di niya ako mapansin..
“ning ning..”-ate
Kinuha niya yung pusa at binitbit niya ito..
Nakahinga ako ng maluwag..
Umalis na si ate sa abandoned house..
At nung narealize ko na ako nalang pala ang nandito at baka multuhin pa ako.. tumakbo na ako paalis nung abandoned house..
Pagkarating ko sa bahay.. medyo madilim pa.. tumingin ako sa orasan..
“5:30 A.M” ako
Pumasok na akong bahay at nakita ko si ate mika na nasa sala at pinapakain niya yung pusa..
“>_>-ate
Napalunok ako..
“a-ate?? Bat ang aga mong nagising? Atsa-ka bat m-may pu-sa k-kang dala?”-kinakabahang sabi ko..
Medyo nagsmile si ate..
“Kawawa”-siya
Tapos napatingin uli siya sa pusa..
“bat nasa labas ka?”-ate mika..
OPPPSS!!!
“n-nag j-jogging..”-ako
Galing ng naisip mo!!!
Talino ko talaga kahit papaano.. haha
Nagnod lang si ate at pumasok na ng banyo..
Nakahinga ako ng maluwag..
Mga bandang 6:30 nun ay umalis na kami ng bahay..
“ingat kayo!”-ate Erika.
Tumingin si ate mika dun sa pusa at tumingin kay ate Erika..
“alagaan mo”-ate mika.
Nagnod lang si ate Erika at umalis na kami ng bahay..
Nang nasa school kami as usual..
Ano bang ginagawa sa school..
“ok, listen class. Next week na ang periodical test niyo so dapat mag aral kayo gmabuti ok bay un?”-mam
“yes mam”
Oo nga pala next week na nga.. ang bilis naman!! >_<
“uyy!! “-ralph
“ohh?”-ako *nakatingin sa kawalan.*
“bat ang lutang mo? Di kaba natulog?”-siya
Tumingin ako sa kanya at pinakita ko ang color violet na nasa ilalim ng mata ko..
“halata nga..”-pagsasang ayon niya..
Tapos umb-ob uli ako sa desk ko..
“sino bang iniisip mo ha?? Bat hindi ka makatulog? Wag mong sabihing?? May girlfriend kana?!”-ralph
Napatingin lahat sa amin yung mga kaklse ko..
Takteng Ralph to.. parang nakamicrophone kasi ehh..
“wala no.”-ako
Medyo huminga ng malalim yung mga babaeng kaklase ko..
Assuming kayo! Haha
Biglang may naalala ako..
Tumingin ako kay Ralph..
“Ralph.. naalala mo ba yung nangyari sa atin kahapon?”-ako
“well, yeah.. hindi ko makakalimutan yun..”-siya *with matching hawak sa may sugat niya sa may labi*
Hinawakan ko yung kamay niya na may hawak sa sugat niya..
“well, actually hindi nila tinitigilan si ate mika ehh.. kaninang madaling araw nakita ko sila na naghahamon nanaman ng away.”-ako
“wait? So it means hindi tayo ang habol nung mga nanuntok sa atin kahapon?”-siya
Oo nga pala hindi pala niya alam na gangster si ate.. at hindi dapat niya pwedeng malaman.. chismoso panaman ito..
“ahmm. Siguro?? “-pagpapalusot ko
“atsaka bat si miss black ang hinahamon nila bat hindi tayo?”-siya
Sabi ko na nga ba magtatanog at magtatanog to ehh..
“ahmm.. kase..”-ako
“AHH..naalala ko na.. siya yung sumuntok dun sa nanuntok sa atin kahapon no?!”-siya
Napatingin nanaman yung mga mate naming sa kanya..
“shh.. ang ingay mo!”-ako
Nagpeace sign lang siya.. at nilapit ko yung mukha ko sa kanya..
“gusto mong makagante?”-ako
Nagnod siya.. at sabing “oo naman!”
“so.. here’s our plan”-ako…
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Hapon na at kakatapos lang naming magtraining..
“capt! Alis na kame!”-roy
“ingat kayo!”-ako
“bye capt!”-alejandro
Nang kami nalang dalawa ni Ralph ang nasa gym ay agad niyang sabi..
“game..”-siya
Nagnod lang ako.. at nagstart na kaming pumunta sa bahay..
Wala pa si ate mika..
Lumabas kami ng bahay at umupo sa tapat ng bahay namin..
Medyo madilim dilim na rin..
Nakita kong papalapit na si ate mika..
Nang biglang may humawak sa kamay ni ate mika..
Siya yung blonde girl!
Sabi ko na nga ba at pupunta ditto tong mga to ehh..
Tumingin ako kay Ralph..
At nagnod siya…
Nasa left namin sila at may pinaguusapan sila.. hindi ko marinig ehh.. medyo malayo sila sa kinauupuan namin ni Ralph ehh..
Nang biglang may tumakip ng bibig namin ni Ralph..
Nahihilo ako..
Wala ito sa plano namin..
Hanggang sa nawalan na ako ng malay..
(to be continued…)
<pabitin effect ako ngayon ehh.. XD dedicated kay _bluemoon_guardian_ J) thanks sa support! ^__^ >