Let Me

By ObserBEAR

46.2K 978 247

jholet in a parallel universe More

Let Me
Prologue
1- Flashback
2- Encounter
3- Confuse
4- Doctors
5- Getting to know
6- Friends
7- Continue
8- Play
9- Bucket List
10- Talk
11- Bake
12 - Flowers and Gifts
13- Movies
14- Feelings
15- New
16- Parents
18- Excited
19- Enjoy
20- Overnight
21- Batangas
22- Day with You
23- Smile
24- You and I
25- Girlfriend?
26- Deal
27- Mornings
28- First Date
29- Bonus Chap.
30- Sweet
31- First
32- Worries
33- The Day before Christmas
34- Exchange
35- Bike
36- Not Funny
37- Caught
38- Pain
39- Find
40 - Take a Risk
Author's Note

17- finally

844 21 4
By ObserBEAR

JHAI'S POV

Kanina ko pa hindi mahagilap si Mommy. Hindi ko alam kung anong nilalabas labas nya.

Naka ilang paalam na rin sya sa akin ngayong umaga pero agad din naman syang babalik.

Nang may kumatok sa kwarto ay napatingin ako kaagad. Si Doc CK yon dahil kung si mommy ang papasok sa kwarto ko ay hindi na sya kakatok.

"Hi" masayang bati nya.

"Hello. Bumalik ka?"

"Ah yeah. May sasabihin ako" tugon nya.

"Ano yon?"

"Si Tita?"

"Lumabas ulit ehh. Bakit?"

"Wala pa syang nasasabi sayo?"

"Tungkol saan?"

"Ahh wala wala."

"Ano ba kase yon?"

"Si tita kase inaasikaso na nya ang ilang papeles mo para makalabas ka na dito?"

Nagulat ako dahil sa sinabi nya.

"Ano kamo? Ako makakalabas na dito?"

"Yup, based on your latest lab results ayos ka na. Sa ilang araw kong pafmamatyag sayo. Malaki na ang pinagbago mo. Nakatuling ang ginagawa nating activity araw araw para magkaroon ka ng progress. It is good right?"

"Totoo ba?" Hindi makapaniwalang wika ko

"Oo nga. Kaya wala dito si tita dahil inaayos na nya ang discharge paper mo."

Hindi ko na mapigilan pa ang aking emosyon.

"Salamat Doc"

"Don't thank me. Magpasalamat ka sa sarili mo dahil ginawa mo rin yung best mo par umayos ka. Pero hindi pa dyan nagtatapos. Syempre kailangan mo pa ring mag ingat at alagaan ang sarili mo dahil hindi ko control ang sarili mo. Ikaw ang higit na nakaka alam kung anong nararamdaman mo"

"Yes Doc"

"Doc?"

"I mean CK. Thankyou sa tulong mo. Hindi ko Naman magagawa lahat ng activities na yon kundi din dahil sa tulong mo"

"Wala yon. Masaya ako na may panibago ka nang matutupad na nasa bucket list mo"

"Oo nga."

"Anong balak mo nyan? Pag labas mo dito? Anong una mong gagawin?"

"Kakain ng kakain"

"Ay? Masama pa rin sayo yun. Hinay hinay baka mapagod ka kakakain" biro pa nya

"Haha, joke lang. Sa higpit pa naman ng bantay ko? Tyaka ayoko na ulit makuling dito."

"Bakit? Ayaw mo na kong makita?"

Hindi ko alam pero bakit parang nalungkot ako sa isiping hindi na kami araw araw magkikita ni CK?

Hindi na namin magagawa yung mga ginagawa namin araw araw. Hindi ko na mararamdaman ang presensya nya sa paligid.

Parang nagbago ang isip ko bigla. Parang ayoko na palang lumabas ng hospital, at dito nalang ako sa loob.

"Huy. Natahimik ka?" Pumitik pa sya sa harapan ko para agawin ang atensyon ko.

"Huh? Wala may naiisip lang ako"

"Paano ba yan, lalabas ka na. Mukhang bihira nalang tayong magkikita nyan."

"Oo nga no? Di' bale. Bibisitahin nalang kita dito kapag wala akong ginagawa" suggest ko.

Bakit hindi di'ba? We're friends naman sabi nya kaya okay lang na puntahan ko sya paminsan minsan. Parang pasalamat ko na rin sa kanya dahil medyo umayos na ko.

Pero ako ganoon pa rin ang desisyon ko sa buhay. Buo na ang loob ko ehh.  Wala rin naman kaming mapapala kung ano man ang gawin ko.

"Gagawin mo yon?" Tila gulat na tanong nya

"Bakit ayaw mo?"

"G-gusto pero anong dahilan? Kung hindi yung monthly check up mo"

"Sabi mo nga diba? Kaibigan na rin ang ituring ko sayo? Wala namang masama hindi ba? Beside dito ka lang naman sa hospital."

Naputol ang pag uusap namin ng biglang pumasok si Mama sa kwarto. Masaya ang awra nito.

"Oh hija nandito ka na pala. Nasabi mo na ba?"

"Yes po tita. Alam na po nya na makakalabas na sya today"

"Osya. Saglit lang at ieempake ko na ang mga damit namin. Hindi ko kase magawa kanina dahil wala pa syang alam ehh"

"Tulungan ko na po kayo" pagboboluntaryo ni Ck

"Ay naku huwag na. Maupo ka nalang muna dyan at ituloy nyo nalang ang pag uusap ni Jhairene"

"Hindi po tutulong na po ako ng mapabilis na po tayo. Tyaka ako din naman po ang dahilan bakit tumagal po kayo."

"Maalala ko pala, ikaw na bata ka anong ginawa mo?"

"Bakit po?" Tanong ko naman

Naputol ulit ang pag uusap namin dahil sa kumatok na nurse.

Sya ang nag asikaso sa akin. Sa pagtanggal ng dextrose. And finally nahubad ko na rin ang aking hospital dress.

Nagagalaw ko na pareho ang aking mga kamay kaya kahit papaano ay na asikaso ko na rin ang sarili ko.

Nanghingi na ko ng pamalit kay mommy para makapagbihis na.

Excited ako na hindi.

Nasasabik na kong masilayan ulit ang kalsada. Yung mga ingay ng mga sasakyan. Yung ingay ng mall. Yung ingay ng palengke at yung sariwang hangin sa labas. Dito kase dalawang buwan na puro amoy ng alcohol at Aircon ang maaamoy mo eh.

Pagkatapos ko ay muli akong nakisali sa usapan nila at mulung tinanong ang tinatanong ko kanina.

"Balik po tayo sa usapan kanina. Ano pong ginawa ni Ck?"

"Wala yun" turan naman ng batang doktor.

"Anong wala?" Muling tanong ko.

"Sinabi po ng mga nurse no?"

"Ay naku hija, walang kinalaman ang mga nurse. Ka chcheck ko lang ng bills namin kahapon. Dahil hindi ko naman expect na ngayon ng discharge ni Jhai. Then kanina ng magbabayad na ko, ready na yung cheke kase alam ko na yung bills namin. Tapos biglang sinabi yung amount, nabawasan bigla."

Kakamot kamot naman ng batok ang isa habang pinakikinggan ang mga sinabi ni mommy

"Why did you do that?"

"Pinagmadali ko pa man din yung nurse kanina para hindi ako mabisto. Bistado pa rin pala."

"Nakakahiya na masyado sa pamilya mo hija"

"Matagal na po kayo dito kaya alam kong alam nyo na po na nagbibigay kami ng discount sa mga pasyente, may kaya man or hindi. It is just a 35% discount and hindi ko na po isinama ang doctors fee"

"Huh? Ano pang kinita mo?" Gulat na tanong ko naman.

"Jhai, we owned this hospital walang mawawala sa akin kung mag take man ako ng doctors fee or hindi"

"Kahit na."

"Treat ko na yun sayo."

"Ang kulit mo talaga. Ang dami mo ng ginagawa para sa akin."

"Kase kaibigan din kita."

"I bet Hindi ka ganyan sa mga kaibigan mo"

"Hoy hindi mo sure haha. Free check up pa nga yung iba ehh. Lalo na yung mga mag cchat sa akin ng hating gabi? Kung ibang doktor yon kapag magtatanong sila ng disoras ng gabi sa isang doktor grabe maningil. Yung mga kaibigan ko ni libreng food wala ehh"

"Ewan ko sayo"

"Dahil ikaw na rin ang nagsabi na makulit ako. Ako na rin ang maghahatid sa inyo sa bahay"

"Hey?" Awat ko

"Hindi na hija. Papasundo nalang kami sa asawa ko"

"No need na po. Tito is busy on his work. Eh wala naman po akong gagawin kaya ako na po ang sasam sa inyo. Para din po kapag naisipan kong bumisita alam ko po ang daan papunta sa inyo"

"Makikikain ka lang ng carbonara ehh"

"Syempre kung meron di'ba?"

"Hayaan mo pag uwi sa bahay pag luluto kita. Sabihan ko na si yaya na maglaga ng pasta para sauce nalang ang lulutuin."

Hindi naman mapuknat ang ngiti nito sa kanyang mga labi.

"Ikaw ba anak anong gusto mong kainin?"

"Pork Adobo po. Yung luto mo mommy" pork Adobo is one of my favorite dish. Lalo na yung adobo ni Mommy?

Sa loob kase ng dalawang buwan Hindi ako makapag request ng food dahil araw araw ay iba't ibang food ang ibinibigay nila sa amin dito sa hospital.

"Favorite mo?" Tanong ni CK

"Yup, basta pork Adobo ni mommy"

"Eh favorite ko rin yan ehh. Lalo na yung nagmamantika? Shet naglalaway tuloy ako"

"Weh? Same kayo nyan. Favorite nya rin ang adobong nagmamantika tapos sasabayan nya pa ng naka kamay?"

"Hell, mukhang magkakasundo tayo sa bagay na yan"

"Haha, hayaan nyo. Pag uwi natin ipagluluto ko kaagad kayo ng mga paborito nyo."

"Salamat my"

"Salamat tita"

Halos sabay pa na wika namin.

Ilang minuto nga ay sinundo na kami ng ilang nurse at sinamahan kami hanggang sa paglabas namin.

Finally. Heto na yun, after 2 months nasisilayan ko na ang liwanag na nanggagaling sa labas.

Buong byahe ay nakatanaw lang ako sa labas ng bintana. Si Ck ang nag ddrive, ako ang nasa passenger side at si mommy naman ang nasa likod.

Ninamnam kong muli ang ganda ng kapaligiran. Ang mga nagtataasang building, ang mga sasakyan na dumaraan hanggang sa makapasok kami sa Village.

Finally nandito na ko sa aming tahanan. Nandito na ko sa lugar kung saan ako lumaki. Dito sa Maryville Homes.

Namiss ko bigla ang aming tahanan. Wala pa rin itong pinagbago. Hala haha akala mo naman ilang taong nawala.

"Welcome home Jhai" wika ni Ck pag park namin sa tapat ng bahay namin na itinuro ni Mommy sa kanya.

"Welcome home Anak. Finally naka uwi ka na ulit sa bahay naten. Pina linis ko na nga pala ulit yung kwarto mo"

"Salamat po."

"Tara na pumasok na tayo. Pabababa ko nalang ang mga gamit natin kina kuya Reden."

Pagbaba namin ay muli akong inalalayan ni Ck hanggang sa makapasok kami sa sala.

Grabe namiss ko yung bahay namin. Namiss ko ang lahat lahat dito.

___________________________________

Haluu. Malapit na mag start hehehe.

Abangan kung ano iyon haha

Continue Reading

You'll Also Like

Red Eyes By Alli

Fanfiction

5K 161 8
Mikhaiah AU (EXPLICIT) !Trigger Warnings! A relationship of a certain vampire and one human. --- Started it in AO3, decided to migrate it here as wel...
210K 4.1K 38
Book 1 of MNL48 Ships +18 One Shot stories. Book 2 incoming...
206K 10K 56
ငယ်ငယ်ကတည်းက ရင့်ကျက်ပြီး အတန်းခေါင်းဆောင်အမြဲလုပ်ရတဲ့ ကောင်လေး ကျော်နေမင်း ခြူခြာလွန်းလို့ ကျော်နေမင်းက ပိုးဟပ်ဖြူလို့ နာမည်ပေးခံရတဲ့ ကောင်မလေး နေခြ...
1.1M 61.1K 39
Millie Ripley has only ever known one player next door. Luke Dawson. But with only a couple months left before he graduates and a blackmailer on th...