Let Me

By ObserBEAR

46.5K 995 247

jholet in a parallel universe More

Let Me
Prologue
1- Flashback
2- Encounter
3- Confuse
4- Doctors
5- Getting to know
6- Friends
7- Continue
8- Play
10- Talk
11- Bake
12 - Flowers and Gifts
13- Movies
14- Feelings
15- New
16- Parents
17- finally
18- Excited
19- Enjoy
20- Overnight
21- Batangas
22- Day with You
23- Smile
24- You and I
25- Girlfriend?
26- Deal
27- Mornings
28- First Date
29- Bonus Chap.
30- Sweet
31- First
32- Worries
33- The Day before Christmas
34- Exchange
35- Bike
36- Not Funny
37- Caught
38- Pain
39- Find
40 - Take a Risk
Author's Note

9- Bucket List

947 29 20
By ObserBEAR

CK'S POV

One morning, hindi ako nakapunta agad sa kwarto ni Jhai. Lahat kase ng pasyente ni Papa ay sa akin na naibilin. Hanggat wala pa daw na ibang hahawak sa kanila ay ako muna ang mag rrounds.

Kung nitong mga nakaraan ay kay Jhai lang ang focus ko, ngayon nadagdagan na ng lima. Pansamantala lang naman daw sabi ni Doc. Vergara dahil mas pagtuunan ko daw ng pansin si Jhai.

Napa una ko naman na sa nurse ang gamot nya. Tanging check up lang ang gagawin ko sa kanya..

Mabilis akong nag ayos ng sarili at kinuha na ang latest test results ni Jhai at nagtungo na ko sa kwarto nya.

Past 10:00 am na ng mapuntahan ko sya. Nadatnan ko lang si Tita na nag aayos ng gamit ni Jhai. Habang sya ay mahimbing na natutulog.

"Good morning po" bati ko

"Magandang umaga rin naman hija."

"Kanina pa po sya natutulog?"

"Halos katutulog nya lang. Dahil siguro sa puyat, anong oras nalang sya nakatulog kanina ehh"

"Bakit daw po? May nangyari po ba sa kanya?"

"Wala naman, hindi lang siguro talaga sya makatulog. Pinauna na nya kong matulog kagabi ehh and hindi naman sya nanggising buong magdamag"

"It's bad for health pa rin po na nagpupuyat"

"Kagabi lang talaga sya hindi makatulog. Halos kain, tulog lang din kase ang ginagawa nya ehh"

Sabagay. Ikaw ba naman na makulong dito sa hospital talagang kain at tulog talaga ang aatupagin mo

"Ganoon po ba?"

"Titignan mo na ba sya? Gisingin ko muna"

"Ay huwag na po, mamaya nalang po. Dito na lang po muna ko. If may gagawin pa po kayo, ako na po muna ang bahala kay Jhai."

"Sigurado ka ba?"

"Opo, tapos na rin naman po akong mag rounds kaya free na po ako"

Napansin ko naman ang ilang libro sa may bedside table nya. Lagi ko iyong napapansin. Tatlong libro yon na love story.

She was reading a Girls love series. Ang book 1 ay "More Than Before" ang title. Ang book 2 naman ay "Be my Last" Hindi familiar ang book. At ang last ay ang "through the Years"

Pero umagaw ng pansin ko ay ang isang mini Notebook na nakapatong sa mga ito. Hindi naman sya ganoon ka liit, sakto lang.  Lumiit lang ng bahagya sa sa binabasa nyang libro.

Hindi ko alam kung ano ang nagtulak sa akin para buksan ang notebook na yon. Nakalabas na rin si Tita at nag paalam na sya sa akin na uuwi na muna sya para makapagpalit ng damit at makakuha ng iba pa nilang pangangailangan dito sa hospital.

Pagbuklat ko sa unang pahina ay nabasa ko ang pinaka nilalaman ng Notebook na to.

Isa itong Bucket list ni Jhai na gusto nyang gawin, kainin at puntahan. Yes, marami ito. Hindi lang ito ilang numero bagkus ay napakarami nito.

Kaagad kong kinuha ang cellphone ko at kinunan ng larawan ang mga nakasulat dito para magkaroon ako ng ideya sa mga gagawin ko araw araw.

Pagkatapos ay agad ko na itong ibinalik sa kinalalagyan nito at pinagmasdan ang natutulog na si Jhai.

Nakatunghay lang ako sa kanya, pinagsawa ko ang sarili ko sa maganda nyang mukha. Hanggang sa nagplay ang isang kanta sa utak ko.

Ano ba itong nadarama, oh shux
Ito ba'y pag-ibig na
Totoo ba ang pinadama,
Cause boy, it feels so good

Ay mali. Mali itong naiisip ko. Hindi tama ito. Pero kase

Bawat araw mas sumasaya
Magmula nang nakita ka
Nawawala ang pangangamba pag ika'y kapiling na

For the first time I saw her here Hindi na sya nawala sa isip ko. Lagi na syang laman nito. Alam kong mabilis at hindi kapani paniwala. Dahil ako rin mismo sa sarili ko hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Halos wala pang isang buwan na magkakilala kame pero iba na ang epekto ng babaeng to sakin

Mahirap ipaliwanag pero yun ang totoo. Araw araw pinipigilan kong hindi mautal sa tuwing kaharap sya. Parang ako na ang magkakaroon ng sakit sa puso dahil sa araw araw na pagtibok nito ng hindi normal.

Gusto ko sya laging nakikita sa umaga. Minsan ayaw ko na ngang lumabas pa ng kwarto nya at pagmasdan nalang sya maghapon ehh, pero hindi naman ppwede.

Ito na ba yung tinatawag nilang love at first sight?

Kahit saang anggulo mo tignan mali talaga ehh. Tinaningan na nya ang sarili nya at hindi ko na mababago yon. Masasaktan lang ako kapag tinuloy ko tong nararamdaman ko. Kaya dapat ngayon palang ay iniiwasan ko na.

Pero paano? Kung sa araw araw kaming nagkikita? Pasyente ko sya. Hindi naman pwede na hindi ko rin sya kausapin dahil paniguradong magtataka sya.

"Oh god. Help me. Guide me for everything I did. I know this is not right kaya sayo ko na po ipinagkakatiwala ang lahat" mahinang usal ko.

Habang hinihintay ko syang magising ay napagdiskitahan ko namang tignan yung bucket list ni Jhai sa Cellphone ko.

Hindi lang kase sya words. May paliwanag din yung iba. Tulad nalang nito.

someone gave me a flowers. Kahit randomly lang. Lalo na natatakot akong mag entertain ng guy. Baka masaktan lang kami pareho.

It was written 10 years ago. At hindi pa yon naka check. Woah? So since then ay wala pang nagbigay sa kanya kahit isang bulaklak lang? Or binibigyan sya pero hindi nya lang kinukuha dahil nga ayaw nyang mag entertain?"

•try to bake

•go to beach and relax

•couple photoshoot

At marami pang iba. So lahat ng ito hindi nya pa nagagawa ever?

At ang huli sa bucket list nya ang nagpatinag sa akin.

have someone na kaya akong mahalin kahit may sakit ako. Kaso malabo.

Naka cross yon ng red marker pero malinaw pa rin na mababasa ang nakasulat.

So umaasa pa rin pala talaga sya na mamahalin sya ng kung sino man. Umaasa pa rin sya na kahit isa man lang ay maglakad loob na ilaban ang pagmamahal nito para kay Jhai.

Ako na sana yon kaso baka hindi sya maniwala. Baka isipin nya naaawa lang ako sa kanya.

"Doc?"

Napa angat ang tingin ko sa kanya. Gising na pala sya.

"Gising ka na pala. You want anything?"

"Si Mommy?"

"Umuwi daw muna, magpapalit lang daw ng mga gamit"

"Kanina pa sya wala?"

"Sakto lang"

"Nakakahiya naman sayo Doc. Lagi nalang ikaw ang taga bantay ko"

"Yan ka nanaman sa Doc."

"Sorry po"

"Ako ang nagpresinta na bantayan ka okay? Na late na nga ako ng dating eh"

"Oo nga pala, bakit nga ba?"

"Sa akin muna kase pinasuyo ni papa ang ibang pasyente nya. Pansamantala lang naman habang busy pa ang ibang Cardiologist. Inaayos pa kase mga schedules nila kaya hindi pa napaghiwa hiwalay kaya ako muna ang inutusan ni Papa"

"Ahh kaya pala, wala ka kanina ng dumating yung nurse"

"Uyy hinahanap nya ko" biro ko

"H-hindi ahh. Nagtaka lang ako kase lagi ka nyang kasabay dumarating tapos kanina wala ka."

"So hinintay mo nga ko?"

"W-wala akong ka kwentuhan ehh"

"Haha ka marites lang pala ang hanap mo. May pakikilala ako sayo sa susunod yon napaka daldal non"

"Okay na ko sayo" napatingin naman ako sa kanya bigla " i mean okay lang na ikaw nalang kausap ko. Mang iistorbo ka pa ng ibang tao"

"Ahhh linawin mo kase. Nagugutom ka na ba? Wait magpapa akyat lang ako ng food naten saglit."

"Hindi pa Naman ako gutom" kontra pa nya

"Hep, bawal nalilipasan ng gutom. Sasabayan na kitang kumain."

"Hindi na po ako kokontra doktor na nagsabi ehh."

"Wala talaga kaya stay put ka lang dyan. Nagpa akyat na ko ng food"

"Ang bilis naman?"

"Men, isang type lang ng food sa canteen mag aakyat na sila"

"Sabi ko nga tahimik na ko"

"Sabi ni tita anong oras ka nalang daw nakatulog?"

"Ang siste hindi ako makatulog. Wala na ata akong itutulog pa ehh. Dahil puro tulog ako nung nakaraan. Natapos ko na nga tong bigay ni Aj na book ehh"

"Yang tatlo?"

"Hindi yung book 1 palang. Ang ganda nyan. Kwentong barkada na inlove sa Isa't isa pero hindi nila maamin dahil ayaw nila masira friendship nila tapos may nadagdag sa grupo nila at nagkagusto doon sa isa. Yun nagkagulo na haha. Pero ang ending sila pa rin talaga. Nagpaubaya din yung last member nila para sa kanilang dalawa. Yun nga lang GL series sya"

"Nakita ko nga sa cover. Sinong Otor?"

"Hindi sya sikat pero magaganda yung mga gawa nya. Obserbear ang name nya"

"Observer, as in mapagmatyag sa tagalog?"

"Parang pero pinalitan kase ng BEAR ang salitang VER ehh"

Pagdating ng food namin ay ako na rin ang nag ayos ng mga ito sa plato. Healthy naman ito. Chapsuy at fried chicken ang ni request ko sa Canteen. Everyday kase may menu silang sinisend sa amin na pagpipilian naming mga doktor then sila na ang bahala noon.

"Kain na miss ma'am, healthy yan"

"Malamang gulay ehh"

"Aba, at pinipilosopo mo na ko ngayon ah"

"Hahaha joke lang po, sabi ko nga kakain na ko"

"Mabuti naman"

___________________________________

Early update dahil hindi ko alam kung makakapag ud ulit ako mamaya.

What may hard copy din yung mga books no? Hahahah charot lang. Malabong mangyari yon.




Continue Reading

You'll Also Like

Red Eyes By Alli

Fanfiction

5K 161 8
Mikhaiah AU (EXPLICIT) !Trigger Warnings! A relationship of a certain vampire and one human. --- Started it in AO3, decided to migrate it here as wel...
31.3K 1.1K 41
A place, a person, a memory
26.1K 725 26
After 10 long years, Colet decided to go back to the Philippines to manage her dad's business. Surprisingly, someone sent her a wedding invitation. W...
207K 10K 56
ငယ်ငယ်ကတည်းက ရင့်ကျက်ပြီး အတန်းခေါင်းဆောင်အမြဲလုပ်ရတဲ့ ကောင်လေး ကျော်နေမင်း ခြူခြာလွန်းလို့ ကျော်နေမင်းက ပိုးဟပ်ဖြူလို့ နာမည်ပေးခံရတဲ့ ကောင်မလေး နေခြ...