Escape to Death

Door jawiica

25.1K 1.3K 465

COMPLETED: horror, survival, death. Meer

Work of Fiction
Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Wakas
FAQ
AFTERWORDS

Kabanata 24

590 23 4
Door jawiica

CURSE's POV

Feeling alarmed.

Heavy presence.

And, silence.

These three cover us, covers everyone. Wala na halos nagsasalita sa amin dahil pinakitaan na kami. Ipinakita na sa amin kung anong mangyayari sa oras na umayaw at magreklamo kami sa gusto nilang mangyari. Sa gustong mangyari ng mga baliw na myembro ng Mystery Club na 'to.

I stand still.

Ang mga halo-halong nararamdaman ko ay itinago ko sa likuran ng blanko kong mukha. Kahit nahihilo ako at bumibigat ang buong katawan ko, hinayaan ko lang. Nanatili akong nakatayo ng maayos. Sinusulyapan ko rin si Radge minu-minuto dahil baka kako kung ano na ang ginagawa sa kanya pero sa awa ng langit, mukhang okay pa naman siya. Nakikiramdam din siya sa paligid at kalaunay ibinabaling sa akin ang tingin nang puno ng talim at pag-aalala.

Sa kabilang banda, nakita namin ang ilang myembro ng Mystery Club na nagsisimula nang kumilos. Yung babaeng humahalik rin kanina kay Radge ay pumirmi na at tumulong na rin sa pag-aayos ng mga kung ano. Bumaba na rin ang iba sa stage at pinalibutan kaming mga players nila. Sa kanilang ikinikilos ngayon, masasabi kong pinagplanuhan talaga nila ito. Yung mga kagamitan rin kasing kinukuha nila ay nakasaayos na, kinukuha nalang nila ito para ipakita sa amin.

I sighed.

"I'll announce the instruction of the game." Sabi ng lalaking nasa stage, siya pa rin yung nagsasalita sa mic. Siya nalang ang naiwan doon at si Radge. "Riddles or Erase is an easy game. Magkakaroon kayo ng group that consists of 2 members. In short, by partners. And, after that, in order to survive at makaalis dito, you all need to answer my riddles. Naiintindihan ba?"

Tumikhim ako. "Riddles? Iyon lang?"

Tumango ito upang sagutin ang aking tanong. "Yes, our Vice President." Ngumisi siya. "All you need to do is to answer our riddles. Magtatawag kami ng dalawang grupo na maglalaban. May itatanong ako sa inyo at meron kayong 15 seconds to answer that. Kapag hindi niyo nasagot, tanggal na kayo sa laro. Pero, kapag nasagot niyo, of course, pasok pa kayo sa mga susunod na laro hanggang sa matapos."

"Is your question limited?" I ask in monotone.

Hindi agad nakasagot ang lalaki. Tinitigan niya pa muna ako bago ngumisi at tumango. "Of course."

"Paano namin malalaman kung matatapos na ang laro?"

Mas lumawak ang kanyang ngisi sa akin. "Kapag nasa mystery case na."

My lip twitched. Mystery Case?

"Paano kami makakasiguro na papakawalan niyo kami at safe ang pag-alis namin dito?! Paano namin malalaman kung tutupad kayo sa usapan?" Tanong pa ng babae na hindi ko kilala.

Lumingon sa kanya ang lalaki. "Ilalayo namin ang aming mga weapons. Hahayaan rin namin kayong kapkapan kami para makasiguro kayo..." Ngumisi siya sa lahat. "Pero, may maiiwan na isang baril sa gitna ng questioner at player, para kung ayaw niyo pa rin maniwala sa aming patakaran at nanalo kayo, pwede niyong kunin 'yon para meron kayong panlaban." Nagkibit-balikat siya. "Ipapakita rin namin na may bala 'yon para makasigurado kayo." Malinaw pang sabi nito sa pagtatapos.

Napamura naman ako sa aking isip.

This game is dangerous.

Sa mga sinabi niya palang, malaki ang tyansa na nasa advantage side sila. Kahit nilapag niya na ang mga pag-asa at karapatan namin sa game, malaki pa rin ang chance na kaya nilang baliktarin ang lahat. This type of game is risky. Why? Dahil trust lang ang maaari mong kapitan sa kanila. Trust lang ang puhunan. Sa mga sinabi niya, halatang hindi pa rin ito patas para sa amin. Unfair at hindi kami sure kung totoo ba ang sinasabi niya o puro kuda lang. Nakakairita! Hindi ko alam kung nagmamatalino ba siya o nang-aalaska. Luging-lugi kami sa laro. Their game is unfair for all of us! They are probably hiding something on their sleeves and because of that, we probably don't have any chance to survive on this hèll cage.

I gritted my teeth.

Kung akala nila ay mapapabilog nila lahat nang tao rito, pwes ako, hindi. I'm already aware about this game at talagang lugi pa kami sa lugi. The fùck! Prangkahan na ha? Pero, kung hindi aware ang mga taga-Mystery Club na 'to, ako na ang di-diretsyo. Honestly, their game is sucky and adverse. Pinaglololoko lang nila kami. Walang katuturan ang game na 'to. Parang ang ginagawa nila, kami lang ang maglalaro pero sa huli, sila pa rin ang panalo. The hèll is this?!

"Are we clear?" Tanong pa nito. Magre-reklamo sana ako pero agad akong nawalan ng balanse nung umikot ang paningin ko at literal na dumiin ang bigat sa katawan ko.

Mabuti nalang, may sumalo.

Si Radge ba?

Pinilit kong idinilat ang aking mata ngunit nadismaya ang mukha ko nung makitang kamyembro ito nung Mystery Club. Napapikit ako ng mariin at nilabanan ang hilo. Lihim rin akong napasinghal. Naalala ko, nakagapos nga pala si Radge at ang nakakapagtaka, mukhang hindi nila ito isasali sa laro. Bakit kaya?

"Pùta ka!" Agad akong sumalampak sa sahig nung marinig ang boses ni Charles at sinugod ang may hawak sa akin. "Manyak kang kìngina ka!" Sigaw nito at pinaulanan ng mabibigat na suntok ang lalaking sumalo sa akin. "Tìgang na tigàng ka na bang hayòp ka?!" Sigaw pa nito at pinagsusuntok ang lalaki.

"H-Hey!" Awat ko rito.

Akma na sana siyang babarilin nung lalaking nasa stage pero agad na sumigaw yung lalaking binubugbog ni Charles na 'huwag' raw. Mabuti naman at hindi pa nakalabit ang gatilyo. Mabilis na nagsilapit ang dalawang lalaki na myembro pa ng Mystery Club at hinatak si Charles para maligtas ang kanilang kasama. Napamura agad ako. Why? Dahil nung makita ko ang kalagayan nung lalaki na sumalo sa akin, putok na ang labi nito at dumudugo na ang ilong. Namumula na rin ang buong mukha niya dahil sa ginawa ni Charles. Hindi ko inaasahan 'yon. Mukhang mabigat-bigat pala talaga ang kamay ng Charles na 'to.

"Tàngina, sarap." Sabi nung binugbog ni Charles, yung lalaking sumalo sa akin. Masama ang tingin nito sa kaaway habang pinupunasan ang dugo sa labi niya. "Sarap mong asarin." Tumawa siya at dumura. "Totoo pala talagang adik ka kay Vice President 'no?"

"Putànginamo!" Sigaw ni Charles at akma sanang susugod ulit nung sikmurahan siya nung dalawang lalaki para pumirmi.

"Pre, magsisimula na ba?" Biglang bumaling ito sa lalaking nasa stage. "Pabor lang saglit. Request ko 'tong si Charles na huwag na isali sa game. Tàngina, may kasalanan pa 'to sa akin e..." Ngumisi siya. "Bigay mo na sa akin 'to. Mabigat 'yung kasalanan nito sa pamilya ko, e."

Bumuntong-hininga yung lalaki at kalauna'y tumango. "Sige. Tali niyo don sa likod."

Mas lumawak ang ngisi nung lalaki at tumango. "Sige, Pre. Ako na bahala." Sabi niya pa at nagpatulong sa dalawang kasama na ihatid ang nagwawalang si Charles sa backstage ng auditorium.

"Hindi kita kilala, ulòl ka ba?! Ngayon tayo magtuos! Bitawan niyo ako!" Reklamo ni Charles.

Sinikmurahan naman siya ng lalaki. "Pamilya mo may kasalanan sa business ng Daddy ko, hindi mo alam?! Gàgo!"

Umubo si Charles habang kinakaladkad siya papasok sa isang malaking kurtina. Tumawa siya. "Kung ang pamilya ko pala ang may kasalanan, sigurado akong nararapat lang rin sa pamilya mo 'yon!"

"Tànginaka!" Isa pang sigaw ng lalaki bago sila tuluyang nawala sa aming paningin. Nakarinig ako ng inda ni Charles at huling halakhak nito bago nanghina ang mga boses nilang nagsisigawan sa likuran.

Pinilit ko namang tumayo at ikinondisyon ang sarili.

Tinutok sa akin nung lalaking nasa stage ang baril niya. "Are you still able to play?" Malamig na tanong nito. Narinig ko ang pagdadabog ng upuan ni Radge sa stage pero hindi ko siya pinansin.

Nginisian ko ang lalaki. "Of course."

"Hm!" Rinig kong angil ni Radge na mukhang sinusuway ako. Alam kong may idea na siya sa kung anong nararamdaman ko ngayon pero wala siyang magawa dahil nakagapos siya at hindi makapagsalita. Hindi ko pa rin naman siya pinansin.

Yun nga lang, yung lalaking nasa harapan ko, irita siyang nilingon. "Bakit ba ang ingay ng isang 'yon?" Pansin nito kay Radge.

"Simulan niyo na palaro niyo." Pag-iiba ko ng usapan. Nilingon niya lang ako saglit bago sigawan ang babaeng kamyembro niya.

"Nika, yung alaga mo rito maingay!" Sabi nito.

Sumigaw pabalik yung babae dahil nasa malayo siya. "We will get married later! Hayaan mo nga siya diyan!"

Umirap ang lalaki. "Ugh, so delusional." Nilingon niya ako at nagsalita sa mikropono. "Anyway, let's start already. Go find your partners. We'll give you 20 seconds." Sabi niya. Sakto namang lumiwanag ang theatre screen at nagshow doon ang 20 seconds timer.

Dàmn it!

Lumingon ako sa mga taong nasa likuran ko na nag-uumpisa nang maghanap ng kanilang mga kapareha. Bumida na naman ang hilo ko kaya napangiwi ako at napakurap-kurap nung umikot ang aking paningin, mas naramdaman ko rin ang kabigatan ng aking katawan. Still, I tried to walk. Marahan ang paglalakad ko habang napapangiwi dahil sa sakit na iniinda. Pero mga ilang minuto rin agad, napahinto na ako dahil pakiramdam ko, babagsak na ako ano mang-oras.

I tsked.

Bumuntong-hininga ako at tinignan ang mga students na nagkakagulo at kanya-kanyang hanap ng kapareha. Gustuhin ko mang tawagin sila at maghanap rin ng partner, hindi ko na magawa dahil sa kabigatan ng aking nararamdaman. At isa pa, pansin kong kakaiba na talaga ang sitwasyon ko ngayon. Alam kong malala na 'tong sakit ko. Nilalamig ang loob ko pero yung labas ng katawan ko, sobrang init. Ang aking katawan rin ay malalang umaapoy na sa init.

My sickness is already getting dangerous and I'm turning vulnerable. Fùck!

In this auditorium, I could also sniff now the air thick with the dust of neglect, hung heavy, broken only by the people noises and rhythmic rasp of my own tortured breaths. My head throbbed like a drum solo, each beat echoing the cacophony around me. I murmured a curse. This sickness is sucky! This sickness, a malevolent specter, had taken root in my bones, twisting my muscles into knots and setting my head ablaze. Each shuddering cough was a mini-explosion, sending tremors through my already leaden limbs. Hindi lang 'yon. My throat also threatened me. It was like a raw desert, craving the solace of even a single drop of water, but even that small mercy seemed leagues away, a mirage in the endless expanse of my misery. But still, nanatili akong nakatayo. Pumikit ako ng mariin habang paulit-ulit na humihinga ng maayos and the result is, natapos ang oras, wala akong nahanap na kapareha.

"Nabawasan sila ng tatlo kaya nakulangan siya ng kapareha. Anong gagawin natin?" Napadilat ako at blankong nilingon yung lalaking narinig kong nagsusumbong sa kasama niya na nasa stage, malapit sa akin.

"Vice President..." Tawag sa akin nung lalaki.

Umayos ako ng tayo. Lahat ng sakit na nararamdaman ko ay itinago ko sa aking blankong mukha. Sumagot ako. "What?"

"Wala ka ng kapareha." Ngumuso siya at kunwaring naaawa akong tinignan. "Play or Nah?"

Mabilis kong narinig ang halinghing ni Radge na mukhang gusto na naman akong sugurin para pigilan pero wala siyang magawa. Hindi ko siya pinansin. Nagdesisyon ako. "I'll play."

"Even if you're alone?"

"Yes." Pinal na sagot ko.

"Okay. Edi ikaw ang mauna." Sabi niya at lumingon sa lahat. "Kami ang kumalap sa inyo kaya dapat 26 lahat ng grupo. But since natira ko ang dalawa at kinulong ang isa, 25 groups nalang kayo at may isang magso-solo." Tinuro niya ako kaya narinig ko ang bulong-bulungan ng mga players. Hindi ko na sila pinansin pa dahil parang kada-galaw ko, lumilindol ng ilang pursyento ang mundo ko. "Let's start." Sabi nito at sinenyasan ako na umabante kaya sumunod ako. "Kayong dalawa, abante rin." Utos pa nito sa napili niyang magduo na lalaki. "Alright. Kayo versus Vice President. Uulitin ko, may 15 seconds kayo para sagutin ang riddles na sasabihin ko. Naiintindihan ba?"

"Y-Yes." Sagot nung dalawang katapat ko.

The Auditorium filled with silence.

The silence is thick and suffocating, as if it's draped itself over me, with a thousand watchful eyes. Ramdam ko ang pagiging kabado ng lahat ng tao habang nakatingin sa amin. The game is starting pero wala akong maramdaman na nerbyos. Mas nararamdaman ko ang sakit na iniinda ko.

Fùck, kung ano man ang mangyari sa akin, mangyari nalang. Bahala na!

"This is the first riddle. Listen carefully." Sabi nung lalaki. Siya ang representative ng Mystery Club, ang kanina pa nagsasalita sa stage. Nilingon niya ang papel na hawak niya at binasa ito. "I am full of holes, yet I can hold water. What am I?" Malinaw na pagbabasa niya. "Again, I am full of holes, yet I can hold water. What am I?"

*TIMER TICKS!*

Lumiwanag na naman ang malaking screen at nagshow doon ang 15 seconds timer. Dahil sa matinding kaba, napasagot agad ang isa sa duo na kalaban ko. "A net!" Sagot nito, confident sa sagot.

Ngumisi ang representative ng club. "Okay. And...?" Nilingon niya ako, hinihintay ang aking sagot. Napatingin rin tuloy sa akin ang lahat ng tao sa auditorium.

Pumikit ako ng mariin at ininda pa muna ang kumikirot na ulo bago sumagot. "It's sponge."

*BUZZZZ!*

Nung matapos ang timer sa screen, nagshow ang tamang sagot.

Humalakhak ang representative at mabilis na pinaputukan sa mismong ulo ang dalawang kalaban ko. "Nice try. The answer is sponge." Natatawang sabi niya. Nilingon niya lang ako saglit bago hinarap ang lahat. "Next! Two group!"

May lumapit sa aking isang lalaki at hinila ako paatras. "You stay there. Dito ang mga naunang nanalo." Sabi nito, hindi naman na ako nagreklamo at bumuga nalang ng hangin.

Yumuko ako.

Gusto ko pa sanang panoorin ang ibang maglalaro pero hindi ko na magawa. Mashadong mabigat ang ulo ko at paunti-unting nagiging blurry na ang vision ko. Sumabay pa ang kasuklaman ko sa mga baliw na student na 'to kaya mas lumala. Dàmn! They're really killing people. What a little devils!

I closed my eyes.

Timeflies, but still nanatili akong nakapikit at nakayuko. Pinapakinggan ko ang mga ibinabatong tanong sa mga manlalaro pero napapangiwi ako everytime na maririnig ko ang mga sagot nila at mas napapapiksi ako everytime na puputok ang mga baril para sa kanila. Mahinang iyakan ang namutawi at ang mga pagluluksa ay mas narinig ng aming mga presensya. This is so terrible but still wala kaming magawa. Dumilat ako nung matapos na ang unang round. Marami pa ring nakaligtas and I think that's still fine kahit na may mga nabawas. May mga parehong nakakasagot ng tama at yung iba, nang-gagaya nalang pero atleast, nakaligtas pa rin sila. On the other hand, parang nayayamot namam ang mga myembro ng mystery club dahil natutunugan nilang dinadaya na sila ng mga manlalaro. After a minute, nung matapos rin ang unang round, bumungad sa akin ang mga katawan na nakabulagta sa sahig. Nakakalungkot man ngunit isinantabi ko nalang muna ang nararamdaman para sa kanila. Tinignan ko ang mga nanalo at nakita kong marami-rami pa rin naman kami kaya bahagya pa ring may luwag sa aking damdamin.

"Masaya bang gumaya ng sagot?" Iritable at sarkastikong tanong nung representative. Wala naman sa aming nakasagot. Suminghal siya. "Ayusin niyo ang laro niyo dahil baka topakin ako." Pagbabanta niya at sinenyasan akong umabante sa harapan. "Bilis! Next round! Isa-isa nalang para walang kopyahan! 10 seconds nalang ang palugit ko!" Iritang sabi niya pa. Maraming nabulungan at palihim na nagrereklamo ngunit agad ring natigil 'yon nung magpaputok sa ere ang representative. "Shut up! 20 groups nalang kayo at sigurado akong mababawasan pa 'yan. Hindi kayo maliligtas ng pangongopya, mga pùta! " Sigaw nito sa lahat.

Tumikhim ako nung makarating sa harapan.

Napapikit pa ako ng mariin nung muntikan na akong mawalan ng balanse dahil sa hilo. Badtrip! Sa konting lakad ko lang, parang pinaparamdam na sa akin lahat ng hirap sa mundo! At isa pa, hindi ko gusto ang amoy dito sa auditorium. Malansa ang sinisimoy nito dahil sa mga dugo na galing sa walang buhay na mga students.

"Riddle! Listen carefully!" Iritang sabi nito sa akin. "I am stronger than steel, but can be broken by a whisper. What am I?" Hindi na niya inulit pa ang tanong dala ng kabadtripan kanina sa mga manlalaro. Nginisian niya ako ngunit hindi na ako nagreklamo pa. Nung nagstart ang timer, nginisian ko rin siya kunwari.

This is too easy.

Tumikhim ako at nilingon si Radge saglit na nag-aalalang nakatingin sa akin. I sighed. "The answer is silence."

Nawala ang ngisi ng representative. Natapos ang timer kaya nagshow-up ang sagot ko sa screen. Sininghalan niya ako. "Nauubos ang luck. Huwag pakampante." Iritang pagpaparinig niya pa at nilingon ang susunod na player.

Tulad ng nauna, may lumapit sa akin at ipinuwesto ako sa winning side. But then, nung bitawan niya ako, tuluyan akong nawalan ng balanse dahil sa panghihina. I stumbled wholely and the ground tilting beneath my feverish feet. A wave of dizziness crashed over me and the panic gnawed at my edges, threatening to pull me more on the ground.

Fuck!

"Hm!" Dinig kong angil ni Radge nung hindi ko sadyang lingunin ang direksyon niya. Nangangamba kong nilingon ang mga myembro ng mystery club at nakahinga ako ng maluwag nung makitang seryoso silang focus sa game. Means, hindi napansin si Radge. Nung sulyapan ko ulit si Radge, pasimple ko siyang sinuway at inilingan pero hindi pa rin siya pumirmi. "Hm!" Aniya sa akin. Napamura ako sa aking isip at iniwas nalang ulit ang tingin sa kanya.

I know that he's worried right now pero wala kaming magagawa pareho. Hindi ko alam kung bakit pero mas malala ang nararamdaman kong pag-aalala para sa kanya. Gusto ko man siyang pakawalan, wala pa akong maisip na paraan. Hindi ako makahanap ng tyempo at kahit saan ako tumingin, wala akong makitang daan para iligtas siya.

I sighed.

I'm aware that he's already filled with madness but I still ignored him. Ayokong mabaling sa kanya ang atensyon ng mga baliw na students na 'to dahil baka malagot na. I'm nervous. Hindi ko alam kung bakit pero ramdam ko talaga ang labis na pag-aalala kay Radge. Sa totoo lang, kung tutuusin, pwede ko siyang iwan ngayon at magsolo pero ewan ko ba. Nagda-dalawang-isip ako. Hindi ko magawa. Hindi ko kaya.

Nakakainis!

Hindi ko alam kung anong nangyari bigla. Magmula talaga nung makita ko siya kaninang nakagapos sa aking pagmulat, napuno na ng kaisipan ang utak ko kung paano siya ililigtas, kung paano kaming dalawa makakalaya sa nakaka-suffocate na lugar na 'to. Ngunit kahit anong gawin ko, wala pa rin talaga akong maisip. Sumasabay ang pressure sa matinding trangkaso ko, humahadlang. Hindi ko tuloy alam kung paano siya maililigtas. Nape-pressure ako na baka kapag hindi ako makaisip ng paraan sa lalong madaling panahon, may mangyari na sa kanya, baka may gawin na silang masama sa kanya. At sa kaisipan na 'yon, natatakot ako. Kinakabahan ako para kay Radge.

Malas!

Literal na malas dahil sa mga ganitong sitwasyon, mas nagmumukha akong mahina. I'm so vulnerable right now at pakiramdam ko, wala akong kasilbe-silbe.

Argh! What now, Curse?! Nasaan na ang linya mo noon?! Nasaan ang sinasabi mong kaya mo ang sarili mo sa sitwasyon na mag-isa ka?! Fùck!

I heavily exhale.

With a ragged groan, I pushed myself up. The floor seems groaning in protest beneath me but still, I manage to get up. My legs wobbled like jelly, but I forced them to move forward. Napangiwi ako. A wave of wooziness crashed over me, threatening to erupt in a torrent of rebellion. And, because of that, I squeezed my eyes shut so that, I might be able to fight it even a little.

*BANG!*

Pagdilat ko, masama agad ang tingin ko sa representative, na siyang kumikitil. Two dropped dead again at iyon na yata ang huli para sa round na 'to. Dinig ko ang mga hiningang-maluwag, ang paghikbi, ang panghihinayang at kung ano-ano pang nakakalungkot na reaksyon ng mga kasamahan kong naglalaro. Nung inilibot ko pa ang tingin sa paligid, halos kalahati na sa amin ang nabawas at ang buong sahig ay talagang sinasakop na nang kanilang masasaganang dugo. Kung kanina ay 50+ ang manlalaro, ngayon, kalahati nalang. It's so brutal and devilish, right? Fùck them!

"This is so fun..." Humalakhak ang representative habang nakatitig sa aming mga nanalo. Sila lang ng mga kamyembro niya ang nakangisi habang kami, nananatiling  seryoso, blanko, tuliro at tahimik ang reaksyon. "Aren't you guys happy? Are you already tired or what? Come on, this is so thrilling! Haha!" Sabi pa nito. Nakisabay naman sa tawanan ang mga kamyembro niya.

Nakakarindi!

Para silang mga tumatawang dyablo sa pandinig ko na hindi magandang pakinggan. Mga salot na animo'y kailangang dasalan para maglaho!

"We are almost done guys. Hang on..." Ngumisi siya at tinignan ang mga papel na hawak niya. "Alright, the next round is fun. 2 riddles for you guys. Kapag namali niyo ang kahit saang riddles, it's over." Humalakhak siya na animo'y joke 'yon. "This is exciting, right?" Tanong niya pa pero walang sumagot. Nilingon niya ako at sinenyasan na umabante ulit kaya kunwaring normal akong naglakad sa harapan niya. "Namumutla ka, Vice President. Okay ka pa ba?" Pang-aasar niya sa akin. "... O natatakot ka na?"

Nginisian ko siya. "Galing sa internet ang mga tinatanong mo. Sino ang matatakot?" Sarkastikong pang-aasar ko rin. Nalaglag ang ngiti sa mukha niya at napalitan ng kairitahan. Dumagdag pa ako. "Sino ngayon sa tingin mo ang nangongopya?"

"Bìtch!" Bulong niya at tinignan ang papel. "First riddle!" Iritang sigaw niya. "I am born old and die young. I can be light or heavy, loud or silent. What am I?" Tulad ng kanina, hindi na niya inulit pa ang tanong. Nagstart ang timer kaya sumagot na rin ako.

"The answer is sigh."

Sinamaan niya ako lalo ng tingin dahil sa tama kong sagot. "Second riddle!" Iritadong sigaw niya, nagagalit. "I have no beginning, no end, and no middle. What am I?"

Umiling ako at mahina silang tinawanan. "This is so easy."

"What's your answer!?" Iritang tanong pa nito.

Nginisian ko siya. "Eternity."

Nangalaiti siya. "Itabi niyo na!" Utos niya sa kanyang tauhan nung matapos ako. "Igilid niyo na 'yan at baka tamaan pa sa akin 'yan." Pagpaparinig niya pa kaya mabilis akong hinila ng lalaking taga-pwesto sa amin sa winning side.

Hinilamos ko ang aking palad sa mukha. Matapos non, nagfocus na ako sa laro. Napaisip ako. He said that this game is almost done. Kung ganoon, konti nalang, magwawakas na.

I exhale.

And yes, the riddles that he was asking ay puro galing sa mga contest noon at mga sabi-sabi. Ang karamihan na rin sa tanong ay kumalat na sa internet kaya literal na pamilyar na ako sa mga ganyan. Gusto kong matawa. Mystery Club sila, pero hindi ko alam kung bakit ganyan kabababaw ang kanilang mga isip. Hindi ba't ang club nila ay nararapat na puro busilak ang utak? Anong nangyari? Bakit sila ganyan? They are not running the club properly. Puro patawa at kabasurahan. Sayang ang pinapang-aral sa kanila. Mga wala na ngang laman ang ulo, lagapak pa sa pagiging edukado.

They really sucked. Sinasayang nila ang oras at buhay ng mga tao. I can't also believe that I'm wasting my time on these kids. Kainis!

I fixed my posture and focused on the game. Nung marinig ko ang mga riddles, halos hindi na maipinta ang mukha ko. Nasa ilang phase na kami ng round pero ganito pa rin ang mga tanong. This is insanely nonsense!

'I have an eye, but cannot see; a tongue, but cannot speak. I tell the truth, but have no voice. What am I?'

'What has an eye but cannot see, a mouth but cannot speak, and a head but cannot think?'

'I have branches, but no leaves; a trunk, but no bark. I hold knowledge, but speak no words. What am I? '

'I speak without a mouth and hear without ears. I have no body, but I come alive with wind. What am I?'

'What is always running, but never gets tired?'

'What has many keys, but cannot open a single door?'

'I am lighter than a feather, but even the strongest person cannot hold me for five minutes. What am I?'

Ayan ang mga narinig kong tanong ng representative at halos lahat ng riddles na 'yan ay kaya kong sagutin. Ayokong mang-judge but this is too easy. Is this really serious? Totoo ba talagang myembro nila ng Mystery Club? That easy riddles? Oh, fùck. I don't know anymore. Hindi ko alam kung pinagtitripan lang ba talaga nila kami or what. Kung alam kong ganito lang, kung pwede nga lang sana, ako nalang ang sumagot lahat ng tanong para naligtas pa ang lahat ng mga kasama namin rito. Pero, ano pa nga bang magagawa ko? They are killing just for fun.

Gusto kong isabog ang kakaibang galit na nararamdaman ko sa mga students na 'to. They are totally devils. Wala na sila sa tamang pag-iisip!

*BANGG!*

*BANGG!*

Ang dalawang huling putok ng baril ang narinig ko sa katapusan ng round na 'to. Nakarinig rin ako ng tawanan na animo'y may magandang nangyayari sa sitwasyon namin ngayon. Maya-maya pa'y tumindig sa harapan namin ang representative. Masama ang tingin namin sa kanya habang siya, napakalawak ng ngisi.

"You're just already 7 groups." Nakangising sabi niya. "So, it means, 14 nalang kayong lahat." Humalakhak siya. "It's so sad, right?"

"Napakasama ng ugali niyo..." Sabi ng mga nanatiling nanalo.

"Mas masahol pa kayo sa hayop..." Sabi pa ng isang babae na manlalaro rin.

Tumawa lang ang representative. "Maliligtas naman kayo kung matatalino kayo, kasi kung hindi, edi mas mabuting mamatay nalang kayo ngayon dahil wala kayong pag-asa na makaligtas sa labas kung ganyang mababa ang mga utak ninyo!"

"Ikaw ang walang utak!" Sigaw pa ng kung sino sa tabi ko.

"Simpleng riddles, hindi niyo masagot?! Hindi kasi kayo nag-iisip!" Sabi pa nito. Itinutok niya ang baril sa side namin at ganoon rin ang iba kaya naalarma at natahimik ang mga kasama ko. Nagsalita ulit siya. "Huwag niyo akong pagsasabihan dahil kayo mismo ang may kasalanan kung bakit kayo mamamatay." Pagdidiin niya pa sa walang kwenta niyang rason. "Pero, sige, dahil mabait naman ako. Pag-iisahing grupo ko nalang kayo..."

Mabilis na umugong ang ingay na animo'y may nagtayo ng bandila ng pag-asa sa aming harapan.

"Yes!"

"Nasa atin si Vice President!"

"Totoo! malaki ang chance na maliligtas na tayo!"

Narinig ko ang iba't ibang mga komento nila sa napag-desisyunan na pag-iiba ng grupo, ngunit hindi manlang ako natinag. Nanatili ang mata ko sa mukha ng representative na nakangiti sa lahat. Sinuri ko ito dahil may sumisilip sa pakiramdam ko na mukhang hindi ito maganda. Pakiramdam ko, may natutunugan akong iba sa palaro niya.

"Let's start. Sa gitna kayo..." Sabi niya at sinenyasan kami kaya umabante kaming lahat. "This a mystery case riddle. Hindi na ito ng tulad ng nauna kaya sana'y mas maging matalas ang inyong mga isipan."

Umawang ang labi ko nung kumirot ang aking ulo. "Mystery case riddle?" Kunwaring paglilinaw ko pa.

Tumango siya. "You need to solve the mystery case." Sinulyapan niya ang kanyang papel at ngumisi. "This is exciting. Are you guys ready?" Tanong niya pa pero walang sumagot. Humalakhak siya at tumikhim. "I'll start."

The silence stretched, a chasm threatening to swallow us whole. Pati ang mga myembro ng club na 'to ay tahimik at nakahilera sa linya ng nagsisilbeng lider nila. Sa kabilang banda, ramdam ko ang kalagkitan ng aking pansapin sa paa na nanunuot sa ilalim nito. Due to the blood that already covers the entire ground, napakasangsang na nang amoy ng area.

"Rich folks, the Conqueros, live in a giant round house. One sunrise, Mr. Conquero finds the gardener dead in the garden, still warm. Cops show up, grill all the workers about where they were at dawn. Someone's got some 'splaining to do." Pag-uumpisa ng representative. Nag-flash rin sa screen ang tanong na kasalukuyan niyang binabasa kaya roon ako napatingin. "There's three suspects. The driver, the maid and the cook." Paglilinaw niya. "When they ask their whereabouts that time, these are their answers. The driver said, he was washing the car outside. On the other hand, the maid said, she was dusting the corner of the house. And lastly, the cook said, he was starting to prepare the lunch for later after he's done cooking the food for breakfast."  Nanatili kaming nakatingin sa screen. "From their replies, the detective knew who was the killer. But since you're the detective here, answer me. Who was the killer and how did you guys know that it is?"

Natahimik ang lahat.

The 20 seconds timer starts to tick in the bottom part of the screen. Ramdam ko ang paghihintay sa akin ng mga kasama ko pero nanatiling nasa malaking screen ang mata ko. Napalunok ako ng matindi. Kung kanina, minamaliit ko ang palaro nila, ngayon pinamukha nila sa aking warm-up lang 'yon.

Tsk!

Hindi na biro ang round na 'to at talagang kinakailangan ko ng logical thinking to answer the mystery riddle of the case. Ramdam ko ang pagtulo ng pawis sa sentidido ko. And, I could also feel the pressure that is growing under my skin. Napakadelikado nito. Why? Dahil sa oras na magkamali ako, lahat kami ay sasalampak pahiga.

Dárn it!

Mahina akong napa-inda nung maramdaman ko na naman ang pagkirot ng aking katawan. My eyes get really blurry pero kumukurap-kurap ako para palinawin 'yon. Ilang segundo ko pang tinitigan ang screen bago biglang may pumitik sa isipan ko.

Right!

"The maid." Sagot ko. Sakto namang naubos ang oras at nakahinga ng maluwag ang mga kasama ko.

Ngumisi ang representative sa akin. "How do you say so?"

Tumikhim ako at ininda ang katawan. Nginisian ko rin siya kunwari. "It said that they lived in a circular house and according to what she said,  she was "dusting the corners" of the house at the time of the murder." Bahagya akong napapikit at umiling. "Kailan pa nagkaroon ng sulok ang circular house?"

"Very impressive!" Mabilis na reaksyon ng representative matapos kong magsalita. Humalakhak siya, hindi ko alam kung sarkastiko ba o totoo. "You really got me there. Next one!" Aniya, animo'y nagmamadali. Agad namang nagflash ang panibagong article riddle sa screen kasabay ng kanyang pagbabasa. "When the police arrive at the scene of the crime, they find a tape recorder and a pistol in the dead man’s hands. After playing the tape, they hear the man’s voice say, “I have sinned and there is nothing to live for,” and then hear a shot. Even then, the police knew it wasn’t a suicide, it was a murder. How?"

Wala ulit na nakapagsalita.

Lahat sila ay nakatingin sa akin at naghihintay. Pati ang myembro ng mga nasa mystery club, seryoso nang nakatingin sa akin. Sumisigaw sa mga mukha nila na parang nalulugi na sila sa sariling palaro. But then, yung lider nila, malawak pa rin ang tingin sa akin at naghihintay.

Bago matapos ang oras, sumagot ako. "A dead man cannot rewind the recorder to play from the start."

Rinig ko ulit ang matining na tawa ng representative sa buong auditorium. Halos siya nalang ang natatawa at ang mga kasamahan niya ay naalarma na. Nagsalita ito. "Fùck, anong klaseng utak meron ka?" Lumapit siya sa akin at dinutdot ang gilid ng ulo ko. "Why are you having this such good thing, huh?" Iritang tanong pa nito.

Masama ko siyang tinignan dahil sa ginawa. Muntikan na kasi akong mawalan ng balanse na animo'y napakahina ko. Mas yumanig ang kabigatan at hilo sa ulo ko dahil sa pagdudutdot niya.

Kailan pa ba matatapos 'to? Parang bibigay na ang katawan ko.

"Next!" Galit na sigaw nito. Mabilis namang nagflash sa screen ang panibagong article. "A man was found murdered while on a vacation to Boracay. The suspect's names are: Ryza, Jason, Jhackie, April, and Rhed. But in the calendar beside him, the numbers 1, 4, 9, 10 and 11 are all marked with blood. How do you decipher the numbers?"

Tahimik na naman na nakaabang sa akin ang lahat.

Pumikit ako nang mariin at kumurap-kurap para bawasan ang panlalabo ng aking mata. Ilang sandali, inulit kong basahin ang article at tinitigan ito na animo'y lilitaw doon ang sagot.

"Putlang-putla ka na. Anong nangyayari? Nilalagnat ka na ba dahil sa kaba?" Tanong pa ni representative, nang-aasar.

Hindi ko siya pinansin. Narinig ko rin ang kabadong pagtatanong sa akin ng mga kasama ko kung ayos lang ba ako kaya tinanguan ko sila. Tinanong rin nila kung kailangan ko ba ng tulong pero umiling ako agad. Help is a great idea pero kung sa ganitong delikadong sitwasyon, mas mainam na ako nalang. Hindi sa minamaliit ko sila pero kailangan kasing maging wais ako sa bagay na 'to at diretsyo ang isip para sa kapakanan ng lahat.

Biglang umilaw ang utak ko nung may mamataan. Malaking tulong naman pala ang paninitig ko sa article dahil nandoon nga ang sagot.

"The killer is Jason." Sagot ko bago tumigil ang oras. "The digits represent the months whose initial letters spell ‘Jason’." Pinal na sagot ko at biglang napaupo.

My knees turned into jelly. Sumakit ang sikmura ko at kumirot lalo ang utak ko. This feeling is somewhat familiar.

Shit!

Nagugutom na pala ako pero dahil sa trangkaso ko, hindi ko na ito napansin. I heavily exhaled. My body is really getting dangerous. Gusto kong maiyak sa paghihirap pero patuloy kong pinipigilan dahil ayokong mapahiya sa harapan nila. Sa harapan ni... Radge. I don't want him to see me weak at hindi kayang tumayo sa sarili. Why? Kasi kung makikita niya akong mahina, sino nalang ang aasahan niyang magliligtas sa kanya?

"Bwahaha!" Nakarinig ako ng tawa at mabilisang paghaplos sa noo ko. "Napakainit mo!" Sabi ni representative. "Tibay mo rin, ah? Mabuti nasa kondisyon pa rin ang utak mo kahit na tinatrangkaso ka na?"

"Hm!" Angil ni Radge sa likuran pero walang pumansin sa kanya.

Naghihikapos akong pumilit na tumayo.

Unti-unti ng namamanhid ang katawan ko dahil sa iba't ibang pain na nararamdaman ko. Pero yung nito lang, yung pagkaupo ko, kakaiba na ang tama sa akin. Parang pinupukpok ang ulo ko at parang may boltaheng kuryenteng dumadaloy mula sa tiyan ko at kumakalat sa iba't ibang parte ng katawan ko.

It hurts!

"Hm! Hm! Hm!" Sigaw ni Radge sa kanyang upuan pero wala siyang magawa.

Nangilid ang luha ko habang nakayuko.

It hurts so much, Radge... help me.

"Tumabi ka nga!" Sigaw ng kung sinong babae at inangat ang mukha ko. Pagod akong dumilat at tinignan siya. "Ako ang magtatanong! Nandadaya ka yata! Try this!" Asik niya. "Listen carefully!" Sigaw niya pa at nagsalita. "Man killed his wife, and even though people watched him do so, no one could accuse him of the murder of his wife. Why?"

Hindi agad ako nakasagot.

Lumunok ako at sinubukan itong iproseso sa aking utak. That case is somewhat familiar. Parang narinig ko na siya somewhere.

"Time is ticking, bìtch." Sabi niya. Kung hindi ako nagkakamali, siya ang kaninang humahalik kay Radge.

Pumikit ako ng mariin nung mahanap ang sagot. Hirap akong nagsalita. "T-The man's job was an executioner, and his wife received the death penalty. That's the reason why people couldn't accuse him."

Umugong ang nakakabinging katahimikan sa paligid.

Napabitaw ang babae sa akin at gulat na napaatras. "H-How did you..." Lumunok siya at mas tumalim ang itsura. "What kind of brain did you have, monster?" Tanong niya pa pero hindi na ako nakasagot.

It's an old article riddle. Hindi ba nila naabutan 'yon? O, hindi lang sila nagbabasa? Bakit parang gulat na gulat sila na animo'y napakatalino ko? Tsk. They're just too dúmb!

"Get the pills." Dinig kong utos nung representative. Agad namang bumalik sa wisyo ang lahat at nagsi-kilos. Kalauna'y bumalik sa harapan namin ang mga tauhan niya na may mga dalang baso na may laman na tubig at isang garapon na punong-puno ng gamot.

What the fùck is that?

*TWITCHED!*

Agad na naman akong sumalampak sa sahig dahil pakiramdam ko, pinalo ng kung ano ang ulo ko. My stomach is already hurting too. Nagsama-sama na lahat ng sakit ko sa katawan!

The pain is unbearable and it feels like it's slowly killing me alive!

"This is the last part of the game." Malumanay na sabi nung representative nung lingunin ko siya. "Nothing more, we're almost reaching the last part." Tinignan niya ang lahat. "This is for all." Announce niya. "We have here a plastic jar na may laman na mga gamot." Ipinakita niya sa amin ang garapon na punong-puno ng capsule, mixed with red and blue. Nagpatuloy siya. "It's randomly mixed, right?" Sabi pa nito at malungkot na ngumiti. His members also looking down and seems like they we're thinking deeply about something.

"A-Anong gagawin namin diyan?" Tanong ng isa sa mga manlalaro.

"We're all required to eat it." Seryosong sagot ng representative. "There's several random capsule there that is deadly. While yung ang karamihan, vitamin pill na."

"What the fùck?!"

"Ano 'to?!"

"No, this can't be!"

Kanya-kanya na silang reklamo ngunit ako, nanatiling tahimik at iniinda ang sakit habang nakatitig ng masama sa kanila. Kahit mga mukha silang seryoso sa sinabi nilang pati sila ay kasama sa pag-inom ng pills, hindi ko makita kung totoo ba talaga ang kanilang mga reaksyon o nagkukunwari lang. Hindi maganda ang kutob ko patungkol rito. Parang may mali. May natutunugan akong hindi maganda.

I sighed.

I can't do this anymore. Everything is hopeless. Pagod na ako. Pagod na pagod na. Hindi ko na alam. Ayoko na lumaban. Literal na uubusin yata talaga nila kami. Hindi sila hihintong ubusan kami ng pag-asa dahil simula't sapul, gusto nila kaming masimot. 

*GUNSHOTS!*

"KUMUHA NA KAYO! ANG DAMING REKLAMO! HINDI BA'T SABI KO, KUKUHA RIN NAMAN KAMI? WE ALL REQUIRED TO SWALLOW IT!" Galit na sigaw ni representative habang dinuduro sa mga manlalaro ang baril. "KAMI NA ANG MAUUNA KUNG GUSTO NIYO! MGA PÙTA!" Sabi niya pa at inalog ang garapon. Matapos non, kinuha siya ng isa rito, kulay blue. Ang ibang mga kasama niya ay red at ang iba naman ay blue rin. "Oh, kayo na!" Sigaw pa ni representative matapos makakuha lahat ng kamember nila. Dahil sa takot, mabilis na kumilos rin ang lahat ng manlalaro at sapilitang kumuha ng pills. "Ikaw rin!" Sabi pa nito sa akin kaya pagod akong kumuha, I got the red one.

"Kami na rin ang unang iinom nito para makita niyo at makasigurado kayo." Sabi pa ng isang member ng mystery club at umirap. Ipinakita niya muna sa amin ang kulay blue na capsule na nakuha niya bago ito ipinasok sa kanyang bibig. Ngumanga pa nga siya para ipakita sa aming lahat kung nalunok niya talaga. Suminghal ito. "I'll trust my luck. Kung oras ko, edi oras ko."

Ilang sandali, nagtitigan pa muna ang ilang myembro ng mystery club bago nila gayahin ang isang kasamahan. Matapos non, sinenyasan nila ang mga manlalaro habang tinututukan ito ng baril kaya sumunod rin ang lahat. Matapos lunukin ang gamot, kanya-kanya nilang inabot ang tubig na inihanda ng mga myembro ng mystery club.

Wala namang ibang nangyari sa lahat kaya napatingin na rin sa akin ang representative para senyasan ako na uminom na.

Pagod akong bumuntong-hininga.

There's probably something is going to happen...

"Hm!" Aniya ni Radge pero hindi ko siya pinansin. Siguradong sinusuway niya na naman ako sa gagawin pero hindi ako nakinig. Walang takot kong ininom ang aking nakuhang gamot.

*BLURRRKKK!*

Napabuntong-hininga ako at pumikit ng mariin habang nakaupo sa sahig na punong-puno ng dugo. At ang mga dugo na 'yon ay mas nadagdagan pa dahil sa mga kasama kong manlalaro na unti-unting napapaupo at nagsusuka na.

I closed my eyes heavy enough as I heard the devils laugh of every member of the Mystery Club.

I knew it.

Everyone is choking and vomiting. Napakasakit sa tainga non pakinggan. Bawat paghihirap nila, ilang tusok ng karayom ang balik sa akin. Tahimik kong tinakpan ang aking bibig para pigilan ang paghikbi, I can't help but to cry. Lahat ng myembro ng Mystery Club ay minura ko na sa aking isipan. Napakasama nila. These kids are already replaced by a demon soul. Mga wala na silang puso at pare-pareho na silang sugo ng diyablo.

I'm crying in pain and feel sorry for the people around me. I feel sorry for the players who're with me 'til the end. Sayang talaga. Nanghihinayang ako. I wanted to help them pero wala na akong magawa. Huli na ang lahat nung marealize ko ang totoong plano ng mga kalaban namin. Huli na nung masuri ko ang plano ng mga hàyop na kaharap namin.

They tricked everyone.

My hands ached, gripping the earth, seeking anchor, seeking life. But the ground was brittle, cracking under my touch and each crack echoed a heart breaking.

The auditorium filled with silence.

There was no sob big enough, no scream loud enough to pierce the stillness that pressed down on me. Tears wouldn't bring them back, wouldn't heal the shattered earth. My voice, lost in the vast emptiness, a single pebble tossed into a bottomless well. And hopeless? Hopelessness wasn't just a word, it was a weight, a tomb carved from despair. It pressed on my chest, stealing my air, and stealing my future. But even in the crushing darkness, a tiny ember flickered in the corner of my eye.

Pinilit ko ang aking sarili at malumanay akong tumayo.

Surrounded by an ocean of blood, bullets, warm and cold bodies, I stand alone. I'm in the center of it. I'm in the middle of all of them. Ako nalang ang nag-iisang nanghihina at pagod na pagod na tumayo. Hinarap ko ang mga taong sugo ng demonyo. Tumayo ako sa harapan ng mga basurang ito kahit na hinang-hina at parang naghihingalo na ang katawan ko.

They are all fùcking tricksters.

Pare-pareho kaming uminom ng gamot, pero lahat ay naubos pa rin. Narinig ko ang kanilang malalang pagsuka hanggang sa mawalan ng hininga. We randomly picked the capsule pill, but still, all the victims are dies except on me. Gusto kong matawa sa katàrantaduhan ng mga student na 'to. Luck, they say? Bullshìt! This is not according to luck. This is clearly planned.

50+ people are already dead and I'm the only last player standing...

Lahat ng manlalaro ay naubos at kahit isa sa mga myembro ng Mystery Club, walang nabawas. Did you know how it all happened? Did you know what the tricks that they made? And, did you know how they killed everyone just like that?

✎.

Ga verder met lezen

Dit interesseert je vast

5.7K 306 71
SYNOPSIS CAROLINE PATRICIA FROWLINE, grew up without the presence of her father. Her mother died while giving birth to her, according to her father...
4.6M 350K 91
Betrayed by the people she once loved, cared for, and protected, Queen Gatria is determined to make everyone suffer and feel her wrath. With the inte...
589K 19.3K 166
Genre: Space, Doting, Farming, Time travel, Healing Alternative: 空间之农家女是团宠 Author: 小糊涂大仙 Synopsis: Xu Linyue from the 21st century crossing over with...
1.4K 70 5
ON HIATUS nova black is not his father. for one thing, he's 𝑏𝑙𝑜𝑛𝑑. nova black is not his father. he's a slytherin, heir to house black, prefect...