Escape to Death

By jawiica

30.7K 1.5K 469

COMPLETED: horror, survival, death. More

Work of Fiction
Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Wakas
FAQ
AFTERWORDS

Kabanata 16

619 38 70
By jawiica

CURSE's POV

Silence.

Confusion.

And, being surprised.

Ito ang natatanging kaganapan sa room kung nasaan kami. The silence filled the whole room and the feeling of being confused and surprised yelled at our space. It's covering us. It's shroud us, lalo na ako. Why? Because, this is the first time that someone raised voices against my speculation. Nakakapagtaka. I'm really sure about it. Alam kong tama ang hinuha ko sa case na ito but Waco is contradicting. What the hèll is wrong? Anong mali sa kalkulasyon ko?

"You're wrong, Ms. Vice President." Pag-uulit ni Waco. Tinitigan niya ako ng mariin bago bumuntong-hininga at nagsalita ulit. "You're right about what happened pero mali ka na si Alex ang pumatay."

Napakislot ako. "What do you mean?"

"I've told you that I wanted revenge." Ngumisi siya. "And, this is my plan. I'm the mastermind of it."

"Are you saying that the one who killed him is you?" Pagkaklaro ko pa.

Tumango siya. May maliit na linya ang kanyang labi tanda na nakangiti siya. Makikita rin sa buong mukha niya na mukha siyang proud at confident sa ibubunyag niya ngayon. "I told Alex to do it for me." Panimula niya. "Yung sinabi mong speculation kanina, tama 'yon. I'll admit that you're right about that. Totoong pinagawa ko 'yon kay Alex. Ako ang nagsabi sa mga gagawin niya. And, you know what is fun? Pumayag siya. Ni-hindi manlang siya tumanggi. Did you know, why?" Humalakhak siya. "Because, all of us are triggered to kill him. Lahat kami ay may motibo na patumbahin siya because he's an àsshole."

I stunned.

But, how? Paano siya nagkaroon ng cynide?

My mind glitch.

Biglang pumasok sa isip ko ang naalala kong nasanggi ko sa bulsa ng pants ni Waco. Yes, that's right. Yung time na kakapasok lang namin dito at hingal na hingal kami, hinampas ko siya non at naalala kong may nasanggi ako sa bulsa niya. Oh, no. Don't tell me... ?

Nagsalita ulit si Waco. "Since ako ang lumalabas ng dorm for the sake of all of us, nakita ko ang cynide. I do have knowledge about that kaya kinuha ko 'yon nung time na naabutan niyo akong nasa labas. I found a liquid cynide at kahit konti lang 'yon, I'm aware na it still kills people."

"So, yung nakapa ko sa bulsa mo-"

"Yes." Agad niyang pamumutol sa akin. "That's right. Iyon ang cynide." Nagkibit-balikat siya. "Nung makabalik ako dito at habang nasa loob kayo ng prisoner room ni Franz, nilapitan ko si Alex at sinabi sa kanya ang plano. Kaya lang, nagising pala 'yung hayòp, tinamaan ako." Hinaplos niya pa ang panga niya habang natatawa. "Pero okay lang. Nasabi ko naman na kay Alex yung plano kaya wala akong pake kahit bugbugin niya pa ako sa galit dahil daw nilapitan ko ang isa sa mga babae niya. Tss, parang gàgo. Kainin niya mga babae niya."

"I see. I understand now." Komento ko at tumango-tango. "But, still, Alex do the crime. Basically, siya pa rin."

"No, I'm the one who influence her."

"Still." Bumuntong-hininga ako at pumikit ng mariin bago sumuko. "Fine. It's clearly that the killer is both of you." Pagtatapos ko sa usapan.

Tumango naman si Waco at umunat-unat. "So, anong balak niyo sa akin? May gagawin pa ba kayo? Aalis pa kasi ako e." He said, boredly.

Umirap ako at sarkastikong sumagot. "We're in the middle of the outbreak. Matatakot ka ba kapag tumawag pa kami ng pulis?"

"Hindi e." He chuckled at inilagay sa bulsa ang kanyang mga palad. "Mauuna na ako, ah. May hinahanap pa ako e. Save yourself." Sabi niya pa at naglakad papunta sa pintuan pero bago pa 'yon, nagsalita si Zeor.

"Are you going out all by yourself?" Tanong ng pinsan ko. Tumango naman si Waco kaya hindi na nagprotesta pa si Zeor.

I sighed while I'm looking at Waco. Hindi ko alam kung sino ba ang tama at mali. Franz is a criminal and Waco is a murderer too. Kung walang outbreak, sure akong ang mga may sala ay makukulong. This is not normal pero dahil may outbreak, ginagawa na nila itong advantage. They are running rampage. Their system is probably slowly filling with berserk. At ang nakakatawa pa, hinahayaan lang talaga namin ang mga taong ganito. After ng pagsisiwalat, hahayaan na namin sila like nothing happened. Just pure accusation and revelation, without conducting punishment according to the law. How unbelievable, right?

I pursed my lips.

Pakiramdam ko, hindi dito magtatapos ang crime na matutuklasan ko. Pakiramdam ko, marami pa akong madadaanan na tulad nito. I have the feeling na hindi lang ito ang huli kundi marami pa. May mga susunod pa. As in. I'm sure of it. And, even though this might be getting out of hand, malamang, wala pa ring akong magagawa. Hahayaan pa rin namin sila. We still let them running with wilderness somewhere free. Hahayan pa rin namin ang mga kriminal na makakilos ng malaya dahil may outbreak. Dahil ang pinaka-reason naman ng lahat, ay mag-survive lang. Wala na silang pake sa mga nangyayari. They probably do whatever it takes just to survive and of course... isa na ako ron.

Huminto sa paglalakad si Waco. Bago niya pa mabuksan ang pintuan, nilingon niya ulit kami.

"Oh, I remembered. Gray is part of the SSG. Alam niyo ba kung nasaan siya?" Biglang tanong niya. Napataas ang kilay ko at bahagyang napakurap-kurap pa. Nag-ngising aso siya. "Siya kasi ang hinahanap ko."

"Why? What are you planning to him?" Seryosong tanong ni Zeor, naalarma bigla.

Umiling si Waco. "Hoy, wala akong gagawing masama sa kanya, ah." Napakamot pa ito ng ulo.

Humalukipkip ako. "We all know where he was but before that, state your reason"

Ngumuso siya. "Pribado eh- basta, gusto ko siyang makita." Sabi pa nito at napaiwas ng tingin.

Umirap ako. "Ano nga? Don't expect a rightful answer on us if you're not going to state your reasons."

"My reason is too personal!" Panlalaban niya pa.

"We don't care. State it. Malay ba naming patayin mo rin siya?" I hissed.

Sumama ang timpla niya. "Hindi ko nga siya papatayin! Wala akong gagawing masama sa kanya!"

"Then, what?!"

"I'm reticent!"

"We don't care. State it!"

"It's confidential!"

"Answer it!"

"I like him!"

We stunned.

Literal na natigilan kami dahil sa sinabi niya. Bahagyang nanlaki ang mata ko habang sila Zeor at Rory ay napasinghap. Napamaang rin ang bibig ko na halatang hindi inaasahan ang sinabi niya. Ang malala pa, ilang segundo kaming binalot ng katahimikan dahil hindi namin alam ang dapat na reaction or sasabihin. Natulala kami at parang hindi agad naprocess sa utak ang kanyang sinabi.

Waco closed his eyes because of embarrassment. Gamit ang wrist niya, yumuko siya at tinakpan ang mukha. "Fùck it!" Mura pa nito sa kahihiyan.

Kumurap-kurap pa ako bago nagsalita. "A-Are you gay?" Kusang natanong bigla ng bibig ko. It makes me confused.
Hindi kasi halata na, you know, he's not straight. I thought he's a man, literally.

Inangat niya ang tingin sa amin kaya napagmasdan namin ang tainga at pisngi niyang bahagyang namumula. "I'm not." Seryosong sabi niya. Halata sa mata niya ang sensiridad. "Lalaki ako. Hindi ko feel na may puso akong babae or what. I'm sure na I'm a real man. I'm sure of it." Bumuntong-hininga siya. "I just don't understand what I feel. I know it's strange. Kahit ako, nalilito. But, I can't help it." Pagiging tapat niya. "Say what you want. Judge niyo pa ako kung gusto niyo- wala akong pake."

"I-I'm not." Agad kong depensa. "It's just that the information is surprising."

Suminghal siya. "Tss, tigilan niyo na ako. Nasaan ba siya? Is he okay?"

Napamaang pa muna ako bago napatango-tango. "Y-Yes. Nasa dorm siya nila Radge..." Tumikhim ako. "W-Why him? Bakit si Gray?" Medyo nahihiyang habol ko pang tanong.

Tumaas ang kilay sa akin ni Waco. "Because, he's him." Simpleng sagot niya. "None other that." Tumikhim rin siya at iniba ang usapan. "Anyway, may plano ba kayong pumunta ron or what? Sabay na ako."

Si Zeor ang sumagot, mukhang nakarekobra na dahil sa confession ni Waco. "Yes."

Agad akong napatingin sa kanya at napabusangot. "Really?"

Tumango si Zeor sa akin, seryoso. "Of course. Nandoon sila. Are you against about it?" Pagalit pang tanong niya kaya hindi ako nakasagot at napanguso nalang. "Let's go. Baka nag-aalala na sila dahil tumakas kayong dalawa-"

"H-Hey..." Singit ni Waco. Napatingin kaming lahat sa kanya. Tinitigan niya kami ng ilang segundo bago bumuntong-hininga. "Kapag nakarating tayo, huwag niyong sasabihin kay Gray ang tungkol sa sinabi ko..." Panghihingi niya ng pabor.

Tumaas ang kilay ko at tumango. "Hm, not my business."

Tinignan ni Waco si Rory kaya bumuntong-hininga ito at tumango. Halata sa mukha niya na wala siyang pake sa pinagsasabi ni Waco at nakikinig lang. Sumagot siya. "I'm not interested."

"We understand. Your feelings is valid. It's safe with us." Sabi rin ni Zeor.

After that, the conversation changed.

We all focused on making a plan para makabalik ulit sa dorm nila Radge. Hindi naman ako nakisali mashado dahil naiirita ako. Hindi ko kasi gusto ang desisyon ni Zeor na bumalik pa sa dorm nila Radge dahil pwede naman kaming magsolo. Like, bakit pa? Bakit pa kailangang balikan sila Radge? Kaya naman na namin ang mga sarili namin kaya bakit pa? Atsaka, siya na ang nagsabi na hindi niya kargo ang ibang tao kaya bakit pa kami babalik don? Para saan? Dàmn it!

I rolled my eyes.

Yet, in the long run, wala rin ako magawa. Pakiramdam ko, under ako ni Zeor ngayon. Why? Dahil natatakot akong maramdaman ulit ang takot na baka mawala siya sa akin. Gusto kong unahin ang nararamdaman niya para lang maging okay siya. Parang gusto kong sundin ngayon lahat ang gusto niya para lang hindi siya mawala sa akin at para hindi ko maramdaman ulit ang takot at lungkot nung time na akala namin, wala na siya. I'll behave. Kayang-kaya kong sundin ang gusto niya ngayon kahit na taliwas ito sa aking isipan basta lang maging safe siya.

In the fullness of time, nakagawa rin kami ng plano. Ang naisip ni Zeor ay yung window. Ito ang gagamitin namin para bumaba sa dorm nila Radge. Wala kasi kaming choice right now. Why? Dahil ang daming zombie sa hallway. They're all gathered there na animo'y alam na alam nilang nandito kami. But then, I already expected that. Sa ingay namin dito? Sa tunog ng baril ni Franz? Sinong zombie ang hindi magwawala sa labas, diba? They probably chant growls and flounce our doors with wilderness.

*CLOCK-TICKS~*

Time flies and we already proceed to our plan. Since nakalkula naming nasa ibaba lang ang dorm nila Radge, kahit delikado, kumilos na kami. Every dorm here had their own pattern of windows so hindi na kami nahirapan, diretsyo lang ang plano. Ang ginawa lang namin, gumawa kami ng rope gamit ang mga bedsheet na nahanap namin dito sa dorm ni Franz at tinali 'yon para humaba. Of course, iyon na rin ang guide namin or hawakan habang bumababa kami sa window.

Nung nasakto naming itinapat ito sa bintana nila Radge, itinali namin ito sa matigas at matibay na bagay na nasa dorm nila Franz para hindi kami malaglag sa ibaba at para masure ang safety ng bawat isa. During the moment of doing it, ang unang bumaba ay si Zeor. Nung makababa siya sa mismong tapat ng kwarto nila Radge, pinanood namin siyang katukin ang bintana hanggang sa pagbuksan siya.

We all sighed in relief.

We're glad because the plan is occurring accordingly. Ang sunod na bumaba ay si Rory but before that, nagkaroon pa ng pilitan. Why? Mapilit kasi siya. Pinapauna niya ako dahil nag-aalala siya para sa akin. Pasulyap-sulyap pa ito kay Waco na parang walang tiwala dito na maiwan sa akin at mabuti nga, hindi siya ni Waco pinapansin. Moreover, since, I'm his honorable Vice President, sinunod niya ang gusto ko. Si Rory ang next na bumaba, sunod ako and of course, Waco.

But before anything else, nung nasa kalagitnaan palang ako ng pagbaba, nakarinig na ako ng ingay na parang dabog or pagkalaglag ng something sa kwarto nila Radge. It makes me feel alarmed. Sobrang lakas kasi ng tunog which makes me move faster. Yung tipong napabilis ang pagbaba ko para makarating agad sa dorm nila.

And, as I've arrived, my eyes widened.

"Hey!" Suway ko at mabilis na tumapak sa bintana para makapasok na ng tuluyan sa loob. Nagsalubong ang kilay ko at literal na bumakas ang gulat sa mukha ko nung pasadahan ko ng tingin ang buong dorm nila.

It's in chaos!

As in sobrang gulo! Everything is in a mess! Makalat, parang binagyo at literal na wala sa ayos ang mga gamit. Parang nilindol dito or parang may taong intensyonal na kinalat ang mga gamit. The dorm is literally in a mess!

"Radge! Radge!"

"H-Hoy, tàngina niyo!"

"Tama na! Tama na- hoy!"

Mas nagsalubong ang kilay ko dahil sa namataan. Hindi nagtagal ang paningin ko sa dorm kundi sa mismong dahilan kung bakit ako nagmadaling pumasok sa bintana. Alam niyo kung saan napukol ang atensyon ko? Dun sa nag-aaway- kila RADGE and RORY!

RADGE IS IN FURIOUS!

Nakapatong siya kay Rory habang nakahawak sa kwelyo nito. While on the other hand, Rory is already in the disadvantage side. Putok na ang labi nito dahil mukhang nabigyan na siya ni Radge ngunit makikita pa rin ang ngisi sa labi niya, nang-aasar.

"Radge!" Suway ko at lumapit sa kanila. Pasalamat talaga ako dahil nandoon sila Port, Zeor and Gray na umaawat kay Radge. Pinipigilan nila ito na atakihin ang kabilang panig.

"You fūck..." Radge's voice is like a murmur of a large beast. Sinabi niya 'yon kay Rory pero sinuklian lang siya nito ng nang-aasar na tawa.

"Radge!" Suway ko ulit at lumuhod para makita niya ako pero nung nagtama ang mga mata namin, agad akong natigilan.

I swallowed hard, unconsciously.

Para akong binuhusan ng malamig na tubig at literal na tuluyang nawala ang pagka-salubong ng kilay ko dahil sa nasaksihan. This time, I felt fear and they called, frightening. Yung takot na nagpatigil ng sistema ko. Yung takot na parang hindi normal. Yung takot na parang kakaiba at ngayon ko lang naramdaman sa isang tao. This was my first. This is the first time that I've felt fear not because of the action but because of someone's eyes.

On this time, isa lang ang masasabi ko.

Radge looks very dangerous right now.

His eyes give off an aura of darkness. Radge's eyes glow with an eerie intensity. It seems like his anger reached his boiling point that caused his eyes burned with a terrifying intensity. I literally froze to death. Hindi ko alam kung anong nangyari bigla. Hindi ko alam kung bakit siya naging ganyan kagalit. Kung noon, kinakaya ko pa ang pagiging delikado ng mata niya- ngayon, parang malabo na. Radge's eyes seem like they were turned into raging infernos when ignited by anger. And during this time, I immediately understand something. I realized that Radge's anger leads him in paths of recklessness and destruction kaya napakagulo ng buong dorm. This might be the reason. He is probably the reason for it. Shìt!

"R-Radge..." Halos wala ng hangin ang boses ko nung sambitin ko 'yon. Pakiramdam ko nga rin, wala ng kulay ang mukha ko dahil sa dilim ng kanyang tingin.

Hindi niya ako sinagot.

Nanatili ang delikado niyang tingin sa akin. Sinulyapan niya pa ulit saglit si Rory bago ibinalik sa akin ang atensyon. Sa way niya na 'yon, pakiramdam ko, may iniisip siya. May pinaplano siyang gawin. At sa paglipas nga ng ilang segundo, napagtanto kong tama ako. Mabilis niyang binawi ang kanyang isang kamay na pinipigilan ni Port at hinawakan ang likod ng ulo ko. I didn't even flinched. Parang hindi ko na talaga alam ang gagawin dahil naimpluwensyahan na ako ng nakakatakot niyang presensya. And, surprisingly, the next thing he did was catch me off guard.

He softly pulled my head and arched his head to catch my lips.

We've kissed!

Parang tumigil ang mundo dahil sa ginawa niya. At sa oras na 'to, para ring nawala ang ingay sa paligid. Naging tahimik ang lahat na animo'y dinaanan kami ng kung anong anghel. Pare-pareho naming hindi rin inaasahan ang nangyari. Natigilan ako at talaga namang parang nahila ko ang aking hininga. Nanlalaki rin ang mata ko habang siya, nakasulyap sa labi ko na hinalikan niya.

I could really feel his lips on mine!

This kiss was like a shock, a jolt that awakened my senses and set my heart on fire. It was a kiss that defied all logic. A kiss that transcended the boundaries of time and space. It also sent shivers down my spine and I felt the jolt of electricity shot through my body. And, fùck! My heart is pounding wild. For a moment, the world around us faded away, and it was as if we were the only two people in existence.

The kiss ended quickly.

Biglang napalayo si Radge sa akin nung sapakin siya ni Rory. Kung kanina, si Rory ang nakangisi- ngayon, si Radge naman. The tables turned on them. Galit na galit na ang mukha ni Rory at halatang hindi gusto ang nakitang ginawa sa akin ni Radge.

"You bàstard!" Rinig kong sabi ni Rory, punong-puno ng gigil ang boses.

On the other hand, Radge chuckled. "Know your very place, foòl."

"You're fùcking crazy maniac!" Usal pa ni Rory at binigyang suntok si Radge but Radge dodge it. Hinawakan nito ang palad ni Rory at itinaas. Iyon rin ang kinuhang chance ni Radge para tuhudin ang tiyan ng kalaban. Sobrang bilis ng pangyayaring 'yon. Masasaksihan na parang sanay na sanay na talaga siya sa ganitong larangan.

"Rory!" Tawag ko nung mapainda ito dahil sa ginawa ni Radge. Ngunit, saglit lang 'yon. Bago pa ako makalapit sa kanya. Tumayo na siya at akma sanang susugudin si Radge pero napigilan na siya ng iba pang kasamahan niya.

"Hoy, tama na 'yan!"

"Tama na 'yan, Pre!"

"Ano bang nangyayari sa inyo?!"

Iritang sigaw na ng karamihan. Halata ang pagiging alarma at tensyon sa magkakabilang grupo.

I gulped.

Something strike at my head.

Naalala ko ang biglang napag-usapan namin ni Radge. Parang mabilis na nagrewind 'yon sa isip ko kaya nagliwanag ang kaisipan ko at nanuyo ang lalamunan ko. This chaos immediately cleared my mind. Mukhang alam ko na ang reason kung bakit si Radge ganyan. Naalala ko na. I'm the reason of it. The action I choose might probably be the root of his madness.

Ayaw niya akong umalis!

That what he wants. But, I neglected it. Nawala ang issue na 'to sa isip ko dahil sa mga napagdaanan namin. Nawaglit ito sa kaisapan ko dahil sa mga desisyon ko for my cousin. I remembered now that I disobeyed him. Pero, nakakagulat naman? Bakit ganyan ang epekto nito sa kanya? Did I really insolent his soul just like that? Ano bang nangyayari sa kanya? Dahil lang sa umalis ako, nagiging ganyan na siya?

I suddenly filled in with irritation.

Unbeliavable!

Kasalanan ko ba? Mali ba na gumawa ako ng paraan para sa pinsan ko? Mali ba na sundin ko ang sarili ko? Mali ba na pakinggan ko ang gusto ko? Why's Radge acting up like that? What the fùck is his problem? Why is he like that to me? Bakit siya ganito dahil lang sa akin? Why is he so gaddàmn territorial? He's definitely a crazy man!

Shìt! This is really frustrating!

"Radge!" Bulyaw ko sa kanya. My voice thundered. Habang nakatayo na ang lahat at pinipigilan nila ang dalawang lalaking nag-aaway, nilapitan ko si Radge at iritang hinila ang damit niya para mapasunod sa akin. "Let's talk!" Sigaw ko. Mabuti nga at hinayaan niya akong hilain siya dahil buong pwersa ko na talaga ang ginagamit ko just to make sure that I'm dragging him!

Dumiretsyo ako sa maliit nilang kusina at sinarado 'yon nung tuluyan kong maipasok si Radge.

"What the fùck is your problem?!" Bulyaw ko agad.

He looks dangerous and almost brutal. His jaw clenched, ready to unleash his fury. "You're my problem, Doll face!"

Suminghal ako. "You're exaggerated over something-"

"You don't know shìts going through my head! You don't have any fùcking idea about what happened to me just because you fùcking leave!"

"And, what do you care about that?! I already told you that don't fùck with my own business! I'm not your slave, Radge! Don't even imagine it because it would never be!"

I saw the muscles on his jaw move like he's gritting his teeth or something. "I'm worried about you! I'm just doing it because I wanted you to be safe yet you're being so stubborn! You disobeyed me!"

"Gagawin ko ang gusto ko! Hindi ko kailanman kailangan ang permiso mo!" Bulyaw ko pa at huminga ng malalim. Dinuro ko siya. "Hindi ako isa sa mga bata mo, Radge. May sarili akong desisyon at ako lang ang pwedeng magdesisyon para sa sarili ko..."

Hindi siya sumagot.

Nanatiling madilim at delikado ang kanyang presensya. His eyes were intense and serious. Ilang segundong tahimikan ang namayani sa amin bago siya umayos ng tayo. His jaw clenched for a moment before he sighed heavily and looked at me boredly.

"Is that so?" His low voice sent shivers down my spine. Hindi ako nakasagot. Nagpatuloy siya. "Then, don't disturb my thing with Rory." He declared which makes my jaw dropped. Naglakad siya para sana lumabas sa pintuan pero agad na akong humarang.

Umigting ang panga ko dahil sa kairitahan. Gusto ko siyang murahin dahil sa katigasan ng ulo niya pero pinigilan ko ang sarili ko. Nakatingala ako sa kanya habang siya, walang ekspresyon na nakatingin sa akin. I gulped. "I want to asked something..." Sabi ko sa mababang tono.

Hindi siya nagsalita.

He's just stared at me. Hindi ko nakayanan ang tingin niya kaya ibinaba ko nalang ang atensyon ko sa dibdib niya. Nagsalita ako. "I-I just want to clear something..." I've said, nanatili naman siyang tahimik. Ramdam na ramdam ko ang nanunusok niyang mata sa mukha ko. I sighed heavily before proceeding. "D-Do you like me?"

Silence takes over.

Hindi ako nakatanggap agad ng response sa kanya kaya namutawi ang nakakabinging katahimikan sa amin. Alam kong parang ang kapal ng mukha kong tanungin sa kanya 'yon pero gusto ko kasi talagang maklaro ang lahat dahil mas maliliwanagan ako kapag nalaman kong may gusto nga siya sa akin. Malalaman ko na ginagawa niya nga ito dahil gusto niya ako. It definitely makes everything clear that he's literally heated up like this because he likes me that much.

Ilang segundo pa ang nasayang bago ko itinaas ang tingin sa kanya. Nananatili pa rin siyang nakatingin sa akin. His eyes presence is still dark. Nagsalita ulit ako, may lakas-loob. "Radge, do you like me?"

Umigting ang panga niya.

We stared at each other. At sa nga oras na 'yon, ramdam ko ang mabilis na pagtibok ng puso ko. I don't know if it's because of embarrassment or nervousness pero wala na akong pake. This time, I felt the heat crawling at my cheeks. This is the first time na I confront others just to make sure that they have feelings or affection for me. Nakakahiya pala. But, still, tinatagan ko ang sarili ko.

The wind slowly reached us.

At sa mga oras na 'yon, nagsalita si Radge. Sinagot niya ang aking tanong sa paraang mas uminit ang pisngi ko. Napayuko ako dahil sa kanyang sagot. Inangat ko ang aking palapulsuhan at iyon ang ipinantakip ko sa aking mukha. Para akong nanghina dahil lang sa tensyon na bumabalot sa amin. Nanlambot ako dahil sa presensya niya.

His reply was. "Isn't that obvious?"

Continue Reading

You'll Also Like

77K 7.4K 42
Hi.. I am a huge fan of SidNaaz.. Trying writing for the first time.. Please bear with me.. How a landlord Sidharth fell in love with his tenant She...
160K 6.2K 22
Oc female Jackson x Hermes x Apollo x Ares
147K 1.3K 175
作者:村里的小傲娇 Chen Xiaolin accidentally bleeds on the bracelet her grandmother left her, and she discovers a space inside. She then fills the space with...
1M 22.2K 58
A 'slut' of a 21 year old Nidhi is married to the disabled thakur, who is paralysed below his waist. What will happen when her sexual frustration wil...