Escape to Death

By jawiica

30.7K 1.5K 469

COMPLETED: horror, survival, death. More

Work of Fiction
Panimula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Wakas
FAQ
AFTERWORDS

Kabanata 13

546 33 10
By jawiica

CURSE's POV

"Just so you know, I love touching the one I like."

"Just so you know, I love touching the one I like."

"Just so you know, I love touching the one I like."

Yung linya ni Radge, parang nagpa-ulit-ulit sa utak ko. Nagtagal siya sa isipan ko na para bang sa lahat ng napag-aralan ko, ito ang hindi ko maprocess ng mabilisan. Ito ang hindi ko agad ma-absorb at maintindihan. Para akong natanga dahil sa narinig na 'yon. Parang biglang pumurol ang utak ko sa pag-iisip dahil sa kanyang kasagutan kay Rory.

We stayed all silent.

I know that we— us, probably didn't expect his answer. We can't process it, nakakagulat. Siguradong laglag talaga ang panga ng ibang mga kasama namin rito dahil sa sinabi niya.

"Obviously..." Pagbabasag ni Rory sa katahimikan. Narinig namin ang sarkastiko niyang halakhak, tunog naiirita.

Lumingon sa akin si Radge at hinaplos ang siko ko ngunit parang may eliktrisidad na dumaloy sa mga daliri niya kaya agad kong napapiksi ang aking siko palayo. Tumalim ang kanyang tingin sa akin at inabot ulit ang aking siko kaya hindi na ako nakagalaw pa.

"Wew..."

"Inang 'yan, parang kilala ko na kung sino gusto niya e."

"Halatang-halata.."

"May gusto pala siya kay..."

Samu't saring komento na naman ang nabuhay matapos nilang marekobra ang sagot ni Radge. Napabaling ako sa kanila. Nakita ko ang pagiging tahimik ni Quill at nung dalawang babae na bagong salta. Sila Sorin at Hany naman, nagtataka ang tingin kay Radge at kalauna'y napapabaling sa akin. Sa kabilang banda, si Port at Gray, nagtataasan ng kilay at biglang sasabay sa bungisngis ng iba.

Napalunok ako.

Nagsalubong ang kilay ko dahil sa strange feeling na bigla kong naramdaman. It's somewhat awkward or uncomfy. Basta, hindi siya maganda sa pakiramdam ko. Kung kanina, hindi ako okay dito sa kinauupuan ko— pwes, mas lalo na ngayon. Parang uncomfortable na. Parang sa bawat paghaplos sa akin ni Radge, may eliktrisidad akong nararamdaman. Because of what he said, nagkakaroon na ng strange feeling and meaning sa akin ang bawat haplos niya. It makes me feel stupefy. Parang pumutok ang iba't ibang hinuha sa isip ko. Andaming pumapasok na impormasyon sa utak ko dahil sa sinabi niya pero bawat isa, pilit ko itong hindi inaalintana dahil ayokong maniwala.

May isang sagot ako sa sinabi na 'yon ni Radge. May hula na ako kung sino man ang taong tinutukoy niya— ang taong gusto niya but then, I don't want to believe it. Ayoko. Hindi ko alam kung bakit pilit na tinataboy ng utak ko ang kasagutan na 'yon kahit na malaki ang pursentong tama ito.

I gulped.

No, maybe, I heard him wrong. Siguro, hindi. Siguro, mali ako ng naiisip. Diba? Shìt!

Parang uminit tuloy ang kinauupuan ko sa tabi ni Radge. Ang bawat haplos niya sa akin, hindi na okay sa pakiramdam ko. It makes my system get puzzled, confused and worst? Denied.

"Next na!"

"Ikot na!"

"Ang init na ng spin the bottle na 'to ah. Iba talaga kayo hahaha!"

Hindi ko na pinansin pa si Radge. I wanted to resist on every touch he was giving to me pero nandoon pa rin ang takot sa damdamin ko na baka mas magalit ko siya at gawin ang pagbabanta niya sa aking halik. The hēck, that's probably the worse kesa sa sagot niya ngayon!

"Ey, Pre Rory, ikaw na! Truth or Dare?" Asik ni Kyle.

Ngumisi si Rory sa kasamahan. "Dare."

Umismik si Kyle at mas lumawak ang ngiti. "Describe your crush!" Sabi nito. Ang ilang lalaki ay nanukso, habang ang mga babae naman ay nanatiling tahimik at nag-aabang sa sinasabi niya. Kahit si Radge, ramdam ko ang paglingon niya kay Rory.

"Well..." Paunang sabi ni Rory at nilingon pa ako. Humalukipkip siya at bahagyang inawang ang ulo na para bang pinagmamasdan ako. "She looks like a combination of the beauty of a deity and a beastly doll." Bahagya siyang natawa habang nakatitig sa akin. Nanatili rin akong nakatingin sa kanya habang salubong ang kilay. But then, he just looks at me coldly na para bang sanay na sanay na siya sa pagiging masama ng aking mga mata. Nagpatuloy siya. "Her beauty was captured in perfect detail. Her beauty was so exquisite that it was said to rival the most delicate porcelain creations. Her skin was as flawless as the finest alabaster, smooth and unblemished, with a complexion like the petals of a rose. Her eyes were like shimmering black sapphires, sparkling with an intelligence that belied her doll-like appearance. Her lips were like plump cherries that infrequently curve into a gentle smile pero kung masasaksihan niyo, it could probably melt the coldest of hearts. Kahit sino siguro, kahit wala siyang gawin, hahanga sa kanya." Bahagya siyang napangisi sa akin.

Napansin ko na rin tuloy ang ibang kasama namin na napatingin na rin sa akin.

Nagpatuloy si Rory. "Her hair was a cascade of black curls, cascading down her shoulders. It was said that her hair was spun from the finest threads of silk, so soft and silky that it could be mistaken for a real cloud. Her eyelashes were like long, delicate lashes, framing her eyes like a delicate lacework. Everything about her looks magestically unique. Napakaganda. Walang katumbas." Hindi niya pa rin inaalis ang paningin sa akin kaya ako na ang umiwas ng tingin. Sa pag-iwas ko, tumama ang tingin ko kay Radge na madilim na ang tingin kay Rory. Ngunit si Rory, nagpatuloy pa rin. "For clearer vision, she looks like an elegant doll. She possessed an ethereal beauty that seemed to transcend the limitations of the human form. I could see on her the reflection of the divine, a glimpse of perfection that transcended the earthly realm. Her every feature, capturing the subtle nuances of her expression. Sobrang ganda. Every feature she has, explains how magnificent she is. She's so very captivating. Hindi nga pumalya kahit sa paningin ko—"

Mabilis akong inihiga ni Radge sa higaan niya kaya agad akong napahawak sa kanyang braso bilang pang-suporta. Muntikan pa akong mapatili dahil sa gulat. Hindi ko kasi ito inaasahan dahil ang pandinig ko ay naka-focus pa rin sa sagot ni Rory.

"The fūck is he saying?" Galit na bulong ni Radge. He looks so furious. Busangot ang kanyang mukha— halatang hindi nagustuhan ang pinagsasabi ni Rory. "Let's sleep already. Huwag ka ng sumali sa walang kwentang laro na 'yan." Sabi niya sa akin at inayos pa ang kumot ko. Because of the stupefy mind, I just nodded. Hindi ko na nagawa pang sumagot at mahigpit nalang na kinuyumos sa palad ang kumot. "Gray, we're sleeping. Puputok na ang araw. Kailangan pang magpahinga." Paalam ni Radge at tumabi sa akin. Ngunit, hindi naman niya ako niyakap at tinandayan. Mabuti nga at hindi e. Baka kasi mas lalo lang akong hindi makapag-isip ng maayos at mas maging uncomfy.

"Oh? Bakit? Ayaw niyo na?" Pagkaklaro pa ni Gray pero hindi na sumagot si Radge at tumagilid nalang ng higa para pagmasdan ako. Mas naramdaman ko tuloy ang awkward kaya tumagilid rin ako patalikod sa kanya. I heard him sighed at naramdaman kong isinandal nalang niya ang ulo sa likuran ko.

On behalf of it, wala na akong narinig na pamimilit at reaction sa desisyon ni Radge. Naging tahimik na sila ng ilang segundo bago unti-unting bumuhay ulit ang mumunting usapan pero sa pagkakataon na 'to, hindi na sila ganon kaingay.

Time flies.

Silence.

Small growls.

And, random breathings.

'Yan ang naririnig ko sa paglipas ng maraming oras. Putok na ang araw at tulog na silang lahat. Dahil puyat, sure akong bagsak talaga ang kanilang mga katawan at mamaya pa magigising. Pero, ako? Hindi manlang nakatulog ng mahaba at maayos. Naka-idlip naman ako ng isang beses pero saglit lang 'yon at nagising rin ako agad. Hindi ko nga alam kung bakit e. Dahil ba nandito si Radge? Dahil ba late na akong nagising kagabi? O dahil sa mga thoughts na naglalaro sa isip ko?

I sighed.

Honestly, kanina pa 'to. Kanina pa ako napapraning kakaisip sa sinagot ni Radge kagabi. Nas-stress akong isipin na AKO ang tinutukoy niyang gusto niya. I'll admit that I'm good in academic thinking, critical thinking and whatsoever pero hindi ako asyumera. Hindi ako assuming type of person. Pero, malakas ang assumption ko na AKO talaga ang tinutukoy ni Radge.

The hēck!

Lahat ng pangyayari sa amin, nagrewind. Lahat ng pagiging touchy niya sa akin, nag-play sa isip ko. And sa pag-iisip ko na 'yon, I just realized na ako lang ang pinapayagan niyang humawak sa kanya. He has always been irritated if someone always approaches him and tries to touch him. Sa lahat ng babae, AKO lang ang nag-iisang pinapayagan niyang mahawakan siya at siya rin mismo ang humahawak sa akin. Ngayon ko lang naisip na there's a lot of situations na nangyari ang touchy thing na 'to sa amin. Simula pa nung wala pang outbreak at palagi lang kaming bangayan— siya lagi ang lumalapit at humahawak. Siya lagi. Pero kapag ibang babae na, he's been so irritated. Mabilis magalit. And the most evidence that I've seen is Quill. Si Quill ang laging malakas ang loob na lumapit kay Radge at paulit-ulit ko ring nakikita si Radge na laging inilalayo ang sarili rito.

Fûck, these things getting more clearer! Hindi ko inaasahan ang affection ni Radge towards sa akin!

But of course, I need the confirmation. Sure akong, AKO na ang tinutukoy niya pero para mapatunayan 'yon, kailangan kong marinig ng direkta mula sa kanya.

Napasapo ako sa ulo ko.

Parang sumakit ang ulo ko dahil kay Radge. Hindi dapat ito bigdeal sa akin pero pagdating sa kanya, napapa-isip ako. Parang mali na ewan— hindi ko maintindihan. I feel so uncomfortable but somewhat there's an amusement hunch I felt in the bottom of my system at 'yon ang nakakadagdag palaisipan sa akin. Like, why would I feel that? Bakit ko nararamdaman 'yon? That amusement caused something inside my stomach to feel strange at ayaw ko sa pakiramdam na 'yon.

I sighed.

This is probably the worst puzzle I had. It's making my mind and my system gets complicated. Tsk!

Marahan akong umupo sa higaan upang hindi ko magising si Radge. Tinitigan ko pa muna siya bago ako tuluyang bumangon at umalis sa kama.

I roamed my eyes around.

Sa kalapit na bintana, maliit kong hinawi ang kurtina at sinilip ang labas. Napangiwi ako sa nakita. The undead is already scattered around. They are everywhere. And worst? Mas dumami.

I sighed.

Tinalikuran ko ang bintana at sakto namang nagtama ang paningin namin ni Quill na kakalabas lang ng banyo. Bahagyang tumaas ang kilay ko sa kanya dahil sa pagkagitla, hindi ko yata siya napansing bumangon kanina dahil lulong ako sa pag-iisip ng sinabi ni Radge.

"Morning..." Sabi ko kunwari.

Tumalim ang tingin niya at humalukipkip. Tinignan niya si Radge na natutulog malapit sa amin. "Masaya bang katabi siya?" Paninimula niya na namang magtaray. "Sure akong magagalit si Radge kung makikita ka na namang wala sa tabi niya. Ang tigas ng ulo mo. You aren't that worried 'no?"

Ngumisi ako at bahagyang natawa. "Kung nag-aalala ka, take my space, Quill. It's all yours." Sabi ko. Natigilan siya dahil sa sinabi ko at parang naliwanag ang mukha. Nagpatuloy ako at tumikhim. Iniwas ko ang tingin sa kanya. "And oh, one more thing, I wanted to say sorry." Umirap ako. "I shouldn't judged your feelings. It's valid and subjectively so I must not interfre about that. I'm the one to blame on that." I said with sincerity and sighed. "But, don't get me wrong. May mga point akong gustong ipaintindi sa mga napag-usapan natin at wala na ako sa posisyon kung iti-take mo ba 'yon or not. Moreover, in this conversation, I'm not waiting for your forgiveness. Gusto ko lang mag-sorry because I step on your feelings. That's all." Mahabang litanya ko. Naglakad ako papunta sa kabilang direksyon which is papuntang silid kung saan kumukuha ng pagkain si Radge. Lalagpasan ko na sana siya pero agad siyang nagsalita.

"I'm sorry for the slapped too. Nadala lang ako ng galit ko sayo." Sabi niya, napipilitan.

Nilingon ko siya, boredly. "Accepted. But, we're still not friends."

Umirap siya. "I know."

Hindi ko na siya pinansin at tumuloy na ako sa silid kung saan kumuha ng pagkain si Radge last time. And when I entered the area, napataas ang kilay ko dahil may maliit silang kusina rito, may mga pangluto rin talaga. Hindi naman sobrang dami ng gamit pang-kusina pero tama na para sa dorm. And If I'm not mistaken, bawal 'to sa dorm. Alam kong pinagbabawal ito lalo na sa ibang school. Look, bawal na nga ang canteen sa dormitory dahil baka tumigas ang ulo ng mga student yet pinagbigyan pa rin, then malalaman ko 'to?

Lucky.

Sa totoo lang, dapat talaga ay walang canteen sa mga dorm. Why? It's for cleanliness, safety and discipline. May mga nagc-check kasi ng bawat dorm para makita kung malinis ba ang mga estudyante at ang kanilang silid. It's a must dahil covered kami ng school. Kapag may mangyari sa amin or magkaroon ng issue, sila ang kawawa kaya pinaghihigpit talaga. The Head is strict about this kaya alanganin ang canteen sa dormitory. Yet, pinagbigyan pa rin dahil sabi ng mga parents, huwag titipirin ang kanilang anak especially pagdating sa pagkain. And, ayan na nga ang result— we have our canteen in the dorm. Balato na sa amin ito ng school, pero hindi ko inaasahan na may kusina ang dorm ni Radge. This is unbelievable. Bawal 'to, ah? Meron ba silang kusina kada-dorm? Kasi sa girls dormitory, wala. Canteen lang. We're just following what the Head says. But, why would I expect? Malamang, spoiled 'to si Radge, mayaman siya. Malaki ang shares ng pamilya niya sa school. Kaya kapag gusto niya ang isang bagay, bigay agad ang Head. Tss, how lucky.

I sighed.

Naghanap ako ng pagkain. Nakakita ako ng noodles kaya iyon nalang ang pinagdiskitahan ko. I'm starving kasi eh. I could feel it. Nararamdaman ko na ang pananakit ng ulo ko. Ayoko naman itong lumala dahil magmumukha na naman akong kawawa.

"Hm, you know how to cook it?"

Bahagya akong napapiksi sa gulat dahil sa nagsalita. Sinong hindi? Ang tahimik ng paligid at seryoso ako sa pagluluto then bigla siyang magsasalita diyan.

I faced him, Rory.

"Tss, I know it." I hissed. "Gising ka na pala?"

"Hm..." Tumango siya. Nakahalukipkip siya at nakasandal sa pintuan habang pinapanood ang ginagawa ko. "I'm a light sleeper. Makarinig lang ako ng ingay, malakas o mahina— nagigising na ako."

Umirap ako. "Walang maingay dito."

He chuckled. "But I could hear the tiny voices earlier. Quill and you?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Nakinig ka?"

Ngumiwi siya at bumuntong-hininga na para bang nahihirapan siya na panoorin ako sa pag-aassemble ng lulutuin. Inagaw niya sa akin 'yon at nagsalita. "I'm not eavesdropping on you two. Wala akong narinig. You're just mumbling on my hearing. Get aside, ako na." Pagpapaliwanag niya. May kinuha siya sa bulsa niya at inabot ito sa akin. Nakita ko ang biscuit na ibibigay niya sana sa akin kagabi. "Eat it and just watch me cook."

Umirap ako at tinanggap ang maliit na biscuit. "Tss." Singhal ko at sumandal sa sink. Binuksan ko ang binigay niya at kinain 'yon habang hinihintay ko ang kanyang ginagawa.

"Are you guys having a plan for this outbreak or stay-in na kayo dito?" He asked me habang inaayos ang kakainin ko.

Sinamaan ko siya ng tingin kahit hindi siya nakaharap sa akin. "Tss, why you wanna know?"

Mahina siyang natawa. "You're really that strict, Vice President."

"Tsk, stop saying that."

"Why would I? It's true."

"Stop it."

"So, ano nga? Are you guys staying in here and just wait for the rescue?"

Umirap ako. "Yes. Natraffic lang siguro ang mga rescue for days. Maghihintay pa rin kami 'til our death.""

He chuckled again. "Dāmn, you're sarcastic."

Bumusangot ako. "If you don't want a sarcastic answer, don't ask stupid questions." Sabi ko at umirap. "Malamang may plano akong umalis dito. Ilang days na ang nakalipas, may rescue ba? None. Sinong magtatagal dito? There's not even good food here." Pagrereklamo ko.

Ngumisi siya at tumango-tango. "I see. So, you're going out alone?" Natigilan ako sa sinabi niya. He's quite a message observer. "If you're planning it, sasamahan kita."

Umirap ulit ako. "I don't need a backer."

"You need it."

"I don't. Kaya ko ang sarili ko."

"You're a girl. Paano nalang kung may halimaw na lumapit sayo? And what if it's a boy? Malakas pa rin ang force nila kesa sa babae."

"So, what? I know how to protect myself."

Natapos ang kanyang pagluluto at inilipat ito sa mangkok. After that, binigay niya sa akin. Tinanggap ko naman 'yon habang nakabusangot at nagsimulang kumain. Pinanood niya naman ako at nagsalita. "You can't protect yourself. Porket ba magaling ka sa fencing, kaya mo na lahat?"

Natigilan ako.

Yeah, right. Fencing. That's my sport.

Sure akong nalaman niya 'yon dahil nakikita niya ako lagi sa studio kung saan ako nagpa-practice ng fencing. He's a scout captain kaya kung saan-saan 'yan siya napapadpad. And, sure ako, may hint naman ang mga student sa sports ko dahil kakaunti lang ang players ng fencing sa school.

Ngumuso ako. "I just need a sword, that's all. And, I'm going to be fine." I sighed. "I need to find my cousin, anyway..."

"Oh, Zeor?" Sumandal siya sa sink.

Bumusangot ako. "How did you know?"

Ngumisi siya. "Zeor is my friend. He told me about you." Paliwanag niya at sumeryoso. "Why? Anong nangyari?"

Nagkibit-balikat ako. "I don't know. It's complicated. Basta ang sabi nitong mga kasama ko, napahiwalay ang pinsan ko—"

"Right!" Pinutol ni Rory ang sinasabi ko. Nakaangat ang tingin niya na para bang biglang may pumasok sa isip niya. "I heard a scream. Nakarinig ako ng sumisigaw sa floor namin nung nakaraan. Kaya pala the voice seems familiar—"

"It might be Zeor!"  Sabi ko. Para akong nabuhayan dahil sa sinabi niya. Nailapag ko ang pagkain at mas nilapitan siya. Parang nabuhay ang buong sistema ko sa balita na 'yon.

"Baka siya nga?" Sabi ni Rory at tumikhim. "Sumisigaw siya that time na pagbuksan namin siya ng pintuan and he might be checking all the doors dahil narinig ko rin ang pagkalampag ng sigura nito pati na rin ang iba pa. It might be him."

"Nasaan ba kayo that time?"

"We're on the third floor nung nahanap kami nila Gray. At itong dorm nila Radge ay nasa second floor. The whole building consists of five floors." Sumeryoso siya. "Kung napahiwalay siya sa inyo at narinig namin siya don sa third floor, it means, umakyat siya sa itaas."

"But, how? Sabi ni Radge, nung naghiwalay sila, sa kabilang direksyon si Zeor dumaan..."

"Ano naman? Kung hindi niyo alam, may dalawang daanan ang aming dorm. We have two stairs. Side by side. Left and right."

Nanlaki ang mata ko. "It's probably him! It's him! It's him! It's my cousin!" Sabi ko at mabilis na naglakad papalabas ng kusina. Dire-diretsyo ako papunta sana sa pintuan kung saan ang pinaka-exit ng dorm nila Radge pero hindi ko pa man naaabot ang sigura ng pintuan, may pumigil na sa palad ko at marahas akong hinila papaharap sa kanya.

"Curse, don't..." Agad na natigilan si Rory nung makita niya ako. Naiwan sa hangin ang dapat na sasabihin niya at napatitig sa mukha ko.

Napahikbi ako sa harapan niya.

Halata ang gulat sa mga mata niya. He's probably unaware to see me like this. Tahimik akong lumuluha sa harapan niya habang may talim ang tingin. I couldn't help it. Naghalo ang kasiyahan, pag-asa at pangungulila sa damdamin ko ngayon dahil sa nalaman about kay Zeor. My heart is pounding hard because of him. I wanted to see him. Gusto ko siyang puntahan. Gusto kong makita kung okay ba siya at safe. Gusto ko siyang makasama even though I'm that harsh on him. Even though, I always bully him with my words. Mahalaga siya sa akin. It's just our thing. Come on, he's my cousin for pete's sake!

"Let me...go." Masama ang ipinukol kong tingin kay Rory dahil sa pagpigil sa akin. Nanatili pa rin siyang tulala dahil sa biglang iyak ko. Unti-unting lumuwag ang kanyang pagkahawak sa akin kaya marahas ko na itong binawi.

Nilingon ko pa muna si Radge dahil baka magulat ako— isa na rin siya sa pumipigil sa akin. Mabuti nalang, nung sulyapan ko, tulog pa rin siya. Nakahinga ako ng maluwag dahil mukhang malalim pa rin ang kanyang tulog. Malaking tulong si Quill. Why? Dahil nasa tabi ito ni Radge, kung saan ang pwesto ko kanina. He's holding her waist and they looked very comfortable at sight. The look fine together. Great! This is my chance!

"Fûck! Hahaha! These zombies are really~"

Nagkatinginan kami ni Rory nung makarinig kami ng boses sa labas ng dorm. Zombie's can't speak, kaya sino 'yon?

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at binuksan ko ang pintuan. Natigilan agad ako nung lumagpas sa harapan namin ang isang lalaki na tumatakbo. I also heard the growl kaya napatingin ako sa opposite direction. My eyes widened when I saw a lot of undead following him at malapit na ito sa banda namin.

I don't know what happened next pero dahil sa urge, nahanap ko nalang ang sarili kong humahabol sa lalaki na tumatakbo sa unahan ko. Kasunod ko si Rory na tumatakbo rin pahabol sa akin at ang nasa likuran niya ay mga gutom na gutom na halimaw.

The hēck, this is really the worst!

Continue Reading

You'll Also Like

177K 5.1K 92
A villainess known by all as a wicked woman who has done all sorts of evil deeds-Ducal Lady Violet. She regained her memories of her previous life af...
77K 7.4K 42
Hi.. I am a huge fan of SidNaaz.. Trying writing for the first time.. Please bear with me.. How a landlord Sidharth fell in love with his tenant She...
118K 5.1K 27
Inspired by Arsenic Blues by 11QueenSupreme11 and Young Gods by phoenix1770, but with my own plot. This is a mix of reactions and story. What happens...
145K 1.7K 26
mikha and aiah found out na mag tita sila!!