Forever, We Fall SEASON 3 (Ad...

By Labxzaza

15.3K 965 238

Ang pag-iibigan nila winter at philip ay sinusubok ng tadhana. Naging matatag sila sa lahat ng pagsubok nguni... More

DISCLAIMER
PROLOGUE
Chapter 1
THE GIFT
SPG SECOND TOUCH
The news
SPG (Warning R-18)
CAUGHT THEM TOGETHER
Angelina's Plan
Pagbabanta
Announcement
Pagkabigo
Decisions and Letting go
Fight for love
Blaiming Herself
Both Suffering
Waiting: Trust her
The Last Visit
Warning: Tragic Part
PAGSUBOK
BAGONG SIMULA
The Old Philip
The Buyer
Muling Pagkikita
SOLD TO Mr FALCON
His Cold Treatment
The Bravest
The Deal With The Buyer
Meet The Real Buyer
Harsh Word
Before and After
The Wedding Date
The Unexpected
The Carring Mr Falcon
Ang nakaraang pag-ibig
Pushing him away
Revealation About Lola Perla's Death
Ang katotohanan
Confrontation
Pregnancy Test
Maling Akala
PAGTATAPAT
First night again
Mahal pa rin kita
The Unforgettable Night
Pursuing Her
Ang pag-iibigan
Visiting Lola Perla
Unconditional Love
Forgiveness And Peace
The Finale
EPILOGUE
SPECIAL CHAPTER

Giving Up

145 13 4
By Labxzaza

Chapter 13

Third Person Pov.

Tahimik ang dalagang si winter habang nasa hapag ng mesa. Kasalukuyan silang nasa mansyon nila calix matapos silang palayasin ni angelina sa kanilang sariling tahanan.

Wala silang ideya na binalak talagang bilhin ni angelina ang bahay kung kaya't halos mabigla sila sa pagdating nito kanina.

Natural na wala silang magagawa dahil may kasulatang pinirmahan si winter. Kahit ibalik pa nila ang pera ni angelina, wala din mangyayari dahil nga naipasa na ang pangalan ng titulo sa mga falcon.

Nasa sala si lola perla habang kausap ngayon si leonore. Kasama naman na ni winter si calix na ngayon tulala lamang dahil sa nangyari, isinalaysay ni calix sa kanyang ina ang totoong nangyari sa kanila. Dahil na rin kilala ni leonore si angelina ay bigla itong nagulat sa nalaman. Ibang iba kasi ang ugali ni angelina lalo na sa ibang tao, kung kaya't nagtataka si leonore na bakit ganon ang ginawa niya.

Walang pagpipilian si calix kundi sabihin ang nakaraan nila ng ama ni winter at angelina. Muli'y nabigla ang mommy ni calix dahil sa sinabi niyang iyon, wala naman na kasi siyang nalalaman na may past pala sila angelina at henry. Ang alam lang ni leonore, madalas na tumungo sa farm si angelina dahil ang mama nito at si lola perla ay matalik na magkaibigan.

Hindi alam ni leonore na nagkaroon pala ng relasyon ang dalawa.

“Hindi mo ba nais dalhin si lola sa ospital?” nilingon ni winter sa calix dahil sa tanong niya iyon. Medyo nahilo kasi ang matanda habang patungo sila dito, at nang suriin ni leonore ang bloob pressure nito ay medyo mataas iyon.

Ang kaso nga lang ay ayaw magpadala ng matanda sa ospital. Tiyak na iniisip nito ang gastos kung kaya't kinalmahan na lamang niya ang kanyang kaisipan.

“Hindi rin naman papayag si lola, cal. Kilala mo siya, mas gugustuhin nitong magpagaling sa bahay kesa tumungo ng ospital.” napabuntong hining si calix. Dahil namatay ang lolo ni winter sa ospital at medyo napabayaan siya doon, hindi na muling nagtiwala si lola perla sa mga doctor. Medyo may galit pa rin ito sa nangyari dahil hindi agad naasikaso ang asawa niya kung kaya't mas lalo lang lumubha ang lagay nito na naging sanhi upang agawan siya ng buhay.


“Pwede ba siyang magbiyahe bukas? Kung gusto mo, dito muna kayo hangga linggo.” pilit na ngumiti si winter bago umiling.

“Nakakahiya naman na kay tita at tito, makakaistorbo pa kami sa inyo.”

“Tsk, anong istorbo? Kahit kailan hindi kayo naging abala wen, welcome na welcome kayo dito sa bahay at tiyak na ikakatuwa pa iyon ni mommy..” nagbaba ng tingin si winter at hindi sinagot ang kaibigan.

Ilang segundo rin ng bigla'y tumunog ang cellphone nito. Inaasahan na niyang si philip ang tumatawag ngunit bigla'y nanlumo ito ng unknown number lamang ang nakita niya sa kanyang screen. Sinagot niya iyon kahit hindi nito alam kung sino ang tumatawag, natigilan siya ng babae ang marinig na tinig sa kabilang linya at pamilya iyon sa pandinig niya.

“Winter, are you there?” si trixie ang nasa kabilang linya, medyo masaya ang tinig ng pinsan at may kaingayan sa kabilang linya.

Tumikhim ang dalaga bago ito tuluyang tumayo at magpaalam saglit kay calix na kakausapin na muna niya ang tumawag sa labas ng bahay.

Nagmamadali itong lumabas upang sagutin si trixie na naghihintay ng kanyang sagot.

“Trixie, ikaw pala. Napatawag ka?”

“I just want to check you and lola. Kumusta kayo diyan sa pilipinas?” matagal bago makasagot si winter dahil hindi nito malaman kung tama bang sabihin niya sa pinsan kung anong nangyari ngayon sa kanila sa pilipinas. Ngunit nag-aalinlangan siya dahil na rin sa tiyahin nitong si raquel, kilala kasi niya ang ugali nito at tiyak na magagalit lamang iyon kung malalaman niya ang tungkol sa nangyari sa kanila.

“M-maayos naman na kami, k-kayo ba ni tita?”

“Were okay too, i already passed the exam last week. May job offer ako ngayon dito, excited ako!” sa tinig ni trixie, halatang masaya siya. Sino ba naman ang hindi sasaya kung matupad nito ang pangarap na maging architect. Iyon naman na ang nais ni trixie noon pa man kahit na ang gusto sa kanya ng mommy nito ay maging guro din. Ngunit hindi pumayag si trixie at mas sinunod nito ang nais niya, ngunit may kundisyon iyon. Susundin lahat ni trixie ang nais ng ina kapalit ng kursong gusto nitong kunin.

“Nasaan si lola? Pwede ko ba siyang makausap? Dalawang linggo kaming naging busy dito, wala na kaming balita sa inyo.” bumuntong hininga si winter.

“Natutulog pa si lola sa loob, sasabihin ko na lang na tumawag kayo pagka-gising nito mamaya.” dinig nito ang pagbuntong hininga ni trixie sa kabilang linya. Alam naman din ni winter ang gagawin ng lola niya, tiyak na hindi rin nito nais ipaalam sa anak niya ang nangyari sa kanila at kung mas makakabuti ay itatago na lamang nila iyon sa anak na nasa malayo.

Matagal tagal din naman na ang pag-uwi nilang muli dito sa pilipinas. Lesensyadong guro na kasi doon si raquel at tatlong taon pa ang hinihintay nito bago siya magretired.

“Ganon ba? Medyo matagal pa ang pag-uwi ko diyan sa pilipinas. Pero mabilis lang naman na ang panahon, sigurado pag-uwi ko riyan isa ka ng guro at may anak ka na.” tipid lamang na natawa si winter dahil sa narinig. Sigurado namang alam na ni trixie ang tungkol sa kanila ni philip, ang kaso lang. Hindi masasabi ni winter ang problema nilang dalawa. Hindi na nito kailangan ipaalam pa pinsan kung anong problema nila.

“Tingnan natin kung anong mangyayari sa taong iyon, mag-iingat kayo ni tita diyan. Sasabihin ko na lamang kay lola na tumawag ka.”

“Alright, next month na daw magpapadala si mommy. You know naman, daddy is sick..” tumango si winter kahit hindi nakikita ni trixie. Isa pang dahilan iyon kung bakit hindi nais ipaalam na dalaga sa kanila ang nangyari ngayong araw. May sakit kasi ang daddy ni trixie at halos nakaraang taon pa ito nanggagamot. May cancer siya ngunit hindi pa naman gaanong malubha kung kaya't magastos talaga ang nangyayari sa pamilya ng tiyahin niyang si raquel.

“Maayos lang naman kami dito trixie, ayos lang naman kung huwag muna kayong magpadala kung nabibitin din kayo sa pera. Makapagtatrabaho naman na din ako.”

“Are you sure? May mga gamot pa ba si lola for her blood pressure? Yung ulcer ba niya ay hindi na sumusumpong?”

“Hindi na, magagawan ko naman na ng paraan ang gamot ni lola. Huwag niyo siyang masyadong isipin dito.”

“Then, if is that the case. I will tell to mommy later. Sa totoo lang kasi, gumastos ako ng malaking pera sa exam and for my tools. Pero babawi naman na ako kay lola after i receive my first salary, okay?”

“Okay, trixie. Mag-iingat kayo..”

Nagpaalam na rin ang pinsan nito at muli niyang hinabilin ang kanyang lola na huwag niya itong pabayaan. Sinabi ni winter na gagawin niya ang lahat upang mapabuti ang kanilang lola at huwag silang mag-aalala dahil maayos lamang ang lagay ng matanda.

Matapos maputol ng tuluyan ang linya, may nakitang missedcall si winter na nagmumula kay philip. Sunod-sunod rin ang pagpasok ng mensahe ng binata dahilan upang magtagal ito saglit sa labas. Binasa lahat niya ang text messages ni philip na naglalaman ng pag-alala dahil nga hindi sila naabutan ng binata sa kanilang tirahan. Nasabi din ni philip sa kanyang text message na bakit may yellow line sa palibot ng bahay nila ngunit wala naman ng nangyaring masama.

Hindi nagreply si winter maski isa sa mga text messages ni philip. Para bang dinadama pa rin nito ang nangyari at ginawa ni angelina sa kanila. Hindi niya nagustuhan iyon dahil alam niyang nasaktan ang damdamin ng kanyang lola, ngunit wala itong magagawa sa ngayon kundi tanggapin na lamang ang nangyari. Hindi sana niya nais idamay sa galit si philip ngunit naguguluhan ito, malayo na ang nasa isip niya habang nasa labas ng bahay bago biglang may humawak sa kaliwang balikat nito.

Mabilis siyang napalingon sa taong humawak sa kanya at doon nakita nito si calix na medyo nag-aalinlangan pa sa ginawa niya. Nangunot ang noo ni winter bago niya ibulsa ang hawak na cellphone.

“May problema ba?”

“Si lola perla kasi, medyo hindi maayos ang timpla niya. Kumbinsihin mo na itong magpatingin sa doctor, huwag mo ng iisipin ang gastos. Ako na ang bahala doon.”


Kahit nag-aalangan si winter sa gastos, sumang-ayon na lamang ito sa sinabi ni calix. Mabilis silang pumasok at agad nitong nilapitan ang matanda. Nakasandal ito sa sofa habang muling sinusuri ni leonore ang blood pressure nito. Ngunit tulad lamang ng dati ay mataas lang din iyon kaya't kailangan niyang mabigyan ng sapat na gamot at masuri ang kundisyon nito sa ospital.

Medyo mabibigat rin ang kanyang paghinga senyales na naninikip ang kanyang dibdib. Hinawakan ni winter ang braso ng kanyang lola dahilan upang sulyapan siya ng matanda.

“Halina po, la. Pumunta na tayo ng ospital, kailangan niyo na pong matingnan.” bumuntong hininga ang matanda bago umiling.

“Maayos lang naman ako apo, huwag mo akong intindihin.”

“Hindi naman ho kayo mukhang maayos, la. Sumunod na lang ho kasi kayo sakin.” tumango si leonore sa sinabi ni winter.

“Tama po ang apo ninyo, tita. Ipapasuri lang naman namin kayo sa doctor, kung maayos nga kayo ay uuwi rin tayo agad at hindi magtatagal doon.”

“Ayoko, leonore. Ipagtimpla niyo na lamang ako ng calamasi juice, iyon lang ang iinumin ko..”

Napabuntong hininga silang dalawa dahil sa isinagot ng matanda. Wala din magawa si calix dahil gaya nila, kinumbinsi rin nito ang matanda na tumungo na sa ospital upang matingnan ang kanyang kundisyon. Kakaiba kasi talaga ang lagay ngayon ng matanda dahil tiyak na naapektuhan ito sa nangyari kanina. Totoong sumama ang loob niya dahil sa pagbili ni angelina sa bahay, alam niyang may koneksyon iyon sa relasyon ng kanyang apo at ni philip kung kaya't gagawin lahat ni angelina upang layuan na ng apo niya ang anak nito.

Ngunit hindi naman iyon i-uutos ng matanda sa apo niya. Alam nitong mahal niya si philip at hindi niya nais maipit ang dalaga dahil lamang sa kasamaan ng angelina na iyon.



Si winter na mismo ang gumawa ng calamansi juice habang nagtatawag naman ng doctor si calix upang sana'y sa bahay na lamang matingnan ang matanda. Ngunit hindi pa man tuluyang nagagawan ni winter ng maiinom ang kanyang lola, bigla ng sumigaw si leonore dahil biglaan lamang ang pagkakatumba ni lola perla sa kanyang pwesto. Mabuti na lamang ay nasalo ito ni leonore at hindi ito tuluyang napahiga sa sahig kundi masasaktan talaga ang matanda.

“Tulungan niyo ako! Calix!” agad ng tumakbo si calix upang tulungan ang kanyang ina na i-angat ang matanda. Mabilis 'ding nakalabas si winter mula sa kusina na halos takbuhin na ang kinaroroonan ng kanyang lola.

“L-lola, g-gising po!” wala ng malay ang matanda matapos nila itong maisandal. Dahil doon, agad ng binuhat ni calix si lola perla upang isakay sa kanyang kotse. Umiiyak si winter habang katabi ngayon ang matanda, pilit niya itong tinatawag ngunit hindi talaga nagbibigay imik ang matanda sa kadahilanang wala na talaga siyang malay sa sobran taas ng blood pressure nito.

Sa malapit na ospital dinala si lola perla na agad inasikaso ng mga nurse dahil nga kilala nila ang mga montemayor. Agad silang tumawag ng doctor upang masuri ang lagay ng matanda kung bakit wala itong malay ngayon. Ilang minuto lang ng dumating ang doctor at agad ng sinuri ang tibok ng puso ni lola perla maging ang mata nito. Inutusan nito ang mga nurse na lagyan ng swero ang matanda dahil inanunsyo nitong heart attack ang nangyari sa matanda.

In-admit nga si lola perla sa ospital na iyon, nananatiling walang malay ito hangga sa malipat siya sa private room. Sobra-sobra ang pag-aalala ni winter dahil sa nangyari sa kanyang lola, hindi pa nito natatawagan ang kanyang magulang dahil hindi niya alam kung paano uumpisahang sabihin ang nangyari sa matanda.

Pero nasabi ni leonore na kailangan na niyang tawagan si elena at henry. Dapat malaman nila ang lagay ngayon ng matandakaya't wala siyang pagpipilian kung hindi tawagin ang kanyang ina.

Lumabas ito sa silid habang dinadial ang numero ni elena. Ilang beses lamang na nag-ring iyon ng sagutin agad ng kanyang ina ang tawag niya.


“Hello, wen..” dinig nito sa kabilang linya ang ilang maiingay na tinig senyales na may inaasikaso itong costumer. “Pasensya na, medyo maingay dito. Napatawag ka?” isang beses na lumunok si winter bago humugot ng lakas. Hindi na niya kailangan pahabain pa ang pag-uusap nila at dapat na nitong sabihin ang lagay ni lola perla.

“S-si lola h-ho kasi, m-ma..” iyon ang siyang lumabas sa bibig niya na medyo hindi masabi ng diretso ang pakay.

“Si mama? Anong nangyari sa lola mo?” unti-unting humina ang maingay na boses sa kabilang linya senyales na lumayo si elena sa mga tao. Ilang segundo lang ng tuluyan tumahimik ng muling magsalita ang nanay niya. “Nasaan ba kayo, wen? Kailan kayo luluwas pauwi dito?”


“H-hindi po muna kami m-makakaluwas ni l-lola bukas..”

“Bakit may problema?”

“S-si lola po kasi, i-isinugod namin siya ngayon ni tita leonore sa ospital, i-inatake po siya sa p-puso...”


“Oh diyos ko!” napasigaw ang nanay nito sa kabilang linya dahil sa sinabi ng anak. “Kumusta naman na ang lagay ni mama? Maayos lang naman siya hindi ba?”

“N-natutulog po siya ngayon, tinurukan po ito ng gamot kanina upang bumaba ang blood pressure niya. Hinihintay ko lang ngayon ang resulta ng bloodcem..”

Matagal bago sumagot si elena na para bang pinapakalma ang sarili dahil sa nalaman. Kalaunan ay bumuntong hininga ito bago magsalitang muli.

“Isend mo ang address kung nasaang ospital kayo ngayon, tatawagin ko agad ang papa mo para makauwi. Luluwas kami ngayon.” kinagat ni winter ang pang-ibabang labi bago tumango kahit hindi nakikita ng ina. Pinipigilan niya ang emosyong namumuo sa dibdib nito at para bang sinisisi nito ang sarili dahil sa nangyari ngayon kay lola perla.

Inisip ni winter na dapat hindi na siya nagmatigas pa, dapat pala ay pumayag na siyang layuan si philip upang hindi na ginalaw ni angelina ang bahay nila. Sa nangyaring ito, parang kasalanan niya kung bakit nasa ospital ngayon ang matanda.

Muling nagpaalam ang nanay niya sa kabilang linya upang asikasuhin na ang kanilang pag-alis, nasabi ni elena na agad silang luluwas upang may makasama sila sa ospital. Medyo nakahinga si winter dahil na rin nasabi na nito sa mama niya ang kalagayan ngayon ng kanyang lola. Ilang segundo nitong pinapakalma ang sarili bago hawakan ang doorknob ng silid. Ngunit hindi pa man ito tuluyang nakakapasok ng tumunog ang kanyang cellphone.


Huminto siya at panandaliang sinilip ang screen upang tingnan kung sino ang tumatawag. Nang makitang si philip iyon ay tuluyan na itong umatras upang sagutin ang tawag.

Hindi siya nagsalita.

Itinapat lamang nito ang cellphone sa tenga at hinintay marinig ang boses ng nobyo.

“Winter! Oh god, finally. Sinagot mo rin ang tawag ko! Nasaan ka ba? Anong nangyari sa bahay niyo! Kanina pa kita hinahanap!” nagbaba ng tingin si winter bago bumuntong hininga sa huling pagkakataon. Sa sobrang dami ng tanong ni philip ay wala siya ni isang sinagot, hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito at kung paano na itutulak palayo ang binata.

Masyado ng naapektuhan ang lahat dahil lamang sa relasyon nila.

Ito na siguro ang oras upang sumuko na.

Upang bitawan na niya ang binata.


“Dvmn winter! Why don't you fvcking answer me! Nag-aalala na ako sayo! Sumagot ka naman!”

“I-im s-sorry, p-philip...” tinakpan ni winter ang bibig upang hindi ito lumikha ng paghikbi. Dahil sa sunod-sunod na nangyari sa buhay niya, hindi na nito alam ang gagawin. Nawawala na siya sa focus dahil palagi na lang may hadlang.

Hindi na nawawala ang bigat sa dibdib nito.

“W-winter naman, why are you calling me p-philip? A-ayokong tinatawag mo ako sa pangalan ko. Y-you should call me ashong, b-bakit ba n-nag-sosorry ka?”


“T-tama na. T-tigilan na natin ito, a-ayoko na...”

“N-no, winter. S-sabihin mo sakin ngayon kung nasaan ka, p-pupuntahan kita. P-pagod ka b-ba? A-ano bang n-nangyayari sa-yo?”

“N-nagdesisyon na ako, philip. M-masyado na tayong n-nahihirapan. I need space, h-hindi ko na kaya. M-masyado ng masakit, sobrang kumplikado na, p-please...”


“B-bakit ba n-napakadali lang s-sayo na s-sukuan ako? B-bakit mo ba ako s-sinasaktan ng g-ganito?”

“L-let's take this off, kailangan ko ng magpaalam. M-mag-iingat ka, h-huwag mo na akong h-hanapin pa...”

Matapos sabihin lahat iyon ni winter. Pinatay na nito ang tawag maging ang cellphone niya. Pinunasan nito ang umagos na luha sa kanyang pisngi dahil hindi lang naman si philip ang nasasaktan ngayon.

Kung hindi, siya rin.

Durog na durog na ito at hindi na niya alam ang gagawin pa.


*********


to be continued.....



Continue Reading

You'll Also Like

227K 4.8K 23
Denzo is destined to be Lezil's husband, but he can't give up Sandy, his girlfriend, just because of what his parents planned about marrying other wo...
7.7M 227K 55
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
10K 614 32
Si Ashton Philip Falcon ay kilala bilang bully na binata. Maraming rin ang humahanga rito dahil sa taglay niyang karisma at dating. Sa sobrang sikat...
954K 32.8K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.