The Finale

362 17 3
                                    

Chapter 50

Third Person Pov.

The entire room was almost wrapped in cold by the air conditioner.

In the middle of the room, there was the bed where Angelina was lying with oxygen in her nose.

Philip could hardly get close to his mother because of what she was seeing. Angelina's long hair is no longer with her, she has a bandage wrapped around her head because it was damaged during surgery.

Mahimbing na natutulog ang kanyang ina habang nasa gilid naman si richard, ang daddy ni philip. Jacob is still with them dahil hindi naman din siya gaanong abala.

Si winter naman ay tahimik lang na nakatayo sa gilid ni philip habang nakatingin sa ginang. Hindi niya akalain na ganito pala ang sitwasyon ni angelina, ang alam lamang niya ay nasa ospital ito ngunit hindi naman ganoon kalala ang lagay niya.

"It's good that you visited your mommy, ashton. Siguradong matutuwa siya sa oras na magising ito," maging ang tinig ng kanyang ama ay nahahaluan ng galak. Natutuwa rin kasi ito na makita si philip na dinalaw ang kanyang ina. Kahit na marami silang hindi magandang bagay na nagawa, hindi pa rin talaga siya nagtanim ng sama nang loob.

"I told you, I will still visit mommy. I just need a little time," his daddy nodded to what he said. He stood up from where he was sitting to greet Philip with a hug.

"I'm really sorry for what happened, we made a big mistake with you. Especially with winter, masyado namin kayong hinadlangang dalawa..."

Philip sighed while winter remained silent. Naiintindihan naman siya ni winter, ganoon kalawak ang pag-iintindi nito na kahit gaano kalaki ang ginawa mong kasalanan sa kanya ay mapapatawad ka nito ng walang kahirap-hirap.

Lalo na ngayon sa sitwasyon nila. Hindi talaga inaasahan ng dalaga na ganito ang bubungad sa kanya. Halatang matinding paghihirap ang naranasan ni angelina dahil sa dumapong sakit sa kanya. Bumagsak na ang katawan nito kumpara noong malusog siya, wala na rin ang mahaba nitong buhok dahil paniguradong kailangan siyang kalbuhin para sa surgery.

"Kumusta na po ang lagay ni tita?" nabaling ang atensyon ni richard sa tanong ni winter. Tipid siyang ngumiti bago tingnan ang asawa.

"Ang sabi ng doctor, mahina pa ang katawan niya. She still need chemo at mananatili pa siya ng ilang linggo dito, dipende sa lakas ng kanyang katawan." hindi na nagbigay ng imik si winter. Natuon na lamang ang paningin nito sa ginang na halatang malalim pa rin ang pagkakatulog.

Hindi malaman ng dalaga kung anong sasabihin niya. Hindi rin nito alam kung paano aaluhin si philip dahil siguradong nasasaktan din ito sa nakikita.

Gayun man, nagdesisyon pa rin si winter na manatili muna sila sa ospital habang nagpapagaling ang mommy niya.

"Ihahatid kita sa probinsiya, winter. Kung ayos lang iyon sayo," nakatingin lang ang dalaga sa binata matapos niyang sabihin iyon. Nagpa-alam na si jacob kanina pa dahil tumawag ang asawa nito. Si richard naman ay may inayos lang saglit kaya't silang dalawa muna ang naiwan na nagbabantay kay angelina.

"Sayo ba, ayos lang ba 'yon sayo?" mabilis na umiling ang binata.

"Syempre hindi, pero baka masyado kang ma-expose dito sa ospital. Ang baby natin baka makasagap ng sakit,"

Forever, We Fall SEASON 3 (Adonis Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon