The Last Visit

121 8 2
                                    

Chapter 17

Winter Pov.

Pasado alas nuebe ng gabi, patapos na kami sa gawaing bahay kung saan niligpit namin ang ilang kalat. Katuwang namin si calix at ang ibang trabahador ng farm upang maayos ang bagong silid ni lola, medyo pinagpapawisan ako kahit gabi na. Marami kasi akong inasikaso sa mga gamit ni lola na nais niyang nasa ibabaw ng mesa niya.

Ilang linggo na rin simula ng makauwi kami, medyo maayos na ang pakiramdam ni lola at kinailangan na lamang niyang magpahinga. Kailangan rin niyang magmaintain muli ng gamot na nireseta pa sa kanya ng doctor.

Ayos lang naman kahit madaming gastos, ang importante ngayon ay maayos na si lola.

“Someone called earlier, pero hindi naman siya nagsasalita.”  nangunot ang noo ko kay calix matapos nitong ibigay sa akin ang cellphone ko. Ilang araw na rin kasing hindi nagcharge ang cellphone ko kung kaya't naisipan niyang buksan iyon. Kailangan ko na rin palang magpalit ng simcard upang kung sakali man na tumawag sa akin si ashong ay hindi na nito ako macocontact.

“Hindi ba nakasave ang number niya?” umiling si calix.

“Unknown number eh, sinagot ko na baka kasi si trixie o kaya si tita raquel.”

Tumango ako sa sinabi ni calix, naupo ako sa mahabang sofa bago kunin ang papel at ballpen na nasa mesa. Binuksan kong muli ang cellphone upang kunin ang ilang importanteng contact number. Matapos 'non ay tuluyan ko ng inalis ang simcard sa aking cellphone upang magpalit na ng bagong numero.

“Gusto mo ba ng kape?” umiling lang si calix sa tanong ko. Nakatayo lang siya sa gilid habang nagmamasid sakin. “Snacks o kahit ano?”

“Tubig na lang.” tumango ako bago tumayo, wala pa sila mama at papa dahil nasa farm pa sila. May inasikaso lang silang delivery ngayon kung kaya't ginabi sila ngayon.

Ikinuha ko ng maiinom si calix, samantalang ang ilang trabahador ay tumungo na sa kanilang silid. Si lola naman ay namamahinga na sa kanyang kwarto. Medyo humina ngayon ang katawan ni lola, idagdag mo pa na biglang inubo ito kaninang umaga kahit na wala namang dahilan upang ubuhin siya.

Inilapag ko sa harapan ni calix ang pitsel na may malamig na tubig. Nag-abot ako ng baso sa kanya kung saan siya na mismo ang nagsalin. Nakaupo na ito sa pwesto ko kanina kung kaya't magkatabi na kami ngayon, hindi naman na masyadong abala si calix ngayon dahil next month pa ang kanyang board exam. Samantalang ako ay sa susunod na taon muli ako susubok.

“Are you okay, wen?” nangunot ang noo ko sa tanong nito, matagal bago ako makasagot ngunit nakabawi naman na.

“Ayos lang naman ako, medyo pagod nga lang.”

“No, i mean your heart. Yourself? Are you really okay now?” naisara ko ang bibig dahil sa tanong ni calix, kalaunan ay nag-iwas ako ng tingin bago mapilitang ngumiti.

“Ano bang klaseng tanong iyan, cal? Yung puso ko, humihilom na. Ang sarili ko unti-unti ng nagiging maayos, hindi mo na kailangan pang i-open up iyon.”

Bumuntong hininga siya. “I didn't see the old winter before. Parang ibang tao ka na kasi, iniisip ko na baka apektado ka pa rin sa paghihiwalay ninyo ni philip at sinasarili mo lang ang nararamdaman mo.” nilingon ko si calix bago ito ngitian.

“Sinabi ko naman sayo, hindi ko na maibabalik pa ang dating ako. Masyado ng maraming nangyari, may mga karanasan na akong nagpabago mismo sa sarili ko. At hindi lang basta kasiyahan ang nagpapabuhay sa isang tao, dapat may pera ka. Dapat may ipagmamalaki ka upang tanggapin ka nila, upang mahalin ka nila. Iyon ang tumatak sa isip ko.” Hindi sumagot si calix sa sinabi ko. “Noon hindi ko iniisip iyon dahil kuntento na ako kung anong meron ako. Pero ngayon, magsisikap ako. Hindi para magustuhan nila, kundi para maipagmalaki ako ng mga taong nagmamahal sa akin.”

Forever, We Fall SEASON 3 (Adonis Series 3)Kde žijí příběhy. Začni objevovat