The Bravest

289 16 13
                                    

Chapter 26

Winter Person Pov.

Sa dinami-dami ng taong maaari ko‘ng kamuhian. Bakit ang lalake pa na dati ko‘ng minahal?

Maaari palang mangyari iyon?

Pwede palang magalit ka kahit na ang nararamdaman mo noon sa kanya ay pagmamahal lang.

Ngunit alam ko namang lumipas na iyon, nangyari na iyon at nasa nakaraan na. Hindi ko na dapat iyon iniisip pa, hinding-hindi na.

“Bakit ganoon magsalita sa‘yo si mr falcon? Magkakilala ba kayo noon?” bumuntong hininga lamang ako sa tanong na iyon ni grace. Nasa isang coffee shop kami, malapit ito sa company ni philip dahil nga hindi kami pinapasok doon. Kailangan ko pa‘ng mag-set ng appointment upang tuluyan kaming magka-usap.

Kung hindi lamang sana importante sa akin ang paaralan. Hindi ako maglalakas loob ng puntahan at kausapin siya. Naiinis ako, feeling ko may iba siyang pinaghuhugutan kaya ang paaralan ngayon ang pinagdidiskitahan niya. Nagagalit ba siya sakin? Nais niya ba akong paghigantihan gamit ang paaralang iyon?

“Nagkakilala kami noon sa fatima..” tumango-tango si grace sa sinabi ko.

“Magkakilala naman na pala kayo, pero bakit ganiyan ang trato niya. At saka pa, ano iyong magaling ka namang umalis?”

Nag-iwas ako ng tingin dahil sa tanong niya. Malamang na narinig niya iyon kanina dahil nalalapit siya sa akin.

“Personal na usapan lang iyon, may mga bagay kasi na nangyari sa amin. Hindi maganda..”

“Kaya siya ganon? Sabihin mo nga, nanligaw ba ‘yun sayo dati at binusted mo?”

Natawa ako sa tanong niyang iyon. “Hindi, grace. Huwag mo ng alamin pa ‘yon, may bagay na sadyang hindi natin maipaliwanag..”

“Bakit ayaw mo‘ng i-share? Naging jowa mo si mr falcon ‘no? Aminin mo, napaka-bitter niya kasi eh!”

Luminga ako sa paligid upang tingnan ang mga katabi namin. Wala naman ng nakarinig sa sinabi niya dahil ayoko ng ipaalam iyon kahit kanino pa.

“Hays, oo na winter. Balisa ka na, alam ko na ang sagot. Hindi naman na magkaka-ganon si mr falcon kung walang malalim na dahilan. Kaya pala..” tumango-tango siya kahit hindi ako nagbigay ng sagot. Hindi rin naman na ako tumanggi pa dahil iyon naman na kasi ang totoo.

Bumuntong hininga na lamang ako bago sumimsim sa iniinom ko‘ng kape.

“Alam mo, siguradong may rason kung bakit nagagalit ‘yung lalakeng ’yon. Naiinis ako sa kabitter-an niya! Paniguradong dinadamay niya ang paaralan ng dahil sa‘yo!” nangunot ang noo ko.

“Iyon ba ang sa tingin mo?” marahas siyang tumango.

“Oo, halata naman. Baka nasaktan iyan noon, bakit siya sa probinsya pupunta para kumuha ng lupa? Ang luwang ng syudad oh! Tsk, naghihiganti iyan!” mas lalong nangunot ang noo ko ngunit hindi na ako nagbigay tugon. “Don‘t tell me hindi mo naiisip ‘yon? May naiiisip ka ba‘ng ibang rason kung bakit siya doon magpapatayo ng negosyo?”

“Dahil local na lugar iyon at limited ang pamilihan?” umiling siya sa sagot ko.

“Hindi! Dahil nandoon ka, dahil alam niyang doon ka nagtuturo. Gusto niyang mawalan ka ng trabaho. Iyon ‘yung way ng paghihiganti niya!”

Nag-iwas ako ng tingin dahil sa sinabi niya. Nung una ay naisip ko naman na ‘yon, ngunit para saan pa para maghiganti siya? May fiancee na siya. Ninanais niya pa rin ba‘ng saktan ako? Ngunit bakit ngayon lang?

Forever, We Fall SEASON 3 (Adonis Series 3)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin