Visiting Lola Perla

390 22 4
                                    

Chapter 47

Ashton Philip Pov.

MATAPOS naming marating ang puntod ni lola perla. Doon ko lang halos natanggap na wala na ito. Mahigit anim na taon ng lumipas simula ng magkita kami, ang mga araw na iyon ay hindi ko makakalimutan dahil iyong araw na 'yon ang mas nagpapatunay na sinusuportahan niya kaming dalawa.

Malinis ang puntod ni lola kung saan makikita mong may lusaw pa na kandila doon. Nasabi ni winter kanina kay trixie na araw-araw nagtutungo dito si tito henry at tita elena. Ngunit nabanggit rin ni winter na mula ng makauwi siya ay ngayon lang din niya halos nabisita si lola.

"Pasensya na po, lola. Ngayon na lamang ako nakadalaw sa inyo." iyon ang siyang sinabi ni winter habang pinupulot ang ilang dahon na tumatabon sa pangalan ni lola.

"Me too, lola perla. Sorry po kung hindi ako naka-uwi 'non. God know's how i want to see you that day, lola. Pero hindi kami naka-uwi ni mommy."

Nais ko rin sanang sabihin ang mga saloobin ko, ngunit hindi pa man ako nakapag-sasalita ay parang sumisikip na ang dibdib ko. Dahil doon, mas pinili ko na lamang pakinggan ang kanilang sinasabi kung saan nakaupo na sila sa patag na damo.

"Nasaan pala si tita?" iyon ang tanong ni winter dahil hindi nga kasama ni trixie ang kanyang ina. Ngumuso siya bago umiling.

"Hindi sumama sakin si mommy pauwi, ang gusto niya sana ay patupusin muna ang birthday ni daddy bago kami umalis. But i really want to go home, napapagod na ako 'don. Gusto ko na munang magpahinga." bumuntong hininga si winter sa sinabing iyon ni trixie.

"Mas maganda nga na huwag kang masyadong magpagod. Ginawa mo naman ang lahat habang nabubuhay si tito, pero ngayong wala na siya at alam nating nasa tahimik na ito. Sarili mo naman ang alagaan mo.." parang maiiyak pa si trixie dahil sa sinabing iyon ng pinsan niya. Para ba kasing alam na alam nito ang pinagdaraan ni trixie sa piling ng kanyang ina.

"Kumusta na pala kayong dalawa?" napalingon ako kay trixie sa tanong niyang iyon kay winter. Hindi agad nakasagot ang pinsan nito dahil halatang hindi niya alam ang sasabihin.

"Don't worry, winter. Alam ko naman, noon pa man ay alam ko ng gusto ka ni philip. Huwag ka ng mahiyang magsabi pa sakin." hindi ko rin alam ang sasabihin dahil para bang hindi kumportable si winter, atsaka. Wala pa namang kasiguraduhang sagot sa tanong na iyon ni trixie.

"Ayos lang naman." nalipat ang tingin ko kay winter sa sagot niyang iyon. Tipid siyang nakangiti habang tumatango si trixie.

"It's nice to hear that your still okay. Sana kayo na lang, at sana. Mahanap ko na rin ang akin." natawa si winter sa sinabing iyon ni trixie. I don't know if she doesn't have a boyfriend until now, mas gumanda pa nga lalo si trixie ngayon kumpara noon. But for me, winter is still the best one.

She's absolutely gorgeous.

"Magrelax ka muna, saka na 'yang lovelife mo." iyon ang siyang isinabat ni winter sa nakangusong pinsan. Wala din naman akong sinabi dahil nananatili lamang akong tahimik habang tinitingnan na ang pangalan ni lola.

Hindi lang din naman iyon ang napag-usapan namin sa lumipas na oras. Kung may dala lamang sana kaming pagkain ay baka magtatagal pa kami doon, ngunit patanghali na rin kasi kaya't napag-isipan na naming magpa-alam kay lola.

Dahil nalaman ko na rin ang lugar kung nasaan siya, baka kahit mag-isa lang ako ay bibisitahin ko siya palagi.

"Sa bahay ka na kumain, trixie. Paniguradong nagluto si mama." umiling si trixie, nakangitin. Iyong kotse kasi niya ang ginamit namin dahil wala din naman akong magagamit na sasakyan. Nasa loob pa rin siya ng kotse at wala ng yatang planong bumaba pa.

Forever, We Fall SEASON 3 (Adonis Series 3)Where stories live. Discover now