Announcement

150 11 3
                                    

Chapter 9

Winter Pov.

Matapos dumating ni dean martinez, pinatawag na nga muna nila kami sa likuran kung saan naroon ang backstage. Kinausap niya sila ashong at calix kung ano ba ang problema nila sa isa't isa, kasama na rin sa napagsabihan si giovanni, apollo at stanlee na naki-awat lang naman kanina sa pagitan nila calix at ashong.

Dahil panauhin ngayon namin ang isang monteclaro na nagbibigay donation minsan dito sa fatima. Hindi gaanong naging mahaba ang pananatili namin doon, inutusan rin agad kami ng dean na tumungo at manatili na sa pwesto namin. Hinatid pa ako ni ashong sa upuan ko na hindi ko na sana nais gawin niya, ngunit wala akong nagawa dahil nagpumilit lamang itong akayin ako.

"Im sorry about what happen, mag-usap na lang tayo mamaya after our practice.” tipid na ngumiti ako kay ashong bago marahang tumango.

”Pumunta ka na sa pwesto mo.”

Hindi ito nagbigay reaksyon, nakatingin lang siya sakin bago bumuntong hininga. Kalaunan ay tumango siya at tuluyan ng umalis sa pwesto ko. Nasa apat na kurso kami dito sa buong gymnasium kung kaya't halos mapuno ang buong espasyo. Pinagsabay ang aming practice maging ang graduation na gaganapin sa susunod na buwan.

Ngunit hindi mawala sa isip ko kung bakit narito ngayon ang magulang ni ashong. Alam ko naman na mayaman sila at panigurado lang din na may share rin sila sa unibersidad na 'to. Nakapaninibago lamang na makita silang narito gayung hindi naman sila madalas bumibisita.

Bago umpisahan ang ensayo, nagsalita muna ang dean bago ang isang headteacher na siyang nangunguna sa lahat. Matapos ay ipinakilala niya si samuel Monteclaro na tila kilala naman na sa buong fatima, ngumiti ang ginoo bago ipasa sa kanya ang mike upang magsalita.

”The graduation day is not yet coming, but i would glad to congratulate all of the student here. You finally made to catch the end of being student, i want to offer my hotels who willing to work after your graduation, if you just want to be part of Monteclaro empire..” nagpalakpakan ang karamihan sa mga bussiness student, kabilang na roon si ashong habang diretso ang tingin sa harapan.

Balita ko nga na maganda ang kumpanya ng mga monteclaro, maaaring mag-umpisang magtrabaho doon si ashong kung nanaisin niya. Ngunit biglang sumagi sa isip ko ang kanilang kumpanya, tiyak na si ashong pa rin naman ang siyang hahawak nito sa bandang huli dahil siya lamang ang bukod tanging nag-iisang anak.

May sinabi pa si Mr Monteclaro about sa salary at schedule ng pagpasok. Marami ang natuwa at ninais makapasok roon, matapos maupo ni mr samuel, sumunod na tumayo si mrs angelina na ngayo'y maganda ang ngiti sa kabuuan ng studyante. Ngunit sa kabila ng maganda niyang ngiti, hindi mo maitatago kung gaano siya kabagsik tingnan. Kahit hindi pa man ito nagsasalita, malalaman mo ng masungit siya at supistikadang babae.

”Goodmorning, graduating student.” ngumiti siyang muli. Wala ni anong naging reaksyon ang mga studyante dahil maging sila ay kapareho ko lamang mag-isip. ”Like Mr monteclaro said, we offer our company for your oppurtunity to work with us. The Design Of Art is needed more employees for the new building here at manila.” nagbulong-bulungan ang ilang studyante, siguradong marami magkaka-interest sa mga may kursong find arts sa kanilang kumpanya.

”My only son will be the next CEO of our company, he's studying bussiness and sooner he will tried to focus on arts. Maybe you know him already, he's ashton Philip Falcon. And his fiancee is studying in bussiness too, she's Erica Patria. Her family owns a lot of museum in europe and thailand, they all succesful..”

Tila ba tinutop na lang ako sa pwesto ko matapos sabihin iyon ni mrs angelina. Lahat ng studyante ay tumingin sa akin habang nasa harapan ang tingin ko, binalingan ako ng tingin ni mrs angelina. Matalim ang titig nito sa akin na may bahid na pangungutya, para ba akong kinakain ngayon na sakit, hiya at pagkaawa sa aking sarili. Kinagat ko ang labi, naninikip ang dibdib ko ngunit bigla na lang may kamay na humawak sa pulsuhan ko at agad ng hinili ako paalis doon.

Forever, We Fall SEASON 3 (Adonis Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon