The Old Philip

165 15 3
                                    

Chapter 21

Third Person Pov.

K I N A B U K A S A N....

MAAGANG nagising si winter para sa kanyang interview. Bukod tanging resume lamang ang dala niya na ginawa pa nito kagabi, kahit naman na kilala nila calix ang company owner. Kailangan pa rin niyang dumaan sa prosesong iyon upang maging patas sa kapwa niya empleyado.

Bago siya umalis, nag-almusal muna ito kasabay ng pamilya ni calix. Hindi naman masyadong naiilang si winter, pinaparamdam naman ng magulang ni calix na talagang welcome siya sa bahay. Hindi na rin ito gaanong nag-isip ng gabing iyon, kumportable naman na din siya sa kanyang silid kung kaya't naging maayos ang tulog niya.

“Goodluck sa exam mo..” ngumiti ang binata sa sinabing iyon ng dalaga. Nakasakay na sila ng kotse, patungo na sila sa kumpanya kung saan magtatrabaho si winter.

“Yes, thankyou. Sana makapasa, para makapag-training agad..”

“Isang taon ba ang training na 'yon?” tumango si calix.

“Oo, baka sa pampanga pa. Iniisip ko na nga 'yon eh, feeling ko mahohomesick ako...”

“Mabilis lang naman ang araw, cal. Pagkatapos naman ng training magiging pulis ka na, finally..” naging maganda ang ngiti ni calix sa sinabing iyon ni winter.

“Oo nga, noong bata tayo. Baril lang na laruan ang nilalaro ko, naaalala mo pa 'yon?” mabilis na tumango ang dalaga.

“Wala naman akong nakakalimutan sa nakaraan natin eh, ang saya 'ngang balikan 'yon. Yung halos naglalaro lang tayo, wala tayong ibang iniisip kung paano palilipasin ang inip natin sa paglalaro...” bumuntong hininga si calix bago tumango. Kahit na nakangiti ang dalaga, malungkot pa rin ang tinig nito. Tiyak na naaalala naman nito ang lola niya.

“Mas masaya naman ngayong malaki na tayo, yung mga pangarap kasi natin. Matutupad na..”

“May punto ka..”

“Yung sayo, nahuli lang. Pero alam ko, magiging successful ka rin, malakas ka eh, magaling at nakakayanan mo lahat...”


Ngumiti si winter sa kaibigan. “Salamat, calix. Alam mo ba? Hindi ko alam kung anong mangyayari ngayon sakin kung wala akong kaibigan na nagpapalakas ng loob ko, nagpapasalamat ako sayo..”

Natawa si calix. “Sus, winter. Hindi naman ako umalis sa tabi mo eh, lagi lang akong mananatili sa tabi mo. Magkaibigan tayo...”

“Alam ko, kaya nagpapasalamat ako sa'yo..”

Tumango si calix. Alam niyang pinipilit nitong maging maayos siya, kilala niya ang kaibigan nitong si winter. Matatag siya, kung may darating man siyang problema ay makakayanan niya iyon.

Ngunit itong nangyari sa kanya, sobra-sobra. Kung kaya't kahit anong  mangyari ay pinipilit ni calix na manatili sa tabi niya upang damayan siya.

ALAS OTSO pasado ng marating nila ang company trade na papasukan ni winter. Isa iyong company about sa mga clothing brand, mga dresses at high jeans na nagpoproduce sa iba't-ibang bansa o kaya sa iba't ibang botique at mall.

Malaki nga iyon base sa paningin ni winter. Maraming empleyado at karamihan ay napaka-ayos ng kanilang kasuotan, ganoon rin naman na ang dalaga. Naka-office attire siya at katamtamang taas ng black shoes na may heels. Ang buhok niya'y nakatali ngayon habang simple lamang ang kanyang ayos. Hindi naman na talaga nakasanayan ni winter ang pag-aayos sa sarili, kung ano siya noon. Hangga ngayon ay iyon pa rin ang dating ng panlabas niya.

Forever, We Fall SEASON 3 (Adonis Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon