Before and After

297 20 4
                                    

Chapter 30

Winter Pov.

Si Reese mismo ang naghatid sa akin kung nasaan ang apartment na tinutuluyan namin. Hindi sana ako sang-ayon kanina sa nais niya ngunit hindi nito ako nais pababain kanina kaya‘t wala akong choice kung hindi sabihin ang address na ito.

Nauna na akong bumaba ng huminto ang kotse nito sa harapan ng apartment. Hinintay ko ang kanyang pagbaba hangga sa makalapit ito sakin, nakatingala ito kung saan pinagmamasdan niya ang apartment mula sa itaas ng gusali.

“How much your rental fee here?” dumapo ang tingin niya sakin matapos niyang itanong iyon, umiling ako bago sabihing wala akong binabayad sa pagtira dito.

“Libre lang ang pagtira namin dito, ang kasama ko‘ng kaibigan ay kamag-anak niya ang nagmamay-ari dito..”

“Kung ganon, ang mga kailangan na gamit niyo na lang ang bibilhin?”

“Meron naman na k--”

“Do you want to get your advance salary?” nangunot ang noo ko dahil sa pagputol nito sa sasabihin ko. Hindi rin ako nakasagot agad dahil sa sinabi niyang iyon. “It looks like you need some budget..”

“Hindi na, meron kami sa loob..”

“Why don‘t you just give me your bank account? Para maibigay ko ang whole month payment mo, para may pang-gastos kayo araw-araw habang nandito kayo..”

“Hindi na nga iyon kailangan, Reese. Hindi rin naman trabaho ang hinahanap ko dito, pumunta lamang ako dito para makausap ka. At dahil pumayag ka‘ng huwag ng bilhin ang paaralan, utang na loob ko na iyon at hindi na kailangang bayaran..”

Natawa siya bago mailing sa sinabi ko. “Kaya nga binigyan kita ng trabaho para kumita ka, bakit ba panay reklamo ka?”

“Hindi ako narereklamo, Reese.”

“Kung ganon, tumatanggi ka sa grasya?”

Napabuntong hininga ako, nag-iwas din ako ng tingin dahil hindi ko inaasahang iisipin pa niya ang bagay na ito.

“Pinagtatrabahuhan ko lang ang kapalit ng pag payag mo, hindi mo ako kailangang bayaran."

“Pwede ba akong umakyat sa itaas?"

Nangunot ang noo ko dahil sa ibang sagot na sinabi niya sakin.

Anong gagawin niya pa sa itaas?

“B-bakit? Wala ka ba‘ng gagawin ngayon? Hindi mo naman kailangan umakyat pa.” pinagtaasan niya ako ng kilay dahil sa sinabi ko‘ng iyon.

“Hindi mo na nga inalok ng kape ang boss mo, pagtatabuyan mo pa ito. Ganyan ba talaga ang ugali mo?” natawa ako bago muling mag-iwas ng tingin.

Kung ganon pala, ako pa ang mas lumilitaw na masama ngayon.

Malay ko ba kung nais niyang umakyat at magkape muna.

“Tara na.” tinalikuran ko na ito matapos sabihin iyon. Hinayaan ko siyang sumunod sakin dahil labag naman ang loob ko‘ng isama pa siya sa itaas.

Paniguradong manlalait lamang ang lalakeng ‘to

Pagka-akyat namin sa floor kung nasaan ang tinutulugan naming kwarto. Agaran ko ng binuksan ang pinto upang patuluyin siya, dumiretso ako sa mesa at doon inilapag ang dala ko‘ng bag. Wala dito si grace pero malinis naman na ang paligid, hindi ko lang alam kung nasaan iyon kaya‘t sinubukan ko‘ng magpadala ng mensahe sa kanya habang nakatayo si reese sa gitna ng silid.

Forever, We Fall SEASON 3 (Adonis Series 3)Where stories live. Discover now