SPECIAL CHAPTER

389 26 4
                                    


Masayang nagdiriwang ang angkan ng mga falcon kasama ang magulang ni winter. Nasa maalwalas na resort sila kung saan natatanaw mo ang magagandang tanawin.

Malapit lamang iyon sa kanilang lugar. Dahil na rin nais ng bawat panig na tahimik ang magiging kaarawan ng apo nila ay napag-desisyunan nilang sa probinsya na lamang iyon gawin.

Isang taon na ngayon ang panganay na anak nila winter at philip na si bayden. Malusog at bibong bata na talaga namang kinagigiliwan ng lahat, noong labing isang buwan si bayden ay nag-umpisa siyang mag-ensayong maglakad na siya namang ikina-tuwa ni philip.

Ngayong isang taong gulang na nga ang kanilang anak. Mabilis na ang paglalakad nito ngunit kailangan pang alalayan. Mahaba ang buhok ng bata na siyang itinatali ng ama, iyon kasi ang nais ni philip dahil noong bata siya ay hindi niya iyon nagagawa.

Bagay na bagay naman iyon sa kanilang anak dahil na rin mataba ang kanyang pisngi at bumabagay sa bibilugin niyang mata.

"Happy birthday, baby..." masaya silang nagpupulong sa mahabang mesa. Nasa harapan si winter habang buhat ang kanyang anak dahil ipagka-kanta nila ito ng happy birthday. Si philip naman ay masayang pumapalakpak sa gilid dahil todo kung kagiliwan niya ang kanyang anak dahil pilit nitong inaabot ang tatlong layer niyang cake na may desenyong mc queen.

"Later baby, blow your cake first." ani philip habang sinisindihan ang kandila.

"Namnam," natawa si winter sa sinabi ng bata. Sa tuwing nais niyang kumain ay iyon ang sinasabi niya. Dahil na rin bihasa sa pag-gawa ng cake ang dalaga, masyadong spoiled ang bata sa cake at ilang pagkain na bini-bake ng kanyang ina.

Pinagbabawalan nga siya ni philip na huwag masyadong isanay ang bata sa matatamis. Alam naman na iyon ng dalaga kung kaya't binabawasan na lamang niya ng asukal ang kanyang ibini-bake para sa bata.

"Alright! Let's sing!" philip announced it to family. Hindi lang naman pamilya nila ang kanilang kasama kundi na rin pati ang mga kaibigan niya. Masaya naman ang binata kahit hindi masyadong magarbo ang kaarawan ng kanyang anak.

Hindi naman niya iyon hinihiling. Ang importante sa kanya ay kumpleto sila, magka-sama-sama at magkasundo habang nagsasaya. Iyon ang siyang mahalaga sa binata na nais niyang imulat sa kanyang anak.

"Yehey," pumalakpak sila matapos ihipan ni bayden ang kandila. Tinulungan siya ni winter na ihipan iyon habang pumalakpak naman ang kanilang pamilya sa harapan.

Nagsimula na rin silang kumain. Si elena na mismo ang nag-slice ng cake para sa mga batang naroon. Ang anak ni jacob at miguel na parehong lalake, iyong kay natasha naman na si nadia ay umaayaw sa cake dahil masyado daw matamis ang lasa.

Bukod tanging si giovanni ang wala pang anak sa kanilang mag-kaibigan.

Ngunit masaya naman ang pagkikita nilang muli. Natutuwa sila na tuluyan ng nagka-ayos ang bawat panig sa kanila at natanggap na nila ng husto ang kanilang relasyon.

"Hi baby, come here. Ninang mo ako, sumama ka sakin." dahil hindi naman madalas na nakikita ng bata si natasha. Ayaw niyang sumama dito kahit ano pang sabihin niya, nanguso tuloy ang dalaga habang nakatingin kay bayden na buhat-buhat pa rin ni winter.

"Sasama din siya sayo mamaya, kinikilala ka pa niya kasi."

"Hindi na ba niya ako kilala? We have pictures right? Dapat madalas niyang nakikita iyon para hindi siya takot sakin," natawa si noah dahil sa sinabi ni natasha.

"Bakit mo ba kasi siya tinatakot?" sinamaan siya nito ng tingin.

"Nakakatawa noah, natatawa ako sa biro mo." umismid ang dalaga bago ipagpatuloy ang paglalambing sa anak ni winter. Ngunit hindi talaga niya iyon nakuha maging si shaira.

Forever, We Fall SEASON 3 (Adonis Series 3)Where stories live. Discover now