Chapter 1

295 15 4
                                    


Winter Pov.

Naniniwala ka ba sa kasabihan na kapag mahal mo ipaglaban mo? Kapag mahal mo ang isang tao, kaya mong tiisin lahat kahit nasasaktan ka. Kahit anong pilit na ayawan ka ng mga taong nakapaligid sa kanya hindi mo magawang sukuan siya.

Dahil mahal mo nga siya.

Lahat ng hindi ko inaakala noon sa pagmamahal ay nararanasan ko ngayon. Buong akala ko sa pag-ibig, halos pagmamahalan lang. Na kapag nagmahal ka ay masaya at halos walang problema, kadalasan kasi ay iyon ang nakikita ko kay mama at papa.

Nararamdaman ko naman ang pagmamahal sa akin ni ashong, ang pinagkaiba lang. May mga taong hadlang lang sa amin at minsan may pagsubok na dumadating.

Tulad na lamang ng eksenang narinig ko kanina habang magkausap kami sa videocall. Alam kong may itinatago siyang problema sa akin, kadalasan kasi ay tahimik siya. Palaging may malalim na iniisip at kung minsa'y natutulala na lang bigla.

Hindi ganon ang pagkakakilala ko kay ashong, natitiyak kong may problema siya ngunit hindi nito gustong ibahagi iyon sa akin. Alam kong nag-aalala lamang siya na baka mag-isip pa ako, ngunit dahil sa narinig ko kanina. Tila ba lahat ng katanungan tumatakbo sa isip ko ay halos tumigil na, lahat ay nabigyan iyon ng sagot ngunit ang kapalit naman nito ay ang kakaibang kirot sa puso ko.

”Oh, napano ka apo? Pagod ka na ba? Ako na ang magtutuloy niyang niluluto mo.” umiling ako kay lola, hindi ko magawang mangiti dahil narinig ko lahat ng nangyari sa kabilang linya. Maging ang boses ni erica, at lalong lalo na ang magiging papel nito sa buhay ni ashong.

Naguguluhan ako, marami na naman tanong na pumapasok sa isip ko na para bang patak ng ulan na patuloy lamang sa pagbuhos. Sumakit bigla ang ulo ko kaya't tumayo ako, ngumiti na ako kay lola na tila ba nababasa na agad ang nasa isip ko.

”May problema ang apo ko, ayaw lang magsabi.” umiling muli ako, nakangiti na sa pagkakataong makukumbinsi ko siyang wala.

”Iniisip ko lang ho si mama at papa.” iyon na lamang ang dinahilan ko. "Gusto ko sana silang makasama ngayong pasko, ang kaso lang. Matumal pa ang benta sa farm.”

”Uuwi tayo bago mag bagong taon, ayoko naman na nalulungkot ang apo ko.”

”Sigurado po ba kayo? Baka napipilitan lang kayo dahil sakin.”

Nangiti si lola. ”Sigurado ako apo, alam mo namang iiwan din natin itong bahay. Pag nakapag tapos ka na, handa na akong ibenta ito.”

”Ibebenta n'yo po talaga?”

”Oo, marami naman kaming alaala ng lolo mo sa photo album. Atsaka pa, matanda na ako. Alam kong bilang na lang ang araw ko rito sa mundo.”

”Lola naman!” namilog ang mata ko. ”Bakit po ba niyo sinasabi yan! Matagal pa kayong mabubuhay, tandaan po n'yo. Makikita pa ninyo ang ipapatayo kong bahay, ibibili ko rin kayo ng makinang di padyak para huwag na kayong manahi gamit ang kamay.”

”Alam ko iyan, sinasabi ko lamang kung anong posibleng mangyari.”

”Tsk, huwag na po nating pag usapan yan. Paskong pasko po.” tumango si lola, nakangiti ito sa akin kahit na nakabusangot ako.

Bakit ba niya biglang sinabi iyon, iniisip ko pa lang na iiwan ako ni lola. Sumasakit na ang dibdib ko.

Parang hindi ko kaya.

Habang isinasalin ko ang tanghaliang iniluto ko, bigla ay may kotseng bumusina sa labas ng bahay. Hindi ako nag abalang itigil ang aking ginagawa habang si lola ay nagtatanong kung may bisita ba ako.

Forever, We Fall SEASON 3 (Adonis Series 3)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu