The Unexpected

263 24 9
                                    

CHAPTER 32

Winter Pov.

Nang umalis si philip sa kalagitnaan ng pag-uusap nila. Ilang minuto pa ang lumipas bago ito bumalik, humingi siya ng dispensa kay erica dahil nasabi nitong tinawagan lamang niya ang kanyang sekretarya dahil may nakalimutan siyang i-utos kanina.

Hindi rin naman nagbigay ng ibang komento si erica. Hindi rin ako nagsasalita dahil pakiramdam ko ay wala akong lakas upang gawin iyon.

Hindi ko man lang naubos ang pagkain ko kahit na masarap iyon sa aking panlasa. Biglaan na lamang akong nawalan ng gana at nais ko na lamang lumisan upang makaalis na sa harapan nila.


“I want to invite you tonight, siguro ay nabanggit na ni daddy ang tungkol sa party. Aasahan ko kayo mamaya..” hindi na ako magtataka kung imbitado ang mga falcon doon. Hindi rin naman ako maaaring tumanggi dahil may utang na loob pa ako kay reese.

Nakakahiya naman kung hindi ako pupunta gayong personal na niya akong inimbita.

“Yes, mr montelukas already mention that yestersay. Happy anniversarry in your company.” tumango si reese sa sinabing iyon ni philip. Maayos naman ang pagkakasabi nito ngunit parang walang buhay ang kanyang tinig.

Para ba‘ng napipilitan na lang siyang magsalita upang hindi lumitaw ang akwardness sa lugar na ’to.

Sino ba‘ng mag-aakala na ang bawat magkaharap sa aming apat ngayon ay may nakaraang pag-sinta.

Kung alam lang ng mga taong nakapalibot sa amin ngayon ang nakaraan namin. Tiyak na marami ng issue na magaganap sa loob na ito. Ngunit dahil kami-kami lang ang nakakaalam, sa amin na lamang pumapaloob ang ka-ilangan sa aming sistema.


“By the way, were not getting longer to stay here. Ihahatid ko pa kasi si winter sa apartment niya. She needs to be ready because she‘s my date tonight..”

Hindi ko maiwasang tingnan si philip dahil sa titig niya sakin. Ngunit ako rin ang unang nag-iwas dahil alam ko‘ng lalo lang akong maiilang kung titingnan ko siya.

“Nagrerenta ka lang ba ng apartment?” hindi ko inaasahang itatanong iyon ni erica habang kinukuha ni reese ang bill namin. Tipid akong ngumiti bago tumango.

“Oo..”

“Iyong bahay na tinitirhan mo noon? Akala ko may bahay kayo rito sa manila.”

“Ibinenta iyon ni lola sa mag-asawang hapon, ngunit ibang tao ang nakakuha nito ng araw na paalis na kami..” pansin ko‘ng tumaas ang kilay ni philip sa sinabi ko‘ng iyon. Ngunit hindi ko na iyon pinansin, alam ko naman na may ideya siya kung sino ang totoong nakabili.

At iyon ay ang nanay niyang sakim.

Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang kalaki ang galit niya kay papa.

Ni wala naman silang anak para maging ganoon siya kasama.

Kumbaga, nagmahal lang si papa ng iba. Iyon lang ang pagkakamali na nagawa niya.

Hindi na nasundan pa ang pagtatanong ni erica. Tumayo na ako upang iparamdam na hindi ako willing mag open-up. Hindi ba nasasabi iyon ni Philip sa kanya? Wala ba‘ng binabahagi si Philip tungkol sa nangyari sa amin noon?

“Hindi ko alam na ako pala ang date mo sa party ninyo.” nasabi ko iyon ng makarating kami ni reese sa kotse niya. Hindi pa man kami nakakapasok at naroon pa kami sa labas dahil hindi naman ako sigurado kung ihahatid nga niya ako.

Forever, We Fall SEASON 3 (Adonis Series 3)Where stories live. Discover now