Meet The Real Buyer

308 22 16
                                    

Chapter 28

Third Person Pov.

“I-ikaw si isaac?” nangunot ang noo ng binata dahil sa tanong niyang iyon. Hindi nito malaman kung bakit kanina pa nauutal ang dalaga kung kahapon ay parang ang taray niya.

“Nakakagulat ba ang pangalan ko?”

Natigilan si winter bago mapakurap ng dalawang beses. Hindi niya maitago ang gulat na natamo nito dahil hindi niya inaasahan na ang nakilala nitong si reese at isaac ay iisa lamang. Buong akala pa naman niya ay baka magkapatid sila o mag ama.

“H-hindi, h-hindi ko lang inaasahan na ikaw pala ang anak ni mr montelukas..” bahagyang natawa si Reese bago bumaling sa kanyang ama.

“Mas gwapo ba ako kay daddy kaya hindi mo inaasahan na anak niya ako?”

“W-wala akong sinabing ganon!” tumingin ang dalaga sa senyor na ngayo‘y nakangiti lang sa kanila. “Hindi po iyon ang nasa isip ko, sir..” tumango ang senyor.

“You can call me Tito Rolando, hija..” Hindi nakapag-bigay imik ang dalaga sa sinabing iyon ng senyor. Tumango lang ito bago ngumiti ng pilit.

“By the way, she‘s the girl that I mention to you yesterday. Nasugatan lang ang siko niya kaya ipapatingin ko ito sa doctor..” dahil sa sinabing iyon ni Reese, mabilis na nag-alala ang senyor bago nito lapitan ang dalaga.

Hinawakan nito ang kamay niya at maingat na sinilip ang sugat nito. Dahil naitukod niya iyon kahapon, malaki ang pagkakasugat nito. Dahil sa lakas ng pagkabagsak ng dalaga ay namamaga ito at mas lalo pa‘ng namumula.

“Bakit mo kasi ginawa iyon? Maaari ka‘ng mapahamak..” pilit na ngumiti ang dalaga sa pag-aalala ng senyor.

“Ayos lang naman po ako, atleast po nabawi ni reese ang mga pera..” bumuntong hininga ang senyor. Sa tingin ng dalaga ay nasa 60+ na ito, ngunit hindi naman na halata ang katandaan nito dahil nga sa maayos ang kanyang kasuotan.

Sa tingin niya‘y kasising-edaran lang nito ang papa niya na nasa 61 na. Medyo tumatanda na rin ang ama ni winter habang siya‘y nasa edad bente pasado na.

“Kailangan ‘ngang matingnan ito. Baka ma-infection ito sa loob at mas lalo pa‘ng mamaga..” umiling si winter sa sinabing iyon ng senyor.

“Naku sir, wag na po. Hindi na iyon kailangan, may itatanong lang po sana ako kay Reese kaya nandito ako..”

Tumaas ang kilay ng binata dahil sa sinabi niyang iyon. “If you can‘t with me today, I won't answer your question..” napamaang ang dalaga sa kundisyon niyang iyon. Hindi na rin siya hinintay ng binatang makapagsalita dahil tumalikod na ito at naglakad na palabas ng sala.

Dahil doon, napapabuntong hininga tuloy si winter bago balingan ng tingin si Rolando.

“Mauuna na po ako, masaya po akong makita ko kayong muli.” ngumiti ang senyor bago tumango.

“Pagpasensyahan mo na lang ang anak ko, pinaglihi kasi iyon sa sama ng loob kaya‘t ang sungit..” natawa si winter sa sinabi niyang iyon. Naalala din nito ang sinabi ni Philip na mahirap daw kausapin si Isaac. Hindi na nga siya magtataka kung bakit nasabi niya iyon, napakasungit nga naman kasi ni reese ngunit no choice pa rin si winter.

“Sige po, ayos lang iyon. Mauuna na po kami..” tumango ang senyor sa pamama-alam ng dalaga. Nagmamadali din si winter na habulin si reese na nasa labas na.

Pagkalabas niya ng gate, nakita na nitong nakasakay na sa kotse si Reese. Salubong ang kilay nito habang sinisilip siya ng dalaga. Kung hindi lamang bumusina ang binata ay hindi kikilos si winter upang makasakay ng kotse.

Forever, We Fall SEASON 3 (Adonis Series 3)Where stories live. Discover now