The Wedding Date

307 28 4
                                    

Chapter 31

Winter pov.

Buwan ng mayo ngayon ika labing lima ng umaga, alas sais pa lang ay nakagising na ako upang maghanda sa pagpasok. Natutulog pa si grace ng bumangon ako, nais kasi ni reese na maaga akong pumasok ngayon sa hindi ko malamang dahilan. Nasabi niya na may susundo sa akin mamayang alas siete upang ihatid ako sa kanyang kumpanya.

Alas sais y medya na nang matapos ako sa pagkain, nakita ko ng bumangon si grace dahil tiyak na narinig nito ang mga pagkilos ko. Naupo siya sa bakanteng upuan habang kinukusot ang kanyang kanang mata.

”Ang aga mo ngayon, winter..” tumango ako, may nakasabit ng tuwalya sa balikat ko dahil handa na akong maligo. Ang banyo ay nasa kabilang silid pa, bawat floor ay may nag-iisang banyo na ang gumagamit ay mga limang tao.

“Maaga akong pinapapasok ni Reese ngayon, nagmessage siya sakin kagabi.” nalukot ang mukha nito pagkarinig pa lang sa pangalan ni Reese.

“Iyang boss mo hindi ba nagbibigay ng schedule? Itetext ka lang nito pag gusto niya?”

“Alas siete talaga ang pasok ko, iyon naman talaga ang oras ng pagpasok hindi ba?” bahagya siyang umismid, tila ba iritable ito sa taong pinag-uusapan namin.

“Akala ko pa naman, mabait iyang buyer ng lupa. Pero, unang kita ko pa lang sa kanya. Nararamdaman ko na kung gaano kagaspang ang kanyang ugali..” natawa ako dahil sa sinabi niya na hinaluan pa ng tinig na hindi ko maipaliwanag.

“Masungit talaga si reese, pero alam ko‘ng mabuti siyang tao. Kung hindi siya mabait, sa tingin mo ba papayag siya ng ganoong kabilis sa gusto ko?”


Bumuntong hininga siya, nakakibot pa rin ang nguso niya ngunit halatang naisip naman nito ang sinabi ko.

“May punto ka, pero naaamoy ko pa rin ang ugali niya. Para lang siyang si philip, ‘yung ex mo‘ng suplado..”



Hindi ako nagbigay imik sa sinabi nito, dahil nabanggit niya si philip. Naalala ko na naman ang nangyari kahapon, hindi ko iyon nabanggit kay grace. Ayoko na kasing ipaalam pa iyon sa kanya dahil alam ko‘ng maghehesterikal lang ito. Atsaka pa, ayoko na rin isipin iyon dahil nasisira lang ang araw ko.


“Speaking of ex, nagkikita pa rin ba kayo? Panigurado lang na oo dahil may koneksyon iyang reese sa ex mo..” bumuntong hininga ako bago tumango.

“Oo, nagkita kami kahapon. Pero hindi ko alam kung magkikita kami ngayon, huwag na lang sana..”



“Kung sa bagay, nararamdaman ko rin naman iyang feelings mo. Iyong ex ko rin sa probinsya, ayokong nakikita dahil naiinis ako sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha niya..”


“Iyang ex mo naman kasi, iba ang issue sakin..”

“Oo na, ipapamukha mo ba sakin na naloko ako? Tsk.”

Natawa ako bago mag-iwas ng tingin, iyong ex boyfriend niya kasi ay may kinaliwang ibang babae. Nahuli sila ni grace ng araw ‘nung anniversarry nila, hindi ko makakalimutan iyon dahil ‘nung araw na yon ay kasama ko siya.


“Mga lalake kasi, pare-pareho lang. Hindi lang sila mananatili sa isang babae, kahit sabihin mo ng loyal sila sayo. Titingin at titingin pa rin sila sa iba, mga hindi makuntento sa isa.”

Ang himig niya ay binabalot ng pait, para ba‘ng pinapalabas nito na lahat ng lalake ay tulad ng ex niya. Ngunit para sa akin, hindi naman sila magkatulad lahat. Alam ko‘ng naging tapat noon sa akin si philip kahit na ang nakaraan nito ay masasabi ko‘ng hindi maganda.


Forever, We Fall SEASON 3 (Adonis Series 3)Where stories live. Discover now