Pregnancy Test

383 23 9
                                    

Chapter 39

Winter Pov.

Matapos ng pag-uusap naming iyon ni Philip. Hindi na muli akong nagsalita ukol sa ibang nangyari at pinagdaanan ko. Alam naman niya kung gaano ka-importante sa akin si Lola at nasisiguro ko'ng may ideya na ito.

Lumisan ako ng apartment dahil sa kanya ng araw na iyon. Pinuntahan ko si grace at sinabing may pupuntahan lang ako.

Hindi ko na sinabi kung saan ako pupunta dahil na rin sa pagmamadali. Ayoko na munang makausap si Philip, siguro naman ay sapat na sa kanya lahat ng sinabi ko.

Hindi ko na kailangan pa'ng isalaysay lahat ng pangyayari.

_____

Mainit ang sikat ng araw matapos ko'ng marating ang dating village kung saan nakatirik noon ang tinitirhan namin.

Hindi naman ako umaasang makikita pa ang dating bahay ngunit nakapagtataka lamang na naroon pa iyon.

Hindi ako makapaniwala na may nakatira doon at tulad ng pagkaka-ayos nito noon ay ganon pa rin iyon hangga ngayon.

"May kailangan ba kayo?" Bigla ay napalingon ako dahil sa tinig ng isang babae. Nilingon ko iyon at nakita itong may dalang mga plastic bag.

"Kayo po ba ang nakatira dito?" Tumango siya, gumilid ito malapit sakin dahil tila interesadong malaman na may kailangan ako.

"Ako nga, may kailangan ka ba?"

"Wala naman po." Nais ko sanang mag-usisa pa ngunit hindi ko kasi iyon ugali. Mukhang nasa 40's ang edad ng babae kaya nahihiya akong magtanong.

"Gusto mo ba ng maiinom? Pwede ka'ng pumasok sa loob." Hindi agad ako nakasagot sa paunlak niyang iyon. Lumakad na ito pauna sakin at ng hindi ako sumunod ay nilingon niya ako.

"Halika na dito, hija."

Nakapagtataka lamang na walang pinagbago ang buong paligid. Ang napansin ko lamang ay bagong pintura ang buong kabahayan.

"Maupo ka ineng." Bigla ay nagulat ako ng magsalita ang isang matandang babae. Hindi ito ang babaeng nagpapasok sa akin kanina kaya muli ay nakaramdam ako ng hiya.

May tao pala dito?

"Magandang hapon po." Tumango ito, nakangiti sakin bago niya ako igaya paupo sa sofa.

"Kumuha lang ng maiinom ang anak ko, hintayin mo siya rito." Dahil sa sinabi niyang iyon, tuluyan ng naging klaro sa akin na mag-ina sila. Kaya pala ay medyo hawig ito sa babae kanina.

"Mukhang nadalaw ka sa bahay na ito, ineng." Bahagya akong ngumiti dahil sa sinabi niyang iyon.

Para bang alam agad niya ang sadya ko dito.

"Opo." Iyon ang sagot ko bago lumabas ang ginang kanina na may dala ng inumin.

"Hindi nga ako nagkamali, ikaw nga ang babaeng iyon."

Hindi ako nakasagot agad dahil medyo naguluhan ako sa sinabi ng anak nito.

"Mainom ka muna, may ibibigay ako sayo mamaya."

Gaya ng sabi nito, hindi ko tinanggihan ang inumin na ibinigay niya sakin. Lumisan ito at iniwan akong kasama ang nanay niya. Nalaman ko sa matanda na nasa tatlong taon na silang naninirahan dito, hindi nila ito nabili kundi ay libre lamang silang nanirahan dito.

Ilang minuto lang ng lumabas ang ginang. May dala itong kahon na hindi naman gaanong kalakihan na ngayo'y buhat-buhat niya habang palapit sa amin.

Inilapag niya iyon sa mesa habang ako ay nagtataka kung ano ang mga bagay na 'yon.

Forever, We Fall SEASON 3 (Adonis Series 3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon