SPG (Warning R-18)

256 13 3
                                    

Chapter 5

Third Person Pov.

Wala ng mas sasakit pa sa nararamdaman ngayon ni winter, kakaiba ang pagtibok ng puso niya ngayon. Nagkalat na ang balita sa buong fatima na engage nga si ashong sa isang patria. At iyon ay si erica, ang alam din ng karamihan, naghiwalay na sila philip at winter. Maraming natutuwa dahil nga ang pagkaka-alam nila ay inagaw lamang ni winter ang binata sa kanyang pinsan.

Nilunok lahat ni winter ang sakit, kung may maririnig man siya. Ipinapasok lang niya iyon sa tenga nito palabas sa kabila, hindi niya binigyang pansin ang mga studyanteng humuhusga sa kanya, ang mahalaga naman sa kanya ay ang pagmamahal ni ashong. Ang importante ay alam nito ang totoo, ang katotohanang nagmamahalan talaga sila ni philip at hindi niya kailanman inagaw ang binata kay trixie.

”Naghiwalay sila ni calix halos isang buwan lang, then after one month. Nabalitaan kong silang dalawa na, hindi ba parang nakatago ang kati niya sa loob?” marahas na napabuntong hininga si winter. Kanina pa siya nakakarinig ng mga bulung bulungan sa likuran niya, at inaasahan na nitong si patricia iyon. Ang kaklaseng niyang madalas makasama sa report o group project.

”Tama ka nga, pasimple siya kung kumilos. Pero lumaland/i siya ng patago..” tumayo si winter sa kinauupuan, nasa loob sila ng gym. Hindi pa nag-uumpisa ang practice dahil wala pa ang head teachers na siyang magbibigay hudyat sa kanila.

“Bakit ba ako na lang lagi ang pinag-uusapan niyo? Wala ba kayong alam pag-usapan at ang buhay ko ang nagustuhan niyong usisain?” tumaas ang kilay ng mga babaeng nasa likuran, nangunguna na roon si patricia dahil nga masyado siyang insicure kay winter. Naiinggit siya dahil naging nobyo ni winter si calix at kasalukuyan naman ng boyfriend niya si philip ngayon.

”Masyado bang masakit ang katotohanan?” tumayo si patricia. "Hindi ka mamahalin ni philip, nachallenge lang siya sayo. Gagawin ka lang niyang experience at kahit kailan hindi magugustuhan ni philip ang tulad mo!”

”Paano mo nasabing hindi ako magugustuhan ni philip kung naging kami?”

Ngumisi si patricia. ”Gaya ng sabi ko, kukuha lang siya ng experience sa tulad mo. Sa oras na magsawa siya, iiwan ka rin nito. At magpapakasal nga sa isang mayamang babae!” napailing si winter, bahagya siyang natawa bago mag-iwas ng tingin.

”Grabe pala ang lawak ng nasa isip mo, hangga doon narating mo? Ano ba ang susunod na mangyayari sa amin? Baka alam mo..” natawa ang ilang nakikinig sa pagtatalo nila, karamihan naman ay walang pakialam kung anong nangyayari sa issue nila philip at tungkol sa fiancee niya. May ilang babae lang talaga na hindi makamove on dahil nga si winter ang piniling magustuhan ng binata.

”Masyado ka na yatang matapang ngayon ha? Akala mo naman hindi tayo nagsama, mahina ka lang dati. Pero ngayon, naglalakas loob ka ng sumagot..”

”Sino bang nagsabing duwag ako 'non?” ani winter sa tamad na boses, hindi niya sana nais patulan ang babaeng ito ngunit masyado na siyang namumuro. Sumasakit na ang tenga niya sa naririnig at kulang na lang kasi ay ipagsigawan ni patricia na maland/i siya sa buong gym.

”Ako, hindi ba halata?” lumapit siya kay winter. ”Ginagamit mo si philip para maging popular ka dito sa fatima, anong klaseng top student ka?”

”Talaga? Ano naman sayo ngayon? Naiinggit ka?” namilog ang mata ni patricia.

”Anong sabi mo! Sinong maiinggit sa tulad mo?"

”Kumpara sayo, mas may igaganda naman ako. Lumamang ka lang ng ayos patricia, paano pa kaya kung gumayak ako? Baka magmukha kang taga hanga ko.”

Forever, We Fall SEASON 3 (Adonis Series 3)Where stories live. Discover now