ELITES

By MaybeYoungForever

253K 8.6K 2.4K

Her name is Candid, not a typical girl you can mess up with. She was born to get her face hidden behind her m... More

ELITES
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty One
Twenty Two
Twenty Three
Twenty Four
Twenty Five
Twenty Six
Twenty Seven
Twenty Eight
Twenty Nine
Thirty
Thirty One
Thirty Two
Thirty Three
Thirty Four
Thirty Five
Thirty Six
Thirty Seven
Thirty Eight
Thirty Nine
Forty
Forty One
Forty Two
Forty Three
Fourty Four
Fourty Five
Fourty Six
Fourty Seven
Fourty Eight
Forty Nine
Fifty
Fifty One
Fifty Two
Fifty Three
Fifty Four
Fifty Five
Fifty Six
Fifty Seven
Fifty Eight
Fifty Nine
Sixty
Sixty One
Sixty Two
Sixty Three
Sixty Four
Sixty Five
Sixty Six
Sixty Seven
Sixty Eight
Sixty Nine
Seventy
Seventy One
Seventy Two
Seventy Three
Seventy Four
Seventy Five
Seventy Six
Seventy Seven
Seventy Eight
Seventy Nine
Eighty
Eighty One
Eighty Two
Eighty Three
Eighty Four
Eighty Five
END
Eighty Six
Eighty Seven
Eighty Nine
Ninety
Ninety One
Chapter Ninety Two
Chapter Ninety Three
Ninety Four
Ninety Five
Ninety Six
Ninety Seven
Ninety Eight
Ninety Nine
One Hundred
Chapter One Hundred One
One Hundred Two

Eighty Eight

2.6K 47 13
By MaybeYoungForever


#ElitesPataposNa

•••


“Tan..”


Mahina at walang lakas kong bigkas pagkakita sa kanya.



Luminga linga s'ya sa paligid at tila may hinahagilap. Siguro ay kung may ibang tao pa ba akong kasama o kung sinong may kagagawan ng kasalukuyan kong sitwasyon.


Paano..” Gustuhin ko mang dugsungan ang tanong ko ay tila tinakasan na ng boses ang bibig ko. Pakiramdam ko ay naubos ang lakas ko kahit wala naman talaga akong ginawa kung hindi ang maupo at manood sa screen kanina.


“May sugat ka.”

Bahagya s'yang lumapit at hinawi ang buhok ko sa gilid ng leeg.

Umalis na tayo dito.”

Mabilis n'yang hinawakan ang braso ko at dali dali na s'yang lumabas ng kwarto habang hila hila ako. Hindi na ako nagreklamo at hinayaan ko ang sariling magpatangay sa kanya.


Wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Hinihila n'ya lang ako habang pababa kami ng pababa gamit ang mga hagdan kada palapag. Hanggang sa marating na namin ang main ground.


Maingay pa rin at nagkakasiyahan ang lahat. Busy ang karamihan sa pagsasayaw at sa pakikipagkwentuhan. Walang nakakaalam ng sikretong kaguluhan na naganap maliban sa aming dalawa at ni Blaze. Kasama na rin siguro ngayon ang mga Royals.



Marahang hinahawi ni Jonathan ang mga tao na dinaraanan namin at sa daan na tinatahak namin ay alam ko kung saan kami pupunta.

“Candid!”

Saglit kaming natigilan dahil sa tumawag sa pangalan ko. Sabay kaming lumingon ni Jonathan sa pinanggalingan ng boses.


Sa di kalayuan ay patakbo silang naglakad papalapit sa amin. Ngunit sapat ang distansya na itinigil nila ng makalapit na.




Nakikita ko ang pagaalala sa mga mukha ni Axle, Trust at Dwayne na medyo hinihingal pa. Habang si Blaze naman ay hindi ko mabasa ang mga mata lalo ng sumulyap s'ya sa kamay ni Jonathan na ngayon ay nakakapit parin sa braso ko.




Kung pinagsamang pait, lamig at tabang ang namumuo sa mga tinging iyon ni Blaze ay hindi ako sigurado. Palagi namang ganoong ang mga mata n'ya. Kung minsan ay nakakalunod tignan dahil hindi mo sigurado ang eksaktong tawag sa pinapakita nito at kung parehas ba talaga ng nasa loob.




“Ako na ang bahala sa kanya.” Malamig na tinig ni Jonathan ngunit parang kay Blaze n'ya lang yun sinabi.


Hindi na nya pinagbigyan pa ang apat na magsalita pa o kaya naman ay magtanong. Muli n'ya akong hinigit at hinayaan ko na lang din ang sarili kong magpahila ulit.




Muli kong sinubukang sulyapan si Blaze bago namin sila tuluyang malagpasan.



Nanatili s'yang walang imik. Habang tinitignan ko s'ya ay sinusundan lang din n'ya kami ng tingin habang paunti unting nawawala sa alon ng mga tao.


Hindi ko sigurado kung bakit tila bumibigat ang pakiramdam ko sa paraan ng pagtitig n'ya. Sa malamlam n'yang mata na tila may pagaalinlangan na may pinaghalong hiya.



Ganun na ganun ang itsura n'ya at mga mata n'ya sa tuwing nagoopen up sa akin ng mga problema n'ya tungkol sa Daddy n'ya. Kapag panandaliang nawawala yung 'Bad' na kilala ng lahat na antipatiko, istrikto, mayabang at suplado. Kapag dumarating yung mga araw at oras na nape-pressure s'ya lahat na tila gusto n'yang tumakas pansamantala sa gulo.



Hindi agad pinaandar ni Jonathan ang motorsiklo ng iabot sa akin ang helmet at pasakayin ako. Malalim pa s'yang huminga na parang may bumabagabag ng husto sa isip n'ya.



Sinabi ko na sa'yo Candid hindi ba? Binalaan naman kita. Hindi ako nagkulang ng paalala. Talo ka na nga, inilalaban mo pa.” Panimulang panenermon n'ya.



Parang patalim ang mga salitang yun na humiwa sa ulo ko para panandaliang magising.



“Hindi ako si Candid kung sumusuko ako agad kahit alam kong dehado na.” Matabang kong tugon.



Pero patapos na ang ganap mo dito. Hindi ka nga nagtagumpay sa totoong pakay mo hindi ba? Gumawa ka pa ng sarili mong laro na alam mong hindi ka sigurado. Ano pa ba ang rason bakit nananatili ka pa rin?”



May diin ang mga salitang yun ni Jonathan. May pinupunto at parang gusto n'yang idikdik sa utak ko ng paulit ulit para matauhan ako.



Kailangan mo pa bang hintayin yung araw na malaman ng lahat ang sikreto mo, ha? Hihintayin mo pa bang harap harapan mong maranasan kung paano ka kainisan at isumpa ng lahat? Hindi ba pwedeng umalis ka na lang  ng tahimik? At least masira ka man, hindi ka na nila masasaktan. Hindi ka na nila makikita. Bakit kailangan mo pang manatili ng ganito katagal?” 


Hindi ako nakaimik lalo.

Alam ko sa sarili ko ang sagot sa mga tanong na yon. Pero ako man sa sarili ko ay parang hindi ko matanggap ang mga sagot sa tanong na yun. Mga sagot na kung maririnig ng unang Candid' na tumuntong dito, ay malamang ipapamukha sa'kin ang mga katangahang ginawa ko. Mga desisyong emosyon ko lang ang pinairal ko.




Sayang yang utak mo. Ayaw mo na ngang pakinabangan ng tama, sinasayang mo pa. Para saan pa na ikaw ang pinakamataas—”

“Enough.” Malamig kong pagkakasabi upang putulin ang mga sinasabi n'ya.


Muli syang bumuntong hininga at umiling.



Hindi mo ako masisisi. Itong mga ginagawa mo ang tama na. Huwag mo ng sayangin ang oras mo sa mga bagay na alam mong parte na lang ng nakaraan. Hindi ka ba napapagod? Tigilan mo na. Please lang, Candid.” May frustration na ang tinig n'ya.


Napatingin ako sa side mirror at tama akong doon n'ya ako tinitignan habang nagsasalita.


Sa kabila ng pagkadismaya, alam kong isa s'ya sa mga huling tao na hihilinging mapahamak ako. Siguro nga ay hindi man buong buo ang tiwalang binibigay ko sa kanya at sa kanila nila Cedrick, nararamdaman ko na tunay ang pakikisama nila sa akin kahit na minsan ay madalas kaming hindi magkasundo sa mga pinaniniwalaan namin.





“Hindi mo alam lahat ng mga tumatakbo sa isip ko.”



Saglit s'yang hindi sumagot at isang beses na umiling muli. Tila lalong nadidismaya sa mga katwirang kong baluktot na nga, inilaban ko pa.






“Mas marami ka pang dapat na inuuna hindi ba? Alam mo kung minsan, parang gusto na talaga kita ituro kung nasaan ka eh.” Tila napipikon n'yang sabi na kaunti na lang ay mauubos ko na ang pising inilalatag n'ya para sa akin.




Sinamaan ko lang s'ya ng tingin.





“Kung gusto mong maaga akong paglamayan, bakit hindi?  Pagmamatapang ko pang hamon.




“Alam kong marami ka ng itinaya simula pa lang.” He paused for a while and stare at me again through his side mirror. “Pero mukhang pati puso mo ata sinusugal mo na. Kasama ba talaga yun sa plano? O baka naman naliligaw ka na?”




Hindi ako muling nakaimik. Parang nahila ng mga bawat salitang pinupukol n'ya ang aking dila. Parang baga at apoy ang mga yon na tinutuyo ang aking lalamunan.




Paulit ulit mo mang itanggi, alam ko Candid. Nakikita ko. Siguro ikaw hindi mo pa yun nakikita. Pero kapag papanoorin mo ang sarili mo kapag kasama mo s'ya, iba yung Candid na nakilala ko sa HQ bilang Azariah. Iba yung Candid na unang una kong nakilala. Gaano mo man itago sa sarili mo, kitang kita yun sa mga mata mo kapag kausap at kasama mo s'ya.”



Napalunok ako sa sinabi ni Jonathan at bahagyang napatungo. Hindi ko alam ang dapat kong sabihin. Parang tinangay na ng hangin ang aking utak na kung saan saan na lang napapadpad.



Nakikita namin yun lahat Candid. Kaya ngayon tatanungin kita. Sa tingin mo ba sa sarili mo, nagpapanggap ka pa rin kaya? O tuluyan ka ng lumambot sa kanya?”  May pagaakusa sa boses n'yang tanong.



Lalo akong hindi nakasagot. Para akong batang sinesermunan ng magulang na hindi magawang sumagot man lang.





“Mukha kasing nakakalimot ka na. Sa apat na katauhang pinapakita mo sa lahat, kilala mo pa ba kung sino yung tunay na ikaw doon?”




Tuluyang akong iniwan ng boses ko. Subukin ko mang magbukas ng bibig ay parang wala rin namang ilalabas na mapapanindigan kong sagot.



Kilala ko si Jonathan bilang maloko madalas. Pero kapag ganitong masyado s'yang seryoso, usually ay mas pinapakita ko kung gaano rin ako kaseryoso at hindi n'ya mababali kung ano mang mga ipinaglalaban ko. Pero sa kaunaunahang pagkakataon ay para akong batang napipi sa kanyang harapan. Hindi ko alam kung magiging matatag pa rin ako sa bawat kong pangangatwiran.




“Hindi ikaw ang inuna n'ya tama ba? Inuna n'ya yung girlfriend n'ya. Iniwan ka n'ya doong magisa. Hindi ikaw ang unang piniling iligtas. Saka ka lang babalikan kapag nasigurado na n'yang okay yung babaeng mas mahalaga kaysa sa'yo. Nagpapanggap ka na bang bobo ngayon o talagang bumababa na yang IQ mo?”



May inis na sa tinig n'ya na lalo lang nagpaputol ng aking dila. Hindi dahil natatakot ako sa paraan ng pagaakusa n'ya. Kung hindi dahil mas natatakot akong aminin ang katotoohanan sa mga ibinabato n'ya.




“Hindi na ako magtataka kung isang araw mas gugustuhin mong ikaw ang sumalo ng bala para sa kanya.”  Dismayado at mapakla n'yang boses saka bahagyang natawa. Muli na naman s'yang umiling at humugot ng malalim na paghinga.





Sabagay, alam mo naman kasing hindi ka nakakaramdam ng sakit kaya okay lang hindi ba? Kaya nga siguro hindi ikaw ang inuna hindi ba? Kasi alam n'ya rin ang tungkol doon. Alam na alam n'yang kaya mo ‘yon ng magisa.” Tatango tango s'yang tila may napapagtanto saka muling umiling.


Natigilan ako sa tanong na yon. Parang may kung anong pumitik sa utak ko at sa damdamin ko. Pitik at kurot na maliit man, pero malaki ang sinakop na epekto.




Kagaya ng narerealize n'ya, masakit mang aminin pero iyon ang totoo. Hindi ko naman kailangan pang lokohin ang sarili ko.






Ganoong klaseng lalaki ba dapat ang pagaksayahan mo pa ng oras? Lalaking porque alam na kaya mo, na malakas ka, porque alam na hindi ka makakaramdam ng sakit, porque alam na matapang ka, ikaw ang itataya? Ikaw muna ang isasantabi? Ikaw ang isusugal?”




Muli n'yang tanong na hindi ko pa rin masagot sagot.





“Bullshit naman Candid. Ang dami daming naghahabol sa'yo. Daan daan pa nga eh. Tapos nagpapakabobo ka lang dito?”




Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa binanggit n'yang 'daan daang naghahabol' o maiinis dahil minura n'ya ako. Dahil alam naman naming dalawa kung sino ang mga taong yun at hindi yun ang kung sino ang unang iisipin o akalain ng ibang makakarinig.





Aminin mo na lang sa sarili mo ang totoo. Tama lahat ng sinabi ko hindi ba?”




Nanatili akong walang imik. Wala akong balak sagutin sa mga sumunod na tanong n'ya. Hindi ko rin para kontrahin pa. Para saan pa?






Kaya ka lang n'yang pakiligin. Pero hinding hindi ka n'ya kayang unahin, Candid.”







Saglit akong natulala at napangisi ng mapakla. Namalayan ang sarili kong napatungo at nakalapat na ang noo sa likod ng balikat ni Jonathan.





Siguro nga mahalaga ka na sa kanya. Siguro nga nakuha mo na ang loob n'ya. Pero hanggang doon lang ang papel mo sa buhay n'ya. Huwag mo na lang sana pahirapan ang sarili mo sa alam mong hindi na tama.”




Parang ngayon ko lang lalong naramdaman ang unti unting paghila sa akin ng kapaguran. Ang panghihina. Hindi dahil sa sumabak ako sa kung ano mang physical na laban kung hindi dahil sa tagal ko sa pakikipaglaban sa mga prinsipyo at plano kong sa akin na ngayon unti unting tumatama pabalik. Akala ko noon malabong mangyari ang ngayon ay nararanasan ko na. Pero masakit pala kapag nabigo kang muli sa mga plano na sigurado ka naman noong una, malinaw naman ang simula, ngunit lumabo nang nasa padulo na.





Isuko mo na, Candid.” Mahina at mahinahon na n'yang sabi. Nasa isip mo na lang na ikaw ang talo kapag sinukuan mo na. Pero kung hindi ka pa titigil ngayon pa lang, mas lalo ka lang mahihirapang lumabas sa sitwasyon na yan.”







Bahagyang gumalaw ang balikat ko. Maliit man na galaw ay alam kong naramdaman yun ni Jonathan kaya saglit s'yang nanahimik.




Hindi n'ya pa maiintindihan sa ngayon kung bakit hindi ko pa magawang tumigil. Hindi ko pwedeng aminin dahil wala namang ibang nakakaalam at makakaunawa ng iba kong dahilan.




Siguro ay hindi naman masamang aminin kong pagod na ako. Kahit ngayon lang. Kahit hindi sa balikat, kahit sa likod lang. Kahit dapat ay kay Blaze dahil s'ya itong nangako sa'king handa n'ya sa'king ipahiram lagi ang balikat n'ya sa twing kailangan ko ng kaibigang makakaramay. Sa twing pakiramdam ko ay nakakapagod na ang lahat.




Hindi na muling nagsalita si Jonathan at hinayaan lang akong tahimik na mahimlay sa kanyang likuran. Kung may boses nga lang ang mga takas na luha ay paniguradong mabibingi s'ya sa bawat patak nito. Ilang piraso lang ‘yon ngunit alam kong libo ang naipong sakit na nakapaloob rito. Kaya kung ito'y magaan para sa iba, sukatin man na maliit pero masyadong mabigat sa kiluhang may tamang sukatan at pangkalkula.




Pero hindi rin naman nagtagal ang pagsuko ko sa likuran n'ya dahil pakiramdam ko kapag mas tumagal pa ay lalo lang akong manghihina. Isa pa, hindi ko yun pwedeng maramdaman. Lalo na ngayon. Ngayong kaunti na lang, matatapos na..






Umakto akong parang walang nangyari at inayos ang sarili. Isinuot ko na rin ang helmet na kanina pa ibinigay ni Jonathan. Binuksan n'ya na rin ang makina ng maramdamang handa na akong umalis.





Napatingin muli ako sa side mirror at tama ako ng hinala. Hindi pa rin s'ya umaalis.











Kumapit kang mabuti. Bibilisan ko dahil yun naman ang gusto mo.”






Hindi ako umangal pa at kumapit ako ng mahigpit sa baywang ni Jonathan. Pasimple kong sinulyapan ang side mirror at lalong umapaw ang idea na medyo kanina pa tumatakbo sa utak ko.







°°°










Tahimik akong nakabusangot habang nakaupo ngayon sa backseat ng kotse. Parang gusto ko na lang tumalon sa labas ng bintana. Alam kong pwede, pero masyado yung maeskandalo. Wala naman s'yang ginagawang masama sa'kin dito sa loob pero kasi, hindi lang talaga ako kumportable.






Kailangan ba talagang kasama pa ‘ko?” Tanong ko sa nagmamaneho ng hindi sa kanya tumitingin.


Hindi man ako sumulyap ay alam kong napangisi na naman s'ya.


“Yep. Eh kasi naman, for sure mas marami kang ideas na pwedeng bilhin for groceries. Nakakasawa na kasi yung hotdogs ni Kurt.” He quickly laughed.



Humalukipkip lang ulit ako.


Sana talaga saglit lang kami. Dahil kanina pa nga lang sa parking lot na dinaanan naming bangko ay pinagtitinginan na kami. May mga ilan ding nakakakilala sa kanya at nagpapapicture sa kanya kahit na nakasuot pa s'ya ng sumbrelo. Paano pa kaya kapag sa mas matao ng lugar.





Pumili ka lang kung anong gusto mong bilhin ha?”  Mayabang n'yang pagkakasabi at hilaw nalang akong napangiti.




Hindi talaga ako nagkamali na may ilan ilan pa ring nakakakilala sa kanya hanggang dito sa supermarket sa kabila ng sumbrelo n'yang suot. Lalo lang tuloy akong nailang na kasama s'ya.






Ilang shelves ang nadaanan namin at kung ano ano lang ang kinukuha n'ya sabay lagay sa push cart na itinutulak ko. Malapit na nga ito mapuno at sa palagay ko, makakadalawang push cart pa kami. Ang haba haba pa man din ng mga pila sa counter dahil noche buena na bukas at sa isang araw ay Pasko na.




Sunod lang ako ng sunod habang s'ya ay mukhang aliw na aliw sa pamimili ng kung ano ano.




“Shampoo. Anong brand ba ng shampoo ang ginagamit mo?” Tanong n'ya sa'kin pero sa mga nakahanay na mga stocks s'ya nakatingin.


“No need—”


“Ah, oo nga pala. I just saw the sachet on the trashbin. Sunsilk right?”



Hindi pa man ako nakakasagot ay kinuha na n'ya iyon at inilagay sa cart. Napangiwi na lang ako at hindi na umangal pa. Useless din naman dahil kada tanong n'ya, kahit sabihin kong 'hindi' ay kumukuha pa rin s'ya.




Ilang saglit pa ay natigilan s'ya sa paglalakad ng nasa tapat na kami ng mga can goods. Humarap s'ya sa'kin at makahulugang ngumiti.




“Anong gusto mong ipadagdag sa menu natin for tomorrow sa Noche Buena?”

Kumunot ang noo ko sa tanong na yon.


Natanong na n'ya sa'kin yun kahapon pa at kaninang bago kami umalis at sinabi ko namang wala akong balak na sa kanila magnoche buena. Bahala si Kurt kung gusto n'yang s'ya ang manatili roon bukas.




Sasagot pa lang sana ako pero pinutol na naman agad n'ya hindi pa man bumubuka ang bibig ko.




“How about dinner natin mamayang gabi? Ano kayang masarap?” Malapad at matamis nyang pagkakangiti habang inililibot ang paningin.




Tumabang ang timpla ng aking mukha. Alam ko namang hindi n'ya nakikita ang expression na yon pero nakakatamad sumagot sa mga tanong n'ya. Wala akong kaganagana. Wala naman s'yang sinasabi o tinatanong na nakakairita o kaya naman ay masama, pero sadyang hindi lang talaga ako kumportable na kausap s'ya. May mga times kasi na ang hangin hangin n'ya. Magtatanong s'ya ng suggestions mo pero ang ending mas pipiliin lang naman n'yang gawin ay kung ano yung gusto n'ya.



“Oh.”



Isang pamilyar na boses ng babae ang  pumukaw sa aming pandinig.




“Candid? Bryan Evans?”





Saglit akong natigilan pero umaktong hindi ako nagulat. Dahan dahan akong pumihit palingon sa aming harapan. Hindi pa man ako nakakaharap ay pumapasok na sa isip ko na may isa pang taong maaari kong makita. Kailangan ko bang ihanda ang sarili o wala lang?





Bakas sa mukha ni Lacey ang pagtataka at sa mga mata n'ya ang kaunting amusement habang nakatingin sa aming dalawa.




“Hi. Nice to see you again, Lacey.” Bryan widely smiled at her. Saka saglit na pumihit ng tingin sa lalaking katabi nito na may tulak tulak ring push cart kagaya ko.



Bryan tilted his head and grinned at Blaze. Pero tamad lang s'ya nitong tinignan. Saglit itong nagbigay segundo para sulyapan ako pero mas mabilis pa ang pagbitaw nito na akala mo'y napaso sa presensya ko.


Medyo nakakapanibago. Ang usual na Dalton na kilala ko lalo na kapag nakita akong kausap o kasama si Bryan ay tititigan ako ng masama, ipaparamdam kung gaano s'ya kairitado at pagsasabihan ng kung ano ano ang isang ito.




“You're with your boyfriend now.  It's been a while, Dalton.” May tono ng kaunting panunuya ang bati ni Bryan rito kahit makikita mo naman ang maliit na ngiti sa labi n'ya.





Muling tumingin si Blaze kay Bryan sa paraan na parang iritado na.




Yes. Sa bahay kasi kami magdidinner mamaya kaya namimili kami ng ibang needs for the meal. I'll cook for him.” Matamis na ngumiti si Lacey ng iangkla ang kanyang kamay sa braso ni Blaze.




Eh kayo? I didn't know na magkakilala pala kayong dalawa. And mukhang close..”  Saglit n'yang pinasadahan ng tingin ang damit naming dalawa ni Bryan.




Napairap na lang ako sa ere.



Parehas kaming naka-black cap ni Bryan pero ako lang ang nakasuot ng mask. He's wearing a white tokong short and plain black tees. Habang ako naman ay naka-white tattered jeans at black tees rin pero may minimal print lang sa gilid ng dibdib. Hindi naman kami nagusap about sa kulay ng damit pero nagkataong magkaparehas lang kami ng kulay ng suot.




Kailangan din raw kasi naming magsuot lang ng sumbrelo. Baka raw kasi may makakilala sa kanya at kung scarf ang suot ko habang kasama s'ya in public, baka kung ano ano daw ang masasamang ipost tungkol sa akin ng mga makakakita sa ilang fans n'ya. Hindi na lang n'ya sinabi na papangit ang image n'ya kung may makakakita.




“Actually..” Tinignan ako saglit ni Bryan saka maliit na ngumiti.



Pigil saglit ang hininga kong tinignan s'ya dahil mukhang may balak pa s'yang sabihin na hindi ko magugustuhan.




“Never mind. Kami na lang siguro ang nagkakaintindihan.” He softly chuckled.



Parang nakahinga pa ako ng maluwag sa sagot na yon. Pero alam kong may mali rin pero wala nga lang akong balak pang klaruhin. Bahala na silang magisip ng kung ano mang pagkakaintindi nila. Tutal naman hindi nila kailangan ng paliwanag mula sa kung sino man sa aming dalawa.




Saglit kong ninakawan ng sulyap si Blaze na hindi man lang ako tinapunan ng tingin mula ng sumulyap kanina. Inabala nito ang sarili na dumampot ng kung ano sa mga display na nasa gilid n'ya at isa isa itong tinitignan.



He doesn't seem to care and he looks bored, by the way. Hindi ito ang inaasahan kong tipikal na akto n'ya sa muli naming pagkikita mula ng may nangyari noong gabing iyon. At sa gilid ng utak ko habang pinagmamasdan si Lacey ay parang gusto ko sabihing dapat s'yang magpasalamat sa akin na humihinga pa s'ya ngayon. Dapat s'yang magpasalamat na ako ang handang ipaubaya at itaya ng kanyang nobyo para lang sa kaligtasan n'ya. Kahit na alam kong alam rin naman ng babaeng nakapula na yon sa screen noong una pa lang na hindi talaga ako ang pipiliin ni Blaze sa huli.





If you may excuse us? Marami pa rin kasi kaming bibilhin for the dinner later.”  Bryan gestured to excuse us and smiled again at Lacey. But when Blazed looked at him again, his genuine smile changed into a smirk.




Saglit lang akong sinulyapan ni Blaze at parang wala lang na nagbitaw ng tingin. Hindi nito itinabi ang push cart na nakaharang. Bagkus ay ako ang nagadjust.





Mabigat ang loob kong humakbang dahil nakaramdam ako bigla ng ilang. Kahit ako dapat ang umakto ng ganito. O ako dapat nga ang sumama ang loob. Pero mukhang ako pa ata itong mahaba ang pangunawa.




Sa pagtalikod namin sa kanila ay naramdaman ko na ang pares ng mga matang sumusunog na sa likuran ko. Masyado akong pamilyar sa ganoong pakiramdam. Sa ilang buwan na naming magkasama, kabisado ko na ang mga kilos n'ya. Alam na alam ko na ang pakiramdam kung paanong nakakapaso ang mga kamay n'ya, ultimo kung ano ang pakiramdam sa tuwing dumadapo sa'yo ang mga sulyap, tingin at titig n'ya.




“Let's G.” Bryan gripped my hand tightly and pulled me as he walks.



Isang minuto pa siguro ang lumipas bago ko mapagtanto ang kanyang ginawa bago ko bawiin ang kamay ko.




“You don't have to hold my hand.” Seryoso kong sabi sa kanya.



“Why not? Wala namang magseselos hindi ba?” Tumaas ang kilay n'ya.


May kaunting babala ang titig ko. May pinupunto ang tanong n'ya.



Hindi porque walang magseselos ay may karapatan na s'yang hawakan ang kamay ko lalo pa at in public. Isa pa, hindi naman kami close. Magkakilala lang kami. May koneksyon man ay hanggang doon na lamang yun at agaran ko rin yung puputulin para tumigil na s'ya sa pagakto ng ganito.



Umuna na ako ng hakbang at binilisan ang lakad habang tulak tulak pa rin ang cart. Gusto kong bumili ng kailangan ko pero kapag isinabay ko, lalabas na nagpapabili ako sa kanya. Kung ibubukod ko pa ng cart, hassle naman at hindi ko kaya pagsabaying itulak ang dalawang cart. Sure din akong isasama rin n'ya sa counter kahit ibukod ko. Siguro ay babalik na lang ako dito mamaya ng magisa.




Lumusot ako sa kabilang shelves. Kunwari ay may hinahanap ako pero gusto ko lang talagang mauna sa kanya at hindi s'ya makasabay. Kung may magustuhan man s'ya, s'ya na lang dapat itong humabol para ilagay sa cart.





Maya maya pa ay napuno na ang cart na tulak ko. Akala ko pakukuhain n'ya ako ng panibago pero s'ya na itong kumuha at may sarili nang tulak tulak.




Iyon ang nahanap kong pagkakataon para pumuslit muna kahit saglit. Naiilang akong kasama s'ya sa pamimili lalo na kapag may lumalapit sa kanyang kakilala o kaya naman ay mga fans na namumukhaan s'ya. Napapagkamalan nga akong assistant n'ya at nauutusan pa tuloy akong kuhaan sila ng litrato.



Saglit na nawala sa isip ko na nakita ko si Blaze at Lacey kanina kaya kumportable akong naglakadlakad muna habang tumitingin tingin ng kung ano. Pero nang muli akong magangat ng tingin dahil sa push cart na nakaharang ay muntik na akong takasan ng hininga.




Hindi naman ako dating magugulatin pero ganito ang epekto sa akin ni Blaze sa twing nagkakaroon kami ng hindi pagkakaunawaan o hindi naman kaya ay kapag matagal na hindi nagkikita.






Naestatwa ako saglit sa kinatatayuan at may sarili atang isip ang mga mata kong ayaw magbitaw sa perpektong hulma ng kanyang mukha.





Bago pa man ako tangayin ng sarili kong pagkawala sa kasalukuyan ay sinikap kong iliko at iisod ang push cart upang ako ulit ang magadjust. Kailangan kong magbigay espasyo para paraanin s'ya. Pero hindi pa man ako tuluyang nakakalagpas sa cart n'ya ay matipunong kamay agad ang pumigil sa cart ko sa pagusad sa paglagpas sana.




Tila antok ang mga mata n'yang dumapo at sabik na sinalubong ang mga mata ko. Malayo sa mga mata n'ya kanina.



Sigurado akong napansin n'ya ang mahina kong pagsinghap. Epekto siguro ito ng ilang araw na hindi naming hindi pagkikita.



Hindi ako ang unang umimik. Ginawa ko ang lahat ng paraan upang hindi kakitaan ng kahit anong emosyon ang mga mata ko. Pilit kong pinigilan ang sarili na ibuka ang bibig at itanong kung bakit at ano ang kailangan n'ya. Gusto kong s'ya ang unang magsalita.





Gusto kong makita ang pagkainis sa mga mata n'ya dahil sa nakita n'ya. Alam kong ayaw nya kay Bryan at alam ko ring ayaw n'ya na mainvolve ako rito dahil sa may alam ito sa isa sa mga pinakatagotago ko. Ang aking mukha.





Pero wala ni katiting na bakas ng pagkairita, pagbabanta o kaya naman ay galit sa mga titig n'ya. Ang kasalukuyang sitwasyon namin ngayon ay para kaming may kumpetisyon sa kung sino ang unang magbibitaw at unang iiwas ng mata. Pero wala ni isa sa amin ang unang sumuko. Dahil batid ko ring hinihintay n'yang ako ang unang magsalita.



Hinihintay n'ya ba ang paliwanag ko? O baka naman hindi n'ya alam kung paano hihingi ng tawad sa ginawa n'ya sa'kin noong Christmas Ball?





Bahagyang kumilos ang mga mata ko at sinundan ang dahan dahang pagpapakawala n'ya ng kapit sa cart ko. Ibinaon n'ya ang kamay na iyon sa kanyang bulsa at maayos na muling tumayo.




His posture was screaming superiority even if he's just bringing a casual wear. Making it hard for me to resist every bit of his stares. Simple, pero itataob ka sa lakas ng dating.








“I am letting him or even that Jonathan to borrow you for now. Kaya samantalahin mo na ang pagiging malaya.”



Medyo nalaglag ang panga ko sa sinabi n'ya. Ilang ulit pang kumurap ang talukap ng aking mata.



Hindi iyon ang inaasahan kong sasabihin n'ya sa muli naming pagkikita matapos ang gabing iyon. Hindi ganito ang inaasahang kong scenario.



Nadidismaya tuloy ako. Balewala lang ba sa kanya ang ginawa n'ya? Hindi man lang ba sya maguguilty? Hindi man lang ba sya nakukunsensya?



Hinigop ng seryosong tinig na yon ang boses ko kaya hindi agad ako nakapagsalita. Isa pa, iba ang paraan ng tinig na inaasahan ko. Paghingi man lang sana ng despensa at hindi ganito.





Aayusin ko lang ang mga gusot ko.  Hindi ko na hahayaan pang lagi ka na lang nangangapa at nanghuhula.”




Kumunot ang noo ko sa sinabi n'ya. Wala akong maunawaan kahit isa.



Pero akala ko lang ay bigo akong maintindihan at wala akong makukuhang matinong kahulugan sa mga sinabi n'ya pero isa palang malaking pagkakamali na mas pinili ko kaninang mapagisa.





Dinaig pa ng buga ng air condition ang naging epekto ng paglapit ng bibig n'ya sa aking tainga. Hindi dumampi ang kanyang labi pero pakiramdam ko'y lumipad panandalian ang bait ko sa paraan ng pagkakasabi at sa timbre ng boses n'ya.




Muntikan ng hilahin ng boses na yon ang mga mata ko para pumikit. Pabulong lamang pero nagsusumigaw ang lakas at ibigsabihin ng bawat salitang kanyang binitawan. Sa sobrang lakas ng epekto ay nabitawan ko saglit ang push cart na kapit ko lamang ng mahigpit kanina.



The power his words holds was gentle yet heavy. Para lang syang nagiwan ng inosenteng bag sa gilid, na ginulantang ako sa bombang nasa loob na biglang sumabog na lang ng hindi man lang ako nakapaghanda. Pino ako nitong pinatalsik at kalat ang aking isip na tumakbo sa kung saan matapos n'ya akong lagpasan.




















Sulitin mo na sa ngayon, Señorita. Dahil sa susunod nating pagkikita, aangkinin na kita.”

Continue Reading

You'll Also Like

175M 3.7M 76
Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fi...
35.6M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
176K 7K 45
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
873K 24K 6
In the fairy tale, there is always a handsome prince clad with his sword that will save you from the evil. He will sweep you off your feet with his m...