Polar Opposites

By JellOfAllTrades

327K 12.9K 1.3K

Matapos manalagi sa Amerika ng dalawang taon dahil sa student exchange program, nagbabalik si Sophie sa Pilip... More

Polar Opposites (GirlXGirl)
Meet the Negative
Think Positive
The Alexandrian Effect
AC/DC
The Chemical Reaction
Sound Wave
Miscalculation
Phobias
Electrostatic Attraction
Continental Drift
Background Check
Living Improbability
Possibilities
The Neutral Polarity
The Nilaga Agreement
Alec's Chrysalis
Schrodinger's Cat
Polar Shift
Red Joker
Home Treatment
Imperial Confession
Origami
Fire and Blood
Boundaries
Genetic Mutation
A Ballad for the Broken
Last Digit
Out-of-Body Experience
Ice Cream Infinities
Lightning Struck
Camellia Sinensis
Broken Treaties
Genealogy
Opera Seria
Missing Persons
All Senses
Acknowledged Existence
Projections
Epilogue: A Moment in Time
Author's Note

Interstellar Activity

12.4K 443 39
By JellOfAllTrades

Polar Opposites by JellOfAllTrades

Chapter 13

Interstellar Activity


Lumabas ako ng classroom at nagulat nang makasalubong ko si Leone.

"Hey," bati niya sa akin.

"Hey din," ngiti ko sa kanya. "Anong ginagawa mo jan? Ba't magisa ka?"

"Louisse has gone home. May family dinner sila mamaya." Maliit ang ngiti ni Leone.

"You okay?"

"I'm fine." Ngiti niya sa akin. Bigger this time.

"Sure ka ah?"

"Yeah." Tango niya. "May class ka pa ba?"

"Wala na."

"Foodtrip tayo?"

"Wala akong pera."

"Sagot kita."

"Ay, Leone. Wag na! Salamat na lang."

Nagisip saglit si Leone. "Ganito na lang. Ako sasagot sa pagkain. Ikaw sa drinks."

"Tempting."

"Sige na?"

"Basta wag kang magaaya sa mahal. Baka softdrinks lang kaya ko."

"Sus. Okay na sakin yun."

Naglakad kami papalabas ng school at napadpad sa isang kainan malapit. Madaming inorder si Leone at nakuntento na siya sa isang can ng Coke. Ako naman, masaya na sa ice tea.

"Hey, kumain ka." Inilapit ni Leone sa akin yung isang plato ng siomai.

"Sige lang." Kumuha ako ng pansit at pinanuod siyang kumain. "Asan nga pala yung banda?"

"Busy sila Ed ngayon eh. Ginagawa yung thesis nila."

"Ikaw?"

"Tapos ko na yung sakin."

"Di nga?!"

"Oo nga."

"Ang bilis mo naman ata?"

"Ginagawa ko kasi yun on my free time."

"May free time ka pa pala?" Tawa ko.

"Oo naman! Ano tingin mo sakin? Busy palagi?"

"Oo."

"Hindi naman."

"Akala ko pag sikat madaming ginagawa."

Nagisip si Leone. "Actually, madami talaga kaming ginagawa but you know, kailangan din magpahinga."

Napangiti ako sa pagsubo niya ng isang buong siomai. "So, your form of stress reliever is eating?"

"Bakit, masama ba yun?" Ngiti ni Leone.

"Hindi." Kumuha din ako ng siomai. "Buti di ka tumataba?"

"Malikot kasi ako." Tawa ni Leone. "Ayun, natutunaw din naman agad yung kinakain ko."

Natawa ako sa sinabi niya. "Mataas lang siguro metabolism mo kaya hindi ka tumataba."

"Metabolism, whatever." Tawa ni Leone. "You know, I almost failed my science classes dati. The only high scores I got in science is when we talked about sound waves in physics. Yun lang nagustuhan ko."

"So, gets mo yung theory ng sound waves? Naiaapply mo ba yun sa pagkanta mo?"

"I think I already have an idea of sound waves before we actually discussed it in school. Mas nahasa lang siguro nung lesson na namin." Seryosong sagot ni Leone. "Saka hindi ko naman siya maiapply sa pagkanta ko. Sa structure lang siguro nung place? Like, if we perform in a certain kind of place, naaamplify yung music namin. Stuff like that."

Napakagat ako sa labi ko. "Ay oo nga pala." Nalimutan ko na yung sound waves, ano ba yan.

"Don't bite your lip." Pansin ni Leone sa akin.

"Sorry," Tumungo na lang ako at nagfocus sa pagkain. Mejo na-awkward ako sa pagtitig sa akin ng green eyes niya.

Noong nagaaral ako sa Stanford, may mga naging kaibigan naman ako na blue at green ang mga mata. Ang kaso lang kasi, iba yung tingkad ng green ng mata ni Leone. At yung paraan ng pagtingin niya sa akin, parang yung tingin na binibigay sa akin ni Alec. Intense.

"Sophie, has anyone told you you're beautiful?"

"W-wala pa." Natatameme kong sagot. Ano daw? Ako, beautiful?

"Well, you're beautiful."

"S-salamat."

Nginitian lang ako ni Leone at nagpatuloy na siya sa pagkain.

"Leone?" Tawag ko sa pansin niya.

"Yeah? Ay sorry!" Pinunasan niya yung bibig niya nang may tumalsik na pagkain mula rito.

"Anong pinagaaralan niyo sa music?"

"Well, madami kaming pinagaaralan. Music theory for example is a subfield of musicology which is a subfield of arts and humanities. Music theory is concerned with abstract musical aspects like tones and rhythmic relationships pero meron din namang nagfofocus sa practical aspects ng music like performance, orchestration and improvisation."

Iba yung kinang ng mga mata niya habang nagpapaliwanag siya sa akin. Mahal nga niya talaga ang ginagawa at pinagaaralan niya. Bihira lang ang mga taong nakikita kong passionate sa napili nilang kurso.

"We have this music technology class that teaches us how to use different software, programs and various technology to write, produce, record and edit our music. Honestly, I'm not that techy but I get the basics and it's awesome kasi we had this project a few semesters ago where we actually made our own album. Nagenjoy dun si Louisse kasi she's also kind of the second manager of the band and if she's not singing back up or playing the guitar with me, she manages us and writes some of our songs."

Tumango tango lang ako sa pagpapaliwanag niya.

"Madami pa kaming pinagaaralan and it's not really all that easy. Some people look down on us kasi sinasabi nila kumakanta at tumutugtog lang kami but they don't understand that it's not easy to produce a song. You have to have the right rhythm, the right tempo, the right instruments and stuff like that. And it's a tough business to be in. I mean, the competition in the music industry is large. Our band wouldn't have made it big kung hindi namin pinaghihirapan yung pagccreate ng magandang music."

Natahimik si Leone at napatitig sa pansit niya na pinaglalaruan niya with her fork kanina pa. "It's hard to be in the music industry kasi some people think that being a singer or songwriter is just a temporary job. My dad included."

"Ayaw ng dad mo sa ginagawa mo?" Mejo gulat kong tanong.

"He wanted me to join the family business but I don't really understand much of it." Tinulak na ni Leone yung plato niya papalayo sa kanya. "If it weren't for my mom I would be in some business school learning how to do accounting and stuff that I don't really want. She's been very supportive of me until the very end."

"Ha?"

"Oh, mom died last year because of colon cancer." Malungkot na kwento niya.

"I'm sorry."

"I am too." Kahit na nalulungkot ay ngumiti pa rin siya sa akin. "Tara na, busog na ako."

Tapos na rin naman na akong kumain kaya tumayo na kami at naglakad papalabas.

"Uwi na ako, Leone." Paalam ko sa kanya.

"Hatid na kita."

"Ay, kahit hindi na." Tanggi ko.

"No, I insist."

"Okay, suit yourself."

Naglakad kami sa direksyon ng bahay ko.

"Sophie,"

Lumingon ako kay Leone at nakitang nawala na yung masiyahing aura niya. "Yeah?"

"Thank you for coming with me."

"Thank you din sa pagkain." Ngiti ko.

"Sus, wala yun." Natawa siya pero hindi umabot yung ngiti niya sa mga mata niya.

"Leone, okay ka lang ba?"

"Yeah, I am."

"Sure ka?"

"Yeah." Tumigil kami sa tapat ng bahay ko.

"Leone, kung may problema ka man, andito lang ako. You can talk to me."

Tumango siya. "I know."

Nakatayo lang kami sa sidewalk, nakatingin sa isa't isa.

Ang lungkot talaga ng green eyes niya at hindi ko maiwasang mapansin na parang pareho sila ng ilong at labi ni Alec. Napakunot ang noo ko at tiningnan siyang mabuti. Oo nga, may pagkakahawig sila sa mga labi nila.

"Umm, I should probably go. Dumidilim na kasi."

Napaiwas ako ng tingin. Nakakahiya, tinitigan ko talaga siya. "Sure, ingat ka, Leone."

"Bye, Sophie." Lumapit si Leone at dinampian ako ng halik sa pisngi. "Good night."

Natigilan ako sa ginawa niya at napahawak sa pisngi ko. Naglakad na rin siya papalayo.

Nang matauhan ako'y pumasok na rin ako ng apartment ko at napahawak sa dibdib ko. Malakas ang tibok ng puso ko at hindi mawala sa isip ko yung paghalik niya sa pisngi ko.

Aaminin ko, mejo gusto ko si Leone kasi tinulungan niya ako kay Alec pero hindi ko siya gusto in a way na gugustuhin ko siyang maging girlfriend. Aside sa fact na sila ni Louisse ay alam ko din na straight ako. Straight as a ruler. Kaya hindi pwede yung malakas at mabilis na pagtibok ng puso ko sa ginawa ni Leone.

Napatingin ako sa salamin at tiningnan ko yung sarili ko. Halatang gulat pa rin ako sa nangyari. Napailing ako. Mabait lang talaga si Leone. Masaya siya kasama. Nagulat lang talaga ako. Yun lang. Walang malisya yun.

Hindi pwede magkaroon ng malisya yun.

Nagpunta ako sa lababo at naghilamos para mahimasmasan. Maya maya ay kinuha ko na ang bag ko para ilabas ang mga libro at notebook ko. Magaaral na lang ako.

----------

BANG

Napaiktad ako mula sa pagkakahiga ko sa couch at napatingin sa kabuuan ng apartment ko. Itinabi ko ang mga gamit ko at lumapit ako sa bintana para sumilip sa labas. Madilim na at walang tao sa kalsada. Lumapit naman ako sa pintuan at napatigil nang makarinig ng kaluskos na nanggagaling sa labas.

Naghanap ako sa paligid ng kung anong pwede kong gamitin panglaban sa magnanakaw o sa kung anong nasa labas ng apartment ko. Nakita ko yung frying pan ko sa kitchen kaya yun na lang ang kinuha ko. May kutsilyo naman ako pero ayoko makasaksak, manghahampas na lang ako in case kailanganin kong depensahan ang sarili ko.

Walang peeping hole yung pinto kaya hindi ko alam kung sinong nasa labas. Chineck ko yung ilalim ng pinto pero wala naman akong makita. Naghintay lang ako sa tapat ng pinto, nagdarasal na sana umalis na yung tao sa labas nang makarinig ako ng pag-ubo. Maya maya ay napalitan yung pag-ubo ng tunog na parang may nasusuka na sa labas.

Hindi ko mapigilan yung curiosity ko kaya binuksan ko na yung pinto at nakita si Alec na sumusuka sa mga halaman sa tapat ng apartment ko.

"Alec!" Iniwan ko yung frying pan sa tabi ng pintuan at lumapit ako sa kanya para himasin yung likod niya. "Anong nangyari sa'yo?"

Matapos isuka ang dinner niya ay humarap siya sa akin at pinunasan yung gilid ng bibig niya. "Hey, Sophie."

Napatakip ako ng ilong ko kasi ang lakas ng amoy ng alak sa hininga niya. "Alec, ano ba yan. Lasing ka na naman."

"I know. Crazy, right?" Ngiti niya na halatang wala na sa wisyo.

"Anong ginagawa mo dito?"

"I don't know. I just found myself here."

"Halika nga sa loob." Hinawakan ko siya at inalalayan papasok ng apartment ko pero pinigilan niya ako at hinawakan lang ako at arm's length.

"Sophie," Mahina niyang sabi at hinimas yung pisngi ko. Mainit ang palad niya sa pisngi ko at may kung anong lungkot sa mga kulay ube niyang mata. Para siyang naliligaw.

"Bakit, Alec?"

"Wala. Uuwi na ako." Tumalikod siya pero pinigilan ko siya.

"T-teka," nagulat ako sa pagpigil ko sa kanya. Tiningnan niya lang ako na naghihintay ng kung anong sasabihin ko. "K-kaya mo ba umuwi?"

"Nakarating nga ako dito eh. Of course kaya ko umuwi."

"Sure ka?"

"Bakit, Sophie, anong gagawin mo pag hindi ko kaya umuwi?" Interesado niyang tanong. Kuminang ng onti ang kulay ube niyang mga mata.

"E-ewan ko."

"Eh di uuwi na ako." Tumalikod siya at pagewang gewang na naglakad papalayo.

"Hoy Imperial!" Tawag ko sa kanya.

"Ano?"

"Mag-iingat ka pauwi."

Ngumisi siya sa akin dahilan para lumabas yung mga pangil niya. "Sila magiingat sa akin."

Nang mawala siya sa paningin ko ay napatingin ako sa kalat na ginawa niya sa mga halaman ko.

Ibang klase talaga malasing yung henyong yun.

Napaisip tuloy ako. Bakit ako ang pinuntahan niya?

-------------------------

Pagkatapos ng pangalawang klase ko ay nadatnan kong hinihintay ako ni Leone sa labas ng classroom ko.

"Hey, Sophie." Bati niya sa akin. Mukhang malungkot pa rin siya. Iba yung aura niya.

"Hey, Leone. Okay ka lang?"

"I'm fine."

"Can we talk?"

"Sure. Nag-lunch ka na ba?" Tanong ko. "Nagugutom na kasi ako. Baka pwedeng pagusapan natin yan over lunch?"

"Hindi pa. Kain tayo sa labas?"

"Uhm, Leone, hindi ba pwedeng sa canteen na lang tayo?"

"Louisse and the guys are in the canteen."

"Oh, ayaw mo ba sila makasabay kumain?"

"Nagaway kasi kami ni Louisse. I don't think it's good to eat with her."

"Kaya ba gusto mo ako kausapin?"

"Yeah."

"Tara."

Nagpunta kami ni Leone sa isang kainan sa labas ng school. Napansin kong onti lang ang inorder niyang pagkain.

"Ba't kayo nag-away?" Panimula ko.

"Well, her family doesn't really approve of me. She always gets pressured to break up with me."

"Oh," wala akong masabi. Akala ko legal sila at okay lang sa mga pamilya nila ang relasyon nila.

"Ganun din naman si daddy. Hindi rin siya okay with me being a lesbian. He wants me to find a man." Kwento ni Leone. "Pag nakikita niya kami together ni Louisse, I can see it in his eyes na he's waiting for us to break up."

"Leone, hindi niyo dapat pinakikinggan ang sasabihin ng ibang tao kung gusto niyong maging masaya kayo ni Louisse."

"Hindi naman talaga ako nakikinig sa kanila. But Louisse..."

"What about Louisse?"

"She suggested that we pretend to break up until graduation. Gusto niya magtago muna kami. She'll take a break from the band and convince her parents that she's not happy without me."

"What did you say?"

"I told her baka pwedeng wag na lang yun. If we lie to everyone about breaking up, a lot of people would think na baka nalilito lang kami kaya kami pumasok sa relasyon na 'to. If we lie, we'll get our parents' hopes up na pwede bumalik kami sa pagiging straight, which isn't true. We knew before we met each other na lesbian ako at bisexual siya."

Malungkot talaga si Leone at nang dumating ang pagkain na inorder namin ay halatang wala siyang gana sa pagkain.

"I saw the frustration in Louisse's eyes. She's really serious about the pretend break up idea."

Natahimik kami saglit para kumain. "Did you try seeing the problem in her eyes?"

"What do you mean?"

"May reason kung bakit naisip ni Louisse yung pretend break up na yan. Naisip mo na ba kung ano yung reason niya?"

"I don't know. Naisip mo ba? Help me." Nagmamakaawa ang mga green eyes niya sa akin.

"Baka kasi gusto niya talaga na matanggap kayo ng family niya. You said it yourself, she wants to convince her family na hindi siya masaya without you kaya she's asking you to pretend. Maybe she's thinking na pag ginawa niyo yun, her parents would realize na importante ka sa anak nila at mahal niyo talaga ang isa't isa."

"But what if lalo lang maconvince yung parents niya na I'm bad for her daughter? 50-50 yang plano niya eh. I don't want to risk it."

"Well, do you have a better idea para matanggap kayo ng families niyo?"

"Stability is the best answer. We show them that we can go through all our problems and that we really love each other to just let go of what we have."

"But that takes time."

"Hindi naman kami nagmamadali. We have the rest of our lives ahead of us."

"So, bakit gusto na agad ni Louisse na matanggap kayo?"

"Ewan ko."

Gusto kong sabihin kay Leone na baka may ibang reasons pa si Louisse kaya nagmamadali siya. Mas maganda naman talaga yung plano ni Leone na huwag na lang makinig sa sasabihin ng iba at ipakita na lang na kaya nilang magtagal together. Matalino si Louisse, maiisip niya yun. Pero kung nagmamadali siya, isa lang ibig sabihin niyan. May malaking problema silang haharapin.

May deadline si Louisse.

Natapos na kaming kumain at bumalik na kami ng campus. Sa may hallway ay nakasalubong namin sila Ed at Ron.

"Hoy, Leonora! San ka ba nagsususuot ha? Kanina ka pa namin hinahanap!" Pingot ni Ed sa tenga ni Leone.

"ARAY KO NAMAN EDMUNDO!"

Natawa lang kami ni Ron sa dalawa.

"MANAHIMIK KA JAN RONALDO!" Balahaw ni Ed kay Ron. "Tulungan mo na nga akong kaladkarin tong mokong na 'to!"

"Teka, teka. Bakit kailangan akong--ARAY KO HA!" Reklamo ni Leone.

"Tumawag si Manager Dianne! May interview tayo mamaya after class! Di ka ba tumitingin sa cellphone mo?"

"Oh, eh mamaya naman palang after class eh!"

Binatukan siya ng malakas ni Ron. "Ulyanin ka na ba? Tapos na klase natin, loko."

"Eh?" Napahawak lang si Leone sa ulo niya. "Aray ko naman Ron. Masakit yun."

"Ano, naalog ba utak mo? Naalala mo na?"

"Oo."

"Good. Tara na. The van's waiting outside." Tinapik ni Ed yung pisngi ni Leone.

"Si Louisse?"

Nagkatinginan sila Ed at Ron.

"Masama pakiramdam. Di daw muna siya sasama sa'tin."

Bumagsak ang mga balikat ni Leone sa narinig at wala na lang kaming magawa kundi maawa para sa kanya.

"Hayaan mo na, bro. Magbabati din kayo." Tinapik ni Ron si Leone.

"Oo nga. Onting tampuhan lang yan. Mamaya after ng interview natin puntahan natin siya. Dalhan mo ng flowers or ng chocolates. Maaayos niyo yan." Sabi naman ni Ed.

Tipid ang ngiting iginawad ni Leone sa mga kabanda. "Si Jecko nga pala?"

"Nasa van na. Wala pang tulog eh. Iniwan na naming humihilik dun para hanapin ka." Sagot ni Ed.

Tumingin sakin si Leone. "Sige na, Sophie. Mauuna na kami."

"Sige. Ingat kayo."

Nagpaalam na sila at umalis. Dumiretso naman ako sa klase ko at naabutan si Alec na natutulog na naman sa desk niya. Palagi na lang tulog tong babaeng 'to.

Naupo ako sa tabi ni Alec, tahimik na hinihiling na sana matulog na lang siya buong klase.

Napaisip ako sa problema ni Leone. Mukha kasing wala siyang problema. Siya yung tipo ng tao na kwento, pagkain, pagtawa, pagkanta at pagtugtog ang palaging ginagawa. Ang hindi alam ng karamihan, hindi niya malaman kung paano sasabihin sa iba ang problema niya kaya idinadaan niya ito sa pagkain. Tumatawa siya kahit problemado na siya at hindi rin pala madali ang pagkanta at pagtugtog niya.

"Sophie, ilang beses ko na ba sinabi sa'yo na masama tumitig?"

Napakurap ako at na-realize na kanina ko pa pala tinititigan si Alec.

"Oh, sorry." Umiwas na ako ng tingin.

"Anong naiisip mo kanina lang?"

"Wala."

"Are you sure about that? You seemed deep in thought."

"Kahit naman may naiisip ako kanina, why will I tell you?"

"Ewan ko." Kibit balikat niya. Umayos na siya ng upo at hinawi ang buhok na napunta na naman sa mukha niya.

"Alec, ba't ka nga pala napadaan sa apartment ko noong isang gabi?" Tanong ko nang maalala yung biglaang pagdating niya.

"I told you, I just found myself there."

"So, natripan mo lang talaga?"

"Yup."

"Okay."

Inayos ko na lang ang gamit ko at hinintay ang pagdating ng prof namin. Medyo late ata si Sir ngayon.

"Sophie?"

Napalingon ako kay Alec. "Bakit?"

"Naguusap pa kayo ni Lucescu?"

Natigilan ako. Ngayon lang sinabi ni Alec yung apelyido ni Leone. Nasanay akong tinatawag niyang 'impakto' o ng kung anong masamang salita yung kaibigan ko.

"Oo, bakit?"

"Wala."

Umiwas na siya ng tingin pero hindi siya naka-iwas agad kasi may nakita akong kung anong galit o kalungkutan sa violet na mga mata niya.

"Alec, mabait naman si Leone. Ano bang problema mo sa kanya?"

"Madami akong problema sa kanya. Wag ka nang tanong ng tanong."

"Wow ha. Ikaw kaya unang nagtanong sa'kin."

"Well, don't ask any more than that."

Napatingin ako sa ilong at mga labi niya. Medyo hawig nga sila ni Leone.

Nagdadalawang isip ako kung tatanungin ko si Alec kung magkaanak ba sila ni Leone pero baka lalo lang siya mabadtrip sa akin kasi galit nga siya kay Leone. Kung ayaw niya itong maging kaibigan, mas lalo naman sigurong ayaw niya itong maging kamag-anak. Nanahimik na lang ako at hinintay ang pagdating ng professor namin.

Continue Reading

You'll Also Like

515K 18.9K 28
Akaizha and Gwen | "we can never be friends"
388K 14.5K 58
**COMPLETED** Hindi naman gusto ni Diana ng kahit na anong kompetisyon. Lalo na kung si Nephra Allen ang makakabangga nito. Pero bakit sa lahat ng ba...
8.7K 597 95
"and history say they were roommates." an epistolary. --- Paranoid of not having a place to stay for the new semester, Aleszandra Sunni Ferrer posted...
1.7M 75.2K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...