The Step Sibling's Romance

By XxxRAZxxX

393K 4.4K 386

Every relationship has its problem,but what make it perfect is when you still want to be there, when everythi... More

Prologue
-Note-
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Six

Chapter Thirty Eight

3.7K 58 4
By XxxRAZxxX

38

===================

Maaga pa naman para sa papasukan kong klase,kaya naman naisipan kong magpunta muna ng cafeteria at doon muna maghintay ng oras.

Nang papasok na ako ng cafeteria ay napansin kong andoon din sina Aubrey at ang kaibigan nya. Mabuti na lang at wala si Miguel,gusto ko sana kasing lapitan sya at magpasalamat sa pagligtas sa akin sa manyak na lalaking yon noong isang gabi. Kaya naman ganoon ang ginawa ko,nag-aalangan man ako sa paglapit sa kanya ay nilapitan ko pa din sya.

Pagkalapit ko sa kanila ay agad naman silang napatingin sa akin. Ngumiti ako sa kanila.

"Can I?" baling ko sa isang bakanteng upuan sa pwesto nila.

"Sure." dweto pa nila.

"Thanks." baling ko kay Aubrey.

"For the seat?" tanong nya naman.

Umiling lang ako. Alam ko namang alam nya ang ibig kong sabihin.

"Salamat sa pagtulong mo sa akin." mahinang sabi ko sa kanya.

Nakita ko namang binalingan nya ang kasama nya. Nagpaaalam ito saglit para daw makapag-usap kami.

"Alam mo kung iinom ka,siguraduhin mong kaya mo." aniya.

Napayuko naman ako. Nahihiya ako sa kanya dahil kahit hindi kami ok ay niligtas nya padin ako sa lalaking yon.

"Salamat. Kung wala ka doon naisama na nya ako at nagawa ang balak nya."

Narinig ko pa ang pagbuntong hininga nya.

"I saw you with Lei Ann and her friends, hindi sa sinisiraan ko sya,pero sana mamimili ka ng sasamahan mo. Ni hindi man lang nila nalaman na hindi ka na nila kasama."

Para din pa lang si Casey ito, pero kahit papaano touched pa din ako kasi concerned din pala sya sa akin.

"I know that you drunked so much that night,kilala ko ang kasama mong lalaki,at alam kong wala syang gagawing maganda kaya sinundan ko kayo. At hindi nga ako nagkamali."

Ako naman ay hiyang hiya talaga sa kanya,hindi ko malaman kung ano pang mga sasabihin ko sa kanya bukod sa pasasalamat,nahihiya ako dahil sa kabila nang may hindi kami pagkakasunduan noon ay nagawa nya pa rin akong mailayo sa lalaking yon.

"Ginawa ko lang naman kung ano ang dapat." patuloy nya pa.

Napansin ko namang inaayos na nya ang mga gamit nya.

"I have to go,may klase pa ako. " nang makatayo na sya at akmang aalis na ng muli syang mapabaling sa akin.

"By the way,umalis na si Miguel. Wala nang gugulo sayo."

Yun lang at tuluyan na syang tumalikod at umalis.

~

Papasok na ako sa aming klase ng mabungaran ko kaagad si Casey. Napatingin lang sya saglit sa akin at muling ibinaling ang atensyon sa ginagawa.

Umupo ako sa tabi nya. Ngunit deadma, hindi nya talaga ako pinapansin.

Natapos ang buong klase na hindi nya talaga ako kinibo unabis.

Papalabas na kami at nauuna syang maglakad ng hindi ko na natiis at tinawag ko sya. Huminto naman sya ngunit hindi ako nilingon.

"Sorry." nakayuko kong sabi sa kanya ng tuluyan na akong makalapit sa kanya.

Ngunit hindi man lang sya tuminag o tumingin man lang sa akin.

"Sorry na." ulit ko.

Nadinig ko naman ang pagbuntong hininga nya.

"Alam mo,hindi naman ako magagalit sayo eh,kaso nabigo mo talaga akong masyado. Hindi ko akalain na magkakaganyan ka dahil lang sa kanya. And worst, pati sina lola at Tita pinag-alala mo pa." aniya na ngayon ay nakatingin na sa akin.

Masyado syang pormal kung kausapin ako, hindi yung Casey na nakasanayan ko.

"Sorry na, alam ko naman na nag-alala kayo ng sobra at kasalanan ko." mahina kong sabi sa kanya.

"Concerned lang kami sayo."aniya.

"Alam ko naman yan eh. Sorry na." nakapout kong sabi sa kanya.

"Tsss." umirap lang sya sa akin at umismid.

"Hindi ka na galit?" parang bata ko pang tanong sa kanya.

"Matitiis ba kita?" aniya sabay irap sa akin.

"Sorry na please? Galit ka pa rin eh" muli kong sabi at kumapit pa sa braso nya.

"Sya ,sya. Wag ka na magdrama,at nakaharang tayo sa daan." aniya at nagpatiuna na sa paglalakad. Nakagitna nga naman kasi kami sa daan at nadadaan daanan ng mga kapwa namin estudyante.

Nangiti naman ako,alam ko kasing ok na sya at hindi na galit sa akin.

Nagdiretso naman kami sa Cafeteria at doon ay naging maayos naman ang kwentuhan namin na parang walang nangyaring samaan nang loob. Ngunit panaka naka ay pinangangaralan pa rin nya ako.

Mabilis na lumipas ang mga oras at naisipan ko nang umuwi na ng bahay.

Papaakyat na ako sa aking silid nang madaan sa opisina ni Tita at maulinigan sya na may kausap sa telepono. Hindi naman ako usisera ngunit sa pagkakataong ito ay naging interesado akong alamin kung sino ba ang kausap nya sa telepono at bakit parang galit sya.

Dahan dahan akong lumapit sa medyo nakaawang na pinto at doon ay mataman akong nakinig.

"Panahon? Ang haba na nang panahong ibinigay namin sayo para mapaglapit mo sila sa isa't isa,may ginawa ka ba?" aniya sa kausap.

Sino kaya ang kausap nya?

"Natatakot ka? Pero sa nangyayari sa anak mo hindi ka nababahala?" gigil na gigil na nyang sabi sa kausap.

"For God sake! Wag naman sanang puro sarili mo lang ang iniisip mo. May karapatan silang malaman ang totoo!" sigaw nya muli dito.

Hindi ko alam ngunit bigla akong nakaramdam nang kaba.

Sino ba ang mga tinutukoy niya?

Ngayon ko lang nakitang ganito kagalit si Tita.

"Alam mo kung gaano namin sya kamahal,at alam mo rin ang kaya naming gawin ni mama. Mamili ka, sasabihin mo na sa kanila o hinding hindi mo na sya makakasama?" sigaw nya sa kausap.

Mas lalong rumagasa ang kaba sa dibdib ko. Ako ba ang tinutukoy ni Tita?

Si mommy ba ang kausap nya?

"Think about it Ka--"

"Ay palaka!"

Gulat na gulat naman akong napalingon sa likuran ko nang may sumigaw at kasunod non ang pagbagsak at pagkabasag nang kung ano.

Si Aling Laida,habang hawak hawak ang tray at nakatingin ngayon sa nabasag na baso na may lamang juice.

"Hija, andyan ka pala,nagulat naman ako sayo." hindi nya mapakaling sabi ni manang.

"Anong nangyari?" bigla naman ang labas ni Tita na ngayon ay nanlalaki pa ang mga mata.

"Pasensya na po mam,nabasag ko po ang baso. Nagulat po kasi ako. Pasensya na po." hinging paumanhin nya.

Ako naman ay tahimik lang na nakamasid lang sa kanila.

"Pakilinis na lang yan,manang " ani Tita.

Tumalima naman si manang at naiwan kaming dalawa ni Tita.

Bumaling naman sya sa akin na may pagtatanong.

"Kanina ka pa ba dyan hija?" tanong nya sa akin na ngayon ay parang kinakabahan na.

"Hindi po Tita,sabay lang po kami ni manang, kaya po nagkagulatan kami." pagsisinungaling ko sa kanya.

Tumango tango naman sya ngunit parang hindi naniniwala sa sinabi ko.

"Nagmeryenda ka na ba?" tanong nyang muli.

"Opo tapos na po kanina,kasama ko si Casey sa Starbucks." sagot kong muli. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya.

Mabuti na lang at dumating na si Aling Laida na may dalang panlinis at napunta na ang atensyon namin sa kanya.

"Akyat na po ako Tita,pumunta lang po ako dito para ipaalam na nakauwi na ako." paalam ko sa kanya.

Tumango lang syang muli at nakatitig lang sa akin.

Dahil hindi ko na talaga matagalan ang mga titig nya ay humalik na ako sa pisngi nya at tumalikod na upang magtungo na sa aking kwarto.

Pagkapasok na pagkapasok ko nang aking silid ay tsaka pa lang ako nakahinga ng maluwag.

Gulong gulo ang isip ko ngayon.

Ano ba itong mga nangyayari na ito?

Parang ikagigimbal ko ang mga malalaman ko.

Kailangan ko na sigurong kausapin si mommy.

Bakit nangyayari ang lahat nang ito?

Ano bang dapat kong malaman?

Una ay ang biglang pagbabago ni Marco, sumunod ang mga ikinwento ni Tita, at ngayon. Ano pa ba ang mga malalaman ko pa?

Nakakagdesisyon na ako,bukas na bukas ay kakausapin ko na si mommy. Kailangang maliwanagan na ako sa lahat ng ito.

~

~Marco's POV~

Papalabas na sana ako nang aking unit nang saktong pagbukas ko ay akma din sanang kakatok ang babaeng nasa harapan ko ngayon. Gulat kaming nagkatinginan. Ngumiti sya sa akin at akmang yayakapin ako nang umatras naman ako at ipakita sa kanya ang pagkadisgusto ko sa nais nyang gawin.

Alam kong nasasaktan sya sa mga pinapakita ko sa kanya, ngunit wala akong ibang alam gawin para lumayo na sya ng tuluyan sa akin. Ito lang, ang ipakita sa kanyang wala na syang halaga sa akin. Kahit batid ko sa sarili kong mas nasasaktan ako sa nakikitang sakit sa mga mata nya. Ngunit wala akong magawa. Kailangan kong gawin to.

"Marco,please let's talk. Wag mo naman akong basta talikuran. Ano bang nangyayari sayo?" parang sinaksak na naman ang dibdib ko nang paulit ulit na marinig ko ang kanyang tinig. Ramdam kong sobra sobrang sakit na ang ibinibigay ko sa kanya. At mas nasasaktan ako doon.

Ngunit kailangan kong magkunwari at ipakita sa kanya na wala na syang aasahan. Tinignan ko sya ng masama.

"Gusto mong malaman ang totoo?" tanong ko sa kanya.

"Marco.." sambit nya.

Fuck! Ako ang nahihirapan sa nakikita ko sa kanya.

Mahal na mahal ko sya at gusto kong yakapin at halik halikan sya at iparamdam sa kanya kung gaano ko sya kamahal. Ngunit hindi pwede.

Hindi.

"I don't love you,and I never did. You are just a challenge to me na ngayon wala ng thrill. Nakuha ko na din ang gusto ko sayo." matigas na sabi ko sa kanya.

Nakita ko ang pagkabigla sa mukha nya. Ngunit saglit lang yon. Ngunit ramdam ko kung gaano ko sya nasaktan ng todo sa kasinungaling sinabi ko sa kanya.

"Salamat, ngayon alam ko na. Hindi na kita guguluhin."

At yun lang at tumalikod na sya.

Pagkasaradong pagkasarado ng pinto.

F*ck!

Sh*t

Pinahahagis ko ang mga gamit na maabot ko at tsaka umiyak nang umiyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Parang mababaliw na ako. Nasaktan ko na naman sya, at alam kong sa pagkakataong ito,wala na talaga.

Kahit alam kong ito ang nararapat ay hindi ko parin matanggap na tapos na. Tapos na ang kaligayahan ko. At sya ang kaligayahan ko. Sya ang buhay ko.

Mahal na mahal ko sya,ngunit hindi ko na pwedeng ipagpatuloy pato.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...