She's Pretty (2022)

By DreamShadie

3.3K 130 3

Margina Redgie Santiago is a pretty girl of section Ezra, but she don't know that. She think she's not pretty... More

Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue
Christmas Special Chapter

Chapter 27

54 1 0
By DreamShadie

"Ang gwapo ni Jayson nung teenage life nya noh?"

Napalingon kaming dalawa kay Tita Anne. Natahimik ako, dahil base sa mukha ni Yorish. Mukhang ito na yung hinahanap nyang kasagutan. Napahawak nalang sya sa kanyang sentido.

"Tita, pwede po bang mag cr?"

"Sure!"

Binasa ko ng laway ang aking labi. At pilit silang nginingitian. Gusto kong tanungin si Yorish about sa nakita nya. Dahil kahit ako ay nakasaksi, pero nalimutan din.

May biglang tumawag sa cellphone ni Tita, kaya nagpaalam sya sa amin na sasagutin nya lang ito. Iniwan naman nya kaming dalawa ni Karl.

"Mayroon bang problema kay Yorish? Bigla nalang kasi umiba 'yung timpla nya" basag ni Karl sa katahimikan, dahil hindi ako nakakibo.

"You know naman na kaaway nya parin kuya mo" I replied. Napatango naman sya. Hindi pa lumalabas ng cr si Yorish.

"Ay oo nga...Sana matagal pa umuwi si Kuya. Para naman magtagal kayo rito" sabi nya. Napatango nalang ako.

"Malawak ba itong bahay nyo?" Tanong ko sa kanya.

Napahawak naman sya sa batok at napangiti na ewan. Hindi ko alam kung nahihiya sya.

"Hoy ano kaba? Hindi naman gaano kalaki"

Nanliit ang mata ko. Hindi ko pa naman cinocompliment.

Niyaya nya akong silipin ang pasikot-sikot nilang bahay. Gusto ko pa sana syang konyatan, dahil ang lawak pala ng bahay nila. Napakayaman ng mommy nya. Biruin mo she raised her two child habang nagtatrabaho ng marangya.

Sa dami ng paintings sa isang room. Mapagkakamalan mo talagang nasa museum. Even the contrast of this house. The chandeliers are big and expensive.

"Kulang nalang gawin nyo na itong museum" sabi ko sa kanya, habang namamangha sa iba pang paintings.

"Mahilig si mommy sa mga paintings. Meron syang alaala d'yan, pero hindi nya pa sa akin sinasabi"

Napatingin ako sa kanya. Base sa mga sinasabi nya, ay para talagang mahalaga sa mommy nya ito. Kahit masungit iyon ay sobrang bait din naman palng tinatago. Huwag mo lang saktan ang mga anak nya. Kahit sino naman eh.

"I thought it was my dad. Pero sinabi nya hindi. She's special daw eh. It means babae sya"

Napatango ako sa kanya. Nangunot ang noo ko, dahil gusto ko rin malaman, pero ayaw ko naman mangialam.

"Siguro mahilig sa paintings yung babaeng tinutukoy nya"

"Yes. At sya ang nag-painting nitong lahat, kaya iniingatan ni mommy"

Napakurap ako sa dami nito. Ang nostalgic nya din tignan at nasisiguro kong maraming deep meaning ito.

"So impressive" napalakpak ako sa kanya. Gusto ko rin matuto mag-painting!

Napalingon ako sa may double door. Nakita kong nakahalukipkip si Yorish habang nakasandal. Totoo ngang kanina pa sya wala sa mood. Nilapitan ko nalang para hindi naman  nakasimangot.

"Bakit antagal mo sa CR?" Tanong ko.

"Sumakit kasi ulo ko" Lumingon muna sya sa likod, bago nya ako hinatak. "Kahit nakita ko na yung picture ni Jayson. Ayaw ko parin sya panghinalaan. Parang...Ayaw kong mang-akusa"

Napayuko nalang sya, dahil nadidismaya sya sa kanyang sarili. Napahawak ako sa balikat nya.

"Maldita sa'kin si Tita noong nag-away kami ni Karl. Ayaw ko naman dagdagan pa lalo na kung mali hinala natin. Nasisigurado akong hindi na nila ako tatanggapin"

Paano kung tama Yorish? Kapag nakaharap mo na sya. Anong gagawin mo? Kasusuklaman mo rin ba si Karl, dahil pamilya nya rin ito?

Gusto ko 'tong itanong sa kanya, pero naduduwag ako. Kilala ako sa pagiging straightforward,pero may takot rin ako. At ayaw kong manakit galing sa bibig ko.

"Bakit hindi natin alamin?"

Nanigas ako nang may nagsalita sa likuran ko. Napatingin naman ng diretso si Yorish nang marinig nya ang boses ni Karl.

Narinig nya ba?! Lumingon ako kay Karl. Umiwas ang kanyang mata habang nakayukom.

"Narinig mo" Hindi yung patanong. Gusto kong makumpirma ang kanyang tinutukoy.

"Oo...Nanghihinala ako kay kuya Jayson...dati pa" napakagat sya sa kanyang labi at parang ayaw ng ituloy pa.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kanyang balikat. "Gusto kong malaman kung may nalalaman ka sa kanya"

"Redgie" tawag sa akin ni Yorish, pero binalewala ko lang iyon.

Napalayo sya nang tingin habang iniisip iyon. Until he clicked his finger na parang may naalala nga.

"Gusto nyo bang malaman kung tunay ba syang anak ni mommy?"

Naningkit ang mata ko, dahil malayo naman sa iniisip nya ang iniisip namin. But wait....

"Paano mo naman nasabing gusto namin malaman na anak sya?" Tanong ko.

Napakamot nalang sya sa kanya. "Hindi mo ba naalala dati Yorish. Kinupkop lang ni mommy si kuya?"

"I thought she was joking"

"I thought that too. Nag-joke din sya sa huli, pero sa original birth certificate ni kuya. Hindi sya tunay na anak"

Nanlaki ang mata ko nang marinig iyon. Oh my god. Napaikot-ikot ang mata ko sa itaas, dahil gusto ko buuin ang puzzle na nasa utak ko. Hindi sya tunay na anak?

"Meron din si kuya na mysterious box sa office nya. Kahit sa akin hindi nya pinapagalaw. Well sa kalikutan ng kamay ko. Nagalaw ko 'yun"

"Anong laman?" Sabay naming tanong. Napatingin pa kami sa isa't isa saglit. Chismoso na kung chismoso, pero malay natin na dito ma-isosolve mga what if's natin.

"Pictures?"

Napababa ang balikat ko. "Need ko makita 'yun"

Humakbang ng isang beses si Yorish. "Why? Bakit parang kanina mo pa pinagdududahan si kuya. There's something wrong ba?"

"Yes"

"Wala naman!"

Napapikit nalang si Yorish, dahil sa sagot ko. Alam kong malalaman din ni Karl ang totoo. Malapit na mahanap ang kasagutan. Gusto kong mahanap ang hustisya ni Henley. Kung patuloy lang kaming ganito. Para narin naming inabandona ang kapatid nya. Wala sa vocabulary ko ang gumive up!

"A-ano?"

Hindi ako nagsalita. Si Karl naguguluhan na tumingin sa amin, habang si Yorish naman ay parang natutuliro. Hindi alam kung saan magsisimula. At nag-iisip kung paano hindi makasakit sa kanyang sasabihin. Na para bang walang aapak sa bubog.

Wala nang magagawa pa si Yorish, kaya gusto nya narin itong sabihin.

"Anong gusto nyong malaman kay kuya?"

Bago pa magsalita si Yorish may bigla kaming nakarinig na ingay. Hinawakan agad ni Karl ang kamay ko.

"Andito si kuya. Hindi nila kayo pwedeng makita"

Nanlaki ang mata ko. Ayaw kong malaman nyang narito ako kahit na nangangati na ang kamay kong tanungin ulit sya. Baka magkagulo rito sa bahay at magalit na naman sa amin ang mommy ni Karl. Hindi ko alam kung saan nya kami dinala. Mukhang nasa maliit kaming office.

Hinatak nya kami papunta sa ilalim ng desk. Magkatabi kaming dalawa ni Yorish. Bumukas ang pintuan sa may parang office.

"Naglasing ka ba?" Nag-aalalang tanong ng mommy nya. Narito na nga si Jayson. Lasing? Amoy palang eh, halatang-halata na lasing sya.

"Bakit mo ba tinatanong?" Inis nyang tanong sa mommy nya.

Masama ang tingin ko sa katabi ko. Nagtaka naman syang tumingin sa akin, dahil bakit nandidilim ang mata ko. Kailangan ganyan ang sagot?

"Kuya shut up...Si mommy ang kausap mo" suway ni Karl.

"Bakit kasi kailangan ko pang makausap ang Sonny na 'yun. Wala syang kwenta. He's useless!"

Sonny? Hindi ako familiar sa tinutukoy nya. Daddy kaya nila Karl 'yun? Bago ako magtanong kay Yorish. Nakita ko kung gaano kalukot ang noo nya na para bang may pagtataka sa sinabi ni Jayson.

"Who's Sonny?" Tanong ni Karl.

Saglit namang natigilan ang lahat. Hanggang sa nagsalita si Jason.

"Hindi ako ang tunay mong kapatid" pag-amin nya. Base sa paa ni Karl na iyon lang ang kita. Mukhang naestatwa sya sa kanyang nalaman, even he knows.

"Jayson please stop" Mukhang naiiyak  na si Tita Anne. "Please dont...."

"I-i don't get it...Sino ba si Sonny?"

"That's my dad"

Nanlaki ang mata ko nang ibulong iyon ni Yorish. Seryoso sya sa kanyang sinasabi.

"He's my fucking step-dad, karl...At gusto mo bang malaman kung anong klaseng pamilya ang meron ako?!"

"Jayson!" Sigaw ni Tita Anne. Tila pinipigilan nya itong banggitin.

"Anak huwag na please. I'm begging you. Lasing ka lang!"

"No mom...Ikaw ang nag-umpisa nito, kaya hindi ko na mapigilan pang ilabas ang lahat ng hinanakit ko!"

"Let's talk tommorow 'nak"

Napapikit nalang ako, kung gaano na kadesperada si Tita. Ayaw nya itong ipaalam. Alam ko na kung gaano nya talaga kamahal ang mga anak nya.

"Isa lang naman akong anak ng kabit!"

Sa sobrang gulat ni Yorish. Napatayo sya, pero wrong move, dahil nauntog sya may desk.

"Yorish?!" Sigaw kong pabulong.

Parang kuliglig nalang ang ingay na namumuo sa bahay na ito, dahil sa biglaang pagsipot ni Yorish. Alam kong useless na itong pagtatago namin, dahil nagpakita na si Yorish.

Pagkatingin ko sa kanila. Parehas silang namumula. Si Tita namumula na sa kakaiyak, habang si Jayson ay mas namumula dahil sa nilalabas nyang emosyon. Napatingin rin ako sa dalawa kong katabi na ngayon ay hindi makapaniwala sa mga narinig.

"Kabit? So ikaw ang anak ng daddy ko sa labas?" Gulantang tanong ni Yorish.

"Kita mo nga naman. What a small word Yorish Agoncillo. Anak ng isang murderer!"

Napahawak sa bibig si Tita, dahil pati sya ay nagulat sa narinig.

"W-what are you talking about kuya?! Hindi masamang tao ang pamilya nila Nanay Tessie. Atsaka Agazon sya hindi Agoncillo. Lasing ka lang eh!" depensa ni Karl. Ang kanyang boses din ay nanginginig.

Hindi sya Agazon. May history ang pamilya ni Nanay Tessie, pero alam kong labas sila rito.

"Sila ang pumatay sa mama ko! At iyang daddy ni Yorish ang nang-iwan sa'min pagkatapos iligpit ng mommy ni Yorish ang inosente kong ina!"

Tila parang binuhusan ng malamig na tubig ang katawan ko nang sabihin nya ang lahat ng ito. Hindi ko alam na ngayon sila magkakaaminan kung saan ayos na ang lahat. Bumalik ang tingin ko kay Jayson na ngayon ay hindi mapigil sa kakaiyak. Hindi kaya totoo ang hinala ko...

Pero sa sitwasyon namin ngayon, parang naawa ako sa kanya sa hindi malamang dahilan.

"Huwag mong idadamay ang mommy ko rito. Kung sabihin mong murderer, ikaw 'yon Jayson. Ikaw ang sumagasa kay Henley!"

"Stop it Jiyoh!! Ano bang pinagsasabi nyo!?" Sigaw ni Tita Anne

Nakatitig lang ako sa mukha ni Jayson. Nanahimik sya bigla pero hindi makatakas ang galit sa kanyang mukha. Kitang-kita rin sa mata nya ang pagkamuhi nito kay Yorish. Napahawak ako sa dibdib ko na tila parang nababasag na. Nagkatagpi-tagpi na ang lahat. Kahit gusto kong alamin, parang hindi pa ako handa.

"Lasing lang ang anak ko, kaya kung anu-ano ang sinasabi nya. Bakit mo ba 'to sineseryoso?!"

"Maraming ebidensya Tita. Huwag mo nang pagtakpan 'yang pumatay sa kapatid ko at sumira sa pamilya namin"

"Fuck your family Yorish! Sana nagsama nalang kayo ng mommy mo sa impyerno para maranasan nyo kung gaano kasing init ng budhi ang pamilya nyo!"

"Walang ginagawa ang mommy ko rito!"

Tuluyang nabasag ang puso ko sa pagsigaw ni Yorish. Kahit gaano man kasama ang trato ng mommy nya. Ipagtatanggol at ipagtatanggol nya parin ito.

Napuno si Jason kaya aakma nyang sugurin ito, pero hinawakan ni Tita Anne ang kanyang dibdib para pigilan na magkagulo rito. Hinawakan ko rin si Yorish dahil alam kong hindi sya magpapatalo. Naiiyak na ako rito,dahil nagkakagulo na dito. Naiinitan narin ako sa sitwasyon nilang dalawa.

"Kitang-kita ko sa dalawa kong mata kung gaano nya pinahirapan ang mama ko. Tinali nya kaming tatlo ng kapatid ko at pinahirapan. Binaril nang kasamahan ng mommy mo ang mama ko sa harapan! Ngayon mo sabihing walang kasalanan 'yang mommy mo hah?!"

"Tama na...." bulong ko na kahit si Yorish ay hindi naririnig.

"Oo mali ang ginawa ng mama ko, pero hindi naman sana nya pinatay ito at siraan kami sa mga tao!"

"kaya mo ba pinatay ang kapatid ko,para sabihin mong fair lang 'to?!" Galit nyang tanong.

"Jiyoh! Watch your words. Bakit ka ba nambibibtang!?"

"Wala nang ibang gagawa non kundi sya lang!"

"Kilala ko si Susana. Wala syang kasing sama, kaya panigurado marami ring may galit sa kanya!"

"Nakakaalala na po ako. Siya lang po ang nakita ko sa loob ng kotse! Kahit sa picture na nakita ko tandang-tanda ko ang mukha nya!"

"Kaya ba kayo pumunta dito dahil gusto nyong imbestigahin ang anak ko!?"

"H-hindi po sa ganun..." Bigla akong nawalan ng boses dahil sa kaba. "Nag-enjoy naman po kami. Ang totoo nyan napakasarap ng luto nyo"

"Thank you...Pero makakaalis na kayo"

"Karl...We will explain" sabay tingin ko rito.

Hindi sya makatingin sa akin. Parehas lang kami nagulat sa pangyayari.

"Hindi tayo aalis dito kung hindi nya aaminin na sya ang pumatay sa kapatid ko"

"Umalis na kayo!!" Buong lakas na sigaw ni Tita Anne kaya napatalon ako sa gulat.

"Gusto mo malaman?" Hamon ni Jason. Mukhang nagyayabang pa ito. Malakas naman syang pinigilan ng kanyang mommy.

"Huwag kang magsasalita anak. Wala kang kasalanan..Wala...Lasing kalang! Sabihin mo nalang bukas kapag okay kana!" nagmamakaawa nya sa kanyang anak. Nagtataka ako kung may alam din ba sya.

"Gusto mo ba Jiyoh!?" Sigaw nito. Panay iling ang mommy nya

Tahimik lang si Yorish na nanonood kahit ang talas na ng mata nya rito.

"Sumagot ka!"

"Kahit hindi mo sabihin alam kong ikaw ang pumatay sa kanya"

"Magsuntukan muna tayo, para may lakas ako ng loob na----" Hindi nya natapos ang kanyang sasabihin nang bigla syang sinuntok ni Karl. Sa sobrang lakas nakatulog sya sa sahig.

"Anong ginawa mo Karl?!"

"Bukas na natin 'to pag-usapan kapag malamig na ang mga ulo nyo"

Napatingin sya sa amin.

"Karl..." tawag ko sa kanya.

"Kailangan nyo nang umalis...Redgie"

Gusto kong mag-apologize sa kanya, pero sya ay parang nawala sa mood kaya hindi ko muba sasabihin. Tama sya, dapat nalang ito pag-usapan kapag malamig na ang mga ulo nito. Pinahid ko ang luhang bumababa sa pisngi ko. Bago nagsalita.

"Tara na...Yorish"

Continue Reading

You'll Also Like

11.8K 45 2
BRAVE SERIES #01 Jessa Moir Yuahn has always been a girl who love to follow her dreams no matter how hard it is. She wanted to explore the world, she...
2K 65 3
ဒါကမင်မင့်သယ်ရင်းအကြောင်းပေါ့ ပါဝင်သူများတယ် ဒေါ်လေပြေကြွေ+ဝတ်ရည်ဟန်
2K 57 50
I'm Alice at ito ang Horror story na ibabahagi ko sa inyo. Bata pa ako ay kakamabal ko na talaga na malakas ang pakiramdam ko pagdating sa mga kakaib...
1.7M 102K 40
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...