Hiram Na Pag-ibig (Formosa Se...

By PollyNomial

161K 3.2K 252

Naranasan mo na bang manghiram ng isang bagay at ang pakiramdam na ayaw mo na itong iballik sa may-ari? Ang p... More

Hiram Na Pag-ibig (Formosa Series #2)
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Kabanata 52
Kabanata 53
Kabanata 54
Kabanata 56
Kabanata 57
Kabanata 58
Kabanata 59
Kabanata 60
Kabanata 61
Kabanata 62
Kabanata 63
Kabanata 64
Kabanata 65
Wakas
Formosa Series Update!

Kabanata 55

1.5K 37 6
By PollyNomial


KABANATA 55 — The Problem



Hindi na nangahas pang magtanong o kahit magsalita man lang si Terrence. Nang sabihin ko kaninang nais kong dalhin niya muna ako kay Chris ay ginawa niya. Kumuha siya ng sariling gamit dahil alam niyang doon na kami magpapalipas ng gabi. Hindi ko alam kung anong plano niya pagkatapos kong makausap ang dati kong asawa. Hindi ko alam kung idederetso na ba niya ako sa sementeryo. O kung saan kami matutulog pagkatapos ng gabing ito. Ang alam ko lang ay oras na mapuntahan ko ang puntod ng asawa ko, ilalabas ko ang lahat ng hinanakit na nararamdaman ko at ang mga tanong na gusto kong masagot.

For the first time, since I met Terrence, I compared him to Chris. Hindi ko na maiwasan ito ngayon. Yes, I've done that before. Pero napipigilan ko ang aking sarili sa pag-iisip na sila ay dalawang magkaibang tao. They are entirely different from each other. Sa lahat ng banda ay hindi ko sila magpagpapareho. Maybe there's just one similarity. Pareho ko silang may espesyal na lugar sa puso ko.

Ngayon, hindi ko alam kung ano pa bang tamang gawin. My mind is flooded with questions. Mga tanong na hindi ko alam kung paano ko masasagot. Kahit kailan, nang simulan kong mahalin si Terrence, hindi ako nagduda sa sarili ko na baka ginagawa ko lang iyon dahil gusto kong makalimutan si Chris. I never thought of him as someone who will help me move on. There are times when I almost thought of that pero humahantong pa rin ako sa kasiguraduhang nais ko para sa aming dalawa. And yet, here I am, still proving myself to him. Kung bakit parati siyang nagdududa ay hindi ko na alam. Hindi ko masabi kung sino ba ang may problema. Ako ba o siya?

His mother told me everything about his past. About the things he wanted but never got. Isa roon ang pagmamahal na gusto niya para sa sarili niya. Terrence had been deprived of love and affection. Mula sa mga magulang niya at maging sa mga babaeng inakala niyang magbibigay niyon sa kanya. I don't understand them. Kung bakit hindi nila kayang mahalin ang isang Terrence ay hindi ko alam. Inilingan ko ang aking iniisip. Minahal nila si Terrence sa paraang alam nila. But it wasn't enough for him. He wanted more. He wanted every inch of love they can give. Pero hindi lahat pwedeng ialay sa'yo lalo na kung may ibang tao silang minamahal. He always has to share. At ayaw niya iyon. If it's his pride binding him, I won't blame him. Ganoon siguro kung lumaki kang ang inaasahan mo lang ay ang sarili mo.

Lumaki akong kasama araw araw, gabi gabi si tatay at ang aking mga kamag-anak. May pagmamahal akong natamo mula kay Chris simula nang makilala ko siya. Hindi ko alam ang pakiramdam. Pero sana lang ay bigyan ako ng pagkakataon na maintindihan ko si Terrence. Kailangan ko ng oras para malaman ang kanyang mga dahilan. Kung bakit imbes na maniwala sa akin ay nagdududa pa rin siya.

Napakislot ako sa gulat nang maramdman ko ang malamig na dumapo sa aking kamay. Sa bigla ay nailayo ko ang kamay ko mula sa kamay ni Terrence. Pagtingin ko sa mukha niya ay mamumutla at nanlaki ang mga mata sa aking ginawa. Lumunok ako at naisip ang dahilan ng reaksyon niya. Huminga ako ng malalim.

"Sorry. May iniisip lang ako." Utas ko ngunit hindi nawala ang takot sa mukha niya.

Umigting ang bagang niya. Titig na titig siya sa daan at hindi na niya inabot pang muli ang kamay ko. Alam kong nag-aalala na siya. Bakit ba hindi ko maiwasang iparamdam iyon sa kanya? Heto ako at nagagalit sa mga pagdududa niya pero binibigyan ko pa rin siya ng dahilan upang maramdaman iyon. Nalilito na ako maging sa sarili ko!

Tumikhim ako at tinagilid ko ang aking upo. Bumuntong hininga ako. Ang kanyang mga mata ay malikot. Tumitingin kung saan saan maliban sa akin. Ako na ang kumuha sa kanyang kamay.

Pinaglaruan ko iyon at minasahe. Nararamdaman kong gumuguhit ang lamig sa kanyang palad at paminsan minsan ay kumikislot iyon. Binasa ko ang labi ko at kinagat. Pinikit ko ang mga mata ko at kinuha ko ang kamay niya pataas sa aking mga labi. Naramdaman ko ang pagbagal namin hanggang sa nanatili na lang kami sa ganoong pwesto at hindi na gumagalaw dahil hindi na rin umaandar ang sasakyan.

"Therese, if this is about us—"

"Terrence, oo. Tungkol sa atin ito." Pangunguna ko sa kanya. Hindi ko na mabawi iyon lalo na nang rumehistro ang matinding sakit sa kanyang mukha. Hindi na tumigil ang paninigas ng kanyang panga at naikuyom niya ang kamay sa ibabaw ng manibela.

"Then would you me tell what's happening now? O manghuhula pa rin ako? Nakakatakot ang mga pinapakita mo, Therese." Aniya sa nanghihinang boses.

Mas lalo lang akong nanghina. Doble ng nararamdaman niya ang dinaranas ko ngayon. Umiling ako. "Gusto ko munang maintindihan ang sarili ko, Terrence."

"Then what?" tanong niya, nawawalan na ng pasensya.

"Then we'll talk about everything between us."

Humarap siya sa akin. Pinatong niya ang palad sa aking balikat. Tiningnan niya ako na para bang ginigising mula sa mga kaguluhang nararamdaman ko. "Bakit kailangan mo pang kausapin si Chris?" tanong niyang inaasahan ko na. Kanina nang hayaan niya ako, hindi ako umasang palalagpasin niya ito. Mangyayari't tatanungin niya ako kung bakit kailangan kong makausap ang dati kong asawa.

"Dahil may mga tanong ako at gusto ko 'yong masagot." Umiwas ako ng tingin. Suminghap ako at nanlaki ang mga mata nang marinig ang malakas na hampas niya sa manibela.

"Bullshit! Hindi ka masasagot ng taong patay na!" Sigaw niyang nagpatulala sa akin.

Agad na namuo ang mga luha sa aking mga mata at napalunok habang nakatitig sa galit niyang mukha. Dalawang kurap lang at napansin ko ang pagsisisi na dumaloy sa mukha ni Terrence. Kumunot ang noo niya hanggang sa mawalan iyon ng emosyon. Umikot ang tingin ko sa lugar kung nasaan kami at tanging nakikita ko lang ay ang mga ilaw ng poste. I think I don't want to be here anymore.

Mabilis kong kinalas ang seatbelt ko at dadapo pa lang ang kamay ko sa pinto ay napigilan na iyon ni Terrence. Ang pamilyar na paghatak niya sa akin ay muli kong naramdaman. Bumagsak ako sa kanyang mga bisig at sa pang-ilang beses sa gabing ito, niyakap niya ako ng mahigpit. Naramdaman ko ang pagkabasag ko. Hindi ko alam kung dahil ba ito sa yakap niya o dahil sa mga narinig mula sa kanya.

"I'm sorry!" Utas niya sa aking tainga. Nakasubsob ang ulo niya sa leeg ko at halos bumaon ang mga darili niya sa buhok at likod ko. "God, I am so sorry, Therese! I didn't mean what I said. I'm sorry." Paulit ulit ang paghingi niya ng tawad. Akala ko ay bibitiwan na niya ako dahil sa hindi ako sumasagot pero lumipas ang mga minuto na nasa ganoong pwesto pa rin kami. Sa gitna ng tahimik at madilim na kalsada.

Hindi ko na maalala ang mga sumunod na nangyari. Ang alam ko lang ay pagkatapos niya akong yakapin ay binalik niya ang seatbelt sa katawan ko at nagsimula ulit siyang magmaneho. Nagising na lang ako na napapaligiran na kami ng mga tanawing matagal ko nang gustong balikan at makita. Ang mga malalayong bulubundukin ay aking nasisilip mula sa bintana. Ang maaliwalas na simoy ng hangin ay humahaplos sa aking mukha. Nakabukas ang bintana ng sasakyan at naamoy ko ang sariwang dahon at malinis na hangin ng paligid. Wala si Terrence sa tabi ko.

Nung una ay inakala kong nananaginip ako ngunit nang umayos ako ng upo at nagtanggal ng seatbelt upang makalabas ng sasakyan ay unti unti kong naisip kung nasaan talaga ako. This isn't a dream. Nasa sementeryo ako kung saan nakalibing si Chris at ang pamilyar na hatak ng paligid ay hinihila na ako patungo sa kanya.

Inikot ko ang aking paningin para hanapin si Terrence. Ang tanging nakikita ko lang sa paligid ay ang mga tindera ng bulaklak at kandila. Maaga pa lang ay may mga bukas nang ilang tindahan at kainan at dalawang kotseng nakaparada kagaya ng sa amin. Narito si Terrence dahil nandito ang sasakyan niya. Hindi pwedeng iniwan na lang niya ako basta basta. At tama nga ang hinala ko dahil sa malayo ay naaninag ko ang pamilyar niyang pigura. Nakapamulsa at nakayuko siya. Nanggagaling siya sa lugar kung saan naroon ang puntod ng dati kong asawa.

Inangat niya ang kanyang ulo. Isang nanghihina at malungkot na ngiti ang pumorma sa kanyang labi habang palapit sa akin. Inalis ko ang mata sa kanya at tiningnan ang mga daliri kong naglalaro. Hindi ko nakalimutan ang sinabi niya kagabi. Sana lang ay totoong hindi niya intensyon iyon.

Pinilit kong ayusin ang pakikitungo ko kahit na may kaunting tampo ako sa kanya. Tumikhim ako at bago pa siya tuluyang makarating sa harap ko ay inensayo ko na ang mga sasabihin kong ngayon lang naisip ng utak ko.

"Hindi mo na ako kailangang hintayin. Bumalik ka na ng Maynila. Kailangan ka roon. Tatawagan ko na lang si Mama para magpasundo. O kaya ay uuwi na rin ako ng Maynila pagkatapos nito." Wika ko ng mga tamang salita na magkukumbinsi sa kanyang iwanan na lang ako.

Saglit siyang tumahimik at tinitigan akong maigi. Para bang hinihimay niya ang mga emosyong nakikita niya sa aking mukha at ang mga ibig sabihin niyon. Pinilit kong blankuhin ang aking reaksyon upang wala siyang mabasa.

Inabot niya ang kamay ko at hindi kagaya kagabi, mainit na iyon at nag-abot sa aking dibdib ng mga pamilyar na pitik. Naging tunay ang ngiti niya at mas maliwanag iyon kumpara kanina.

"I already called Tita Beatriz. Sa bahay niya tayo uuwi mamaya. I plan on spending a day here or maybe two. It depends on you, Therese." Aniya habang hinihila ako patungo sa direksyon kung nasaan ang aking dating asawa.

"Huh?" Sambit ko.

"Kailangan mo ng oras para sa sarili mo, 'di ba? Kung uuwi ka ng Maynila, maiistorbo ka lang ng trabaho. At ako naman, I will join you here and maybe I could help.Tutal naman tungkol sa atin ito..." Bumagal ang lakad niya at huminto siya sa pagsasalita.

Lumingon siya sa akin at napalitan ng pagsisisi ang ngiti niya. "I'm really sorry about last night." Hinarap niya ako at kinuha ang dalawa kong kamay. Dito pa lang ay nakikita ko na na totoo ang pagsisisi niya. Marahil nadala lang siya ng emosyon niya. "I was so frustrated that I never thought of what I was saying. Hindi ko sinasadya iyon, Therese. I respect Chris and your relationship with him before. Hindi ko iyon intensyon. I am sorry." Ulit niya.

Huminga ako ng malalim at kinulong ko ang pisngi niya sa dalawang palad ko. "Hindi mo naman kasi kailangang mag-alala, Terrence. Sinabi ko namang malalaman mo rin itong problema ko oras na matapos ko na siyang makausap. I just want to be with him kahit kaunting oras lang. It doesn't mean that I don't want to be with you. Mahal kita at kaya ko siya gustong puntahan ay para sa ating dalawa."

Tumango siya ng nakapikit pa. "I understand. Naiintindihan na kita." Lumapit siya upang halikan ang aking noo at naglakad na kaming muli patungo sa puntod ni Chris.

Malayo pa lang ay natanaw ko na ang nabubulok na bulaklak doon at ang tunaw na kandila. Hindi ko manlang naisip siyang bilhan kanina. Ang laman na lang kasi ng utak ko ay ang mga tanong ko sa kanya.

Pagkarating ay iniwan ako ni Terrence. Binigay niya ako ng privacy kahit na hindi ko naman iyon hiningi. Nang wala na siya ay sinimulan kong haplusin ang pangalang nakaukit sa puntod. Tinabi ko ang bulaklak at inalis ko ang kandilang natunaw na at nanigas doon.

"Chris..." Bulong ko sa kanyang pangalan. Ngumisi ako. "Tama si Terrence. Paano mo ako masasagot kung nandyan ka at natutulog? Maririnig mo man lang ba ako?" tanong kong tumatawa pa.

Habang hawak ang pangalan niya ay sinabi ko ang lahat ng laman ng aking dibdib. Mula sa mga pagkakataong masaya ako at malungkot. Sa tuwing umiiyak ako at nahihirapan. Kapag kinakabahan ako sa trabaho ko at kung paano ako natutong magkaroon ng kumpyansa sa sarili ko. Ang mga natutunan ko mula nang mawala siya. Ang pamilya kong masaya akong kasama ko na ulit ngayon. Si Mama Bea na tanggap na ang pagkawala niya at natututo nang ipagpatuloy ang buhay niya sa mabuting paraan.

Ikinwento ko ang mga bago kong kaibigan. Si Nash at Ella. Ang taga-turo ko na si Carmela at maging si Carl ay nakwento ko sa kanya. 'Yon ang naging daan para tumungo ang pagkikwento ko kay Terrence. Sinabi kong seloso si Terrence lalo na kapag nakikita niyang kasama ko si Carl o Josef. Na mabuting kaibigan ni Ivan si Terrence at kung paanong naiirita si Iris sa tuwing makikita siya. Na tanggap na ni tatay at ng buong pamilya si Terrence bilang lalaking minamahal ko. Na maging si Mama Bea ay hindi tumutol sa bago kong pag-ibig na ito.

Sinabi ko rin ang pag-uusap namin ni Madam Kristin. Ang mga narinig ko mula sa kanya na lahat ay tungkol sa bunsong anak niya. Ang pakikiusap niya sa aking alagaan ko ito at mahalin sa abot ng makakaya ko. Na 'wag akong susuko dahil ako lang ang taong nakitaan ni Terrence ng seguridad at kasiyahan.

"Halos hindi ako makapaniwala na narinig ko ang lahat ng iyon sa kanya." Natatawang utas ko. "Naalala mo kapag nanonood tayo ng mga movie noon?" Tanong kong binawi ko rin. "Habang nanonood pala ako at nakikinig ka. Naalala mo 'yon, Chris? Akala ko magiging kagaya ako ng mga mahihirap na babae na pinapanood natin. Ang lawak lang yata ng imagination ko. Hindi arogante ang pamilya ni Terrence, Chris. Kagaya ng pamilya niya ang pamilya mo. They accepted me. Gusto nila ako para sa anak nila." Sabi ko.

"Pero bakit hindi kayo pareho?" Tanong ko sa kanya. Lumakas ang simoy ng hangin na nagpatindig sa mga balahibo ko. Alam kong narito na siya at kasama ko. "Minahal kita Chris. Alam mo 'yon. Pero bakit 'yong puso ko, sa tuwing kasama ko siya, wala nang ibang inaala kundi siya at ang pagmamahal ko sa kanya. Nangako ako sa'yo, sa harap ng Panginoon. Walang hanggang pagmamahal, Chris. Pero si Terrence. Minahal ko pa rin siya sa kabila ng pangako ko sa'yo. Mali ba 'yon?" Tanong ko ngunit wala akong narinig na sagot maliban sa simoy ng hangin.

Ngumiti ako. "Mahal na mahal ko siya. Nung huling punta ko sa'yo, humingi ako sa'yo ng sign." Sabi ko. "I think I already saw it. Sa mga panahong nakasama ko si Terrence, naging masaya ako. I know that if you don't want me to be with him, hindi ko mararamdaman ang kaligayahang iyon. Because I'll always think of you and our memories together. Pero Chris, siya lang ang laman ng buong pagkatao ko. Nakakatakot na 'yong sayang nararamdaman ko sa tuwing kasama ko siya. Nakakatakot pero ayoko 'yong matapos. Ayokong tumakbo palayo sa kaligayahan ko. I would be miserable without him." Hindi ko na namalayan ang mga luha ko. Pumatak iyon sa kanyang pangalan.

"But he can't see that." Nangunot ang noo ko sa pagpipigil na humikbi at mas lalo pang umiyak. Huminga ako ng malalim at nanginginig pa iyon. Nilunok ko ang mga barang unti unting namumuo sa aking lalamunan. I still want to talk to him. I can't just stop. "Lagi siyang may pagdududa. He's not saying it but I can feel it. He doubts me. Bakit? Dahil ba natatakot din siya? Dahil ba sanay na siyang naiiwang mag-isa kaya akala niya iiwan ko rin siya? He's used of being the second choice that's why he's thinking that he's not the only one for me. Baka nga nadala na siya ng mga karanasan niya noon. But can't he trust me?" tanong ko.

Umiling ako dahil na kahit anong gawin ko, ako at si Terrence lang ang makakasagot sa mga tanong ko. I realized that now. Maybe all I wanted was to free all these pain in me. At si Chris ang unang taong naisip kong labasan niyon. Dahil alam kong siya lang ang makakaintindi sa akin. But I can't get the answers from him. Kailangan na naming mag-usap ni Terrence.

Tumayo ako mula sa pagkakaluhod. Nanghina ang tuhod ko sa pamamanhid ngunit isinawalang bahala ko iyon. Ang mga luha sa pisngi ko ay natuyo ng hangin sa paligid. Maya maya lang ay may anino na akong katabi at nakilala agad ng puso ko kung sinong may-ari niyon.

"Kailangan na nating mag-usap." Utas ko. Tiningnan ko siyang nakatitig sa puntod ni Chris. May kung ano sa mga mata niyang hindi ko mawari. He has a sincere smile on his lips and he's looking at Chris' like he'd known him for a long time. Kanina, nakita kong nanggaling siya rito. Hindi kaya kinausap niya rin si Chris?

"Thank you for giving her to me." Ani Terrence nang hindi pinansin ang sinabi ko. Kinuha niya ang kamay ko at dinala niya iyon sa dibdib niya. Naramdaman ko ang paghugot niya ng malalim na hininga bago niya ako hinarap. "C'mon. I have to tell you something." Aniya at ayon na naman ang panghihila niya.

Hindi kami umalis sa loob ng sementeryo. Nakarating lang kami sa lugar kung saan halos wala na akong makitang tao o kahit mga puntod ng mga nakalibing dito. Sa paglalakad namin ay huminto kami ni Terrence sa tapat ng isang ilog na ang nasa kabilang banda ay malawak na palayan.

"I am expecting—" Hndi ko na siya pintapos.

"Alam mo namang mahal kita hindi ba?" Tanong ko sa kanya at natigilan siya roon. Nilingon niya ako. Nakatingin na rin ako sa kanya ngunit hindi ko makita ng maigi ang mukha niya dahil sa sikat ng araw. Pinilit kong linawan ang paningin upang mapagmasdan siya ng maigi.

Ang mukhang 'yan ay hindi ko ipagpapalit sa kahit anong tanawin. Sa tuwing makikita ko si Terrence, lalo na ang mga mata niya, samu't saring damdamin ang namumulaklak sa aking puso.

"Of course, Therese." Utas niya na parang sinasabing halata na iyon at wala nang iba pang sagot doon. Ngunit hindi iyon ang sagot na gusto kong marinig. I don't know what answer I want to hear from him. Maybe the truth?

"Sigurado ka ba? Naniniwala ka ba talagang mahal kita?" Tanong ko habang pilit na inuurong papasok sa aking mga mata ang luhang nagbabadya.

Kumunot ang noo niya at ilang beses na kumurap. Go on, Terrence. Ano na namang iniisip mo? Ibang kahulugan na naman ba ang iniisip mo sa mga sinasabi kong ito?

"Therese?" Patanong niyang tawag sa aking pangalan. "Are you aware of what you are asking me? Sinabi mo sa aking mahal mo ako, kanila lang. Tapos itatanong mo 'yan? Kung naniniwala ako sa pagmamahal mo?" Tanong niya. "You're really asking me that?"

Napapalatak ako sa aking mga kahibangan. Siyempre, pagdududa ulit ang bumalot sa kanya.

"Kaya nga nagtatanong ako. Naniniwala ka ba, Terrence? Dahil ilang beses ko na yata iyong pinatunayan sa'yo pero hayan ka at nagdadalawang isip ulit kung mahal ba talaga kita!" Utas ko sa kanyang hindi ko mapigilan. Lumakas ang boses ko at nagpapasalamat akong narito kami sa lugar kung saan walang mga tao.

Nanahimik siya ngunit halata ang gulat sa mukha niya.

"Ikaw, Terrence? Are you aware of my love for you? O ang tanging iniisip mo lang ay kung kailan ako titigil na mahalin ka at kung kailan kita iiwan?" Umalon ang boses ko at nilunok ko ang lahat ng iyon para lang maging malinaw ang mga salitang gusto kong marinig niya.

Umiwas siya ng tingin sa akin. Patunay na totoo ang mga sinabi ko.

"Alam mo ba kung anong mga sinabi ko kay Chris? Madami, Terrence. Pero wala naman akong napala.Tama ka, hindi niya nga ako masasagot. Dahil ikaw lang ang makakasagot sa mga tanong ko. Bakit, Terrence? Bakit mo ba ako pinagdududahan?"

"Hindi totoo 'yan. Hindi kita pinagdudahan, Therese." Aniyang hindi naman makatingin sa akin. Natawa ako roon. Doon niya ako tiningnan at hindi makapaniwala ang mukha niya sa narinig na tawa.

Tama siya, hindi ko nga narinig mula sa kanya na nagdududa siya sa pag-ibig ko. Ngunit naalala ko ang sinabi ni Madam Kristin. Siguro nga ay hindi niya pinaparamdam sa akin pero iyon marahil ang laman ng isipan niya. Lalo na dahil sa mga narinig ko mula sa kanyang ina.

"Talaga? Ilang beses mong inisip na iiwan kita? Ilang beses kang nagdalawang isip  sa akin, Terrence? Ilang beses mong sinukat ang pagmamahal ko sa'yo? Hindi porket iniwan ka noon, iiwan na rin kita?!" 

"Ano bang sinasabi mo?" Tanong niya.

"Nadala ka sa iba kaya pati ako dinadamay mo." Lumalakas ang boses ko habang tumatagal.

"Therese. I never doubted you." He's frustrated. Pero hindi kinokontrol niya ang galit niya. Marahas niyang hinagod ang kanyang buhok at ilang beses na tumingala na parang may pinipigilan siya.

"Talaga?!" Tanong ko pabalik. Hindi ko masuklian ang pagiging mahinahon niya.

"May narinig ka ba sa akin?" Tanong niya.

Iyon na nga ba ang sinasabi ko. Oras na itanong niya iyan ay wala akong masasagot. Dahil hindi naman niya talaga ipinaramdam sa aking nagdududa siya. Hindi rin niya sinabi. Ngunit iyon parati ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita at nakakasama ko siya. Para bang kailangan ay lagi kong patutunayan ang sarili ko sa kanya. Gawa gawa ko lang ba ang mga iyon? Ang mga narinig ko mula kay Madam Kristin, sineryoso ko lang ba talaga iyon? Kaya ganito ako ngayon at nag-aalala na baka ako naman ay pagdudahan niya? Am I just paranoid? O dinamay ko lang siya sa naranasan ko kahapon nang makausap ko si tatay?

Hindi ako makasagot sa kanya.

"Hindi ba't parang ikaw ang nagdududa sa akin?" Isa pang tanong niya at matapang na ang mga tingin niya.

Mas lalo akong natahimik at natulala. Hinihingal ako dahil sa lakas at galit na binuhos ko kanina. Ngunit bukod doon ay wala na akong ibang nagawa.

"Don't you think I was the one being doubted here? Na ikaw ang nawawalan ng tiwala sa ating dalawa?" Lumapit siya pero lumayo lang ako. Hindi ako makahinga.

Bigla ay nalipat sa akin ang mga tanong. At wala akong maisagot. Ako lang ba talaga ang problema rito? Bumalik sa akin ang mga araw na parati kong pinapatunayan ang sarili ko kay Terrence. Why? Is it because I was full of insecurities? Dahil nakilala ko si Ella at Nash. Ang dalawang babaeng naging bahagi ng buhay niya. Ang mga babaeng mas lamang sa akin. I pretended to be tough and I showed him that I was not affected by his past. Pero ang totoo ay kinukulong ako niyon sa mga insekyuredad na ngayon ko lang nararanasan. Na nararasanan ko sa tuwing makikita ko sila. Kinukumpara ko sa ang sarili ko sa dalawang babae. Nakalimutan ko na ako si Therese at ako ang babaeng kasama at minamahal ni Terrence ngayon.

Akala ko parati ay nagdududa siya sa pagmamahal ko kaya iniisip kong dapat ay patunayan ko ang aking sarili sa kanya. Gusto ko lagi niyang makikitang mahal ko siya at hindi iiwan kagaya ng iba. Pero siya ba ang may kasalanan niyon? O ako dahil wala akong tiwala sa sarili ko sa tuwing kasama ko si Terrence? I am just insecure and he really never doubts my love for him.

Binaha ako ng mga sagot. Mga sagot sa tanong ko. Lumilinaw ang lahat sa akin.

I am the problem. Nililipat ko sa kanya ang lahat ng bintang at paninisi gayung ako itong gumagawa ng dahilan para pagdudahan ang pagmamahalan namin sa isa't isa. And it was all because of my insecurities.

Nanghina ang mga tuhod ko. Hindi ko na alam kung paano ko pa siya haharapin at sasagutin. Bintang ako ng bintang ngunit ako naman talaga ang may problema sa aming dalawa.

Continue Reading

You'll Also Like

6.3K 442 51
'Utak bago puso' Iyan ang mahigit na bilin ng mommy ni Eunice sa kanya. Pinalaki sya nitong matapang na babae para daw magkaroon sila ng magkaibang k...
Sana By cheslaxx

Teen Fiction

2.6K 240 21
[COMPLETED] This story is simply about two characters who created a presumption to people falling in love. Seirra Veradona and Zanth Monzimvino are k...
46.1K 1K 16
BOOK II: Osmond's resolution! He suddenly quit his band to everybody's surprise. No one knows. Not even his P5nta Brothers friends. Nobody would wan...
29.4K 358 60
COMPLETED || Pag nag mahal ka, mahal lang.. wag yung mahal na mahal. Para pag iniwan ka nya at nasaktan ka, masakit lang.. hindi masakit na masakit.