Baka Pwede Pa

By Shikainas

1.4K 41 0

Dinah Lucille, A girl that seek for love. Not from a man but from a family. And one day, after she went out o... More

Baka Pwede Pa
PROLOGUE
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Epilogue
Note

Chapter 29

27 1 0
By Shikainas

Chapter 29

DEANE LARA MAGLALANG

TW: STRONG WORDS

"Deane's always first. Hindi pa 'yan naging second sa buhay niya." Pagmamalaki sa akin ni Mama sa kaniyang mga kumare.

Hindi niya hawak ang aking kamay at magkatabi lang kami. Nakangiti lang ako sa mga Tita kong nakatingin sa akin. Tumatango sila at namamangha sa sambit ng aking Ina.

"How about Dinah? Wala pa rin ba siyang maalala?" Tanong ng isa sa mga Tita ko. Napatingin naman ako sa kung nasa'n si Dinah.

She's playing with Jillian. She just met her earlier and I can't believed that she's already playing with her. She must have trust that girl so fast.

"Well, I don't want to pressure her. Grabe 'yung pinagdaanan ng anak ko at ni Nash no'ng araw na 'yon. Paano kung 'di kami tinawag after magising si Nash? Hindi namin alam kung sa'n hahanapin ang anak namin. Buti nalang tinawagan kami no'ng hospital." Nag-aalala pa ring sabi ni Mama.

Tumingin ako sa kanila. Nakatingin na rin pala sila kay Dinah. Bahagya akong napangiti dahil mabuti at pinapansin nila si Dinah. Ayoko naman na lagi na lang ako ang pinapansin. Nakakasawa din.

"Mabuti dito na kayo? Sayang naman ang bahay niyo sa probinsya. Lalo na't mag kaibigan ang dalawang 'yon tapos umalis kayo." Narinig kong sabi ni Tita Michelle.

Kuryoso ang kaniyang mukha at halatang gustong malaman kung bakit bigla-bigla nalang kaming lumipat dito sa parte pa rin ng Bataan pero malapit kay Lola.

"Nagka-amnesia si Dinah. Hindi naman niya maalala si Nash, saka kahit na nakakulong na ang lalaki na 'yon. Hindi na ako panatag sa probinsyang 'yon. Mas mabuti pang dito nalang kami manirahan."

"Good point. Heto nga pala," nag bigay ng makapal na maraming libo si Tita Michelle kay Mama. Pati ako ay hindi makapag salita dahil sobrang dami nang kaniyang binigay. "Konting tulong na rin sa bahay na binili niyo. Nag loan daw kayo sa bangko. For sure, marami nanaman kayong utang."

Umiling naman si Mama. "Malaki masyadong tulong 'yan. Hindi ko tatanggapin dahil sobrang dami naman niyan." Nahihiyang tumawa si Mama kay Tita Michelle.

"Tanggapin mo na Elysa. Sayang din kung papalampasin mo pa. Kahit asawa mo tatanggapin 'yan, eh." Pagsasabi ng isa sa mga Tita ko. Tumango naman si Tita Michelle at muling nilapit ang pera.

Hesitant pa si Mama kahit natanggap na niya ang pera. Pagkatapos ay nag papaalam na sila. Hindi ko alam kung bakit parang charity lang sa kanila ang Mama ko. Kaya siguro ayaw niya itong tanggapin.

Malungkot ang mukha ni Mama pagtingin ko sa kaniya. Ayaw niya siguro ng binibigyan siyang pera. Bukod kasi sa mayayaman ang kaniyang mga kapatid. Siya lang itong nag hihirap dahil nag asawa siya ng mahirap na lalaki, hindi gaya ng mga kapatid niya na mayayaman ang napangasawa.

Naalala ko pa nga ang sinabi ng isa sa mga pinsan ko na kung 'di lang nabuntis ni Papa si Mama ay pinakasal na ito sa napangasawa ngayon ni Tita Michelle.

Tumutulong lang naman si Tita Michelle para ipamukha sa amin na mali ang desisyon ni Mama na makipagtuluyan kay Papa kahit pa binigyan na siya noon ng pag-asa para mamili. Dahil kaya pa rin siyang tanggapin no'ng lalaki kahit pa buntis siya. Dahil daw mahal niya si Mama. Pero si Mama, si Papa pa rin ang pinili.

Lumaki ako na laging nasa highest top. Dahil do'n naipagmamalaki ako ni Mama sa mga Tita ko. Kahit 'yon lang daw ang maipagmalaki niya sa kanila sabi niya sa akin kaya ginagalingan ko.

Nagsasawa na rin ako minsan. Pinipilit ko na lang ang sarili ko na maging top 1. Hanggang sa nakilala ko si Jasper. Alam ko naman na una palang mali na papasukin siya sa buhay ko pero pinapasok ko pa rin.

"Ikaw ang sisira sa buhay ko Jasper. Kung 'di kita titigilan, mas mabuti pang ipakilala na kita sa mga magulang ko. Kaya mo bang harapin sila?" Tanong ko sa kaniya pagkatapos na niya akong magalaw.

Pareho kaming nasa kama. Nakaupo ako at tinatakip ang dibdib ko habang ito naman ay nakatayo at mariin na nakatingin sa akin. Nakadamit na it pagkatapos niya akong galawin ay nag bihis na siya kaagad.

"Syempre naman. Alam mo naman na mahal kita 'di ba? Basta maibigay mo ang gusto ko, gagawin ko din ang mga gusto mo." Malambing na sambit niya sa akin. He leaned to me and kissed me in the forehead.

Napangiti naman ako at desididong ipakilala siya sa magulang ko. Kami na ni Jasper. Magsimula no'ng sinagot ko siya ay lagi na namin 'yong ginagawa. I am 17 years old when we start having sex.

Naipakilala ko siya sa parents ko. And Dinah wasn't happy that Jasper is my boyfriend. I didn't think about her opinion.

Nandito na ako sa point na 'to tapos titigilan ko dahil lang ayaw ni Dinah sa kaniya? Wala naman siyang ginagawang mabuti in the first place. Ako nga dito lang pinayagan. Eh siya? Sa lahat naman pinapayagan dahil paborito siya ni Mama.

"Pinapabayaan mo pag aaral mo, Deane?" Pag sugod ni Mama sa kwarto ko pagkatapos niyang makitang bumaba ang average ko ng 94.

"Ma, I am still on top."

"Yes! Top 4!" She yelled. I shut my eyes. Tinakpan ko ang aking tenga para hindi na marinig ang susunod na sasabihin niya. "Is it because of Jasper? Napapabayaan mo dahil sa kaniya? Akala mo 'di ko napapansin? Mag simulang naipakilala mo siya sa amin, napabayaan mo na pag aaral mo. Deane naman! Kahit dito ka nalang bumawi!" Sabi ni Mama at pilit na dinuduro ang utak ko.

"Bakit si Dinah pwedeng pabayaan pag aaral niya? Lagi nalang bang talaga ako, Ma!? Bakit pagdating sakaniya ang lambot lambot mo!? Tapos pagdating sa 'kin, sobrang tigas na." Pag susumbat ko. "Bumaba lang, pinabayaan na? 'Yon ba talaga tingin niyo? Hindi ba pwedeng nahihirapan ako, o kaya naman sadyang magagaling ang mga kaklase ko!?"

Natigilan ako sa malakas na sampal niya sa pisngi ko. Sinampal niya muli ang kabilang pisngi ko. Nanlaki ang dalawang mata ko at parang natauhan ako bigla. I never shouted at her. I never answered back. I don't know what did I just did.

"Hindi ka ganiyan sa akin noon, Deane." Natatawa ngunit dismayadong sabi sa akin ni Mama. Tinuro niya ako at hindi makapaniwala sa ginawa ko. "Ayusin mo ang pag aaral mo. Ayusin mo." Mariin na sabi niya.

I did what she told me to. Ginawa ko talaga ang best ko para tumaas ulit ang mga grado ko. Ngunit sadyang binabagabag ako minsan ni Jasper kaya naman nawawala ako sa focus minsan.

While I was reviewing for our upcoming quiz in Mathematics. He keep on kissing my neck like he is craving for something. I closed my eyes. Dinadaman ang kaniyang bawat halik sa aking leeg.

Then suddenly I was like hit in the head for remembering that I have quiz tomorrow. Nilayo ko ang ulo ni Jasper sa leeg ko para makapag review ako ng maayos.

"Please, Deane?" He pleaded. He knows that I can't say no to him.

"Can we do it tomorrow, Jasper? May quiz kami bukas, eh. After class. We can do it." Pag bawi ko naman sana pero biglang nagdilim ang kaniyang paningin.

"I want it now. There's no tomorrow, Deane. You know that I am having a vacation with my family for 2 weeks." Umawang ang labi ko dahil nakalimutan ko na mag babakasyon nga pala sila.

I was preoccupied by my quizzes this week that's why I forgot. It's also friday tomorrow. Our last quiz that's why I wanted to keep it up to him.

"You forgot!? Ugh, Deane! I am waiting for almost 3 days. And you keep on saying you have quiz tomorrow well I am leaving tomorrow!?" Hindi makapaniwalang tanong niya sa akin.

Napalunok naman ako at walang choice kung hindi bumigay sa kaniya. It's just one quiz anyway. And I just need to memorize the formula. There's no need to worry Deane. It's just an quiz. There's still next time to perfect it.

"Ano 'to? Bagsak ka sa Math!?" Napapikit ako dahil sa pasampal na pagbigay sa akin ni Mama ng grades ko sa Math. "Sa Math pa talaga? 85! Pasang awa na 'yan para hindi ka matanggalan sa honor Deane. Ano bang ginagawa mo sa buhay mo!?"

"Wala!" Sagot ko naman. Nanginginig ang kamay ko dahil hindi ko masabi sa kaniya ang totoo.

Baka sisihin niya pa ako. Hindi na kasi tama ang ginagawa namin ni Jasper kaso hindi ko siya kayang hiwalayin, eh. Siya ang unang minahal ko at binigay ko na rin lahat sa kaniya. Hindi ko alam kung ano pang matitira sa akin kung sakaling mag hihiwalay kami.

"Wala? Pero muntikan ka ng mawala sa honor? Ano ka ngang top no'n? Top 4! Ngayon pang huli ka na!"

"Kung si Dinah na muna kaya ang pag sabihan niyo na mag aral ng maayos!? Buti nga nasa top pa ako, eh. Hindi ko naman pinapabayaan pag aaral ko, Ma. Mataas pa rin ako sa ibang subject." Pag papaliwanag ko naman sa kaniya. "Palibhasa kasi, sa mababa lang kayo namamansin. Pero kapag mataas ako, wala kayong sinasabi."

"Naku, Deane, 'wag ko akong sinasagot ng ganiyan, ah. Pag hihiwalayan ko kayo ng lalaki na 'yon." Nagbabantang sabi ni Mama sa akin dahilan ng pagbalot ng takot sa akin katawan.

Napalunok ako at hindi nakapag salita. Ngumisi ito na para bang nahanap na niya ang kahinaan ko. Hindi naman talaga kahinaan. Katakutan. Natatakot ako na baka ano pa ang malaman niya sa oras na kausapin niya si Jasper.

Susubukan kong makipag hiwalay sakaniya bukas. Sana naman pumayag siya. I am already 18 years old and graduating. And Dinah? She's mad at me.

I don't know if she's really. I don't even care about her. Hindi ko na siya napapansin gaya ng dati. Mas naiisip ko pa ang nobyo ko kaysa sa kaniya.

Nag aalala ako pero nagagalit din ako dahil nakakainggit ang buhay na meron siya. I was pressure while she's just there, so happy with her life with Jillian. She can do whatever she wants while me? I can't do anything I wanted to do. I wished i had her life.

I don't want this kind of attention. Sana siya nalang pinapansin. Hindi ako. Dahil sa pag bo'boyfriend ko ay nasira ang expectation na meron sa akin si Mama. Kahit ako, dismayado sa sarili ko.

"Ayoko na. Itigil na natin 'to, Jasper." Sabi ko habang nakayuko. Nandito ako sa bahay nila. Lagi naman dahil hindi naman siya makapunta sa bahay namin.

"What? We were just fine yesterday, what happened?" Nagtatakang tanong niya sa akin. Nakita kong naglakad siya papalapit sa akin at umupo sa tabi ko. "Anong problema?"

Napapikit ako. "Ito! Ito ang problema." Matapang ko siyang hinarap. "This isn't even relationship. This is just lust for you. Kapag nalilibugan ka, do'n, pinapapunta mo 'ko dito para maikama mo."

He smirked. "Why would you think of that?" Nag mamaangan niyang tanong at tinakpan ang kaniyang mukha. "I love you and what we are doing is normal for a girlfriend and boyfriend. I have needs and you have too-"

"No, I don't! Minsan sumusobra na 'yang kalibugan mo. Kahit alam mong ayaw ko, pinipilit mo pa rin ako. Akala mo hindi ko alam 'yon!?" Galit na tanong ko sa kaniya.

Umigting ang kaniyang panga. "Wala ka naman choice! Ano bang in-expect mo? Na I entered a relationship just for love!? Hindi mo maiiwasan na malibugan at manghingi ng kinakailangan! Kailangan mo din ibigay 'yon sa akin, that's why you agreed to be my girlfriend!"

"What!? No, hindi ko alam na 'yon lang pala ang gusto mo sa akin! Sana pala sinabi mo sa una palang! Para hindi ako umo-o. Hindi ko responsibilidad na mag patira sa'yo kapag nalilibugan ka! Mag hanap ka ng ibang babae-" he cut me off.

"Kahit na mag hiwalay tayo, Deane. Wala ng tatanggap na lalaki sa 'yo. Kasi you're not virgin anymore. Isa lang naman ang pinakagusto ng lalaki sa mga babae. Na virgin sila, pero ikaw? Hindi. Kaya huwag kang mag expect na magkakaboyfriend ka pa dahil natira ka na." Mahabang sambit niya.

Nagsimulang mamuo ang luha sa aking mata. Because he was right! I know someone wouldn't accept me anymore. Because I am not virgin.

"Kahit nasa sinaunang panahon ka pa. Wala ng tatanggap na lalaki sa 'yo. Kaya kung ako sa 'yo, huwag ka ng makipag hiwalay. Ako lang ang makakatanggap sa 'yo." He whispered.

Umawang ang labi ko no'ng hinawakan niya ang baba ko para iangat ang aking tingin at tumingin sa kaniya. Tumulo ang luha sa akin mata. I can't even scaped him then, I should just love him?

I was hunted by his voice every night. I have so many regrets that I gave in so easily to him that day. Sabi ko susubukan kong makipag hiwalay hindi para bumigay ulit kaagad. May nangyari ulit sa amin no'ng araw na 'yon.

When Dinah turned 18. Everything started to change. Maybe because Mama knows that I have no future anymore for not being the highest top. Kay Dinah na siya pumunta.

Ngayong si Dinah naman ang laging napapagalitan. Ako naman itong naawa sa kaniya. Kapag sinusubukan ko siyang kausapin ay sasagut sagutin pa niya ako kaya naman bandang huli ay nag aaway rin kami.

Hinayaan ko na lang siya. Hindi lang naman siya ang namomoblema, eh. Kahit na ako naman ang pinapabayaan ni Mama ay alam kong kailangan ko paring galingan.

Just because she haven't told me anything means I will not gonna make her proud. I will still try to make things right para naman mapansin niya ako. Now I was the one craving and admitting it.

Sadyang mali lang talaga ako siguro sa kanilang mata. She raised me just to be on top. Para may maipagmayabang siya sa mga kumare niya hindi para ipagmalaki ako bilang ako. Hindi bilang pinakamataas na honour sa school.

Now that Dinah's being pressured. I was the one who is pressuring myself too. I am pressuring myself to do better. For her to see me again.

Pero bakit gano'n? Parang nakakalimutan na niya ako at puro Dinah nalang ang nasa utak niya? And because of that, I started drinking.

Pumunta ako kina Jasper. I didn't know what I did. Paggising ko, hubad ako at nakatakip ng comforter. Wala na sa tabi ko si Jasper.

Napanatag ako kasi alam ko naman na laging gumagamit ng condom si Jasper. Hindi naman siguro ako mabubuntis ng isang gabi lang. Besides, I am already 19.

Yes, 19 and already a fucking mother.

"Hindi ka ba gumamit!? Jasper, you always used condom! What the fuck!?" Halos mabaliw na ako dahil sa nalaman kong buntis ako.

I am here at his room, telling him that I am pregnant after dr. Mendel told me. Joshua's father!

"It's not my fault. Kasalanan mo kasi nag mamadali ka. And you told me to not wear anything!" Pag sisisi pa niya sa akin.

Tumulo ang luha sa akin mata dahil kahit dito ako ang sinisisi niya. Halata din naman sa mukha niya na hindi niya alam ang gagawin niya.

"Anong sasabihin ko!? Fuck!" Napasabunot ako sa aking ulo at napaupo sa kama para ituloy ang aking pag iyak.

Sana palang 'di nalang ako nainggit. Sana palang 'di nalang ako uminom. Bakit ba ganito ako sa sarili ko? Bakit lagi kong pinapasok ang hindi ko naman kayang harapin!?

Why am I so damn stupid!? Deane! I am so disappointed to myself too.

"Umalis na si Dinah?" Mahinang tanong ni Mama. Tumango naman ako. "Ngayon, makakausap na kita ng maayos." Napapikit naman ako.

Alam ko naman na pagkaalis ni Dinah ay kakausapin niya ako. Hindi niya kayang mag salita ng masasama kapag kaharap niya si Dinah, eh. Kaya ngayon wala na siya, pumasok na siya.

"Ipalaglag mo 'yan." Nanlaki ang dalawang mata ko at napatingin sa kaniya. "Hindi ka pwedeng tumigil sa pag aaral mo Deane. 'Yung Papa mo sa abroad hindi makauwi dahil wala pang nakakatapos sainyo ng pag aaral."

"Ma, anak ko 'to-"

"Wala ka naman maibibigay sa anak mo, eh. Kami rin naman gagastos sa kakainin niyan. Kaya ipalaglag mo nalang. Magiging pabigat ka pa talaga Deane? Balak mo pa talagang mag dagdag? Sobrang kinamumuhian na kita!" Sigaw niya sa akin.

Nakaupo ako sa kama ko. Siya naman itong nakatayo at nakapamewang habang masamang nakatingin sa akin.

"Galit ka sa akin? Ako rin! Ma, galit na galit din ako sa sarili ko!" Naiiyak na sambit ko sakaniya. Hindi ko alam basta-basta nalang tumutulo ang luha ko. "Nagsisisi ka na pinanganak mo ako? Ako rin! Nag sisisi na pinanganak mo! Sana nga 'di nalang ako nabuhay. Sana nga, 'di mo nalang ako naging anak." Pangunguna ko na sakaniya.

Kunot ang kaniyang noo. "Hindi 'yon ang ibig kong sabihin-"

"Pero 'yon ang naiisip mo. 'Yon ang naisip mo na sana sinabi mo ngayon! I am a big failure! Ako pinaka matanda pero nag pabuntis. Hindi nag iisip. Hindi magaling sa acads. Alam ko na lahat ng 'yan! Ano pa bang gusto niyong isampal sa akin? Na madali akong bumigay? Alam ko na rin 'yan! Huwag niyo ng sabihin dahil alam ko na lahat ng 'yan." sigaw ko at humiga sa akin kama. "Umalis na kayo."

Tumuloy lang ang buhay. Sino ba naman 'di mag mo'move on 'di ba? Akala ko rin naman kasi maayos na lahat. Naging mabuti naman akong Ina. Halata naman na naging pabigat nga ako sa bahay na 'to.

Napapansin ko naman na nahihirapan sila na bigyan akong pera. Syempre minsan kailangan mong mag ipon para sa sarili mo. Si Mama naman siya sa grocery, tubig, at kuryente.

Si Dinah naman tumutulong kapag may sobra sa kaniyang sahod. Halos siya na rin bahala sa sarili niya at ako nalang talaga itong pabigat.

Nakakahiya rin kay Nash minsan. Lagi niya akong nakikitang nahihirapan kay Zoey at nag papasalamat ako kapag tinutulungan niya ako. Mabait talag siya mula noon pa man.

"Nakabuntis ako." Umawang ang labi ko at para bang sinabuyan ako ng malamig na tubig. Hindi ako makagalaw sa pwesto ko.

Tinawag niya ako para sabihin sa akin ito? Na nakabuntis siya? Tang ina, hindi ba niya alam na may anak na siya? Na may girlfriend siya. Hindi pa ba ako sapat? May problema na ba sa katawan ko kasi nanganak ako kaya nag hanap siya ng mas sexy para makipag talik do'n? Tapos uuwi siya sa akin na para bang hindi siya nag kama na babae?

"Say something," that's even a command. "I think, we should end this now."

"End this?" Sa wakas nakapag salita ako. "Para lingunin mo ang babae na 'yon? Pa'no naman kami ng anak mo? Tang ina, hindi mo kayang masustetuhan anak mo tapos iiwan mo pa ako? Iiwan mo pa sa akin pagiging ama mo!?" Sigaw na sunod sunod na tanong ko sa kaniya.

Tumayo ako at sinampal siya, ulit at paulit ulit pa. Tinanggap niya lang lahat ng sampal ko hanggang sa nag sawa ako. Napaluhod ako at napaiyak.

"Tang ina. Ano pa bang kulang at hinanap mo sa iba?" Nanginginig na tanong ko sa kaniya. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko para pigilan ang pag iyak ko ng malakas. "Jasper, may anak ka na, may girlfriend ka. Ba't mo 't-to nagawa?"

"You aren't enough." Mas lalo akong naipaiyak sa pahayag niyang 'yon.

Hindi siya naging kuntento sa akin dahil may anak na ako. Pero kung wala siguro ay hindi niya ito magagawa. At nag aaral pa rin ako ngayon. Ngayon naman ay nag sisisi na ulit ako.

"Ibalik mo 'yung pag aaral na sinayang ko para sa anak natin!" Tinakpan ko ang aking mukha. Walang magawa kung hindi mag sisi. "Malapit na sana akong maging doctor!" Suminghot ako. "Jasper," tawag ko.

"Itigil na natin 'to. Ihahatid na kita." Napapikit ako. Wala akong magawa dahil pinapaalis na niya ako.

I was devastated. For months. Hanggang sa hindi ko mapigilan. Nagpasugod talaga ako sa kanila. Alam kong nando'n ang babae na 'yon. Sa loob ng bahay niya nando'n ang babae na 'yon.

Alam kong mahal niya ang babae na 'yon. He just have no choice to me because he got me pregnant. To hell with him, iniisip ko rin minsan kung bakit ako bumigay sa isang tulad niya!

Kaso hindi ko naman maibabalik lahat, eh. Kasi isa akong malaking tanga at nagpakatanga sa isang tulad niya. At paulut ulit na nagpakatanga no'ng oras na binalikan ko pa siya para lang kay Zoey at para lokohin niya akong muli.

"Tang ina, Josh. Hindi ko deserved lahat ng 'to. Naging mabuti naman akong anak no'ng una. Bakit siya pa binigay sa akin ni Lord? Bakit siya pa sumira?" Malungkot na tanong ko sa kaniya.

Ilang days pagkatapos kong maglaslas. "Nag sosorry naman ako sa 'yo kapag inaano ko si Dinah. Hindi ko kasi magawa sa harapan niya, eh. Sobrang hirap mag sorry sa kapatid mong wala naman ginawang masama." Tumango lang ito.

He always listen to me. He's a good doctor not a psychiatrist that's also a doctor but he's another type of doctor.

"I should've pursued you that time." He said. Umawang ang labi ko at napatingin sa kaniya ng maayos. I am kinda confused of him sentence.

"What do you mean?" I asked.

He smiled. Like he is regretting his decision before. Napayuko siya at napailing iling. Now he's making it so obvious that he is regretting it.

"I like you, for. . . A very very long time, Deane." He confessed. Nanlaki ang dalawang mata ko at napaawang ang aking labi.

I was speechless. I can't believed that he liked me. Akala ko kasi sobrang sungit niya. Halata sa kaniyang mukha pero sa kaniyang boses ay sobrang layo. Ang daldal kasi ng tao na ito. Matagal ko na rin siyang nakakausap.

Somehow, he's my comfort zone.

"And I am regretting that I didn't court you nor talk to you." Kinagat niya ang kaniyang pang ibabang labi na para bang may pinipigilan siya. "But we can catch up." He playfully said.

I rolled my eyes. Akala ko seryoso siya pero hindi pala.

"No, I'm serious. But I also want to know if you're open for someone entering your heart? I can knock." I was touched by his words.

Wala man lang nag paalam sa akin na pumasok at hinayaan ko lang. Pero kakaiba ang lalaki na 'to at talagang gusto pa niyang kumatok para lang makasiguro na hahayaan ko siyang makapasok.

"Knock, knock."

Napangiti naman ako. "Who's there."

"Joshua, can I be yours?" Nanlaki ang dalawang mata ko. Hinawakan ko ang aking inumin at inakmang ibabato sa kaniya.

"Dapat can you be mine 'yon!" Asik ko naman bago sumipsip sa aking inumin. He smiled.

"Well, I can't own you. But you can." He winked at me. Napasinghap naman at kasabay ng aking pag ubo dahil nakalimutan kong umiinom pala ako.

Natawa siya. "Are you okay for courting? Can I make a move now or maybe next month or next year. Just say it when you're ready. I can wait." He gave me an assuring smile. "Huwag kang ma pressure."

Pinagsiklop niya ang kaniyang kamay na para bang nag wi'wish.

"Please!" Pinikit niya ang kaniyang kamay. Kumunot ang noo ko bago natawa sa kaniyang ginawa. Minulat niya ang kaniyang mata at nakisabay sa pagtawa ko.

"I don't want to give you some false hope, Joshua. As of now, I am not yet ready and. . . I have a daughter." I reminded him.

Baka kasi nakalimutan niya kaya siya nanliligaw. At kapag naalala nanaman niya ay titigil na siya. Takot na akong masaktan ulit. Pero kasi kahit na iba siya. Alam kong panibago nanaman sakit ang mararamdaman ko kahit alam kong 'di naman siya nananakit.

"It's okay." Inabot niya ang aking na nakapatong sa mesa. "I can wait for you. Do you want me to?" He asked, serious this time.

Umiling ako. "Hindi ko alam, Joshua. I am not sure. I might say no then regret it later likewise to the other what if." Huminga ako ng malalim at the same time dismayado sa sarili.

"Okay lang. Huwag mo naman sisihin sarili mo lagi. I am the one who's pressuring, eh." Kumunot ang noo ko.

"You're not even pressuring me, Joshua." He rolled his eyes. Like whatever. Matipid akong napangiti at 'di na pinansin.

"Don't say my name. It's making me feel weird things. Kaya mas lalo kitang pipilitin kung tatawagin mo pa akong Joshua." Kinagat ko ang pang ibabang labi ko dahil parang 'di ko naman ata kayang hindi siya tawagin sa pangalan niya. "If you call me Joshua, means you like me. Char!" Pambabawi din niya.

Natawa ako. "Okay, Joshua." Nanlaki ang dalawang mata niya. "It's just a joke. Let's see if my decision will change and give you a chance." Bahagya ko siyang nginitian at tinignan ang kamay naming magkahawak pa rin na hindi ko napansin na hindi niya pala binitawan.

I was becoming more and more comfortable with him. Sana nga mabigyan ko siya ng chance na pumasok sa buhay ko. I don't want to pressure myself either.

Alam ko kapag handa na ako. Hindi ko pipilitin ang sarili ko dahil alam kong ayaw niya 'yon.

Sana kapag ready na ako. Siya naman itong sana baka pwede pa. Sana pwede pa siya. Alam kong nagbabakasali siya sa akin. Kaya magiging gano'n din ako sa kaniya.

Sana baka pwede ka pa kapag handa na ako.

_____

As I said expect. But unexpected.

Continue Reading

You'll Also Like

125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
3.1M 188K 61
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...