Polar Opposites

By JellOfAllTrades

327K 12.9K 1.3K

Matapos manalagi sa Amerika ng dalawang taon dahil sa student exchange program, nagbabalik si Sophie sa Pilip... More

Polar Opposites (GirlXGirl)
Meet the Negative
Think Positive
The Alexandrian Effect
AC/DC
The Chemical Reaction
Sound Wave
Miscalculation
Phobias
Electrostatic Attraction
Continental Drift
Background Check
Living Improbability
Interstellar Activity
Possibilities
The Neutral Polarity
The Nilaga Agreement
Alec's Chrysalis
Schrodinger's Cat
Polar Shift
Red Joker
Home Treatment
Imperial Confession
Origami
Fire and Blood
Boundaries
Genetic Mutation
A Ballad for the Broken
Last Digit
Out-of-Body Experience
Ice Cream Infinities
Lightning Struck
Camellia Sinensis
Broken Treaties
Genealogy
Opera Seria
Missing Persons
All Senses
Projections
Epilogue: A Moment in Time
Author's Note

Acknowledged Existence

886 72 1
By JellOfAllTrades

Polar Opposites by JellOfAllTrades

Chapter 38

"Sophie? Alec? Gising na ba kayo?"

Hindi ko maalala kung ano yung napanaginipan ko pero nagising na lang ako sa katok ni Leone. Babangon na dapat ako nang hinila ako ni Alec at niyakap ng mahigpit.

"Tulog pa muna tayo. Inaantok pa ako."

"Teka lang, kumakatok si Leone."

Tinanggal ko yung pagkakayakap sa akin ni Alec pero bago ako makalayo sa kanya ay hinila niya ulit ako at hinalikan. "Good morning kiss."

"Ang landi mo po." Nginitian ko siya. "May muta ka pa."

Tumayo na ako at kinusot ang mga mata ko para masiguradong wala akong muta bago ko pinagbuksan ng pinto si Leone.

"Sorry kung nakaistorbo ako. Good morning!" Bati ni Leone. Malalim at madilim ang green eyes niya. Hindi na siya nakabalik sa akin kagabi kaya't kung ano mang pinagusapan nila ng tatay niya ay matagal at seryoso ito. "Kumusta kayo?"

Nilingon ko si Alec na nakaupo na sa gilid ng kama, nakatalikod sa amin.

"We're fine. Nagkausap na kami kagabi."

Kuntento pero malungkot ang ngiti ni Leone. "That's good to hear. But dad wants to have a family meeting. Please get ready for breakfast in the dining room in about twenty minutes."

"Si Alec lang noh? Sige, I'll help her get ready."

"Ah, kasama ka na, Sophie."

"Pero hindi naman ako family?"

Nginitian niya ako. "Dad said kasama ka."

Mejo naguluhan ako pero tumango na lang ako. "Sige. Bababa na rin kami."

Umalis na si Leone at sinara ko na yung pinto. Napatingin ako sa orasan. Seven o'clock. May twenty minutes kami ni Alec para mag-ayos.

"Narinig mo si Leone?"

Nagkusot ng mata si Alec. "Do I have to go?"

"I think it's important."

Naka-kunot na ang noo niya. "Magagalit ka ba pag sinapak ko si Leo?"

"Yes."

"Pano pag tinadyakan ko siya?"

Sinamaan ko lang siya ng tingin. "Alec, kung magiging bayolente ka sa tatay mo mag-break na lang tayo. Ayoko ng basagulerong girlfriend."

Napatayo agad si Alec. "Eto na nga, sabi ko nga maliligo na ako."

Dumiretso siya sa CR para maligo. Binuksan ko yung cabinet para kumuha ng pamalit na damit namin.

***

Mabilis lang ang kilos namin at saktong fifteen minutes ay nasa dining room na kami kung saan nadatnan naming nagkakape si Mrs. Lucescu at si Leone.

"Good morning, Sophie, Alec. Coffee? Or would you like some tea?" Nag-wave siya ng kamay para lumapit yung helper na nakatayo sa tabi ng trolley na may dalawang pot.

"Coffee is fine." Sagot ni Alec. Papunta na dapat siya sa seat pinakamalayo sa dalawa pero hinila ko siya para doon kami sa tapat nila Mrs. Lucescu maupo. Medyo masama ang tingin ni Alec pero sumunod naman siya sa akin.

Napangiti si Mrs. Lucescu habang nagsasalin ng kape para sa amin yung helper.

"I'm glad to see you've found a good friend, Alec."

"Girlfriend." Pag-correct ni Alec. "She's my girlfriend."

Nagulat si Mrs. Lucescu sa sinabi ni Alec habang napanganga naman si Leone sa tabi niya. Tinitingnan niya ako na parang natutuwa at naiinis na hindi ko kaagad sinabi sa kanya ang balita.

"Really now? Why didn't you tell us, Sophie?" Intrigang tanong ni Mrs. Lucescu.

"Kagabi lang po," nahihiya kong sagot. May plano naman akong sabihan si Leone pero naunahan lang ako ni Alec.

"Congratulations!" Maligayang bati ni Mrs. Lucescu.

"Good. You're all here."

Napatingin sila Mrs. Lucescu at Leone sa likuran namin habang napatayo si Alec sa boses ng tatay niya kaya't agad ko siyang hinawakan sa braso.

"No need to stand up, Alexandria. Sit down." Utos ni Mr. Lucescu mula sa entrada ng dining room.

Hinila ko yung braso ni Alec. Tiningnan niya ako na parang nanghihingi ng permiso na magsimula ng gulo. Sinamaan ko siya ng tingin at naupo na din siya.

Nakasuot na ng navy blue suit si Mr. Lucescu na tila ready na pumasok sa trabaho. Malaki ang hakbang niya papunta sa head ng table kung saan siya naupo.

"Good morning po, sir." Bati ko sa kanya habang hinahawakan ng mahigpit ang nanginginig na kamay ni Alec.

"Good morning." Pormal ang bati ni Mr. Lucescu sa buong table.

Napansin kong seryoso ang tingin ni Mrs. Lucescu samantalang parang pagod at malungkot si Leone sa tabi niya. Kung ano mang pinagusapan nila kagabi ay hindi maganda.

"First things first, how are you feeling?" Direkta ang tanong ni Mr. Lucescu kay Alec.

"And when did you care?"

Pinisil ko yung kamay ni Alec para pagsabihan siyang mag-behave. "Okay na po siya."

"That's good. Did you two sleep well?"

"Yes po." Ako na ang sumagot para sa amin dahil galit na galit pa rin ang tingin ni Alec sa tatay niya.

"You're free to stay with us for as long as you need." Offer ni Mrs. Lucescu.

"Here or with me." Dagdag ni Mr. Lucescu.

Napatingin ako kay Mr. Lucescu. "With you po? Ha?"

"Alice and I are separating. I'm moving out. You two are welcome to join me at my house. It's smaller but it can accommodate all of us."

Straight lang ang pagkakasabi niya noon na para bang wala siyang pamilyang masisira. Kaya naman pala mukhang hindi okay si Leone.

"As if we'd go with you. I have my own house." Sagot ni Alec. "We don't need your help."

Nag-wave lang si Mr. Lucescu sa helper para masalinan ng kape yung cup niya.

"Alam kong sasabihin mo 'yan kaya may isa pa akong offer sa inyo."

Napatingin ako kila Leone at Mrs. Lucescu pero pareho lang din sila nakatingin at nakikinig kay Mr. Lucescu. Mukhang eto nga yung pinagusapan nila kagabi.

"Olympic Industries will undergo some restructuring when we announce our separation. I'm going to need some help." Panimula ni Mr. Lucescu. "Alexandria, I would appreciate it if you would come to your senses and apply your vast knowledge into something more productive. And Ms. Jaranilla, I've looked into your background and I know you have potential. Why don't you two come work with me and I'll teach you everything I know."

"As if." Agad na sagot ni Alec. "Ayan naman yung tunay mong anak. Bakit hindi siya ang habulin mo?"

"We all know Leone's talents lie elsewhere. I don't want to force her into a life she does not want nor can handle."

Mababa pala talaga ang tingin niya sa anak niya para sabihin na hindi kaya i-handle ni Leone ang pagpapatakbo ng business nila. Maaaring tama siya, pero meron naman sigurong way para sabihin iyon na hindi painsulto.

"And what makes you think I want this?"

Nanlilisik ang blue eyes ni Mr. Lucescu. Parehong pareho sila ng tingin ni Alec. Kahit sinong makakita sa kanila na magkatabi ay agad na malalamang mag-ama sila. Hindi ko maintindihan kung paano naitago ng pamilya nila ang sikreto nila. "You're independent and head-strong which, when used correctly, can make you a good leader. And it also does not hurt that you're intelligent and can speak all the languages our company has offices in. You're practically already a CEO in the making."

"You made a mistake in choosing me. I don't want to be your puppet."

Disappointed ang tingin ni Mr. Lucescu. "How about you, Sophie?"

Nagkatinginan kami ni Leone at naalala ko yung pinagusapan namin kagabi bago siya umalis. Ang sabi ko gusto ko lang magkaayos kami ni Alec at maka-graduate. Okay na kami ngayon ni Alec. Pero after graduation hindi ko pa alam kung anong plano ko.

"Thank you very much for the offer. Pero okay lang po ba if pag-isipan ko muna? Need ko rin po muna kausapin si Alec about this."

Mabilis na napatingin si Alec sa akin at pinisil ko ang kamay niya. Alam kong magagalit siya pero kung kinabukasan ko na ang pinaguusapan, kailangan namin ng masinsinang diskusyon sa kung anong plano namin sa buhay.

"Of course, take your time. I'll let you graduate first but if you want to start early, I can make you a paid intern so you don't have to work part-time in that fast food restaurant. As for Alec... If that's your final answer, then it's all right. I won't force you anymore. But if you ever change your mind, tell me. You know I still want the best for you."

Napatingin ako kay Alec. Medyo nabawasan na ang galit niya sa ama niya. Hindi na rin nanginginig sa galit ang kamay niya.

"Thank you po. I'll let you know po when I've made my decision."

Tumingin si Mr. Lucescu sa asawa niya. "Your turn?"

"Yes, thank you for breaking the news, Leo. As for me and Leone, we're keeping the house, and again, Sophie and Alec, dear, you are both welcome to stay for as long as you want."

"Thank you po."

Hindi sumagot si Alec kaya pinisil ko siya ulit sa kamay kaya at binigyan na lang niya ng pilit na ngiti ang actress.

"Leone's band is going on a hiatus while Louisse is away so she's going to join me for a mother and daughter album and concert tour. We're going to let the issue with the shooting die down for now before doing a press release. Sophie, Alec, keep in touch and we'll make sure you get tickets, okay? Leo, ikaw din. If you ever feel like watching, let us know."

"Thanks."

"Yes po. Thank you po ulit."

"And this is just a reminder. I know Leo will never let Olympic Industries fail. His insistence to find an heir apparent for the company is initially my asking. When Leone showed signs na hindi siya sasali sa family business, I knew we had to look somewhere else. I'm sorry Alec, for getting you dragged into this. But you are still part of the family."

"Anak ako sa labas, anong part of the family pinagsasabi mo? Naghahanap lang talaga kayo ng ipapalit kay Leone." Galit na sabi ni Alec.

"Anak din ako sa labas." Sagot ni Leone.

Napatingin ang lahat kay Leone. Parehong gulat ang magulang niya na madali lang para sa kanya na ianunsyo ang malaking sikreto nila samantalang hindi makapaniwala si Alec sa narinig niya.

"You're the only one who still doesn't know because you refuse to listen." Dagdag niya. "Alam na kaya ni Sophie."

Humingang malalim si Alec at muling nanginig ang kamay niyang nakahawak sa akin.

"So you're telling me that you--" dinuro niya si Mr. Lucescu, "--left my mother for her--" dinuro niya si Leone, "--only to find out na hindi mo siya tunay na anak?" Natawa siya. "Seryoso ba kayo?"

Walang nakasagot sa kanya.

"Kagaguhan niyo talaga. Dinadamay niyo pa kami."

Nagiisip ang tingin ni Mrs. Lucescu kay Alec. Tiningnan niyang mabuti ang asawa niya at humingang malalim. "Alec--"

"Alice, don't." Pagpigil ni Mr. Lucescu.

"Anong don't? May idadagdag pa ba kayo? Sabihin niyo na lahat para isang bagsakan na lang. Makikinig na ako."

Nagtitigan si Alec at Mrs. Lucescu at wala na akong ibang magawa kundi ang hawakan nang mahigpit ang kamay ni Alec in case magalit na naman siya. Ayokong i-flip niya yung table.

"Dad, tell her." Mahinang sabi ni Leone. "She deserves to know."

"Do you want us to leave the room for a little bit para makapagusap kayo? Mamaya na lang kami babalik." Sarkastikong sabi ni Alec.

"Alec, pwede makinig na lang muna tayo? Mamaya ka na mag-react." Pabulong kong sabi sa kanya.

Frustrated ang tingin na ibinigay niya sa akin. Malapit na siya maiyak pero hindi niya iyon gagawin sa harap ng mga Lucescu. Hindi kaya ng pride niyang ipakita ang kahinaan niya sa pamilyang nanakit sa kanya.

"I don't see why it is relevant." Mahinang sabi ni Mr. Lucescu kay Leone. "Let's leave it at that."

"If you really want to fix your relationship with your real daughter, tell her. Everything. Now." Diin ni Leone.

"C'mon. Tell me." Hamon ni Alec. "Para matapos na tayo at makauwi na kami ni Sophie."

"I don't see the point of telling her."

"TELL HER, DAD!"

Nagitla ako sa biglaang pagtayo ni Leone at paghampas sa table. Agad siyang hinawakan ng nanay niya sa braso.

"Leone, sit down!"

"SHE NEEDS TO KNOW!"

"NO, SHE DOES NOT!"

"KNOW WHAT?"

"LEONE!"

"Alec, please!"

"HE KNEW!" Naiiyak na pag-amin ni Mrs. Lucescu.

Saglit na natahimik ang lahat.

"What do you mean?" Mahina ang boses ni Alec.

"Leo..." Napahilamos sa mukha si Mrs. Lucescu. Hindi na niya kami kayang harapin.

"WHAT DO YOU MEAN HE KNEW?!" Sigaw ni Alec kay Mrs. Lucescu.

"Leo, tell her, please." Tumalikod si Mrs. Lucescu at agad naman siyang niyakap ni Leone.

Hindi makasagot si Mr. Lucescu. Mahigpit ang kapit niya sa tinidor na hawak niya and for a moment natakot ako na baka gamitin niya iyon sa isa sa amin.

"Dad..." Nagmamakaawa ang tingin ni Leone sa ama niya habang pinapakalma ang nanay niya.

"You knew?" Ulit ni Alec sa tatay niya.

Nagtitigan silang dalawa at may nakita akong luha sa mata ni Alec. Kasabay ng pagpatak ng luha niya sa table ay bigla na lang kumilos si Alec at sinugod ang ama niya.

Masyado kaming mabagal ni Leone para tigilan si Alec. Napatili si Mrs. Lucescu at malakas ang pagbagsak ng upuan ni Mr. Lucescu sa sahig.

"ALEC!"

Pero hindi sinapak ni Alec si Mr. Lucescu o kahit ano. Nasa leeg lang ng tatay niya ang mga kamay niya. Ready na sakalin siya pero masyadong nanghihina dahil sa pagiyak niya para higpitan ang hawak niya. Nakatayo lang ako at hindi sigurado kung anong gagawin. Nakapaibabaw lang siya sa ama niya at umiiyak.

"YOU KNEW ALL THIS FUCKING TIME? Iniwan mo kami kahit alam mong hindi mo siya tunay na anak?"

Tumutulo ang luha niya sa mukha ng tatay niya.

"Did you know that she used to cry over you every night? About how much she missed you? About how you would have been a great father to me?!"

"Alexandria..."

"She let me study all those languages kasi sabi niya you told her how much you loved her in Spanish, Greek, German, EVEN GODDAMN LATIN. A DEAD FUCKING LANGUAGE!"

"Alec," hinawakan ko siya sa braso at marahan siyang hinila papalayo. Tumayo siya at sumunod sa paghila ko pero muli siyang lumingon kay Mr. Lucescu na napaluhod sa pwesto niya.

"She used to tell me she loves me in all those words you taught her. Those were my first words as I learned those languages. And it meant nothing to you. We meant nothing to you."

Nanginginig si Alec.

"Alexandria, I'm sorry." Bumagsak yung tinidor sa sahig.

"SORRY?! Maibabalik mo ba si mama sa sorry mo? Maibabalik mo ba yung mga taong naghirap kami kasi wala ka? ALAM MO BA YUNG PINAGDAANAN NAMIN?!"

"But I'm here now. We can still fix this."

Tumayo ng maayos si Alec. "Kung hindi ba naging musikero si Leone hahanapin mo ako?"

Hindi nakasagot si Mr. Lucescu. Naghintay kami ng onti sa pwede niyang isagot pero nagtitigan lang sila ni Alec. Kung ano mang pwede niyang sabihin ngayon ay alam na ni Alec na kasinungalingan lamang.

"Don't you ever come near us again. You're dead to me."

Hinawakan ni Alec ang kamay ko at naglakad na papalayo. Sinundan ko na lang siya sa pag-iwan sa mga Lucescu.

Nakalabas na kami ng mansyon nang mahabol kami ni Leone.

"Sophie! Alec! At least let my driver take you home. You're in no good shape to commute."

"We don't need your car." Singhal ni Alec.

"Leone, thank you. Sige we'll take it."

Irita ang tingin sa akin ni Alec habang tumakbo paalis si Leone para tawagin yung driver niya. "Sophie..."

"She's right. We're in no good shape to commute."

"Pwede naman tayo mag-taxi."

"I know. But I'd rather accept Leone's help. She has always been kind to you."

Hindi sumagot si Alec at tumginin na lang sa malayo. Nilapitan ko siya at niyakap.

"I'm here with you."Kumalma siya sa yakap ko at nawala ang tensyon sa katawan niya.

"Thank you."

Pagbalik ni Leone ay kasama na niya ang driver niya. Hinatid niya kami sa kotse niya.

"Alec, I know things are rough. Hindi mo pa rin siguro ako mapapatawad for existing. But I'm sorry for taking the life that was supposed to be yours."

Humingang malalim si Alec at umiling.

"Never apologize for existing."

Pumasok na ng kotse si Alec. Naiwan kaming nakatayo ni Leone sa tabi ng pinto.

"Thank you for sending the car, Leone. I'll talk to you again soon?"

"Yes, of course. Get some rest. If you ever need me, I'm one call away, alright?"

Niyakap ko siya. "Thank you. I'm one call away from you too ah? Take care because your mom needs you too. Magpahinga ka rin."

"I will."

Hinigpitan niya ang yakap niya sa akin at nakaramdam ako ng halik sa ulo ko bago niya ako bitawan.

Tiningnan ko siyang mabuti. Kahit nahihirapan siya ay buhay na buhay pa rin ang ganda ng green eyes niya. Kung anong ikinaamo ng ugali niya ay ang pagiging sharp ng features niya. Tila hindi nagma-match ang pagiging mabait niya sa intimidating na ganda niya.

Napangiti ako nang maalala ko yung unang beses na nakita ko siyang may make-up at walang make-up. Parang dalawang magkaibang tao ang nakita ko.

"Alec is right. Never apologize for existing because you're amazing. We love you."

Napangiti siya at saglit na nawala ang lungkot sa mga mata niya. "I love you too."

Sumakay na ako sa kotse at sinara na niya ang pinto para sa akin.

Sa pagharap ko kay Alec, medyo inaasahan kong magseselos na naman siya. Pero hinila niya lang ako para yakapin.

"You're lucky I know you meant that platonically."

Natawa ako at nakahinga ng maluwag sa reaksyon niya. "I love you. Romantically."

"I love you to the end of the number Pi."

Hinalikan niya ako bago muling itinago ang mukha sa leeg ko.

"Pi... You did well today. Pahinga ka na. I'll wake you up pagkarating natin sa bahay."

"Okay."


Continue Reading

You'll Also Like

735K 29.2K 36
Ang mata nyang kulay blue, nakakapigil hininga itong pagmasdan. Hindi ko maalis alis ang tingin dito lalo na nakatingin sya sakin, para akong nalulun...
1.2M 34.1K 40
--November 8, 2016 - September 9, 2017-- 'She's plain straight!' Iyan ang itinatak ni Yna sa hopeless romantic niyang puso dalawang taon na ang naka...
104K 4.1K 25
IT'S A SHORT STORY ! Red is not your typical type of girl. She's cold and distant but despite of that, everyone around her wanted her to be theirs. W...
389K 14.5K 58
**COMPLETED** Hindi naman gusto ni Diana ng kahit na anong kompetisyon. Lalo na kung si Nephra Allen ang makakabangga nito. Pero bakit sa lahat ng ba...