The Blood Sucker (SaiDa FanFi...

Por LolaJoStory

1.7K 116 8

Vampires are said to be supernatural creatures but only only you can see them in horror movies and fiction bo... Más

Characters
Prologue
Epilogue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 16
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 17
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31

Chapter 12

14 3 0
Por LolaJoStory

The Blood Sucker
(SaiDa FanFic Story)

Chapter 12: Ang Regalo

Jihyo's POV

Currently, nandito ako ngayon sa sala at naglilinis. Katatapos ko lang din maglinis sa ibang parte ng bahay at pati na rin sa labas. Si Daniel, May kung anong kinakalikot sa bodega. May kung ano raw siyang napansin dun. Hindi naman  importante masyado pero talagang titingnan niya raw. Sa kanya nagmana ang bunso namin sa pagiging curious.

"Jih! Tingnan mo toh." Saad niya habang papalapit saakin habang hawak ang isang kahon. Siguro, pwedeng magkasya ang haggang sa tatlumpung pulgadang mahabang bagay dito at kalahating talampakan na laki na bagay. Nababalot pa ito ng tela at mukhang luma na rin.

Inilapag niya yun sa mesa sa sala at ipinakita sa akin.

Inilabas niya roon ang mga kakaibang bagay na hindi mo papaniwalaang meron pa rin. Mga lumang bagay yun at mukhang sa mga magulang niya pa.

Sa lahat ng bagay na nandun sa kahon, isang kakaibang espada ang pinakatinuunan namin ng atensyon. Ang ganda kasi ng disenyo. May iba pang patalim ang naroon.  Karamihan gawa sa pilak. At may mga nakasulat na mga salita sa mga talim nito. Hindi ko maintindihan, parang Latin.

~~

"Daniel!! Anak!! Pakitulungnan nga kami dito!!" Pagtawag sa kanya ni Mama mula sa labas.

Dali-dali namang itinago ni Daniel yung kahon sa isang tabi at lumabas.

Sumunod naman ako at nakita kong may kasama silang lalaki. Puno ng sugat ang katawan nito.

"Dalhin natin siya sa guest room. Daniel, pakihanda ng mga gamot, pati na rin isang palangganang tubig at pamunas." Utos ni Mama sa asawa ko.

Agad naman itong sinunod ni Daniel at sila naman ay inalalayan ang lalaki paakyat sa kwarto.

Sumunod naman ako kay Daniel at tinulungan siya sa mga dala niya. Pagdating namin sa kwarto kung saan nila dinala ang lalaki ay sinimulan na rin ni Mama na linisan at gamutin siya.

Napatingin naman ako sa anak kong si Sana na alam kong nag-aalala ang mukha niya pero may kaunting inis pa din. Nilapitan ko ito at tinanong.

"Bakit ganyan ang mukha mo? Nakakaawa ang kalagayan ng lalaki pero yang mukha mo ay nakikitaan ko ng inis."

"Naaawa naman po ako sa kanya pero hindi ko pa rin nakakalimutan ang araw na ininis niya ako. Parang pinapamukha niya sa akin nun na di ko kayang bilhin yung kwintas na nakita ko. Sinong hindi maiinis dun? Ang yabang niya."

"Tama na yan. Halika na. Dun na lang tayo sa baba. Tulungan mo ako sa paghahanda ng tanghalian natin."

Nauna akong lumabas at sumunod naman siya.

Ito na ang pangatlo naming araw dito sa San Lorenzo. Pero parang isang Linggo na rin kami rito dahil sa dami ng nangyari.

Unang dating pa lang namin dito, nawala silang magkapatid.

Sa pangalawang araw, nakita na namin sila at nakilala pa namin ang pamangkin ni Mama at ang mga nakakatuwang kaibigan nito.
Sa kanila ngang lima, si Nayeon ang pinakakinaaaliwan ko. Kita ko sa kanya ang aking kabataan. Pati na rin ang tinginan niya sa anak ko ay kapansin-pansin. Hindi ko maitatanggi na parehong-pareho kami.

Sumunod pa ang paglusob ng mga nakakatakot na grupo ng  mga tao kagabi. At ang pagdating ni Kuya Matteo.

At ngayon naman ay ang lalaking dala nila. Siguro ay nakaharap niya rin yung kagabi.

FAST FORWARD

Gabi na at naghahanda na kami ngayon ng aming hapunan. Pero wala si kuya Matteo.

TIME SKIPPED

Sana's POV

"Mom, una na ako sa kwarto. Magpapahinga na po ako." Paalam ko sa kanila.

"Hoy! Sana! Wag kang tumakas! Maghuhugas ka pa!" Sigaw sa akin ni Kuya pero hindi ko na siya pinansin.

Dumire-diretso lang ako sa paglalakad. Nang akmang papasok na ako sa kwarto namin eh, nahagip ng mata ko yung kwarto na pinagdalhan namin dun sa mayabang na lalaki.

Gusto kong malaman ang nangyari sa kanya kahit naiinis ako. Kaya di ko na namalayan na nasa harapan na ako ng pinto ng kwartong yun.

Agad kong binuksan ang pinto at dahan-dahang pumasok sa loob. Sinara ko naman yun matapos kong pumasok.

Lumapit ako sa higaan kung saan siya nakahiga. Kahit paano naman ay may awa pa rin naman ako.

"Ano kayang nangyari sayo?"

"Siguro, nakalaban mo rin yung mga kakaibang lalaki kagabi."

Para akong tanga habang patuloy siyang tinatanong na akala mo ay magsasalita siya at sasagutin niya ang mga tanong ko.

Tumayo na ako pagkatapos ko siyang titigan ng ilang minuto. Siguro ay mahigit pa nga sa isang minuto na tinititigan ko siya. Namemorya ko na nga ang mukha niya.

Ang singkit niyang mata, ang balat niya na kasing puti ng tokwa, ang labi niyang--

Sandali? Bakit ko ba iniisip ang bagay na ito? Hindi! Hindi! This is not happening.

Agad akong humakbang pero isang kamay ang biglang kumabig saakin. Agad ko itong nilingon at nakita kong gising na siya. Nagpilit rin siyang umupo.

"Ahh!!" Mahina niyang hiyaw dahil sa sakit ng katawan niya.

Agad naman akong lumapit sa kanya at inalalayan siya.

"Wag mo kasing ipilit kung hindi mo pa kaya, Mr. Mayabang." Saad ko sa kanya habang inaalalayan ko siya.

"K-kaya ko na ang sarili ko. Kailangan ko nang makauwi. Baka hinahanap na ako ni Papa." Sagot niya naman.

"Pero hindi ka pa magaling. Tingnan mo nga yang sarili mo. Puno ka ng sugat at nanghihina ka pa. Kailangan mo pang magpahinga." Nag-aalaala kong sabi sa kanya.

Gusto kong mainis dahil sa ginawa niya sa akin. Kahapon lang ata yun siguro.  Grabe. At ngayon ay nagkita ulit kami.

"Salamat. Salamat sa.... pagtulong sa akin." Nanghihina niya pa ring sabi.

"Walang Anuman. Pasalamat ka napaka-curious kong tao. Kahit natatakot ako, sinusubukan ko pa ring alamin ang isang bagay. Nang makita kita dun sa isang malaking puno, natakot ako pero lumapit pa rin ako sayo."

"Salamat. Uhmm.... Ako nga pala si.... Dahyun." Pakilala niya.

"I'm Sana. Sana Andrea Del Luna." Pakilala ko naman saka ngumiti.

"Del Luna? Ahh!" Tanong niya na parang may excitement sa boses niya na napurnada dahil sa pagsakit ng sugat niya.

"Bakit? May problema ba sa apelyido ko?" Tanong ko naman.

"Wala. Nabigla lang ako. Kilala kasi ang mga Del Luna noon sa bayang ito. Kasama ang apat pang pamilya na nangunguna noon." Kwento niya.

"So? Ibig mong sabihin, mayaman at sikat ang pamilya namin noon."

"Uhm... Malapit na dun." Sagot niya.

Napatingin naman ako sa Wall Clock sa kwartong yun. Halos ilang oras na pala kami dito nag-uusap.

"Dahyun? Kailangan ko nang umalis. Ang alam kasi nila natulog na ako eh. Baka magtaka sila." Paalam ko.

"Sige. Salamat ulit."

Kinabukasan, maaga akong nagising. Dumiretso ako sa baba at nakita kong nakahain na si Mom ng umagahan namin.

"Kumain na po ba yung lalaking ginamot natin?" Tanong ni Kuya.

"Hindi pa. Kagabi pa yun eh." Sagot naman ni Granny.

"Hi! Guys!"Bati naman ni Tito na kararating lang.

"Bakit ngayon ka lang?" Tanong ni Granny dito na akala mo ay parang bata ang sinasabihan niya dahil sa paglalakwatsa nito.

"Nag-overtime ako, Ma. Urgent kasi yung project namin. Kailangan na naming matapos kaagad. At saktong nagkaproblema pa." Sagot naman ni Tito.

Tumango na lang si Granny bilang tugon.

"Granny? Ako na lang po ang magdadala ng pagkain dun sa lalaki." Presinta ko.

"Samahan na kita, Sana. Ikinuwento sa akin ni Mom na kinaiinisan mo ang lalaking yun. Kaya sasamahan na kita. Baka sermunan mo siya kapag nagising at mas lalong mabinat." Saad naman ni Kuya.

Hindi ko na sya inintindi. Nagtanong naman si Tito at sinagot siya ni Dad. At ako naman ay kinuha na ang tray ng pagkain at nagsimula nang maglakad papunta sa kwartong yun.

Binuksan na ni Kuya ang pinto pero wala kaming nadatnan na lalaki doon. Di kaya umalis na siya? Pasaway yun ah. Hindi pa nga siya magaling eh.

Dali-dali namang tumakbo si Kuya pabalik kina Dad at ibinalita ang nakita. At ako naman ay naiwan dito sa kwarto.

Paglingon ko sa may side table, may papel doon. At may isang maliit na tela.

Kinuha ko yung tela at May laman ito. Isang kwintas na may disenyong puso. Sa gitna ay may parang butas na korteng susi. Katulad nung kwintas na nakita ko sa palengke.

Kinuha ko naman ang papel at binasa. Dalawang papel yun. Ang isa ay nakapangalan para sa aming lahat at nagpapasalamat siya  sa pagtulong raw sa kanya.

At yung isa naman ay para sa akin.

Nang marinig ko ang mga yabag sa labas, agad kong tinago ang kwintas at ang sulat. Ibinigay ko yung isang papel sa kanila at nagpaalam. Dumiretso ako sa kwarto. Dun ko na lang babasahin ang sulat niya.

Seguir leyendo

También te gustarán

78.1K 4.1K 71
A MiChaeng, SaChaeng and MoChaeng fanfic. Where the three is Chaeyoung's ex and before the day of her wedding-came to her and begged her not to get...
89.3K 3.9K 9
A short story on MaNan who are best friends and meet after eight years after Nandini comes completing her school from abroad.
19K 792 56
Minatozaki Sana is the sweetest person even though there was tragedy happened in her life that change her life forever. She kept strong and brave. Bu...
959K 59.2K 119
Kira Kokoa was a completely normal girl... At least that's what she wants you to believe. A brilliant mind-reader that's been masquerading as quirkle...