Baka Pwede Pa

By Shikainas

1.4K 41 0

Dinah Lucille, A girl that seek for love. Not from a man but from a family. And one day, after she went out o... More

Baka Pwede Pa
PROLOGUE
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
Note

Chapter 01

104 2 0
By Shikainas

Chapter 01

"E-errol..." napatayo ako sa upuan ko dahil sa bigla kong pag kita sa kanya.

Hindi naman ako makaayos ng tayo dahil may hawak akong cone na dalawa. May laman pa 'yon! Atchaka 'di naman ako sinabihan na ngayon na pala kami mag kikita at... may kasama pang ibang babae...

"Lucille." Pormal na tawag niya.

Ngumiti naman ako at tumango bago tumingin sa kasama niyang babae. Naka strap dress siya na kulay white habang si Errol naman ay brown trouser shorts at white button t-shirt.

"This is... Ellouise." Pakilala niya sa katabi niya. My lips parted. Tumango na lang ako.

"Your ice cream is melting!" Komento ni Ellouise na nag papanic.

Agad naman akong napatingin sa ice cream. Oo nga! Hindi ko na pansin na nag melt na pala siya sa kamay ko! Kingina. Ang bad timing naman kasi eh.

"Itatapon ko lang." Sabi ko at mabilis na tumalikod sa kanila.

Akala ko kaharap ko ay basura pero screen nang 7/11! Kingina! Agad akong gumilid at dumaretso na sa nakita kong basurahan.

Tinapon ko ang ice cream pero hindi naalis ang natunaw na ice cream sa kamay ko. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at napatingin na sa kanila. Baka akalain pa nila na ayaw ko silang makausap. Ang sama ko naman.

"Bakit... nga pala kayo nandito?" Tanong ko na.

Mukhang wala naman silang balak na sabihin at titigan na lang ako. Awkward moments!

"Uh... bibili sana kami ng ramen. Si Ellouise kase gusto niya." Sagot naman ni Errol na medyo kinakabahan pa ata.

Hindi ko alam. Baka kinakabahan siya dahil nahihiya siya sa parte na may kasama siyang ibang babae. Well wala naman sa sinabi niya na as in kami lang ang magkikita.

"Ah gano'n?" Tumatango tango pa ako. Bahagyang kumunot ang noo ni Errol at tumagilid ang ulo. Napakurap kurap ako. "Bakit?" Inosenteng tanong ko naman.

"Parang hindi mo ata kami gustong kausapin, Lucille..." sabi ni Ellouise at mahinang na tawa. Napayuko pa siya parang nahihiya pa siya na kausapin niya ako.

Nanlaki ang dalawang mata ko.

"Hindi! Hindi ah!" Agad ko namang tanggi sa kanilang dalawa.

Pero parang tama nga sila dahil sa inakto ko? Gago naman. Paano ba kase dapat? Nagulat ako eh pero parang sila normal lang? Normal moments ba 'to para sa kanila?

Ang dami kasing nangyayari sa buhay ko tapos do'n pa siya dumating. Ang wrong timing lang talaga ni Errol. Pero mukhang 'di rin naman siya bumalik para balikin ako o ligawan. Halata naman na may iba na siya.

"Hindi ko lang kasi in-expect na makikita ko kayo... lagi akong nandito pero 'di ko kayo nakita kahit isang beses. Tapos ngayon..." hindi ko na tinuloy at tinawanan na lang.

Tumaas naman ang kilay nila. Parang hinihintay ang sasabihin ko. Tumawa nanaman ako. Napalunok ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

"Nakalimutan ko." Natatawang kunwaring sabi ko at sinapok ang sarili ko. "Tanga moments!" Dagdag ko pa na maligaya at tumawa nanaman.

Humupaw ang tawa ko ng hindi sila tumawa. Kinagat ko ang pang ibabang labi ko at pilit na ngumiti sa harapan nila. Peke rin akong nginitian ni Ellouise para sabayan ako.

"Maybe we can talk when you're ready." Suggest ni Ellouise at ngumiti naman ngayon ng sinserya. I pressed my lips together and nodded.

I clicked my tongue.

"See you when I see you?" Patanong na sabi ko. Tumango si Ellouise at nagtaka naman ako ng bigla siyang humakbang papalapit sa akin.

Umurong naman ako at muntik ko pang matumba ang tatlong trash can! Buti na lang na salo ko. Ang galing!

"I just wanted to hug you." Sabi naman ni Ellouise at bahagyang lumayo na sa akin.

Bigla ay na guilty na naman ako. Hindi ko alam sa buhay ko. Akala ko sasakalin ako eh. Kase naman alam nila na ayaw ko silang kausap. Bad moments.

"Usap na lang tayo kapag nagkita ulit tayo..." napatingin ako ngayon kay Errol.

Nakasimangot siya habang nakatingin sa akin. Na bigla ako pero na sabi ko na kaya wala ng bawian. Peksman.

"Alis na ako." Paalam ko at tipid na ngumiti.

"Paano ka nakakasiguro na magkikita ulit tayo?" Natigilan ako sa tanong ni Errol kaya hindi natuloy ang paglakad ko para malampasan si Ellouise.

I cleared my throat.

"Ah... coincidence." Sabi ko nang makaisip ako. "Sabi nga nila, kung kayo, kayo." Nag kibit balikat ako at umiling.

"E 'di ganon din tayo? Kung tayo, tayo? Kunwari." Natigilan ako sa tanong niyang muli.

Hindi ko na alam kung anong isasagot ko do'n! May jowa siya tapos sasabihin niya 'yon? Wews. Magloloko pa ata siya sa harapan ng girlfriend niya. Kapal ng mukha.

"Kailangan ko ng umalis. Kailangan na ako ni ate Deane." Sabi ko para naman pakawalan na niya ako.

Atchaka ang awkward talaga! Hindi ba napapansin ng babae na niloloko na siya nito? But Errol isn't a type of guy that will cheat.

"Kilala mo siya 'di ba?" Tanong ko kay Errol. Napahawak ako sa bewang ko. Tumango naman si Errol. Matamlay pa rin ang mukha. "Kailangan ko na talagang umalis. Aalis na rin dapat ako kanina kaso nakita ko kayo! Gandang bungad!" I clapped my hand one time.

Para naman hindi awkward.

Tumingin ako kay Ellouise. Tinaas ko ang kilay ko. Pinapahiwatig ko na tulungan niya naman ako. Sawa na ako mag sabi para hindi awkward.

"Fine. Pwede ka ng umalis..." mahinang sabi ni Errol.

I know that he doesn't want to let me go but it just that I am not ready to face him. Lalo na't may kasama siyang babae na posibleng sila na pala. Open minded lang ang babae dahil baka na sabi sa kanya ni Errol na kapag nagkita kami ay mag uusap? Gano'n.

Napayuko ako.

Ano kayang nararamdaman niya? Na ayaw ko siyang kausapin? Ayaw ko naman iparamdam sa kanya na may mali kahit wala naman talaga. Kapag siguro handa na ako.

Baka.

Baka kaya ko na siyang kausapin. Kahit may kasama siyang babae. Baka kaya ko na. Baka.

I waved my hand to bid my goodbye to him and smiled a bit.

"Pakyu!" Sigaw ko at tumakbo papalayo do'n sa lugar nila Jillian.

Nang makalayo naman ako ay tumingin ako sa kanya. Dumila ako habang patalikod na naglalakad. Napansin kong nanlaki ang dalawang mata niya at may tinuro. Napakurap kurap ako bago ako lumingon sa likod ko.

Sakto tumama ang mukha ko sa dibdib niya.

"Tangina!" Sigaw ko sa sakit. Napahawak ako sa mukha ko at lumayo sa kanya. "Hoy! Dumadaan ako!?" Sarkastikong tanong ko at tinuro ang dinadaanan ko.

Nanliit ang dalawang mata niya. Parang na offend pa siya sa ginawa kong pag sigaw.

"Miss-"

"Gagi, miss mo na ako kaagad?" Sarkastiko pa rin tanong ko dahil hindi man lang siya nag sorry.

Hindi na talaga uso sa mga tao ang mag sorry ngayon. Parang ang sakit sa pusong isipin na wala ng matinong lalaki ngayon. Pati jowa ni ate Deane. Hindi rin.

"Pwede bang papagsalitaan mo naman ako?" Ramdam ko ang inis sa boses niya.

Ngayon ko lang nakita siya nang kabuuan. Collar short sleeve and cream maong shorts with silhoutte.

"Hindi ka ba pa nag sasalita niyan?" Nakataas na kilay kong tanong sa kanya.

Ngumisi ako no'ng mas lalo siyang nainis sa akin. I stick my tongue out.

Napapikit siya. Sinapo niya ang mukha niya at napailing iling.

"Immature..." narinig kong bulong niya.

Napanganga naman ako.

Excuse me!? I just turned 18!? Tapos immature? Hindi ba pwedeng nang aasar ako kaya nag mumukha akong immature!?

And finally he open his eyes and look at me in the eye. Bahagyang nanlaki ang dalawang mata niya nang mapansin niyang galit akong nakatingin sa kanya.

"Hindi ka na nga nag sorry! Sinasabi mo pa na immature ako!" Umusok pa ang ilong ko dahil naalala ko na naman. Sinabi ko eh! "You're offending me ah! Ouch!" Kunwaring react ko sa sinabi niya kanina.

I rolled my eyes at him. Hindi lang kasi siya makapaniwala na nakatingin sa akin. Parang kasalanan ko pa.

"Look..." bumuntong hininga siya at nakikiusap na tumingin sa akin.

Pinagkrus ko ang dalawang braso ko at tumango. Para naman matapos na ang usapan namin. Kahiya naman eh. Stranger 'to. And hindi naman ako basta-bastang nakikiusap sa mga ganyan.

Nagkataon lang talaga na naging type ko siya. I mean pogi eh. Feeling ko isa na naman siya sa mga collection ko kapag na gustuhan niya ako. Pero siguro? Malabo.

"Sorry, pero talagang kasalanan mo naman eh." Punto niya at tinuro ang dinadaanan namin. "Why are you walking like this?" He asked.

Ginaya niya ang lakad ko. Kumunot naman ang noo ko nang bumalik siya sa pwesto niya.

"Hindi naman tama 'yon. Umiwas naman ako pero tumuloy-tuloy ka so..." napatapik siya sa gilid ng hita niya. "Natamaan mo ako. I say sorry but if you say sorry." Pag mamatigas niya pa rin.

I scoffed.

Hindi talaga siya nag sorry kanina? Sinabi niya lang 'yung punto niya?

Sinuklay ko ang buhok ko at maayos na tinignan siya. Tumaas ang kilay ko. Seryoso ba talaga siya? Huwag na nga lang mag sorry. Natamaan mo lang naman eh.

Walang may kasalanan.

"Mr. Man," tawag ko at huminga ng malalim. "Aalis na ako. Hinahanap na ako sa amin eh. Mapapagalitan pa ako kaya hayaan mo na lang ako. 'Di ko na kailangan ng sorry mo." Sabi ko at maglalakad na sana para lagpasan siya pero hindi natuloy dahil naramdaman kong hinawakan niya ang braso ko para pigilan ako.

"But I need your sorry." I scoffed.

Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya. Hindi talaga siya mapapakali? Sige na nga. Bababa ko na.

"Sorry." Sabi ko at binawi ang kamay ko. "Mukha kang sayote!" Sigaw ko at tumakbo na.

Hindi ko man nakita ang mukha niya pero wala na akong pake. Ang alam ko ay mapapagalitan ako. Lalo na't umuwi ngayon si papa galing ibang bansa. Lagi pa rin akong tumatakas at pumupunta kina Jillian.

Wala silang choice. Ayaw ko na sa bahay na 'yon. Lagi na lang din akong naiiwan dahil laging wala sa bahay si mama. Si papa naman panay ang sugal porke't malaki ang pera na naiuwi.

Si ate naman ay kasama si kuya Jasper dahil bakasyon ngayon. Kakatapos lang nang klase. Maganda nanaman ang mga araw ko.

Tumigil ako sa pagtakbo nang na sa harapan na ako nang bahay namin. Hinihingal ako habang binubuksan ang gate namin. Hindi pa naman gabi. Mag gagabi pa lang siguro.

Sinara ko ang gate nang dahan dahan para hindi nila marinig. Naka off ang phone ko dahil panay tawag nila. Kaya nga umuwi na rin ako.

Dahan-dahan kong binaba ang door knob. Mahina akong napa yes nang hindi ito maka-lock. Napapikit ako nang mariin nang makita ko si papa kahit bahagyang nakabukas pa lang ang pintuan.

"Sa'n ka galing?" Nakapamewang niyang tanong.

Binigla niya ang pag bukas sa pintuan kaya naman muntik pa akong madama dahil hawak-hawak ko ang door knob.

"Pa naman!" Awat sa kanya ni ate Deane.

Nag-aalala ang mukha niya habang nakatingin sa akin ngayon. I smiled bitterly. Sana naman totoo 'yan.

"Dinah!" Narinig kong sigaw na tawag ni mama. Tumingala ako at huminga ng malalim.

Mapapagalitan talaga ako. Ang daya inabangan ako eh. Akala ko wala sila sa mga ganitong oras. Daya.

Lumapit si mama sa akin at hinila ang buhok ko. Napapikit naman ako sa sakit pero hindi ako nag reklamo. Hinila niya ako hanggang sa sofa. Umupo naman agad ako at kalmadong tumingin sa kanila.

Kasali na ngayon si ate Deane sa side nila mama at papa kapag pinapagalitan ako. Wow.

I licked my lip and smirked.

"Ma! Good evening!" Bati ko sa kanya at pekeng tumawa.

Nagkatinginan sila ni papa. Kita ko ang hindi makapaniwalang mukha nila at the same time. Alam ko na na disappointed sila sa akin.

Whatever. Wala naman bago eh. I was never their favourite. It was always ate Deane. It was always her. Sila lang naman nakikita nila kaya gumanito ako para mas lalong siya ang pansinin nila at ako? Mapabayaan na lang.

Dapat nga siyang magpasalamat. Nakakahiya naman kasi no'ng minsan akong nagka-honour pero hindi man sila umattend. Tangina.

"Hindi ka na talaga titino?" Nakapamewang ding tanong ni mama sa akin. Dinuro niya ang ulo ko at tinulak 'yon kaya naman tumagilid ang ulo ko kasama ang buhok ko. "Ano ba!?" Sigaw niya na may kasamang pag mamakawa.

Inayos ko ang mukha ko at walang emosyon silang tinignan.

"Ano-ano na lang sinasabi sa 'yo nang mga tita mo! Nakakahiya ka na, Dinah! Hindi ka naman ganyan dati! Ano inggit na inggit ka na sa ate mo kaya ka nagkakaganyan!?" Sigaw na tanong niya sa akin.

Mapait akong ngumiti. Umawang ang labi niya. Like she didn't expect that.

"Hindi ka ba nahihiya? Lahat ng anak ng mga tita mo successful na! Pati ate mo college na tapos ikaw!? Ano!? Hula ko wala ka pang alam na pangarap!?" Siguradong sabi niya.

Mahina akong tumawa at tumango. Tama naman siya. Bakit pa ba ako mag sisinungaling 'di ba? Mas maganda nga na nag aaral pa rin ako kahit ganito ako.

Be thankful na lang sana. Hindi ko pa naman binebenta katawan ko.

"Nag expect ako na titino ka once you turned 18. But guess what? You got worse instead. Wala na ba talagang pag-asa na titino ka, Dinah?" Kalmadong tanong ngayon ni mama.

Bumaba ang tingin ko. I can't answer that question. Lahat ng tao nag babago. Kahit 'yung mga adik pa minsan. Kaya hindi rin ako sigurado kung kaya kong mag bago o hindi na pala. Parang adik lang.

"Hayaan niyo na lang siguro ako. Ako naman 'yung pinag uusapan eh. Hindi kayo." Sabi ko at tinignan sila. Tumawa pa ako. "Hindi pa ako bumibigay sa mga lalaki pa. Hindi po totoo na buntis ako." Sarkastikong sabi ko.

Napasinghap siya at tumingin sa dalawang kasama niya.

"Hindi porke't ganito ako ma, buntis na ako. Grabe naman kayo." Pekeng natatawang sabi ko. Tumayo na ako at akmang tatalikuran sila pero tinulak ako ni mama para makaupo ulit.

Na bigla ako no'ng dumapo ang kamay niya sa pisngi ko. Hindi ako gumalaw sa pwesto ko.

"Ma, tama na!" Hindi na ako nagkapake doon.

Hinayaan ko na lang si mama na saktan ako. Tinanggap ko na lang. Hindi dahil deserve ko pero dahil sa pekeng pag awat sa kanya ni ate Deane.

Totoo talaga kaya 'yon!? Totoo ba talaga na inaawat niya si mama? Kung gano'n bakit nakakaramdam pa rin ako nang kamay mag mula kay mama?

Pinipigilan mo ba talaga? O baka naman mas binibigyan mo siya nang rason para saktan ako.

Magaling ka sa mga salita eh. Sobrang galing mo na gusto ko na lang tumawa at palakpakan ka ngayon. Ang ganda ng acting mo. Life changing.

Nakita ko na sinuklay ni mama ang buhok niya ng matapos siya. Hindi pa rin ako gumalaw sa pwesto ko. Huminga ako ng malalim. Muntik ko ng makalimutan na huminga.

"Kung 'di ka na titino. Sige. Sirain mo buhay mo, Dinah! Mag mula ngayon ay hindi na kita gusto! Hindi na ako aasa na bukas titino ka at dito ka naman mag stay! Ayoko ng umasa!" Na bigla ako doon.

Humarap ako sa kanya. Tumayo ako at pinalakpakan siya. Kumunot naman ang noo niya.

"Ang galing! Galing mo, ma!" Puri ko sa kanya habang patuloy na pumapalakpak. "May mga araw na nag stay ako dito. Pero kayo naman ang wala. Ganyan naman eh. Mali lang talaga ako sa paningin niyo!"

"Tangina, Dinah! 'Di ka titigil? Mama mo 'yan!" Bulyaw sa akin ni papa. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Ngayon ka lang nandito. Oo na nag sakripisyo ka na pa. Salamat ha!?" Sarkastikong sabi ko. Nag bigay pa ako ng galang sa kanila. "Kung tutuuusin 'di naman lahat ng sakripisyo niyo kasali ako! Hindi naman ako nag aral sa private kagaya ni ate!"

Tinuro ko siya. Tumingin ako kay ate.

"'Di ba ate Deane?" Napayuko naman siya at hindi makatingin sa akin. "Hindi naman ako nag makaawa na ipaaral niyo ako do'n! Ni 50 pesos nga 'di mabigay ni mama sa akin. Pero kay ate!" Pumalakpak pa ako at ngumiti para sa kanya. "Isang araw isang libo!"

Pumalakpak akong muli.

"Ang galing 'di ba!? Sakripisyo niyo sa amin? Wow. Baka sakripisyo niyo sa kanya!" Sigaw ko at malugod na dinuro si ate Deane.

Hindi sila nag salita. Siguro dahil tama naman talaga ako. At ngayon lang nila na realize na mali sila.

"Kaya wala kayong karapatan na pakiusapin ako ng ganyan. Dahil may mga oras pa na ako mismo nag papaaral sa sarili ko kasi... busy kayo sa pag papaaral kay ate Deane! Future doctor niyo 'yan 'di ba!?" Sigaw na tanong ko.

"Tama na!" Natahimik naman ako sa awat sa akin ni mama. Tumingin ako sa kanya at ngumiti.

Muling dumapo ang kamay niya sa left cheek ko. Doon ay ramdam ko ang unang sakit na masampal mula sa kanya. Dumugo pa ang labi ko dahil sa sampal niya.

Hinihingal siya. Parang tumakbo.

"Kung ganyan ka lang kabastos, Dinah. Huwag ka na lang mag salita. Hindi lang kami ang nasasaktan. Kung hindi ang ate Deane mo rin." Sabi ni mama habang dinuduro ako.

"Hindi naman namin kasalanan na siya ang supportahan namin, Dinah. Hindi ka naman nag aral ng maayos. Buti pa 'tong ate Deane mo sigurado na sa future niya. Pero ikaw?" Narinig kong tanong sa akin ni papa.

Kahit 'di pa tapos ang sinabi niya. Alam ko na kaagad ang ibig niyang sabihin.

Right. Hindi nga ako sure sa future ko pero hindi ibig sabihin hinding hindi na ako magkakafuture! Ang baba kasi ng tingin nila sa akin.

"And what if I'll prove myself? At itong magaling niyong anak ang gagawa ng mali? Siya lang ang tama niyong ginawa sa mata niyo 'di ba? Tignan natin kung hanggang kailan magiging tama sa paningin niyo ang magaling niyong anak." Hamon na sabi ko at nginisian sila.

Dinila ko ang labi ko. Nalasahan ko ang dugo ng labi ko. I rolled my eyes. Naglakad na ako papunta sa kwarto ko.

Continue Reading

You'll Also Like

7.9M 235K 57
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
170M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
8.7M 321K 57
12:00 A.M. Every breath you take Every move you make Every bond you break Every step you take "I'll be watching y...
411K 21.7K 33
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.