THE UNEXPECTED Season 2

By Rheevie

4.3K 1.5K 211

THE UNEXPECTED Season 2 This is the revelation of Thrianne Kilein's past, the real story behind her past. Sin... More

CHAPTER 103
CHAPTER 104
CHAPTER 105
CHAPTER 106
CHAPTER 107
CHAPTER 108
CHAPTER 109
CHAPTER 110
CHAPTER 111
CHAPTER 112
CHAPTER 113
CHAPTER 114
CHAPTER 115: CHARITY EVENT Part 1
CHAPTER 116:CHARITY EVENT Part 2
CHAPTER 117:CHARITY EVENT Part 3
CHAPTER 118: CHARITY EVENT Part 4
CHAPTER 119
CHAPTER 120
CHAPTER 121
CHAPTER 122
CHAPTER 123
CHAPTER 124
CHAPTER 125
CHAPTER 126
CHAPTER 127
CHAPTER 128: Shinichi's Date
CHAPTER 129
CHAPTER 130
CHAPTER 131
CHAPTER 132
CHAPTER 133
CHAPTER 134
CHAPTER 136
CHAPTER 137
CHAPTER 138
CHAPTER 139
CHAPTER 140: SPORTS FEST
CHAPTER 141: SPORTS FEST/The Manifest
CHAPTER 142: SPORTS FEST/Volleyball Part 1
CHAPTER 143:SPORTS FEST/ Volleyball Part 2
CHAPTER 144
CHAPTER 145: Protection
CHAPTER 146
CHAPTER 147
CHAPTER 148: THE STARTING POINT
CHAPTER 149: THE STARTING POINT 2
CHAPTER 150
CHAPTER 151
CHAPTER 152
Chapter 153: Thrianne Kilein's Devoured Pasts
Special Announcement!
CHAPTER 154:Thrianne Kilein's Devoured Pasts

CHAPTER 135

151 17 3
By Rheevie

Chapter 135

Thrianne's POV

-_____-
(WHOLE MOOD KO NGAYON)

Pinipitik ko ang tuhod ni Rangovine dahil gusto ko syang patayuin. Tinatamad syang bumangon ngayon, Lunes na ngayon. Alam kong wala syang praktis pero pakiramdam ko gusto ko na lang syang sipain sa labas.

"Aray! Ihhhh ayaw ko nga kasing pumasok! Ang kulit ah!"

"Samantalang nung nakaraan na hindi ka pinapapasok gusto mo namang pumasok, tss"

"Eh sa ayaw ko eh! May magagawa ka?"

"Oo,"nginiwian ko sya at pagkatapos pwersahang hinila ang paa nya, "masyado ka ng nagpapahinga dyan, ako na lang gagawa ng paraan para habambuhay ka ng matulog-"

"A-Ahhh!!! Hahahaha! O-Oy! Ito naman!"aniya habang kinakaladkad ko na sya sa sahig, "o-oy Thrianne! Binibiro lang kita! A-ahhh!! Helppp! Gagawin na akong basahan!"

Pabagsak kong nilapag ang mga paa nya, kita ko sa mukha nya ang pamimilipit, pero pagkakita sa akin kaagad naman syang tumayo.

"Namumuro ka ah! Pasalamat ka-"

"Ano?"kompronta ko sa kanya habang blangko ang ekspresyon ko,"pasalamat na ano? Gawin kaya kitang bola"

Mabilis na namutla ang gaga at nag-iwas ng tingin. Alam siguro nya ang ginagawa ko sa bola kapag hawak ko na. Dahil malapad ang kamay ko, dinidiin ko ito at saka malakas na binabalibag sa pader. Warm up ko iyon before magstart ng training sa volleyball.

Nagbihis na siya at inihanda ang mga gamit. Dumistansya ako ng kakaunti dahil hindi pa sya naliligo.

"Napakaarte mo rin eh no! Kala mo hindi ka rin naliligo pag may sakit ka! Tse!"

Natunugan nya ang nasa isip ko. Nginiwian ko na lamang siya.

"Dami mong dada"

Naglakad na lamang kami papuntang school. Hindi ko muna ginagamit ang bike para masiguro ang kaligtasan ni Orange.

Mukhang balik sa dati ang lahat. Pero kataka-taka naman ang mga tao dito sa SMU, kapag kami ang nakikita ay nagiiwas sila ng tingin. Nagkatinginan pa kami ni Rangovine nang hindi man lang lumingon sa direksyon namin ang kampon ni Vanessa.

"Parang mga tanga, ang ganda ng araw ko tapos ganito wala man lang grand entrance or pawelcome party sakin?"sarkastikong anito ni Orange. Hindi ko na lamang sya inimikan.

Pagkaakyat pa namin ay walang estudyante kaming nakitang pakalat kalat. Nagsipasok ang mga ito kapag nakikita kami. Hindi ko alam kung anong problema ng mga nilalang na ito, kung mas weird ako ay mas mas weird ang mga ginagawa nila.

Pagpasok namin ng room ay si Princess ang unang nangamusta, kasunod ay si Prince Greg, mukhang nainip ang dalawa sa pagpapagaling ng kaibigan ko. Bukod doon, namamasid ko ang mga nagsitahimik kong mga kaklase, animo parang nakakita sila ng multo sa harap.

"May nakapagsabi kasi about sa pagkamatay ni Disinsyon, nakakabigla raw bakla, maraming haka-haka tuloy, kabilang yung nangyari kay Orange jusko mga tao"sabay hawak ng bakla sa noo. Napasandal ako sa sandalan ng upuan.

Ano naman ang kinalaman ni Rangovine kay Gary?

"May nagpakalat rin na maaaring ginantihan mo raw yung hayop na yun, kasi last time may nakakita raw sa taong pumatay sa kanya, babae raw, matangkad at--"

"Ano bang pinagsasabi mo dyan bakla?"mahinang bulong ni Princess sa kanya, saka awkward na ngumiti sa akin. Napangisi ako, tila alam ng utak ko kung anong irereak sa posibleng matuklasan nila.

Nahuli na kayo sa balita, matagal ko ng tinapos ang tukmol na iyon..

"Hindi naman ako naniniwala na kayang gawin iyon ni Thrianne no,"kibit balikat na tugon pa nya,"mainitin ang ulo nya at nakakamatay ang kamao, pero imposible pa rin na magagawa nya, mabuting tao sya, kahit ang isang ulol na demonyong kagaya ni Gary ay hindi nya magagawang dungisan nya ang kamay nya ano"

Napapikit ako at nagheads down. Wala akong pakialam sa opinyon ng iba, gagawin ko kung anong gusto ko, ang tapusin ang sinumang bwisit na haharang sa akin..

By the end of the day, ganon pa rin naman, hindi pa nila ako masyadong kilala. Nakikita ng mga tao ang kabutihang nagagawa sa kanila ng iba kahit may bulok silang pagkatao.

Nag-aalangan na nilingunan ako ni Orange. Alam nya, kung ano ang mayroon sa akin, ang nakaraan ko at ang malamig kong kalooban.

Hindi pupwedeng maging mabait sa taong nagumpisa..

Lalo pa at ang mga katulad ni Gary ang madudurog ko sa aking kamay. Hindi talaga imposible..

----

"Tara kain tayo!"yaya sa amin ni Princess pagkatapos ng klase. Break time na at nakakawalang ganang bumaba, pero dahil kailangan pa ni Orange ng magaassist sa kanya, hindi pupwedeng maiwan sya. Hindi naman sa wala akong tiwala sa mga kasama namin, gusto ko lang makasiguro.

"Aba teh! Mahirap talagang mamatay ang isang masamang damo! Tingnan mo yan si Princess, hala ang gaga, kakain na nga lang magmamake up pa! Hoy!"

"Ano bang paki mo bakla ka?! Palibhasa inggit ka sa beauty ko! Ugh!"aniya at pabagsak na nilapag ang make up powder. Hindi ako makakain ng maayos dahil ito namang si Orange ay napakadaldal na naman. Ilang saglit pang naubos ang pasensya ko ay isinubo ko sa bunganga ang kanin.

"Teka pala, anong ganap pala sa inyo ni Shinichi?"pagiiba ni Princess sa usapan. Biglaang nagtaas ng kilay si Orange.

"Oo nga ano! Medyo inabot rin ng ilang araw yan, dali chismisan tayo about dyan-"

"My private life matters"maikli kong sagot. Namilog ang mga mata nito at halos hindi makapaniwala kung namamalikmata ba ito o hindi.

"Wow ang sosyal ni gaga, may pa-private life matters nang nalalaman! Eh pati nga hibla ng buhok mo kinakalkal ng mga langaw rito ano! Wag ka nga!"

"Korek!"

"Tss, bat ba!"pagdadahilan ko,"wala namang espesyal na nangyari"

"Hay nako! Ano pang aasahan mo rito sa kaibigan natin? Baka hindi pa nga siya inumpisahang tanungin ni Shinichi busted na yun eh"kibit balikat na anito ni Princess. Tahimik na lang akong ngumunguya habang nakatingin sa sahig. Hindi ko gustong pagusapan pa ang tungkol doon. Kahit ano pang resulta ng nangyari, wala namang magbabago.

Isa siyang Kazumi. Ano kaya sa palagay ng iba ang mangyayari sa amin sakaling tuluyan na kaming magkasama? Hindi ako tanga para hindi ko maisip iyon.

Habang nasa kalagitnaan ng katahimikan ang kinaroroonan namin, kataka-taka ang lalong pagtikom ng ingay sa lugar na ito. Hindi ko na simubukang magangat ng tingin dahil alam ko na kung sino ang may pakana.

Callevein..

"Nagluluksa ba mga tao rito? Di pa naman ako patay ah"bulong ni Orange kay Pringles. Mahina syang hinampas ng bakla.

"Di ko alam teh, basta ang alam ko, pag tahimik at wala sa mood si Jehridale, pati paligid nya tahimik rin, bago ata ang istilo nila, ngayon ko lang din ito nakita no"

Wala akong imik na nag-angat ng tingin, at medyo nagulat sa iniasta ng unggoy na lider ng The5. Kung noon ay kapag nagtatama ang paningin naming dalawa ay hindi magkamayaw ang isip ko sa dami ng maaari kong gawin sa kanya, pero ngayon maski ang presensya ko at anino ay hindi nya man lang nakita. Hindi ko alam kung sinasadya ba niya o...

Baka nagbagong buhay na siguro...

Nilagpasan nya kami ng hindi tumitingin sa amin, tanging si Timrelli at si Nath and napatingin sa direksyon namin.

Parehong napanganga ang mga kaibigan ko sabay na lumingon sa akin. Napangisi ako.

Sa wakas magkakaroon na ako ng mapayapang lunch break...


Timrelli's POV

"I can't stand with this trio na"iiling-iling na sabi ko. Ang tinutukoy ko ay ang tatlong taong hindi nagsasalita sa harap ko, actually dapat dalawa lang eh, sa pagkakaalam ko. Why?

Because..

Number 1, Shinichi Kazumi, alam ko naman na mababusted sya dahil ang katulad ni Kilein ay hindi basta basta

Number 2 Jehridale Zeirin, maraming variety ng pagiging topakin ng loko ang maging dahilan nyan, halimbawa, sa bahay pa lang, ang ate nya ang nagsisilbing pampawala ng mood nya, or maybe during classes, tipikal na nawawala sa sarili kapag iniisip ang Sports Fest pero napakaimposible niyon dahil masyadong mayabang ang taong ito...maybe siguro...hayss, ayokong isipin na in denial stage pa ang taong ito pero....hindi naman sya mahahalata kung hindi nagseselos, basta!

Number 3, ang pinakapinagtatakhan ko sa lahat, si Airon Sachille, ano bang mayroon sa araw na ito at parang wala sya sa mood ngayon? Imposible namang sa bahay yan, sa school wala namang problema, sa babae....hindi ko rin alam. Balita ko si Rangovine Neostra ang natitipuhan nya ngayon, hay ewan..

Sa totoo lang hindi ok na magkaganito sila lalo na si Jehridale, hindi bagay sa kanya.

"Pansin ko parang nakangisi nga si Kilein kanina pagkalagpas natin sa kanila ah"ani Nath. Pansin ko rin iyon, kunsabagay, sinong hindi masisiyahan kapag nagkaroon ng peaceful na buhay, alam ko ang pakiramdam na iyon. Tuloy ay nagkaroon ako ng konsensya kay Kilein, nang dahil sa amin ay nagkagulo-gulo ang buhay nya, nakakalungkot iyon.

"Hay, sige habambuhay sana kayong magmukmok dyan ng matahimik na ang buhay ng iba, lalo ka na Jehridale!"bigla ay naisatinig ko. Nakakagulat ka sabi sa mga mata ni Nath sabay pinalipat lipat ang tingin sa tatlong tao na may sari-sariling mundo.

"A-Ah Tim, ano kayang pwedeng laruin habang wala tayong ginagawa? Nakakabored"

"Eh kung magbasa na lang kaya tayo Natheleo"

"Ihh! Santisima, kung card games kaya? Ano?"

"Tanga, ayoko"

"Eh ano?! Para namang gago oh!"

"Alam mo,ang mas magandang gawin ay gumala, lumabas tayo sa silid na ito dahil sakal na sakal na ko"sabay irap ko sa kanya. Tumango tango sya bilang tugon at saka sinilip ang tatlo. Maingat kaming tumayo at naglakad palabas.

Paglabas namin ni Nath ay sabay kaming bumuntong hininga. Hindi kami nasanay sa ganoon, tipikal na tahimik ang araw na ito sa amin. Hay nako.

"Saan tayo tatambay ngayon? Baka pagkaguluhan tayo kung basta-basta lang tayong pupunta kung saan saan dyan"

"E di kila Kilein tayo, tss"

"H-Hey! Sure ka ba dyan? Baka mamaya.."

"Ano? Wala naman tayong atraso sa kanila diba? Kaya walang dahilan para hindi tayo sa kanila tumambay"

"Oh sige! Sabi mo eh!"

Kaagad na kaming nagtungo sa klase nila Kilein. Sinilip namin sila, kataka-takang wala pa silang guro sa mga oras na ito.

"Oh diba! Sabi sa'yo walang prof pa! Tara pasok-"

Hinila ko ang kwelyuhan nito, "u-uy, di natin gawaing pumasok sa may klase, si Jehridale lang ang gumagawa nyan"

"Eh para saan pa at nandirito tayo? Gulo ka din"

"Mamaya na lang, after ng classes nila"

"Ano?! Hihintayin pa ba natin yun? Bili na lang muna tayo ng pagkain pre!"

"Bili ka"sagot ko. Naiwang natulala ang kaibigan ko habang sinisilip ang klase. Nabigla pa ako ng may magtilian sa kanila.

"Si Timrelli iyon diba?! Tsaka si Natheleo nandito rin! OMG!Ang gwapo nila sa malapitan!"

"Waaah bat kaya sila nandito?!"

"Baka may inaantay"

"Huyyyyy!! Pleaaaa!"

"Haysh! Tanginaaaaa!!"umalingawngaw ang galit na sigaw ni Thrianne Kilein sa buongg klase. Natulala kaming lahat sa kanya. Halatang kagigising lang ng babae, pinagtakhan ko nga pala kanina ang pagkawala ng presensya nya, iyon pala ay balot sa notebook ang ulo nito habang nakaheads down.

"Napakaingay! Mga peste! Diba kayo pwedeng magpatulog?! Mga istorbo kayo ah-"natigilan lang sya ng makita kami. Tinaasan nya kami ng kilay, at sinenyasang pumasok.

Ibang klase, ano ito bahay nya lang?

"Bat ba kayo nanditong dalawa? Kaya pala nagkakagulo"unang tanong ni Pringles, sabay kabig kay Princess. Nagiwas ng tingin ang isa na tila ayaw makisali sa usapan.

"Napasyal lang kami rito, wala kasi kaming makausap na matino"sabi ko. Nagkatinginan ang dalawa.

"Syempre wala ka talagang makakausap na matino sa mga kaibigan mo, kasi ikaw lang ang matino sa inyong lima, ewan ko nga kung bakit sumasama-sama ka pa sa mga iyon eh naghahanap lang sila ng gulo"biglang sabat ni Rangovine sa unahan. Tumayo si Kilein at hinampas ang ulo ng kawawang babae.

"Ikaw rin, hindi ka makausap ng matino, kagagaling mo lang sa ospital napuno na ng aparato ang utak mo tsk tsk"

"Teka pati ako hindi matino?"ani Nath,"matino kaya ako! Hindi ako kaisa sa mga kalokohan nila no! Masyado akong mabait para sa mga ganyang bagay!"

"Asus"reply ko. Sinamaan nya ako ng tingin.

"Sa totoo lang wala namang masama sa ginagawa ng mga kaibigan ko, pero nakakapagtaka lang na ganon bigla, pasensya na kayo hehe"

"Mas ok kung lulubayan na ninyo kami!"sabat na naman ni Orange dahilan upang batuhin na sya ng bag ni Kilein.

"Manahimik ka nga babae, tss, kung gusto nilang tumambay dito satin e di dito sila, walang masama, di na sila iba satin"

"Aba aba nagdilang anghel ang Diyosa ng Kamao! Hahahahaha!"ani Pringles.

Napansin ko ang pamumutla ni Rangovine, indikasyon na kalalabas pa lang talaga nya sa ospital. Gusto ko sanang ipaalam iyon kay Airon kaso bigla namang tinopak ang isa. Hindi ko tuloy malaman ang gagawin sa kanya.

"Mamaya pala hindi ako makakapunta sa bahay nyo,"si Princess,"may pinapaasikaso sakin si Nadia"

"Ako rin mga bakla, hindi rin ako pwede"

"Ako naman may check up ako Thrianne, ikaw na bahala-"

"Tangina ako ba gagawa lahat ng...research?" Halos hindi makapaniwalang aniya ni Kilein. Walang sagot ang lahat sa kanya. Marahas na kamot ang ibinigay nya sa mga ito.

"Hindi iisa ang sagot natin doon, tsk"

"Wag kang magalala dyan! Gagawin naman namin yun sa bahay namin, ikaw, bahala ka kung anong part ang gusto mo"

"Baka pwede ka naming tulungan"alok ni Nath sa kanya. Gulat akong tumingin dito.

Idadamay pa ako!

"Di na kailangan, teka, wala pa ba kayong klase?"

"After ng period namin tapos na ang klase namin"

"Gusto mo ay sa bahay ka na lang magresearch"alok ko. Wala doon si Mommy at nasa tutor class si Danica. Magkahalong tutol at kaba ang ibinigay na tingin ni Nath sa akin.

"Okay lang naman kaso, baka sabihin kung saan saan na lang na bahay ako nakikiopen, kaya wag na-"

"Nah! Sa bahay ka na, at isa pa kasama mo kami roon, meron akong sariling study area,hindi ka na lugi"

"Oh sige"nakangising sagot nya. Naexcite tuloy ako, para akong nagkaroon ng pangalawang kapatid, bagaman hindi malinaw ang pinagsamahan namin sa kanya ay alam kong hindi masama ang pakikitungo nya sa amin.

Besides, ilang beses na nya ako na nailigtas, imposibleng coincidence yun...

Kung wala siyang pakialam sa akin, di sana kahit nasa panganib ako ay hindi nya ako maiisipan na gawan ng maganda.

Alam nyang kaibigan ko si Jehridale, pero hindi saklaw doon ang sa aming dalawa. Hindi ganoon kaisip-bata si Kilein para maisip iyon.

After ng klase, gaya ng inaasahan ay nakisabay sa amin si Kilein. Ako ang nagdrive ng kotse, katabi ko si Nath at nasa likod ang babae.

Tensiyonadong nakatitig sa akin ang kaibigan ko, hindi ko mabasa ang laman ng isip nya.

"O-Okay ka na ba?"kabadong tanong ni Nath, na siyang pinagtakhan ko.

"Ha?"taas kilay na tanong naman sa kanya ng babae.

"Aish!Diba! Dun sa-"

"Ulyanin ka ba?!"bigla ay sigaw ko sa kaibigan ko. Binilugan ko sya ng mata. Pinaalala ko sa kanya na sinabihan na kami ni Kilein about dun sa nangyari.

"Kalimutan ninyo ang nangyari, panatilihin niyong tikom ang bibig ninyo..."

"Ano bang gusto mong kainin Kilein?"pagbabalik ko sa usapan.

"Di naman ako mapili, bahala kayo kung anong gusto nyo"

"Gege"

----

Nang nasa bahay na kami ay pinaakyat namin si Kilein sa study room ko. Kami naman ni Nath hindi malaman ang gagawin, syempre, first time kong magdala ng babae rito sa bahay!

"Oh pano yan! Ikaw ang nagimbita dun!"

"Maski nga kila Jehridale si Kilein pa lang ang dinala nya doon"

"Ano ka! Si Aoko ang una nyang dinala-"

"Dinala lang sya sa villa nila tanga!"

"Hay nako! Pano na nga! Bat ba tayo nagtatalo!"

"Eh di magpeprepare ng foods! Ewan ko sayo Nath haha"

"Tsh tatawa-tawa ka pero natataranta!"

Tinulungan ako ni kumag na kumuha ng quaker oats, hindi ko alam kung bakit ito ang pinili naming meryendahin sa gabi. Wala pang kanin at ulam, sigurado gugutumin kami nito.

Hindi ito ang unang beses na makakasama namin si Kilein pero, parang kami ang matataranta, Napailing-iling ako.

Malas talaga ng magiging nobyo ni Thrianne Kilein..

"May junk foods ka pa ba dyan dre?"Nath. Tinanguan ko sya.

-----

"Ok ka na dyan?"pagtitiyak ko kay Kilein. Walang imik itong tumango at tila kumportableng nakaupo sa swivel chair. Ganon na lang ang pamumula ko ng makitang kahit ballpen at ang paborito kong mushroom slippers ay gamit din nya. Nakaramdam ako ng kahihiyan sa buong pagkatao ko.

"Napakarami pala nitong naiwan na mga aralin, pero matatapos ko naman, thanks"

"O-Okay"iyon lang ang nasabi ko. Naiilang na akong tumalikod ng bigla akong matalisod.

"Oh! Okay ka lang?"

"O-Oo, okay lang..ako"

"Namumula ka? Sure kang ok ka lang?"

"Yes!"parang tangang naisagot ko. Inis akong kinamot ang buhok ko paglabas ng kwarto.

Bat ngayon pa ako nahiya sa babae? Ano iyon?

At nakakahiya ang bigla kong pagtalisod. Hays!

"Oh bro! Ano yung kanina ang epic mo don ah!"nakita rin pala ng mokong. Marahas akong napakamot sa buhok.

"Natawagan mo na ba si Jehridale?"

"Huh? Bat tatawagan pa yun? Wag mong sabihing..."

"Tanga hindi ko papapuntahin iyon dito 'no, mas ok na hindi nya maiistorbo si Kilein, nag-aaral yung tao"

"Hays kunsabagay pero, bat tatawagan nga!"

"Baka kasi nagpunta ang tatlong iyon sa kung saan saan! Hay naku!"

Nabitawan ni Nath ang pisngi at nagsimulang tumitig sa akin na tila naniniguro.

"Hala pocha, naalala ko yung isang araw na tinopak din ang mga yun, nagpunta sa beach ang mga tarantado!"

"Sabi sayo eh! Tawagan mo!"pagpupumilit ko. Saka ko lang din naalala ang tungkol doon.

Hays!

"Tooot---Hell-"

"Hoy Callevein! Where are you?!"nakapamaywang na tawag ko sa isa. Bat ko nga pala nakaligtaan na may topak ang mga ito, naiwan tuloy sila.

"Huh? Bat hinahanap mo kami?"

"Nauna na kasi kaming umuwi nito ni Nath, nasaan na kayo?"

"Hey pretty boy Mushroom!"lasing na tawag sa akin ni Airon. Anak ng fishnet naman! Lasing talaga siya?!

"Nasa bar ba kayo?!"gulat ding tumingin si Nath sa akin. Hindi ako maaaring magkamali, maingay ang area kung nasaan ang mga tukmol at kapag unang nalasing talaga si Airon ay sigurado nasa bar sila. Madaling malasing ang lalaking iyon. Hayayay!

"Nauna pala kayong umuwi tapos kami ang hahanapin nyo, masyado kayong nagiging mabait matulog na lang kayo-"

"Alam mo Jehridale kung may problema ka wag mong idamay dyan si Airon! Alam mong may sakit yan!"

"Bat naninigaw ka? Di naman kami kalayuan sa bahay ninyo"

"Si Shinichi?"si Nath, "kasama nyo ba sya?"

"Nah,pacool ang lalaking iyon,malamang hindi sya sasama"

"Umuwi na kayong dalawa! Delikado pa tayo ngayon ano ba!"

"Eh! Ano kita nanay?!"

"Makikipag-talo ka na dre?! Alam mo ang sitwasyon natin! Hindi pa tayo ligtas-"

"Ligtas or hindi I don't care! Di na ko makahinga! Gusto kong sumaya man lang kahit papano ano!hahahaha!"

"Crazyy!"tanging naibulyaw ko. Siraulo na, wala na akong magagawa sa isang nababaliw na Jehridale. Ano bang pumapasok sa isip nya at bigla syang nasa bar? Hays

"Anong gagawin natin?"

"Tawagan ko si Senior Adrian, kailangang masundo yun kaagad! Pag hindi umobra.."

"Pag hindi umobra?"

"Gapusin natin"walang emosyon kong sagot. Rinig ko ang pagsinghap ni Natheleo.

"Gapusin?! Pwede kaya yun?"

"Duh, bilisan na natin ng matawagan si Senior!"

------

Matapos tawagan si Senior Adrian ay nagpaalam syang may sasaglitin pa raw sya bago puntahan si Jehridale. Hindi naman sa lahat ng oras ay kami palagi ang susundo sa mga iyon. Hindi ko maiiwan ang bahay, ewan ko ba, may kutob lang ako na baka biglang sumulpot si Mommy.

Nasa ganitong oras ay malamang nasa casino sya, o di kaya nasa underground, kung saan ay may lihim syang transaksyon sa mga taong may konektado sa yaman at kapangyarihan. Sumasakit ang ulo ko kapag nababanggit si Mommy sa mga ganitong oras, dahil pinipili ko syang pagtakpan sa ibang tao kahit sa mga kaibigan ko.

Binisita ko ang study room habang nakaupo si Nath sa sofa sa sala. Sisilipin ko sana si Kilein ng aksidente kong mapinid ang pinto.

"Oh tapos? Gusto mong may gawin ako?"nakatalikod na sambit ng babae. Mahina ngunit may tikas sa tono nya. Sa ganong kausap ay siguradong kaaway nya ito.

"Wala sa akin kung mamatay 'yan, ikaw naman nag-aalaga dyan peste"

O_o

"Di ko naman boyfriend 'yan,manahimik ka na"ibababa na sana nya ang telepono pero..

"Sinira na niya ang buhay ko! Di ko na obligasyon ang taong iyan! Bwisit"pabagsak na nyang binitawan ang hawak na telepono.

Dahan-dahan kong sinara ang pinto at nagtakip ng bibig.

Hala ano iyong narinig ko? Sino kaya ang kausap nya?

"Bwisit, pati ba naman ex ko magiging sakit ko talaga sa ulo? Kainis"rinig kong bulong pa niya papalapit sa pinto. Mabilis akong umiwas pagkabukas niya, sabay kaming natigilan. Ilang beses pa akong napapalunok, pinagpapawisan rin ako ng malamig.

Hindi maganda ito..

"Kanina ka pa ba dyan?"unang bungad nya. Napakagat labi ako.

Hindi ako mahilig magsinungaling...pero kung buhay ko ang kapalit sige...bahala na..

"A-Ah hindi ngayon ngayon lang..."awkward pa akong napangiti. Kainis na palusot! Sana umobra..

"Sa itsura mo parang hindi, teka, nasaan ang kaibigan mo?"

Hala hindi umobra..pero buti na lang nakahinga ako ng maluwag...thank you Lord..

"N-Nasa baba...nakaupo.."hindi ko mapigilan ang pag-iwas ko ng tingin. Bagay na pinagtakhan nya.

"Sigurado akong narinig mo ang mga sinabi ko kanina, kaya nagkakaganyan ang itsura mo tss"

Shit...

"A-Ah eh...pasensya na...pasensya na..talaga"

"Pft bat nagkakaganyan ka? Wala naman sakin yun"

"Aw...baka kasi personalin mo, private life mo yan eh"

"Next time matuto kang kumatok, para di ka mautal-utal dyan hehe"

Nagkamot na lamang ako sa ulo. Malakas na buntong-hininga ang naibuga ko. Ibang klase, ngayon lang din talaga ako nautal sa babae!

Sinundan ko sya pagkababa ng hagdan. Dala na nya ang mga notebook pati ang maliit na knapsack. Gusto ko pa sana syang magstay pero hindi naman daw pwedeng magstay pa dahil sigurado kinabukasan paguusapan na naman daw sya.

"Ah ganon ba? Pero ok lang ba sa'yo kung ihatid ka namin? Gabi na rin kasi"

"'Wag na, may pupuntahan rin kasi ako bago umuwi, thank you ulit ah,ang ganda ng internet connection ninyo"

"Ah naku wala yun! Heheheh! Sa uulitin ah!"

"Geh"maikling sagot nya. Mahina akong tinapik ni Nath at sinenyasan na sundan daw namin sya hanggang sa kabilang subdivision.

Hindi ko alam kung mamamangha ba ako o magtataka. Hindi natatakot si Kilein na mag-isa habang naglalakad sa kalsada na halos walang ilaw. Siguro ay dahil sanay sya, o di kaya ay may mas malalim na dahilan.

Normally kasi sa mga girls sa ganyang age ay may kasama, lalo na at sa mga tahimik na lugar uso ang kidnapping or holdap.

Ah, as far as I know, si Kilein ang kilala ko na magaling sa pakikipaglaban, kaya hindi imposibleng matatakot ang iba sa kanya..

"Pre,"si Nath, "di ka ba naweweirduhan ngayon?"

"Huh?"

"Sobra kasing tahimik ng paligid, nakakatakot"

"Tss takot ka lang kaya ka ganyan"

"Of course not,hindi sa ganon. May kakaiba talaga sa paligid pre..walang duda.."

Saglit ay natahimik ako at natigil sa paglalakad. Pinakikiramdaman ko ang paligid gaya ng nasa kutob ng kaibigan ko. Hindi ko makapa ang senses ko, nakakainis.

Pinagmamasdan ko si Kilein na naglalakad papalayo na sa amin. Gusto ko syang pigilan sa paglalakad, kaso may kung anong pumipigil sa akin na magsalita.

"Bro okay ka lang?"

Hindi ko sya masagot. Hindi ako makakilos ng maayos. Napakawrong timing naman, ano bang nangyayari sa akin?

"Bro? Gusto mo bumalik na tayo-"

Hindi ko na naririnig pa ang mga sinasabi nya. Sandali akong nawalan ng pandinig dahil dito. Ang tanging naaaninag na lamang ng paningin ko ay ang kalagayan ni Kilein.

May isang puting SUV ang huminto sa harap nya. Sinubukan syang ipasok ng mga ito ngunit  inunahan nyang bigwasan sa dibdib ang isa sa mga nakamaskara.

Saka lamang ako nakarinig ng mga oras na iyon ng tumakbo papalapit si Nath sa akin.

"Tim! Si Kilein! May mga kidnappers!"

Hindi nila kami marahil na nakikita dahil nasa madilim kaming parte. Pero kitang kita ko kung paanong nagsilabasan ang mga nakamask na itim, para palibutan ang babae. Nasa gitna ang babae sa isang mala-orange na ilaw.

"Anong kailangan niyo sa akin?"

"Sumuko ka na miss! Nag-iisa ka lang,marami kami,baka mahirapan ka lang kung manlaban ka pa!"sa tono ng lalaking nakamask ay hindi pa nito kilala ang babae. Napasilip ako sa isa sa mga kasamahan nila, may dala itong baril. Dinaluhong ako ng kaba, gusto kong bigyan ng babala si Kilein kaso baka kami ay mapasali. Panibagong sakit lang kami sa ulo.

"Pano kung ayaw ko? May magagawa ka?"

"Maangas boss! Mayabang ang isang yan!"

"Mukhang may maibubuga! Sige banatan yan!"

Inumpisahan syang lapitan ng isang tao mula sa kanan, isa pa sa kaliwa at gitna. Sa tantsa ko mga nasa labing isa ang nasa labas ng van. Hindi sila mamumukhaan dahil nakamask sila at nakaitim na t-shirt maong pants.

Sinugod si Kilein ng sabay-sabay ng tatlo, pero madali nyang nailagan ang bawat hagupit ng mga kamao nila. Kasunod ang ay ang limang tao pagkatapos niyon, madali nyang nailagan at ang iba ay tumilapon sa lupa dahil sinubukan nila syang patumbahin.

Sumubok ang mga natira kabilang na ang isa na may hawak ng baril na sugurin sya subalit naunahan sila dahil napakabilis kumilos ni Kilein!

PAAAKKK!!

BOGGG!!!!

Isa-isa silang binalian at sinikmuraan ni Kilein, kaya naman ang boss nila ang natira.

Gulat na gulat man ay inutusan nito ang may hawak ng baril na barilin si Kilein. Bagay na hindi na ako nanahimik at kusang tumayo ang mga paa ko para pigilan sila.

"Timrelli!! Wag!!"rinig kong sigaw ni Natheleo pero huli na. Nang marinig ko ang putok ng baril ay ramdam kong dumaplis ito sa kanang braso ko. Saktong nasalo ako ni Kilein sa likuran. Kitang-kita ko ang kaba sa mga mata nya.

"Baliw ka ba?! Bakit mo sinalo?!"

Hindi ko masagot ang tanong nya. Ramdam ko na lamang ang pagkamanhid ng braso ko dahil sa mabilis na pagkawala ng dugo.

"Tsk! Tangina!"ang galit na galit na tono ni Kilein ang nagpahinto sa lahat. Sa takot ng mga nakalaban nya ay napaatras ito at nagpasyang umalis. Mayroon pang nagsabi na hindi basta basta ang nabangga nila.

"Hoy Timrelli! Wag kang bibitaw! Dadalhin kita sa ospital!"alalang sigaw ni Nath bago mawala ng tuluyan sa pandinig ko ang lahat.

To be continued..



Continue Reading

You'll Also Like

15.2K 400 8
Slow updates so bear with me!! Lucifer X Adam wattpad story becuz I can't find any AdamsApple story on wattpad. Lute and many other exterminators die...
446 52 11
Meet Clementine Daphne Lopez ang sikat na tomboy sa kanilang lugar. Nanghihinayang ang mga tao sa kanilang lugar kung bakit ito sumali sa Federasyon...
806K 21.1K 140
Just some oneshots of y/n and Natasha :) Reader is female so I'm using she/her :) I do Scarlett one shots too, those have (S•J) on them The more re...
Sour By lola

Fanfiction

81.6K 1.6K 26
Mick and Bianca Jagger's daughter Y/N and Harry Styles had a messy breakup, and they both write songs about it. *Social Media x Real Life* *I do not...