THE UNEXPECTED Season 2

By Rheevie

4.3K 1.5K 211

THE UNEXPECTED Season 2 This is the revelation of Thrianne Kilein's past, the real story behind her past. Sin... More

CHAPTER 103
CHAPTER 104
CHAPTER 105
CHAPTER 106
CHAPTER 107
CHAPTER 108
CHAPTER 109
CHAPTER 110
CHAPTER 111
CHAPTER 112
CHAPTER 113
CHAPTER 114
CHAPTER 115: CHARITY EVENT Part 1
CHAPTER 116:CHARITY EVENT Part 2
CHAPTER 117:CHARITY EVENT Part 3
CHAPTER 118: CHARITY EVENT Part 4
CHAPTER 119
CHAPTER 120
CHAPTER 121
CHAPTER 122
CHAPTER 123
CHAPTER 124
CHAPTER 125
CHAPTER 126
CHAPTER 127
CHAPTER 128: Shinichi's Date
CHAPTER 129
CHAPTER 130
CHAPTER 131
CHAPTER 132
CHAPTER 133
CHAPTER 135
CHAPTER 136
CHAPTER 137
CHAPTER 138
CHAPTER 139
CHAPTER 140: SPORTS FEST
CHAPTER 141: SPORTS FEST/The Manifest
CHAPTER 142: SPORTS FEST/Volleyball Part 1
CHAPTER 143:SPORTS FEST/ Volleyball Part 2
CHAPTER 144
CHAPTER 145: Protection
CHAPTER 146
CHAPTER 147
CHAPTER 148: THE STARTING POINT
CHAPTER 149: THE STARTING POINT 2
CHAPTER 150
CHAPTER 151
CHAPTER 152
Chapter 153: Thrianne Kilein's Devoured Pasts
Special Announcement!
CHAPTER 154:Thrianne Kilein's Devoured Pasts

CHAPTER 134

83 19 3
By Rheevie

                 

Chapter 134

Alomira's POV

2 days after...

"Have you been eat 'nak?"pag-aalalang tanong ni Mommy sa akin. Ilang araw na kasi akong walang ganang kumain. Nawawala na ako ng gana sa lahat.

Hindi ko na makita ang sarili ko na nakikijoin sa iba. Masyado akong naiinis sa sarili ko.

"Palagi na lamang hindi umuuwi rito si Alimir! Kapag tinatawagan naman siya ay hindi siya sumasagot! Tinanong ko na sya sa mga kaibigan nya pero hindi nila alam! Napapariwara na ang batang iyon!"galit na galit na sigaw ni Daddy na rinig sa buong sala. Totoo iyon, ilang araw na ring hindi umuuwi si Alimir, gusto ko syang hanapin pero hindi ko naman alam kung paano sisimulan. Hindi ako pamilyar sa mga hilig nyang lugar o mga kaibigan. Masyado akong nastuck sa sarili ko.

"Hon, huminahon ka lang, baka naman nasa tabi-tabi lang siya-"

"Hindi natin pinalalaking palaboy ang mga anak natin Althea! Tsk! Pauwiin mo ang kapatid mo ngayon din Alomira! Hindi kami makapagtrabaho ng maayos dahil sa kanya!"

Wala akong naging imik, tanging tango na lamang ang ginawa ko. Hindi alam nila Daddy ang tunay na nangyayari sa pamamahay na ito habang wala pa sila dati.

Ang totoo ay dahil sa akin kaya hindi na ako kaya pang makita ni Alimir. Parang tinatakwil pa nya ako bilang kapatid. Hindi ko naman siya masisisi, makasarili ako, inaamin ko iyon. Pero wala akong balak humingi ng tawad dahil choice kong maging makasarili at hindi naman masama iyon.

Matamlay kong kinuha ang cellphone sa bulsa at saka muling tinawagan si Alimir. Ngunit gaya ng inaasahan ay hindi sya sumasagot.

"Ano? Sumasagot?!"

"Tawagan mo ulit anak, baka sakaling sagutin na nya"

"Wala rin pong mangyayari Mommy, siguro akong hindi na po sya uuwi"

"Wag kang magsalita ng ganyan sa kapatid mo, teka, huwag mong sabihing nag-away kayo?"

"Malamang yan"reply ni Dad. Napakagat labi ako, hindi ko alam kung ano ang dapat isagot sa kanila. Ayaw ko silang bigyan ng problema.

"W-Wala naman po kaming problema Dad, may topak lang po ang batang iyon"

"Tss,kung bakit naman kasi hindi pa sya umuwi ngayon! Baka kung mapaano na yan nako sasabihin na lang ng ibang tao na pabaya kaming mga magulang sa kanya!"

Wala na kaming nagawa ni Mommy para mapigilan ang inis ni Dad. Wala akong planong ipaalam sa kanila ang nangyari, bahala na.

"Hanapin mo kaya siya kay Thriximir? Baka sakaling nandoon sya"biglang nasabi ni Mommy. Gulat akong napatingin sa kanila.

Thriximir? Hindi ba't isa siyang Mondrallgo? Ang alam ko ay kapatid pa nga sya ng President Mondrallgo, ibig sabihin ay Tito siya ni Thrianne Kilein...

Pero paanong....

Paanong kilala nila Mommy ang taong iyon? Bakit naman nila maiisipan na nandoon si Alimir?

"Baka nga, tss. Hay nako, palaging pinasasakit ng batang iyon ang ulo ko!"

"Let's find him na, sumama ka sa amin Kolette"pagtawag ni Mommy sa pangalawa kong pangalan. Tumayo ako at saka nagbihis sa sariling kwarto.

Hindi mawala sa isip ko ang pagkakakilala ng aking mga magulang sa isang Mondrallgo na iyon, hindi ako makapaniwala. Kung ganoon ay malawak pala talaga ang impluwensya nila, ng hindi nila pinapasabi o ipinapaalam sa lahat. Ganoon na ganoon ang nasa tingin ko...

Nagayos ako before ko sila sundan sa kotse. Parang nalulutang ang isip ko sa mga nangyayari, kaya wala akong konkretong nagagawa sa mga sumunod.

Habang tinatahak namin ang direksyon kung saan nakatira ang sinasabi nilang si Thriximir ay nagring bigla ang phone ko. Tiningnan ko kung sino ang tumawag at saka sinilip sila Dad.

"Hello-"

"Yoboseyo?"

"W-Who are you? And how do you know my number?"mahina ko lang na naisatinig ang pagkabigla ko sa tono ng boses nito. Hindi ko alam kung sino ang tumawag na ito, korean pa ang ginamit na lenggwahe.

"A-Ate??"

O_o

Napatakip ako ng bibig. Boses ito ni Alimir, hindi ako maaaring magkamali. Gusto ko sanang ipaalam kina Mommy kaso may pagkaalangan sa isip ko.

"Hey, nasaan ka bang bata ka? Bakit hindi ka pa umuwi? Nandito sila Mommy hinahanap ka"

"Wag mo na akong hanapin ate, ayaw kong makita ka"

"What?"

"Ibababa ko na itong tawag-"

"Hey! Wait-"

"Huh?"

"Sino yung unang sumagot kanina sa tawag ko?"

"Ah, that's Uncle Thriximir,why do I have to answered that stupid question eh? Goodbye!"at doon ay ibinaba na nya ang linya.  Tama nga si Mommy, nandoon ang kapatid ko sa Mondrallgo na iyon. Sinilip ko ang aking magulang na tila pokus sa pagdadrive.

"Nandito na tayo"

Pagkasabing ito ni Mommy ay nagsibaba na ang dalawa at ako ay hindi pa. Sinilip kong mabuti ang gate na sobrang lawak pa sa inaakala ko. Malamang sa malamang ay gubat pa ata ang madadatnan pagpasok sa loob.

May pinindot si Dad na doorbell na hindi maririnig, pero hudyat ng automatikong pagbukas ng gate na kulay itim. Diretso at tila ba mala-imperyo ang disenyo nito.

Napakayaman nila, maski sa gate ay pinagtutuunan nila ng pondo..

Pagpasok namin sa loob ng gate ay bumungad ang napakalawak na bakuran, kalakip ang isang mala-palasyong mansyon. Napasinghap ako.

Ito na ba iyon? Ito na ba iyong bahay nila Thrianne Kilein? Napakalaki nito, hindi kataka-takang napakayabang ng isang iyon..

"Kayo ho pala!"salubong ng isang may edad na lalaki ngunit hindi mahahalata dahil sa kagwapuhan nito. Nakasuot ito ng simpleng t-shirt na puti at polong abuhin sa ibabaw, itenerno sa pants at tsinelas. Tumaas bigla ang kilay ko. Masyadong simple ang isang ito.

"Anong ho?! Magkasing-edad lang tayo!"biro ni Dad, at nagkatawanan sila kasabay ni Mommy. Mukha talagang magkakakilala sila at matagal na siguro. Mahahalata naman kung paano sila magusap ng impormal.

"Oh! Althea! Ang ganda mo pa rin ah! Walang kupas!"

"Ay salamat kumpadre! Hahaha! Ay sya nga pala, nandyan ba si Alimir?"

"Oo, tara sa loob, mainit dito sa labas baka magkapantal kayo sa araw"

"Jusmiyo marimar ka Mir!"natatawang anito ni Dad. Tila nakalimutan na nila ako ng pagpasok nila sa loob. Wala akong imik na sumunod sa kanila.

"Ah! Si Alomira Kolette nga pala!"nagitla ako ng bigla akong hilain ni Mommy, "panganay ko"

Tiningnan ako ng lalaki mula ulo hanggang pa pabalik kay Mommy. Gwapo itong ngumiti rito.

"Nagmana sa'yo ang anak mo mare, pareho kayong maganda"

"Aysus! Binobola mo pa ako!"

"Tama na yan, baka agawin mo pa ulit ang asawa ko ha!"natatawang biro ni Dad na syang nagpatahimik sa dalawa. Nagtataka akong tumingin sa kanya.

Agawin ulit? Anong sinasabi ni Dad?

Pagpasok namin sa loob ay ganon na lamang ang pagsinghap ko. Maaliwalas at mabango ang loob nitong mansyon, Wala itong gaanong display or decorations pero may isang katangi-tanging estatwa na bagaman maliit ay sinusuhulan ito ng araw, kaya't nangingibabaw ang liwanag nito sa buong silid. Ang imahe ng estatwa na gawa sa kung ano dahil kumikislap din ito ay isang babaeng may takip ang mga mata at nakasuot ng pang-Gresya at may hawak na espadang hindi yari sa bato kundi malamang ay gawa ito sa metal.

Sinuri ko ang buong sala at wala naman akong napansing kakaiba. Naupo ako katabi ni Mommy at abala sa pagmamasid. Sa laki ng mansyon ay malamang marami silang katulong.

"Maghahanda ako ng tsaa para sa inyo, sandali lang"

Pagkaalis ng lalaki ay napakunot noo ako. Sinilip ko sila Dad at ang reaksyon ng kanilang mga mukha ay tila kataka-taka. Tila ba nagugulat pa rin ang mga ito at panaka-nakang kinakalabit ni Dad si Mommy upang manahimik ito sa pagsinghap.

Pagkarating kaagad ng Tito ni Thrianne Kilein ay magaan nyang inilapag ang tray na kulay itim na hindi basta yari sa plastic, malamang ay gawa rin iyon sa bato. Ang mga mangkok na maliliit ay napansin kong porselana, dahil sa bigat at mukhang masinsinan ang pagkakayari.

Napagaralan ko na ang iba't ibang mga uri ng semento at kahoy, kung saan ito nagmula at kung paano nila nahuhulma para sa iba't ibang layunin. At bibihira ko lang na makita ang mga ganito sa buong buhay ko.

"Kung hinahanap ninyo si Alimir ay magtungo lang kayo sa silid-aklatan, isa lamang sa inyo ang maaaring magtungo roon."pahayag ng lalaki habang maingat nyang inilalagay sa maliit na mangkok ang tsaa kay Dad. Nagkatinginan kami ni Mommy sa tinuran nyang iyon.

Hindi ko maintindihan ito, bakit isa lamang sa amin ang maaaring puntahan si Alimir?

"K-Kung ganon ay si Alomira na lang ang papupuntahin namin"aniya ni Dad. Naguguluhan akong tumingin sa kanya, nagsenyas ito na puntahan na ang kapatid ko sa loob. Kaagad naman akong tumalima. Nahihimigan ko ang maawtoridad na awra na bumabalot rito habang papalayo kila Mommy.

Hindi ko kabisado ang buong silid, malamang ay maliligaw ako rito.

Pagkaalpas ko sa gawing kanan madilim na ang bandang dulo. Hindi ko na makita kung saan ito patutungo.

I can't believe this, parang mas madilim pa ang areang ito kaysa sa gabi.

Pinili kong diretsuhin ang madilim na parte ng mansyon, at ganoon na lamang ang pagtayo ng balahibo ko ng makarinig ng kaluskos ng kadena. Hindi mapakali ang mga mata ko sa naririnig ko ngayon. Nakakarinig pa ako ng hagupit ng isang latigo sa kung saan.

Habang papalapit ako sa kadiliman at papalayo sa liwanag ay isang hinagpis at alulong ng isang boses ang nagpanting sa tainga ko. Hindi na ako makalakad niyon. Para akong tinamaan ng kidlat sa katakot-takot na ingay na iyon.

Ano bang klaseng lugar ito? Ayaw kong magisip ng masama pero hindi ko maiwasan...

Iniimagine ko ang isang senaryo na kung saan ay may isang tao na kinulong at walang awang pinaghahagupit ng latigo sa likuran nito. Nakagapos ang mga kamay sa nangangalawang na bakal na nakadikit sa pader. Ang mga paa nito ay nakagapos rin sa bakal at nakakabit ang mga kadena nito sa pader upang walang takas ang magagawa ng taong ito.

Anuman ang kanyang pagkakasala sa ginawan nya ay hindi ko na alam. Ngunit nananabik ang isipan nyang makawala at makapaghiganti.

"Imahe iyon ng aming bansa binibini..."ang bulong na iyon ang bumunot sa aking pagkatao. Napalunok at lumingon sa aking likuran, isang taong nakabenda at punong puno ng dugo ang lumitaw, "ang bansa naming pinilipit noon sa sakit dahil sa mga taksil, inaasahan namin ang muling pagbangon mula sa aming reyna, ngunit ang pag-asang turuparin na ng aming ikalabing-walong Superior...papatayin namin ang sinumang haharang sa kanya, gagawin naming asupre ang kanyang dugo at ang kanyang pugot na ulo ay ibibigay namin sa kanyang pamilya-"

"A-Ahhhh!!!!!!!!!!!!"napatili ako sa sobrang takot na naramdaman ko. Itinakip ko ang aking tainga. Nakakatakot ang boses na iyon, hindi pangkaraniwang tao ang may lalim at bumabalot sa aking isip.

Sa kaba ko ay napatakbo ako papunta sa isang silid at inalala si Jehridale. Natakot ako na baka mapahamak din sya mula sa taong nakabenda.

Habang sa akimg pagtakbo ay biglang may sumampal sa mukha ko ng malakas.

PAK!!!

"A-Ate! Gumising ka nga! Alomira!"boses na ni Alimir ang umalingawngaw sa aking tainga ng maimulat ko ang mga mata. Hindi mawala-wala ang kaba sa dibdib ko. Ang katakot-takot na pangyayaring iyon ay hindi ko nagawang kayanin.

Tinatampal tampal ni Alimir ang pisngi ko habang alalang tumingin sa akin. Hingal-hingal pa ako bago ako bumangon.

"Are you crazy? What are you doing? Binabangungot ka habang naglalakad? Naka-drugs ka ba?"

"W-What?"

"Nakita kitang naglalakad mula sa pasilyo, sinundan kita at nakita ko kung paano ka nagulat sa kung ano, ano ba nangyari sayo? Para kang nakakita ng maligno or whatsoever?"

"U-umalis na tayo rito Jemwell-"

"Hey, bigla ka ring nagsisisigaw at tumakbo, tapos pumunta ka na sa kinaroroonan ko di mo pa ako nakikita Ate, sinampal kita ng malakas para magising ka pero nawalan ka naman ng malay. Hindi ko alam kung namaligno ka talaga"

"Hindi ako namamaligno, I-I'm just seeing things..."hindi ko rin alam kung paano ko mapapaliwanag ito sa kanya. Ang weird ng experience ko ngayon.

Bansa? I don't know what's going on, anong kinalaman non sa mansyon na ito at bakit parang hindi ito pangkaraniwan lang...masama ang kutob ko..

"Bakit ka nga pala nandito Jemwell?"pagiiba ko ng usapan. May ipinakitang libro ang kapatid ko sa akin.

"I'm reading this, Merie Charlieone The Conquerer,"nakangit nyang ibinahagi iyon sa akin.

"Nagpunta ka rito para lang magbasa ng ganyan huh?"

"Why not? I've been so stressed out since nag-away tayo at ayaw kong makita ang mukha mo sa bahay. Masama ba iyon?"

"Kahit na, hindi ka dapat nagpupunta sa mga ganitong lugar, lalo na sa hindi mo kilala"napakagat labi ako at ibinulong ang huli.

"Ang OA mo, matagal ko ng kilala si Ninong Thriximir, paano mo nga naman malalaman masyado kang obsessed sa jowa mong burikot"ang tinutukoy yata nitong kapatid ko ay si Jehridale, gayong alam naman nyang nagbreak na kami nitong nakaraan. Mahina ko syang piningot.

"There's nothing between us na, wag mo ng babanggitin ang pangalan nya ok?"

"Wala naman akong binanggit na pangalan Alomira, nag-aassume ka naman"irap nyang ani. Napangiwi na lamang ako.

----

"Oh bat nandito yan?"pagkarating namin ni Alimir doon ay may isang batang babae ang kasama ngayon ni Thriximir, mukhang mataray ito, mula ulo hanggang paa ang tingin nya sa parents namin. Nag-pout pa ito saka bumaling sa amin.

"Who are these people Uncle? They seem soo downgraded, nag-aaccept ka pa ng visitors dito, did Ate Kilein know about this?"

Napakunot noo ako sa talas ng dila ng bata. As far as I know, bunsong kapatid ito ng mayabang na si Thrianne Kilein, nakita ko na sya noon sa Department's Fest. Kasama palagi ng batang ito ang kanyang Mommy na pagkakaalam ko ay ang Vice President ng company nila.

"Hoy bata ka, you should know how to respect visitors,hehe, pasensya na sa pamangkin ko, masyadong pinaglihi sa Mommy nya"

"It's okay, how cute she is naman,"Mommy said it adoringly. Nagkatinginan kami ni Alimir.

"I'm not a puppy,"tanggi ng bata, "I'm charming and beautiful, I don't like people like your daughter, she's my ate Kilein's enemy, she's always arguing at her"diretsahan talagang sinabi iyon ng bata. Taka akong tumingin rito. How did she know this? At alam ba nya kung paanong ipreno ang bibig nya? Nasa harap nya ang parents ko at malamang hindi nila alam ang tungkol dito.

Masama ang tingin sa akin ni Dad. Rinig ko namang bumuntong hininga si Alimir. Kabado namang tumingin sa akin si Mommy, ang ekspresyon ng mukha ng Thriximir na iyon ay wala. As in wala. Signature poker face ng pamilyang Mondrallgo.

"A-Ah mabuti naman at hindi nalayo rito Alimir, tara na uwi na tayo, uuwi na kami Thriximir, salamat"kaagad na binasag ni Mommy ang tensyon na bumabalot sa mansyon. Nag-atubili na akong lumabas ng hindi nagpapaalam sa kanila. Alam kong pagagalitan ako ni Dad dahil dito. Hindi ko naman kasi alam na may koneksyon pala ang pamilya ko sa mga Mondrallgo, hindi ko maintindihan iyon. Ni minsan ay wala silang nababangit tungkol sa kanila. Kaya nakakapagtaka iyon.

---

Viurge's POV

"Walang galang, alam ba nya ang salitang respeto Uncle?"tahasang tanong ni Thrallia kay Sir Thriximir. Nginig itong ngumiti sa akin, nababasa ko sa mata ng matandang binata na ito ang pagtitimpi, ayaw nyang manampal ng bibig ngayon. Nakakatawa ang itsura nya kapag ganon sya.

Kilalang mabait at inosente si Sir Thriximir, tauhan na nila ako noong 8 years old pa ako. Alam ko ang ayaw at gusto nya, sa lahat siguro ng lakad nya sa buhay ay kasama ako. Tinuring ko syang pangalawang kuya sa kabila ng mainit na hidwaan ng kanyang mga kapatid noon.

Challenging masyado ang pagpapalaki kay Thrallia kaya naiintindihan ko sya. Mayroon akong kuya at bunsong kapatid na babae, madalas na spoiled si Thrallia, ngunit likas na matalas ang bibig at mataray gaya ng kanyang ina. Isa si Sir Thriximir sa saksi kung paano magpigil ng timpi ang Mommy ng bata kapag tinatarayan sya nito o di kaya ay nagtatantrums.

"Naku pasensya na sa inasal ni Alomira, hayaan mo at tuturuan ko ng leksyon ang anak ko hehehe"

"Huwag mong sasaktan ang dalaga mo pare, ang mga ganitong edad"pinisil ni Sir ang pisngi ni Thrallia na syang dahilan ng pagirap nito, "ang dapat tinuturuan ng leksyon hehehe"ramdam ko ang panggigigil ni Sir sa bata. Pilit namang nangiti ang matandang lalaki saka umalis. Pigil ang tawa ko ng mga oras na iyon.

Nawala ang ngiti ni Sir Thriximir ng makawala si Thrallia sa pagkakayakap nito. Nagtatakbo ang bata sa buong mansyon.

"Hay, nasaan na ba kasi si Theia, baka maitapon ko ang anak nya sa kanal"inis na ani ni Sir, saka tumingin sa akin, "kanina ka pa sa dilim ah, balak mo bang magmulto ha"

"Wala po sir, iniingatan ko lang na baka may makakita sa akin"

"Sa lahat naman kasi ng papaalaga sa akin ni Kuya Thravinne ay ito pang mas malala sa ugali ng mga kapatid ng batang ito. Palagay ko bago ako mamatay sa pagiging matandang binata ay kay Thraixillia ako mamamatay"

"Dumating na po pala ang mga Vunteon kahapon, hindi po ba natin sila babatiin?"

"Para saan pa? Wala naman silang maitutulong sa atin. Besides sila ang tumutulong at hindi tayo, dapat nga tayo ang babatiin ng mga iyon"

"Ah talaga ba Tito?"napaayos ang tindig ko ng biglang lumitaw si Thruxienne Lev sa likod ko. Magkakapatid talaga sila, basta-basta na lamang sumusulpot.

"Paminsan-minsan ay matuto kang kumatok Lev, nakakagulat kang bata ka."

"Where's that brat?"

"Nandoon, tumatakbo! Habulin mo kung gusto mo! Nasstress ako!"pigil ang ngiti ni Sir habang kinukuha ang isang tasang tsaa. Masama syang tinitigan ni Lev.

"Ayaw niyo naman na malaman ni Ate ang kapabayaan ninyo hindi ba?"

"Anong kapabayaan ang sinasabi mo ha? Ni hindi ko nga pinalalabas 'yang kapatid mo, mga henerasyon niyo eh no"singhal ni Sir sa binata. Nagtitimpi akong hawak ang emosyon. Baka anumang oras ay pugutan ako ng ulo kapag tumawa ako sa paguusap nila.

"Tss, masyado kasi kayong lulong sa tsaa, bakit hindi nyo itry na mag-asawa, baka sakaling umalsa 'yang pagiging matandang binata niyo"

"Hoy! 43 pa lang ako! Makapagsalita itong batang ito! Hanapin mo na lang ang kapatid mo hindi 'yong pagiging single ko ang inaatupag mo! Pasaway ka!"ismid na sigaw ni Sir sa kanya. Nagtakip na ako ng bibig at nagiwas ng tingin.

Iba talaga ang mga batang Mondrallgo, nagmana sa ama lahat...

Kung bakit nga naman kasi sa edad ni Sif Thriximir ay wala pa itong asawa. Well, hindi ko sasabihin. Malalaman niyo na lang iyon, otherwise, nasa kanya naman kung mag-aasawa sya or hindi na.

Pagkaalis ng binatang Mondrallgo ay nagdadabog na tumayo sa kinauupuan nito. Kinalabit nya ako at bahagyang lumapit.

"Anyway, kumusta na ang pinapagawa ko? Hindi ka ba napansin ni Theia?"

"Hindi ko ho alam kung napansin nya ako."tanging naisagot ko. Nasa kalahati pa lamang ng pinapagawa nya ang natapos ko. Siguradong bibilis na iinit ang ulo nya kapag nagkataon.

Tiningnan nya ako at sinuring mabuti.

"Mukhang hindi mo pa tapos, it's okay,"taka akong nilingunan sya, "maybe pagtapos mo na lang asikasuhin si Brythe, I suggest na huwag mo munang puntahan si Collins, hindi maganda ang lagay nila, baka makahalata ang mga demonyong iyon"giit nya.

Ang tinutukoy nya ay ang grupong kinakaharap ngayon nila Thrianne Kilein. Ang notorious at kasalukuyang pinuno nito ay ang dating kasamahan ng Mondrallgo, si Aldrico Espozo. Lingid sa kaalaman ng pangawalang anak ng President Thravinne na iyon ang ginagawa naming paraan para makalusot at mahuli sa pain ang mga kalaban. Kapag nalaman ang tungkol rito, maski sa mga kapatid niya ay hindi nya palalagpasin ang kanyang Tito. Ayaw na ayaw niyang may makikialam sa ganitong sitwasyon.

Masama ang makipagtalo kay Thrianne, hindi mananalo ang kalaban sa kanya..

"Iba rin ang kinakapitan ng mga grupong iyon, hindi basta ang mga taong ito, kaya hindi sila magalaw-galaw ng pulisya, masyado silang sagabal"

Napalunok na lamang ako. Matagal ko ng alam ang kumplikadong kaso na ito, ang koneksyon, ang lahat-lahat. Ang pinagmulan at ang bunga, ang pagiging suklam at ang lason na sumisira sa mga samahan.

"Ang lason ng Orange VXII, hawak ng mga taong iyon"biglang nasambit ni Sir ang tungkol doon, "paanong napunta sa mga walang muwang na buwitre ang lason? Hanggang ngayon ay palaisipan talaga"

"Ang balita ko ay galing sa Organisasyon...Faltimony.."

"Hindi basta-bastang lason iyon Viurge, hindi talaga, sa ibang bansa ay hindi ito madaling likhain, kaya paano talaga? Maliban sa Black Market o di kaya sa... Underground...pwede nilang ipagbili ito doon kung nanaiisin"

"Ang masama pa nito ay ipinakalat na ng Faltimony ang lason para lang pumatay ng mga inosenteng tao, o di kaya ay manakot upang mapasakamay nila ang lahat, hindi ba alam ni Kilein ang tungkol rito?"

Nagkibit balikat ako. Hindi ko naman alam ang nasa isip ng babaeng Mondrallgo ukol dito. Hindi ko naman sya kakausapin. Sakop ito ng kontratang nakalaan sa pagkatao ko, sa pamilyang ito na pinaglilingkuran ko mismo.

Ngunit, isa sa katangi-tanging lakas ng pangalawang anak ng mga Mondrallgo, ang bagong henerasyon sa kasalukuyan, ang matalas na pagiisip. Kadalasan ay nababalitaan ko na lamang galing kay Michaendra na alam na pala ng babaeng iyon ang mangyayari at sa mga susunod na magaganap. Hindi ko alam kung masyadong mapaglaro ang tadhana o sadyang pinagkaitan lang ako na magkaroon ng ganong utak.

Kaya ang masasabi ko...malamang ay alam na ni Thriaxiveille Kill ang mangyayari.

Jehridale's POV


Hindi ako mapakali. Naiinis ako ngayong araw, wala akong magawa, I mean, wala akong guatong gawin ngayon. Pero naiinis ako. Hays!!

"Huwag ka kasi masyadong mastress brother,"pangiinsulto pa ni Ate, "sige ka,maloloss ang beauty cells mo"

"Anong beauty cells ang pinagsasabi mo? Ano ako bakla?"

"Ito naman! Ang init agad ng ulo umagang umaga. Hey, nagpapraktis na ang iba para sa darating na Sports Fest tapos ikaw nagmumukmok diyan na parang sanggol, para kang busted sa itsura mo!"

"Oh shut up! Hindi ako busted no! A-Ano, badtrip lang ako ngayong araw"

"Owss?"inirapan ko na lang sya. Inis akong umakyat sa kwarto at nagtalukbong. Bwiset kasing feelings toh, ano bang nangyayari sa akin? Para akong ninakawan ng elementary student ng first kiss.

Representative ako for men's chess competition. Simula pagkauwi ko hanggang kanina ay nagpapraktis ako. Paminsan-minsan ay nasstretching, kapag walang magawa ay iinom ng tubig. Hindi ako mapakali talaga.

>>>~<<<

"Masyado kang stressed dyan Dale, gusto mo bang maglaro?"

Naalimpungatan ako ng maulinigan ang masiglang tinig ni Kuya Zein sa diwa ko. Naalala ko tuloy iyon, nung araw na inaya ako na maglaro sa isang abandonadong basketball court. Hindi ko alam kung bakit kumirot ang puso ko. Mapait ang huli naming pagkikita, ang huli naming laro noong nabubuhay pa siya.

Kahit sinabi ng mga doktor na namatay sa heat stroke ang kuya ko ay hindi ako naniwala. Maraming pasa at bugbog, malamang ay hazing ang ginawa sa kanya kaya paano ko paniniwalaan. Hanggang ngayon ay galit pa ako sa sarili ko, hindi ko na hinabol sa hustisya para sa kanya..

Inaasa ko na lang sa Diyos palagi. Kapag naalala ko ang kuya Zein ko, kapag sumasagi sa isip ko ang nangyari sa kuya ko, hindi ako makapagsalita ng maayos. Hindi ko masabi ang totoong nangyari sa kanya. Sa buong buhay ko ay naduwag ako, natrauma ako noon ng husto. Nabubuhay ako na tumatakas sa totoong nagaganap, wala akong magawa.

Hindi ko napansin ang pagpatak ng luha ko, napansin ko na lamang iyon ng maramdamang basa ang unan.

Ayaw kong pakawalan ang aking sarili mula sa pangyayaring iyon, na naging dahilan ng pagwaksi ng pagtitiwala ko sa lahat, ang pansamantalang hinagpis ng karamihan sa namatay kong kapatid, ang pagtataksil ng kanyang fiance bago sya namatay. Lahat ay sariwa sa alaala ko. Pinipilit ko lang na padaanin ang mga masasayang moment na nangyari sa akin kasama ang apat kong mga kaibigan.

"Kaya mo bang alisin ang galit na nararamdaman mo? Makakaya mo ba?"

Isa-isang tumutusok sa pagkatao ko sa mga sandaling iyon, ang mga salitang pinipiga ang puso ko ng paulit-ulit. Ang banayad na tinig na nagmumula sa kanya, napakabait nyang Kuya. Bakit naaalala ko pa sya ngayon? Dahil ba bad mood ako ngayong araw at kaya nyang baliktarin ang nararamdaman ko ngayon? Ang daya...

Napakabait mo sa akin Kuya Zein...bakit? Bakit hindi kita nagawang tulungan nung mga panahon na iyon? Bakit pinili mo akong iligtas? Isa akong walang pakundangan, pasaway at basag-ulo mong kapatid...hanggang ngayon ay bumibisita ka sa aking isipan, kapag wala ako sa landas ay naroon ka rin...

"Mayroon akong kaibigan noon, hindi ko siya nagawang iligtas mula sa pagkakalugmok sa pait ng kapalaran...hindi bagay sa kanya ang mundong ginagalawan niya. Wala akong nagawa para sa kanya...napakasama kong tao..."

Naalala ko bigla ang linyang iyon ni Kuya, ng iabot nya sa akin ang botelya ng tubig.

"Ang alam ko, itinapon nya ang kanyang pagkatao sa kadiliman, at gumising na hindi nahihimlay. Ang lalim ano? I mean, nalulong sya...sa mga masasamang gawain, naaawa ako para sa kanya. Kung sakali mang mangyari rin ang bagay na iyon sa'yo, hihilahin kita. Hindi ako papayag...na mawawala ka rin sa akin Dale.."pahayag nyang iyon habang mapait na ngumiti sa akin.

Nababasa ko ang pagsisisi sa mga mata niya na nasa memorya ko pa. Parang pamilyar ang ganito sa mga natuklasan ko noon kay Thrianne Kilein...

Arghh!!! Kainis ka utak! Bakit mo sya nababanggit sa akin?! Oras oras na lang ba?!

At anong koneksyon nya sa iniisip ko ngayon? Ha--

Teka...

Naalala ko palang ex ni Adrian ang babaeng iyon...at kaibigan ni Adrian si Kuya Zein ng mga panahong iyon, palaging nababanggit ni Kuya ang tungkol sa girlfriend ni Adrian noon...

At base sa pagkakatanda ko...naging malapit na kaibigan ni Kilein si Kuya, ayon sa sources na nakalap ko noon...

Kung pagtutugmain ang mga pangyayari...

Hindi malayong si Thrianne Kilein...ang tinutukoy ni Kuya na hindi nya nagawang iligtas, at si Aldrico Espozo na kasalukuyang nasa sitwasyon ng babaeng iyon ang may mapait na kapalarang nagaantay sa mga susunod...

Napasinghap ako sa natuklasan ko sa aking isip. Minsan ay gumagana naman ng maayos ang utak ko. Epektib pala ang magtalukbong minsan.

-___-

Hinawakan ko ang bibig at pinigilang sumigaw ng malakas. Nakakabaliw ito. Anong nangyayari? Ano ba kasi talagang nangyari? Mas lalo akong naguguluhan. Pero may bahagi sa akin na mismo na ayaw na matuklasan ang lahat. Ayaw kong masaktan, at ayaw kong maapektuhan. Ano nga ba kasing pakialam ko doon? Hindi na dapat ako makialam sa buhay ng iba, mas lalo lang akong....

Natahimik ako saglit. Bakit ako nakokonsensya? Ano bang nangyayari sa akin?

Hindi ko responsibilidad ang bagay na iyon.

Hindi ko.....dapat isipin ang bagay na iyon...

Ayaw kong mapalapit lalo sa babaeng iyon...

Pero....

Pakiramdam ko....



Kailangan nya ng tulong....kailangan nya ako....

Continue Reading

You'll Also Like

224 127 51
There's a place where you truly belong. University of Secrets is on your way to make you feel at home. But, there's a rules. "A secret will always...
2.6K 71 16
request open: January 3rd, 2022 Request close: July 28, 2022
3.6M 151K 61
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...
3.2M 262K 96
RANKED #1 CUTE #1 COMEDY-ROMANCE #2 YOUNG ADULT #2 BOLLYWOOD #2 LOVE AT FIRST SIGHT #3 PASSION #7 COMEDY-DRAMA #9 LOVE P.S - Do let me know if you...