Aya

By MCallMeM

4.3K 503 1.3K

Bata pa lamang ay taglay na niya ang isang kakayahan na wala sa isang pangkaraniwang tao lamang; iyon ay ang... More

Foreword
Prologue : The Beginning
Chapter 1 : Weird
Chapter 2 : Stranger
Chapter 3 : Encounter
Chapter 4 : Friends
Chapter 5 : Warning
Chapter 6 : Holding Hands
Chapter 7 : Bonding
Chapter 8 : Perfect
Chapter 9 : Jealousy
Chapter 10 : Apology
Chapter 11 : Not the Last
Chapter 12 : Family
Chapter 13 : That Guy
Chapter 14 : Unexpected
Chapter 15 : A Hug of Happiness
Chapter 16 : Creature at Darkness
Chapter 17 : His Farewell
Chapter 18 : Rainy Day
Chapter 19 : Am I Inlove?
Chapter 20 : Confession
Chapter 21 : The Truth
Chapter 22 : A Letter
Chapter 23 : Zinotes
Chapter 24 : Invisible
Chapter 25 : Hiraya
Chapter 26 : Trapped
Chapter 27 : Behind the Man in White
Chapter 28 : New Home
Chapter 29 : Rescue
Chapter 30 : Reunion
Chapter 31 : Too Much
Chapter 32 : It's Not Done Yet
Chapter 33 : Hayana
Chapter 34 : He's Back
Chapter 35 : Lost
Chapter 36 : The Plan
Chapter 37 : Sacrifice
Chapter 38 : The Origin
Chapter 39 : Calm
Chapter 40 : Symbol
Chapter 41 : Love
Chapter 42 : Questions
Chapter 43 : Backstory
Chapter 44 : Backstory II
Chapter 45 : Backstory III
Chapter 46 : Backstory IV
Chapter 47 : Backstory V
Chapter 48 : Backstory VI
Chapter 49 : End of Backstory
Chapter 50 : Changed
Chapter 51 : A Dream
Chapter 52 : Special
Chapter 53 : New Opponent
Chapter 54 : Running Away
Chapter 55 : His Twin Brother
Chapter 56 : Brain or Heart
Chapter 57 : Promise of True Love
Chapter 58 : Meeting Them
Chapter 59 : The Face-Off
Chapter 60 : The Big One
Epilogue : The Ending
Special Chapter 1 : New Life
Special Chapter 2 : A Mark
Special Chapter 4 : Come Back
Special Chapter 5 : End Everything
Special Chapter 6 : The Finale
Author's Note
BONUS CHAPTER

Special Chapter 3 : She's Alive

23 2 0
By MCallMeM

"And let's give a round of applause to the birthday celebrant, Ziyan!"


Nagpalakpakan at naghiyawan ang lahat ng mga tao nang lumabas si Ziyan mula sa backstage. Sa sandaling ito ay nagsisimula na ang selebrasyon.


Marami ang dumalo at nagkakasiyahan na ang lahat. Mga bata ang karamihan kasama ang mga magulang nila. Ilan sa kanila ay mga kaklase ni Ziyan. Nag-hire ako ng mga clown dahil alam kong maraming bata ang matutuwa.


Sinalubong ko siya at niyakap nang mahigpit. Sobrang saya niya at hindi siya makapaniwala na magiging ganito kasaya ang pagdiriwang ng kaniyang kaarawan. Kaya naman, lubos din akong nagagalak dahil doon.


"Thank you so much po, Mommy! I love you! Mwa!"


"You're welcome, anak. Mommy loves you too!"


Nagpatuloy lang ang selebrasyon at lahat ng mga bata ay nagkakatuwaan na habang pinanonood ang pagpe-perform ng mga clown. Maging ang mga matatanda ay naaaliw rin sa mga ito.


Saglit akong umalis doon nang maramdaman kong mag-vibrate ang cellphone ko. Tumatawag si Yue kaya agad ko itong sinagot.


"Hello?"


"Hello? Pasensiya na, hindi kami makakadalo sa birthday ni Ziyan. You know, magkakapamilya na'ko. And sa ibang bansa na kami titira. Ayoko talagang umalis dito sa Pilipinas pero, siyempre kailangan ko rin naman lumanghap ng sariwang hangin. Bumuo ng panibagong buhay, pamilya. And I know na, kailangan mo rin 'yon. Specially ngayon na may anak kana."


"Ang dami mo na agad sinabi, baliw! Nasa Canada na ba kayo?"


"Haha sensya na. Pero wala pa kami sa Canada, nag-aayos pa lang kami ng gamit. Mamayang gabi pa flight namin. Dadaan pa muna sana kami diyan after going to airport pero baka hindi na namin kayo maabutan. Regards nalang kay Ziyan."


"Okay lang. Ipaparating ko nalang sa kaniya. Basta, mag-iingat kayo. Ingatan at alagaan mo si Chen. Mahalin mo nang totoo. Huwag mong paiiyakin at huwag na huwag mong pasasakitin ang ulo niya. Be a good partner to her, naiintindihan mo? Sa oras na malaman kong niloko mo siya, pupuntahan ko kayo sa Canada at ako mismo magtuturo ng leksyon sa'yo."


"Oo na, oo na. Hindi ko naman gagawin 'yon kasi alam kong siya na ang para sa'kin. And please, don't bother to come here. Ayokong istorbohin kayo ng anak mo kaya huwag ka nang mag-abala. And besides, wala nang makakapantay kay Chen. Mahal na mahal ko 'yon katulad ng pagmamahal ko kay Yen."


"Oh, sige na. Tulungan mo na si Chen mag-ayos ng gamit niyo. Kamustahan nalang. Bye-bye! Ingat kayo!"


"Okay, okay. Ingat din kayo! Bye!"


Napangiti na lamang ako matapos kong patayin ang linya.


Sigurado akong magiging masaya ang buhay ni Yue kasama si Chen at ang mabubuo nilang pamilya. Kahit na malayo sila, ang mahalaga mailayo sila sa gulo.


Bagong buhay, bagong pag-asa ika nga nila.


Nagagalak ako kasi sa wakas, magiging masaya na rin ang mga taong naging parte ng magulo kong buhay dati.


Sina Von at ang pamilya niya.


Si Yue at Chen.


At sigurado akong masaya na rin ngayon ang lahat ng mga nagsakripisyo para lamang makamit ang katahimikan at kapayapaan.



×××



"Mommy, I'm tired. I want to rest na,"  matamlay na sabi ni Ziyan nang makalapit siya sa kinauupuan ko. Pagod na siguro siya sa pakikipaglaro sa mga bata.


"Okay, ihahatid na kita sa kwarto mo. Ako nalang ang magsasabi sa kanila na matutulog kana. Sleep well, baby!"  Sagot ko saka siya binuhat at maingat kaming pumasok sa loob ng bahay.


Hindi pa tapos ang selebrasyon pero dahil inaantok at pagod na si Ziyan, kailangan ko na siyang pagpahingahin sa kwarto niya. Ako nalang ang haharap sa mga bisita kasi nakakahiya naman.

"Mommy..."

"Yes, baby?"


"I saw Daddy kagabi sa panaginip ko. He said he's coming home soon. I really miss him so much, aren't you?"  napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Nakapikit na siya at alam kong nagsasabi siya ng totoo.

"Of course, baby I miss him too. Well, he's coming home very soon. Hintayin nalang natin siya, okay? Marami pa kasi siyang kailangan tapusin. Sleep kana,"  ani ko at saka siya hinalikan sa noo.

Nang hindi na siya magsalita ay kinumutan ko na siya at tahimik kong nilisan ang kaniyang silid. Pagsara ko ng pinto ay napatigil ako nang muling sumagi sa isip ko ang sinabi niya kanina. Alam kong panaginip lang 'yon pero bakit parang iba ang pakiramdam ko kanina?


Inaamin ko, may part sa'kin na nagsasabing buhay pa si Zin.

Sa totoo lang, gabi-gabi niya akong dinadalaw at paulit-ulit lamang ang sinasabi niyang babalik daw siya.


Kaya hindi pa siguro ako bumibitaw kasi binibigyan niya ako ng pag-asa. Dahil sa bawat pagbisita niya sa'kin.



×××



"Aya! Tulungan mo 'ko!"

"Aya! Nagbalik siya! N-nagbalik... siya!"


"Kailangan n-niyong mag-ingat! N-nagbalik siya!"



NAPABALIKWAS ako nang bangon dahil sa isang masamang panaginip.


Napanaginipan ko si Yue at humihingi siya ng tulong sa akin. Hindi ko maintindihan pero hirap na hirap siya habang paulit-ulit niyang sinasabi sa'kin na mag-ingat kami dahil nagbalik siya.


Sino ang nagbalik na tinutukoy niya? Bakit kailangan naming mag-ingat?


Alam kong hindi iyon isang panaginip lamang dahil maaaring ginamit ni Yue ang kapangyarihan niya para humingi ng tulong sa akin. At kung totoo man ang lahat ng mga sinabi niya, kung gayon, nanganganib ang buhay nila ni Chen.

Bumangon ako at agad na nagtungo sa basement ng bahay namin. Kailangan kong tulungan sina Yue. Kung sino man ang tinutukoy niyang nagbalik, panigurado akong gusto nitong maghiganti at muling maghasik ng kaguluhan.


Sinigurado ko munang natutulog na nang mahimbing si Ziyan bago ko siya iwan. Naglagay rin ako ng proteksiyon sa kuwarto niya at sa buong bahay kung sakali mang may kalaban. Hindi siya pwedeng madamay sa kaguluhan na ito.


Alam ko. Ramdam na ramdam ko.

Nagbabalik na naman ang kasamaan.


Huminga ako nang malalim saka tumitig sa palad ko. Nagliwanag ang simbolo ng Hayana at alam kong nagpapahiwatig ito ng isang babala. Papalapit na ang kadiliman.


Hindi na ako nag-aksaya pa ng panahon at agad na nag-teleport papuntang Canada kung nasaan sina Yue. Napapikit ako nang mariin dahil sa malakas na enerhiyang dumadaloy sa buong katawan ko.

Maya-maya pa ay napamulat ako dahil sa tumatamang liwanag sa mukha ko. Nandito na ako sa Canada at tirik na tirik ang araw rito.

"Yue?! Yue! Nasaan kayo?! Nandito na'ko!"


Sumigaw ako nang sumigaw at nagpunta sa kung saan-saan upang hanapin sina Yue. Ginamit ko na rin ang kapangyarihan ko para mabilis kong matunton ang kinaroroonan nila. At hindi naman ako nabigo dahil natagpuan ko agad sila.

"Yue!"

"Aya?!"

Tatakbo na sana ako papalapit sa kinaroroonan ni Yue nang bigla akong tumilapon palayo. Isang malakas na enerhiya ang tumama sa akin kaya ako tumalsik.


"Aya!"

Magkagano'n man ay sinikap kong tumayo subalit hindi pa man ako nakakabawi ay agad akong natigilan.


Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Hindi ako makagalaw. Nananatiling nakatitig sa babaeng nasa harapan ko.



Ang babaeng nagsimula ng lahat.



Ang babaeng kumitil ng maraming buhay, kabilang na ang buhay ng mga taong mahal ko.



Ang babaeng naghasik ng kaguluhan noon.



Nagbalik siya.



Nandito na ulit siya.



Buhay siya.



Buhay si....






"Cassandra?"

;

Continue Reading

You'll Also Like

11.3M 506K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #02 ◢ Elysian Oracle - the oracle of Elysium, the highest oracle of the realms. The Alphas know it isn't over. The Gods are cons...
33.9K 2.4K 94
Highest Ranking: #19 in Historical Fiction (Sub-Genre) Pluma at Tinta 2020 First Placer in Fantasy category | Best in Blurb | Most Engaging Story | P...
521K 13.6K 85
(Completed) Book 1 of TCPAA: Most Impressive Ranking #3 Fantasy Genre As she steps into the academy, a wave of unfamiliarity engulfs her. "Why am I h...
176K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...