Pretend WIFE (COMPLETED)

By MrsPurin

626K 12.4K 495

(Czarina and Harland) "Marriage is a beautiful thing." Pero paano kung ang kasal ay dahil lamang sa isang kas... More

(Pretend Wife) I
(Pretend Wife) 2
(Pretend Wife) 3
(Pretend Wife) 4
(Pretend Wife) 5
(Pretend Wife) 6
(Pretend Wife) 7
(Pretend Wife) 8
(Pretend Wife) 9
(Pretend Wife) 10
(Pretend Wife) 11
(Pretend Wife) 12
(Pretend Wife) 13
(Pretend Wife) 14
(Pretend Wife) 15
(Pretend Wife)16
(Pretend Wife) 17
(Pretend Wife) 18
(Pretend Wife) 19
(Pretend Wife) 20
(Pretend Wife) 21
(Pretend Wife) 22
(Pretend Wife) 23
(Pretend Wife) 24
(Pretend Wife) 25
(Pretend Wife) 26
(Pretend Wife) 27
(Pretend Wife) 28
(Pretend Wife) 29

(Pretend Wife) Epilogue

36.1K 752 97
By MrsPurin

*2 years later* 

Nangingiti si Harland habang pinagmamasdan mula sa malayo si Czarina. Ngayon ang fans day nito, at dito rin ia-announce na ang pangawalang libro nito ang napiling gawan ng movie adaptation ng isang malaking film company ng bansa. 

He proudly stares at her from afar. Napakaganda nito! At 26, she is looking at her best. And she is very successful! Pati ang pagsasalita nito ay nagkaron na din ng kumpiyansa sa sarili, although every once in awhile, he would still see her blushing lalo pag pinupuri ito ng mga tao. 

"That's my retard! She is very beautiful, yet so unassuming and very humble." bulong ni Harland sa sarili. Pero pagkalipas ng ilang sandali ay muli ang paglamlam ng kanyang mata. God! She misses her. Pero halos isang taon na nang huli silang magkausap, at nang huli siyang magpakita sa babae. Nahihiya kasi siya dito. Nahihiya siya dahil sa lahat ng sakit at pagdurusa na dinala niya sa buhay nito dahil kontrata na siya ang may gawa. At parang kahapon lang, bumalik sa gunita ni Harland ang lahat.

****

Dalawang taon ang nakalipas na buong akala niya ay mawawala na sa kanya si Czarina. Natagpuan ito sa rooftop ng Bigwas building na walang malay, puno ng dugo at pasa ang buong katawan. Nang malaman niya ang kalagayan ng asawa, halos liparin na niya ang Pilipinas makauwi lang kaagad. They took the first earliest flight pabalik sa bansa. Habang si Henry Diaz naman at ang mga kasabwat nito ay mabilis din na nadakip dahil na rin sa tracking device na nasa loob ng bag na pinaglalagyan ng 100 million pesos. Nang mag-withdraw ang asawa, tumawag sa kanya ang manager ng banko at kinukumpirma ang transaksiyon. Although puzzled, and hurt-- sinabi na lamang niya sa mga ito na may permiso niya ang pagkuha ng pera. Humingi din siya ng pabor sa manager na kung maaari ay lagyan ng tracking device ang loob ng bag. Sa kabila ng pagtataka ang umayon ito sa kanyang kagustuhan, marahil dahil isa siya sa pinakamalaking depositor sa banko na yon. 

Sobrang sama ng kanyang loob. Ayaw niyang tanggapin na tama ang lahat nang iniisip ng mga tao kay Czarina, dahil alam niya sa puso niya, hindi ganon ang babae-- o nagkamali lang ba siya? Nang tinawagan niya ito para tanungin kung sapat na ba ang 100 million pesos, lalo siyang nasaktan ng tila kinumpirma nito ang kanyang kinatatakutan. Galit na galit siya, pero dahil lamang ang kanyang pagmamahal para dito, he still thought of keeping her kahit pa nalaman niya na she is just after his money all along. Nang tanungin niya ito kung minahal ba siya nito, at hindi ito sumagot-- parang paulit-ulit na sinaksak ang kanyang puso. Mas masakit kaysa noong iniwan siya ni Shane. 

He curse. He shout. He even thought of hurting his self. But when the anger subside, his heart is telling him na hindi iyon magagawa ni Czarina. That she is way better than that! Di ba nga't ilang beses na niya itong inalok ng pera? Maging ang kanyang Auntie Lorie, she lure her with a blank cheque, pero lahat ng iyon ay tinanggihan ng babae. 

With that faith, muli siyang tumawag sa banko upang tanungin kung nasaan na ang asawa ayon sa tracking device na nilagay ng manager sa bag. Noong una, sinabi nito na nasa Quaipo Church ito. Nang sumunod na report, nasa isang building daw ito-- bigla siyang kinutuban ng malaman niya sa tulong na din ni Luigi kung nasaan ang address ng building na na-trace tru the tracking device; napag-alaman nila na dati iyong opisina ng Bigwas Publishing Company na kanyang ipinasara matapos niya sampahan ng kasong libel.  Binili niya ang buong building, at pinatalsik si Henry Diaz. Plano niya sanang ituloy ang operation non sa susunod na buwan, and will retain all the employees except Henry Diaz. 

Agad siya nagpatawag ng pulis upang puntahan ang building, at doon nga natagpuan ng mga pulis si Czarina na walang malay. Ayon sa mga ito, halos di na makilala ang mukha ng babae dahil sa natamong hinihilang sampal, suntok at tadyak. She almost had a locked jaw, there are some broken ribs na, at maging ang likod nito ay puno ng pasa. 

Harland could have killed Henry kung hindi lang siya napigilan ng mga pulis. And worst, wala man lang nakitang remorse sa mukha ng lalaki, sa katunayan parang nasiyahan pa ito ng makita ang kanyang pagluha sa harap nito ng tangkain niya itong saktan. 

Halos isang linggo din na hindi gumising ang asawa. Ang sabi ng doktor, dahil iyon sa malakas na pagkakahampas o malakas na palo sa ulo nito.  

And while she was in the state of coma, Harland did one thing that he thought he will never do again, and that is to pray. Takot na takot siya, dahil kahit anong dami ng pera niya-- wala siyang magawa kundi maghintay sa paggising ng babaeng pinakamamahal. 

Sa pangawalang araw ni Czarina sa ospital, doon nalaman ng ama nito ang nangyari. Nag-alala pa si Harland sa kalusugan nito lalo't alam niya ang kalagayan ni Mang Caloy. Kasama niya itong nagbantay at naghintay kay Czarina na magising. 

Sa pang-apat na araw, dumalaw ang kanyang Lola Carmela at ang kanyang Mama Marissa na kalalabas lang din ng ospital. Ayon sa mga doktor, tinurukan ito ng pampatulog na may mataas na dosage kaya naman ng magising ito ay halos wala pang maalala. It took awhile for her to remember everything. 

"Czari, anak, salamat!" bulong ni Marissa sa asawa na wala pa ring malay at nakaratay lang sa kama. Hindi tuloy napigilan ni Harland ang pagtulo ng kanyang luha. If not for Czarina, sigurado siya na baka may nangyari ng masama sa kanyang mama lalo't wala na sa tamang katinuan si Henry. Sinalo lahat ng asawa ang sakit, at maging ang galit niya sa pag-aakala na pera lang niya ang habol ng babae. 

Sa pang-limang araw ay kumpleto pa rin sila na naroroon. Maging ang mga tao na pinakitaan ng kabutihan ni Czarina ay dumalaw sa asawa. Harland realized how lucky he is to have this woman in his life. 

Kinahapunan ay dumalaw din ang kanyang Auntie Lorie, and much to their surprise, kasama nito si Shane. 

"So, how is your wife? Or, should I say, YOUR PRETEND WIFE?" awtomatikong napatingin ang lahat sa kanyang tiyahin. 

"A-anong pinagsasabi mo, Lorie?" tanong ni Lola Carmela sa anak na nagpalipat-lipat ng tingin dito ay kay Shane. 

"P-please, Auntie Lorie, wag dito..." tangka niyang pigil sa kapatid ng ama. 

"Bakit, Harland? Ayaw mo bang malaman ng Lola at Mama mo ang totoo ha?" Auntie Lorie just smirk tapos ay sinenyasan si Shane. Mabilis naman na tumalima ang babae at inabot sa matandang babae ang isang broad sheet. Takang kinuha iyon ni Lola Carmela at binasa. Maagap itong naalalayan ni Luigi ng napaupo at tila nahilo dahil sa nabasa. Dinampot naman iyon ni Marissa na napaawang din ang bibig, pagkatapos ay inabot kay Harland. 

Nasa headline ang nangyari kay Czarina, ngunit kalakip din non ang isang intriga-- "Harland Forto's PRETEND WIFE?" Nagtagis ang kanyang mga bagang na napatingin sa dalawang babae. Si Shane ay mabilis na nagyuko ng ulo, na iba naman kay Auntie Lorie na taas noo pa rin sa lahat as if she's doing a favor to all. 

"What this girl did was so heroic, if only she didn't do it for a show..." taas kilay itong lumapit sa nakaratay na babae. 

"Sandali! Hindi ako marunong mag-Ingles, pero naiintindihan ko ang sinabi mo tungkol sa anak ko." biglang nagsalita si Mang Caloy na naguguluhan sa mga nangyayari.

"Ahh, so you're the father of this girl, huh? Well, good that you're here, too. Para naman marinig ng lahat kung gaano kayo ka-oportunista mag-ama." ang matandang lalaki naman ang binalingan ni Lorie, looking at him from head to toe. 

"Stop it, Auntie Lorie..." maagap na pigil ni Harland sa tiyahin. Habang si Lola Carmela naman ay pinapakalma nila Luigi at Marissa dahil sa nalaman. 

"Hindi, gusto kong marinig, Harland. Wala kaming ginagawang masama ng anak ko. Oo't mahirap lang kami, pero hindi kami oportunista gaya ng binibintang ng tiyahin mo." halata sa mukha ni Mang Caloy ang pagpipigil ng nararamdaman. Nag-aalala itong tinapunan ng tingin ni Harland. 

Si Auntie Lorie naman ay pumalakpak at tumawa ng nakakaloko. "Mahusay! Kasing galing ka rin pala umarte ng anak mo. Alam mo ba na ang kasal ng pamangkin ko diyan sa anak mo ay isa lamang kontrata? A contract that will only last for 2 years. In return, ipapaubaya na ni Halrand ang lupa nyo sa Sampaloc, and your daughter will receive good amount of compensation.." 

"H-hindi totoo yan..." 

"Oh please, stop it! Stop acting. For all we know, ikaw ang nag-udyok sa anak mo na magpakasal sa pamangkin ko para makuha ang gusto nyo. Well, I wouldn't be surprised din kung kasabwat kayo ng Henry Diaz na yan para makakuha ng malaking pera sa pamilya namin. I know your kinds, kayong mahihirap, dahil sa kawalan ng pera kahit manghuthot at gumawa ng masama kakapitan nyo." 

"Hindi totoo yan! Hindi ganyan ang anak ko." pigil ni Mang Caloy sa ano pa mang sasabihin ni Auntie Lorie, pagkatapos ay binalingan si Harland habang nakakuyom ang mga palad. "H-harland, totoo ba ang sinasabi ng babaeng 'to?" tanong nito sa kanya. 

"T-tay.." puno ng pag-aalala na sambit niya. 

"Sagutin mo ang tanong ko!!!" pasigaw na tanong muli ng matanda. Harland has no choice but to nod his head. The next thing he knew, isang malakas na sapak ang tumama sa kanyang mukha mula sa ama ng asawa. Muli pa sana siyang sasapakin nito, pero bigla-bigla na lamang ay napaupo ito na hawak ang dibdib at tila nahihirapan sa paghinga. 

"T-tay? Tay? Tay!!" agad na dinaluhan ni Harland si Mang Caloy. Si Luigi naman ay tumawag ng doktor. 

Mabilis na dinala sa operating room ang matandang lalaki. Labis ang pag-aalala ni Harland habang naghihintay sa labas. He could only pray na sana ay walang mangyaring masama sa ama ni Czarina kundi ay hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili. 

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Czarina slowly open her eyes. Nakakabulag na liwanag ang sumalubong sa kanyang mga mata. She had to close her eyes again, bago muling sinubukan na dumilat, trying to adjust from the bright light. At nang tuluyan na siyang makadilat, puro puti ang kanyang nakikita. May naramdaman siyang nakahawak sa kanyang kaliwang kamay. Ibinaba niya ang tingin para tingnan kung sino ang nakahawak sa kanya. Napangiti siya ng makita ang nakatungong asawa, sa tingin niya ay tulog ito dahil na rin sa pag-angat't baba ng mga balikat nito. 

"Y-your Highness." sa nahihirapang tinig ay tawag niya sa lalaki. Ginalaw niya ng bahagya ang kamay, kaya naman agad na nag-angat ng tingin si Harland. Shocked was on his face, pero pagkaraan ng halos dalawang segundo, nang masigurado na talagang gising na siya-- mabilis itong tumayo na napalitan ng kaligayahan ang mukha. Agad itong tumawag ng nurse at doktor. 

"Czarina, you're awake now! Gees, thanks God!" ginagap nito ang kanyang mga palad at dinala sa mga labi nito. "A-anong g-gusto mo? Food? Drinks? Tell me, dear!" 

Napangiti si Czarina. "T-tubig na lang! Nauuhaw ako." mahina niyang sagot sa asawa. Si Harland naman ay parang natataranta na pinagbuksan siya agad ng mineral water. Inalalayan niyang makatayo ang babae para makainom. 

"T-thank you! Feeling ko uhaw na uhaw ako." sabi ni Czarina habang muli niya itong inalalayan na makahiga. 

Pumasok ang doktor at ang nurse para i-check ang babae. Ibinilin ng una na hindi muna pwedeng kumain ng solid foods si Czarina for another 2 hours, pero pinayagan nito ang soup. Kaya naman agad na tumawag si Harland kay Luigi upang magpahanda ng soup para sa asawa. 

"H-harland, yung nangyari--" 

"Ssshhh! Alam ko na. You don't have to explain. And I'll make sure that Henry Diaz will rot in jail." pigil niya sa sasabihin nito ng makalabas na ang doktor. 

"S-sabi niya, you caused so much pain to his family. T-that you were the reason kung bakit nalugi ang kumpanya ng father niya, a-at maging ng kumpanya niya. That you smashed his company b-because of what he had written about me." 

Lumapit si Harland sa babae at masuyong muling ginagap ang palad nito. "I-i am not proud of what I've done, p-pero business world is really not for the weak, dear. His father's company was already in the merge of bankruptcy even before I came into the picture. I bought it since I thought it was a promising industry. I wasn't aware of his father's medical condition, and next thing I knew-- he commited suicide. Though I feel sorry for his death, but we really go by the nature of the beast. 

As for Henry Diaz' distorted view against me, I really couldn't care less. Over the year, he would published some juicy gossips about me, which I just chose to ignore. Bukod sa akin, marami pa siyang sinisiraan na mga tao in exchange of a good amount. His publishing company has always been the source of demolition job against some people, including me. P-pero, when he wrote a malicious gossips about you, that's when I reacted and confronted him. I even warned him to spare you out, but he didn't do that. Kaya naman I filed a libel case against sa kanya, and encourage some people I know to do the same. I used all the power that I have to get his company. My aim isn't to demolished it but to reform." paliwanag niya sa asawa. Muling naiyak si Czarina sa mga narinig. Akala niya kasi ay mamamatay na talaga siya sa kamay ni Henry Diaz; yun pala ay dahil lamang sa mga maling hinala nito laban sa asawa. 

"O-okay na ba si Mama Marissa?" pagkuwa'y tanong niya. Pinahid niya ang luha gamit ang likod ng kanyang mga palad. 

"Yes! Thanks to you. During the time that you were in comma, nandito sila ni Lola Carmela, umuwi lang sila, pero for sure babalik din yun." 

"Ganon ba? Eh, ang Itay ko, hindi ba siya dumalaw dito?" tanong niya muli sa asawa. Sigurado siya na nag-aaala na ang ama, lalo at malamang na nasa mga pahayagan ang nangyari sa kanya. Pinagmasdan niya si Harland na tumahimik at tila nagbago ang ekspresyon ng mukha. "Uy, Your Highness, tinatanong kita. Dumalaw na ba dito ang itay ko?" 

"C-czarina..." sambit nito sa pangalan niya na puno ng pag-aalala ang tinig. Bigla tuloy nakaramdam ng kaba ang babae. 

"Bakit ba? Ano bang nangyayari? Ano bang nangyari sa Itay ko, Harland? Hindi ba siya dumalaw dito? O, umuwi muna siya para magpahinga? Sigurado ako nagbantay yun ng matagal.." 

"C-czarina...." 

"Ano bang Czarina ka ng Czarina? Hindi pa ba dumadalaw ang Itay ko? Sabihin mo na, hindi naman ako magagalit eh." 

"K-kasi... m-magpahinga ka muna..." 

"No! Tell me, nasaan ba kasi ang Itay ko? Nagagalit na ako, Harland! Di na ako nakikipagbiruan ha!" hiyaw niya sa asawa. Now, she is really shaking, pakiramdam niya kasi ay may itinatago sa kanya ang lalaki. 

"K-kasi, y-your f-father, your father already passed away..." 

"What????? Nooooooooooo!!!!" parang bombang sumabog iyon sa kanyang pandinig. Nakaramdam na naman siya ng pagkahilo't panlalabo ng paningin, at muling nawalan ng malay. 

-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Yun na ang naging huling pag-uusap nila ni Czarina. Nang muli itong magising ay nagpumilit ito na umuwi sa kanila. God knows how much Harland wanted to be with her side, pero natakot siya. He knows that he was the one responsible in inflicting so much pain in her life; sa babaeng kanyang pinakamamahal. At higit sa lahat, nahihiya siya kay Mang Caloy. He promised him to never make his daughter cry, yet halos lahat ng luha ni Czarina ay dahil sa kanya. 

Naalala pa niya ang sinabi ng asawa ng bigla itong sumulpot kasama si Charles sa press conference na ang kanyang Auntie Lorie ang may gawa. Her tears seems to already run dry, yet makikita pa rin ang tanda ng mahaba at walang tigil nitong pag-iyak dala ng pagkawala ng ama nito. Gustong-gusto niyang yakapin at halikan ang babae, pero tila iniwasan nito na magkasalubong ang kanilang tingin. 

"Anong kasalanan ko sa inyo ha? Anong kasalanan namin sa inyo?! Bakit kailangan nyong gawin iyon sa Itay ko?" matigas na sigaw nito, which made everyone on that room speechless. Puro flash lang ng camera ang maririnig. "Akala ko dahil mayayaman kayo, akala ko mas disente kayo. Pero mali pala ako, dahil mas masahol pa kayo sa aming mahihirap na inaalipusta nyo. Mayaman nga kayo, pero mga wala kayong puso't kaluluwa. And remember this, hinding-hindi ko gugustuhin na sumama sa impyernong kinalalagyan nyo, sa impyerno na pera lang ang mahalaga." pabalibag nitong inihagis ang isang brown envelope sa harap nila ni Auntie Lorie. 

"C-czarina..." mahina niyang tawag sa pangalan ng asawa. Akma niyang susundan sana ito, pero ng lumingon ito sa kanya ay puno ng sakit ang mga mata ng babae. Pain and sufferings that is all because of him. Napapikit si Harland at hinayaan na lamang na umalis ang babaeng pinakamamahal. 

******

And now, 2 years after, muli niyang pinagmamasdan si Czarina mula sa malayo. She is now smiling, and laughing. Malayong-malayo sa Czarina na huli niyang nakita noong araw ng press conference. All these years, he may not able to talk to her, pero palihim niyang sinubaybayan ang buhay ng babae.

Palihim din niyang kinausap ang kanyang kapatid na si Charles para subaysayan ang asawa. Czarina trust him, kaya naman kahit nakakaramdam siya ng selos, alam niyang ang kapatid lang ang kanyang magiging pinakamalapit na radar sa babae. Although kinakausap pa rin naman nito ang kanyang Lola Carmela at Mama Marissa, hindi pa rin magawa ni Harland na lapitan ang asawa. Pakiramdam niya ay palagi nitong maaalala sa kanya ang lahat ng sakit. Natatakot siyang marinig na kinamumuhian siya nito. 

Nang malaman niya na gustong bumalik ng babae sa pag-aaral, kinausap niya si Charles para hikayatin ito na sa America mag-aral. He secretly finance her study. Nagkasya na lamang siya sa mga padalang pictures at videos ng kapatid sa kanya. At sa tuwing makikita niya ang panunumbalik ng ngiti ni Czarina, pakiramdam niya'y kahit paano nawawala ang guilt na nasa kanyang puso. 

Natapos nito ang kursong Comparative literature. Agad din itong nakakuha ng magandang trabaho sa isang malaking kumpanya roon sa America. But, early last year, she chose to go back to the Philippines, and published a book. Naging successful iyon, at nagkaroon pa nga ng napakaraming awards. 

And Harland has always been her secret fan. Kahit nasaan ito, naroroon din ang lalaki. He is secretly following her. Ilang beses na gusto niyang lapitan at kausapin ang babae, pero lagi na ay nauunahan siya ng takot. At kahit pa sabihin sa kanya minsan ng kanyang Lola Carmela at Mama Marissa na kinukumusta siya ni Czarina, hindi pa rin maalis ang pangamba sa puso. 

But when her second book got published, and was release-- nakaramdam ng pag-asa si Harland. Pinagmasdan niya ang hawak na libro. Napangiti ang lalaki, Czarina's second book is entitled, "Pretend WIFE", the same title of the article na lumabas dati nang pumutok sa madla ang kanilang contract marriage. At nang binasa niya ito, hindi ito tapos. Malabo ang ending. Czarina wrote at the of the story that the ending might have happen in Book 2-- and it will all depends on one person. 

Hindi siya sigurado, pero pakiramdam ni Harland-- siya ang tinutukoy nito. Na ang katapusan ng kanilang istorya ay nakasalalay sa kanya. Muli siyang napatingin sa entablado kung saan nakaupo ang babaeng pinakamamahal. His retard, his lifeline, his Sunshine. The woman he sincerely love, the woman who have changed his life and his perspective. Mahigpit na hinawakan ni Harland ang libro, sana ay tama siya-- sana ay may puwang pa rin siya sa puso nito. 

"That was a very wonderful dance number from Czarina's angel. Thank you, girls!" pahayag ni Charles na siyang tumatayong manager at host nga ngayon sa fans day ng babae. Kakatapos lang sumayaw ng isang grupo ng mga fans nito. May ilan na naghanda din ng tula at kung anu-ano para sa kanilang iniidolo. 

"Oh, we have a very special number from Ms. Czarina's number one fan." maya-maya ay sabi ni Charles sa mic. Naiiling na lamang si Czarina ng maupo sa harap ng piano ang kaibigan. She knew it, hindi magpapatalo ang lalaki sa kanyang mga tagahanga. For so many years, he has been claiming to be her number one fan. 

Nagsimula itong tumugtog ng piyano. Czarina can't help but to smile. Meron siyang isang tagpo na naaalala habang pinagmamasdan ang patugtog nito; a particular scene that will forever etched in her memory. 

Nagulat pa siya ng mahati sa gitna ang tila dagat ng tao sa ibaba ng stage na gustong makuha ang kanyang autograph. Napakunot ang kanyang noo, at nagtatakang napatingin muli kay Charles. Ngumiti lamang ito sa kanya, and he mouthed to her, "BE HAPPY!" Lalo tuloy siyang nagtaka. And when someone starts singing, awtomatikong napabalik ang kanyang atensiyon sa ibaba. Napaawang ang kanyang bibig ng makita ang isang lalaki na papalapit sa kanyang kinaroroonan na may hawak na mic. Ang lalaki na pinangarap niyang makita sa loob ng dalawang taon. Ang lalaki na kahit isang saglit ay hindi niya nakalimutan how much she tried. Si Harland! He is just on his casual clothes, pero hindi man lang yun nakabawas sa kagwapuhan nito. Tumigil ito sa gitna, and started singing. 

It feels like a lifetime

A thousand days have passed by

Since I held you close to me

If I could see that smile from my friend

I know that I could live again

I need you here with me

Heaven knows what to say

Even though for right now youre so far away

I hope and I pray

Somewhere in your heart I'll always stay

Isa-isang umakyat ang mga tao at inabutan siya ng iba't-ibang kulay ng mga rosas habang patuloy sa pagkanta si Harland. 

Girl, lately my sun doesn't shine without you

Never noticed what it feels like to be without you

Feels like I took my last step

And my last breath in my life ending

Had to say just what I was feeling, girl

Cause my sun doesn't shine

Sun doesn't shine without you

Muling napaawang ang bibig ni Czarina ng bumukas ang malaking electronic billboard na nasa likod ng lalaki. Mula doon, lumabas ang isang parang music video na kinuha mula sa scenes ng sinulat niyang libro gamit ang mga pictures nila ni Harland. 

This is more for me than for you

Girl, I finally see there's no substitute

For what we have

Do you know how much I love you

And that we shared, I can't forget

Girl a love like yours

I'll never let just slip away,

Just promise that you'll stay

Heaven knows what to say

Even though for right now you're so far away

Gonna tell you and show you

Do whatever I can do to get back to you

Girl, lately my sun doesn't shine without you

Never noticed what it feels like to be without you

Feels like I took my last step and my last breath and my life ended

Had to say just what I was feeling, girl

'Cause my sun doesn't shine, sun doesn't shine

Without you

She is so speechless. Lalo ng biglang umakyat sa stage si Harland, and to her surprised-- he went down to his knees. Lumuhod ito sa harap niya. His eyes, oh his eyes! Sa mga mata ng lalaki, she sees pain, regrets, asking for forgiveness and most of all, LOVE. 

Have you ever seen a flower that never bloom, seen a starless night without the moon, well that's me without you, so come back and turn my nights into days.

Girl, lately my sun doesn't shine without you

Never noticed what it feels like to be without you

Feels like I took my last step and my last breath and my life ended

Had to say just what I was feeling, girl

'Cause my sun doesn't shine, sun doesn't shine

Without you.... 

Ang mga katagang iyon, as if saying it to her. Czarina found her self crying! All these years, sinubukan niyang magalit, but how can she stay mad to someone that she truly and honestly love? Someone na kahit kailan, walang ibang ginawa kundi protektahan siya. Isang tao na sa kabila ng kanyang masasakit na nasabi, pinag-aral siya. Oo, nalaman niya mula kay Charles na ito ang nagpadala at sumagot sa kanyang pag-aaral sa America. For her to start anew. And she did! Nang magbalik siya ay ginusto niya itong kausapin, pero iniwasan siya ng lalaki. She didn't know how to reach him. Until this! 

Napatingin siya muli sa malaking electronic billboard. Binasa niya ang naroroon-- TO BE CONTINUED! Maang siyang muling napatingin sa lalaki na tumayo na ngayon mula sa pagkakaluhod, and now smiling from ear to ear. 

"I've read the book. And you mentioned that the ending will all depends on someone. I'm not a writer, pero I think I have an idea kung paano tatapusin ang story mo. But before that, pwede ba munang magpa-authograph?" inilapag nito sa harap niya ang kanyang libro. Akmang pipirmahan iyon ng babae, pero mabilis siyang pinigilan ni Harland. "Oopps, hindi diyan! I need your signature here." isang papel muli ang inilapag nito sa kanyang harap. 

Puno ng pagtataka niya itong tiningnan at binasa, "Marriage License Application". Nakasulat din doon ang pangalan niya at ni Harland. Awtomatiko siyang muling nag-angat ng tingin sa lalaki. 

"This is how I'm going to end your story; OUR story! I want to seal everything, this time -- honestly, truthfully and genuinely. Marry me again, retard! And I promise, this time, no more pretending." buong pagmamahal na pahayag ni Harland. 

She is speechless. Hindi niya alam ang sasabihin. Nagpalipat-lipat ang kanyang tingin dito, at sa papel na nasa kanyang harap. Maging ang mga tao ay hindi halos huminga, pero pagkalipas ng ilang minuto-- she inked her name on the contract-- now, a real and honest contract. 

Masigabong palakpakan ang sumunod. Si Harland ay mabilis na lumapit sa kanya at inalalayan siyang makatayo. He cupped her face; ahh, his Czarina! And slowly, their lips met. Pakiramdam ng babae ay yun ang pinakamatagal na dalawang minuto ng kanyang buhay. Longest, yet most thrilling and exhilarating 2 minutes of her life. 

"Thank you, Czarina! Thank your for coming back to my life. Thank you for accepting me again. And most of all, thank you for loving me, too. I love you so much!" puno ng pagmamahal na sabi ni Harland sa babae ng tuluyan maghiwalay ang kanilang mga labi. 

"I love you, Your Highness! It has always been you, and will always be you. Let's forget the past, come and look ahead with me for now until forever." masuyong pahayag ni Czarina. Muli silang nagyakap.

Ang pag-ibig na nagsimula sa isang kasunduan; na ang buong akala nila talo ang unang ma-in love -- but now, as they find themselves wrapped in each others' arms, they both realized na wala naman talagang natatalo sa love. Yes, it may not always as blissful as they want to be, and sometimes, it would even test how far you can go-- but at the end of the day, pag yakap mo na ang taong pinakamamahal mo, everything will all be worth it, and so you will always feel like a winner. 

                                                      -----THE END----

(P.S: Never settle for luke warm, mediocre kind of love. Sabi nga, we already have so many mediocre things in the world, love shouldn't be one of them. Find someone who excites your heart, who talks about you as if you put stars in the sky, and most of all, someone who will make you feel that love is beautiful. Love all you have, guys! -- J) 

Continue Reading

You'll Also Like

7.3K 103 40
Sa pag mamahal ba kaylangan ng SEX? PUWEDING Pagmamahal nalang? Hindi ba sapat ang Pag mamahal ko sayo? Ako si Natalie isang babaeng ha...
Connection By Ara

Fanfiction

113K 2.1K 19
They told me to be grateful for the roof above my head, food on my table, affording hundreds of thousands of tuition fees, and all the other luxuriou...
608K 16.1K 42
When things look like falling to their proper places, their fate is not that kind enough. Enjoy reading! BurningRain's Originals.
489K 12K 29
Book1: Seducing my Fiancé (Completed) by NyllelaineNyeNight Magwork kaya ang pang-aakit ni Jazmine sa mailap na puso ng kanyang Fiancé? O susukuan n...