(Pretend Wife) 26

18K 389 21
                                    

"Czari, ang dami pa ring press sa labas!" nag-aalalang sabi ni Teacher Miles na kanina pa pasilip-silip sa bintana ng pre-school na yun. Huminga ng malalim si Czarina. Hindi niya alam paano nalaman ng mga ito na dito siya nagtuturo. 

Nang umalis siya dalawang gabi na nakakaraan sa unit nila ni Harland, sa bahay siya ni Teacher Miles nakituloy at hindi sa kanilang bahay sa Sampaloc. Hindi niya gustong mag-alala ang kanyang Itay, lalo ayaw niyang makahalata ito sa kanilang kasunduan ni Harland. Kilala siya ng kanyang ama, at kaya nitong when there's something wrong. 

"Ewan ko ba! Ganito na lang, doon na lang kayo ng mga bata dumaan sa likod ha! Lalabas ako para lahat ng atenisyon nila mapunta sa akin, tapos lumabas na kagad kayo sa likod. Okay?" aniya. Dinampot niya na ang mga gamit, at inilagay lahat sa shoulder bag. 

"Eh paano ka? Baka masaktan ka, ang dami niyan oh." concern na tanong sa kanya ng kaibigan. She smiles, tapos ay tinapik ang balikat nito. 

"Don't worry about me! Basta ilayo mo na ang mga bata. Text mo agad si Mang Berting para ilagay yung van sa likod. Ok?" tumango lang ang babae ngunit mababakas pa rin ang pag-aalala sa mga mata. 

Lumabas si Czarina. At, tama nga si Teacher Miles, dahil as soon as makita nila na bumukas ang pinto-- pasugod na tumakbo ang mga press patungo sa kanya. Lahat ay gusto siyang ma-interview, halos madunggol na nga siya ng mga mic at camera ng mga ito. 

Czarina just waived her hands bilang pagtangging sumagot sa mga katanungan nito. But the press are so persistent. Halos maipit na ang babae sa pagkakagulo nito. Meron pa nga na humahawak sa kanyang braso, and even pulled her hair. Akala niya ay magiging madali lang na iwasan ang mga ito, pero nagkamali pala siya. 

"Totoo ba na maghihiwalay na kayo ni Mr. Forto?" 

"What can you say na pera lang daw ang habol mo kay Mr. Forto?" 

"Paano kayo nagkakilala ni Sir Harland?"

Sunod-sunod na tanong ng mga ito. Walang balak na sagutin ni Czarina ang mga tanong na iyon, pero nagulat siya ng biglang may yumakap sa kanyang hita-- nang tingnan niya kung sino, isa sa kanyang mga estudyante, si Julius. 

"J-julius! What are you doing here?" tanong niya sa bata. 

"Bad sila teacher! Away ka nila." salubong ang kilay ng batang lalaki na halatang galit sa mga tao na dumudumog sa kanya. Bubuhatin pa lang sana niya ito ng muli silang itulak ng mga press dahil sa pagsisiksikan ng mga ito na makakuha ng larawan niya, naging dahilan iyon para maipit at matumba si Julius. 

Nanlaki ang mata ni Czarina ng makita ang nakahigang bata. "Tama na!! Tama na!! Nasasaktan na yung bata." sigaw niya, pero tila walang naririnig ang mga press. Nang may isang cameraman na halos tapakan na ang bata, mabilis na lumuhod dun si Czarina ay niyakap si Julius, kaya naman siya ang natapakan, naging dahilan iyon para ma-out of balance ang cameraman na iyon at mabitawan ang hawak na malaking camera. 

Napapikit na lamang si Czarina at itinakip ang sarili sa bata, covering his head. She was already sure na tatamaan na siya ng mabigat na bagay na iyon, pero halos isang minuto na siyang nakapikit ay walang tumama sa kanya. Napansin din niya na tila nanahimik ang mga tao. She slowly open her eyes and glanced up-- only to see Harland covering her, at ang camera na dapat ay tatama sa kanya ay nasa sahig at wasak na. Silla Luigi at mga kasamahan naman nito na bodyguards at itinutulak palayo ang mga press. 

"H-harland?" halos walang lumabas na salita sa bibig niya. 

"Retard! Why are you just sitting there like a pathetic puppy?' masunget na sabi nito. Medyo nalukot pa ang mukha nito nang igalaw-galaw ang kanang braso. 

Pretend WIFE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon